"Ah!" sigaw ko habang nakapikit at kapit na kapit sa bakal. "Ayaw ko na!"Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso habang pinapakiramdaman ang bawat pagbaba at pagtaas ng sinasakyang roller coaster.Halos mabingi ako sa hangin na sumasalubong sa amin ngunit mas nangingibabaw ang tawa ni Roy sa aking tabi. Mukhang natutuwa pa. Siyempre siya ang nag-aya sa akin na sumakay rito!"Relax!" dinig ko na sigaw niya at saka ko naramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa aking mga kamay. Dahil na rin sa takot at kumapit na lang ako roon."Letse ka!" sigaw ko sa kaniya.Hanggang sa matapos iyon ay hindi ko na nagawa pang bitawan ang kamay niya. Nagkalas lang ang mga iyon nang kami ay makababa na dahil na rin sa sukang-suka na ako.Nagtatakbo ako sa malayo, kung saan mayroong mga damo at saka roon umupo upang ilabas ang kanina pa pinipigil na suka."Mapapatay talaga kita kapag tapos ko ri—""Ha?" pang-aasar pa niya ngunit patuloy pa rin sa pagtapik ng marahan sa aking likod.Hindi ko na nagawa p
"Morning," bati ni Roy nang kami ay magkasalubong sa salas. "Afternoon," bati ko naman. Kita ko ang pagkamot niya sa kaniyang ulo nang matapos tingnan ang relo. "Afternoon," pag-uulit niya. Putok na ang araw nang makabalik kami. Nakatulog din ako sa kotse kaya naman ay nang makarating ay umidlip lang ako pero nagising pa rin nang umaga. Siya lang ang tinanghali sa aming dalawa. Gawa na rin siguro nang siya 'yung nagmamaneho buong magdamag. Mabuti nga at wala rin nangyari sa amin na masama noong pauwi na. Humingi rin siya ng tawad sa nagawa niya kagabi kaya hinayaan ko na lang. Wala naman nangyari na kung ano pa at magiging awkward lang para sa aming dalawa kung iyon pa ay pag-uusapan pa namin. "Kanina ka pa gising?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot at saka uminom sa baso ng tubig na dala-dala ko. "Wala ka bang pupuntahan ngayon?" tanong ko. Inaalala na baka ay mayroon at hindi ko siya inabala na gisingin pa. "Wala," maikling sagot niya bago umupo sa sofa. "Pero bukas may
Dumaan ang ilan pang mga araw at ang mag-iina ay hindi pa rin bumabalik. Sa pagdaan nang mga araw na iyon ay wala kaming ginawa ni Roy kung hindi ang maglibang ng aming mga sarili.Labas doon at labas dito. Kung saan-saan niya ako dinadala."Minsan lang ito, Ina. Let me do it for you. Hayaan mo na ako ang magiging kasama mo sa magiging una mo sa lahat, okay?" nakangiting aniya at hinawakan pa ang aking kamay.Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa daan. Umalis na naman kami ng bahay at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kanina pa kasi kami nag-uusap tungkol sa pagitan namin na dalawa.Sa mga araw na patuloy niya ako na napapasaya at sa mga gabi na hindi ako nagmintis na tanungin ang sarili ko kung gusto ko na nga ba siya ay iisa lang ang nagiging sagot kung hindi ay ang masaya ako sa tuwing kasama siya. Kumpleto ako kapag kasama siya. Hindi ko alam kung paano nangyari pero isang umaga ay ganito na
Tahimik lang ako na nakaupo rito sa loob ng sasakyan. Puputok na ang araw ngunit hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa tabi ng kalsada. Hindi ko alam kung saan na ito. Basta kagabi matapos ang pag-uusap namin na iyon ay rito niya diniretso ang sasakyan.Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay patuloy na nag-iinom. Nakatulog na ako lahat-lahat ay hindi pa rin siya tapos doon.Hindi na ako nag-abala pa na samahan siya roon sa labas dahil wala rin naman akong gagawin o kahit sasabihin.Nang asta siya na titingin sa gawi ko ay muli ko na lang ipinikit ang mga mata ko na para bang makikita niya ako rito sa loob gayon na tinted naman ang sasakyan niya.Hindi rin iyon nagtagal nang marinig ang pagsindi ng isang lighter. Saktong pagmulat ko ay ang pagbuga naman ng usok sa bibig niya. Naninigarilyo.Hindi ko matukoy kung lasing na ba siya dahil sa siya ay nakatalikod at hindi nama
Naging maayos naman ang lahat matapos nang pag-uusap namin na iyon bago umuwi.Bumalik na rin si Ate Anne kasama ang mga anak niya kaya kumpleto na naman kami sa bahay. Sa mga nagdaan na araw ay hindi na ako ginulo pa ni Roy katulad nang sinabi niya.Pinanindigan niya kahit na minsan ay nakikita ko pa rin siya na nakatingin sa akin. Hindi na siya gaanong lumalapit kung hindi kinakailangan at madalas ay si Ate Anne lang ang kasa-kasama niya.Sa bahay man o sa trabaho. Bumalik na rin kasi siya sa trabaho dahil iyon ang gusto niya. Isa pa ay inoobliga rin siya ng asawa niya upang hindi na siya tumagal nang walang natututunan sa mga trabaho na tatahakin niya sa hinaharap.Sinalubong ko silang lahat nang makauwi. Nagtatawanan at masaya ang kwentuhan nang makapasok sa bahay."Ako na rito. Kumain ka na?" tanong ni Ate Anne sa akin nang abutin ko ang bag niya upang sana ay itabi iyon.
