Home / Other / My Pet Wolf / Chapter 3

Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2021-10-29 21:56:12

Nasa shower area si Chogiwa. Bukas ang shower kaya basang-basa siya na parang ineenjoy niya pa.

“Ayos ka ah! Mukhang tataas ang bill ko ng tubig dahil sayo. You smart boy, hahaha!”

Pinatay ko ang shower at saka kinuha ang shampoo niya. Noong nakaraan ay dumaan ako sa mall para bumili ng shampoo, collar, at dog food. He didn’t like the dog food kaya sayang lang ang isang kilong binili ko. He likes to share with my food, mas marami pa nga siyang nakakain kesa sa akin eh. Tama sina Mom, magastos pala talaga ang mag-alaga ng aso.

Nakatingin sa akin si Chogi habang sina-shampoo ko siya. He will smell like strawberries again. Mas matangkad siya sakin kapag naka-talungko ako kaya naka-yuko siya ngayon sa akin.

“You really are a big guy, huh. Kaya mo na palang mag shower mag-isa. But I’m sure you can’t use a shampoo by yourself. You still need Audrey even if you’re a smart boy.”

Mabuti nga ay may nakaka-usap ako dito sa bahay kahit na hindi naman siya sumasagot. Parang nakauunawa naman siya dahil nakatitig siya sa akin tuwing nagsasalita ako. Tinapos ko na ang paliligo niya at tinuyo ko siya gamit ang luma kong towel na matagal nag nakatago sa cabinet ko. Ni-blow dryer ko rin ang balahibo niya dahil baka magkasakit siya kapag hindi siya agad napatuyo ng maayos.

Nagluto ako ng manok at iyon ang pagkain mamaya ni Chogiwa. Sa loob ng isang buwan na inaalagaan ko siya ay alam ko na kung anong mga gusto at ayaw niya. Hindi siya mahulig sa gulay at puro karne ang gusto. Pork, beef, chicken, lalantakan niya talaga ang mga yan. Tuwing gabi ay pinapainom ko siya ng gatas pero mas gusto niya na tubig lang talaga. Tuwing maaga akong nakakauwi ay excited niya akong sinasalubong. Kapag late naman akong umuwi ay para itong nagtatampo na hindi man lang ako tinitignan o nilalapitan. Napaka supladong aso niya pa naman kaya inaagahan ko na lang talaga ang uwi dahil kawawa naman siya na mag-isa dito sa bahay. Nagtataka na nga si Kurt dahil hindi ko na siya nasasamahan tumambay. Siguro one of these days, ipapakilala ko siya kay Chogi. Humahanap lang ako ng pagkakataon. Mahirap kasing ipakilala si Kurt sa alaga ko. Takot kasi sa aso yun eh. Naalala ko noong nasa highschool pa lang kami, tuwing magkasama kaming nag lalakad sa tabi ng daan at may asong susulpot, ginagawa niya akong pang salag sa mga aso na madadaanan namin. Galing ‘di ba?

Naabutan ko si Chogi na nakahiga sa couch sa sala habang nakatingin sa bukas na TV. It’s as if he’s watching the news. Speaking of the news, natigil ang mga mata ko sa larawan ng isang lalake na nakapaskil sa news. Naka-sunglasses ito habang ag cellphone ay nasa tenga. Naka suot ito ng suit, at mukha itong isang mayamang tao. He looks good. Actually, that’s an understatement. He looks divine.

Naupo ako at nagfocus sa kung ano man ang ibinabalita tungkol sa lalake. Apparently, he is Rafael Callejo. The older brother of Prof. Gabriel Callejo who went missing. Una kong narinig ang balitang iyan kay Lilah. I remember she said that he’s smoking hot. Hindi pala siya nage-exaggerate. Prof. Callejo is gorgeous and no wonder his older brother is also strikingly handsome. They have these very sharp and masculine features in all the right places. Rafael is more tanned than Prof. Callejo. He’s obviously bulkier than the younger Callejo too. Maybe he has more active lifestyle than his younger brother. Mukha kasing mas gugustuhin pa ni Professor Callejo na magbasa kaysa magpawis. But he still manages to keep himself fit. Akala ko wala nang makakapantay si Prof. Callejo pagdating sa looks pero eto at may humigit pa pala. Well, that’s based on my preference.

