Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay ang puting kisame kaagad ang una kong nabungaran. Naisip ko na hindi ako nakaligtas sa aksidenteng nangyari kaya nasa langit na ako."Oh my God! Patay na ba talaga ako?" hindi napigilang sambit ko habang nakatingin ako sa puting kisame. Ngunit biglang napakunot ang aking noo nang makita kong may dumaan na isang maliit na butiki sa kisame. "Pati butiki nakakaakyat din sa langit?"Nakarinig ako ng mahinang tawanan ng dalawang tao. Boses ng isang babae at isang lalaki. "Na-damage yata ang utak mo kaya parang nababaliw ka na, Amber," kausap sa akin ng babae na ka-boses ni Mildy. Napatingin ako sa babaeng nagsalita at natuwa ako nang makita kong nakatayo malapit sa pintuan sina Mildy at Nikky."Patay na rin ba kayo? Bakit? Ano ang nangyari sa inyo at namatay kayo?" nanlalaki ang nga matang tanong ko sa kanila."Nakakabahala na ang ikinikilos ni Amber, Nikky. Hindi na nakakatuwa. Bilisan mo at tumawag ka naa ng doktor," utos ni Mildy kay Nikky, naw
Amber PovTatlong araw pagkatapos kong magising ay na-discharge ako sa ospital. Ayaw pa nga akong payagan ng mga doktor ngunit nagpumilit akong makalabas. Sa condo ni Nikky ako dumiretso dahil ayokong umuwi sa bahay ni Phil hangga't hindi ko siya nakakausap. Hindi naman maaaring sa apartment ni Mildy ako pansamantalang tumira dahil bumalik na siya sa bahay nila at wala akong makakasama sa apartment niya. Sa kalagayan ko ngayon ay kailangang may kasama ako sa bahay dahil sabi ng doktor hindi pa raw ako puwedeng magkikilos masyado. Medyo nahihilo pa kasi ako kapag pinipilit kong gumalaw ng normal.Habang nasa ospital ako ay hindi man lang ako kinontak ni Phil kahit na isang beses man lang. Naisip ko na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon kaya hindi niya ako kinontak. O sinubukan nga ba niya akong hanapin? Baka hindi na niya ako napansin dahil nakatuon lamang ang atensiyon niya sa kanyang pamangkin na sobrang mahal na mahal niya. Mas mahal pa nga yata niya ang pamangkin niya kaysa s
Amber PovUmiiyak na ipinaliwanag ko kay Nikky kung ano ang nangyari at umiiyak ako na lumabas sa bahay ni Phil. Galit na galit siya nang malaman ng nangyari. Gusto niyang bumalik sa bahay ni Phil para komprontahin ito tungkol sa aking nakita ngunit mabilis ko siyang napigilan. Ayokong mas lalong magmukhang kaawa-awa sa harapan ni Phil at Bovic kaya mas mabuting huwad na kaming bumalik sa bahay.Umuwi na lamang kami sa condo ni Nikky at nagkulong ako sa aking silid sa loob ng kanyang condo. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pinagsusuntok ko ang unan at sumigaw ako ng malakas. Kung hindi ko iyon ginawa ay baka hindi ako makahinga. Nagsisikip kasi ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.Hindi ko akalain na makakaya akong saktan ng ganito ni Phil. Niloko niya ako. Pinaniwala niya ako na wala siya pag-ibig kay Bovic. Pinaniwala niya akong mahal niya ako. Pero hindi pala totoong mahal niya ako dahil ang babaeng iniibig niya ay talagang si Bovic. Pinipi
Amber PovKahit mahirap ay pinilit kong kalimutan si Phil. Ngunit kahit anong pilit na kalimutan ko siya ay talagang hindi ko siya magawang kalimutan. Ngunit ang masasabi ko na magandang nangyari sa akin ay bumalik ang dating Amber. Iyong matapang at care free na Amber na kilala ng dalawang kaibigan ko."Gising na, Amber! Mali-late na tayo sa trabaho natin," malakas ang boses na kausap ni Mildy sa akin mula sa labas ng aking silid. It's been two months magmula nang maghiwalay kami ni Phil. Well, hindi pa naman kami opisyal na hiwalay dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapirma sa divorce paper ngunit hiwalay na kami ng landas. Hindi pa niya ipinapadala sa akin ang aming divorce paper para mapirmahan ko. Hindi ko siya kinontak para tanungin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naipapadala sa akin ang aming divorce paper? Ayoko nang magkaroon pa kami ng connection. Hindi man kami hiwalay sa mata ng batas ngunit para sa akin ay hiwalay na kami. Two months na rin akong nakatira s