"Wala rin naman po gaanong ginagawa sa bahay. Pagkatapos ko maglinis ay wala na akong gagawin pa," pagkausap ko kay Kuya Jugs.Simula nang pag-uusap namin noong gabi na iyon ay mas humahaba na ang nagiging usapan namin.Naiwan siya rito sa amin nila Lily dahil ang sasakyan ni Roy ang ginamit nilang mag-asawa papuntang opisina. Maaga nga sila umalis na dalawa kanina at hindi na nakapagpaalam pa sa mga anak."Nandiyan na pala sila," sabi ko at tumayo na nang makita na naglalakad na papalapit dito ang magkapatid. Uwian na.Kinuha ko ang bitbit na bag ni Lily at Andrei, saka sila pinauna na sa sasakyan. Kasabay nila si Kuya Jugs na dala rin ang mga lunch boxes nilang dalawa."Kumusta school?" tanong ko kay Andrei dahil abala na naman si Lily sa kaniyang libro.Sa sobrang hilig niya sa libro ay hindi na ako magtataka kung bakit sa klase ay lagi na lang siyang nangun
Weekend na at pare-parehong nasa bahay lang ang lahat. Lahat ay nakapirmi lang dito. Walang lumalabas o nagbabalak na umalis ngayong araw kung saan ay naging bago para sa aming lahat lalo na sa akin dahil madalang mangyari ito."Ina, help me in the kitchen," pag-aaya sa akin ni Ate Anne."Love, where you go?" si Roy na ngayon ay pababa na sa hagdan hawak ang maliit na tuwalya na pinupunas sa kaniyang basa na mga buhok."Balak ko sana na ipagluto ko naman kayo ng makakain kahit ngayong araw lang total ay wala rin naman akong gagawin ngayon," aniya. "Lagi na lang din kasi si Ina ang nagluluto. Gusto ko rin kayo asikasuhin minsan.""Really?" nakangiting ani ni Roy na tinanguan lang ni Ate Anne. "Do you want me to help you?" tanong niya."Yeah, sure. That will be great," sabi ni Ate Anne.Ang ngiti na nakahulma sa labi ni Roy ay nawala sa isang saglit nang mabaling
"Roy, pwede mo ba samahan mo si Ina sa Cafè ni Reina.""Anong gagawin doon?" dinig ko pa na tanong ni Roy bago ako tuluyan na lumabas sa silid ko.Katatapos ko lang magpalit dahil nga sa may ipinapakuha si Ate Anne na folder daw doon sa kaibigan niya na si Reina.Aniya ay medyo nahihilo raw siya kaya ako na lang muna.Nagkasalubong ang mga mata namin ni Roy nang lumabas ako. Bahagya pa niya ako na pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago mabilis na ibinaling ang atensiyon sa asawa.Nag-skinny jeans lang ako at spaghetti strap na sando na binigay ni Ate Anne sa akin. Pinatungan ko na lang iyon ng longsleeve na manipis lang upang maayos naman ako na tingnan kapag humarap sa kaibigan niya.Tiningnan ko si Ate Anne nang magpaalam siya na sasagutin ang tawag mula sa cellphone. Tumalikod pa ng bahagya ngunit hindi na rin naman lumayo pa."Is that so? Pwede ko naman puntahan ngayon," si Ate Anne.Naiilang
Dear readers,As we reach the final pages of this book, I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each and every one of you for embarking on this journey with Dianna and Roy. Your presence and support have meant the world to me.Together, we've laughed, cried, and experienced the ups and downs of their story. It's been an incredible adventure, and I hope you've found some inspiration, joy, or solace within these pages.Though this may be the end of their tale, it's not goodbye forever. Characters and stories have a way of staying with us, tucked in the corners of our hearts. I encourage you to carry Dianna and Roy's adventures with you, and may their memories continue to inspire your own.Thank you, dear readers, for being a part of this wonderful journey. I look forward to sharing more stories with you in the future.With gratitude and warm regards,Jeadaya_Kiya18