Bakit kaya siya nawawala? Did someone abduct him? Sa built niyang iyon, siguro grupo ang dumukot sa kaniya.

“I wonder if that man is still alive.” Wala sa sariling usal ko.

Tumayo si Chogi mula sa hinihigaan niya at humiga sa lap ko. Awtomatiko ko namang hinaplos ang kaniyang balahibo.

“Sayang naman ang kagwapuhan niya kung wala na siya sa mundo.” I giggled and immediately stopped myself.

Bad, Audrey! Nawawala na nga yung tao, kagwapuhan pa rin ang iniintindi mo.

“His family must be so worried.” Seryoso ko nang wika.

Para namang nakikinig sa akin si Chogi at lalo pang sumiksik sa tiyan ko. Saktong kumalam ang sikmura ko at nagkatinginan kami ng alaga ko.

"Don't judge me. Kung makatingin ka parang tatawanan mo na ako anytime ah." Malamang kung nakakatawa lang ang aso, talagang tinawanan niya na ako.

Tumayo na kami mula sa pagkaka salampak sa couch at nagtungo sa kusina. Oras na ng pagkain. Ang paboritong gawin ni Chogi bukod sa panoorin ako maligo. I gave him food on his clean stainless bowl. Hinintay niya munang makapag sandok ako ng para sa akin bago siya nagsimulang kumain. This dog really have some manners. I remember when I first brought him home, hindi muna siya pumasok sa bahay hangga't hindi ko siya tinawag at pinapasok. He is a very smart dog. Kaya lang ay walang respeto sa privacy. He's so clingy and wants to tail me wherever I go. Lalo na kapag maliligo ako. Kapag kukunin ko na ang tuwalya ko ay nauuna pa siya sa banyo. He would just sit there and watch me take a bath, his eyes following my every move.

We ate in silence and when I saw that he already finished his food, I got up and gave him more. Hindi sapat sa kaniya ang isang bowl lang ng pagkain. Hindi naman kataka-taka dahil napaka laking aso niya naman kasi talaga. I recently applied for a part time job para naman matustusan ko ang mga pangangailangan ni Chogi. Para akong single mom, no? My parents give me allowance pero hindi nila alam na may alaga ako. Hindi ko pinapakita sa kanila si Chogi tuwing tumatawag sila sa Skype. Alam ko namang ayaw nilang mag alaga ako ng kahit anong pet. Pinapapasok ko si Chogi sa kwarto at sinasarado ko ang pinto. Mabuti nga at hindi rin nag iingay eh. Iyon ang isa sa mga napapansin ko kay Chogi, para siyang tao na may manners at may common sense. Sometimes he even does things more humanlike than how a normal animal does.

Naputol lang ang malalim kong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. May unknown number na tumatawag. Hindi ko na iyon pinansin at nilagay na lang sa silent ang phone ko. Baka yung magaling kong ex-boyfriend nanaman iyon eh. Ayaw kong masira ang araw ko. Hindi naman ako masamang tao pero parang gusto kong maging masama sa tuwing naaalala ko ang pagiging feeling ng isang ‘yon.

“Mga lalake talaga, makakita lang ng mas maganda ipagpapalit na ang girlfriend o asawa. Tsk! Tsk!” palatak ko habang nanonood ng isang eksena sa pelikula na kasalukuyang pinapalabas sa TV. Nandito pa rin ako sa couch pero nakabalot na ako ng kumot at katabi ko si Chogi.

