"Wala rin naman po gaanong ginagawa sa bahay. Pagkatapos ko maglinis ay wala na akong gagawin pa," pagkausap ko kay Kuya Jugs.Simula nang pag-uusap namin noong gabi na iyon ay mas humahaba na ang nagiging usapan namin.Naiwan siya rito sa amin nila Lily dahil ang sasakyan ni Roy ang ginamit nilang mag-asawa papuntang opisina. Maaga nga sila umalis na dalawa kanina at hindi na nakapagpaalam pa sa mga anak."Nandiyan na pala sila," sabi ko at tumayo na nang makita na naglalakad na papalapit dito ang magkapatid. Uwian na.Kinuha ko ang bitbit na bag ni Lily at Andrei, saka sila pinauna na sa sasakyan. Kasabay nila si Kuya Jugs na dala rin ang mga lunch boxes nilang dalawa."Kumusta school?" tanong ko kay Andrei dahil abala na naman si Lily sa kaniyang libro.Sa sobrang hilig niya sa libro ay hindi na ako magtataka kung bakit sa klase ay lagi na lang siyang nangun
Weekend na at pare-parehong nasa bahay lang ang lahat. Lahat ay nakapirmi lang dito. Walang lumalabas o nagbabalak na umalis ngayong araw kung saan ay naging bago para sa aming lahat lalo na sa akin dahil madalang mangyari ito."Ina, help me in the kitchen," pag-aaya sa akin ni Ate Anne."Love, where you go?" si Roy na ngayon ay pababa na sa hagdan hawak ang maliit na tuwalya na pinupunas sa kaniyang basa na mga buhok."Balak ko sana na ipagluto ko naman kayo ng makakain kahit ngayong araw lang total ay wala rin naman akong gagawin ngayon," aniya. "Lagi na lang din kasi si Ina ang nagluluto. Gusto ko rin kayo asikasuhin minsan.""Really?" nakangiting ani ni Roy na tinanguan lang ni Ate Anne. "Do you want me to help you?" tanong niya."Yeah, sure. That will be great," sabi ni Ate Anne.Ang ngiti na nakahulma sa labi ni Roy ay nawala sa isang saglit nang mabaling
"Roy, pwede mo ba samahan mo si Ina sa Cafè ni Reina.""Anong gagawin doon?" dinig ko pa na tanong ni Roy bago ako tuluyan na lumabas sa silid ko.Katatapos ko lang magpalit dahil nga sa may ipinapakuha si Ate Anne na folder daw doon sa kaibigan niya na si Reina.Aniya ay medyo nahihilo raw siya kaya ako na lang muna.Nagkasalubong ang mga mata namin ni Roy nang lumabas ako. Bahagya pa niya ako na pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago mabilis na ibinaling ang atensiyon sa asawa.Nag-skinny jeans lang ako at spaghetti strap na sando na binigay ni Ate Anne sa akin. Pinatungan ko na lang iyon ng longsleeve na manipis lang upang maayos naman ako na tingnan kapag humarap sa kaibigan niya.Tiningnan ko si Ate Anne nang magpaalam siya na sasagutin ang tawag mula sa cellphone. Tumalikod pa ng bahagya ngunit hindi na rin naman lumayo pa."Is that so? Pwede ko naman puntahan ngayon," si Ate Anne.Naiilang
Nanatili ako sa silid ko habang nakatingin sa kisame. Katatapos ko lang maligo. Naihatid na rin sa paaralan ang dalawa at ang mag-asawa naman ay nasa trabaho na. Ako na lamang ang naiwan mag-isa rito.Ibinalot ko sa kumot ang aking sarili nang sumagi na naman sa isip ko ang pag-uusap namin ni Roy.Flashback."Tama na, Ina. Hindi ko kaya. Kung kaya mo, ako hindi. Itigil na natin 'to. Ang sabi mo gusto mo rin ako 'di ba? Ina, mas gusto kita. Ako na lang," aniya na halos magmakaawa na sa akin.Matamlay ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin."Akala ko ba malandi ako," tumingin ako sa kawalan, iniiwasan ang kaniyang mga mata. "Hindi ba't sabi mo ay malandi ako. Bakit ngayon ay gusto mong ikaw na lang?"Pinunasan ako ang luha na nagsisimula naman na tumulo. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan ng malandi at galing pa mismo sa taong gusto ko.
Paupo pa lang sana ako sa kama habang nagtutuyo ng aking mga buhok nang may kumatok sa pinto.Nagtataka man ay binuksan ko na lang din iyon. Nagulat pa nang makita si Roy."Ginagawa mo rito?" kinakabahan na tanong ko habang nakatingin sa paligid. Baka may makakita."Tara," aya niya sa akin at hinila na ako palabas.Ako naman na walang magawa ay hindi ko na naisarado pa ang pinto ng kwarto ko at dala-dala pa ang maliit na tuwalya na gamit ko pagpapatuyo ng aking mga buhok."Saan ba tayo pupunta?" tanong ko."Basta," aniya at agad ako na pinagbuksan ng pinto saka ako pinaupo roon.Mas lalo lang ako kinabahan nang paandarin niya ang sasakyan dahil sa sobrang ingay noon."Roy," kinakabahan na tawag ko sa kaniya.Nagsenyas lang siya na tumahimik ako at pinaharurot na paalis doon ang sasakyan.Gabing-gabi na rin kasi. Hindi ako dinadalaw ng antok kanina kaya nagtagal ako sa banyo para maligo. Saka lang ako lumabas nang pakiramdam ko ay sobra pa sa sobrang linis ko na.Matutulog na rin sana
Halos wala na akong tulog nang makauwi kami ni Roy. Mag-aalas kwatro na iyon. Tamang-tama lang upang maghanda naman ako ng almusal nila.Mabuti na lang kahit papaano ay nakatulog ako sa sasakyan noong pauwi na. Ang inaalala ko ngayon ay si Roy dahil may trabaho pa rin siya. Hindi na siya nakapagpahinga pa.Nagkaniya-kaniyang alis na ang lahat samantalang ako ay hinatid lang ang magkapatid at nagpahatid na rin para umuwi.May inutos din si Ate Anne kay Kuya Jugs kaya matapos akong ihatid dito ay umalis na rin siya.Humihikab na ibinato ko ang sarili sa sofa. Gustong umidlip muna kahit papaano at mamaya na lang maglinis.Hinila naman ako kaagad ng antok at nakatulog kaagad ngunit nagising din nang maramdaman ang paghaplos sa pisngi ko."Roy," inaantok na sambit ko nang mamulatan siya.Nasa loob na ako ng silid ko at nakahiga sa aking kama. Marahil ay dinala niya ako rito dahil sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako nakatulog kanina."Kanina ka pa?" tanong ko, kunot pa ng bahagya ang noo.Nag
Matapos ang gabing iyon ay naging maayos naman ang lahat. Hindi ko nga alam kung sobrang paranoid lang ba ako dahil sa nangyari sa amin ni Roy sa library dahil lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin si Ate Anne at ibabaling kay Roy o ano.Mula umaga, pag-alis, pagdating at ngayon na pagpasok ko sa silid ko ay nakita ko pa siyang lumingon sa akin habang nakalingkis kay Roy.Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pumasok na sa silid. Diretso tulog na rin ako. Ngayong araw ay wala kami gaanong naging interaksyon ni Roy, kahit noong mga nakaraan pang mga araw basta mula noong gabi na iyon dahil animo'y bantay-sarado kami kay Ate Anne dahil kung nasaan si Roy ay naroroon din siya na dati ay hindi naman niya ginagawa habang ito naman si Roy ay halos mapunit ang mukha dahil sa ngiti na suot sa tuwing kasama ang asawa.Hindi sinasadyang napairap ako nang mahuli ang pagyayakapan ng dalawa malapit sa hagdan. Hindi ko alam kung ano na naman ang ganap ni Roy sa buhay dahil mukha siyang tanga na nakal
"Roy, nakita ng dalawang mata ko!" pagpipilit ko pa dahil hindi siya naniniwala sa akin."Ina, Anne will never do that! You're spitting nonsense," inis na aniya."At paano mo nasasabi na hindi niya gagawin iyon?""At bakit niya naman gagawin iyon, in the first place? I know Anne. Tigilan mo na 'yan," pagpapatigil niyan sa akin. "We've been together for years."Halos magdikit na ang mga kilay ko sa sobrang inis dahil hindi niya ako pinaniniwalaan."Paano ko magagawang magsinungaling sa ganitong bagay? Isa pa, hindi ka ba nagtataka kung bakit madalas na nasa office na lang si Ate Anne natutulog? Gaano ka nakasisiguro na nagtatrabaho nga siya sa office at doon na natutulog gayon na nandito ka lang naman sa bahay?""Stop accusing her, Ina. Asawa ko ang sinasabihan mo, asawa ko," pagdiriin pa niya sa salitang asawa dahilan upang sarkastiko ako na matawa. "Malay ko ba na gusto mo lang siyang siraan sa akin," pagbaling niya. Kung wala lang tao rito sa bahay ay panigurado na kanina pa niya a