AIA'S POV “Oh, dahan dahan..” Ani Vince na inaalalayan akong maglakad sa batuhan. Sinamahan nya akong mag punta sa ilog na malapit lang sa bahay nila lola Icay. “Salamat ha, sinamahan mo akong pumunta dito.” ngumiti sya saakin. “Sus wala yon. Balak ko rin naman pumunta dito ngayon.” Anito Isang buwan na kami dito sa probinsya at magiliw naman saamin ang mga tao dito. Ang mga kabahayan dito ay layo-layo hindi gaya sa Maynila na dikit dikit ang kabahayan. “Wala ka bang pasok ngayon?” Nalaman kong nag tatrabaho si Vince sa isang mall bilang isang super visor sa karatig bayan. “Day off ko ngayon.” sagot nya. Inaalalayan nya akong makaupo sa Malapad na bato. “Ah kaya pala.” sagot ko. “Aia pwede ba akong mag tanong tungkol sa personal mong buhay?” pag kuwan ay tanong niya na umupo sa tabi ko. “Bakit naman?” kyuryoso kong tanong sakanya. “Gusto ko kasing mas makilala kapa. Yon ay kung okay lang sayo.” Hindi ako agad naka imik. Tinatantya ko din kung dapat ko bang
3rd PERSON'S POV “Napakasarap nga pa lang mag luto ni lola Openg.” Masayang turan ni Vince habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Katatapos lang nilang mag hapunan sa bahay nila Emil. “Halata nga. Nakailang sandok ka nga ng kanin muntik mo na kaming hindi tirahan.” sarkastikong turan ni Emil na nakataas ang isang sulok ng labi. Nagtawanan naman sila. “Hehe.. Hindi ko mapigilang hindi umulit ang sarap kasi ng pagkaka luto ni lola.” kakamot kamot sa ulong ani Vince. “Sabi ko na sayo e, kapag natikman mo ang luto ni lola matataob mo ang kaldero.” pagmamalaki ni Aia. “For sure magaling ka ring magluto Aia kagaya ng iyong lola.” hinuha nito. Natawa si Aia. “Naku Vince dyan ka nagkakamali! Wala akong hilig sa pagluluto.” “Okay lang marunong naman akong magluto.” Ani Vince saka sya kinintadan. Umismid si Emil. “Asus! Palipad hangin!” kantyaw nito. Namula naman ang pisngi ni Aia. “Okay sige, sa sunod na punta mo dito ipag luto mo kami. Titingnan namin kung marunong ka nga
AIA'S POV “Mommy wake up na Aira's hungry na.” paulit ulit na yugyog ang gumising saakin. Pag mulat ko ng aking mga mata ay ang nakanguso kong anak ang tumbad sa mukha ko. Hawak ng kanyang maliliit na kamay ang braso ko at wala pa rin syang tigil sa pag alog saakin. Napaka cute nya talaga! Mamula mula ang kanyang matatabang pisngi. Malalantik ang pilik matang nakapalibot sa kanyang chinitang mata. Napaka puti nya rin at medyo chubby. Bumangon ako at pinisil ko ang kanyang pisngi. Hindi ko napigilang pangigilan ang matataba nyang pisngi. “ouch! Mommy it hurts!” five years old pa lang sya pero matatas ng magsalita. Yinakap at pinupog ko naman sya ngayon ng halik sa kanyang magkabilang pisngi. “iwwww!!! You're bad breath mommy!” reklamo nito na pinisil ang kanyang ilong. “Ang arte naman! Pa Kiss nga ulit sa baby ko na yan!” nagpumiglas sya at dumistansya saakin. Pinagkrus nya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. “I'm not a baby any more!” maarte nyang turan habang naka tulis
