Chapter 4
Astherielle's POVTwo hours ago...Mula sa nakatakdang araw ng pagpasok ko sa Polaris University, tatlong araw pa ang pinalipas ko para mabuo ang desisyon ko, kung tutuloy na ba talaga ako o hindi?Sa nakalipas na magkakasunod na linggo, ang magkulong sa loob ng kuwarto ang ginawa ko. Paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang tanong na ito: "Handa na ba talaga akong iwan ang nakasanayang mundo?Mahaba na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Tita Mavic. Tapos na itong kumaway, mag-goodbye at mag-good luck sa akin."Astherielle, hija, paano ba iyan?" Umupo ito sa upuan ko kanina at dumungaw sa bintana ng sasakyan. "Sunduin na lang kita mamaya, ha? I-text mo lang ako o tawagan anytime... Maluwag naman sa office ngayon dahil natapos na namin kahapon ang project namin... See you na lang, ha..."I didn't go to class this morning. Yeah, I just entered this afternoon suddenly, where I have two subjects left today. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa aking espirito para magdesisyon at the last hour.Habang nakakulong ako sa kuwarto ko, ang dami-daming nag-uunahang mga thoughts sa utak ko. Napagod na yata ako kaya ganito ang naging ending ko. Tinawagan ko si Tita at nakisuyong ihatid ko rito. Nahihiya pa ako noong una pero nang maisip kong walang mangyayari sa buhay ko kung lagi akong nakakulong, umarangkada na ang kakapalan ng mukha ko."Oh, God, Astherielle, hindi na kita tatanungin pa. Ihanda mo na ang mga gamit mo at ihahatid na kita sa University ngayon din!" iyon agad ang ibinungad ni Tita nang makita ako. Nang oras na iyon ay nakasukbil na ang pack bag ko sa mga balikat."Okay na po ako, Tita... Salamat po sa pagdating... Pasensiya na rin sa istorbo...""Naku, istorbohin mo ako kahit kailan mo gusto. Sulit naman ang pagpapaistorbo ko! Akalain mo, papasok ka na! Parehas talaga kayo ng papa mo... Medyo magulo kausap at very late kung magdesisyon!"Minamana rin pala iyon? Napangiti ako nang alanganin. May kaba rin sa dibdib pero hindi na kasing lala kanina.Wala na kaming sinayang pang oras kanina, hinila na niya ako papunta sa sasakyan nito sa labas ng gate pagkasara niya ng bahay."May kasamang map iyong binigay sa iyo ng dati mong adviser, ha... Nakita naman natin iyon sa folder... Hindi ka na maliligaw pa basta gamitin mo lang iyon."Napatingin ako sa itaas, inaalala kung nalagay ko ba iyon sa loob ng bag ko pero wala talaga akong matandaan na may nalagay ako. Bahala na. Hindi naman siguro ako maliligaw. Dalawang subject ko na lang naman ang papasukan ko ngayong hapon."Opo, tita... Nasa bag ko lang po iyon...""Sige na, hija, at babalik pa ako ng office. Baka hinahanap na ako doon. Nagbilin lang ako sa isang ka-officemate ko, eh..."Nagising ako nang magpaalam na ito at kumaway paalis. Itinaas ko ang kamay at kumaway na rin pabalik dito."Ingat po kayo, tita... Thank you po ulit."Hindi ko inalis ang tanaw ko rito at pagkakatayo hanggang sa tuluyan itong makalayo. At ito na nga, haharapin ko na ang moment of truth. Humarap ako sa main view ng University at naniningkit ang mga matang tumingala. Sobrang taas ng makalumang arc nito, eh. Nakasulat doon ang "Polaris University"Simpleng t-shirt, pantalon at rubber shoes ang suot ko kaya nakatulong din sa pagpapagaan ng pakiramdam ko ang komportableng dala ng mga ito. I let my hair loose, which I only decided to cut last week. I really looked like a witch when I left the hospital, it was very long, thick and black. Nabibigatan na ako sa ulo ko kaya nag-decide akong ipagupit na. Balak kong magpa-short hair sana as bagong umpisa ng journey ko outside the hospital pero pinagkokontra ako ni Tita. Hindi raw siya makapapayag na masayang itong maganda kong buhok. Wala na akong nagawa pa nang hairstylist na nito ang pinapunta niya sa bahay. Pina-decide niya ito sa magiging ayos ko, kung ano ang babagay sa akin na gupit.Wala sa loob kong idinantay ang dulo ng mga daliri sa bangs ko at natawa na lang nang mag-isa. First time kong magka-bangs sa buong buhay ko. Ito iyong bangs na usung-uso ngayon, pa-curtain na style. Uso