Kinabukasan din ay tinupad ni Shaun ang kasunduan na ibabalik na sa kan’ya ang cellphone. Sabik niyang binuksan iyon. Tadtad iyon ng mensahe na hindi naman pinakialamang buksan ng lalaki.Bukod doon ay ginawa din nito ang sinabing sasamahan sila sa pagbisita sa kan’yang ama.Ang totoo ay parang nagdadalawang-isip siya. Hindi naman sa ayaw niya nang bisitahin ang ama ngunit nag-aalala siyang baka naroon ang dalawang nakakatandang kapatid na babae at baka sugurin si Shaun dahil sa galit dito.Hindi niya naman masisisi ang mga ito, ngunit gusto niya lang mag-ingat. Baka mapurnada pa ang kan’yang plano kapag nagkataon.Gayunpaman, natagpuan niya na lang ang sarili na nakaupo na sa harapan ng sasakyan habang kalong-kalong si Kean. Ang isa pa’ng kambal na si Sean ay nasa likod kasama si Tere, na pinasama ni Shaun upang may makatulong daw s’ya sa pag-aalaga sa bata sa byahe, kahit kayang-kaya niya naman na s’ya lang.“Liliko ka d’yan.”Paalis pa lang sila ay sinabi niya na dito ang address n
Sabik si Cianne na makakwentuhan ang ama kagaya nang pagdaldal ng kambal dito, ngunit hindi niya magawang maging komportable sa sariling pamamahay. Naiilang s’ya sa presensya ni Shaun sa harap ng kan’yang ama, kahit pa mabait naman ang pinapakita nito.Maraming pinahandang pagkain para sa pananghalian ang kan’yang ama. Kagabi pa lang kasi ay tinawagan niya na ito para sabihin na bibisita sila ng mga anak. Kahit hirap gumalaw ang kan’yang ama at bahagyang nanghihina na din dahil sa mga komplikasyon dulot nang pagkaka-stroke ay hindi pa din ito pinanghihinaan ng loob. Naroong nag-the-theraphy pa din ito, at palaging nakikihalubilo sa mga kasama sa bahay.Gayunpaman, labis-labis ang pagsisikap nilang magkakapatid na huwag itong mabigyan nang kahit anumang sama ng loob. Kaya kahit maliit na problema sa kompanya ay hindi nila sinasabi dito. Sinisikap nilang resolbahin iyon sa alam nilang paraan.Kaya ang presensya ni Shaun sa pamamahay nila ay labis niyang pinag-aalala. Hindi niya nasabiha
Wala naman masama kung sasabihin na ni Shaun sa kan’yang mga anak na ito ang tunay nilang ama, ngunit abot langit pa din ang kaba ni Cianne nang maiwan silang apat sa playroom ng mga bata.Pagkauwi ni Shaun galing sa trabaho kinabukasan ay inaya na siya nito’ng kausapin ang tatlong gulang na mga anak.Ang totoo ay natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Kung mauunawaan ba ang sasabihin nila? Magtatampo ba o matutuwa?Hindi pa nagtatagal ay tuluyan na ngang sinabi nito na siya ang tunay na ama sa mga bata.Sa lahat ng reaksyon na kagabi niya pa iniisip ay ‘ni isa walang pinakita ang dalawa.Tulala lang ito kay Shaun at pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na sa paglalaro. Tila wala itong naintindihan sa narinig.“Mga anak, si Daddy Shaun ang inyong tunay na ama.” Tinagalog niya pa ang sinabi ni Shaun kahit naturuan niya naman ng basic english ang mga anak.“We know po mom, that’s why we called him dad,” saad ni Sean.“And we looked like him,” dagdag ni Kean.Pareho silang nag
