Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2022-10-24 13:10:26

Tirik ang araw at tagaktak ang pawis ni Ella habang naglalakad sa kahabaan ng sidewalk. Wala  na kasi siyang pamasahe sa tricycle kaya nilakad niya na lang mula sa terminal ng jeep pauwi. Pauwi na siya galing sa school dahil half day lang ang practice niya sa Taekwondo. Today is Saturday, so, she doesn’t have any other classes. Day-off niya rin sa Momo’s Coffee Shop kaya talagang nakakauwi siya ng maaga. 

“Miss Byutipol! Uwi ka na?” isang lasing na lalake ang humarang sa dalaga habang naglalakad papasok ng kalye kung nasaan ang bahay nila. 

Hindi ito pinansin ni Ella at akmang lalagpasan lang ngunit hinawakan nito ang braso niya at hinila siya. Mabilis ang kilos ng dalaga na tila ba hindi na nito pinag-isipan pa ang magiging reaksiyon sa ginawa ng lalake. Hinawakan niya ang kamay ng lalake na nakahawak sa braso niya at sa isang iglap ay napatumba niya ito sa semento. 

The man groaned in pain. Mukhang may nabali sa buto niya. Nakatingin na ngayon ang mga tao na kanina ay tila walang nakikitang pangha-harass ng lalake. 

“Lucio! Naku siraulo ka talaga. Sa lahat ng babanggain mo anak pa ni Ramil.” susuray-suray na nilapitan ng mga kainuman ng lalakeng nakasalampak sa sahig ang kaibigan nila. Napangiwi sila ng makita ang braso ng kainuman na halatang may bali pagkatapos ay bumaling kay Ella na masama ang tingin sa lalakeng nagtangkang mambastos sa kaniya. 

“Pasensiya ka na dito sa kumpare namin, Ella. Hindi kasi nito alam na anak ka ni Ramil at paniguradong mabubugbog siya kapag ginalaw ka.” hinging paumanhin ng kasama ng lalake na nambastos kay Ella. 

The apology didn’t sound right to her. 

“Kahit hindi po anak ng kilala niyo at ginagalang niyo, dapat huwag na huwag kayong mambabastos ng kahit sino.” inis na turan ng dalaga. Tumango tango naman ang mga lalake at muling humingi ng paumanhin. 

Umalis na si Ella at hinayaang daluhan na ng mga kasama nito ang lalakeng binalian niya. Kilala ng lahat ng tambay at halos lahat ng residente ng kanilang barangay ang ama ng dalaga na si Ramil. Isang mahusay na martial artist ang tatay niya at isang tapat na naglilingkod sa barangay bilang tanod. Iginagalang ito ng lahat at takot silang kalabanin ito dahil nga sa galing nitong makipaglaban ay paniguradong lamog na gulay ang kakalaban dito. Mula pagkabata ay na train si Ella sa martial arts. Sa murang edad ay naging black belter na siya sa Taekwondo at tinuruan rin siya ng iba pang martial arts tulad ng krav maga. Kahit anong husay ni Ella ay hindi niya makakalimutan ang disiplina na itinatak sa kaniya ng ama. Huwag gagamitin basta basta ang kaalaman sa martial arts. Gamitin lamang ito upang proteksiyunan ang sarili at ang ibang tao. Kahit noong yumao na ang kaniyang ama ay iginagalang pa rin ito ng kanilang mga ka-barangay. Pati na rin ang pamilya nito ay tila may awtomatikong proteksiyon sa mga tambay at manginginom na nakakakilala sa kanilang ama. Batid rin kasi ng mga ito na ang panganay na anak ni Ramil na si Ella ay naturuan nito ng martial arts at tila ba pumantay na sa galing ng ama nito.

Namatay ang kaniyang ama dahil sa sakit na cancer noong 13 years old pa lang si Ella. Iyon din ang dahilan kung bakit nabaon sa utang ang kanilang pamilya.