rin pati gupit ng buhok ko, pa-wolf na pa-octopus cut daw ito ayon sa hairstylist ni tita. Maganda raw ang buhok ko dahil natural ang pagka-wavy sa dulo. Dahil alam kong expert na ito sa larangan ng paggugupit, hinayaan ko na lang ito na mag-decide. Hindi ako sanay sa naging outcome ng trabaho niya pero nagustuhan ko naman na gumaan na itong ulo ko. Binigyan din niya ako ng mga freebies na special wax sa buhok para daw sa bangs ko. Ginamit ko na rin pang-fix sa bangs ko kaninang bago ako magpasundo kay tita.Mas sanay akong naglulugay ng buhok, walang paki kahit mahangin pa o hindi.Matapos ang mahabang pagmo-moment-moment dito sa harapan ng University ay humakbang na ako papasok.Grabe... ganito pala iyong feelings na may kasabayang pumapasok... Nagpakawala ako ng hangin at inumpisahan nang dagdagan ang bilis ng paglalakad. Amaze na amaze na talaga ako sa aroma ng paligid pero pinipilit kong itago. Sumasakit na rin ang leeg ko kapipigil ko rito. Gusto nitong umikot-ikot pero nauunahan ako ng hiya.So iyon na nga, sa sobrang pagka-amazed ko, nakalimutan kong unahin ang dapat. Natagalan ako sa paghahanap ng second to the last na subject ko ngayong hapon. Nang mahanap ko ito ay halos thirty minutes na akong late. Nahiya na akong pumasok kaya hindi na lang ako tumuloy. Para makabawi at para na rin hindi ako masayangan sa pagpunta rito, hinanap ko na lang nang maaga ang magiging classroom ko sa last subject ko."Phew," pagod kong usal nang mahanap ko ito. Nasa tapat ako ng pinto ng classroom na ito, nakatulala sa name and number nito. "Grabe... Kaya pala ang hirap mong hanapin, nasa liblib ka nang parte ng University na ito... Hay..." muli kong usal sabay tingin sa kalapit lang nitong mini-forest park.Sumamyo ako ng hanging nagmumula rito. Tumingin sa relo nang makabawi na nang kaunting pahinga."Five o'clock in the afternoon... Marami pa akong oras..."Ngumiti ako matapos kong kindatan ang sarili sa naisip na idea. Binagtas ko pabalik ang daang pinanggalingan pero bago iyon, sumulyap muna ako sa magiging classroom ko mamaya."Babalik na lang ako mamaya...."Mamayang seven in the evening pa ang last class ko, two hours din iyon, kaya bumalik na lang muna ako sa forest park. Umupo ako sa bench na semento at inilabas ang baon kong inumin. Naninibago ako sa anyo ko ngayon na pawisan. Kaya siguro parang ang bigat-bigat araw-araw ng katawan ko noon kasi hindi ako pinagpapawisan nang ganito. Ito iyong normal na pawis, eh."So, this is the feeling... I like it..." marahan kong sambit sabay tingala sa itaas, sa mga sanga at mga dahon ng mga nagkumpul-kumpol na mga puno.Mula rito ay maririnig din ang ingay, halakhak at usapan ng nga ibang estudyante na may ginagawang activity sa kabilang banda ng forest."Ganito pala ang nangyayari kapag pumapasok ng school, maraming tao at parang laging masaya..."Napapanood ko rin naman sa TV iyong mga ganoon senaryo sa school pero ibang-iba talaga kapag nakikita ng sarili mong mga mata iyong totoo.Sumigla pa lalo ang ngiti ko sa mga labi. Sana maka-meet din ako ng mga magiging kaibigan ko rito soon...Kung saan-saan pa ako nakarating after ko sa forest park, sa cafeteria, sa gymnasium at marami pa. Bumalik na lang ako nang malapit na ang klase ko. Maaga ako ng thirty minutes kaya tumambay muna ako sa mini-forest. Aakyat na lang ako sa classroom kapag nakapasok na lahat ng mga kaklase ko.Kapit na kapit ang mga kamay ko sa mga straps ng bag nang tuntunin ko na ang shortcut papunta sa classroom. Dahan-dahang napanatag nang makahanap ng lakas ng loob sa nakabukas na isa pang pintuan sa dulo ng classroom. Bumilis ang paghakbang ng mga paa ko at hindi man lang ako nagpreno nang nasa tapat na ako ng pintuan.Pinakalikod na parte rito kaya walang nakapansin sa akin na pumasok bukod sa mga kapwa students ko na nakaupo sa row ng inupuan ko. Alangan akong ngumiti sa mga ito na pormal din naman akong nginitian pabalik, nakarehistro sa mga mukha na alam na nilang bagong mukha lang ako sa klase.I brought my bag over my thighs and simply looked ahead. There is no teacher yet. Idinaan ko na lang sa paminsan-minsang pagkindat sa sarili ang excitement na nararamdaman."Halla! Anong oras na pero wala pa si babe! Nakaloloka naman iyong prince charming ko! Sinanay akong pumapasok ng ten minutes early before class!"Tumingin ang lahat sa babaeng nagsalitang bigla sa pinakagitna ng klase."Halla itong babae na ito! Kung maka-babe naman kay professor!" ani naman ng tila baklang nasa tabi nito. "Hoy, girl, baka hindi ka pa sinagot no'ng tao... Huwag ka munang pasisiguro, 'no! Update mo na lang kami kapag magaling ka na sa Calculus subject niya! Simple Calculus problem hindi mo nga masagot, eh... Sayang ganda mo, girl!"Punung-puno ito ng mga kolorete sa mukha kaya nasabi kong pusong-babae ito. Pinapayagan na pala ang mga katulad nitong estudyante na magsuot ng mga kolerete at magsuot ng damit na pambabae. Namamangha na naman tuloy ako rito nang mag-isa.Hindi ko masabi kung nag-aaway o nagpapayabangan lang sila no'ng babaeng nagsalita kanina. Kanina ko pa napapansin na tingin nang tingin ang mga babae sa labas, eh. May naabutan pa nga akong mga nakatapat ang mukha sa salamin at nagpapaganda. Nakapagtataka lang kasi gabi na, eh. Paniguradong kagaya ko ay last subject na rin nila ito ngayong araw.Napayuko ako ng ulo nang magkasabay na humagikgik ang dalawa kong katabing mga babae. Nahihiya naman akong itanong kung para saan iyon."Hoy, chaka, kahit hindi ako katalinuhan, at least pinapansin ako ng babe ko! Eh, ikaw kaya?""Pinapansin ka lang niya kasi sobrang talino mo sa subject niya!" pauyam namang buwelta ng isa. "Wala pang binigay si sir na quiz na hindi ka na-zero!"Nagtawanan ang lahat sa huling sinabi nito. Ako lang yata iyong nakikitawa na lang kahit wala namang kaalam-alam sa mga nakalipas na mga nangyari sa klaseng ito.Aliw na napahagalak iyong isa. "Hoy! Grabe ka namang, chanak ka! Masyado ka namang namemersonal diyan! Bawal ba ang mag-daydreaming ang isang katulad kong bobo?"Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa mga estudyante rito. Halos aliw na aliw na ang lahat sa palitan ng dalawa ng mga salita.Hanggang sa mahaba at malakas na tili ang nagpanumbalik sa isip ko, I mean hindi lang ako kundi halos lahat na yata kami. Iyong tatlong babaeng nakasilip sa pintuan sa harapan ay tila mga kiti-kiting nagtatakbong bumalik sa kani-kanilang upuan."Professor Scheids is coming to town!" sigaw ng isa sa tatlo kaninang babae.May napansin akong dumaan sa labas ng pinto sa tabi ko kani-kanila lang pero hindi ko na naabutan dahil siguro mabilis ang lakad.Nang ibaling kong muli ang atensiyon at paningin sa harapan ay ang saktong pagpasok naman ng isang lalaki sa suot-suot nitong semi-formal, naka-black slacks and medyo fitted na long-sleeve na ang laylayan ay naka-rolled hanggang mga siko nito. Ang dalawang botones nito ay naiwan nang nakabukas. I guess he is not aware that his seemingly hard and perfect muscles are bursting in his arms and in his peeking chest... Ang layo ko pero nakita kong lahat iyon, akalain mo!Lumiit ang sulok ng mga mata ko sa pagkalito, Professor ba ito o isang male model na naligaw lang dito sa classroom namin?Nagpatuloy ako sa pagkilatis dito. At in fairness naman sa kaniya, ang linis ng gupit! Medyo nawala ako sa sariling nang humarap ito sa lahat matapos niyang ibaba ang mga dala sa table nito. I was surprised that there was something more beautiful about him when he appeared completely.Nasa mukha na nito ang mga mata ko nang magsalita ito.Present time..."Sorry, class, if I am late-"Naudlot ang gagawin ko sanang pagpikit nang magtama ang aming mga mata. Tumingin siya sa akin! Napatigil ito sa pagsasalita. Alam niya kaagad na may bago siyang student! Oh, wow, amazing!I blinked repeatedly, not to wake him but to remind myself. Hindi man lang ako nakapaghanda bago niya ako makita!May inaayos ito sa table niya na natigil din dahil yata sa pagkapansin niya sa akin. Na-stuck ako between sa pagtayo at pagbati sa kaniya. Ang mga kaklase ko ay nakatayo nang lahat at magkakasunod nang binabati siya. Pero ako, nandito, pinapatulan ang titig na binibigay niya sa