Chapter 5
Astherielle's POV"A-Ah... C-Calculus..."Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero mabilisan lang para naman hindi masyadong halata na nate-tense ako sa lalaking ito at sa marami pang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inayos muli ang pagkakatayo habang pasimpleng nag-iisip."Ah... H-Honestly, hindi ko po memorized iyong p-pinaka-exact and complicated definition na rin nito para sa akin..."Complicated naman talaga sa unang basa ko noon.Nilipat ko ang mga mata sa blackboard as my excuse. Para naman hindi ako masyadong napaghahalatang tagakilatis ng lalaking ito. Ang daya lang ng vision ko, naroon man banda roon ang paningin ko, malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan at kakisigan ng Professor na ito.Why am I doing this again?Ah, I know... Maybe this is the first time I've seen a man with good looks. I'm sure there are more handsome than him, but since I'm too shy to look at the faces of my classmates one by one, I assumed that this was the most handsome man I've seen at this time. Yeah... Of course... Mamaya ay titingin pa ako ng mas guwapo sa kaniya!Sa pamamasyal ako nawili kanina at hindi sa pagtingin-tingin ng mga tao sa paligid ko. Ang dami kong oras para manulit ng time kanina. Itong time na ito lang napirmi ang atensiyon ko kasi nasa klase na ako at kaharap pa ang subject teacher ko na una kong nakakilala at nakita."Just answer me what you know, Miss Zuluetevo," he said again in a bored tone.Hindi man lang ako pinag-adjust ng lalaking ito! Pinag-recite ako hindi pa man din umiinit itong puwetan ko sa seat. Ih!Gusto kong hawakan ang baba ko habang inaalala iyong exact talaga na meaning niyon. Parang hindi kasi mahuhuli ng utak ko kapag hindi ako nakagano'n na posisyon. That is one of my involuntary mannerisms..."But I know the simplest meaning of it for me... Sa akin lang naman... In m-my own understanding...""My time is running, Miss... All of us," demand nito sa malalim na boses. Oo, malalim ang voice niya pero mas malalim ngayon dahil natatagalan na siya sa akin.Gusto kong mapangiwi sa hiya. Simple meaning kako iyong alam ko pero parang nabura din kaagad sa utak ko iyon.Napalunok ako nang dahan-dahan nang humalukipkip ito at bahagyang pinagalaw ang mga makakapal nitong kilay paitaas. "Ano? Sasagutin mo pa ako o hindi?" Iyan iyong tanong na nababasa ko sa mga mata niya ngayon.Mabuti na lang talaga at naalala ko iyong first module na binigay sa akin ng adviser ko noong first day of homeschooling ko this sem."A-Ah...""I don't need your moans, Miss Zuluetevo. I need you to answer the question."Umungol! Sino? Ako? Umuungol na ang tawag niya doon?! Eh, wala namang pinagkaiba iyon sa sound na "Ummm" at "Hmmm" tuwing nag-iisip ang tao, eh!Nagsiyukuan ang mga green-minded kong mga kaklse para itago ang pagtawa sa akin. Naririnig ko silang lahat kahit pa magtago sila, ano ba?!"I-I am n-not-" Tumigil ako at nilunok na lang iyong iba ko pang sasabihin. Mahirap nang mas lalong mapahiya.Sh*t talaga! Bakit sa naging reaksiyon ng mga kaklase ko ay tila kinukumpirma nilang umungol nga talaga ako?! Napahihiya lang ako rito, eh.Gusto ko nang makaalis sa malas na sitwasyon na ito kaya mabilisan kong hinanap sa kasuluk-sulukang parte ng utak ko iyong sagot na kumpiyansa akong tama."Calculus is branch of mathematics that deals with rates of change..." dire-diretso kong sinabi sa lahat sa sakto lang na energy. "Iyan po ang alam ko. And... sorry po kung nasabi ko kanina... na hindi kayo mahihirapan sa a-akin... M-Mukhang m-mahihirapan po kayo... p-pero medyo lang naman... ho..."Idinugtog ko iyong "ho" para naman kunyari sobrang galang kong tao. Pero hindi talaga ako umungol kanina, ah! Nag-iisip ako kaya gano'n, nag-iisip lang!Bad trip lang kasi pinagewang lang niya nang bahagya iyong mga kilay niya. Iyon lang. Wala man lang "You're correct, Miss!" or "Excellent" galing dito. Pero uso ba iyon sa college level?Sa ginawa niyang ito sa akin, nalaman kong boring siyang magturo at boring din pati subject na tinuturo niya. Alam n'yo ba iyong nakagigising? Iyong katawan at awrahan niya! Sige na, isama na natin pati guwapo niyang pagmumukha!Muntik ko nang masuyod uli ito ng tingin, mabuti na lang talaga at naalala ko iyong ibinibintang niyang umuungol ako kanina!"Okay....You may now sit."Basag na basag na ang ngiti ko. Ramdam na ramdam ko, shit... Umupo akong nakayuko na nang bahagya ang ulo. I will not look at him until the end of the class. I would just look at the blackboard, at what he would teach there, but not at him.Mula sa mga mata kong sagigilid kung makatingin sa harapan, nakita kong tumalikod ito at nag-umpisa nang magsulat sa tabi ng blackboard, sa may whiteboard doon. Kung maka-flex iyong mga muscles niya sa leeg at braso, akala mo nagpapapansin.Ito talaga ang ikinagulat ko sa sumunod kong napansin sa mga klakase kong babae, halos lahat sila nakangiting nakatitig lang kay Professor. Medyo nawala ako sa path nang mapansin ko ang babaeng katabi ko, nakapatong ang baba nito sa kamay at tila nagde-daydreaming nang nakatitig kay sir."Walang mahirap na subject sa guwapo at masarap na Professor," narinig ko pang ibinulong nito. Ngumiti ito na tila pusang hinahaplos-haplos sa tuktok ng ulo.Patay na talaga kung lahat sila rito ay gano'n ang mindset. Mukha pa namang nambabagsak ng student itong Professor na ito.Medyo hindi ko na ramdam iyong nangyayari sa kanila kasi never na akong tumitig sa lalaking nasa harapan. Naalala ko bigla iyong dahilan kung bakit ako nakulong sa ospital ng dalawang taon, eh... Dahil iyon sa mga lalaki na nagpapa-trigger ng sakit ko. Kahit na magaling na ako, nararamdaman kong kailangan ko pa ring mag-ingat. Ang misyon ko na iyon ay sisimulan ko sa taong ito.Mamaya ay pi-picture-an ko na lang iyong mga isusulat niya sa whiteboard at pagkatapos ay sa bahay ko na lang isusulat sa notebook at pag-aaralan ulit. Titingin pa rin naman ako rito pero hindi na aabot hanggang sa mga mata nito. Magte-take down notes na lang kapag kailangan.Matagal rin akong nakayuko lang habang kung anu-ano ang mga sinusulat dito sa notebook ko. Nang makaramdam ako nang pagkasawa sa ginagawa ay pasimple kong pinagalaw paitaas ang mga eyeballs ko. Medyo napaatras ng ulo nang saktong balingan ko ito ay nakatingin na ito sa akin. Minsan na nga lang magtaas ng ulo para tumingin dito pagkatapos mahuhuli pa!"Hoy! Umayos ka, Astherielle! Walang malisya! Malamang Professor mo iyan! Professor mo na may itinuturo sa harapan!" asik sa akin ng isip ko.You are right.Inginiti ko iyong half part ng lips ko. Tabingi na ngiti na ang nangyari sa mga ito. Okay, hindi niya ako nginitian pabalik. Ang ginawa niya, itaas pa niya lalo ang pagkakatupi ng sleeve niya at iniangat pagkatapos ang braso at kamay nitong nakahawak ng pentel pen."So, as I was saying, nasa book na ninyo ang mga example problems with solutions sa itinuturo kong ito... Those are just simplest examples na makatutulong sa inyo para masundan ninyo."Sinabi niyang lahat iyon habang nakatingin din sa akin. Akala niya siguro porke't nakayuko ako the whole time kanina, eh, hindi na ako nakikinig sa kaniya. Hindi lang niya alam na sobrang ingay ko sa loob-loob ko.Para akong maiiyak sa nakikitang background nito. Ang dami nang mga kung anu-anong mga nakasulat doon. Nahihilo ako sa dami niyon. Naiintindihan ko naman kahit papaano pero mukhang mas maiintindihan ko kung walang nagtuturo sa akin na taong nakai-intimidate ang aura. Pero no choice ako, talagang kailangan kong piliting mag-adjust."Yes, Professor..." sabay-sabay namang recite ng mga girls dito."Okay. Feel free to copy these," tukoy nito sa mga nakasulat sa board."Ah, Eh, P-Professor," hagikgik ng isang babaeng nakaupo sa bandang gitna. Nagpapa-cute nitong itinaas ang kanang kamay.Binalingan niya ito at sinagot. "Yes, Miss?""Ah... K-Kasi po..."Para na siyang kambing kahahagikgik niya nang kimi."K-Kasi po... hindi ka pa po nagpakilala sa bagong classmate namin..."My eyes widened slightly at what she said. There is no need for that. At saka... request ba niya iyon para sa akin o para sa sarili niya? Halata namang type niya ito, eh."Hindi po ba dati... two times kayong nagpakilala sa amin? Basta may bagong student kayo, nagpapakilala rin kayo rito...Baka naman po...""Sira talaga itong babaita na ito..." nahihiya pero mukhang kilig na kilig naman sa ideyang sambit nitong katabi kong babae. Tinapunan niya ako tingin sabay siko sa braso ko. "Pagpasensiyahan mo na iyan... Gustong-gusto kasi ng mga girls kapag nagpapakilala si Prof! Hay naku, naka-i-in