Amber PovBiglang bumilis ang tibok ng aking puso nang makita kong si Phil ang bago may-ari ng Sunshine Shopping Mall na pknagtatrabahuhan namin ni Mildy. Maliban sa bahagyang naging humpak ang mga pisngi nito ay wala nang ipinagbago ang kanyang hitsura magmula nang umalis ako. Guwapo pa rin siya at malakas ang sex appeal. Kaya hindi ko masisisi ng mga ka-trabaho ko kung kinikklig sila habang nakatingin kay Phil dahil kahit ako nga na ilang buwan ko siyang nakasama ay bumibilis pa rin ang pintig ng aking puso dahil sa kanya.Wake up, Amber! Ano ba ang nangyayari sa'yo? Nakalimutan mo na yata na sinaktan ka niya, paalala sa akin ng maliit na tinig sa loob ng aking isip. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo para maalis ang anumang damdamin na muling nabubuhay nang makita ko si Phil. Hindi ito maaari. Dapat kong pigilan ang tila paghuhurumentado ng aking puso. Dapat kong itatak sa aking isip na hiwalay na kami at sinaktan niya ako kaya imposible na magkabalikan pa kami lalo na at may Bov
Amber PovMalapit na ang alas otso ngunit hindi pa rin ako nakabihis. Nakahiga lamang ako sa aking kama at nakatingin sa kisame. Kung ako ang papipiliin ay ayoko talagang um-attend sa dinner party na in-organisa ni Phil para sa department namin. Ayoko na siyang makita pa dahil nananariwa lamang sa aking puso at isipan ang ginawa niyang pananakit sa aking damdamin. Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na siya pa ang magiging bagong boss namin? Totoo talaga ang kasabihang "Maliit lamang ang mundo" dahil muling nagkrus ang mga landas namin ni Phil.Nananatili pa rin akong nakatingin sa kisame nang bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok si Mildy. Katulad ko ay hindi pa rin siya nakabihis ng damit pang-alis."Ano ang ginagawa mo, Amber? Bakit hindi ka pa nakabihis? Naghihintay ka ba ng magdaraang butiki sa kisame?" agad niyang tanong nang maupo sa aking tabi. "Pupunta ba tayo o hindi?"Ilang saglit na tumitig lamang ako sa kisame bago ako humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
Amber Pov"Ang ganda mo naman, Amber," puri sa akin ni Melvin nang pumasok ako sa loob ng room kung saan kumpleto na ang lahat at ako na lamang ang kulang. Si Melvin ay sa Eau D' Perfume naka-assign at katapat kung saan naman ako naka-assign kaya madalas kaming makapag-usap kapag walang customers."Sang-ayon ako sa sinabi mo, Melvin. Napaka-simple lang ng makeup niya ngunit ang ganda-ganda pa rin niya," wika naman ni Mildy. Lihim na lamang akong natawa dahil gusto lang inisin ng kaibigan ko si Harlen na hindi maitago ang pagsimangot ng mukha. Wala kasing pumuri at pumansin sa kanyang hitsura samantalang sa akin ay meron."Maupo ka n sa bakanteng upuan, Amber," kausap sa akin ng aming manager. Agad naman akong naupo sa bakanteng upuan. Ang malas ko pa dahil ang tanging upuan na bakante ay ang katabi ni Harlen. Siya naman ay katabi si Phil. Pero at least, hindi ako ang katabi ni Phil. Dahil tiyak na hindi ko malulunok ang kakainin ko kung siya ng katabi ko sa upuan."Tiyak lalong tumind
Amber PovHindi pa man ako nakakasagot kay Melvin ay naunahan na ako ng boses ni Phil mula sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nakita kong seryoso ang kanyang mukha at naniningkit ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin."May kailangan po ba kayo kay Amber, Sir Salvatore? Bakit hindi niyo na lang sabihin sa kanya ngayon?" tanong ni Melvin kay Phil sa seryosong mukha. Tila hindi nito nagustuhan na ihahatid ako ni Phil at wala itong balak na hayaan akong sumama sa boss namin kahit na wala naman siyang karapatan sa akin.Kung tila hindi nagustuhan ni Melvin ang ideya na ihahatid ako ni Phil ay mas lalo namang hindi nagustuhan ni nang huli ang sinabi nang una. At magpapatalo ba ang isang Phil Salvatore sa kanyang empleyado? Of course not."Yes, you're right...uuhmm..."Huminto si Phil sa pagsasalita at nag-isip kung ano ang pangalan ng empleyadong kaharap niya ngayon."Melvin Sanchez, Sir," agad na banggit ni Melvin sa buong pangalan nito nang makitang hindi siya kilala ni Ph
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak