"Pauwi na ako, Mom. Malapit na ako sa bahay." I rolled my eyes when my mom started with her never ending reminders.
Dad is an engineer abroad. Nang makaipon siya ay nagpasiya siyang kunin kami ni Mom at doon na manirahan sa California kasama niya. But I refused to go there. I have my own reasons.
I am in my second year in college. I'm already nineteen years old. Tingin ko naman ay dapat ko rin maranasang magpaka independent. Pahirapan pa nga ang pagkumbinsi ko kina Mom at Dad na hayaan akong maiwan dito sa Pilipinas. They want me to go with them, but I really want to stay here. Bukod sa nandito ang mga kaibigan ko, nakapasa ako sa dream university ko at ngayon ay doon nga ako nag-aaral. In short, narito ang buhay ko at wala doon sa California.
"Don't worry about me, Mom. Kaya ko ang sarili ko. Mag-ingat kayo diyan ni Dad. I love you both." sabi ko saka nagpaalam nang ibababa na ang tawag.
Sa totoo lang, hindi pa talaga ako pauwi. Narito pa ako sa park kahit gabi na. Ayaw ko pang umuwi. I miss them, my parents. Para akong siraulo. Nagpaiwan pero namimiss naman sila.
Siguro sa una lang ito dahil wala pang isang linggo na hindi ko sila kasama sa bahay. The house looks empty without them. Nasanay ako na tuwing umaga ay mukha ni Mom ang bubungad sa akin. Pagkababa ko ay malalanghap ko ang mabangong niluluto niya at pag handa na ang lahat ay kakain kami ng sabay pagkatapos ay tatawag si Dad sa Skype at makikipagkulitan sa amin ni Mom bago ako umalis patungo sa eskwelahan.
Ngayon ay kinailangan ko nang pilitin ang sarili ko na bumangon sa tunog ng alarm clock. Ako rin ang nagluluto ng sarili kong almusal dahil wala naman si Mom para gawin iyon. Habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan ay katawagan ko sila. I miss them. Ang tahimik na sa bahay dahil wala sila.
Dapat na talaga akong bumili ng aso para naman may kasama ako sa bahay. At least kapag may aso na ako, may bantay sa bahay, stress-reliever, at companion na ako, hindi pa hassle pakisamahan gaya ng ibang tao.
Speaking of dog. Napalinga-linga ako ng may marinig na daing ng hayop. I think it's a dog. Tumayo ako at nagsimulang maghanap. Hindi nagtagal ay natagpuan ko ang isang malaking aso na nakahiga sa likod ng bench na inuupuan ko.
Its fur was a combination of gray, black, and white. Halos kasing haba niya ang bench na inuupuan ko. It looked like the wolf in Twilight! Napaatras pa ako dahil masyadong malaki ang asong ito. Ngunit kita kong nanghihina ito at may mga sugat. Maingat akong paunti-unting lumapit sa aso.
"Oh, poor dog..." Nahahabag na sabi ko. Ang itaas ng mata nito ay may sugat, maging sa ibaba ng bibig nito ay mayroon din. Marami rin siyang sugat sa katawan. I wouldn't be shocked if it has broken bones too.
Mabilis ang paghinga nito at tila ba hinihingal. Agad kong hinablot ang backpack ko at hinalughog iyon. Kinuha ko ang bottled water na naroon. Hindi ko pa iyon masyadong nabawasan dahil hindi talaga ako gaanong umiinom ng tubig, yeah, a bad habit of mine. I opened the bottle and cautiously approached the animal.
Marahan ko pang hinaplos ang balahibo nito para amuin. Hindi naman ito umangil o ano mang tanda na mananakit ito kaya naging palagay ako kahit papaano.
"Eto oh, uminom ka muna." I gently said.
Maingat at dahan-dahan kong ibinuhos ang tubig sa nakabukas nitong bibig. The poor dog looked thirsty and hungry. Mabilis niyang naubos ang tubig ko.
"Gutom ka na rin siguro. Dito ka lang ha, kukuha ako ng pagkain mo. Babalikan kita dito."
Wala naman akong dalang pagkain kaya napagpasyahan kong tumayo na at umuwi. May pagkain sa bahay. Babalikan ko na lang ito para pakainin. Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at nagsimula nang maglakad palabas ng park. Malapit lang naman dito ang bahay namin.
The park used to be crowded until night. Families used to go on a picnic here. Couples used to stroll around for some relaxing date. But after a shopping mall has recently opened nearby, wala na masyadong tao rito. Ako na nga lang yata ang madalas na narito. This park is a relaxing nature in the middle of a busy metro. Dito ako tumatambay kapag gusto kong mag-relax at mag-isip, and I do that a lot by the way.
Malapit na ako sa bukana ng park ng mahalata kong may sumusunod sa akin. Mabilis ko itong nilingon at natagpuan ang asong nanghihina na nakatingin sa akin. Ang mga mata ay nakakaawa o nagpapaawa ang ekspresyon. Tila nagsusumamo sa akin na huwag ko siyang iiwan doon.
"Gusto mong sumama sa bahay ko?" tanong ko dito kahit alam ko namang hindi iyon makakasagot. Hinayaan ko na lang itong sumama sa akin. Binagalan ko rin ang lakad ko para makasabay ko siya.
Dahil malaki ang aso ay sumasayad ang kamay ko dito habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Maliit lang ako at sa tingin ko, kapag pinatayo ko ang asong ito at mas matangkad pa ito sa akin.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Kinuha ko ang susi mula sa bag ko at binuksan ang pinto. Nakapasok na ako sa bahay ay nanatili lamang sa harap ng pintuan ang aso. The dog has some manners, wow...
"Anong ginagawa mo diyan? Come here." pagkausap ko rito at minuwestra na lumapit siya sa akin.
Mabagal at iika-ika namang lumapit ang kawawang aso.
Pinahiga ko ito sa ibabaw ng comforter na inilatag ko sa sala na hindi ko na ginagamit. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng pwedeng ipakain sa kaniya.
Nang makahanap ay agad akong bumalik sa kinaroroonan nito. Inilapag ko sa harap nito ang bowl na naglalaman ng pagkain na tira ko pa mula sa almusal ko kaninang umaga. Mabagal itong kumain habang manaka-naka ay tumitingin sa akin. I can't help but notice its eyes. Hindi ko alam pero ang authoritative ng dating ng kaniyang mga mata. Tipong kung isa siyang tao ay magiging sunud-sunuran ka sa kaniya.
Pagkatapos kumain ay pinainom ko na ito. Balak kong paliguan ang aso bago ko gamutin ang kaniyang mga sugat. Wala naman akong ekstrang pera para dalhin ito sa vet at doon ipagamot. Siguro naman ay okay lang na gamitan ko siya ng first aid para sa tao. Kapag nagkapera ako ay dadalhin ko siya sa vet para mapatignan.
The dog was a 'he', that I'm sure of. Habang pinaliliguan ko kasi ito ay nakita kong may male reproductive organ siya. Hindi naman naging problema ang pagpapaligo sa kaniya dahil hindi siya malikot o nagpupumiglas. Nakatingin lang ito sakin habang nanginginig sa lamig.
"Pasensiya ka na ah, sira na kasi yung heater." sabi ko habang hinahagod ang balahibo niyang basa pa. Pinupunasan ko na siya gamit ang extra towel na nasa banyo.
"Tingin ka ng tingin sa mukha ko, nagagandahan ka yata sakin eh."
Baliw na nga yata ako dahil sa pag-iisa ko sa bahay na ito kaya kinakausap ko na ang aso.
Of course, the dog wouldn't answer. He just lay his head on my lap. Sa ganoong ayos ay nilapatan ko na ng first aid ang mga sugat niya. Manaka-naka ay napapapitlag ito kapag napapadiin ang bulak sa sugat niya. Agad ko naman iyong iniihipan para maibsan ang hapdi.
Napakalaki ng asong ito. I wonder what his breed is. Siguro bukas ay magsi-search ako ng tungkol sa mga breed ng aso.
The dog fell asleep. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo niya para makaalis ako doon. He's sleeping soundly. Nang makabalik na ako sa kwarto ay saka ko lang naalala ang napakarami kong school work.
Shit!Nakalimutan ko ng dahil sa asong iyon!
Pero atleast may natulungan akong kawawang hayop.
That night I went cramming to finish all my pending schoolworks. This will be a long night.
Nagising ako ng maramdaman ang paulit-ulit na paglapat ng basa at malambot na bagay sa aking pisngi. Pagmulat ko ay isang napakalaking aso ang bumungad sa akin. Nakalabas ang dila nito na hula ko ay ginamit nito na panggising sa akin.Agad akong napabalikwas ng bangon.
Great! Nag-uwi nga pala ako ng aso kagabi. And he woke me up! Aww...
Siguro ay nagugutom na ito.
"Good morning! Gutom ka na ba?" nangingiti kong bati at tanong dito. Marahan kong hinagod ang balahibo nito saka bumaba ng kama. Nakasunod naman ito sa akin kahit pa may kabagalan pa rin dahil nga naman may mga sugat pa ito. Hindi ko rin alam kung may baling buto ba ito. Siguro ay may nag maltrato dito. Napaka walang hiya naman ng gumawa ng ganiyan sa isang napaka gandang aso. Mukha pa namang mamahaling breed ito.
Ngayon kasing malinis na ito kumpara sa madumi at madungis na itsura nito kahapon ay maganda na itong tignan lalo. Para itong isang wolf na madalas makikita sa mga pelikula.
Teka...Hindi kaya, wolf talaga yan?!
Napailing na lang ako, nasosobrahan na yata ako sa kakapanood ng movies. Pano ba naman kasi, ang hot kaya ni Jacob sa Twilight! Imposible naman na may wolf dito sa Kamaynilaan.
Nagtungo ako sa kusina at nagsimula nang maghanap ng pwedeng iluto. Mabuti na lang at mayroon pa namang itlog at ham sa ref. Nagsangag muna ako ng bahaw na kanin at pagkatapos ay saka ko pinirito ang ham at itlog.
"Wala pa akong pambili ng dog food kaya ito na lang muna nag kainin mo." baling ko sa aso at inilapag sa sahig ang isang bowl ng sinangag na may pinira-pirasong itlog at ham na nakahalo. Wala pa kasi akong nahahanap na part-time job kaya wala pa akong extra income. Sa ngayon ay umaasa pa rin ako sa allowance na ipinapadala ni Dad.
Tila nakauunawang kumain naman agad iyon. Ako naman ay nagtungo muna sa banyo upang maghilamos ng mukha at magmumog. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina para kumain.
Tapos na kaagad siyang kumain kaya binigyan ko na lamang ng tubig. Kumakain na ako ng agahan ko ngunit nakaupo pa rin sa gilid ko ang aso. Nakatingin lamang ito habang ang buntot ay kumakawag.
"Gutom ka pa rin?" tanong ko at inilabas nito ang kaniyang dila.
"Aba malakas pala kumain ang bago kong housemate. Mabuti na lang at may sobra pa sa niluto ko."
Agad akong nagsandok ng panibagong sinangag at ulam saka iyon pinaghalo at inilapag sa harap nito.
Kung sabagay, sa laki ng asong ito ay malamang na malakas din ito kumain. I guess I should really find a part-time job immediately huh. Kahit naman kasi magpapadala sina Mom para sa mga gastusin ko ay hindi ko pa rin gustong iasa sa kanila ang lahat. I wanted to be independent pero hindi pa rin lubusang mangyayari iyon dahil may sustento pa rin akong matatanggap mula sa mga magulang ko.
I did my usual morning routine and prepared for school. Madalas ay nakasunod sa akin ang aso ngunit minsan ay nakikita ko itong humihiga sa carpet sa sala. Siguro ay bumabawi pa ito ng lakas.
"Bye! Mamaya pagbalik ko, bibigyan kita ng pangalan. Para naman may itatawag ako sayo." sabi ko sa aso na nakatayo sa pintuan na tila hinahatid ako sa pinto. I patted its head and closed the door.
Tinakpan ko ang sinag ng araw na dumidirekta sa aking mata. Alas otso y media na. Alas nuebe pa naman ang unang klase ko para sa araw na ito, siguro ay tatambay muna ako sa corridor sa mismong tapat ng classroom.
Naupo ako sa sahig habang kinukuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko. Binuksan ko iyon at agad na kumonekta sa free wifi ng university. Pinindot ko ang search engine.
Hahanapin ko sa internet ang mga breed ng aso na malapit at kahawig ng aso na natagpuan ko.
May mga nakita akong kahawig ng aso ko ngunit hindi talaga ganoon kung tititigang mabuti. Out of curiosity, I typed "wolf" and saw different photos of wolves.
Kung ikukumpara, mas malapit sa itsura ng isang wolf ang itsura ng aso ko. Kaya nga lang ay mas malaki pa yata ang aso ko. Kung wolf man ang inaalagaan ko ngayon, he seemed harmless to me.
Hanggang sa oras na ng first subject ay iyon ang iniisip ko. May naisip na nga rin akong pangalan para sa kaniya. I can't wait to go home and tell him the name that I want to call him.
"Why? Ito ang unang gimmick natin this year tapos hindi ka pa sasama? Audrey namaaaan." eksaheradong angal ng kaibigan kong si Kurt. Ang mga kilay niyang ipinaayos niya pa sa salon ay magkasalubong na ngayon. Nung unang beses kong nakita ang pagkakaayos sa kilay niya ay humanga ako sa gumawa noon, it doesn't look like it was modified. Nagmukha itong natural na maganda ang hugis. He's a closet gay. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tungkol sa sexual preference niya. You can't blame him if he wants to keep it as a secret. Marami ang manghihinayang sa gandang lalake niya. At isa pa, nagmula siya sa pamilya ng mga sundalo at pulis. So, I think that explains why he's keeping it a secret.
"Look, mas marami kasing bagay na dapat unahin kaysa sa pagpunta sa bar gaya ng sinasabi mo. I'd rather stay at home and get some rest during the weekends, yun na nga lang ang araw na makakapag pahinga ako eh." sabi ko saka walang paalam na uminom sa lemonade niya.
"Hay nako manang! You're missing the fun!" anito.
"Staying at home and sleeping all day is more fun babe." nakangising saad ko at itinirik niya naman ang mata at umaktong kinikilabutan.
"Kadiri ka talaga! Babe ka diyan!" maarteng anito saka nagpalinga-linga dahil baka may makarinig sa amin.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench sa open field dahil dito kami madalas kumain ng lunch. May malaking puno naman na nagbibigay sa amin ng lilim at sariwang hangin kaya paborito naming spot ito.
"Sus! Pero kapag kaharap natin ang pamilya mo, halos ianunsiyo mo pa na girlfriend mo ko para lang mapagtakpan ang pagiging paminta mo!" natatawang sabi ko sabay kagat sa burger niya. He doesn't mind me eating his food, ganoon din naman kasi siya. We always buy different food and we'll switch if we want to.
Kurt has been my friend since junior high. Magkaklase kami mula grade 7 hanggang grade 10. Magkaiba lang kami ng kinuhang strand sa senior high pero parehong university pa rin naman. Magkaiba rin kami ng kurso ngayon pero madalas ay kami pa rin ang magkasama. Maybe because I know his secret that's why he sticks with me. He's taking up architecture while I'm taking accountancy.
Hinatid ako ni Kurt sa last subject ko. As usual, agaw pansin nanaman kami. Kurt is pretty famous. Gwapo kasi talaga ang kaibigan ko at matalino pa. Kahit sa ibang department siya ay sikat pa rin siya sa department namin.
"Hinatid ka nanaman ng jowa mo?" tanong sa akin ni Van, kaklase ko na bading. Palagi niya akong tinutukso kay Kurt. Akala ko ba nase-sense ng mga bading kung bading rin ang isang tao? Siguro mahina lang ang radar ni Van?
The class went well. Pagkatapos nga ay nagmamadali pa akong magligpit ng gamit ko. Excited na akong umuwi. Gusto ko nang makita ang aso ko at sabihin sa kaniya kung anong napili kong pangalan.
Sana magustuhan niya ang naisip ko hihi!
"I'm home!" wika ko ng mabuksan ko na ang pinto ng bahay. It made a creaking sound like the ones in the horror movies. Wala pang isang buwan mula ng lumipat si Mom sa California, pero parang ang tagal nang napabayaan ng bahay. Maayos at malinis naman ang bahay eh. Kaso iba talaga kapag may ina sa tahanan, nakikita nila lahat ng kailangan ng kumpuni at paglilinis. Samantalang ako, kahit simpleng pagpapalit ng ilaw ay hindi ko pa magawa dahil hindi ko abot.Agad na bumungad sa akin ang aso kong nakaabang at kumakawag ang buntot. Lumuhod ako at hinaplos ang ulo nito. Kumpara kahapon ay mas masigla na siya ngayon."Hi! You know what? May naisip na akong pangalan para sayo." masayang balita ko rito.The dog just looked at me as if it's waiting for my words."Since mas mukha kang wolf kesa sa aso. I'll call you 'Chogiwa'." sabi ko sabay t
Nasa shower area si Chogiwa. Bukas ang shower kaya basang-basa siya na parang ineenjoy niya pa.“Ayos ka ah! Mukhang tataas ang bill ko ng tubig dahil sayo. You smart boy, hahaha!”Pinatay ko ang shower at saka kinuha ang shampoo niya. Noong nakaraan ay dumaan ako sa mall para bumili ng shampoo, collar, at dog food. He didn’t like the dog food kaya sayang lang ang isang kilong binili ko. He likes to share with my food, mas marami pa nga siyang nakakain kesa sa akin eh. Tama sina Mom, magastos pala talaga ang mag-alaga ng aso.Nakatingin sa akin si Chogi habang sina-shampoo ko siya. He will smell like strawberries again. Mas matangkad siya sakin kapag naka-talungko ako kaya naka-yuko siya ngayon sa akin.“You really are a big guy, huh. Kaya mo na palang mag shower mag-isa. But I’m sure you can’t use a shampoo by yourself. You still need Audrey even if you’re a smart boy.”Mabuti nga ay may nakaka-usap
CHAPTER 4“AHH!”Kasabay ng pagkakahulog ko ay ang aking pagsigaw. Ang nakakapagtaka lang ay sumisigaw ako pero pakiramdam ko ay walang boses na lumalabas sa bibig ko.Ang pagbagsak ko mula sa couch ang nagpagising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay ang puting kisame ng sala ang bumungad sa akin. Panaginip lang pala. What a weird dream though.“Ouch...” mahinang daing ko ng maramdaman ang sakit ng balakang ko na naunang tumama sa sahig ng bumagsak ako mula sa couch. Pupungas-pungas pa akong bumangon at iginala ang paningin ko sa sala. Anong oras na ba? Mukhang madaling araw na ah. Nakatulog pala ako sa sala. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV na nagpapalabas na ng pang umagang balita.Wala na sa couch ang alaga ko. Nasaan na kaya ‘yon?“Chogi?” hawak ko ang balakang ko habang naglalakad ng mabagal patungo sa kusina. Siguro ay nandoon siya. Doon naman kasi siya tumatambay kapag gutom na.