Natatanaw na ni Ella ang bahay nila. Mayroon iyong dalawang palapag at rooftop kung saan maraming halaman na tanim ng kaniyang nakababatang kapatid na si Kath. Pagpasok pa lang sa gate ay sumalubong agad sa kaniya ang aso nilang si Lucy short for “Lucifer”. Someone gave it to her when it was still a puppy. Isa itong dobermann kaya bibihira ang mga taong nagtatangkang lumapit sa bahay nila dahil sa takot na baka malapa sila ng malaking aso. Ngunit kahit mukhang matapang at mabangis si Lucy sa ibang tao na hindi nito kilala ay napaka amo naman nito kay Ella, Kath, at sa kanilang ina na si Anna. 

“Hello, Lucy. Kumain ka na ba?” nakangiting bati ni Ella sa matikas niyang aso. Hinawakan niya ang ulo nito at hinimas. Sandali pa siyang nakipaglaro dito bago tumayo at naglakad na para pumasok sa kabahayan. 

Naabutan niya ang kaniyang ina na abala sa kusina. Takang tinignan niya ito habang naghahain sa mesa. Bihira lang kasi ang ganitong tagpo sa kanilang tahanan. Kahit noong nabubuhay pa ang ama ng tahanan na si Ramil ay hindi madalas magluto ang ina. Madalas ay si Ramil ang nagluluto at naghahain para sa pamilya. Bigla tuloy na-miss ni Ella ang luto ng ama.

“Anong meron–” natigil ang tanong ni Ella ng may lalakeng pumasok sa kusina mula sa back door. May dala itong kalamansi at sili na mukhang pinitas nito mula sa mga tanim ni Kath sa likod bahay.

“Oh Ella, anak. Nandiyan ka na pala. Halika na rito at kumain na tayo.” Nakangiting anang kaniyang ina ng mapansin ang pagdating ng anak.

“Ito nga pala si Elmer, boyfriend ko.” hindi maalis ang ngiti ng ina habang ipinapakilala ang lalake na kaharap ngayon. Malaking tao ito at mukhang body builder. Kung hindi lang ito nakangiti kay Ella ay iisipin niyang naninindak ang tindig nito. 

Kahit nagulat ay nagawa rin naman ni Ella na agad na bigyan ng ngiti ang nobyo ng kaniyang ina. Ngayon lang ito may pinakilala sa kaniya na nobyo kaya positibo ang tingin niya dito. Mukha ring napaka saya ng kaniyang ina habang nakatingin sa lalake.

“Nice to meet you po. Ako po si Ella.” pakilala niya 

“Ikaw ang panganay. Tawagin mo na lang akong tito Elmer. Alam kong hindi pa kayo ganoon ka-komportable kung magpapatawag ako agad sa inyo na papa.” humalakhak ang lalake na sinabayan ni Ella ng ngiti. Mukhang masiyahin ang lalake.

“Tawagin mo na nga rin muna si Kath, nak. Para sabay-sabay na tayong lahat kumain.” 

Agad namang tumalima si Ella at umakyat na para ilapag ang mga gamit niya at tawagin ang kapatid na malamang ay nasa kwarto na pinaghahatian nilang dalawa. She knocked and waited for 3 seconds before opening the door. Agad niyang iginala ang mata sa kabuohan ng kwarto. Nagkalat ang mga damit na hindi niya alam kung maruming labahin ba o nalabhan na at kailangan na lang tupiin. May mga tasa na pinagkapehan na naipon sa mesa na nagsisilbing study table nilang magkapatid. Ang basurahan sa di kalayuan ay umaapaw na ang lamang mga nilamukos na papel. Sa sulok ay naiwang nakatiwangwang ang isang painting na hindi pa yata tapos ngunit mukhang kaunti na lang ay matatapos na. Sa upper deck ng kanilang double deck ay nakita niyang nakahiga ang kaniyang kapatid na si Kath. May mga drawing sketches ito na nakadikit sa dingding. Nakatalukbong ito ng kumot. Sa unang tingin ay aakalain mong natutulog ito ngunit ng matamang tignan ni Ella ang ritmo ng paghinga nito ay doon niya natantong nagkukunwari lamang itong tulog. 

