2953RD POV “Bakit ganyan ang itsura mo?” Tanong ni Noah, matapos itong makapasok sa kanyang silid. Hindi siya sumagot at sinimangotan lang ito. “Tinatanong kita.” Inis na wika nito sa kanya, kaya tumayo siya. “Dapat hindi mo nalang ako pinapakain!” Sigaw niya rito, kaya napakunot ang noo nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Isa pa, bakit bigla ka nalang nagkaganyan, buntis kaba?” Kinuha naman ni Dell, ang unan at binato ito sa kanya. “Ang pinag-tataka ko lang, paano ka nabuntis? Alam mo naman na hindi pa kita kinama, dahil ayoko sa ‘yo, nakakasuka ka, at higit sa lahat. Pangit ka pa.” Malakas na napasigaw si Dell, at sinugod si Noah. “Walang hiya ka talaga!!” Tumakbo si Noah, habang natatawa. Lalo na dahil hindi siya mahuli-huli ni Dell. “Siguro ang matanda na ‘yon ang ama niyang dinadala mo?” Wika nito, kaya natigilan si Dell, at galit na galit itong napatingin sa kanya. Hindi rin napigilan nito na mag-wala, dahil sa sinabi ni Noa, kaya lahat ng gamit na kanyang nakikita ay b
2963RD POV “Ayos ka lang ba? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Kunot-noo na tanong muli ni Aaron, sa kapatid niya. Hindi niya mapigilan na magtaka, dahil sa kinikilos nito. “Kuya, alam kung kasabwat siya ni Noah! Nando’n siya eh! Kilala ko ang boses niya!” Sigaw niya.“Ma’am Dell, hindi ko po alam, ‘yang pinagsasabi mo, at isa pa po, matagal na pong umalis si Noah, sa lugar na ‘to.” Napakunot ang noo, niya matapos niyang marinig ang sinasabi nito. “Umalis?” Ulit na wika niya. “Opo Ma’am Dell, dahil hindi na po niya, kaya ang ginagawa ng mga tao sa kanya.” “Sino ba ‘yang pinag-uusapan niyo? At Dell, kailangan mo ng umuwi. Hinahanap kana ni Mommy.” Wika ni Aaron, kaya napatingin siya rito. “Tama na ‘yan, siguro nanaginip ka pa.” Wika nito. “Hindi ako nanaginip. Totoo ang sinasabi ko.” Wika niya, habang napatingin pa rin sa paligid. “Ayusin mo na ‘yang sarili mo, dahil aalis na tayo.” Muling wika ni Aaron. “Bago tayo umalis, gusto kung pumunta sa pabrika natin.” “Bakit? Anong gaga
2973RD POV “Tayo? Anong klaseng tanong ba ‘yan?” Natatawa na wika nito. “Hindi tayo ang dahilan, isa pa, hindi ko nga nakita ‘yong kapatid niya.” Muling wika ni Evo. ‘Kung ganun, bakit ganun nalang ang galit na nararamdaman niya sa akin at sa pamilya ko?’ “Gusto mo bang pumunta sa bahay?” Tanong nito, dahil napansin nito na natahimik siya. “Sunod nalang Kuya, marami pa kasi akong gagawin.” Sagot niya at tumayo. Gusto niya sana na puntahan ang kuya Aaron niya, pero alam niya na wala siyang makukuhang sagot mula rito. Matapos niyang bumalik sa kanyang opisina, ay tinawag niya ang kanyang tauhan. Inutusan niya ito na manmanan si Noah. “Alam mo na ba, kung saan siya ngayon?” Tanong niya rito. “Nasa Korea, lang po siya Ma’am, at hindi po siya pumunta sa ibang lugar, kapag wala pong event, tungkol sa negosyo.” Sagot nito, kaya napakunot ang noo ni Dell. “Anong ibig mong sabihin?” “Nasa Korea, lang po siya Ma’am Dell, at hindi po siya pumunta rito sa Pilipinas.” Malakas na hinampa
2983RD POV “Bakit Mommy, kilala mo ba siya?” Taka na tanong ni Dell, sa kanyang ina. Matapos niyang mapansin ang gulat sa mukha nito. Umiling naman ito sa kanya, at tumayo. “Mommy…” Malambing na wika niya. “Tama na ang paglalaro mo Dell, at ‘wag na ‘wag kang magpanggap na katulong sa taong ‘yon!” Wika nito at iniwan siya. Napahinga siya nang malalim, matapos niyang makita ang kanyang ina, na lumabas. “Kainis! Sino ba ang tutulong sa akin?” Asar na wika niya. Bigla siyang napangiti nang malala niya ang lola Helen niya. “Sa bahay tayo ni Lola Helen.” Wika niya sa kanyang driver. Nilingon naman siya sa isa niyang tauhan, na nakaupo sa front seat. “Anong problema?” Taka na tanong niya rito. “Wala po kasi ang lola Helen mo, sa mansion nila Ma’am Dell, nasa ibang bansa po siya, kasama ng lolo niyo.” Wika nito sa kanya. “Ibang bansa? Hindi pa rin ba sila umuwi?” Tanong niyang muli rito. “Hindi pa po, ayon po kasi sa narinig kung usapan sa mga tauhan nila, na naiwan sa kanilang ma
