3rd PERSON'S POV “Here's the result of my investigation to Angela Ira Cerez.” iniabot sakanya ni Troy ang folder na naglalaman ng datos tungkol sa nagkalap nyang impormasyon kay Aia makalipas ang limang taon. “Lumipat sila dito sa Palayan Nueva Ecija six years ago. I found out na dati mo syang secretary. Binenta nila ang bahay sa Manila at ginamit iyon pambili ng bahay at lupa maging ng maliit na bukid dito. Nabuntis sya at nanganak ng batang babae 5 years ago. Ang pangalan ng Bata ay Angel Riegn Cerez. Walang nakasulat na ama ang bata sa kanyang birth certificate. Walang naging trabaho si Angela Ira sa loob ng anim na taon. Nag focus lang sya sa pag aalaga ng anak niya at kumukuha ng Pangangailan sa kinikita nya sa sari-sari store at sa bukid. Two weeks ago ay isinugod ang lola nya sa ospital kaya kinailangan nyang mag hanap buhay para tustusan ang panggastos sa ospital ng kanyang lola. Masyadong Simple at payak ang buhay ni Angela Ira A.K.A Aia. Walang masyadong ganap sa buhay n
3RD PERSON'S POV “Oh Aia apaka aga mo naman umuwi? Tanghali pa lang ah.” puna sakanya ng Tyang Magda nya ng makapasok sya sa bakuran nila Emil. Na patingin pa si Magda sa itim na Montero sa labas ng bakuran. “Tyang sa loob na po tayo mag usap.” hikayat ni Aia. Nilingon pa ri ni Magda ang sasakyan na noon ay may mga lalaking naka itim ng lumabas. Maagap na isinara ni Aia ang pinto ng bahay. “Aia, ano bang nangyayari? Bakit may mga lalaking naka itim sa labas, kasama mo ba sila?” nagtatakang tanong ni Magda. “Tyang ang anak ko nasaan po?” sahalip ay tanong nya ng mag palinga linga sya at hindi makita si Aira. Inatake na sya ng nerbyos. “Nasa kwarto, katutulog lang.” sagot nito sakanya. Dali dali nyang pinuntahan ang anak sa kwarto at nakitang mahimbing nga iyong natutulog kaya naka hinga na sya ng maluwag. "Tyang Magda kaninong mga kotse yung nasa labas. Ang dami ring lalaking naka itim.” Ani Emilio na kapapasok lang ng bahay. Galing ito sa bukid at nag patanim. Lumabas
AIA'S POV “Pupuntahan ko muna si lola.” sagot ko kay Dark. “Manang samahan mo si Aia sa kwarto ng lola nya.” Iniwan ko muna si Aira kay Dark tutal naman ay aliw na aliw ang anak ko sa kanyang ama. Siguro kahit hindi sya nag hahanap ng ama saakin ay nasasabik pa rin sya sa presensya ng isang tunay na ama. Dinala ako ng kasambahay sa second floor. Malawak ang itaas na palapag, may anim na kwarto. Sa dulong bahagi ako dinala ni Manang. “Ma'am dito po ang kwarto ng iyong lola, dito naman po sakabila ang iyong kwarto. Sa tapat na naman po ang kwarto ni Sir Dark at sa tabi naman po ang kwarto ni Aira.” Tiningnan ko ang mga kwartong itinuro ni Manang. Bakit naman naisipan pang bigyan ni Dark ng sariling kwarto si Aira, pwede naman na magkasama na kami ng anak ko sa iisang kwarto? Bumaling ako sa kasambahay. “Sige po Manang salamat po.” turan ko. “Kapag may kailangan po kayo ma'am ay ipage nyo lang po ako. Bawat kwarto po ay may pager para kung sakaling kailangan nyo po ak
