"Rafaeeeeeeeel!!!" Gigil na sigaw ko sa lalaking tinatawanan lang ako.
Araw ng Sabado ngayon at wala akong pasok pero may lakad ako dahil nagkasundo ang grupo ko sa isang subject na magkikita-kita kami sa Cafe na malapit sa school. Maliligo na sana ako ngunit biglang sumunod sa akin si Rafael. Sa bilis ng kilos niya ay nakapasok na siya sa banyo bago ko pa siya mapagsarahan ng pinto.
"Labas!" Muli kong sigaw sa kaniya.
"Why? Dati naman ay hinahayaan mo lang ako na nandito?" He said with an innocent face. Kung hindi ko lang alam na puro kalokohan ang nasa isip niya baka naniwala na akong inosente siya!
"Dati yun! Nung akala ko aso ka lang!" Naiinis na singhal ko.
Pansin ko talaga madalas akong naka singhal sa kaniya. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na magagalitin at mabilis mainis. Sa katunayan, mahaba ang pasensiya ko sa mga tao. Kaya nga lang ang isang 'to, sobrang nakaka inis. He gets into my nerves all the time! Ang pinaka matindi niyang pang-
I immediately let go of Rafael’s hand as soon as the cafeteria was out of sight. Nagkatinginan kaming dalawa. He smirked while I frowned at him.“Bakit ba ang hilig mong magpanggap na magkarelasyon tayo? Noon nagpanggap kang asawa ko sa harap ng mga pulis. Ngayon naman boyfriend?”“Wag ka nang magreklamo. You should feel honored. Naging asawa at boyfriend mo ako kahit kunwari lang.” namulsa siya at nagpatiuna. Ako naman ay nagdadabog na sumunod sa kaniya. Papunta na kami sa restaurant kung saan namin imi-meet si Professor Callejo. Walking distance lang iyon mula sa cafe kung saan kami nag meet ng mga kagrupo ko.Hinawakan niya ang balikat ko at pumunta siya sa kaliwa ko kung saan mas malapit siya sa kalsada. Gentleman tala ang mokong na ito. Kahit nung akala ko “aso” lang siya eh may manners talaga siya. Kaso napaka bwisit. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.Malapit na kami sa restaurant ng magsali
What the fuck is wrong with this man?Hindi naman ako namali ng pagkakarinig, hindi ba? Ang sabi niya talaga girlfriend niya ako?! Ano nanaman kayang dahilan para magpanggap dito?"Rafa hijo!" Isang may katandaang ginang ang umagaw ng atensiyon ng lahat. Pababa ito ng grand staircase habang nakabukas sa ere ang mga braso para salubungin si Rafael. She is beautiful despite her age. She has soft facial features unlike those of Rafael’s. Her hair has visible gray strands but I think it makes her look more regal. She’s wearing a dress that is conservative yet it shows that she still has great figure and posture."Mama." Rafael called the woman lovingly. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko at sinalubong din ang ina.He hugged his mother and kissed her cheek."I'm glad you're back. Na miss kita anak." Nakangiting anang kanyang ina.The old woman aged beautifully. Her silver gray hair is pulled
"Señorita?" Rinig kong tawag ni Saskia sa akin. Siya naka toka sa pagsunod sa akin buong araw. I almost rolled my eyes. Oo nakakatuwang may taong nakaalalay at halos gawin na lahat para sa akin pero hindi ko rin lubusang magustuhan dahil palaging may nakasunod at para bang imbalido ako. Hindi ko magawa ang mga gusto ko dahil iniisip kong may nakasunod sa akin. Hindi naman sa may balak akong gawing masama. Pero kasi mas malaya kang makakakilos kapag walang nakabantay sa iyo. Tatlong araw pa lang ako rito pero kung ituring ako ng mga kasambahay at ng pamilya ni Rafael ay para bang matagal na akong parte ng pamilya. The Callejos are surely rich and powerful. Sa dami ng maids at ibang trabahador sa mansiyon pa lang ay hindi ko na maimagine ang yaman nila. Marami pa akong nalaman mula kay Gabriel nang minsang makakuwentuhan ko siya sa veranda ng kwarto ko nang bisitahin niya ako at kausapin tungkol sa proseso ng pag eenroll ko sa online school. Malawak ang hacienda
"Good morning." "Eat up." "Pupunta ako sa sakahan." "Ingat." "Good afternoon." "Nagmeryenda ka na?" "Good evening." "Good night." Kung may mas awkward pa sa pakikitungo namin ni Rafael sa isa't-isa, hindi ko na maimagine kung gaano pa ka grabe iyon. Pagkatapos ng milagro namin sa bathroom, naging awkward na kami. He would often approach me, trying to start a conversation but because of me being all tensed up and awkward wala ring napupuntahan ang usapan. This is frustrating the hell out of me. I've never been this uncomfortable when talking to someone. Ngayon lang ako nahiya at naubusan ng mga salita. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko yung ginawa namin. Naaalala ko rin kung paanong hinayaan niya akong nakabitin sa ere. Maybe I'm not as desirable as he expected. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka inayos ang bathrobe na suot ko.
Everything happened in a blur. Nagkagulo ang lahat ng marinig ang alulong ni Rafael. Everyone is in a panic. Nahihilo na ako sa kakapanood sa mga tauhan na nagtatakbo paroon at parito. "Señorita, ipinagutos ni Señora na ihatid ka na sa iyong kwarto. Huwag na 'wag ka raw pong lalabas doon hangga't hindi ka sinusundo ng isa sa mga katulong." Anang isa sa mga pinaka matanda sa mga maid ng mansion. Tumayo naman ako agad dahil gusto ko na rin talagang pumasok sa kwarto. Bukod sa nanlalagkit ako dahil sa hindi inaasahang wet dream, nahihilo na talaga ako sa mga tao dito na pabalik-balik. Sumunod ako sa matanda at pumanhik na sa kwarto ko. Papalapit pa lang kami sa aking kwarto ay naririnig ko na ang mas lumalakas na alulong ni Rafael. Parang pinipiga ang dibdib ko dahil tila hirap na hirap si Rafael sa mga alulong niya. Bumagal ang paglalakad ng matandang katulong na sinusundan ko. "Bakit po?" Tanong ko n
Chapter 13“Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka.” Natatawang saway ni Rafael habang kumakain kami ng agahan. Magkasabay kaming kumakain ngayon dito sa veranda ng kwarto ko. Marami siyang inakyat na pagkain kaya kinailangan niya pa ng tulong ni Saskia at ng isa pang kasambahay na hindi ko pa alam ang pangalan. Sa totoo lang sa dami ng kasambahay nila dito ay mahirap sila kilalanin lahat dahil minsan ko lang naman makasalamuha. Tanging si Saskia lang ang madalas kong kasama kahit saang parte ng Hacienda ako gumala.Natatawa ako ng maalala ang reaksiyon ni Saskia sa kakaibang nangyari sa mga mata ko. Manghang mangha siya kagaya ng reaksiyon namin ni Rafael pero mas OA yata siya dahil nagtatalon pa siya sa tuwa ng makitang ganun ang kulay ng mata ko. Nang pansamantala kaming iwan ni Rafael para pumunta sa banyo ay sinabi niya sa akin na masaya siya na ako ang naging mate ni Rafael. Masaya ako na alam kong may kasama ako sa kasiyahan ko. Oo, masaya
Maagang dumating ang mga Ceres. Ngunit hindi ako nakasama sa pagsalubong sa kanila dahil nagkataon naman na isinama ako ni Rafael dito sa bayan. Simple pero kumpleto sa lahat ng stores at kainan ang kabayanan dito sa probinsiya. Halos lahat yata ng narito ay kilala si Rafael dahil binabati nila ito na ginagantihan naman niya ng tango at tipid na ngiti.Wearing a simple maong shorts, a white round neck shirt and sneakers—we walked pass the sea of people.Yup, matchy ang suot namin.I have a feeling na ginaya niya lang ang suot ko eh. Pinauna niya kasi ako maligo at mag bihis bago siya pumasok sa banyo at naligo. Nagpapatuyo ako ng buhok nang mapansin kong natatagalan siya sa pagpili ng isusuot at ng nakapagbihis na ay para naman kaming highschoolers na couple na mahilig mag matchy matchy na suot.Hindi naman na ako nag reklamo dahil seryoso ang mukha niya at nagmamadali pa. Sa tanggapan ng mansiyon bago kami umalis ay napa
Rafael nodded at Desmond and Alice. Ganoon din ang ginawa ng magkapatid. Akala ko ba close sila sabi ni Señora Amanda? Parang hindi naman ganun ang sitwasyon. Nakahawak pa rin si Rafael sa bewang ko at nakita kong bumaba ang tingin ni Alice doon. Bahagya akong dumistansiya kay Rafael dahil pakiramdam ko ay masama ang tingin niya kahit wala namang ka emo-emosyon ang mukha niya. Ngunit nang mapansin ni Rafael na lumalayo ako ay kunot-noo niya akong hinapit muli palapit sa kaniya. Nagku-kwentuhan si Señora Amanda at Alice nang magsalita si Desmond. “Your eyes...” Desmond trailed off and he got all of our attention. Lahat kami ay bumaling sa kaniya. He was talking about me. Nakatitig siya sa mga mata ko na gaya ng iba pang unang beses nakakita sa bagong kulay ng mga mata ko ay may mangha sa kaniyang mga mata. “Beautiful, isn’t it? This is the first time we saw something like this.” Nakangiting ani Señora Amanda habang nakatingin sa amin ni
“You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away. The other night dear, as I lay sleeping I dreamed I held you in my arms But when I awoke, dear, I was mistaken So I hung my head and I cried. You Are My Sunshine, my only sunshine You make me happy when skies are gray You'll never know dear, how much I love you Please don't take my sunshine away.” Kinakanta ko ang paboritong kanta ni mama at papa habang pinapaliguan ko si Daniel. He seem to love this song too because whenever I sense that he is anxious or scared, I just sing this song and he calms down in an instant. He is such a good boy. He is one month old now. So far, ay hindi pa kami masyadong nahihirapan sa pag aalaga sa k
Nagising ako na sakay ng isang bangka na nasa gitna ng kadiliman. Tanging liwanag na nagmumula sa dalawang sulo na nakatayo sa magkabilang dulo ng bangka ang nagbibigay ng liwanag sa paligid kaya ko natanto na nasa gitna kami ng isang lawa o ilog. O baka naman dagat? Hindi ko sigurado kung anong anyong tubig ang kinaroroonan ng bangka.Kasama ko sa bangka ang walang malay na si Desmond. Nakasuot siya ng kulay itim na long sleeves at itim na pantalon, wala siyang suot sa paa. Napatingin ako sa suot ko. Kahit ako ay iba na rin ang suot. Isang puting bestida at wala ring sapin sa paa. Ito na ba ang kabilang buhay? I rested my elbows on my thighs and my chin rested on my hands. Hihintayin ko na lang sigurong magising si Desmond. Hindi tulad ko ay nakatali ang kaniyang mga kamay.Maya maya lang ay unti unti nang nagising si Desmond. Pabalikwas siyang bumangon at nang makita ako ay natigilan.“Hi, welcome sa kabilang buhay.” I smiled sarcastically. Gulat l
Nagising ako na nasa gitna ako ng kakahuyan. Big trees with wide trunks. Pakiramdam ko ay napakaliit ko sa gitna ng mga naglalakihang puno sa madilim na gubat na ito. Nakaupo ako at nakasandal sa isang malaking punoTeka...Gubat? Bakit ako nasa gubat? At bakit ako nakatali?May matibay na lubid na ilang beses na pinaikot sa akin kaya hindi na ako makagalaw.“Thank god you’re finally awake.” Boses iyon ni Rafael mula sa gilid ko. Paglingon ko ay nakaupo rin siya at nakasandal sa puno na gaya ko at nakatali rin.“Nasaan tayo? Bakit tayo nakatali?” tanong ko sa kaniya.Hindi pa siya nagsasalita ng may bigla nang sumagot para sa kaniya.“Nandito kayo kung saan kayo mamamatay.” Si Desmond iyon na may dalang maliit na bote. Sa likod niya ay nakasunod si Miguel na may dalang sulo. He smirked at us.“Yup! Ako nga. Ako nga ang pumatay sa mga magulang mo, Audrey. Ako ang hinahanap niyong k
Maalinsangan at maalikabok ang ihip ng hangin sa katanghalian dito sa Cubao. Suot ko ang kulay puting tshirt ni Rafael na malaki sa akin at tinuck-in ko sa jeans na suot ko. Naka running shoes din ako at may hawak na softdrinks na nasa plastic. Nakatali ang mahaba at kulot kong buhok. Nandito ako ngayon sa labas ng isang Ukay-Ukay shop. Sa di kalayuan ay naka tambay si Rafael sa isang coffee shop, naka kulay itim na tshirt siya at jeans. May suot din siyang cap pero kitang kita naman ang mukha niya kaya hindi ko alam kung for disguise purpose niya ba yun. He looks really casual, but he is still attracting attention. Napapalingon sa kaniya ang lahat ng dumadaan lalo na ang mga babae.“I told you, you should have stayed in the car. You’re getting too much attention.” I talked to him through telepathy.“Says the girl who will make every item in that store sold out.” Pikon na sagot niya.Napatingin tuloy ako sa kung an
Nagkakagulong mga tauhan ng mansion ang naabutan ko ng makarating ako doon at pag babang pag baba ko ng kotse.“Miss Audrey!” tawag sa akin ng mayordoma na si Nelia. Umiiyak siya at humahangos na sumalubong sa akin.“Ate Nelia, ano pong nangyayari dito?” nagpa-panic na tanong ko. Balisa at aligaga silang lahat at hindi iyon magandang senyales.“Ang Mama at Papa niyo po, Miss Audrey...” she could not even finish her words because she started crying uncontrollably.“Anong nangyari kay mama at papa? Nasaan sila?” tanong ko sa nanginginig na boses.“Main hall.” Parang nanlamig ang mga kalamnan ko ng marinig ang sinabi niyang lugar kung nasaan ang mga magulang ko. Agad akong tumakbo papasok ng mansiyon at diretso sa main hall.Nilagpasan ko ang mga nag iiyakang kasambahay at dumiretso ako sa gitna ng kumpulan. Tila itinulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung ano ang nangyari.
“Wag mo na masyadong kapalan ang makeup niya, di niya na kailangan ng makapal. Maganda na siya.” ani Joy sa make-up artist na inarkila nila para sa akin. Nandito kami ngayon sa tent na nagsisilbing dressing room ko.Oo, pumayag ako na sumali sa pageant at ngayon na ang gabi ng coronation. Noong una ay ayaw ko naman talaga dahil tingin ko nga ay sayang lang sa oras at pagod pero dahil kailangan ito ng mga kaibigan ko ay napapayag na ako. Isa pa ay gusto ko lang din manalo para mainis ko lalo si Marie. Inis naman siya sa akin kahit wala akong ginagawa sa kaniya edi bibigyan ko pa siya lalo ng dahilan para mainis sa akin.“Oo dai di ko talaga kakapalan, nakakahiya naman kasi sa mga make up ko hindi naman pala sila kailangan dito, dinala ko pa. Ganda nitong si Audrey ano? Baka interisado ka mag modeling pwede kita hanapan ng gigs, ako na manager mo.” Ani Mavy, ang bading na makeup artist na kakilala ni Joy.“Naku wag mo na tangkaing i-s
“Audrey? Anak, gising!” Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin. Pagmulat ko ay ang nag aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin. Nakalugay ang buhok niya at halatang kagigising lang. She is still in her night dress.Napabalikwas ako ng bangon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit ng marealize ko na buhay siya. Panaginip lang ang lahat. Niyakap niya rin ako at hinaplos ang buhok ko. Mabilis pa rin ang paghinga ko at ramdam kong pawis na pawis ako.“You had a bad dream?” malumanay niyang tanong habang yakap pa rin ako.I nodded and hugged her tighter.“Eto tubig.” I heard papa entered my room and handed a glass of water to mama. Binigay iyon sa akin ni mama at pinainom ako ng tubig.I looked at both of them and was relieved that it was only a dream. Pinalis ni papa ang luha sa pisngi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.“You want me to sleep here with you?” tanong ni mama ng kalmado na ako.
“Rafael?” gulat na bulalas ko ng siya ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pintuan. Hindi ko man lang sinilip sa peephole dahil akala ko ay si Desmond ang nag doorbell. Lumagpas ang tingin niya sa akin at sigurado akong nakita niya si Miguel sa sala at malamang ay nakita rin siya ni Miguel.“Anong ginagawa mo dito?” bulong ko sa kaniya.“I left my wallet here.” Aniya at muling bumaling sa loob ng unit ko.Lumingon din ako sa loob at tinignan si Miguel na takang nakatingin sa amin. I smiled at him and faced Rafael. Niluwagan ko ang pinto at binigyan siya ng nagbababalang tingin.“Pasok ka.” Anyaya ko kahit labag sa loob ko. Agad namang pumasok si Rafael at dumiretso sa sala.“Good evening po, Professor Callejo.” Pagbati ni Miguel kay Rafael at tumayo pa ito. I guess he knows him because Rafael has instantly became a very popular professor. Kahit sa ibang department ay kilala siya. Miguel s
“Wow, you two talked for hours and you don’t seem to mind.”Rafael is frowning at me when I looked at him. Hindi pa kami nakakalabas ng campus kaya huminto ako sa mas madilim na parte ng covered path walk. Pagod na tinignan ko siya ng masama and he just sarcastically rolled his eyes at me.“Ngayon lang kayo nagkakilala pero kung maka tawa ka kanina, wagas.” Komento niya pa.This man is unbelievable. What is he a highschooler?“You know what? Whatever.” Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kaya lang ang damuho na ito ay nakasunod pala sakin. I stopped again and faced him. Napahinto siya sa paglalakad at nakayuko sa akin ngayon.“Stop following me. People might get the wrong idea. I don’t want to be associated to you in any way.” Singhal ko sa kaniya.He sighed and raised his both hands like he is giving up. “Fine.”Bumalik na siya patungo sa parking lot