2993RD POV Napa-tingala si Dell, habang napatingin sa malaking mansion ni Noah. Lalo kasi na hindi niya maintindihan, kung bakit ito pumasok sa pabrika nila. “Ano pa ang ginagawa mo r’yan?” Maldita na tanong ng isang babae sa kanya. Kampanti naman si Dell, na hindi siya makilala ni Noah, dahil ginaya niya ang ginawa nito. Nagsuot siya ng kulot na wig at naglagay ng nunal sa kanyang baba. Nagsuot din siya ng damit, para mataba siyang tingnan. “Kaya mo kayang mag-tatrabaho?” Muling wika nito sa kanya. “Kaya ko, kaya ‘wag mo akong husgahan.” Inis na sagot niya rito. Gulat itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Hindi kasi nito inakala, na sasagutin siya ni Dell. “Kabago-bago mo pa lang, ganyan na ang ugali mo!” Napahinga ng malalim si Dell, habang napatingin dito. “Gusto mo bang matanggal agad sa trabaho?” Napangiti si Dell, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Sa tingin ko, hindi ikaw ang boss ko, kaya wala kang karapatan, para sabihin sa akin niyan, dahil katulong ka lan
3003RD POV “Mukhang hindi mo ako kilala?” Wika nito, habang madilim ang mukha na lumapit sa kanya. Lalong kumakabog ang dibdib ni Dell, dahil sa ginawang paglapit nito. “B-bitawan mo ako..” Nahihirapan na wika niya, nang bigla nalang siyang sakalin nito. “Ahh!!” Malakas na sigaw niya, nang bitawan nito ang leeg niya, at sampalin siya sa pisngi. “Matapang ka?” Galit na wika nito, habang nakita ni Dell, ang baril na hawak nito. Mabilis na tumakbo si Dell, palabas ng pinto. Habang naririnig ang malakas na putok ng baril. “Ma’a-. Marre, anong nangyayari?” Kabado na tanong ni Beth, habang hinila siya. “B-baliw yata siya..” Utal na wika niya, habang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Noah. Ibang-iba kasi ito sa ugali na nakikita niya rito, noong bihag pa siya nito. Nang marinig nila ang malakas na katok ng pinto, ay hindi napigilan ni Dell, na makaramdam ng takot. “Bakit?” Narinig niyang wika ni Beth. “Nasa’n si Marre? Bakit niya iniwan si Senyorito?” Galit na wika nito. “Ano
3013RD POV “Subukan mong lumapit!” Sigaw, niya habang tinaas ang dalawa niyang kamao. Napakunot lalo ang noo ni Noah, habang nakatingin ito kay Dell. “Ang kapal ng mukha mo! Para gawin sa akin ‘to!!” Galit na sigaw nito sa kanya, habang dali-dali na kinuha ang kanyang baril. Namilog naman ang mga mata ni Dell, na napatingin sa hawak ni Noah, kaya dali-dali siyang lumabas. Hindi niya maiwasan na napasigaw ng marinig ang putok ng baril. Napakuyo naman siya, nang mapansin na malapit lang sa kanya ang bawat putok ng baril. “Beth!!” Malakas na sigaw ni Dell, habang takot na takot ito. “Noah!!” Narinig niyang sigaw ng isang babae, kaya napahinto siya. Habang hindi na niya narinig ang mga putok. “Anong ginagawa mo?” Narinig niyang galit na wika nito. “Ayos ka lang?” Mahina na tanong ni Beth, sa kanya. Nang maka-lapit ito. Tumango siya rito, habang nanginginig pa rin siya. “Bakit mo siya pinagbabaril?” Muling wika ng ina ni Noah, kaya napatingin siya rito. Sakto naman na tumingin it
3023RD POV “Ma’am Dell, dito ka muna, lalabas lang ako, para kumuha ng pagkain.” Wika ni Beth. Tumango naman si Dell, habang sumandal sa pader. Iniisip niya pa rin ang pangalan na sinabi ng ginang sa kanya. “S-saan pumunta ‘yong kasama mo?” Tanong nito sa kanya. “Nand’yan lang siya.” Sagot niya rito. “May picture kaba sa kapatid ni Noah?” Tanong niya rito, habang umiling ito. “Lahat ng picture ni Senyorito, Lester, ay pina-sunog ni Madam.” Malungkot na wika nito sa kanya. “Bakit mo pala naitanong? Kilala mo ba siya?” Tanong nito sa kanya, kaya umiling si Dell. “Pero parang naririnig ko na ang pangalan na ‘yon.” Sagot niya rito. Napatingin naman sila kay Beth, nang bigla nalang itong sumulpot galing sa madilim na bahagi ng bodega. “Saan ka galing? Bakit marami kang dala?” Taka na tanong ng ginang. Hindi naman ito sumagot at nilapag lang ang mga pagkain.“Sa’n mo nakuha ‘to?” Mahina na tanong niya rito. “Sa kusina nila Ma’am Dell.” Sagot niya rito. “Wala bang nakakita sa ‘y