“Alam kong gising ka. Bumangon ka na diyan at kakain na raw tayo sabi ni mama.” nakangising ani Ella habang kinakalkal ang damitan niya upang humanap ng pamalit na pambahay.

She heard her sister sigh loudly. Alam nitong hindi na siya makakapag kunwari pa.

“Hindi ako gutom. Pakisabi mauna na lang kayo kumain. Mamaya na ako pag nagutom ako.” nakatalukbong pa rin ito ng kumot.

“Nakilala mo na ba yung kasama ni mama?” 

“Yeah. Ayoko sa kaniya.” kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay nai-imagine niya ang pag ikot ng mata nito. 

“Kahit ayaw mo sa kaniya, dapat pakiharapan mo pa rin ng maayos. Mukhang happy naman si mama.” 

Bumangon na si Kath mula sa pagkakahiga at umupo paharap sa nakatatandang kapatid. Gulo-gulo ang kulot nitong buhok at mas lalong naningkit ang singkit nitong mga mata. Kung titignan silang dalawang magkapatid ay iisipin mong hindi sila magkapatid. They looked nothing alike. Kath looks more like their mother who has chinky eyes, thin lips, and fair skin. Ella on the otherhand looks more like their father who has deep set eyes, pouty lips, and tanned skin–probably from training out in the sun. But, despite their different looks, they still get a lot of compliments for being two beautiful sisters.

“Ate, alam mo namang ayaw kong nakikipag plastikan sa mga taong hindi ko gusto.” kunot ang noo ni Kath.

“I know. Pero iba kasi ito ngayon. Ang saya ni mama oh, minsan lang natin makita yan kaya makisama na lang muna, okay?” 

Suplada at mataray si Kath, ayaw niyang minamanduhan siya ngunit kapag ang ate niya na ang nagsalita ay susundin niya naman. She love and respects Ella. Mula pagkabata nila ay sobrang close nilang dalawa. Ella may have few friends but she sees to it that Kath won’t ever be alone. Palagi niyang sinasamahan ang kapatid dahil wala itong halos kaibigan. Children their age find Kath’s personality annoying and intimidating. Ngayong malalaki na sila at malapit na ring pumasok sa kolehiyo ang nakababatang kapatid ay mayroon na rin itong iilang kaibigan. Natuto na itong makisama kahit pa hindi pa rin naman maalis-alis ang katarayan nito. Si Ella rin halos ang nagpapa-aral sa kapatid kaya abot-abot na lang ang pasasalamat sa kaniya ni Kath kahit hindi nito isatinig. Sa isip-isip niya ay napaka swerte niya na may nakatatandang kapatid siya na gaya ni Ella.

Nakapag bihis na si Ella ng isang maluwag na tshirt at basketball shorts. Sabay na bumaba ang magkapatid at naabutan nila ang kanilang ina na nakikipagtawanan sa nobyo nito. Nakuha naman kaagad nila ang atensiyon ng dalawa. 

“Halina kayo mga anak, kumain na tayo.” nakangiting anang kanilang ina.

Kath looked at Ella. Pinipigil niya ang pag irap. Ella just smiled and went to the dining table. Pang animan ang mesa nila kaya hindi naman masikip iyon para sa kanilang mag-iina ngunit ngayong kaharap nila ang nobyo nito ay tila ba ang liit ng mesa nila kumpara sa laki nito.

Sinigang na baboy at pritong pork chop ang ulam na nakahain. Natakam si Ella dahil hilig niya talagang pagkain ay mga karne–baka man yan, manok, o baboy.

“Eto sawsawan Ella at Kath oh. Ano bang gusto niyo, maanghang o hindi?” tanong ni Elmer at ipinakita ang dalawang magkahiwalay na lalagyan na may sawsawan. 