akin.Magpapakilala ba ako dapat? Tatayo na ba ako para sabihin dito na: "Sir, bagong student po ninyo ako...""Oh... So, pumasok ka na rin, finally..."Walang duda na ako iyong kinakausap niya rito."Uh..." halingling ko sabay tawa nang ipit. "Uh... Good evening po, sir... and everyone..."Tinipid ko na nga iyong bati ko pero pumiyok pa rin ako. Ano ba naman ito?!Wala na, ako na iyong sumunod na naging center of attraction! And I really hate the feeling."Ah... Eh... Ako po ba kausap ninyo, sir?"Bakit naman kasi gano'n iyong mga mata niya? Parang may ipu-ipong nakapaloob sa mga ito at tinatangay ng mga ito ang sino mang titingin! Tinatambol ang puso ko."Yes..." He raised his face and his hands continued to work. Binalingan nito ang mga kaklase ko. "Seat down, everyone..." utos nito na nasunod naman kaagad. Uupo na rin sana ako nang bigla niyang idagdag, "Your name?"Hindi makapaniwala ang mga kaklase kong nakapuwesto sa harapan na bigla akong sumulpot dito out of nowhere nang hindi man lang nila napapansin.Nabitin iyong puwet ko sa ere. Napilitan akong tumayo nang tuwid at ngumiti rito."Hi, sir and... sa inyong lahat na rin... I am Astherielle Zuluetevo..." pakilala ko sabay tingin sa lahat, pero siyempre, sa gilid ng mga mata ko, nasa Professor ang buong atensiyon ko. Paano naman kasing hindi, eh, nakatingin pa rin ito hanggang ngayon sa akin!"Okay... You can seat now, " pormal nitong utos pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin."You didn't start my class, and I understand the private reason for that, Miss Zuluetevo..." Binalikan ng mga kamay niya ang ginagawa sa table nito. "We're away from the lessons; I'll just talk to you later so I can explain everything to you and also so you don't have trouble keeping up with my class... Calculus is the subject I teach in this class."May excuse at pagpapaalala sa tinig nito. Yeah, alam kong mahirap talaga ang subject na iyon. Kaya nitong burahin ang utak mo sa hirap! Iyong mga exams, quizzes at activities ko sa subject ko na iyon ang hindi nagpatulog sa akin sa mga ilang araw ko sa hospital. Sobrang hirap at nakaiiyak talaga!"Anyway, welcome to my class."Welcome ba talaga ako? Ang plain at ang cold kasi ng pagkakabati niya sa akin, eh. Pero ang mga mata, naku, nanlulunod! Hindi pa naman ako isda! Kaya hindi dapat ako magpalunod sa mga ito."Sige po. Thank you so much, sir... Don't worry po... hindi po kayo mahihirapan sa akin," mabilis kong sinabi. Hindi na ako tumingin sa lahat. Nagmamadali na lang akong umupong muli.Ang lakas ng hatak ng huling titig niya sa akin. Para bang may kasalanan ako rito na hindi ko alam kaya gano'n na lang makatingin.Inilabas ko ang notebook ko, binuksan at wala na rin sa intensiyon na pinagsulatan ng mga kung anu-ano. Nag-busy-busy-han ako rito kahit hindi naman talaga."So, what is Calculus... Miss Zuluetevo?"Natulala na naman ako nang hindi oras sa biglaang pagtawag nito sa last name ko."Uh..." Alam ko iyon, eh, pero nang dahil sa malakas na presensiya ng lalaking ito ay na-bobo akong bigla!"Sinabi mong hindi ako mahihirapan sa iyo... So, coming from a homeschooler like you, what is Calculus?"May impact talaga itong lalaki na ito na mas mahirap pang sagutin kaysa sa subject na itinuturo nito!End of Astherielle's POVVOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY. :)Chapter 5Astherielle's POV"A-Ah... C-Calculus..."Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero mabilisan lang para naman hindi masyadong halata na nate-tense ako sa lalaking ito at sa marami pang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inayos muli ang pagkakatayo habang pasimpleng nag-iisip."Ah... H-Honestly, hindi ko po memorized iyong p-pinaka-exact and complicated definition na rin nito para sa akin..."Complicated naman talaga sa unang basa ko noon.Nilipat ko ang mga mata sa blackboard as my excuse. Para naman hindi ako masyadong napaghahalatang tagakilatis ng lalaking ito. Ang daya lang ng vision ko, naroon man banda roon ang paningin ko, malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan at kakisigan ng Professor na ito.Why am I doing this again?Ah, I know... Maybe this is the first time I've seen a man with good looks. I'm sure there are more handsome than him, but since I'm too shy to look at the faces of my classmates one by one, I assumed that this was the most handsome m
Chapter 6Scheids' POVFifteen minutes ago..."Professor Fawzi!" tawag sa akin ng isang co-teacher ko pagkarating ko sa main building namin.Sa unang akala ko ay si Tara na ito. Mabuti na lang at hindi dahil wala ako sa mood para lumabas o kung ano pa mang maisipan na naman niyang ialok sa akin sa ganitong oras. Masyado akong napapaisip sa bagong pasok na student ko kanina. I told her to stay after class because we had something to talk about. But I had just finished dismissing my class when she left. She didn't even look at me to say goodbye. I am not demanding anything pero hinintay ko talagang gawin niya iyon since bago lang siya sa klase ko and as pasabi na lang sana. I am still her Professor... A small gesture of respect will suffice.Hindi ba at ganoon naman talaga dapat? Or hindi lang talaga ako sanay na may babaeng student ako na hindi ako binigyan ng atensiyon na katulad ng binibigay ng halos babaeng students ko? Halos ayaw nang umuwi ng mga ito pero siya, atat na atat yatang
Chapter 7Astherielle's POVHindi ko alam kung ipipilig o iiiwas ko ang mukha sa taong ito. Nalalakasan na ako sa dating nito na mas tumindi pa dahil sa huling mga sinabi niya. Can he really read me? Natatakot ba ako rito o nacha-challenge lang? Hindi ko rin alam, eh... Baka... nag-iingat lang kaya ganito ako.Sino naman kasi ang mag-aakalang susundan niya ako rito para kausapin at punahin?At oo nga pala, pinapaiwan niya ako after class kanina dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Nawala talaga sa isip ko iyon, walang halong biro or excuse, dahil ang gusto ko na lang talaga kanina ay ang makaalis sa maliit na silid na iyon, pero overcrowded. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao, sa maingay na paligid at sa mga matang pakiramdam ko ay laging nakatingin sa akin kahit na ang totoo ay sa palagay ko lang naman iyon."P-Po?" utal na lumabas sa mga labi ko."Hmmm... P-Po? Too much politeness... Huh... Sir. Iyan ang itawag mo sa akin para naman hindi masyadong... nakatatanda sa pandini
Chapter 8Scheids' POVFifteen minutes ago...I am not sure kung anong oras matatapos ang meeting sa department namin kanina kaya nag-announce kaagad ako ng announcement sa group chat namin na baka hindi ako makaabot sa mga klase ko sa hapon, from five to nine in the evening classes. Group chat iyon na pinagawa ko kung saan class Presidents lamang ang kabilang. Para lang mapadali ang pagbibigay ko ng mga important announcements, katulad na lamang nito. Ifo-forward ko roon pagkatapos ay sila na ang bahalang mag-pass sa mga kaklase nila.Maaga kong sinabi na hindi na kami magkaklase nang mag-extend pa ng isang oras ang meeting. I have done what needs to be done so that my students don't get tired of going to the times I refer to, but until the meeting starts and until it ends, I think about my students who belong to the international classes. Iyong mga walang block, mga nahalo lang sa klase. Wala akong contact sa kanila o sariling way para ma-reach ko sila. Concern ako sa kanilang lahat
Chapter 9Astherielle's POV"K-Kahit hanggang likuhan lang po talaga ako, s-sir..." nahihiya kong ulit dito.Alangan sabihin ko naman kung saan ako nakatira at magpahatid din doon! Siyempre mas ilulubog ako ng hiya ko kaysa sa takot ko sa mga multo rito sa building na ito. Ewan ko ba kung bakit naniniwala akong may namumugad na mga bad spirits dito. Pinakaliblib kasi na napatayong building mula sa main entrance ng Polaris University, eh. Mapuno at hiwalay pa sa mga ibang buildings kaya itong kaduwagan sa loob ko, kusang lumulugar sa mga naiisip ko."Tch," sitsit ko sa sarili nang maalala kong hindi ko pa pala nasabi kay Tita na maaga niya akong susunduin ngayon.Simula nang mag-aral ako, hatid-sundo na ako nito rito sa school. Sinasadya rin niyang mag-overtime sa trabaho para lang masakto sa uwian ko at masundo niya ako. Sinasanay na raw nitong bumiyahe nang lagpas nine in the evening.At itong lalaking ito, ang gentleman at ang bait naman niya para offer-an ako ng hatid hanggang bahay
Chapter 10Scheids' POV"Lahat nanigas sa iyo maliban sa mga labi mo..."Sumingkit ang mga mata ko sa pagtawa nang magiliw at walang tunog. Kahit alam kong imposibleng makita at marinig niya ako, itinagilid ko pa rin ang mukha para itawa nang patago ang sarili.Even if our lips were touching for a moment, I still tasted and felt what I should have. Huh? I should have? Ginusto ko rin? Nasarapan din ako? Na-appreciate ko rin iyong lambot at feeling ng mga labi nito sa balat ng mga labi ko? The feeling is like I've kissed a freshly opened jellyace, that store-bought product that comes in a small, thin, plastic container. Aha! Masarap nga at refreshing kung gano'n ang pagkaka-describe ko.Nangingising napapailing ako sa mga naiisip ko. Nakatulong ang dilim sa tinatago kong kapilyuhan. Hindi ako ganito ngayon kung maliwanag lang sa lunggang ito. Hindi ako magtatangkang ipakita na kahit papaano, wala akong pagsisisi sa nangyari. What happened wasn't right, but it wasn't wrong in terms of how
Chapter 11Astherielle's POVBaby? As in sanggol ba? Pero ako lang itong kasama niyang dumating dito. Ang mga tao na rito ay puros lalaki na."Hmmm..." mahinang usal ko habang busy sa paglilibot itong mga mata ko.Pinaglalaban ko si Marites kanina pa rito kaya hindi ko napansin na napadpad na kami sa lugar na ito. May magarang sasakya sa gitna, dito sa mismong tabi ng tinigilan namin. Motorbike ito at hindi lang basta-basta ordinaryong sasakyan."Oh..." manghang usal ko matapos kong makita ang mga detalye nito na nagpapakita ng kamahalan, katibayan at tila pagiging limited edition nito.Marami na akong nakita na motorbike sa buong buhay ko pero iba ang isang ito, sobrang laki, kintab at mukhang walang parte itong hindi matibay at mahal. Best in skin care ito sa sobrang kintab. Pati mga pores ko sa mukha nakikita ko na rito sa sobrang kinis. Kung wala lang ito rito, iisipin ko nang kagagawa lang ito at kalalabas mula sa manufacturing company kung saan ito binili.Hangang-hanga ako rito,
Chapter 12Scheids' POV"Free hug? Kakapit lang po ako sa inyo, sir at hindi yayakap..." parang bata nitong pangkla-clarify. "Ito, oh... Parang ganito..." Dine-demo nito kung papaano ang gagawin nitong pagkapit sa akin. Napaitlag ang kaliwang kilay ko nang maramdaman ang mga kamay niya sa balakang ko. Sa tatlong attempt ay naging permanent na ang mga kamay niya roon. It wasn't exactly her skin that stuck to me, it was the fabric of the clothes I was wearing before that, but I still couldn't help but feel the heat coming from her hands on my skin. Nagustuhan ko iyon kahit na may something na mali para maramdaman ko iyon. Kung aabot na madadarang ako ng mga ito, parang walang problema sa akin na masunog sa bandang iyon.Nilingon ko siya. "Okay... Iyon ba tawag doon? Sige lang... Kapit pala, ha..." Mabilis na kinindatan ko ito at isinuot na ang sariling helmet na inabot sa akin ni Kyle."Hindi ako kinakabahan sa inyo ngayon, boss... May kasama kayong magandang dilag, eh, kaya siguro pa-b
Epilogue Astherielle's POVHindi ko pinlano na unang banggitin ang kinalaman ni Sheids sa libro ko. Pero sa daming nangyari at mga nalaman ko sa nakalipas na buwan na hindi ko siya kasama, nagbalik ang alaala ko sa kaniya. My emotions are overwhelming as I find myself here at the University where we first met and got to know each other...Nadaanan ko ang billiard shop sa gate one na madalas niyang pagtambayan noon. Ang mga daan papunta sa condo niya, nakita ko ang sarili at siya na naglalakad sa mga iyon kanina. The nostalgic feeling I used to have every time I stepped foot into the University, it enveloped me once again today as I caught a glimpse of Polaris. Buhay na buhay pa rin ang mga puno sa forest park malapit Terefania Building, in that place where we first met and collided. Malinis, pantay at ma-berde pa rin ang mga damo sa University Field kung saan naganap ang first dance namin in public.Kahit sa saan ako tumingin, siya ang naaalala ko...Sheids Noah is Polaris University
Chapter 53Sheids' POV "Hinintay kita, Sheids... Hinintay kita... Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan... Isama mo na bawat segundo at oras... Akala ko lang talaga hindi ka na babalik pa... A-Ang hirap ng sitwasyon natin... Mahirap umasa... Sorry... Tinanggap ko ang proposal ni Cloud..."As she spoke, tears streaming down her face, I found myself fixated on the smoothness of her neck, no trace left of the love bite I had left there...Hindi ko natupad ang pangako kong babalik kasabay ng pagkalaho niyon...Hindi na ako nagsalita pa dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Lagi akong bigo na mahanap siya.Kasalanan ko na naman kung bakit kami umabot sa ganito.Once again, it's my fault that she was able to give a 'yes' answer to Cloud's proposal..."Pero nandito na ulit ako, Elle... Dumating na ako..."Tears surfaced in my eyes as I watched our child peacefully asleep in her cradle, finished with nursing and now soundly slumbering. Siya ang dahilan kaya hindi ako natatakot sa susuno
Chapter 52Sheids' POV Hindi na lumabas ng bahay si Elle nang magpaalam kaming aalis na ni Kareem. I refrained from turning around and running back to where the car had just started moving.Masakit man sa loob na umalis ako pero kailangan...Magkahiwalay ulit kaming nag-flight ni Kareem. Umuwi siya ng Amerika at ako naman sa dakong Turkey. I promised her that I would go there after two days. She agreed and even said she would wait for me there.Nang makauwi ako rito sa bahay, office kaagad ni Dad ang pinuntahan ko. Nakaamoy si Mom kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng pinto ng office. Naramdaman ko pang nagtago siya roon. It's good that she's there too, so she can hear everything I have to say."Yes, Noah? Kumusta ang honeymoon ninyo ni Kareem? Magkaka-apo na ba kami?" aniya, seryoso, pagkatapos niyang paikutin ang swivel chair paharap sa akin."I will be divorcing Kareem as soon as possible, Dad..."He let out a heavy sigh, seemingly unsurprised by what I said. However, he also
Chapter 51Astherielle's POV Karagdagan thirty minutes ang ginugol naming magkasama ni Sheids sa loob ng sasakyan. We discussed so many things, but for me, it's still not enough. There's still so much more we want to learn about each other, but time is lacking, and we need to go back home."Time always seems to speed up whenever I see you, Elle. How can I make it stop so that we never have to part ways again?"Binalingan niya 'ko para malungkot niyang itanong 'yon. Alam niya ang daan, alam niyang malapit na kaming makarating sa bahay. He knows the way to reach the cliff, so he also knows how to find his way back.Hindi ko siya tiningnan. Nagpatuloy ako sa pagda-drive, nakatingin sa daan."Sumama ka sa akin...""Sheids... I can't...""I already miss you, even just now..."Huminga ako, pinipilit itago ang lungkot at pag-aalangan na makita ang madadatnan kong isa pa naming bisita sa bahay, ang asawa niya..."But you have to leave, Sheids, you and your wife...""Yeah, kauusapin ko siya ag
Chapter 50Sheids' POV My mouth captured every whimper that escaped her lips as I kissed her passionately. Hindi ako mapatigil sa ginagawa. Sa halos magkasunod na dalawang araw na nakita ko siya, ang mga labi nito ang madalas na nahuhuli ng mga uhaw kong mga mata at pakiramdam.Akin ang mga labi niya, pero tuwing naiisip kong kasal na siya, nanghihinayang ako sa katotohanang pag-aari na ito ng iba...Tears streamed down my face as I savored the moment. Her lips are mine once again... I have reclaimed them... And now, she kissed me back, pouring her love into the embrace.I have longed with an insatiable ache to taste her lips once again. With my eyes closed, I ardently claimed her mouth, indulging in a cascade of fervent kisses. My tongue, emboldened by love's fire, ventured forth, intertwining and caressing the depths of her mouth, harmonizing with her own in a passionate ballet of devotion. Bawat hagod ng mga labi ko at haplos sa katawan niya, nag-aalab at nanunulit.Ilang beses ko
Chapter 49Astherielle's POV Ipinarada ko ang sasakyan sa paanan ng side ng cliff. Lumabas. My eyes dwindled in size as they gazed upon the towering cliff, stretching into the heavens with its majestic height. Ang tila natapyas na parteng harapan ng cliff ay katabi na ng malawak na karagatan, nakadungaw roon.August has graced us with its presence, a gentle reminder that summer's reign draws near its end. The sun, once ablaze with fiery brilliance, now descends with a softer glow, casting a golden hue upon the world below. The air carries a whisper of change, as a cool breeze brushes against my skin. Ang lamig sa ilong ang pinaghalong amoy ng dagat, hanging malamig, mga damo, lupa at ilang ligaw na mga bulaklak.Ang kalikasan at tiyempo nga nagbabago, mga tao pa kaya...Nakangiti kong sumunod na inilibot ang mga mata sa mga bulaklak sa pinakamaraming variety rito, kulay-violet ang mga ito na pahaba. Ang sabi ni Maica, Alascan Lupine raw ang tawag sa mga ito. I reached out and gently g
Chapter 48Sheid's POV After two weeks, our engagement day arrived for Kareem and me. It was a resounding success, attended by well-known individuals and esteemed figures from around the world. Kareem possesses royal lineage, being one of the grandchildren of the Queen and King of Sweden. Pangatlong anak ang ina niya ng mga ito. Umalis sila ng palasyo para mamuhay nang simple, iniwan ang mga obligasyon at pamilya nila sa bansang Sweden para sa mas tahimik na buhay rito.Gabi bago ang engagement ko nalaman. That thing about her came as a surprising revelation. We had been talking and spending time together before the engagement, but she had never mentioned that aspect of her identity.She is an intelligent, beautiful, affectionate, sophisticated, and joyful woman, that I know, but it seems she has gone too far in her humility. Pormal lahat sa amin. Alam naming pareho ang plano sa amin ng ama ko at ng mga magulang niya. I am uncertain of her feelings toward me or her opinion regarding t
Chapter 47Astherielle's POV "Forgive me, Astherielle... Forgive me, my child..." patuloy niyang d***g sa mas pinasakit na pinasakit niyang pag-iyak. "A-Anak... Forgive me. I didn't mean to end your life... N-Naririnig mo ba ako? My angel..." Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Kinakausap niya ito na parang may laman pa rin. "M-Mahal k-kita... Mahal na mahal kita... Sorry, nagkaroon ka ng gagong tatay... Kung alam ko lang sana... Pinaniwalaan ko ang unang resulta... Hindi ko na hinintay ang mga sumunod... H-Hindi k-ko alam na may buhay k-ka na... Sana naghintay pa ako at hindi umalis..."I closed my eyes, suppressing the resurging waves of tears. The weight of what I heard and saw from him left me gasping for breath. Dobleng sakit ang umaatake sa akin dahil bitbit ko na pati ang nararamdaman niya sa nangyari sa anak namin.Sa sobrang bigat ng puso ko sa nakikitang pagdurusa niya, hindi na kayang manlaban ang galit kong parte.Inihimlay niyang muli ang mukha sa tiyan ko. His face trem
Chapter 46Sheids' POVI quickly styled the second and final sections of Faja's hair. Despite my desire to achieve a flawless and polished look, just like the other side, I was unable to do so as Elle's sudden arrival caught me off guard. Itinali ko ang dulo nito at maingat na siyang ibinaba. Nang lumapat ang mga sapatos niya sa sahig, nagulat akong humarap siya uli sa akin imbis na puntahan niya ang Mommy niya."May I see my own reflection?" she asked, her voice filled with a mixture of curiosity and yearning."Huh?""Can I see myself? This." Itinuro niya ang buhok."I don't have a mirror, Faja. Puntahan mo na ang Mommy mo."Itinalikod ko siya mula sa akin, pero muli ulit siyang humarap."Where did you buy Peppa Pig?""A-Ah."Napapikit na lang ako. Binili ko iyon sa malapit na Boutique sa labas nitong hall. Wala akong maipantali sa buhok niya. Wala pa ang yaya niya kanina, walang iniwang gamit niya, kaya ginawan ko na lang ng paraan."Just outside.""Oh..." Itinaas niya ang kamay at h