ROY POV I hugged Ina from her back. "You should've asked me first what I want to eat," nakanguso na bulong ko.Natigilan siya sa pagpiprito ng bacon. "Ayaw mo ba nito?" alanganin na tanong niya. "Ano ba gusto mo?"Nakapikit na hinalikan ko ang gilid ng leeg niya. I can't help but to get addicted to it."Meat," maikling sagot ko. "Your meat down there," pang-iinis ko sa kaniya."Gusto mo?" tanong niya dahilan upang ako naman ang matigilan."Don't tease me like that, Ina," usal ko. Gigil ko na pinugpog ng halik ang balikat niya at saka ibinaon ang aking mukha sa leeg niya.She's in her month of giving birth and she know na hindi ko siya magagalaw kahit na asarin niya ako dahil delikado para sa baby na nasa sinapupunan niya.Natatawa na pinatay niya ang stove at saka inilipat ang mga niluto niya sa pinggan. Nakayakap lang ako sa kaniya hanggang sa maibaba niya sa lamesa ang mga hawak.Nakangiti siya nang balingan niya ako at pinatakan ng halik sa labi ko. Hinayaan ko siya ngunit ako rin
I was blaming myself after that confrontation between me and Ina. I didn't know that about her. Days and weeks have passed pero hindi ko nagawang pumasok muna. I was bawling my eyes out. I don't know how should I feel after knowing what happened to her. I didn't have any strength to face her but still, I collected myself and had the courage to face her. There's no way that she will get away from me now. And by that, I saw myself waiting for her. I am always in front of Carl's building after running out of excuses to appoint a meeting with him. I have hope that we can still fix all of this but knowing the news that they will be marrying each other soon makes my hope shattered into pieces. I don't know how hopeless I am while in front of Carl. I was bawling my eyes out again while asking for him to give up Ina. I even got down on my knees if that can make him give Ina back to me. I brainwashed him, I made him guilty, I made him feel the worst thing that he could feel just so I could
"May balita na sa pinapahanap mo. Right now, she's with Carl Uy, a businessman, and his company is not that far from yours. Currently, she's a secretary," balita niya. How great it would be. I am much very close to Carl because we are business partner. After hearing that news nakita ko na lang ang sarili ko na pumpupunta sa company ni Carl kahit na wala naman akong gagawin. "Napadalaw ka?" salubong sa akin ni Carl. Except from being a business partner, tinuturing din namin ang isa't-isa bilang magkaibigan and that really help me. "Boring sa company," sabi ko. I was looking for Ina but I don't see her anywhere. I even asked Eduard kung si Ina ba talaga ang nakita niya but he simply answered me that he's a hundred percent sure about it. I was about to go one afternoon when I saw her sa building. Sinubukan ko... Sinubukan ko na hindi siya lapitan at magkunwari na hindi ko alam na nandito siya at hahayaan na lapitan niya ako pero hindi nangyari iyon dahil napakahirap kuhanin ng aten
Tahimik ko na pinagmasdan si Anne na abala sa ginagawa niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" pag-aagaw ko sa atensiyon niya. Busy siya at wala ng time sa amin ng mga anak niya, especially sa akin. "Roy, come on. I told you not now. I am doing a lot of things right now and I can't afford to lose even a second. Understand me, please." Nagbuntonghininga ako at saka ibinagsak ang katawan sa higaan. We have been like that for three consecutive months now. I missed her so damn much. I miss being with her. "Anne, I am done with this. Para akong isang bagay na kapag ayaw mo ay ayaw mo. Saka mo lang makikita na nandito ako kapag gusto mo magpainit ng katawan. Iyon lang ba ang purpose ko?" hindi maiwasan na tanong ko sa kaniya. Binalingan niya ako. "What?" natatawang aniya. "Roy, I said I am busy! Ano bang sinasabi mo?" "Bakit, hindi ba totoo?" tanong ko. "Lalapitan mo lang ako kapag gusto mo magpainit ng katawan." "Stop being petty! Let me finish all of this and I promise to be wi