“What’s this?”Umagang-umaga ay nakasimangot na mukha ang sinalubong ni Shaun kay Cianne nang abutan niya ito ng papaitan.“Maganda ‘yan para sa hang-over.”Maaga siyang gumising para lang ipagluto ang binata.Hindi siya concern dito, bagkus ay nagsisimula na siyang isakatuparan na makuha ang loob nito.Naiiling na tinabig ni Shaun ang mangkok. Halata sa mukha na hindi maganda ang gising nito.“Just tell Manang to bring me coffee.”Nakabihis pang-opisina na ito kahit maaga pa sa oras nang alis. Karaniwan kasing hinihintay muna nito ang mga bata bago ito mag-agahan.“Ako na lang ang magtitimpla,” pagboboluntaryo n’ya. Siya naman talaga ang nagtitimpla ng kape para dito hindi niya lang alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito.“Do as I say,” maotoridad nitong sabi na nagpatahimik sa kan’ya.Mas lalo niya pa’ng napagtantong seryoso nga ito at hindi lang nagsusungit nang dali-daling kumilos si Manang Alice para sundin ang sinabi nito.Iniwan niya na lamang ang lalaki doon. Say
“I made you lunch!”Nagpaskil ng malaking ngiti si Cianne nang maabutan niya sa hapag-kainan si Shaun kasama ang mga bata na kumakain ng almusal.Maaga siyang gumising para ipaghanda ang lalaki ng pananghalian nito.Kahit pa hindi nito ginalaw ang hinanda niyang pagkain kahapon ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Iyon lang naman ang tanging alam niya para mapaamo ang masamang tupa. Pakainin ito.Ang kislap ng mga mata nito ay nawala nang bumaling sa kan’ya ang mga tingin. Bukod sa lunchbox na nilagay niya sa lamesa ay nagdala din siya ng kape para dito.“Sa’yo na ‘yan. May kape na ako.”Saka niya lang napansin ang isang tasa ng kape na nangangalahati na nito.“Mas masarap ‘to kaysa sa timpla ni Manang,” pagbibida niya kahit hindi niya pa man natikman ang timpla ni Manang Alice.Hindi siya nito pinansin bagkus ay tinuon sa mga bata ang atensyon.Hindi na siya nagpumilit na ipaubos dito ang kape dahil baka nerbyusin naman ito. Mas mabuti nga sana iyon para kabahan naman ito sa ginagawa sa
“Wait, baon mo.”Isang linggo na s’yang pinapabaunan ni Cianne, ngunit ‘ni isang beses ay wala siyang sinubukang kainin. Kung saan iyon nilagay ng dalaga sa kotse ay doon din iyon nakalagay hanggang sa pag-uwi. Walang bawas kahit katiting man lang. ‘Ni hindi n’ya nga iyon binuksan man lang.Hinilot niya ang sintido habang binabasa ang mga papeles sa kan’yang desk. Hindi pa nangangalahati ang araw pero sumasakit na ang ulo niya. Paano’y nahihirapan siyang kumbinsihin ang may-ari ng furniture shop sa kabilang lungsod na ibenta ang shop nito sa kanila.Kung siya lang ay susuko na s’ya sa pagkumbinsi dito at maghahanap na lamang ng iba o magtatayo ng bago tutal ay kayang-kaya naman nila iyon, subalit sadyang kakaiba magpatakbo ng negosyo ang kan’yang lolo. Ayaw nitong may kakumpetensya kahit maliit ay tinitira.“Tandaan mo, mas nakakapuwing ang maliit na insekto.”Simula nang bata pa ay binuhay na siya ng ina na puno ng pangaral tungkol sa kabutihan. Pakiramdam niya ay sinusuway n’ya ito
“Be good boys, okay?” Paalam niya sa mga bata bago siya lumabas ng mansyon.Hindi niya sigurado kung maaga siyang makakauwi, o kinabukasan na. Depende kung mapapapayag niya ang may-ari ng shop na si Mr. Fuerte na ibenta ang negosyo nito sa kanilang kompanya.Sumakay na siya sa kotse. Siya lang mag-isa ang pupunta sa Pili City. Hindi niya na sinama ang sekretarya, dahil maraming trabaho ang naiwan niya sa opisina para lang sundin ang utos ng kan’yang lolo.Bumaling ang tingin niya sa passenger seat, pagkatapos ay sa pintuan ng mansyon. Himalang walang pabaon na pagkain si Cianne. Hindi rin ito sumabay sa kanila sa agahan at hindi niya pa ito nakitang lumabas ng kwarto simula nang magising siya. Marahil ay napikon nga ito sa nangyari kagabi.Bumuntong hininga siya. Mas mabuti nga iyon, kahit papaano’y tahimik ang umaga niya.In-start niya na ang kotse at handa na sana’ng umalis nang may biglang kumatok sa may passenger seat.Tamad niyang binaba ang bintana habang tutok ang mga mata sa u