love siya! Basta! Malalaman mo rin iyan mamaya!" Talagang iniyuko pa niya ang ulo para pasimpleng masabi ang trivia na iyon."Huh? Uhmm..."Hindi ko na naman alam ang gagawin ko nang maramdaman ko ang muling pagbaling ni Prof sa akin. Bilang respeto, sapilitan kong inalis ang atensiyon ko sa katabi at hinarap ito.Na-freeze ang buong klase, kasama na ako roon, sa paghihintay sa susunod na sasabihin ni Prof. Gusto kong itaas ang isang kamay at iiling-iling ang ulo sabay sabing: "Huwag na po, Prof. Okay lang sa akin na hindi na kayo magpakilala.""Yes, by the way. You don't know me yet...""Hayan na!" rinig kong mahinang tili ng mga girls.Bakit ako ay dinadamay ng mga ito? Nalagpasan ko ang entire homeschooling ko nang walang nakikilalang ni isa sa mga teachers na naging tagagawa ng mga modules ko."Opo, Prof... Kawawa naman siya. Sinabi po ninyo kanina na student siya rati from homeschooling... Ibig sabihin... you are one of her first ever teachers... Baka naman, Sir..."Hindi pa pala tapos iyong babae na iyon sa gitna sa kasusulsol."Sure..." parang sang-ayon na lang niya rito para matigil na. "Miss Zuluetevo..." titig na titig sa mga mata kong umpisa nito.Binalewala ko iyon at idinikdik sa utak na ako lang naman ang new student niya rito kaya malamang ay sa akin lang siya magpapakilala. I felt like I wanted him to introduce himself to me, so I didn't say anything."Aw! Ang suwerte naman! With pagtawag pa ng name! Aw! Sana all na lang!""Bakit noong kami walang ganiyang tingin at walang pag-mention ng last name or first name?""Dapat pala... nagpa-late na lang din akong pumasok sa block na ito para solo ko iyong pakilala portion!"Tatlo lang iyon sa mga naririnig kong tamporurot rants ng mga kaklase kong babae.Hayan, kinainggitan pa tuloy ako ng lahat."I am Professor Sheids Noah Ravias Fawzi," pakilala nito sa mga mata ko. "Your..." Umangat ang kaliwang kilay nito. "Your Calculus Professor, obviously, from now on..." marahan nitong dagdag sabay patuldok na itinango ang baba."Ouch! Bakit damang-dama ko? Bakit parang sa akin ka nagpapakilala, Prof?" drama ng bakla kanina rito.Hindi ko na rin napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Natutuwa ako sa bawat reaksiyon ng mga girls dito. May nakanganga, may tila nahulugan ng batong puso at may hindi napapagod ang mga talukap sa kabi-blink sa walang kapagurang pagpapa-cute sa Professor na ito."Thanks for the warm welcome, Miss Zuluetevo... I hope that your smile means that."Natigilan ako sa kangingiti rito sa biglang sinabi nito at sa hindi ko inaasahang one-sided smile nito sa mga labi. He is giving me a gentle mixed with badass approach."Sa mga kaklase ko ako natutuwa at hindi po sa inyo, Sir," iyon ang nakabitin sa isip kong gustong linawin dito pero dahil nahiya at namangha ako sa ganda, puti at pantay-pantay na mga ipin nito, I'll just leave it in my mind."Ah... Ang ganda po ng name ninyo, Sir-"Hindi ako ang nagsabi niyon! I swear na hindi ako! Pero ngumiti ito at umiling kaya talaga ngang lumabas ang mga iyon mula sa bibig ko. Ang ganda naman talaga ng buong pangalan niya. Pangalan pa lang, alam mo nang mabango at guwapo."Oh... I love it too," tawa nito nang pino sabay iling.I couldn't help but let my eyes crawl down his throat, to his Adam's apple rising and falling there. Kung magpapatuloy pa ako sa pagsuyod dito, iyong bukas niyang itaas na parte ng dibdib na nito ang masisilayan ko. Sinasakal ako ng kakaibang init na nagmumula sa tiyan. Gumagapang ito papunta sa naninikip kong lalamunan.Mabilis kong iniiling ulo, parte na iyon ng pag-iwas ko sa nangyayaring ito sa akin."Opo... Nice meeting you po, Prof..." pagtatapos ko sa sarili at sa kakaibang nararamdaman ko na rin. Malumanay kong inginiting muli ang mga labi.Nang malingat ito sa iba ay kinuha ko na ring pagkakataon iyon para makawala sa mga mata nito. Nagpatuloy at natapos ang klase nang hindi na ako tumitingin dito. Mabilisan kong inilabas ang cellphone ko at kinuhanan ng picture ang mga nasa blackboard. Kahit sa paglabas ko ng classroom ay hindi ko na inabala ang sarili na malingat sa kahit na kanino.Naiinis ako dahil parang hindi kompleto ang first day ko sa University na ito nang hindi nililingon sa huling pagkakataon ang Professor na iyon."Again, siya pa lang kasi ang nakikita kong lalaki na may itsura," pagpapagaan ko sa sarili. "Yes... Iyon nga..." huling sinabi ko bago binilisan ang paglalakad palayo sa building, palayo sa lahat at sa lalaking iyon.Sa gate two ako lumabas dahil doon daw ako susunduin ni Tita. Saktong nine na ng gabi. Uuwi pa kami ng Rizal nito.Mayamaya pa ay nag-text uli si Tita, sinasabi nitong medyo male-late siya ng punta rito dahil may biglaang aayusin sa project daw nila. Nag-reply na lang ako na okay lang sa akin.Dahil madilim na rito sa waiting shed na pinagtatambayan ko, nag-decide akong umalis na at maglakad na lang papunta sa main gate ng University, kung saan mas maliwanag at mas maraming taong nakatambay. Nasa tabi lang naman ng mismong gate two entrance itong shed na ito. Safe naman dahil may nakabantay na guard doon pero dumadami na kasi iyong mga lamok na pumapapak sa akin kaya kailangan ko nang umalis bago pa ako maubusan ng dugo.Nasa gate one na ako nang makarinig ng mga malalakas na hiyawan, tawanan at kantiyawan. At mula sa kinatatayuan ko, natanaw ko ang isang bilyaran sa hindi kalayuan. Katapat lang ng gate one at daan lang ang pagitan mula roon.Medyo mausok sa parteng iyon dahil sa mga lalaking nakatambay roon na naninigarilyo. Hinugot ko ang panyo sa loob ng bulsa ng pantalon ko at ginawang pantakip sa ilong ko. Madadaanan ko muna kasi iyon bago makarating sa main gate.But right after I was in front of that billiards station, I immediately noticed that familiar man wearing his familiar sleeve and slacks. Nakayuko ang kalahati nitong katawan sa frame ng billiard table, may hawak na tako at tila kumukuha ng magandang angle at technique para matamaan at maipasok niya iyong bola sa butas.So, dito pala tumatambay itong Professor na ito after class niya nang ganitong oras...Sa pagkakataong ito ay limang botones na ng long sleeve nito ang nakabukas. Gumagapang ang mga pawis sa gilid ng ulo at sa dibdib nito. Iyong iniiwasan kong silipin kanina ay lantaran ko nang nakikita ngayon. His eyes were sharp because he seemed to want to aim for something in that game.Medyo nailang ako sa ginagawa kong panunood dito dahil pakiramdam ko sa akin nakatutok iyong dulo ng tako. Inalis ko ang panyo sa ilong ko at interesadong nakipag-debate sa isip, maipapasok ba niya iyon o hindi?Makita ko lang na ma-shoot niya iyon, aalis din ako kaagad...Nagpe-pray na rin ako na mai-shoot niya iyon. Matatag akong nakatitig sa bola na nasa tapat ng dulo ng tako. Pero napapansin kong hindi na ako natigil sa kadadasal dito. Parang wala naman nang sumusunod na nangyayari! Binalikan ko ang mukha nito para lang mapatalon ako nang bahagya sa kinatatayuan ko. Sa akin na ito nakatingin at hindi na sa bola at sa tako.Imagine, naka-position siya nang ganoon sa ibabaw ng billiard table tapos iyong mga mata niya ay wala pala sa dapat na kalagyan ng mga ito. Papaano niya ako nakita rito, eh, medyo malayo naman ako?It was like someone pushed me when a sly grin appeared on his lips. Not just a grin but also a surprised look! Sa pagkagulat ay nagmamadali akong nagpatuloy sa paglalakad.Gosh, talagang hindi ako para sa lalaki! Ikapapahamak ko lang talaga sila!Sa bilis ng lakad ko ay hindi ko namalayang nakarating na ako rito sa main gate. Sa bench malapit dito ako umupo at nagpahinga. Nabawi ko iyong pagod ko nang hindi man lang nakalilimutan iyong nangyari sa akin kani-kanina lang. Mula ngayon, hindi na ako ulit dadaan doon. Hindi lang iyon dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa katotohanang tambayan iyon ng mga lalaki, mga lalaking may bisyo sa paninigarilyo at pagsusugal through pusta-pusta sa billiards."Gabi na... Why are you still here?"Alam kong inaantok na ako pero hindi ko palalagpasin iyong tinig na iyon na nanggaling sa malapit. Slow motion ang ginawa kong pagbaling dito kasi may idea na akong kung sino ito boses pa lang niya, eh."Professor Fawzi..."Nakasandig ang likod ng katawan at ulo nito sa kalapit na pader doon. May nakaipit sa pagitan ng mga labi nitong hindi pa nasisindihang sigarilyo. Ang mga kamay ay tila humahagilap ng pansindi sa stick sa katawan pero parang walang nahanap kaya natawa na lang at tinanggal iyon sa bibig."One cigarette reduces life by eleven minutes..."Alam kong siya ang Professor sa amin, pero dapat niyang maaral iyon ngayon...End of Astherielle's POVVOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY. :)Chapter 6Scheids' POVFifteen minutes ago..."Professor Fawzi!" tawag sa akin ng isang co-teacher ko pagkarating ko sa main building namin.Sa unang akala ko ay si Tara na ito. Mabuti na lang at hindi dahil wala ako sa mood para lumabas o kung ano pa mang maisipan na naman niyang ialok sa akin sa ganitong oras. Masyado akong napapaisip sa bagong pasok na student ko kanina. I told her to stay after class because we had something to talk about. But I had just finished dismissing my class when she left. She didn't even look at me to say goodbye. I am not demanding anything pero hinintay ko talagang gawin niya iyon since bago lang siya sa klase ko and as pasabi na lang sana. I am still her Professor... A small gesture of respect will suffice.Hindi ba at ganoon naman talaga dapat? Or hindi lang talaga ako sanay na may babaeng student ako na hindi ako binigyan ng atensiyon na katulad ng binibigay ng halos babaeng students ko? Halos ayaw nang umuwi ng mga ito pero siya, atat na atat yatang
Chapter 7Astherielle's POVHindi ko alam kung ipipilig o iiiwas ko ang mukha sa taong ito. Nalalakasan na ako sa dating nito na mas tumindi pa dahil sa huling mga sinabi niya. Can he really read me? Natatakot ba ako rito o nacha-challenge lang? Hindi ko rin alam, eh... Baka... nag-iingat lang kaya ganito ako.Sino naman kasi ang mag-aakalang susundan niya ako rito para kausapin at punahin?At oo nga pala, pinapaiwan niya ako after class kanina dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Nawala talaga sa isip ko iyon, walang halong biro or excuse, dahil ang gusto ko na lang talaga kanina ay ang makaalis sa maliit na silid na iyon, pero overcrowded. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao, sa maingay na paligid at sa mga matang pakiramdam ko ay laging nakatingin sa akin kahit na ang totoo ay sa palagay ko lang naman iyon."P-Po?" utal na lumabas sa mga labi ko."Hmmm... P-Po? Too much politeness... Huh... Sir. Iyan ang itawag mo sa akin para naman hindi masyadong... nakatatanda sa pandini
Chapter 8Scheids' POVFifteen minutes ago...I am not sure kung anong oras matatapos ang meeting sa department namin kanina kaya nag-announce kaagad ako ng announcement sa group chat namin na baka hindi ako makaabot sa mga klase ko sa hapon, from five to nine in the evening classes. Group chat iyon na pinagawa ko kung saan class Presidents lamang ang kabilang. Para lang mapadali ang pagbibigay ko ng mga important announcements, katulad na lamang nito. Ifo-forward ko roon pagkatapos ay sila na ang bahalang mag-pass sa mga kaklase nila.Maaga kong sinabi na hindi na kami magkaklase nang mag-extend pa ng isang oras ang meeting. I have done what needs to be done so that my students don't get tired of going to the times I refer to, but until the meeting starts and until it ends, I think about my students who belong to the international classes. Iyong mga walang block, mga nahalo lang sa klase. Wala akong contact sa kanila o sariling way para ma-reach ko sila. Concern ako sa kanilang lahat
Chapter 9Astherielle's POV"K-Kahit hanggang likuhan lang po talaga ako, s-sir..." nahihiya kong ulit dito.Alangan sabihin ko naman kung saan ako nakatira at magpahatid din doon! Siyempre mas ilulubog ako ng hiya ko kaysa sa takot ko sa mga multo rito sa building na ito. Ewan ko ba kung bakit naniniwala akong may namumugad na mga bad spirits dito. Pinakaliblib kasi na napatayong building mula sa main entrance ng Polaris University, eh. Mapuno at hiwalay pa sa mga ibang buildings kaya itong kaduwagan sa loob ko, kusang lumulugar sa mga naiisip ko."Tch," sitsit ko sa sarili nang maalala kong hindi ko pa pala nasabi kay Tita na maaga niya akong susunduin ngayon.Simula nang mag-aral ako, hatid-sundo na ako nito rito sa school. Sinasadya rin niyang mag-overtime sa trabaho para lang masakto sa uwian ko at masundo niya ako. Sinasanay na raw nitong bumiyahe nang lagpas nine in the evening.At itong lalaking ito, ang gentleman at ang bait naman niya para offer-an ako ng hatid hanggang bahay
Chapter 10Scheids' POV"Lahat nanigas sa iyo maliban sa mga labi mo..."Sumingkit ang mga mata ko sa pagtawa nang magiliw at walang tunog. Kahit alam kong imposibleng makita at marinig niya ako, itinagilid ko pa rin ang mukha para itawa nang patago ang sarili.Even if our lips were touching for a moment, I still tasted and felt what I should have. Huh? I should have? Ginusto ko rin? Nasarapan din ako? Na-appreciate ko rin iyong lambot at feeling ng mga labi nito sa balat ng mga labi ko? The feeling is like I've kissed a freshly opened jellyace, that store-bought product that comes in a small, thin, plastic container. Aha! Masarap nga at refreshing kung gano'n ang pagkaka-describe ko.Nangingising napapailing ako sa mga naiisip ko. Nakatulong ang dilim sa tinatago kong kapilyuhan. Hindi ako ganito ngayon kung maliwanag lang sa lunggang ito. Hindi ako magtatangkang ipakita na kahit papaano, wala akong pagsisisi sa nangyari. What happened wasn't right, but it wasn't wrong in terms of how
Chapter 11Astherielle's POVBaby? As in sanggol ba? Pero ako lang itong kasama niyang dumating dito. Ang mga tao na rito ay puros lalaki na."Hmmm..." mahinang usal ko habang busy sa paglilibot itong mga mata ko.Pinaglalaban ko si Marites kanina pa rito kaya hindi ko napansin na napadpad na kami sa lugar na ito. May magarang sasakya sa gitna, dito sa mismong tabi ng tinigilan namin. Motorbike ito at hindi lang basta-basta ordinaryong sasakyan."Oh..." manghang usal ko matapos kong makita ang mga detalye nito na nagpapakita ng kamahalan, katibayan at tila pagiging limited edition nito.Marami na akong nakita na motorbike sa buong buhay ko pero iba ang isang ito, sobrang laki, kintab at mukhang walang parte itong hindi matibay at mahal. Best in skin care ito sa sobrang kintab. Pati mga pores ko sa mukha nakikita ko na rito sa sobrang kinis. Kung wala lang ito rito, iisipin ko nang kagagawa lang ito at kalalabas mula sa manufacturing company kung saan ito binili.Hangang-hanga ako rito,
Chapter 12Scheids' POV"Free hug? Kakapit lang po ako sa inyo, sir at hindi yayakap..." parang bata nitong pangkla-clarify. "Ito, oh... Parang ganito..." Dine-demo nito kung papaano ang gagawin nitong pagkapit sa akin. Napaitlag ang kaliwang kilay ko nang maramdaman ang mga kamay niya sa balakang ko. Sa tatlong attempt ay naging permanent na ang mga kamay niya roon. It wasn't exactly her skin that stuck to me, it was the fabric of the clothes I was wearing before that, but I still couldn't help but feel the heat coming from her hands on my skin. Nagustuhan ko iyon kahit na may something na mali para maramdaman ko iyon. Kung aabot na madadarang ako ng mga ito, parang walang problema sa akin na masunog sa bandang iyon.Nilingon ko siya. "Okay... Iyon ba tawag doon? Sige lang... Kapit pala, ha..." Mabilis na kinindatan ko ito at isinuot na ang sariling helmet na inabot sa akin ni Kyle."Hindi ako kinakabahan sa inyo ngayon, boss... May kasama kayong magandang dilag, eh, kaya siguro pa-b
Chapter 13Astherielle's POVWala akong maisip na paraan para pasalamatan ito sa paghatid niya sa akin. Ilang kilometro at oras din ang tinakbo ng sasakyan nito mula Quezon City hanggang dito sa Rizal. Medyo tagong parte pa ang bahay at lupa ni Tita rito kaya ano lang naman iyong paunlakan ko ito sa paraang gusto niya?"Baka hindi na po kayo makatulog mamaya niyan, sir... Kung magkakape nga talaga ho kayo..." sinabi ko habang naglalakad papasok ng tarangkahan namin.Ang napundar ni Tita mula sa limang taon na pagtatrabaho sa dati nitong kumpanya ay isang mala-dollhouse na bahay. From what I described it, no one will ever deny kung gaano ito kapansin-pansin. Kilalang-kilala ito sa barangay at sa buong Rizal. Hindi ko pa natatanong si tita kung bakit ganito ang napili niyang style ng bahay niya. Ang napansin ko lang dito, mula nang araw na tumira ako sa kaniya, ay ang pagiging girly niya or kikay. Parang hanggang ngayon nabubuhay pa rin siya during her teen days."Hindi ako natutulog nan
