Amber Pov"Nikky!!!" masayang tumakbo ako papalapit sa lalaking nakaupo sa upuan sa loob ng isang restaurant at naghihintay sa akin. Siya si Nikky, isa sa dalawa kong matalik na kaibigan. Nikky, Mildy and I are friends since first year high school. Kahit na pareho silang mayaman ni Mildy at ako'y mahirap lamang ay hindi iyon naging hadlang para mabuo ang aming pagkakaibigan. Ngunit two years ago, nag-migrate sa ibang bansa ang pamilya ni Nikky kaya wala siyang choice kundi ang sumama sa family niya. At magmula noon ay hindi pa siya nagbabakasyon sa bansa kaya naman tuwang-tuwa ako nang makita ko siya."Amber!" nakangiting sambit ni Nikky sa pangalan ko. Tumayo siya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagbakasyon sa bansa natin? Alam na ba ni Mildy na nandito ka na ngayon sa bansa natin?" hindi magkandatutong tanong ko sa kanya.Natawa ng mahina si Nikky at itinaas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko."Isa-isa lang ang tanong, Amber. Mahina
Amber PovPagdating sa bahay ni Phil ay agad akong nag-empaki ng aking mga damit. Kaunti lang naman ang mga damit ko nang bumalik ako rito kaya kakasya lamang iyon sa isang maliit na bag na hand carry. Iiwan ko ang mga damit na binili ko mula sa pera na ibinigay sa akin ni Phil dahil hindi ko naman pera ang pinambili ko niyon. Habang inililigpit ko ang aking mga gamit ay walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha. Mabigat na mabigat ang aking pakiramdam. Ganito pala ang feeling kapag bigo sa pag-ibig. Kapag hindi ka kayang ibigin ng taong mahal mo. Mabigat, masakit at masikip sa dibdib. At kapag hindi ko nailabas ay tila sasabog ang aking dibdib sa sobrang sakit.Pagkatapos kong maisilid sa bag ang mga gamit ko ay naupo ako sa gilid ng kama. Umiiyak na hinaplos ko ang aking bahagi ng kama kung saan si Phil ang umuukopa. Walang alam si Phil na hirap akong makatulog kapag gabi dahil katabi ko siya sa higaan kahit isang dipa ang pagitan namin. Masyadong malaki kasi ang kama niya at ka
Amber PovPagkatapos ng nangyari sa amin ni Phil ay bumalik ang maganda niyang pagtrato sa akin. Hindi na namin nabanggit ang tungkol sa kasunduan namin. Naisip ko na hindi na namin kailangan pa iyon dahil totoo na ang relasyon namin ni Phil. Ngayon ay hindi lamang kami mag-asawa sa harapan ng lolo niya at ng mga kasambahay niya kundi mag-asawa na kami sa tunay na kahulugan ng salitang iyon.Hindi naman maipinta palagi ang mukha ni Karen. Halatadong selos na selos siya sa pagiging malambing at sweet sa akin ng asawa ko. Hindi na yata siya nakatiis na makitang nagmamahalan kami ni Phil kaya nagdesisyon siyang doon na muna tumira sa bahay ng kanyang tito. Kaya walang asungot sa paligid at walang mga mata na nagbabantay sa akin at naghihintay na magkamali ako sa aking kilos."Ano ang gusto mong breakfast?" malambing na tanong ni Phil habang nakayakap sa aking baywang at nakahiga sa kama.Nang-aakit ang ngiti na tinitigan ko siya. "Puwede bang ikaw na lang ang gawin kong breakfast?"Lumapa
Amber PovKanina pa ako hindi mapakali habang nakaupo ako sa gilid ng kama sa loob ng aming silid. "Aming silid" dahil sa iisang kuwarto na ulit kami natutulog ni Phil magmula nang magkaaminan kami ng tunay na nararamdaman namin para sa isa't isa. It was my 20th birthday today at nag-usap kami na magse-celebrate kami sa labas. Kakain kami sa isang fibe restaurant at pagkatapos ay manunuod ng sine. Gusto sana niyang magpa-party sa bahay ngunit tumanggi ako. Para sa akin ay gastos lamang iyon. Wala naman akong bisita na maaaring imbitahan kundi si Mildy at Nikky lamang dahil sila lang naman ang tunay na nakakaalam na may asawa na ako. Ngunit hindi ko pa nasasabi sa kanila na ngayon ay hindi lamang kami nagpapanggap ni Phil bilang mag-asawa kundi nagsasama na kami ngayon bilang totoong mag-asawa.Si Migz naman ay hindi ko maaaring imbitahan dahil ang pagkakaalam niya ay pinsan ko si Phil. At tiyak nasa process pa siya ng paglimot sa nararamdaman niya para sa akin. Humingi ako ng tawad sa
Amber PovDahil tila malungkot si Pao na hindi ito isinama ni Phil sa pag-alis ay nagpasya akong isasama ko na lamang siya. "Gusto mo bang sumama sa akin na kumain sa labas, Pao?" nakangiting tanong ko sa bata.Kahit na anak siya ng kinaiinisan kong babae ay magaan ang loob ko sa kanya. Hindi dahil galit ako sa kanyang ina ay dapat magalit din ako sa kanya. Wala namang alam ang bata sa masamang pinaggagagawa ng kanyang ina kaya hindi ito dapat na madamay."Talaga po, Tita Amber? Isasama niyo ako?" natutuwang tanong niya sa akin. Nakangiting tumango ako sa kanya pagkatapos ay hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila patayo.Pagkatapos kong ipaalam kay Felix na isasama ko si Pao ay agad na kaming lumabas ng bahay. Sinabi ko kay Felix na isasama ko si Pao para kapag dumating si Phil at hinanap ang pamangkin niya ay alam niyang kasama ko ang bata kaya wala siyang dapat na ipag-alala.Nagtungo kami sa restaurant kung saan kami magkikita ng dalawang best friend ko ngunit hindi muna kami pum
Amber Pov"Amber!" narinig ko ang mariin at galit na boses ni Phil. Mabilis akong napakalas mula sa pagkakayakap ko kay Nikky dahil ayokong mag-isip na naman siya ng hindi maganda sa pagitan naming dalawa ng kaibigan ko.Malalaki ang mga hakbang na lumapit sa amin si Phil. At hindi ko inaasahan ang ginawa niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin. Bigla niyang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha ang kaibigan ko."Kapag may masamang mangyari sa pamangkin ko ay papatayin kita," galit na banta ni Phil kay Nikky. "I'm sorry sa nangyari sa pamangkin mo, Mr. Salvatore. Hindi namin kagustuhan ang nangyari," pagpapakumbaba ni Nikky kahit na siya ang nasaktan. "Ngunit hindi ko talaga maisip kung sino ang nagpapapatay sa akin gayong wala naman akong kaaway pagdating ko sa Plipinas. Tanging sina Mildy at Amber pa lamang ang mga kaibigan na nakausap ko." Hindi malaman ni Nikky kung paano ipapaliwanag kay Phil ang nangyari.Muling umigkas ang malakas na kamao ni Phil sa mukha ni Nik
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay ang puting kisame kaagad ang una kong nabungaran. Naisip ko na hindi ako nakaligtas sa aksidenteng nangyari kaya nasa langit na ako."Oh my God! Patay na ba talaga ako?" hindi napigilang sambit ko habang nakatingin ako sa puting kisame. Ngunit biglang napakunot ang aking noo nang makita kong may dumaan na isang maliit na butiki sa kisame. "Pati butiki nakakaakyat din sa langit?"Nakarinig ako ng mahinang tawanan ng dalawang tao. Boses ng isang babae at isang lalaki. "Na-damage yata ang utak mo kaya parang nababaliw ka na, Amber," kausap sa akin ng babae na ka-boses ni Mildy. Napatingin ako sa babaeng nagsalita at natuwa ako nang makita kong nakatayo malapit sa pintuan sina Mildy at Nikky."Patay na rin ba kayo? Bakit? Ano ang nangyari sa inyo at namatay kayo?" nanlalaki ang nga matang tanong ko sa kanila."Nakakabahala na ang ikinikilos ni Amber, Nikky. Hindi na nakakatuwa. Bilisan mo at tumawag ka naa ng doktor," utos ni Mildy kay Nikky, naw
Amber PovTatlong araw pagkatapos kong magising ay na-discharge ako sa ospital. Ayaw pa nga akong payagan ng mga doktor ngunit nagpumilit akong makalabas. Sa condo ni Nikky ako dumiretso dahil ayokong umuwi sa bahay ni Phil hangga't hindi ko siya nakakausap. Hindi naman maaaring sa apartment ni Mildy ako pansamantalang tumira dahil bumalik na siya sa bahay nila at wala akong makakasama sa apartment niya. Sa kalagayan ko ngayon ay kailangang may kasama ako sa bahay dahil sabi ng doktor hindi pa raw ako puwedeng magkikilos masyado. Medyo nahihilo pa kasi ako kapag pinipilit kong gumalaw ng normal.Habang nasa ospital ako ay hindi man lang ako kinontak ni Phil kahit na isang beses man lang. Naisip ko na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon kaya hindi niya ako kinontak. O sinubukan nga ba niya akong hanapin? Baka hindi na niya ako napansin dahil nakatuon lamang ang atensiyon niya sa kanyang pamangkin na sobrang mahal na mahal niya. Mas mahal pa nga yata niya ang pamangkin niya kaysa s