Chapter: Chapter 40“You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 39Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 38Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 37Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 36Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.
Huling Na-update: 2021-11-30
Chapter: Chapter 35“Wag mo na masyadong kapalan ang makeup niya, di niya na kailangan ng makapal. Maganda na siya.” ani Joy sa make-up artist na inarkila nila para sa akin. Nandito kami ngayon sa tent na nagsisilbing dressing room ko.Oo, pumayag ako na sumali sa pageant at ngayon na ang gabi ng coronation. Noong una ay ayaw ko naman talaga dahil tingin ko nga ay sayang lang sa oras at pagod pero dahil kailangan ito ng mga kaibigan ko ay napapayag na ako. Isa pa ay gusto ko lang din manalo para mainis ko lalo si Marie. Inis naman siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya edi bibigyan ko pa siya lalo ng dahilan para mainis sa akin.“Oo dai di ko talaga kakapalan, nakakahiya naman kasi sa mga make up ko hindi naman pala sila kailangan dito, dinala ko pa. Ganda nitong si Audrey ano? Baka interisado ka mag modeling pwede kita hanapan ng gigs, ako na manager mo.” Ani Mavy, ang bading na makeup artist na kakilala ni Joy.“Naku wag mo na tangkaing i-s
Huling Na-update: 2021-11-29
Chapter: Chapter 6“Thank you po, Ms. Gina.” pasasalamat ko ng matanggap ko na mula sa kaniya ang talent fee ko. Katatapos lang ng photoshoot para sa isang start up local sports wear. Isa ako sa mga modelong kinuha ni Ms. Gina. Sa lahat yata ng modelo kanina ay ako lang ang walang kaalam-alam kung paano mag pose sa harap ng camera. Mabuti na lang at mabait ang mga nakasama kong modelo maging ang photographer. Nasabi rin naman kasi sa kanila ni Ms. Gina na baguhan ako. Nakita niya lang ako noong isang araw na tumatakbo sa field ng university. Stressed kasi ako noon kakaisip kung ano pang pwede kong gawin para kumita ng pera at makatulong sa mga gastusin para kay Kath. Nang tumigil ako para uminom ng tubig ay agad niya akong nilapitan at inalok ng modeling gig. She said that I got the perfect face and body for this modeling gig. Noong nalaman kong sports wear ang imo-modelo ay tila na gets ko na kung bakit niya iyon nasabi. I am fit and lean because I do martial arts. Mandalas rin masabi sa akin na magand
Huling Na-update: 2022-12-05
Chapter: Chapter 5Isa na yata ang araw na ito sa pinaka matumal na araw namin sa coffee shop. Wala masyadong customer na pumapasok at mula ng magsimula ang shift ko ay dalawang customer pa lang ang dumaan para mag take out ng kape. Day-off ngayon ni Andy at 8 hours and duty ko ngayon kaya okay na rin na wala masyadong customer. Nandito rin naman mamaya si Miss Momo. Tinanghali lang siya ngayon pero nag text naman siya sa akin na darating siya.Dahil wala naman customer ay naglabas muna ako ng libro at nagbasa. Mabuti na lang at may pagkakataon pa ako para makapag review. Bukas ay may graded recitation kami sa isang major subject kaya lahat ng pagkakataong makapag review ay sinusulit ko na. Kahit naman busy ako sa taekwondo at part time job ay sinisigurado kong hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumakas mula sa pagkakapusod nito. Hindi ko na namalayan at halos mag-iisang oras na pala akong nagbabasa at natigil lang ng dumating na si Miss Momo. She looks li
Huling Na-update: 2022-11-23
Chapter: Chapter 4“We will be working with Engr. Valdez and Architect Abalos on this project. On Thursday, they will be ready for a meeting. Sir Rome and I will be the ones to orient them. I prepared a complete–” natigilan ang empleyadong nagre-report sa harap ng biglang bumukas ang pinto ng conference room kung saan sila nagtitipon.Tristan who was focused on the report was almost instantly annoyed by the interruption. Ngunit nang makita niya kung sino ang pumasok ay parang gusto niya nang tumakbo para tumakas. Demi Creston was standing by the doorway and was directly glaring at him.“Excuse me Miss, we’re in the middle of a meeting.” anang empleyado na naantala sa pagsasalita sa harap. She is a new employee that’s why it is understandable na hindi niya kilala kung sino ang kinakausap niya. She is actually doing good in hiding her annoyance.“It’s fine Ms. Lovino. She’s my sister. I’ll take my leave now. You guys can continue. I’ll just catch up on this meeting through Rome.”Halata ang gulat sa mukha
Huling Na-update: 2022-11-06
Chapter: Chapter 3Tirik ang araw at tagaktak ang pawis ni Ella habang naglalakad sa kahabaan ng sidewalk. Wala na kasi siyang pamasahe sa tricycle kaya nilakad niya na lang mula sa terminal ng jeep pauwi. Pauwi na siya galing sa school dahil half day lang ang practice niya sa Taekwondo. Today is Saturday, so, she doesn’t have any other classes. Day-off niya rin sa Momo’s Coffee Shop kaya talagang nakakauwi siya ng maaga. “Miss Byutipol! Uwi ka na?” isang lasing na lalake ang humarang sa dalaga habang naglalakad papasok ng kalye kung nasaan ang bahay nila. Hindi ito pinansin ni Ella at akmang lalagpasan lang ngunit hinawakan nito ang braso niya at hinila siya. Mabilis ang kilos ng dalaga na tila ba hindi na nito pinag-isipan pa ang magiging reaksiyon sa ginawa ng lalake. Hinawakan niya ang kamay ng lalake na nakahawak sa braso niya at sa isang iglap ay napatumba niya ito sa semento. The man groaned in pain. Mukhang may nabali sa buto niya. Nakatingin na ngayon ang mga tao na kanina ay tila walang
Huling Na-update: 2022-10-24
Chapter: Chapter 23rd Person’s POVTristan glanced at his watch for the nth time. The traffic here in Manila is really irritating. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong nali-late, kaya ganun na lang ang inis niya sa tuwing naiipit sa trapiko. He is known by everyone for being always on time. Maaga naman silang umalis kahit na 8:30 pm pa ang simula ng event na dadaluhan niya ngunit dahil sa tindi ng traffic ay paniguradong mali-late na sila. Oh well, may madadagdag nanaman sa bibihirang pagkakataon na nahuli siya ng dating sa isang appointment. “This is your last schedule for the day. Tomorrow is the start of your one-month vacation. Do you want me to book everything for you? You have a place in mind?” the secretary said as he scanned his boss’s schedule on his tablet. His boss is Tristan Simon Creston. One of the most sought-after bachelors in the Philippines and even internationally. Hindi lang siya basta anak ng mayamang business tycoon–he is also smart, competent, and a good businessman, and than
Huling Na-update: 2022-10-19
Chapter: Chapter 1This is a work of fiction.Names, places, events, and establishments are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, events, or incidents is purely coincidental.This story contains scenes not suitable for very young readers. Read at your own risk.------------------------------------------------------------------ “Ella! Sige na naman oh… Palagi ka na lang hindi sumasama sa mga gimmick. Try mo naman mag-enjoy minsan.” Abala ako sa pagbabalik ng mga gamit ko sa bag. Notebook at ballpen lang naman ang inilabas ko kanina dahil ayaw kong ma-miss ang lecture. Mas naa-absorb ko kasi ang itinuturo ng professor kapag isinusulat ko. Katatapos lang ng huling subject namin para sa araw na ito at heto ang kaibigan kong si Annie, nangungulit na sumama ako sa lakad nila mamaya.“Sorry, Annie pero hindi talaga pwede eh. May trabaho ako, remember?” apologetic akong ngumiti sa kaniya. Kung wala lang akong trabaho at kung wala lang akong ibang dapat na i-priority ay baka sumama na
Huling Na-update: 2022-10-10