Epilogue Astherielle's POVHindi ko pinlano na unang banggitin ang kinalaman ni Sheids sa libro ko. Pero sa daming nangyari at mga nalaman ko sa nakalipas na buwan na hindi ko siya kasama, nagbalik ang alaala ko sa kaniya. My emotions are overwhelming as I find myself here at the University where we first met and got to know each other...Nadaanan ko ang billiard shop sa gate one na madalas niyang pagtambayan noon. Ang mga daan papunta sa condo niya, nakita ko ang sarili at siya na naglalakad sa mga iyon kanina. The nostalgic feeling I used to have every time I stepped foot into the University, it enveloped me once again today as I caught a glimpse of Polaris. Buhay na buhay pa rin ang mga puno sa forest park malapit Terefania Building, in that place where we first met and collided. Malinis, pantay at ma-berde pa rin ang mga damo sa University Field kung saan naganap ang first dance namin in public.Kahit sa saan ako tumingin, siya ang naaalala ko...Sheids Noah is Polaris University
Chapter 53Sheids' POV "Hinintay kita, Sheids... Hinintay kita... Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan... Isama mo na bawat segundo at oras... Akala ko lang talaga hindi ka na babalik pa... A-Ang hirap ng sitwasyon natin... Mahirap umasa... Sorry... Tinanggap ko ang proposal ni Cloud..."As she spoke, tears streaming down her face, I found myself fixated on the smoothness of her neck, no trace left of the love bite I had left there...Hindi ko natupad ang pangako kong babalik kasabay ng pagkalaho niyon...Hindi na ako nagsalita pa dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Lagi akong bigo na mahanap siya.Kasalanan ko na naman kung bakit kami umabot sa ganito.Once again, it's my fault that she was able to give a 'yes' answer to Cloud's proposal..."Pero nandito na ulit ako, Elle... Dumating na ako..."Tears surfaced in my eyes as I watched our child peacefully asleep in her cradle, finished with nursing and now soundly slumbering. Siya ang dahilan kaya hindi ako natatakot sa susuno
Chapter 52Sheids' POV Hindi na lumabas ng bahay si Elle nang magpaalam kaming aalis na ni Kareem. I refrained from turning around and running back to where the car had just started moving.Masakit man sa loob na umalis ako pero kailangan...Magkahiwalay ulit kaming nag-flight ni Kareem. Umuwi siya ng Amerika at ako naman sa dakong Turkey. I promised her that I would go there after two days. She agreed and even said she would wait for me there.Nang makauwi ako rito sa bahay, office kaagad ni Dad ang pinuntahan ko. Nakaamoy si Mom kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng pinto ng office. Naramdaman ko pang nagtago siya roon. It's good that she's there too, so she can hear everything I have to say."Yes, Noah? Kumusta ang honeymoon ninyo ni Kareem? Magkaka-apo na ba kami?" aniya, seryoso, pagkatapos niyang paikutin ang swivel chair paharap sa akin."I will be divorcing Kareem as soon as possible, Dad..."He let out a heavy sigh, seemingly unsurprised by what I said. However, he also
Chapter 51Astherielle's POV Karagdagan thirty minutes ang ginugol naming magkasama ni Sheids sa loob ng sasakyan. We discussed so many things, but for me, it's still not enough. There's still so much more we want to learn about each other, but time is lacking, and we need to go back home."Time always seems to speed up whenever I see you, Elle. How can I make it stop so that we never have to part ways again?"Binalingan niya 'ko para malungkot niyang itanong 'yon. Alam niya ang daan, alam niyang malapit na kaming makarating sa bahay. He knows the way to reach the cliff, so he also knows how to find his way back.Hindi ko siya tiningnan. Nagpatuloy ako sa pagda-drive, nakatingin sa daan."Sumama ka sa akin...""Sheids... I can't...""I already miss you, even just now..."Huminga ako, pinipilit itago ang lungkot at pag-aalangan na makita ang madadatnan kong isa pa naming bisita sa bahay, ang asawa niya..."But you have to leave, Sheids, you and your wife...""Yeah, kauusapin ko siya ag
Chapter 50Sheids' POV My mouth captured every whimper that escaped her lips as I kissed her passionately. Hindi ako mapatigil sa ginagawa. Sa halos magkasunod na dalawang araw na nakita ko siya, ang mga labi nito ang madalas na nahuhuli ng mga uhaw kong mga mata at pakiramdam.Akin ang mga labi niya, pero tuwing naiisip kong kasal na siya, nanghihinayang ako sa katotohanang pag-aari na ito ng iba...Tears streamed down my face as I savored the moment. Her lips are mine once again... I have reclaimed them... And now, she kissed me back, pouring her love into the embrace.I have longed with an insatiable ache to taste her lips once again. With my eyes closed, I ardently claimed her mouth, indulging in a cascade of fervent kisses. My tongue, emboldened by love's fire, ventured forth, intertwining and caressing the depths of her mouth, harmonizing with her own in a passionate ballet of devotion. Bawat hagod ng mga labi ko at haplos sa katawan niya, nag-aalab at nanunulit.Ilang beses ko
Chapter 49Astherielle's POV Ipinarada ko ang sasakyan sa paanan ng side ng cliff. Lumabas. My eyes dwindled in size as they gazed upon the towering cliff, stretching into the heavens with its majestic height. Ang tila natapyas na parteng harapan ng cliff ay katabi na ng malawak na karagatan, nakadungaw roon.August has graced us with its presence, a gentle reminder that summer's reign draws near its end. The sun, once ablaze with fiery brilliance, now descends with a softer glow, casting a golden hue upon the world below. The air carries a whisper of change, as a cool breeze brushes against my skin. Ang lamig sa ilong ang pinaghalong amoy ng dagat, hanging malamig, mga damo, lupa at ilang ligaw na mga bulaklak.Ang kalikasan at tiyempo nga nagbabago, mga tao pa kaya...Nakangiti kong sumunod na inilibot ang mga mata sa mga bulaklak sa pinakamaraming variety rito, kulay-violet ang mga ito na pahaba. Ang sabi ni Maica, Alascan Lupine raw ang tawag sa mga ito. I reached out and gently g
Chapter 48Sheid's POV After two weeks, our engagement day arrived for Kareem and me. It was a resounding success, attended by well-known individuals and esteemed figures from around the world. Kareem possesses royal lineage, being one of the grandchildren of the Queen and King of Sweden. Pangatlong anak ang ina niya ng mga ito. Umalis sila ng palasyo para mamuhay nang simple, iniwan ang mga obligasyon at pamilya nila sa bansang Sweden para sa mas tahimik na buhay rito.Gabi bago ang engagement ko nalaman. That thing about her came as a surprising revelation. We had been talking and spending time together before the engagement, but she had never mentioned that aspect of her identity.She is an intelligent, beautiful, affectionate, sophisticated, and joyful woman, that I know, but it seems she has gone too far in her humility. Pormal lahat sa amin. Alam naming pareho ang plano sa amin ng ama ko at ng mga magulang niya. I am uncertain of her feelings toward me or her opinion regarding t
Chapter 47Astherielle's POV "Forgive me, Astherielle... Forgive me, my child..." patuloy niyang d***g sa mas pinasakit na pinasakit niyang pag-iyak. "A-Anak... Forgive me. I didn't mean to end your life... N-Naririnig mo ba ako? My angel..." Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Kinakausap niya ito na parang may laman pa rin. "M-Mahal k-kita... Mahal na mahal kita... Sorry, nagkaroon ka ng gagong tatay... Kung alam ko lang sana... Pinaniwalaan ko ang unang resulta... Hindi ko na hinintay ang mga sumunod... H-Hindi k-ko alam na may buhay k-ka na... Sana naghintay pa ako at hindi umalis..."I closed my eyes, suppressing the resurging waves of tears. The weight of what I heard and saw from him left me gasping for breath. Dobleng sakit ang umaatake sa akin dahil bitbit ko na pati ang nararamdaman niya sa nangyari sa anak namin.Sa sobrang bigat ng puso ko sa nakikitang pagdurusa niya, hindi na kayang manlaban ang galit kong parte.Inihimlay niyang muli ang mukha sa tiyan ko. His face trem
Chapter 46Sheids' POVI quickly styled the second and final sections of Faja's hair. Despite my desire to achieve a flawless and polished look, just like the other side, I was unable to do so as Elle's sudden arrival caught me off guard. Itinali ko ang dulo nito at maingat na siyang ibinaba. Nang lumapat ang mga sapatos niya sa sahig, nagulat akong humarap siya uli sa akin imbis na puntahan niya ang Mommy niya."May I see my own reflection?" she asked, her voice filled with a mixture of curiosity and yearning."Huh?""Can I see myself? This." Itinuro niya ang buhok."I don't have a mirror, Faja. Puntahan mo na ang Mommy mo."Itinalikod ko siya mula sa akin, pero muli ulit siyang humarap."Where did you buy Peppa Pig?""A-Ah."Napapikit na lang ako. Binili ko iyon sa malapit na Boutique sa labas nitong hall. Wala akong maipantali sa buhok niya. Wala pa ang yaya niya kanina, walang iniwang gamit niya, kaya ginawan ko na lang ng paraan."Just outside.""Oh..." Itinaas niya ang kamay at h