Aia's POV Marami pa akong kailangan tapusing gawain sa office kaya naman pagkakain ko ng lunch ay umakyat na agad ako sa opisina ng aking Boss. May 30 Mins pa naman sana ako para magpa hinga pero dahil kailangan ko ng maipasa ng 1pm ang report saaking amo ay pinili ko ng bumalik na lang agad saaking trabaho. Sa table ko ako dumiretso at chineck ang files na kailangan ko ng ipasa kay sir Dark. Pinasadahan ko muli iyon ng tingin para Siguraduhing walang pagkakamali doon para pipirmahan na lang ni Boss pagbalik nya galing sa labas. Ako pa lang ang nasa itaas dahil lahat ng empleyado ay nasa canteen pa at nag lulunch. Dadalahin ko lang ito sa office ng aking boss then sisimulan ko na gawin yung mga paper works ko. Dahil alam kong wala pa si Boss sa kanyang opisina kaya naman dire-diretso lang akong pumasok doon at ganon na lang ang pagka sindak ko! Nabitawan ko ang hawak kong mga folder dahil sa hindi ko inaasahang masaksihan. Si Jenny na office staff ay naroon sa loob ng opisina
AIA'S POV Lahat ng babaeng madaanan namin dito sa loob ng restaurant ay napapasunod ng tingin sa kasama kong lalaki. Kanda haba na ang leeg ng mga babaihang ito kakahabol ng tingin sa Boss ko na todo alalay naman saakin papunta sa table na u-okupahan namin. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi naman talaga si Dark ang klase ng tao na mahilig makiulayaw sa ibang tao. Sya ay yung tipo ng lalaking aakalain mong suplado. Oo marami na syang babaeng naka s*x pero lahat ng yon ay hindi naman sya ang nag first move. Hindi ka nya papansinin kapag hindi mo rin sya pinansin yan ang attitude ng lalaking kaharap ko ngayon na abala na sa pag pili ng kakainin nya sa menu. "May naorder ka na ba?" baling nya saakin sa malambing na tinig. “Kumain na ako kanina. Umorder ka na ng pagkain mo wag mo na akong intindihin.” Ngumiti na lang ako dito para ipakitang ayos lang ako. “Umorder ka na kahit dessert lang. Ayoko naman kumain ng nakatanga ka lang sa harap ko.” Sa 9 years na pagiging secret
Aia's POV “Bye! Ingat.” paalam ko saaking boss matapos ako nitong ihatid sa bahay. Mula pa noon ay isinasabay na nya ako sa pag uwi. Pabor naman sakin yon dahil makakatipid ako sa pamasahe at iwas hassle na rin sa pag commute. Pag harap ko naman sa aming bahay ay nakita ko naman ang aking lola na naka silip sa aming bintana. “Ang Boss mo ba iyon Aia?” Bungad nya saakin ng pag buksan nya ako ng pintuan. “Opo la.” nag mano muna ako kay lola bago pumasok sa loob. Sumunod naman saakin si lola. “Kumain ka na ba?” kinuha nito ang mga dala ko at iniligpit. Naupo naman ako sa aming sofa. “Opo lola kumain na kami ni Sir Dark bago umuwi.” ngumiti naman ang aking lola na tila nasisiyahan saaking sinabi. “Alam mo ija natitiyak kong may gusto saiyo yang boss mo.” Agad ko namang kinontra si lola. “Lola ilang beses ko po bang sasabihin na walang malisya yon kay sir Dark. Mabait lang po. Saakin yung tao.” “Apo ano bang masama sa sinasabi ko? May katarata ba yang mata mo bakit hi
3rd person's POV “mukhang malalim ang iniisip mo ah.” puna sakanya ni Dark. Nasa loob sya ngayon ng opisina nito at hinihintay itong matapos pirmahan lahat ng dokumentong binabasa pa nito. Pwede naman sana na tawagin na lang sya nito ulit kapag tapos na nitong aralin ang mga yon at pirmahan pero kakaiba din ang trip ng amo nyang ito. Ang gusto nito ay maghintay sya kung kelan nito matatapos pirmahan ang mga iyon saka pa lang sya pwedeng lumabas ng opisina. Nasasayang tuloy ang oras nya sa pag tanga sahalip na makapag trabaho pa sya. “Wala, may ini-isip lang ako.” wala sa mood nyang sagot dito. “Ano namang iniisip mo?” mukhang mas naging interesado pa ito sa iniisip nya kesa basahin ang mga dokumentong hawak nito. “Basahin mo na yang mga yan ng mapirmahan mo na marami pa akong kailangan tapusin sa table ko.” pag iiba nya ng usapan pero makulit talaga ang amo nya. “Ano nga munang iniisip mo? Diko to babasahin hanggat di mo sinasabi sakin.” napabuntong hininga naman sya s
Aia's POV. Wala na nga akong nagawa kundi daluhan sa pagkain ang boss kong sala sa lamig sala sa init ang mood swing. Palalagpasin ko muna ang sama ng loob ko sakanya. Gutom na rin kasi talaga ako kanina pa. “Sorry na.” napa angat naman ako ng tingin sakanya. Sinsero ang mukha nito sa pag sabi ng sorry. May kung anong kakaibang emosyon ay humaplos sa aking puso dahilan para bumilis ang tibok niyon. Maagap akong uminom ng tubig para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. “I said I'm sorry.” malambing nitong saad. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. Para akong tinutunaw sa mga titig nyang punong puno ng pagsusumamo. Aia ano bang nangyayari sayo? Saway ko sa sarili ko. Tumikhim ako para tanggalin ang bara saaking lalamunan. “O-okay na! Sige na pinapatawad na kita!” kunwari ay naiinis kong saad para lang alisin ang kakaibang damdamin na hindi ko maipaliwanag. Ngumiti naman sya saakin ng napaka tamis kaya naman muli na naman nag hurimentado ang aking dibdib! Bakit ba ako n
AIA'S POV “Pupuntahan ko muna si lola.” sagot ko kay Dark. “Manang samahan mo si Aia sa kwarto ng lola nya.” Iniwan ko muna si Aira kay Dark tutal naman ay aliw na aliw ang anak ko sa kanyang ama. Siguro kahit hindi sya nag hahanap ng ama saakin ay nasasabik pa rin sya sa presensya ng isang tunay na ama. Dinala ako ng kasambahay sa second floor. Malawak ang itaas na palapag, may anim na kwarto. Sa dulong bahagi ako dinala ni Manang. “Ma'am dito po ang kwarto ng iyong lola, dito naman po sakabila ang iyong kwarto. Sa tapat na naman po ang kwarto ni Sir Dark at sa tabi naman po ang kwarto ni Aira.” Tiningnan ko ang mga kwartong itinuro ni Manang. Bakit naman naisipan pang bigyan ni Dark ng sariling kwarto si Aira, pwede naman na magkasama na kami ng anak ko sa iisang kwarto? Bumaling ako sa kasambahay. “Sige po Manang salamat po.” turan ko. “Kapag may kailangan po kayo ma'am ay ipage nyo lang po ako. Bawat kwarto po ay may pager para kung sakaling kailangan nyo po ak
3RD PERSON'S POV “Oh Aia apaka aga mo naman umuwi? Tanghali pa lang ah.” puna sakanya ng Tyang Magda nya ng makapasok sya sa bakuran nila Emil. Na patingin pa si Magda sa itim na Montero sa labas ng bakuran. “Tyang sa loob na po tayo mag usap.” hikayat ni Aia. Nilingon pa ri ni Magda ang sasakyan na noon ay may mga lalaking naka itim ng lumabas. Maagap na isinara ni Aia ang pinto ng bahay. “Aia, ano bang nangyayari? Bakit may mga lalaking naka itim sa labas, kasama mo ba sila?” nagtatakang tanong ni Magda. “Tyang ang anak ko nasaan po?” sahalip ay tanong nya ng mag palinga linga sya at hindi makita si Aira. Inatake na sya ng nerbyos. “Nasa kwarto, katutulog lang.” sagot nito sakanya. Dali dali nyang pinuntahan ang anak sa kwarto at nakitang mahimbing nga iyong natutulog kaya naka hinga na sya ng maluwag. "Tyang Magda kaninong mga kotse yung nasa labas. Ang dami ring lalaking naka itim.” Ani Emilio na kapapasok lang ng bahay. Galing ito sa bukid at nag patanim. Lumabas
3rd PERSON'S POV “Here's the result of my investigation to Angela Ira Cerez.” iniabot sakanya ni Troy ang folder na naglalaman ng datos tungkol sa nagkalap nyang impormasyon kay Aia makalipas ang limang taon. “Lumipat sila dito sa Palayan Nueva Ecija six years ago. I found out na dati mo syang secretary. Binenta nila ang bahay sa Manila at ginamit iyon pambili ng bahay at lupa maging ng maliit na bukid dito. Nabuntis sya at nanganak ng batang babae 5 years ago. Ang pangalan ng Bata ay Angel Riegn Cerez. Walang nakasulat na ama ang bata sa kanyang birth certificate. Walang naging trabaho si Angela Ira sa loob ng anim na taon. Nag focus lang sya sa pag aalaga ng anak niya at kumukuha ng Pangangailan sa kinikita nya sa sari-sari store at sa bukid. Two weeks ago ay isinugod ang lola nya sa ospital kaya kinailangan nyang mag hanap buhay para tustusan ang panggastos sa ospital ng kanyang lola. Masyadong Simple at payak ang buhay ni Angela Ira A.K.A Aia. Walang masyadong ganap sa buhay n
3RD PERSON'S POV “Wow mommy! There's so many toys!” Tuwang tuwa si Aira ng napadaan sila sa toy station. “Mommy I want that bear, mommy! Look at that bear it's huge and color pink!” namimilog ang mga mata nya ng makita ang halos malaki pa sa kanyang bear. Tumakbo sya doon at tiningnan ang bear sa malapitan. Sumunod naman si Aia sa anak. Lumingon si Aira sakanya at nag puppy eyes. Pinagsalikop din nito ang mga palad. “Mommy please can you buy that for me? Please mommy..” Lumapit sakanila ang sale's lady. “Miss magkano yang ganyan kalaking bear?” “Five thousand po Ma'am ang regular price nyan pero dahil naka sale kami, nakaless ten percent po sya ngayon.” sagot ng sale's lady. Napanganga si Aia sa presyo ng bear. Kapag binili nya iyon ay wala na silang ipambibili ng school supply. Kahit sabihing less ten percent iyon at mahal pa din. Five hundred pesos lang naman ang ma li-less. Hindi nya pa rin afford. “Sorry baby we can't buy that for now.” baling nya kay Aira. Lumabi ang
AIA'S POV Gusto kong Tuktukan ang sarili ko sa ka**ngahan na nagawa ko. Hindi ko na namalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nasanay na kasi akong Dark ang tawag ko sakanya. Ngayon ay binabato ako ni Dorothy ng kakaibang tingin. Sumandal naman si Dark sa likod ng kanyang swivel chair at humalukipkip. “Cge pwede ka ng mag lunch break.” pagbibigay nya ng permiso saakin. Nauna na akong tumalikod at lumakad palabas ng pinto habang tahimik naman na na kasunod saakin si Dorothy. “Aia.. “ tawag nito saakin. Nilingon ko naman ito at ngumiti sakanya na parang walang nangyaring kakaiba kanina. “Anong tinawag mo kay Sir Elija kanina?” tanong nya saakin. Nakagat ko ang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tyak na mag uusisa sya. “Huh? S-sir Dark.” pagsisinungaling ko. Siguro kong may parangal ang pagiging sinungaling ay ako na ang mag outstanding! “Dark lang narinig ko.” aniya. “Sir Dark yon, napiyok kasi ako kanina kaya medyo mahina pagkaka bigkas ko ng sir.” sig
3rd PERSON'S POV “Ma'am salamat po.” umiiyak na nagpasalamat ang security guard kay Aia. Di na kumibo pa si Aia at tumuloy na sa loob restaurant. Pakiramdam nya na uulit na naman ang nangyari noon. Ayaw nyang mapag isipan na meron namamagitan sakanila ni Dark lalo na at kasintahan nito si Jane. Dumiretso sya sa locker room para ilagay ang gamit nya. Doon din muna sya tatambay habang naghihintay sa dalawa nyang kasama. “Sa office ka dumiretso pagkatapos mong mag ayos.” napapitlag sya ng marinig ang boses ni Dark. Nahawakan nya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. “Ano ba Dark! Papatayin mo ba ako sa nerbyos? Bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan.” inirapan nya ito. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark. “Hindi mo man lang naramdaman ang pag pasok ko? Sino ba kasing iniisip mo? Yon bang naghahatid sundo sayo?” mahihimigan ng selos ang tono ni Dark. Bakit nya naman naisip na si Vince ang iniisip nya? Natawa ng pagak si Aia. “Anong pinagsasabi mo dyan?” “Tell me who is he Aia
AIA'S POV “Excuse.” malamig na turan ni Dark saakin. Gumilid naman ako para bigyan sya ng daan. Nang mabaling naman ako kay kuyang guard ay kakaibang tingin ang iginawad nya saakin. Ngumisi ito at saka umiling iling. Hindi ko na pinansin kung ano bang ingini-ngisi nya. Lumabas na rin ako ng exit dahil muli kong naalala si Vince. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang matiyagang nakaupo sa motor nya at naghihintay saakin. Agad akong lumapit sakanya. “Vince sorry.” agad kong turan. Ngumiti naman sya saakin. Mukhang madami kang ginawa nahuli ka na ng labas.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko masabi sakanya na nakatulog ako sa loob ng opisina ng Boss ko. Ayaw kong mag isip sya ng masama. Nagliwanag sa kinatatayuan namin ng bumukas ang headlight ng isang sasakyan. Kapwa kami napalingon ni Vince sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng wind shield si Dark ng dumaan sya saamin. “Yun ba ang Boss mo?” tanong saakin ni Vince. Tumango naman ako. “Oo.” “Grabe naman
AIA'S POV “Clean my office.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. “pero sir hindi po-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang galit nyang mga mata na masama ang pagkaka tingin saakin. “Ayaw mo?” sarkastiko nyang tanong. Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan. Tumalikod ako at akmang lalabas sa office nya ng magsalita sya. “Where are you going Aia?” tanong nito. “Kukuha po ako ng gamit panlinis.” sagot ko. Naglapat ang kanyang mga labi, tila napahiya naman sya sa sinabi ko. Pumunta ako sa stock room kung saan nilalagay ang mga panlinis. Nakasalubong ko sina Mildred at Rainier na pabalik na sa dining area. “Tih anong gagawin mo dyan sa mga panlinis?” tanong ni Rainier saakin. “Pinag lilinis ako ng boss natin sa opisina nya.” Malamig kong tugon. “Mukhang pinag iinitan ka ni Sir Elijah.” Ani Mildred. Hindi na lang ako kumibo at iniwan na sila. “Mukhang mainit ang ulo ng atih ko.” narinig ko pang turan ni Rainier. Pag balik ko sa opisina
3rd PERSON'S POV Napabuga ng hangin si Dark. Dismayado nyang tinitigan si Aia na nakayuko sa harap nya. “You go to the service area and help Dorothy prepare the orders.” he commands. “Si-sir?” nagtataka nyang tanong dito. Bakit bigla ay doon sya inilagay? Hindi naman sya gumawa ng gulo. Sa pagkakaalam nya ay kahit naiinis na sya sa bastos na lalaking yon ay pilit nya parin iyong kinakausap ng maayos. Sya lang naman itong biglang sumulpot at gumawa ng eksena. Ni hindi nya nga alam na naroon na pala ang Boss nya sa likod nya. “Are you deaf? Palalampasin ko ang gulong nangyari ngayon Aia. Kaya kung pwede lang pumunta ka na roon. Now.” hindi man iyon pasigaw pero rinig pa rin ng mga customers at ng mga katrabaho nya na lahat ay sakanya na nakamasid. Nakaramdam sya ng pagka pahiya. Gusto nya mang ipag tanggol ang sarili ay pinili na lang ni Aia na manahimik at sundin na lang ang gusto ni Dark para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin naman sya mananalo. Iyo ang Boss at empleya