"And your sweet scent is seductive too." Pakiramdam ko ay nagtindigan lahat ng balahibo ko ng ibulong niya iyon sa akin kasabay ng madilim niyang ekspresyon. Kahit parang nanlalambot ang mga kalamnan ko ay nagawa ko pa siyang itulak. “P-Pag-iisipan ko pa kung papatirahin ba kita rito pansamantala.” Dinampot ko ang kutsara at tinidor saka nagsimulang mag focus sa pagkain. Ayaw kong madamay sa kung ano man ang problema niya. Hindi pa nga masyadong nagsi-sink in sa akin ang mga natuklasan ko ngayong araw eh. “Paano ako makakasiguro na hindi ka masamang tao—I mean werewolf?” tanong ko dahil totoo namang hindi ako nakakasiguro na mapagkakatiwalaan siya. Paano kung hinahabol siya ng mga lalakeng iyon dahil may ginawa siyang masama? Saka paano ko masisigurong ligtas ako? I took care of Chogi and I felt safe with it pero iba na ngayon. Sobrang magkaiba. Hindi ko akalaing ang “aso” na kinupkop ko at inalagaan ay isa palang werewolf. I ha
"So, how's my brother?" tanong ni Professor Gabriel Callejo. Prente siyang naka upo sa kaniyang swivel chair habang ako ay nakaupo sa upuan na nakalaan para sa mga may appointment sa kaniya. Narito ako sa faculty office dahil pinatawag niya ako. Lilah was so surprised that I was actually called to his office. Pinilit niya pa akong mag retouch muna bago magtungo rito. Sinunod ko naman ang payo niya dahil sa maghapon kong klase, haggard na nga naman talaga ako. Ayaw ko namang hindi ako presentableng haharap kay Prof.Sa una ay nagulat rin ako na pinatawag ako. Pero naisip kong baka tungkol ito sa kapatid niya na nasa poder ko. Mukhang alam niya na talagang nasa akin ang Kuya niya mula pa noong nakisabay siya saming kumain sa cafeteria.“Okay naman po siya. He’s still in the process of recovering.” Hindi ko maiwasang titigan siya. Looking at him, he also have hazel colored eyes like Rafael. He is also fit like he does regular exercise but not as masculin
"Rafaeeeeeeeel!!!" Gigil na sigaw ko sa lalaking tinatawanan lang ako.Araw ng Sabado ngayon at wala akong pasok pero may lakad ako dahil nagkasundo ang grupo ko sa isang subject na magkikita-kita kami sa Cafe na malapit sa school. Maliligo na sana ako ngunit biglang sumunod sa akin si Rafael. Sa bilis ng kilos niya ay nakapasok na siya sa banyo bago ko pa siya mapagsarahan ng pinto."Labas!" Muli kong sigaw sa kaniya."Why? Dati naman ay hinahayaan mo lang ako na nandito?" He said with an innocent face. Kung hindi ko lang alam na puro kalokohan ang nasa isip niya baka naniwala na akong inosente siya!"Dati yun! Nung akala ko aso ka lang!" Naiinis na singhal ko.Pansin ko talaga madalas akong naka singhal sa kaniya. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na magagalitin at mabilis mainis. Sa katunayan, mahaba ang pasensiya ko sa mga tao. Kaya nga lang ang isang 'to, sobrang nakaka inis. He gets into my nerves all the time! Ang pinaka matindi niyang pang-
I immediately let go of Rafael’s hand as soon as the cafeteria was out of sight. Nagkatinginan kaming dalawa. He smirked while I frowned at him.“Bakit ba ang hilig mong magpanggap na magkarelasyon tayo? Noon nagpanggap kang asawa ko sa harap ng mga pulis. Ngayon naman boyfriend?”“Wag ka nang magreklamo. You should feel honored. Naging asawa at boyfriend mo ako kahit kunwari lang.” namulsa siya at nagpatiuna. Ako naman ay nagdadabog na sumunod sa kaniya. Papunta na kami sa restaurant kung saan namin imi-meet si Professor Callejo. Walking distance lang iyon mula sa cafe kung saan kami nag meet ng mga kagrupo ko.Hinawakan niya ang balikat ko at pumunta siya sa kaliwa ko kung saan mas malapit siya sa kalsada. Gentleman tala ang mokong na ito. Kahit nung akala ko “aso” lang siya eh may manners talaga siya. Kaso napaka bwisit. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.Malapit na kami sa restaurant ng magsali
What the fuck is wrong with this man?Hindi naman ako namali ng pagkakarinig, hindi ba? Ang sabi niya talaga girlfriend niya ako?! Ano nanaman kayang dahilan para magpanggap dito?"Rafa hijo!" Isang may katandaang ginang ang umagaw ng atensiyon ng lahat. Pababa ito ng grand staircase habang nakabukas sa ere ang mga braso para salubungin si Rafael. She is beautiful despite her age. She has soft facial features unlike those of Rafael’s. Her hair has visible gray strands but I think it makes her look more regal. She’s wearing a dress that is conservative yet it shows that she still has great figure and posture."Mama." Rafael called the woman lovingly. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko at sinalubong din ang ina.He hugged his mother and kissed her cheek."I'm glad you're back. Na miss kita anak." Nakangiting anang kanyang ina.The old woman aged beautifully. Her silver gray hair is pulled
“You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k
Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l
Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k
Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an
Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.
“Wag mo na masyadong kapalan ang makeup niya, di niya na kailangan ng makapal. Maganda na siya.” ani Joy sa make-up artist na inarkila nila para sa akin. Nandito kami ngayon sa tent na nagsisilbing dressing room ko.Oo, pumayag ako na sumali sa pageant at ngayon na ang gabi ng coronation. Noong una ay ayaw ko naman talaga dahil tingin ko nga ay sayang lang sa oras at pagod pero dahil kailangan ito ng mga kaibigan ko ay napapayag na ako. Isa pa ay gusto ko lang din manalo para mainis ko lalo si Marie. Inis naman siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya edi bibigyan ko pa siya lalo ng dahilan para mainis sa akin.“Oo dai di ko talaga kakapalan, nakakahiya naman kasi sa mga make up ko hindi naman pala sila kailangan dito, dinala ko pa. Ganda nitong si Audrey ano? Baka interisado ka mag modeling pwede kita hanapan ng gigs, ako na manager mo.” Ani Mavy, ang bading na makeup artist na kakilala ni Joy.“Naku wag mo na tangkaing i-s
“Audrey? Anak, gising!” Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin. Pagmulat ko ay ang nag aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin. Nakalugay ang buhok niya at halatang kagigising lang. She is still in her night dress.Napabalikwas ako ng bangon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng marealize ko na buhay siya. Panaginip lang ang lahat. Niyakap niya rin ako at hinaplos ang buhok ko. Mabilis pa rin ang paghinga ko at ramdam kong pawis na pawis ako.“You had a bad dream?” malumanay niyang tanong habang yakap pa rin ako.I nodded and hugged her tighter.“Eto tubig.” I heard papa entered my room and handed a glass of water to mama. Binigay iyon sa akin ni mama at pinainom ako ng tubig.I looked at both of them and was relieved that it was only a dream. Pinalis ni papa ang luha sa pisngi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.“You want me to sleep here with you?” tanong ni mama ng kalmado na ako.
“Rafael?” gulat na bulalas ko ng siya ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pintuan. Hindi ko man lang sinilip sa peephole dahil akala ko ay si Desmond ang nag doorbell. Lumagpas ang tingin niya sa akin at sigurado akong nakita niya si Miguel sa sala at malamang ay nakita rin siya ni Miguel.“Anong ginagawa mo dito?” bulong ko sa kaniya.“I left my wallet here.” Aniya at muling bumaling sa loob ng unit ko.Lumingon din ako sa loob at tinignan si Miguel na takang nakatingin sa amin. I smiled at him and faced Rafael. Niluwagan ko ang pinto at binigyan siya ng nagbababalang tingin.“Pasok ka.” Anyaya ko kahit labag sa loob ko. Agad namang pumasok si Rafael at dumiretso sa sala.“Good evening po, Professor Callejo.” Pagbati ni Miguel kay Rafael at tumayo pa ito. I guess he knows him because Rafael has instantly became a very popular professor. Kahit sa ibang department ay kilala siya. Miguel s
“Wow, you two talked for hours and you don’t seem to mind.”Rafael is frowning at me when I looked at him. Hindi pa kami nakakalabas ng campus kaya huminto ako sa mas madilim na parte ng covered path walk. Pagod na tinignan ko siya ng masama and he just sarcastically rolled his eyes at me.“Ngayon lang kayo nagkakilala pero kung maka tawa ka kanina, wagas.” Komento niya pa.This man is unbelievable. What is he a highschooler?“You know what? Whatever.” Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kaya lang ang damuho na ito ay nakasunod pala sakin. I stopped again and faced him. Napahinto siya sa paglalakad at nakayuko sa akin ngayon.“Stop following me. People might get the wrong idea. I don’t want to be associated to you in any way.” Singhal ko sa kaniya.He sighed and raised his both hands like he is giving up. “Fine.”Bumalik na siya patungo sa parking lot