354 WAKAS 3RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga tao, matapos na pumasok si Dell at Noah, sa hotel, katatapos lang ng kanilang kasal at tuwang-tuwa ang anak nilang si Marie at ang mga pinsan nito nang, makita nila ang mga bulaklak at lobo. “Sinabi ko naman sa ‘yo noon Hija, na kayo ang magkatuluyan ‘di ba?” Ngiting wika sa kanya ng kanyang lola Paula. Napangiti naman si Dell, dito habang humalik sa pisngi nito. “Salamat po Lola..” Wika niya habang niyakap siya nito. “Payaw-ayaw ka pa noon.” Iling na wika ng lola Helen niya, kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. “Lola naman..” Malambing na wika niya rito. “Paano naman ako Apo? Hindi mo ba ako yayakapin?” Nagtatampo na wika ni Kim. “Lola, yayakapin naman talaga kita.” Wika niya at nilapitan ito. “Alam mo bang palagay na ang loob ko ngayon Apo? Lalo na at may pamilya kana. Alam mo naman na kahit hindi ako gaanong tumatawag sa ‘yo, ay lagi ko pa rin na tinatanong sa iyong ama, kung maayos ka lang ba.” “A
353 3RD POV “Kababata namin.” Malungkot na sagot nito habang tumayo. Nang makatayo si Noah, ay binuhat niya si Dell, papasok sa banyo. “Kababata? Nasa’n siya? Bakit hindi ko siya nakita?” Tanong ni Dell, matapos niya itong ilagay sa bathtub. “’Wag ka nang tumayo, ako na ang mag-papaligo sa ‘yo.” Wika ni Noah, habang kinuha ang shampoo. “Bakit ‘yan? Dapat sabon muna.” Wika ni Dell, kaya napatingin siya sa kanyang hinawakan. “Hayaan muna.” Ngiting wika nito, habang pumwesto ito sa likod niya. “Hindi mo pa, sinasagot ang tanong ko.” Wika ni Dell, habang nilagyan ni Noah, ng shampoo ang buhok niya. “Hindi mo siya makikita.” Sagot nito, kaya nilingon niya ito. “Dell, pwede bang ‘wag kang malikot.” Wika sa kanya ni Noah, kaya inaayos niya ang pagka-upo niya sa loob ng bathtub. “Bakit hindi ko siya makikita?” Kunot-noo na tanong niya.“Dahil wala na siya Dell.” Natigilan si Dell, dahil sa narinig niya mula kay Noah. “Wala? P-paanong nawala?” Curious na tanong niya rito. “No’ng lu
352 WARNING MATURED CONTEXT!! SPG3RD POV “Lalabas ka pa ba?” Tanong niya, habang nakita niyang napalunok si Noah. “Hindi naman ako lalabas. Ni-lock ko lang ang pinto.” Sagot nito, habang malawak na ngumiti, at lumapit sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Dell, nang mahigpit na hinawakan ni Noah, ang kamay niya. “Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Taka na tanong niya habang tumingin ito sa kanya. “’Wag ka nalang mag-tanong.” Sagot nito at siniil ang labi niya. “Umm..” Hindi napigilan ni Dell, na mapa-ungol, habang hindi pa rin binitawan ni Noah, ang labi niya. Gusto niya sana na sabihin kay Noah, na bitawan ang kanyang kamay, dahil kanina niya pa gustong haplusin ang katawan ni Noah. “Ahhh..” Pero imbis na mag-salita siya, ay puro ungol ang lumalabas sa labi niya, dahil sa ginawang pag-dila ni Noah, sa kanyang leeg. Kinawag niya ang kanyang mga kamay, para bitawan ito ni Noah, pero mahigpit pa rin itong hinawakan ni Noah, habang patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik at p
351 3RD POV Hindi maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Nagpa-alam lang siya saglit sa kanyang mga magulang na pumunta muna sa opisina niya, dahil may kailangan siyang kunin. “Manong, nasa’n sila?” Tanong niya, sa security guard nila.“Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo alam?” Inis na wika ni Dell, at muling bumalik sa loob. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang phone number, nang kanyang ina at ama. Hindi niya kasi maiwasan na mag-alala, dahil baka may nangyari sa anak niya. Alam ni Dell, na malikot ang anak niya, at mahilig itong umalis sa bahay. Binuksan niya ang ilaw sa sala, dahil masyadong madilim. Ito ang kauna-unahan na pagkakataon, na walang ilaw ang buong bahay nila. “Mama!!” Gulat siyang napatingin sa sala, matapos niyang buksan ang ilaw at marinig ang boses ng kanyang anak. “A-anon-.” Natigilan si Dell, habang nakita si Noah, na may hawak na bulaklak at papalapit sa kanya. “N-Noah..” Utal na sambit niya,
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u
348 3RD POV “Manloloko ka Mommy!” Galit na sigaw ni Noah, habang mahigpit na hinawakan ang braso nito. Hindi rin niya pinapansin ang mga tauhan ni Alicia, na sumu-suntok sa katawan niya. “Tama na Noah!!” Malakas na sigaw ni Dell, kaya bigla siyang natigilan. “Papa!” Narinig niyang iyak ni Marie. Mabilis naman na naagaw ni Beth si Marie, sa tauhan ni Alicia. Nang matalo ng mga tauhan ni Dell, ang mga tauhan ni Alicia, ay roon pa binitawan ni Noah, ang braso nito. “Alam mong kahit kailan ay hindi kita mamahalin Noah.” Wika nito, kaya galit niya itong tiningnan. “Paano ko mamahalin, ang anak ng mortal kung kaaway noon?” Ngiting wika nito, kaya napakuyom ang kanyang kamao. “Alam mo bang tulad mo rin ang iyong ina. Isang tanga!” Sigaw niya kay Noah. “Mga bata pa lang kami, ay naiinggit na ako sa kanya, dahil lahat sila, ay siya ang gusto! Kahit pa ang mga magulang namin.” “Pero hindi ko sila kayang sumbatan, dahil sino ba ako, para manumbat. Isa lang akong hamak na ampon.” Iling
347 3RD POV “Noah..” Sambit ni Dell, habang napatitig si Noah, sa kanya. “D-Dell.” Wika niya, habang bumangon. “Si Lester? Nasa’n siya?” Napatitig si Dell, sa kanya. Habang napatingin ito sa paligid. “Ayos lang siya.” Sagot niya rito. “Sandali, sa’n ka pupunta?” Taranta na wika ni Dell, nang makita niya itong tumayo at nagmamadali na isuot ang kanyang sapatos. “Hahanapin ko ang Anak natin.” Mabilis na sumunod si Dell, kay Noah. Matapos itong lumabas sa pinto. “Pwede bang magpahinga ka muna! Hindi pa magaling ang mga sugat at mga pasa mo.” Nag-alala na wika niya rito. “Ayos lang ako Dell, ang mahalaga sa akin, ay makita ko ang Anak ko.” “Sa’n mo ba siya iniwan?” Tanong niya, habang nauna na naglalakad papunta sa garahe. “Ikaw na ang magmaneho.” Wika niya, habang inabot dito ang susi ng kanyang kotse. “Dito ka lang, baka mapahamak ka.” “Hindi pwede, kailangan na may gawin din ako, para makita natin ang Anak natin.” Wika niya, habang sumakay sa front seat. “Isa pa, hinahan
3463RD POV “Papa, bakit ka po umiiyak?” Tanong sa kanya ni Marie, kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya, sa kanyang mga mata. “Papa, hindi na ba babalik si Mama?” Malungkot na tanong nitong muli sa kanya. “Hindi na Marie, kaya ‘wag ka nang umasa pa, na babalikan niya tayo.” Sagot sa kanya ni Noah. “Papa, gusto ko kasama ko si Mama.” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ang anak niya. Ito ang isa sa kinatatakutan ni Noah, ang masanay ang anak nila, na nasa paligid lang si Dell. “Hindi ba tayo mahal ni Mama, Papa?” Tanong nitong muli, habang nag-angat ito nang mukha at tumingin sa kanya. “Mahal ka niya, Marie.” “Ikaw Papa?” Nag-iwas ng tingin si Noah, at hindi na sumagot pa. “Anong nangyari?” Tanong niya, nang bigla nalang huminto ang kotse na sinasakyan nila. “N-nasundan po tayo Sir Noah.” Sagot ng kanyang driver. “Dito ka lang, at ‘wag kang umalis.” Wika niya sa kanyang anak at hinalikan ang noo ito. “Ikaw na ang bahala sa Anak ko, ilayo mo siya rito. Gawin mo ang l