Inis na napailing-iling naman ako ng magpasya ang bidang babae na bigyan ng isa pang pagkakataon ang lalakeng nanloko sa kaniya. I know, I am getting too worked up sa isang pelikula pero masisisi niyo ba ako? I have been there. Naloko na rin ako. Akala ko ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya bukod sa mama niya. Pero malaman-laman ko sa mismong araw ng birthday niya na may babae pala siya. Paano ko nalaman? Binati lang naman siya ng babae niya sa i*******m. May isang kakilala na nagsend sa akin ng screenshot ng post nito. She’s pretty though and they seem to be intimate based on the photos. Intimacy is not my thing. Noong kami pa ni Matthew, he only got to hold my hands and hug me. Hindi ko siya pinayagan na halikan ako o higit pa doon. Hindi naman iyon dahil sa konserbatibo ako. I just don’t feel like it. Sorry for the word pero, para sakin nakaka asiwa iyon. Imagine, magdidikit labi ng dalawang tao. Pasahan ng bacteria. Tapos yung laway pa? Yuck!

Alam ko namang para sa karamihan, malaking bagay ang intimacy para sa isang relasyon. Pero hindi naman dahilan iyon para manloko. Kung hindi na pala masaya si Matthew, dapat sinabi niya sakin dahil papalayain ko naman siya. I guess we are not really fit for each other. I don’t feel the urge to be intimate with him while it seems to be very important to him. We are better off without each other. Ang nakaka galit lang talaga ay niloko ako kahit pwede namang makipag hiwalay ng maayos.

“Chogi, tingin mo ba may lalake pang hindi kagaya ng mga siraulong manloloko?” I asked Chogi out of nowhere and hugged him. Ipinatong ko ang baba ko sa ulo niya. He just scoffed and let out a low growl.

“Sana naiintindihan kita, no?”

I still watched the movie kahit na bwisit na bwisit ako sa mga desisyon sa buhay ng babaeng bida. Pero hindi ko namalayan na unti-unti na akong nakatulog doon sa couch habang yakap yakap si Chogi.

 “Chogi, sandali!” Sigaw ko ng tumakbo siya palayo.

Nasa parke kami ngayon kung saan ko siya unang nakita. Dito ko siya nakitang sugatan at nanghihina.

Tumakbo ako at hinabol ko siya dahil papasok na siya sa mapunong parte ng park. Hindi siya huminto sa pagtawag ko at dire-diretso lang na tumakbo papasok sa mapunong parte ng park. Gabi na ngayon kaya madilim sa banda roon. Baka mawala siya o masugatan pa doon dahil sa pagkakatanda ko ay may ilang barbwires sa di kalayuan na nagsisilbing boundary ng park at ng subdivision.

“Chogi!”

Hinahabol ko siya pero hindi ko maabutan dahil mabilis ang takbo niya. Sa pagtakbo ko ay hindi ko napansin ang isang batong nakausli sa lupa. Natisod ako doon at nadapa. Ramdam ko ang paghapdi ng tuhod ko. Nagasgasan iyon sa pagkakadapa ko.

“Chogi!” tawag ko pang muli pero nawala na siya sa paningin ko, malamang ay nakapasok na sa kakahuyan. Mabagal akong umupo at pinagpag ang dumi sa damit ko pati sa tuhod ko. Iika=ika akong naglakad patungo sa kung saan pumasok si Chogi kanina. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at in-on ang flashlight ‘non.

“Chogi!”

“Cho-“ natigilan ako sa pagtawag sa alaga ko ng may marinig akong tunog ng mga tuyong dahon mula sa dilim. Parang may naglalakad palapit sa kinaroroonan ko dahil palakas ng palakas ang tunog ng mga hakbang at daing ng mga tuyong dahon na naaapakan ng kung sino man.

“Chogi?” pabalik na ba siya? Hindi na ba siya inaatake ng pagiging pasaway niya?

Nagkamali ako ng akala dahil hindi si Chogi ang lumabas sa kakahuyan. A tall and masculine man came out from the dark.

Hindi ko na natignan ang mukha niya dahil agad akong napa sigaw ng ma-realize kong wala siyang kahit anong saplot sa katawan.

“Ahh! Manyaaak!” sigaw ko saka umambang tatakbo ngunit agad ring nadapa dahil sa sakit ng binti ko.

“Tch! Clumsy woman.” Rinig kong bulong ng lalake.

“Manyak!” sigaw ko saka nagsikap na tumayo. Nakahablot ako ng isang putol na sanga ng puno at itinutok ko iyon sa lalakeng hubad. “Huwag kang lalapit!”

“What are you going to do? Poke me with that stick?”

Napaka-angas niya naman umasta para sa isang matinong tao na nakahubo’t-hubad sa harap ng isang babae. Kung matino siya, dapat ay kanina pa siya nataranta at humanap ng mapagtataguan o maipantatakip man lang sa katawan niya. Pero ang isang ‘to, proud pa na nakatindig sa harap ko!

Humalukipkip pa ang damuho at tinitigan ako. Walang hiya talaga!

“T-Tatawag ako ng pulis!” banta ko ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin. He stepped into the light. Ngayong nakikita ko na siya ng mas maliwanag dahil sa ilaw na naibibigay ng street light sa gilid ng kinatatayuan namin, para akong nabato sa kinatatayuan ko at napatitig na lang rin sa mukha niya.

Ang gwapo naman ng manyak na ito!

“Hindi ba dapat ay tumatakbo ka na palayo ngayon?” he mocked when he noticed that I was shocked to see his face.

“E-Eto na nga!”

He let out a smirk and continued walking towards me. Doon na ako nagsimulang tumakbo. Takbo nga bang matatawag ang ginagawa ko? Iika-ika ako at hindi naman ako natatakot sa kaniya. Naeeskandalo lang ako dahil hubad siya.

Naramdaman ko na lang naumangat ang paa ko mula sa lupa. Binuhat na pala ako ng gwapong manya- Teka? Binuhat?

“AHH! Manyak! Ibaba mo ako, manyak!” sigaw ko ang nagpumiglas mula sa pagkakabuhat niya sa akin. He is carrying me, bridal style.

“Huwag kang mag-alala hindi ako gagawa ng kahit anong hindi mo magugustuhan. Hindi kita pipilitin, baka nga ikaw pa ang mamilit.” nakangisi niyang sambit at dinala ako patungo sa kung saan siya nanggaling kanina.

Kalaunan ay hindi na ako nagpupumiglas. Hinihintay ko na lang kung kailan ako ibababa ng manyakis na lalakeng ito at hihintayin ko na lang ang mapait na kapalaran ko. Mukhang ito na talaga ang kapalaran ko. Ang ma-rape ng isang gwapong lalake at magpalutang-lutang sa ilog kinabukasan. Ako yung tipo ng tao na kapag nagkaroon ng Zombie Apocalypse, magpapakagat na lang ako agad sa Zombie para di na ko mahirapan pa. O kung nasa Titanic ako, magkukulong na lang ako sa cabin at magpapalunod.

Hindi nag tagal ay huminto siya sa paglalakad.

“Expecting me to rape you? Dream on woman.” Humalakhak siya at saka ko naramdaman na nahuhulog ako. Binitiwan niya ako at hindi ko alam na may bangin pala rito. Ito na ba ang katapusan ko?

“AHH!”

Kaugnay na kabanata

  • My Pet Wolf   Chapter 4

    CHAPTER 4“AHH!”Kasabay ng pagkakahulog ko ay ang aking pagsigaw. Ang nakakapagtaka lang ay sumisigaw ako pero pakiramdam ko ay walang boses na lumalabas sa bibig ko.Ang pagbagsak ko mula sa couch ang nagpagising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay ang puting kisame ng sala ang bumungad sa akin. Panaginip lang pala. What a weird dream though.“Ouch...” mahinang daing ko ng maramdaman ang sakit ng balakang ko na naunang tumama sa sahig ng bumagsak ako mula sa couch. Pupungas-pungas pa akong bumangon at iginala ang paningin ko sa sala. Anong oras na ba? Mukhang madaling araw na ah. Nakatulog pala ako sa sala. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV na nagpapalabas na ng pang umagang balita.Wala na sa couch ang alaga ko. Nasaan na kaya ‘yon?“Chogi?” hawak ko ang balakang ko habang naglalakad ng mabagal patungo sa kusina. Siguro ay nandoon siya. Doon naman kasi siya tumatambay kapag gutom na.

    Huling Na-update : 2021-10-30
  • My Pet Wolf   Chapter 5

    "And your sweet scent is seductive too." Pakiramdam ko ay nagtindigan lahat ng balahibo ko ng ibulong niya iyon sa akin kasabay ng madilim niyang ekspresyon. Kahit parang nanlalambot ang mga kalamnan ko ay nagawa ko pa siyang itulak. “P-Pag-iisipan ko pa kung papatirahin ba kita rito pansamantala.” Dinampot ko ang kutsara at tinidor saka nagsimulang mag focus sa pagkain. Ayaw kong madamay sa kung ano man ang problema niya. Hindi pa nga masyadong nagsi-sink in sa akin ang mga natuklasan ko ngayong araw eh. “Paano ako makakasiguro na hindi ka masamang tao—I mean werewolf?” tanong ko dahil totoo namang hindi ako nakakasiguro na mapagkakatiwalaan siya. Paano kung hinahabol siya ng mga lalakeng iyon dahil may ginawa siyang masama? Saka paano ko masisigurong ligtas ako? I took care of Chogi and I felt safe with it pero iba na ngayon. Sobrang magkaiba. Hindi ko akalaing ang “aso” na kinupkop ko at inalagaan ay isa palang werewolf. I ha

    Huling Na-update : 2021-11-01
  • My Pet Wolf   Chapter 6

    "So, how's my brother?" tanong ni Professor Gabriel Callejo. Prente siyang naka upo sa kaniyang swivel chair habang ako ay nakaupo sa upuan na nakalaan para sa mga may appointment sa kaniya. Narito ako sa faculty office dahil pinatawag niya ako. Lilah was so surprised that I was actually called to his office. Pinilit niya pa akong mag retouch muna bago magtungo rito. Sinunod ko naman ang payo niya dahil sa maghapon kong klase, haggard na nga naman talaga ako. Ayaw ko namang hindi ako presentableng haharap kay Prof.Sa una ay nagulat rin ako na pinatawag ako. Pero naisip kong baka tungkol ito sa kapatid niya na nasa poder ko. Mukhang alam niya na talagang nasa akin ang Kuya niya mula pa noong nakisabay siya saming kumain sa cafeteria.“Okay naman po siya. He’s still in the process of recovering.” Hindi ko maiwasang titigan siya. Looking at him, he also have hazel colored eyes like Rafael. He is also fit like he does regular exercise but not as masculin

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • My Pet Wolf   Chapter 7

    "Rafaeeeeeeeel!!!" Gigil na sigaw ko sa lalaking tinatawanan lang ako.Araw ng Sabado ngayon at wala akong pasok pero may lakad ako dahil nagkasundo ang grupo ko sa isang subject na magkikita-kita kami sa Cafe na malapit sa school. Maliligo na sana ako ngunit biglang sumunod sa akin si Rafael. Sa bilis ng kilos niya ay nakapasok na siya sa banyo bago ko pa siya mapagsarahan ng pinto."Labas!" Muli kong sigaw sa kaniya."Why? Dati naman ay hinahayaan mo lang ako na nandito?" He said with an innocent face. Kung hindi ko lang alam na puro kalokohan ang nasa isip niya baka naniwala na akong inosente siya!"Dati yun! Nung akala ko aso ka lang!" Naiinis na singhal ko.Pansin ko talaga madalas akong naka singhal sa kaniya. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na magagalitin at mabilis mainis. Sa katunayan, mahaba ang pasensiya ko sa mga tao. Kaya nga lang ang isang 'to, sobrang nakaka inis. He gets into my nerves all the time! Ang pinaka matindi niyang pang-

    Huling Na-update : 2021-11-03
  • My Pet Wolf   Chapter 8

    I immediately let go of Rafael’s hand as soon as the cafeteria was out of sight. Nagkatinginan kaming dalawa. He smirked while I frowned at him.“Bakit ba ang hilig mong magpanggap na magkarelasyon tayo? Noon nagpanggap kang asawa ko sa harap ng mga pulis. Ngayon naman boyfriend?”“Wag ka nang magreklamo. You should feel honored. Naging asawa at boyfriend mo ako kahit kunwari lang.” namulsa siya at nagpatiuna. Ako naman ay nagdadabog na sumunod sa kaniya. Papunta na kami sa restaurant kung saan namin imi-meet si Professor Callejo. Walking distance lang iyon mula sa cafe kung saan kami nag meet ng mga kagrupo ko.Hinawakan niya ang balikat ko at pumunta siya sa kaliwa ko kung saan mas malapit siya sa kalsada. Gentleman tala ang mokong na ito. Kahit nung akala ko “aso” lang siya eh may manners talaga siya. Kaso napaka bwisit. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.Malapit na kami sa restaurant ng magsali

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • My Pet Wolf   Chapter 9

    What the fuck is wrong with this man?Hindi naman ako namali ng pagkakarinig, hindi ba? Ang sabi niya talaga girlfriend niya ako?! Ano nanaman kayang dahilan para magpanggap dito?"Rafa hijo!" Isang may katandaang ginang ang umagaw ng atensiyon ng lahat. Pababa ito ng grand staircase habang nakabukas sa ere ang mga braso para salubungin si Rafael. She is beautiful despite her age. She has soft facial features unlike those of Rafael’s. Her hair has visible gray strands but I think it makes her look more regal. She’s wearing a dress that is conservative yet it shows that she still has great figure and posture."Mama." Rafael called the woman lovingly. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko at sinalubong din ang ina.He hugged his mother and kissed her cheek."I'm glad you're back. Na miss kita anak." Nakangiting anang kanyang ina.The old woman aged beautifully. Her silver gray hair is pulled

    Huling Na-update : 2021-11-05
  • My Pet Wolf   Chapter 10

    "Señorita?" Rinig kong tawag ni Saskia sa akin. Siya naka toka sa pagsunod sa akin buong araw. I almost rolled my eyes. Oo nakakatuwang may taong nakaalalay at halos gawin na lahat para sa akin pero hindi ko rin lubusang magustuhan dahil palaging may nakasunod at para bang imbalido ako. Hindi ko magawa ang mga gusto ko dahil iniisip kong may nakasunod sa akin. Hindi naman sa may balak akong gawing masama. Pero kasi mas malaya kang makakakilos kapag walang nakabantay sa iyo. Tatlong araw pa lang ako rito pero kung ituring ako ng mga kasambahay at ng pamilya ni Rafael ay para bang matagal na akong parte ng pamilya. The Callejos are surely rich and powerful. Sa dami ng maids at ibang trabahador sa mansiyon pa lang ay hindi ko na maimagine ang yaman nila. Marami pa akong nalaman mula kay Gabriel nang minsang makakuwentuhan ko siya sa veranda ng kwarto ko nang bisitahin niya ako at kausapin tungkol sa proseso ng pag eenroll ko sa online school. Malawak ang hacienda

    Huling Na-update : 2021-11-05
  • My Pet Wolf   Chapter 11

    "Good morning." "Eat up." "Pupunta ako sa sakahan." "Ingat." "Good afternoon." "Nagmeryenda ka na?" "Good evening." "Good night." Kung may mas awkward pa sa pakikitungo namin ni Rafael sa isa't-isa, hindi ko na maimagine kung gaano pa ka grabe iyon. Pagkatapos ng milagro namin sa bathroom, naging awkward na kami. He would often approach me, trying to start a conversation but because of me being all tensed up and awkward wala ring napupuntahan ang usapan. This is frustrating the hell out of me. I've never been this uncomfortable when talking to someone. Ngayon lang ako nahiya at naubusan ng mga salita. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko yung ginawa namin. Naaalala ko rin kung paanong hinayaan niya akong nakabitin sa ere. Maybe I'm not as desirable as he expected. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka inayos ang bathrobe na suot ko.

    Huling Na-update : 2021-11-05

Pinakabagong kabanata

  • My Pet Wolf   Chapter 40

    “You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k

  • My Pet Wolf   Chapter 39

    Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l

  • My Pet Wolf   Chapter 38

    Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k

  • My Pet Wolf   Chapter 37

    Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an

  • My Pet Wolf   Chapter 36

    Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.

  • My Pet Wolf   Chapter 35

    “Wag mo na masyadong kapalan ang makeup niya, di niya na kailangan ng makapal. Maganda na siya.” ani Joy sa make-up artist na inarkila nila para sa akin. Nandito kami ngayon sa tent na nagsisilbing dressing room ko.Oo, pumayag ako na sumali sa pageant at ngayon na ang gabi ng coronation. Noong una ay ayaw ko naman talaga dahil tingin ko nga ay sayang lang sa oras at pagod pero dahil kailangan ito ng mga kaibigan ko ay napapayag na ako. Isa pa ay gusto ko lang din manalo para mainis ko lalo si Marie. Inis naman siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya edi bibigyan ko pa siya lalo ng dahilan para mainis sa akin.“Oo dai di ko talaga kakapalan, nakakahiya naman kasi sa mga make up ko hindi naman pala sila kailangan dito, dinala ko pa. Ganda nitong si Audrey ano? Baka interisado ka mag modeling pwede kita hanapan ng gigs, ako na manager mo.” Ani Mavy, ang bading na makeup artist na kakilala ni Joy.“Naku wag mo na tangkaing i-s

  • My Pet Wolf   Chapter 34

    “Audrey? Anak, gising!” Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin. Pagmulat ko ay ang nag aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin. Nakalugay ang buhok niya at halatang kagigising lang. She is still in her night dress.Napabalikwas ako ng bangon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng marealize ko na buhay siya. Panaginip lang ang lahat. Niyakap niya rin ako at hinaplos ang buhok ko. Mabilis pa rin ang paghinga ko at ramdam kong pawis na pawis ako.“You had a bad dream?” malumanay niyang tanong habang yakap pa rin ako.I nodded and hugged her tighter.“Eto tubig.” I heard papa entered my room and handed a glass of water to mama. Binigay iyon sa akin ni mama at pinainom ako ng tubig.I looked at both of them and was relieved that it was only a dream. Pinalis ni papa ang luha sa pisngi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.“You want me to sleep here with you?” tanong ni mama ng kalmado na ako.

  • My Pet Wolf   Chapter 33

    “Rafael?” gulat na bulalas ko ng siya ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pintuan. Hindi ko man lang sinilip sa peephole dahil akala ko ay si Desmond ang nag doorbell. Lumagpas ang tingin niya sa akin at sigurado akong nakita niya si Miguel sa sala at malamang ay nakita rin siya ni Miguel.“Anong ginagawa mo dito?” bulong ko sa kaniya.“I left my wallet here.” Aniya at muling bumaling sa loob ng unit ko.Lumingon din ako sa loob at tinignan si Miguel na takang nakatingin sa amin. I smiled at him and faced Rafael. Niluwagan ko ang pinto at binigyan siya ng nagbababalang tingin.“Pasok ka.” Anyaya ko kahit labag sa loob ko. Agad namang pumasok si Rafael at dumiretso sa sala.“Good evening po, Professor Callejo.” Pagbati ni Miguel kay Rafael at tumayo pa ito. I guess he knows him because Rafael has instantly became a very popular professor. Kahit sa ibang department ay kilala siya. Miguel s

  • My Pet Wolf   Chapter 32

    “Wow, you two talked for hours and you don’t seem to mind.”Rafael is frowning at me when I looked at him. Hindi pa kami nakakalabas ng campus kaya huminto ako sa mas madilim na parte ng covered path walk. Pagod na tinignan ko siya ng masama and he just sarcastically rolled his eyes at me.“Ngayon lang kayo nagkakilala pero kung maka tawa ka kanina, wagas.” Komento niya pa.This man is unbelievable. What is he a highschooler?“You know what? Whatever.” Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kaya lang ang damuho na ito ay nakasunod pala sakin. I stopped again and faced him. Napahinto siya sa paglalakad at nakayuko sa akin ngayon.“Stop following me. People might get the wrong idea. I don’t want to be associated to you in any way.” Singhal ko sa kaniya.He sighed and raised his both hands like he is giving up. “Fine.”Bumalik na siya patungo sa parking lot

DMCA.com Protection Status