AIA'S POV “Wala po syang sinasabi saakin na may nararamdaman na pala sya Doc. Nagulat na lang ako kanina ng matagpuan ko syang walang malay sa labas.” paliwanag ko. “The patient needs to undergo kidney transplant. She also requires dialysis.” Ani to. Kinabahan ako sa sinabi ng doctor. Kidney transplant? Tiyak na malaking halaga ang kakailanganin namin. Saan din kami kukuha ng donor? “Dok, saan po kami kukuha ng donor?” nag aalala kong tanong sakanya. “Wala ba kayong kamag anak na pwedeng maging donor? Pero kung wala ay handa naman ang ospital na tulungan kayong makahanap ng donor ngunit mas malaki nga lang ang ilalaan nyong halaga sa operasyon at medyo matatagalan pa bago sya maoperahan.” sagot nito. “Eh Doc, mga magkano po kaya ang kailangan naming ihanda para sa operasyon ng aking lola?” tanong ko. “Better mag handa kana ng 2 Million pesos iha Para sa lahat ng gastos.” para akong na bingi sa sinabi ng doctor. Lalong nanlamig ang buong katawan ko. Saan naman ako kukuha
AIA'S POV Bumaling sya saakin at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Tila ba inaaral nya ang aking tindig at hitsura. “Good morning Ma'am.” Naka ngiti kong bati sakanya. Nakaka intimidate ang hitsura nya. Para syang strikto kung tumingin. Base sa kanyang hitsura hindi kami nagkaka layo ng age. Ngumiti lang sya ng tipid saakin. “Good morning. Have a seat. Dorothy you may now leave us. Thank you.” aniya. Nakaramdam ako ng kaba ng malamang kami na lang dalawa ang matitira sa loob. Bago umalis si Dorothy ay dumikit sya saakin. Akala ko bebeso sya pero bumulong sya sa tenga ko. “Kaya mo yan Aia. Mukha lang mataray yang si Ma'am Jane pero mabait yan.” Anito saka tuluyan ng lumabas. Umupo na ako sa harap ng table ni Ma'm Jane at iniabot sakanya ang aking curriculum vitae. Sinuri nya yon at binasa. “So according to your curriculum vitae, you are a graduate of office management fifteen years ago? yet you don't have any working experience? Can you tell me why?” takang tanong nya. Hind
3RD PERSON'S POV Mula sa CCTV ay napapanood ni Jane ang kilos ng kanyang mga staffs. She's quite impressed with Aia's performance. Madali itong Matuto at magilas kumilos. “Ate Aia ano kaya mo pa?” ngumiti si Aia kay Mildred. Kasalukuyan nilang kinukuha sa service counter ang mga pagkain. “Kaya pa naman.” tipid nyang turan. Hindi nya akalain na ganito karami ang kumakain sa restaurant. Sabagay, kahit sosyal ang pangalan ng restaurant at dekalidad ang pagkaing kini-cater nila sa customer ay afford pa rin naman kasi iyon ng isang ordinaryong tao. Medyo pricey lang ng konti sa fast-food pero ang lasa ng pagkain ay pang royalty. First time sumakit ang paa nya sa kaka pabalik balik ng lakad. Kahit 2 inches lang ang suot nyang sandals ay naninigas na ang binti nya at pumapaltos na ang likod ng paa. Pinag mamasdan nya ang mga kasamahan nya. Bakit parang easy lang sa mga ito ang ginagawa at nakakatayo pa ng tuwid? Nakakahiya naman kung iindahin nya ang nararamdaman. Baka sabihin ma
AIA'S POV Matapos kong maligo ay bumalik ako sa kwarto para mag bihis at silipin na rin ang anak ko na mahimbing pa rin ang pagkaka tulog. Mukhang napagod nga sya ng husto sa pakikipag laro. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman ito nalulungkot na hindi ako nakikita sa maghapon. Naupo muna ako sa uluhan niya at hinimas himas ang buhok ng anak ko. Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil wala na ako sa tabi nya at hindi ko na sya na aalagaan gaya ng dati. Nang tumingin ako sa wall clock ay alas singco pa lang naman ng umaga. May oras pa akong mag luto ng almusal ng aking anak kaya marahan akong bumaba ng hagdan. Ang sakit kasi ng mga binti ko na pakiramdam ko sumali ako sa isang fraternity at pinaddle ng ilang ulit sa mga binti! napakasakit at hindi ko maigalaw. Grabe! Masahol pa ito sa naramdaman ko nung may mangyari saamin ni Dark! Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan. Bakit ba bigla ko na naman syang naalala? Kamusta na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya? May anak na rin kaya sila ni Sel
AIA'S POV “Si tyang Lena ay kinukuhanan ng physical examination. Si Tere at Emil naman ay bumibili sa labas ng pagkain namin.” aniya. “Hindi ka kaya malate nyan sa trabaho mo Vince? Pasensya ka na talaga kung naabala pa kita.” nahihiya kong saad. Kumunot naman ang noo ni Vince. “Ano ka ba Aia? hindi ka naman nakakaabala saakin. Naka motor naman ako at isa pa malapit lang to sa pinapasukan ko. Hindi ako male-Late okay? Wag mo na akong intindihin. Mabuti pa ay kumain ka na at baka ikaw pa ang malate ng pasok mo nyan.” aniya. Tumango ako sakanya bilang pag sangayon. “Sige Vince maraming salamat talaga huh.” Ani ko saka pinatay ang tawag. “Ano yon? Wala man lang I love, I love you too?” pasaring naman ni Rainier. “Kaibigan ko lang yon Rain.” paliwanag ko. “yon ba yung naghahatid sundo sayo ate?” sabad naman ni Mildred. “Oo.” sagot ko. “Sure ka te walang kayo?” pag kokumpirma pa nya na tila di makapaniwala. “Oo naman.” walang pag aalinlangan kong tugon “Shyet! ang
3RD PERSON'S POV “Wow mommy! There's so many toys!” Tuwang tuwa si Aira ng napadaan sila sa toy station. “Mommy I want that bear, mommy! Look at that bear it's huge and color pink!” namimilog ang mga mata nya ng makita ang halos malaki pa sa kanyang bear. Tumakbo sya doon at tiningnan ang bear sa malapitan. Sumunod naman si Aia sa anak. Lumingon si Aira sakanya at nag puppy eyes. Pinagsalikop din nito ang mga palad. “Mommy please can you buy that for me? Please mommy..” Lumapit sakanila ang sale's lady. “Miss magkano yang ganyan kalaking bear?” “Five thousand po Ma'am ang regular price nyan pero dahil naka sale kami, nakaless ten percent po sya ngayon.” sagot ng sale's lady. Napanganga si Aia sa presyo ng bear. Kapag binili nya iyon ay wala na silang ipambibili ng school supply. Kahit sabihing less ten percent iyon at mahal pa din. Five hundred pesos lang naman ang ma li-less. Hindi nya pa rin afford. “Sorry baby we can't buy that for now.” baling nya kay Aira. Lumabi ang
AIA'S POV Gusto kong Tuktukan ang sarili ko sa ka**ngahan na nagawa ko. Hindi ko na namalayan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Nasanay na kasi akong Dark ang tawag ko sakanya. Ngayon ay binabato ako ni Dorothy ng kakaibang tingin. Sumandal naman si Dark sa likod ng kanyang swivel chair at humalukipkip. “Cge pwede ka ng mag lunch break.” pagbibigay nya ng permiso saakin. Nauna na akong tumalikod at lumakad palabas ng pinto habang tahimik naman na na kasunod saakin si Dorothy. “Aia.. “ tawag nito saakin. Nilingon ko naman ito at ngumiti sakanya na parang walang nangyaring kakaiba kanina. “Anong tinawag mo kay Sir Elija kanina?” tanong nya saakin. Nakagat ko ang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tyak na mag uusisa sya. “Huh? S-sir Dark.” pagsisinungaling ko. Siguro kong may parangal ang pagiging sinungaling ay ako na ang mag outstanding! “Dark lang narinig ko.” aniya. “Sir Dark yon, napiyok kasi ako kanina kaya medyo mahina pagkaka bigkas ko ng sir.” sig
3rd PERSON'S POV “Ma'am salamat po.” umiiyak na nagpasalamat ang security guard kay Aia. Di na kumibo pa si Aia at tumuloy na sa loob restaurant. Pakiramdam nya na uulit na naman ang nangyari noon. Ayaw nyang mapag isipan na meron namamagitan sakanila ni Dark lalo na at kasintahan nito si Jane. Dumiretso sya sa locker room para ilagay ang gamit nya. Doon din muna sya tatambay habang naghihintay sa dalawa nyang kasama. “Sa office ka dumiretso pagkatapos mong mag ayos.” napapitlag sya ng marinig ang boses ni Dark. Nahawakan nya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. “Ano ba Dark! Papatayin mo ba ako sa nerbyos? Bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan.” inirapan nya ito. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark. “Hindi mo man lang naramdaman ang pag pasok ko? Sino ba kasing iniisip mo? Yon bang naghahatid sundo sayo?” mahihimigan ng selos ang tono ni Dark. Bakit nya naman naisip na si Vince ang iniisip nya? Natawa ng pagak si Aia. “Anong pinagsasabi mo dyan?” “Tell me who is he Aia
AIA'S POV “Excuse.” malamig na turan ni Dark saakin. Gumilid naman ako para bigyan sya ng daan. Nang mabaling naman ako kay kuyang guard ay kakaibang tingin ang iginawad nya saakin. Ngumisi ito at saka umiling iling. Hindi ko na pinansin kung ano bang ingini-ngisi nya. Lumabas na rin ako ng exit dahil muli kong naalala si Vince. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang matiyagang nakaupo sa motor nya at naghihintay saakin. Agad akong lumapit sakanya. “Vince sorry.” agad kong turan. Ngumiti naman sya saakin. Mukhang madami kang ginawa nahuli ka na ng labas.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko masabi sakanya na nakatulog ako sa loob ng opisina ng Boss ko. Ayaw kong mag isip sya ng masama. Nagliwanag sa kinatatayuan namin ng bumukas ang headlight ng isang sasakyan. Kapwa kami napalingon ni Vince sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng wind shield si Dark ng dumaan sya saamin. “Yun ba ang Boss mo?” tanong saakin ni Vince. Tumango naman ako. “Oo.” “Grabe naman
AIA'S POV “Clean my office.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. “pero sir hindi po-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang galit nyang mga mata na masama ang pagkaka tingin saakin. “Ayaw mo?” sarkastiko nyang tanong. Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan. Tumalikod ako at akmang lalabas sa office nya ng magsalita sya. “Where are you going Aia?” tanong nito. “Kukuha po ako ng gamit panlinis.” sagot ko. Naglapat ang kanyang mga labi, tila napahiya naman sya sa sinabi ko. Pumunta ako sa stock room kung saan nilalagay ang mga panlinis. Nakasalubong ko sina Mildred at Rainier na pabalik na sa dining area. “Tih anong gagawin mo dyan sa mga panlinis?” tanong ni Rainier saakin. “Pinag lilinis ako ng boss natin sa opisina nya.” Malamig kong tugon. “Mukhang pinag iinitan ka ni Sir Elijah.” Ani Mildred. Hindi na lang ako kumibo at iniwan na sila. “Mukhang mainit ang ulo ng atih ko.” narinig ko pang turan ni Rainier. Pag balik ko sa opisina
3rd PERSON'S POV Napabuga ng hangin si Dark. Dismayado nyang tinitigan si Aia na nakayuko sa harap nya. “You go to the service area and help Dorothy prepare the orders.” he commands. “Si-sir?” nagtataka nyang tanong dito. Bakit bigla ay doon sya inilagay? Hindi naman sya gumawa ng gulo. Sa pagkakaalam nya ay kahit naiinis na sya sa bastos na lalaking yon ay pilit nya parin iyong kinakausap ng maayos. Sya lang naman itong biglang sumulpot at gumawa ng eksena. Ni hindi nya nga alam na naroon na pala ang Boss nya sa likod nya. “Are you deaf? Palalampasin ko ang gulong nangyari ngayon Aia. Kaya kung pwede lang pumunta ka na roon. Now.” hindi man iyon pasigaw pero rinig pa rin ng mga customers at ng mga katrabaho nya na lahat ay sakanya na nakamasid. Nakaramdam sya ng pagka pahiya. Gusto nya mang ipag tanggol ang sarili ay pinili na lang ni Aia na manahimik at sundin na lang ang gusto ni Dark para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin naman sya mananalo. Iyo ang Boss at empleya
3rd PERSON'S POV“Napapansin mo ba Mildred, madalas tayong bantayan ni Sir Elijah sa service area?” tanong ni Rainier. Nasa dulong bahagi sila ng dining area, nag aayos ng mga silya si Rainier habang si Mildred ay nagpapalit ng table cloth sa mga lamesa. Si Aia naman ay busy na nagpupunas ng glass wall. Ito ang gawain nila tuwing umaga bago mag bukas ang restaurant.“Oo nga eh, kinakabahan tuloy ako.” sangayon ni Mildred. Pasimple lang silang nag uusap para hindi mahuli ni Elijah. “ito pa ang isa sa napansin ko Mildred, parang binabantayan nya ang kilos ni Ate Aia.. Pansin mo din ba?” Anito“Shocks! Napansin mo din pala? Akala ko guni-guni ko lang. Minsan nakikita ko titig na titig pa sya kay Ate Aia, tas yung kilay nya nagsasalubong kapag kinakausap si ate ng mga customers na lalaki.” saad ni Mildred.“Tingin mo may gusto si Sir kay ate Aia?” paghihinala ni Mildred.“eh girl friend nya si Ma'am Jane.” Ani Rainier.“ Yon na nga may girl friend na sya. Siguro napapansin din yon ni ate
3rd PERSON'S POV “What's this?” tanong ni Elijah ng ibigay ni Aia ng personal sakanya ang isang sulat. “My resignation letter sir.” sagot ni Aia. Kagabi nya pa iyon pinag isipang mabuti at ngayon nga ay nakapag pasya na syang ibigay iyon ng personal kay Elijah dahil baka sabihin na naman nito na hindi sya marunong magpaalam. “Escaping again.” natatawang pahayag ni Elijah. “Hindi po sa gayon Sir. Umiiwas lang ako sa gulo.” sa wakas ay nasabi nya. “Anong gulo yon Aia can you please elaborate to me?” kunot noong tanong ni Elijah. “Dark-” “It's SIR ELIJAH.” He cut her off. “Sir Elijah, alam kong galit ka sakin-” again he cut her off. “How did you know? Have you wrong me?” mataman syang tinitigan sa mga mata ni Elijah. Hindi sya naka imik agad. Kaya naman nag conclude na si Elijah na tama ang hinala nya kaya naman tumawa ito ng pagak. “May dahilan ako kung bat ko iyon ginawa. Sorry kung-” and for the 3rd time he cut her off “Enough for your sorries Aia! If you're
AIA'S POV “Grabe kabado bente ako kanina kay sir Elijah!” para kong maiihi sa takot kanina. Ani Rainier ng pumasok na kami sa locker room para mag lunch break. “Ako din bakla! Akala ko luluwa na yung puso ko sa sobrang kaba!” tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Ano na ba ang gagawin ko ngayon? Kailangan ko bang syang iwasan ulit? Sa laki ng Pilipinas bakit naman sya pa ang naging boy friend ni Ma'am Jane? Natigilan ako. Teka! Paanong si Ma'am Jane ang girl friend nya? Hindi ba natuloy ang kasal nila ni Selena? Matapos kasi nang pangyayari noon ay wala na akong naging balita kay Selena. Hindi na rin kasi lumalabas ang babae sa telebisyon. Buong akala ko ay pinili nalang nitong maging plain house wife kaya hindi na ito nag tuloy sa showbusiness. Wala rin naman akong nabalitaan na hindi natuloy ang kasal nila kaya buong akala ko talaga ay sila pa ni Sir Dark. Nang buksan ko ang locker ay namilog ang aking mga mata ng makitang wala doon ang bag ko. Saka ko lang naalala n