Hindi ito pinansin ni Kath kaya si Ella na lang rin ang sumagot para dito.

“Maanghang po sa akin at yung kay Kath ‘di maanghang.” she smiled. Nagliwanag naman ang mukha ng lalake dahil may sumagot sa kaniya at hindi siya napahiya. Iniabot nito kay Ella ang dalawang sawsawan. Nagpasalamat naman si Ella dito at inilapag sa tapat ni kath ang isa sa mga iyon. 

They talked and got to know Elmer. Isa pala itong gym instructor at nagkakilala sila ni Anna sa carinderia sa labas ng gym kung saan madalas kumakain si Elmer at kung saan naman nagtatrabaho si Anna. Hiwalay sa asawa at may isang anak na lalake si Elmer na mas matanda ng kaunti kay Ella. Ilang buwan rin daw na niligawan ni Elmer ang kanilang ina bago nito sinagot kahapon lang. Nais ni Anna na maipakilala agad sa kanila ang lalake.

“Sa susunod na linggo ay lilipat na dito ang tito Elmer niyo kasama si Erwin,” Anna said out-of-the-blue.

Natigil sa pagkain si Kath at maging si Ella. They looked at their mother. Tumingin din ito sa kanila at tinaasan sila ng kilay. Nakabawi naman kaagad si Ella sa gulat at pasimpleng hinawakan ang kamao ni Kath sa ilalim ng mesa. Halatang nagpipigil ang kapatid niya na magsalita ng hindi magugustuhan ng kanilang ina.

“Kung hindi pa kayo komportable ay ayos lang naman–” hindi na pinatapos ng kanilang ina ang lalake sa sasabihin nito.

“Hindi, lumipat na kayo dito sa isang linggo. Kailangan na nilang masanay sa presensiya mo at ni Erwin dito sa bahay.” may pinalidad na sa boses ni Anna kaya alam ni Ella na hindi na iyon pwedeng baliin. 

“Kung may maitutulong po kami sa paglipat niyo ay tutulong po ako kapag wala akong lakad.” she looked at her mom and smiled.

Kahit hindi siya gaanong pabor na agad na lilipat sa bahay nila Si Elmer at ang anak nito ay gusto niyang ipakita sa ina ang suporta niya. She wants happiness for her mom more than anythingelse. 

“Tapos na po akong kumain.” walang emosyon na ani Kath saka tumayo na at umakyat sa kwarto nila. 

Elixr Victoria

Hi, everyone! Hope you continue reading this story. I know you might get bored on this chapter pero nandito ito dahil kailangan sa takbo ng storya ni Ella. Isa lang pong paalala, ang storya na ito ay para sa mga 18 years old pataas. Hindi ko po ina-advice na basahin ito ng mga minors dahil and story na ito ay RATED SPG hehe READ AT YOUR OWN RISK! Don't forget to leave a vote and a comment if you like this story. Thank you for reading! Mwah! -Elixr Victoria

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Cinderella for Rent   Chapter 4

    “We will be working with Engr. Valdez and Architect Abalos on this project. On Thursday, they will be ready for a meeting. Sir Rome and I will be the ones to orient them. I prepared a complete–” natigilan ang empleyadong nagre-report sa harap ng biglang bumukas ang pinto ng conference room kung saan sila nagtitipon.Tristan who was focused on the report was almost instantly annoyed by the interruption. Ngunit nang makita niya kung sino ang pumasok ay parang gusto niya nang tumakbo para tumakas. Demi Creston was standing by the doorway and was directly glaring at him.“Excuse me Miss, we’re in the middle of a meeting.” anang empleyado na naantala sa pagsasalita sa harap. She is a new employee that’s why it is understandable na hindi niya kilala kung sino ang kinakausap niya. She is actually doing good in hiding her annoyance.“It’s fine Ms. Lovino. She’s my sister. I’ll take my leave now. You guys can continue. I’ll just catch up on this meeting through Rome.”Halata ang gulat sa mukha

    Huling Na-update : 2022-11-06
  • Cinderella for Rent   Chapter 5

    Isa na yata ang araw na ito sa pinaka matumal na araw namin sa coffee shop. Wala masyadong customer na pumapasok at mula ng magsimula ang shift ko ay dalawang customer pa lang ang dumaan para mag take out ng kape. Day-off ngayon ni Andy at 8 hours and duty ko ngayon kaya okay na rin na wala masyadong customer. Nandito rin naman mamaya si Miss Momo. Tinanghali lang siya ngayon pero nag text naman siya sa akin na darating siya.Dahil wala naman customer ay naglabas muna ako ng libro at nagbasa. Mabuti na lang at may pagkakataon pa ako para makapag review. Bukas ay may graded recitation kami sa isang major subject kaya lahat ng pagkakataong makapag review ay sinusulit ko na. Kahit naman busy ako sa taekwondo at part time job ay sinisigurado kong hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumakas mula sa pagkakapusod nito. Hindi ko na namalayan at halos mag-iisang oras na pala akong nagbabasa at natigil lang ng dumating na si Miss Momo. She looks li

    Huling Na-update : 2022-11-23
  • Cinderella for Rent   Chapter 6

    “Thank you po, Ms. Gina.” pasasalamat ko ng matanggap ko na mula sa kaniya ang talent fee ko. Katatapos lang ng photoshoot para sa isang start up local sports wear. Isa ako sa mga modelong kinuha ni Ms. Gina. Sa lahat yata ng modelo kanina ay ako lang ang walang kaalam-alam kung paano mag pose sa harap ng camera. Mabuti na lang at mabait ang mga nakasama kong modelo maging ang photographer. Nasabi rin naman kasi sa kanila ni Ms. Gina na baguhan ako. Nakita niya lang ako noong isang araw na tumatakbo sa field ng university. Stressed kasi ako noon kakaisip kung ano pang pwede kong gawin para kumita ng pera at makatulong sa mga gastusin para kay Kath. Nang tumigil ako para uminom ng tubig ay agad niya akong nilapitan at inalok ng modeling gig. She said that I got the perfect face and body for this modeling gig. Noong nalaman kong sports wear ang imo-modelo ay tila na gets ko na kung bakit niya iyon nasabi. I am fit and lean because I do martial arts. Mandalas rin masabi sa akin na magand

    Huling Na-update : 2022-12-05
  • Cinderella for Rent   Chapter 1

    This is a work of fiction.Names, places, events, and establishments are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, events, or incidents is purely coincidental.This story contains scenes not suitable for very young readers. Read at your own risk.------------------------------------------------------------------ “Ella! Sige na naman oh… Palagi ka na lang hindi sumasama sa mga gimmick. Try mo naman mag-enjoy minsan.” Abala ako sa pagbabalik ng mga gamit ko sa bag. Notebook at ballpen lang naman ang inilabas ko kanina dahil ayaw kong ma-miss ang lecture. Mas naa-absorb ko kasi ang itinuturo ng professor kapag isinusulat ko. Katatapos lang ng huling subject namin para sa araw na ito at heto ang kaibigan kong si Annie, nangungulit na sumama ako sa lakad nila mamaya.“Sorry, Annie pero hindi talaga pwede eh. May trabaho ako, remember?” apologetic akong ngumiti sa kaniya. Kung wala lang akong trabaho at kung wala lang akong ibang dapat na i-priority ay baka sumama na

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • Cinderella for Rent   Chapter 2

    3rd Person’s POVTristan glanced at his watch for the nth time. The traffic here in Manila is really irritating. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong nali-late, kaya ganun na lang ang inis niya sa tuwing naiipit sa trapiko. He is known by everyone for being always on time. Maaga naman silang umalis kahit na 8:30 pm pa ang simula ng event na dadaluhan niya ngunit dahil sa tindi ng traffic ay paniguradong mali-late na sila. Oh well, may madadagdag nanaman sa bibihirang pagkakataon na nahuli siya ng dating sa isang appointment. “This is your last schedule for the day. Tomorrow is the start of your one-month vacation. Do you want me to book everything for you? You have a place in mind?” the secretary said as he scanned his boss’s schedule on his tablet. His boss is Tristan Simon Creston. One of the most sought-after bachelors in the Philippines and even internationally. Hindi lang siya basta anak ng mayamang business tycoon–he is also smart, competent, and a good businessman, and than

    Huling Na-update : 2022-10-19

Pinakabagong kabanata

  • Cinderella for Rent   Chapter 3

    Tirik ang araw at tagaktak ang pawis ni Ella habang naglalakad sa kahabaan ng sidewalk. Wala na kasi siyang pamasahe sa tricycle kaya nilakad niya na lang mula sa terminal ng jeep pauwi. Pauwi na siya galing sa school dahil half day lang ang practice niya sa Taekwondo. Today is Saturday, so, she doesn’t have any other classes. Day-off niya rin sa Momo’s Coffee Shop kaya talagang nakakauwi siya ng maaga. “Miss Byutipol! Uwi ka na?” isang lasing na lalake ang humarang sa dalaga habang naglalakad papasok ng kalye kung nasaan ang bahay nila. Hindi ito pinansin ni Ella at akmang lalagpasan lang ngunit hinawakan nito ang braso niya at hinila siya. Mabilis ang kilos ng dalaga na tila ba hindi na nito pinag-isipan pa ang magiging reaksiyon sa ginawa ng lalake. Hinawakan niya ang kamay ng lalake na nakahawak sa braso niya at sa isang iglap ay napatumba niya ito sa semento. The man groaned in pain. Mukhang may nabali sa buto niya. Nakatingin na ngayon ang mga tao na kanina ay tila walang

  • Cinderella for Rent   Chapter 2

    3rd Person’s POVTristan glanced at his watch for the nth time. The traffic here in Manila is really irritating. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong nali-late, kaya ganun na lang ang inis niya sa tuwing naiipit sa trapiko. He is known by everyone for being always on time. Maaga naman silang umalis kahit na 8:30 pm pa ang simula ng event na dadaluhan niya ngunit dahil sa tindi ng traffic ay paniguradong mali-late na sila. Oh well, may madadagdag nanaman sa bibihirang pagkakataon na nahuli siya ng dating sa isang appointment. “This is your last schedule for the day. Tomorrow is the start of your one-month vacation. Do you want me to book everything for you? You have a place in mind?” the secretary said as he scanned his boss’s schedule on his tablet. His boss is Tristan Simon Creston. One of the most sought-after bachelors in the Philippines and even internationally. Hindi lang siya basta anak ng mayamang business tycoon–he is also smart, competent, and a good businessman, and than

  • Cinderella for Rent   Chapter 1

    This is a work of fiction.Names, places, events, and establishments are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, events, or incidents is purely coincidental.This story contains scenes not suitable for very young readers. Read at your own risk.------------------------------------------------------------------ “Ella! Sige na naman oh… Palagi ka na lang hindi sumasama sa mga gimmick. Try mo naman mag-enjoy minsan.” Abala ako sa pagbabalik ng mga gamit ko sa bag. Notebook at ballpen lang naman ang inilabas ko kanina dahil ayaw kong ma-miss ang lecture. Mas naa-absorb ko kasi ang itinuturo ng professor kapag isinusulat ko. Katatapos lang ng huling subject namin para sa araw na ito at heto ang kaibigan kong si Annie, nangungulit na sumama ako sa lakad nila mamaya.“Sorry, Annie pero hindi talaga pwede eh. May trabaho ako, remember?” apologetic akong ngumiti sa kaniya. Kung wala lang akong trabaho at kung wala lang akong ibang dapat na i-priority ay baka sumama na

DMCA.com Protection Status