Huminto sila sa tapat ng isang convenience store.“’Wag mo na ako’ng hintayin. Uuwi na lang ako para hindi ka na maabala,” paalam ni Cianne sa kan’ya nang pababa na ito ng sasakyan.Tumaas ang pareho niyang kilay. Hindi kaya nagpapalusot lang ito para hindi niya na isama?“I’ll wait for you here.”May oras pa naman.Tuluyan nang bumaba si Cianne sa kotse. Una niyang napansin ang tuldok ng dugo sa pantalon nito. Hindi rin ito komportableng maglakad kaya hindi na siya nagdalawang isip pa’ng lumabas ng kotse at tawagin ito bago pa man makalayo.Nagtataka ito’ng bumaling sa kan’ya.“The usual brand? Ako na ang bibili.” Kusang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.Wala sa sariling tumango si Cianne. Kukuha sana ito ng pera sa wallet pero nakaalis na siya at dali-daling pumasok sa convenience store.Hindi na siya nahiyang gawin iyon dahil noon pa man ay siya na ang bumibili ng pad nito sa tuwing hindi ito nakakadala ng extra kapag nasa labas at dinadatnan. Nakakapanibago nga lang dah
Matapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang
Nilaan ni Shaun ang natitira sa buong araw sa puntod ng kan’yang kakambal at ina. Kwenento niya lahat ng nangyari, at kahit papaano ay gumaan ang kan’yang pakiramdam.Kinabukasan, bitbit ang pulonpon ng rosas, ay nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Cianne. Hindi na siya nag-abala pa’ng tumawag o magpadala man lang ng mensahe dahil natatakot syang baka hindi rin nito sagutin.Nakakailang door bell na siya at busina ngunit walang nagbubukas ng gate. Nakakapanibago iyon dahil nasanay siya na isang pagkatok lang sa gate ay may nagbubukas na.Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa restaurant ng babae. Sa labas pa lang ay sinipat niya na ang mga kotseng nakaparada ngunit wala doon ang sasakyan na pagmamay-ari ni Cianne, gayunpaman ay pumasok pa din siya.Abala ang mga staff sa pag-asikaso ng mga customer kung kaya nahirapan siyang maghanap ng tyempo upang magtanong sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang manager mula sa kitchen at walang pag-aalinlangan siyang
Nagbigay ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Don Felipe si Shaun bago pinapasok ang sarili. Pormal siyang magpapaalam na hindi na sya magtatrabaho sa kompanya at puputulin na ang kan’yang ugnayan dito.Sigurado siyang may ideya na ito sa pagpunta niya dahil kalat na sa medya ang pagtanggal sa kan’yang ama bilang myembro ng political party na suportado ng pamilya ni Heria. Maging ang shares nito sa kompanya ay binawi na. Alam niyang ibubunton sa kan’ya ni Don Felipe ang sisi.Sinalubong siya nito nang matalim na tingin at nagdidilim na ekspresyon. Wala siyang naramdaman na takot o kahit kaunting pangamba.Nilapag niya sa lamesa nito ang sobre na naglalaman ng kan’yang resignation letter.“Anong ginawa mo?” mapanganib nito’ng tanong.“I’m cutting ties with you.” Wala siyang balak na magpasindak pa dito.Marahas nito’ng pinalo ang lamesa dahilan upang mahulog sa sahig ang babasaging baso na naglalaman ng alak, na siyang iniinom nito umagang-umaga.“You’re a Gonzalvo! You can’t cut
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano