Chapter 3
Scheids' POV"Talaga bang okay lang sa iyo, sir, na magdagdag pa ng isang estudyante sa klase mo? I heard that your five calculus classes are full because of the number of students transferring to your class. Aba, eh, mukhang wala pa naman akong nababalitaang reklamo mula sa iyo..." si Mr. Grospe, ang sixty-two-year-old head of Mathematics department. Matangkad at matabang Professor na kaunti na lang ay pagkakamalan mo nang si Santa Claus dahil sa makapal at maputi nitong balbas.My first response was a soft laugh. In the three years I have been teaching here at Polaris University, for me that is nothing new. Wala pa akong klase na natipid sa students, laging sakto at madalas pa nga na sobra-sobra sa limit. Kahit ang hirap-hirap ng subject na Calculus, nakagugulat na marami pa ring namo-motivate na pumasok."Mukhang magre-resign na si Mr. Solven dahil wala nang may gustong mga students na pumasok sa klase niya. Eh, parehas lang naman kayo ng itinuturo..." Humalakhak ito at napailing.Ang tinutukoy nito ay isa ring katulad kong Calculus Professor dito sa University. Halos kaedad lang niya ito. Magkaibigan ang mga itong matalik, madalas makitang magkasama saan mang parte ng University."Iba na talaga kapag medyo bata-bata ang Professor... Hindi na kami nagugulat sa napapansin naming nakukuha mong paghanga mula sa students at ibang staffs dito sa University. Alam mo ba kung bakit?"Umangat ang isang sulok ng mga labi ko. Sa naglalaro pa lang na aliw sa mga mata nito, may naaamoy na naman akong paparating na pagpapasikat mula rito.Even though he is old, he still likes to tell stories about his youth. I also learned from him that he and Professor Solven were in the same class when they were in college. Sabay silang grumaduate at halos tatlong taon lang ang pagitan nang magkasunod silang magturo dito.Ang pinakatinatawanan ko talaga sa kanila, eh, iyong madalas nilang sabihin na nakikita nila ang sarili sa akin noong mga kabataan pa nila. Ayaw kong palakihin ang ulo pero naniniwala na rin akong anak ako ni Adonis. Yeah, malaking factor ang mukha at physical kong anyo para ituring akong nagtuturong goddess dito sa Polaris. At iyon na rin ang dahilan kung bakit ang dami-daming lumilipat na mga estudyante sa klase ko."Huwag mo akong ngisi-ngisihan diyan, Mr. Fawzi. Kung makikita mo lang ang mga litrato ko noong kabataan ko, malalaman mong hindi kita binobola. Kahit nang magkaasawa ako, napagkakamalan pa ring single!" proud na proud nitong sinabi sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko kahit pa hindi naman nakalantad ang buong ako rito.Nakaupo ako rito sa sarili kong mini-office. Twenty Calculus professors ang under sa kaniya. Nahati-hati kami, bawat silid ay apat kaming nag-o-office. Bukod dito ay may kaniya-kaniya pa kaming private na office. Ang akin ay naka-locate sa Primo Building malapit sa gate four, pinakamalayo nang parte mula sa main gate ng University. Dahil tinatamad akong maglakad papunta roon, mas madalas akong mag-office rito sa Colasia Building. Pumupunta na lang ako roon kapag gusto kong mapag-isa, matulog o mag-iwan ng mga gamit."Yeah... I get it po, Professor..." halakhak ko na lang na sang-ayon dito. "Nakikita ko na po ang ebidensiya kahit wala po kayong ipakita sa akin na mga pictures..."May itsura naman talaga ito kahit pa hanggang ngayon na medyo kulubot na ito. May matangos na ilong at mga matang malalalim. Naaalala ko rin ang Daddy ko sa kaniya. I shook my head to ignore my memory of him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang desisyon kong pag-uwi ko rito sa Pilipinas para i-pursue ang pangarap ko, ang pagtuturo.Bilang panganay na anak, gusto niyang ako ang mag-take over ng company nito kapag nag-retired na siya. Matagal na niya akong inihahanda pero naging wais ako sa huling mga taon ko sa Turkey, lumipad ako nang walang paalam dito sa Pilipinas at ginawa kung ano ang gusto ko.Napili ko ang Polaris University dahil bukod sa malapit sa childhood house ng Filipina kong ina, sikat at maganda ring eskuwelahan sa buong bansa. Nagkataon pang hiring ng Calculus teacher noon dito kaya wala na akong dahilan pa para humanap ng iba. I am a civil engineer and a physicist. I love numbers, problems and many more about Mathematics.Sa side ng mother ko, halos mga teachers sila kaya siguro pati ako ay naimpluwensiyahan nila. Gusto ko iyong pakiramdam na naituturo ko iyong mga nalalaman ko. I think the force is coming from my passion than the subject itself."Pero iba pa rin kung makikita mo talaga kami sa litrato, hijo. Mas maniniwala ka na naman."Kinamot ko ang kaliwang sintido nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi."Basta, magdadala ako soon!"Mabuti na lang talaga at kami lang ang nagkaabutan dito sa office. Ginagatungan itong madalas ng mga co-teachers naming mga babae, eh. Hindi ko alam kung magiliw lang talaga sila o gusto lang magpabango ng pangalan kay sir since siya ang head namin."Alright, sir. Magdala lang po kayo... Wala pong problema...""Magagalit na sana ako sa iyo, Mr. Fawzi, dahil nga sa nag-uumapaw na atensiyong binibigay sa iyo ng mga tao rito... Pero masyadong natutuwa sa iyo ang University President natin na si Mr. Ong... Aba'y mukhang iniisip yata niya na dahil sa iyo kaya nag-increase na naman ang mga enrollees this school year..."I don't know pero mukhang pagmamalabis naman nang pati iyon ay dahil sa akin."Oh..." mahinang ungol ko sa isip.Paano ko ba itatanggi iyon kung alam ko namang papunta pa lang ako sa klase ko, ang dami nang nakaabang na mga students malapit sa designated room of class ko? At hindi lahat sila ay estudyante ko, may mga napadaan at tumambay lang talaga para makita ako. Napapailing na lamang ako tuwing naiisip kong halos mga estudyante ang mga iyon.I am not an actor or a big person who has become famous in any field to receive such admiration and attention. I'm just a Professor with an artistic face and body. Iyon lang din naman ang tingin ko sa sarili ko, eh. Ni isa sa mga paghangang binibigay sa akin, wala akong hinahawakan. Mine-maintain ko ang professional kong figure sa lahat. At sana iyon din ang maisip nila sa pagiging formal ko sa loob ng klase at kung minsan, sa labas ng klase."Maganda at sikat lang po talaga ang Polaris University, sir, sa buong bansa... Hindi naman po siguro dahil sa akin iyon...""Hmmm... Magkakamali ba naman si Mr. President. May evaluation naman sa mga students at tinatanong din doon kung bakit dito sa Polaris University nila napiling mag-aral... Eh, may nakarating ba naman sa kaniya na sumagot na "Because of Professor Scheids Noah Fawzi!"Tuluyan na itong napahagalapak ng tawa. Narinig ko na rin ang sabi-sabing iyon pero ngayon ko lang napatunayan na may katotohanan pala rito.Para akong ginigisang mag-isa rito ng matandang ito. Hindi rin pala nakatutuwa lalo't hindi naman ako mahilig sa estudyante. Marami akong magagandang students pero wala akong naging type sa mga ito. Para sa akin, students ko lang sila, responsibilidad na turuan."Nakaka-proud lang dahil under ka ng department ko... May especial treatment tuloy sa department natin dahil sa iyo..."Aliw kong sinakyan ang trip nito hanggang sa gusto niya. Tapos na ang dalawa kong klase ngayong umaga; ang natitirang tatlo ay mamayang hapon at gabi pa."Anyway, isantabi ko na nga itong aliw ko sa iyo.... So, okay pa ba sa iyo na tumanggap ng isa pang student? Binitiwan na kasi ni Mr. Solven ang isang klase niya dahil twenty lang ang estudyante niya roon. Pinagtipon-tipon na lang niya sa apat niyang klase. Ngayon, sakto-sakto nang tag-forty. Natanong ko na rin siya at nasagot na rin niya ako. Ayaw na niyang tumanggap pa ng additional dahil nakapag-pass na siya ng final number ng mga students niya...""No problem po sa akin, sir... Idagdag na lang po ninyo sa last class ko, iyong panggabi, kung hindi naman conflict sa schedule ng student na iyan... Para balance po ang number of student ko sa bawat klase.""Oh, sure. Sinasabi ko na nga bang hindi mo aayawan ito. Umayaw na kasi lahat, eh. Dapat ay sa iyo na lang pala ako unang lumapit... Eh, kawawa naman kasi ang batang iyon kung hindi niya makukuha ang Calculus subject... Dati siyang home-schooling na maco-convert sa normal schooling...""Oh, I see..."May natatandaan din akong student na ginagawan ko ng separate exam sa ibang math subjects ko dahil under homeschooling ito. Ako lang ang gumagawa pagkatapos ay adviser na nito ang nagbibigay sa kaniya. Ito na rin ang nagche-check kaya never kong nakilala iyong student na iyon.Ngumiti ito. "Eh, malakas sa akin iyong Tita niya, kaya heto at kinakausap kita ngayon..."Sanay na akong magturo ng singkuwentang students kada isang class kaya ano lang naman iyong isa pang maidadagdag, 'di ba? Sana lang talaga ay mabait ito at tahimik since galing naman sa home-schooling."Sige po. Idagdag lang po ninyo..."Mag-e-end na ang first term pero ngayon pa lang ito papasok. Well, sana makahabol pa siya sa mga lessons. Tutulungan ko naman siya kung sakaling hindi. Magkaiba kasi ang home-schooling sa pag-aaral talaga sa loob ng school."Yes... Okay. Sige. Ibibigay ko ang pangalan niya bukas. Baka next week or next, next week, papasok na siya.""Okay, Sir... Hmmm... Matagal pa pala...""Yeah... May dahilan pero very confidential... Na-explain na sa akin ng tita niya kung bakit...""Ah... Okay ho, sir."Lumabas ako ng office nang mag-i-start na ang first class ko this afternoon.Ten na nang makauwi ako sa condo ko. Walking distance lang ito mula sa Polaris University. Natagalan lang ako dahil nag-aya ng dinner ang co-teacher ko na si Tara. We have been dating for two weeks. We haven't talked a bit lately because she's from a different department, the health sciences' department. She is a nurse and clinical instructor of nursing third-year students.Hanggang dating and party-hardy lang ako when it comes to women. Nagsisimula pa lang ang pakikipaglapit ng mga ito ay sinasabi ko na iyon.Entering into a commitment is not my priority right now. I'm not at that point in my life yet. I haven't totally recovered from the death of my girlfriend five years ago. It's hard to start over with a new person and relationship because of what happened to us. Siguro kasi... hindi ko natanong sa kaniya noong nabubuhay pa siya kung okay lang sa kaniya na someday ay may iba akong papasuking babae sa buhay ko. Kahit matagal nang nangyari ang trahedyang iyon, para sa akin, parang kahapon lang iyon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang mararamdaman niya. Selosa siya, eh!I smiled sadly at the old thought.Marami nang dumaang babae sa buhay ko after the day she left me pero wala pa akong matandaan na pumasok sa puso ko. Humanap din ako ng kalinga, init at pagmamahal sa iba pero wala akong natagpuang katulad ng natagpuan ko sa kaniya. Naka-moved na siguro ako sa katotohanang wala na ito pero sa katotohanang nasa kaniya pa rin ang puso ko, hindi pa.Tapos na akong magmukmok at magluksa para sa kaniya. What I am doing right now is finding my real purpose in life. Nakiki-sway ako sa kung saan ako dadalhin ng destiny. Marami na rin akong pinagdaanan sa buhay kaya kung mangyaring bibigyan pa ako ng will ni God na magmahal ulit, I swear that I'll grab the chance. But for now, hindi ko pa talaga iyon nakikita sa kahit na kanino.Matapos kong i-text si Tara na nakauwi na ako rito sa condo ay naligo at natulog na rin ako.Araw-araw ay walang bago sa routine ko at sa nangyayari sa paligid ko. Hindi na ako naubusan ng mga students na nagpapapansin sa akin mapalabas man ng klase o hindi.Hanggang sa namalayan ko na lang na binibilang ko ang mga students ko tuwing nagpapa-activity ako, time na tahimik ang lahat na naka-focus sa pagsasagot, and ending up wondering kung bakit wala pa ring nababago sa bilang ng mga students ko."At saka... malalaman ko rin naman kung may bagong mukha sa klase ko, so what's the point of counting?" Nawiwirduhan kong ikiniling ang ulo.May two weeks na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin pumapasok ang student na iyon. Maybe... ginusto na lang nitong mag-continue sa pagho-home-schooling, better than adjusting to a new normal...Hanggang one day pumasok akong late dahil na-busy sa pakikipag-make out with Tara. Mabuti na lang at gabi na at last class ko na rin for the day. Two minutes late lang naman but it is still late."Sorry, class, if I am late-"Naudlot ang sinasabi ko at ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng table ko nang mapansin kong napunan na ang lagi kong nilalaan na seat sa pinakalikod ng classroom. There I noticed a woman who was sitting quietly, as if she was about to stand up because of the others who were standing and greeting me.Hindi ko na sana papansinin pero masyadong malakas ang dating niya para hindi ko mapansin. Nakadirekta sa mga mata ko ang buhay na buhay nitong mga mata. Ang hugis puso nitong mukha ay bumagay sa mahaba nitong buhok na ang gupit ay pa-wolf na pa-wavy sa dulo-dulo. Nagkataon pang dumaan ang hangin dahilan para matangay ang ilang hibla ng buhok nito, particularly sa bandang bangs nito.At bakit kahit medyo madilim sa kinauupuan nito, kitang-kitang ko pa rin ang bawat detalye ng mukha niya. Her skin has a dewy radiance. Iyong kahit nasa dilim ang maputing tao, lumilitaw pa rin iyong ganda ng balat nito. Her nose is even more perfect than mine, it's perfect in its shape. And her lips- thin and thick but heaven without any help of colors.At ako... kailan pa ako nag-define ng isang babae nang ganito ka-active bukod sa namatay kong girlfriend?! Ito pa lang ang una!Now who is this intriguing girl at the back?!End of Scheids' POVDon't forget to VOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY. :)Chapter 4Astherielle's POVTwo hours ago...Mula sa nakatakdang araw ng pagpasok ko sa Polaris University, tatlong araw pa ang pinalipas ko para mabuo ang desisyon ko, kung tutuloy na ba talaga ako o hindi?Sa nakalipas na magkakasunod na linggo, ang magkulong sa loob ng kuwarto ang ginawa ko. Paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang tanong na ito: "Handa na ba talaga akong iwan ang nakasanayang mundo?Mahaba na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Tita Mavic. Tapos na itong kumaway, mag-goodbye at mag-good luck sa akin."Astherielle, hija, paano ba iyan?" Umupo ito sa upuan ko kanina at dumungaw sa bintana ng sasakyan. "Sunduin na lang kita mamaya, ha? I-text mo lang ako o tawagan anytime... Maluwag naman sa office ngayon dahil natapos na namin kahapon ang project namin... See you na lang, ha..."I didn't go to class this morning. Yeah, I just entered this afternoon suddenly, where I have two subjects left today. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa aking e
Chapter 5Astherielle's POV"A-Ah... C-Calculus..."Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero mabilisan lang para naman hindi masyadong halata na nate-tense ako sa lalaking ito at sa marami pang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inayos muli ang pagkakatayo habang pasimpleng nag-iisip."Ah... H-Honestly, hindi ko po memorized iyong p-pinaka-exact and complicated definition na rin nito para sa akin..."Complicated naman talaga sa unang basa ko noon.Nilipat ko ang mga mata sa blackboard as my excuse. Para naman hindi ako masyadong napaghahalatang tagakilatis ng lalaking ito. Ang daya lang ng vision ko, naroon man banda roon ang paningin ko, malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan at kakisigan ng Professor na ito.Why am I doing this again?Ah, I know... Maybe this is the first time I've seen a man with good looks. I'm sure there are more handsome than him, but since I'm too shy to look at the faces of my classmates one by one, I assumed that this was the most handsome m
Chapter 6Scheids' POVFifteen minutes ago..."Professor Fawzi!" tawag sa akin ng isang co-teacher ko pagkarating ko sa main building namin.Sa unang akala ko ay si Tara na ito. Mabuti na lang at hindi dahil wala ako sa mood para lumabas o kung ano pa mang maisipan na naman niyang ialok sa akin sa ganitong oras. Masyado akong napapaisip sa bagong pasok na student ko kanina. I told her to stay after class because we had something to talk about. But I had just finished dismissing my class when she left. She didn't even look at me to say goodbye. I am not demanding anything pero hinintay ko talagang gawin niya iyon since bago lang siya sa klase ko and as pasabi na lang sana. I am still her Professor... A small gesture of respect will suffice.Hindi ba at ganoon naman talaga dapat? Or hindi lang talaga ako sanay na may babaeng student ako na hindi ako binigyan ng atensiyon na katulad ng binibigay ng halos babaeng students ko? Halos ayaw nang umuwi ng mga ito pero siya, atat na atat yatang
Chapter 7Astherielle's POVHindi ko alam kung ipipilig o iiiwas ko ang mukha sa taong ito. Nalalakasan na ako sa dating nito na mas tumindi pa dahil sa huling mga sinabi niya. Can he really read me? Natatakot ba ako rito o nacha-challenge lang? Hindi ko rin alam, eh... Baka... nag-iingat lang kaya ganito ako.Sino naman kasi ang mag-aakalang susundan niya ako rito para kausapin at punahin?At oo nga pala, pinapaiwan niya ako after class kanina dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Nawala talaga sa isip ko iyon, walang halong biro or excuse, dahil ang gusto ko na lang talaga kanina ay ang makaalis sa maliit na silid na iyon, pero overcrowded. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao, sa maingay na paligid at sa mga matang pakiramdam ko ay laging nakatingin sa akin kahit na ang totoo ay sa palagay ko lang naman iyon."P-Po?" utal na lumabas sa mga labi ko."Hmmm... P-Po? Too much politeness... Huh... Sir. Iyan ang itawag mo sa akin para naman hindi masyadong... nakatatanda sa pandini
Chapter 8Scheids' POVFifteen minutes ago...I am not sure kung anong oras matatapos ang meeting sa department namin kanina kaya nag-announce kaagad ako ng announcement sa group chat namin na baka hindi ako makaabot sa mga klase ko sa hapon, from five to nine in the evening classes. Group chat iyon na pinagawa ko kung saan class Presidents lamang ang kabilang. Para lang mapadali ang pagbibigay ko ng mga important announcements, katulad na lamang nito. Ifo-forward ko roon pagkatapos ay sila na ang bahalang mag-pass sa mga kaklase nila.Maaga kong sinabi na hindi na kami magkaklase nang mag-extend pa ng isang oras ang meeting. I have done what needs to be done so that my students don't get tired of going to the times I refer to, but until the meeting starts and until it ends, I think about my students who belong to the international classes. Iyong mga walang block, mga nahalo lang sa klase. Wala akong contact sa kanila o sariling way para ma-reach ko sila. Concern ako sa kanilang lahat
Chapter 9Astherielle's POV"K-Kahit hanggang likuhan lang po talaga ako, s-sir..." nahihiya kong ulit dito.Alangan sabihin ko naman kung saan ako nakatira at magpahatid din doon! Siyempre mas ilulubog ako ng hiya ko kaysa sa takot ko sa mga multo rito sa building na ito. Ewan ko ba kung bakit naniniwala akong may namumugad na mga bad spirits dito. Pinakaliblib kasi na napatayong building mula sa main entrance ng Polaris University, eh. Mapuno at hiwalay pa sa mga ibang buildings kaya itong kaduwagan sa loob ko, kusang lumulugar sa mga naiisip ko."Tch," sitsit ko sa sarili nang maalala kong hindi ko pa pala nasabi kay Tita na maaga niya akong susunduin ngayon.Simula nang mag-aral ako, hatid-sundo na ako nito rito sa school. Sinasadya rin niyang mag-overtime sa trabaho para lang masakto sa uwian ko at masundo niya ako. Sinasanay na raw nitong bumiyahe nang lagpas nine in the evening.At itong lalaking ito, ang gentleman at ang bait naman niya para offer-an ako ng hatid hanggang bahay
Chapter 10Scheids' POV"Lahat nanigas sa iyo maliban sa mga labi mo..."Sumingkit ang mga mata ko sa pagtawa nang magiliw at walang tunog. Kahit alam kong imposibleng makita at marinig niya ako, itinagilid ko pa rin ang mukha para itawa nang patago ang sarili.Even if our lips were touching for a moment, I still tasted and felt what I should have. Huh? I should have? Ginusto ko rin? Nasarapan din ako? Na-appreciate ko rin iyong lambot at feeling ng mga labi nito sa balat ng mga labi ko? The feeling is like I've kissed a freshly opened jellyace, that store-bought product that comes in a small, thin, plastic container. Aha! Masarap nga at refreshing kung gano'n ang pagkaka-describe ko.Nangingising napapailing ako sa mga naiisip ko. Nakatulong ang dilim sa tinatago kong kapilyuhan. Hindi ako ganito ngayon kung maliwanag lang sa lunggang ito. Hindi ako magtatangkang ipakita na kahit papaano, wala akong pagsisisi sa nangyari. What happened wasn't right, but it wasn't wrong in terms of how
Chapter 11Astherielle's POVBaby? As in sanggol ba? Pero ako lang itong kasama niyang dumating dito. Ang mga tao na rito ay puros lalaki na."Hmmm..." mahinang usal ko habang busy sa paglilibot itong mga mata ko.Pinaglalaban ko si Marites kanina pa rito kaya hindi ko napansin na napadpad na kami sa lugar na ito. May magarang sasakya sa gitna, dito sa mismong tabi ng tinigilan namin. Motorbike ito at hindi lang basta-basta ordinaryong sasakyan."Oh..." manghang usal ko matapos kong makita ang mga detalye nito na nagpapakita ng kamahalan, katibayan at tila pagiging limited edition nito.Marami na akong nakita na motorbike sa buong buhay ko pero iba ang isang ito, sobrang laki, kintab at mukhang walang parte itong hindi matibay at mahal. Best in skin care ito sa sobrang kintab. Pati mga pores ko sa mukha nakikita ko na rito sa sobrang kinis. Kung wala lang ito rito, iisipin ko nang kagagawa lang ito at kalalabas mula sa manufacturing company kung saan ito binili.Hangang-hanga ako rito,
Epilogue Astherielle's POVHindi ko pinlano na unang banggitin ang kinalaman ni Sheids sa libro ko. Pero sa daming nangyari at mga nalaman ko sa nakalipas na buwan na hindi ko siya kasama, nagbalik ang alaala ko sa kaniya. My emotions are overwhelming as I find myself here at the University where we first met and got to know each other...Nadaanan ko ang billiard shop sa gate one na madalas niyang pagtambayan noon. Ang mga daan papunta sa condo niya, nakita ko ang sarili at siya na naglalakad sa mga iyon kanina. The nostalgic feeling I used to have every time I stepped foot into the University, it enveloped me once again today as I caught a glimpse of Polaris. Buhay na buhay pa rin ang mga puno sa forest park malapit Terefania Building, in that place where we first met and collided. Malinis, pantay at ma-berde pa rin ang mga damo sa University Field kung saan naganap ang first dance namin in public.Kahit sa saan ako tumingin, siya ang naaalala ko...Sheids Noah is Polaris University
Chapter 53Sheids' POV "Hinintay kita, Sheids... Hinintay kita... Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan... Isama mo na bawat segundo at oras... Akala ko lang talaga hindi ka na babalik pa... A-Ang hirap ng sitwasyon natin... Mahirap umasa... Sorry... Tinanggap ko ang proposal ni Cloud..."As she spoke, tears streaming down her face, I found myself fixated on the smoothness of her neck, no trace left of the love bite I had left there...Hindi ko natupad ang pangako kong babalik kasabay ng pagkalaho niyon...Hindi na ako nagsalita pa dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Lagi akong bigo na mahanap siya.Kasalanan ko na naman kung bakit kami umabot sa ganito.Once again, it's my fault that she was able to give a 'yes' answer to Cloud's proposal..."Pero nandito na ulit ako, Elle... Dumating na ako..."Tears surfaced in my eyes as I watched our child peacefully asleep in her cradle, finished with nursing and now soundly slumbering. Siya ang dahilan kaya hindi ako natatakot sa susuno
Chapter 52Sheids' POV Hindi na lumabas ng bahay si Elle nang magpaalam kaming aalis na ni Kareem. I refrained from turning around and running back to where the car had just started moving.Masakit man sa loob na umalis ako pero kailangan...Magkahiwalay ulit kaming nag-flight ni Kareem. Umuwi siya ng Amerika at ako naman sa dakong Turkey. I promised her that I would go there after two days. She agreed and even said she would wait for me there.Nang makauwi ako rito sa bahay, office kaagad ni Dad ang pinuntahan ko. Nakaamoy si Mom kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng pinto ng office. Naramdaman ko pang nagtago siya roon. It's good that she's there too, so she can hear everything I have to say."Yes, Noah? Kumusta ang honeymoon ninyo ni Kareem? Magkaka-apo na ba kami?" aniya, seryoso, pagkatapos niyang paikutin ang swivel chair paharap sa akin."I will be divorcing Kareem as soon as possible, Dad..."He let out a heavy sigh, seemingly unsurprised by what I said. However, he also
Chapter 51Astherielle's POV Karagdagan thirty minutes ang ginugol naming magkasama ni Sheids sa loob ng sasakyan. We discussed so many things, but for me, it's still not enough. There's still so much more we want to learn about each other, but time is lacking, and we need to go back home."Time always seems to speed up whenever I see you, Elle. How can I make it stop so that we never have to part ways again?"Binalingan niya 'ko para malungkot niyang itanong 'yon. Alam niya ang daan, alam niyang malapit na kaming makarating sa bahay. He knows the way to reach the cliff, so he also knows how to find his way back.Hindi ko siya tiningnan. Nagpatuloy ako sa pagda-drive, nakatingin sa daan."Sumama ka sa akin...""Sheids... I can't...""I already miss you, even just now..."Huminga ako, pinipilit itago ang lungkot at pag-aalangan na makita ang madadatnan kong isa pa naming bisita sa bahay, ang asawa niya..."But you have to leave, Sheids, you and your wife...""Yeah, kauusapin ko siya ag
Chapter 50Sheids' POV My mouth captured every whimper that escaped her lips as I kissed her passionately. Hindi ako mapatigil sa ginagawa. Sa halos magkasunod na dalawang araw na nakita ko siya, ang mga labi nito ang madalas na nahuhuli ng mga uhaw kong mga mata at pakiramdam.Akin ang mga labi niya, pero tuwing naiisip kong kasal na siya, nanghihinayang ako sa katotohanang pag-aari na ito ng iba...Tears streamed down my face as I savored the moment. Her lips are mine once again... I have reclaimed them... And now, she kissed me back, pouring her love into the embrace.I have longed with an insatiable ache to taste her lips once again. With my eyes closed, I ardently claimed her mouth, indulging in a cascade of fervent kisses. My tongue, emboldened by love's fire, ventured forth, intertwining and caressing the depths of her mouth, harmonizing with her own in a passionate ballet of devotion. Bawat hagod ng mga labi ko at haplos sa katawan niya, nag-aalab at nanunulit.Ilang beses ko
Chapter 49Astherielle's POV Ipinarada ko ang sasakyan sa paanan ng side ng cliff. Lumabas. My eyes dwindled in size as they gazed upon the towering cliff, stretching into the heavens with its majestic height. Ang tila natapyas na parteng harapan ng cliff ay katabi na ng malawak na karagatan, nakadungaw roon.August has graced us with its presence, a gentle reminder that summer's reign draws near its end. The sun, once ablaze with fiery brilliance, now descends with a softer glow, casting a golden hue upon the world below. The air carries a whisper of change, as a cool breeze brushes against my skin. Ang lamig sa ilong ang pinaghalong amoy ng dagat, hanging malamig, mga damo, lupa at ilang ligaw na mga bulaklak.Ang kalikasan at tiyempo nga nagbabago, mga tao pa kaya...Nakangiti kong sumunod na inilibot ang mga mata sa mga bulaklak sa pinakamaraming variety rito, kulay-violet ang mga ito na pahaba. Ang sabi ni Maica, Alascan Lupine raw ang tawag sa mga ito. I reached out and gently g
Chapter 48Sheid's POV After two weeks, our engagement day arrived for Kareem and me. It was a resounding success, attended by well-known individuals and esteemed figures from around the world. Kareem possesses royal lineage, being one of the grandchildren of the Queen and King of Sweden. Pangatlong anak ang ina niya ng mga ito. Umalis sila ng palasyo para mamuhay nang simple, iniwan ang mga obligasyon at pamilya nila sa bansang Sweden para sa mas tahimik na buhay rito.Gabi bago ang engagement ko nalaman. That thing about her came as a surprising revelation. We had been talking and spending time together before the engagement, but she had never mentioned that aspect of her identity.She is an intelligent, beautiful, affectionate, sophisticated, and joyful woman, that I know, but it seems she has gone too far in her humility. Pormal lahat sa amin. Alam naming pareho ang plano sa amin ng ama ko at ng mga magulang niya. I am uncertain of her feelings toward me or her opinion regarding t
Chapter 47Astherielle's POV "Forgive me, Astherielle... Forgive me, my child..." patuloy niyang d***g sa mas pinasakit na pinasakit niyang pag-iyak. "A-Anak... Forgive me. I didn't mean to end your life... N-Naririnig mo ba ako? My angel..." Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Kinakausap niya ito na parang may laman pa rin. "M-Mahal k-kita... Mahal na mahal kita... Sorry, nagkaroon ka ng gagong tatay... Kung alam ko lang sana... Pinaniwalaan ko ang unang resulta... Hindi ko na hinintay ang mga sumunod... H-Hindi k-ko alam na may buhay k-ka na... Sana naghintay pa ako at hindi umalis..."I closed my eyes, suppressing the resurging waves of tears. The weight of what I heard and saw from him left me gasping for breath. Dobleng sakit ang umaatake sa akin dahil bitbit ko na pati ang nararamdaman niya sa nangyari sa anak namin.Sa sobrang bigat ng puso ko sa nakikitang pagdurusa niya, hindi na kayang manlaban ang galit kong parte.Inihimlay niyang muli ang mukha sa tiyan ko. His face trem
Chapter 46Sheids' POVI quickly styled the second and final sections of Faja's hair. Despite my desire to achieve a flawless and polished look, just like the other side, I was unable to do so as Elle's sudden arrival caught me off guard. Itinali ko ang dulo nito at maingat na siyang ibinaba. Nang lumapat ang mga sapatos niya sa sahig, nagulat akong humarap siya uli sa akin imbis na puntahan niya ang Mommy niya."May I see my own reflection?" she asked, her voice filled with a mixture of curiosity and yearning."Huh?""Can I see myself? This." Itinuro niya ang buhok."I don't have a mirror, Faja. Puntahan mo na ang Mommy mo."Itinalikod ko siya mula sa akin, pero muli ulit siyang humarap."Where did you buy Peppa Pig?""A-Ah."Napapikit na lang ako. Binili ko iyon sa malapit na Boutique sa labas nitong hall. Wala akong maipantali sa buhok niya. Wala pa ang yaya niya kanina, walang iniwang gamit niya, kaya ginawan ko na lang ng paraan."Just outside.""Oh..." Itinaas niya ang kamay at h