Tahimik ako na nakatanaw sa kabukiran nang yakapin ako ni Roy mula sa likod.Tipid ako na napangiti at saka itinagilid ang ulo ko upang bigyan siya ng espasiyo sa kabilang balikat ko."Anong iniisip mo?" tanong niya.Bahagya ako na nagbuntonghininga. "Sumagi sa isip ko si Lily at Andrei," pag-amin ko.Kahit na sobrang saya ko dahil nasa kulungan na si Ate Anne at alam ko hindi na niya kami magagalaw pa ay hindi ko rin maiwasan na isipin kung ano na ang mangyayari sa magkapatid.Iniisip ko kung gaganti ba sila sa akin at dapat hindi ako maging panatag na mamuhay ng payapa o kaawaan ko dapat silang dalawa dahil inilayo ko ang ina nila sa kanila."They are both grown-ups," aniya.Umiling ako. "Not really. Lily is still on his early twenties and Andrei is still teenager. Hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nila—""Lily is more mature than ever. I know she can handle herself and his brother.""Paano kung sila naman ang gumanti sa ginawa natin sa ina nila?" hindi maiwasan na tanong ko.Na
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ko. "Order in the court! Please let the questioning proceed without interruptions. There will be an opportunity for the victim to speak later during their testimony or when called upon. Mr. Gomez, I understand your emotions, but we must maintain a structured and fair process here," ani ng attorney ng kabila. "Makinig na lang muna tayo," pagkausap ko sa kaniya. "Continue," pagpapatuloy ng judge. Kinalma ko si Roy habang nagpapatuloy na ulit ang pag-uusap ni Ate Anne at ang abogado niya. Ang mas ikinagagalit ko ay pilit pa rin siya na nagsisinungaling kahit napaka-solid na ng ebidensiya na mayroon kami at si Anthony pa ang tumayo na defendant. "Hindi ko alam. Wala na akong koneksiyon pa sa kanila magmula nang ma-approve na ang annulment namin ni Roy kaya imposible ang ibinibintang sa akin," pagtatanggol ni Ate Anne sa sarili niya. "Umamin ka na lang!" halos maiyak na sigaw ko. "Hindi ito ang unang beses na gusto mo akong patayin, Ate Anne
"Hindi ko kasalanan kung iniwan ka ni Roy, Ate Anne. Lumayo na ako sa inyo at ngayon hindi ako ang dapat mong sisihin diyan sa galit at poot mo!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Yes, you should be to blame, Ina. Kasalanan mo dahil inakit mo ang asawa ko! Inakit mo siya at siniraan mo ako sa kaniya—" Natatawa na tiningnan ko siya. "Siniraan? Ate Anne, bakit hindi mo na lang aminin na nangaliwa ka at nagkataon pa na may asawa rin ang kinabit mo? Sige, palagay na natin na nagkamali ako noong una at hindi ikaw ang nakita ko na may kahalikan sa tapat ng bahay niyo pero paano mo pa maipapaliwanag ang pagpunta mo sa condo ni Kuya Erik, na asawa pala ni Mama. Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Dinuro ko siya. "Nang dahil sa'yo muntik na mawala ang anak ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa galit na nararamdaman. Nang hindi mapigil ang panggigigil sa kaniya ay lumipad ang palad ko sa pisngi niya. "Dianna, kumalma ka," pagpapakalma ni Mama sa akin. Sakto na paalis ako ng bahay nan
"Paano naman mangyayari 'yon? Iisang tao lang hinahanap niyo pero hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin makita?" hindi maiwasan na tanong ko sa mga police. "Baka naman abutin pa ng isang taon itong kaso na ito bago ma-close o ang tamang tanong yata ay kung mabibigyan pa ba ng hustisya ito?" "Dianna, calm down," pagpapakalma sa akin ni Carl. Naririto kami ngayon sa police station dahil hindi na sila nag-uupdate pa. Ni hindi ko alam kung umuusad pa ba ang kaso namin. "Paano ako kakalma, Carl? Magaling na lahat-lahat 'yung mga naging biktima ni Ate Anne tapos hanggang ngayon wala pang maayos na pag-uusap para sa kaso na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mrs. Gomez, we were doing our best to search for Mrs. Annalyn pero hindi ganoon kadali na mahanap siya at idala rito—" "At kung inasikaso niyo na ito at hinanap si Anthony nang mas maaga ay hindi na aabot ng ganito katagal! Ang hirap kasi sa inyo ay mas inuuna niyo pa ang mga bagong file na case kaysa sa amin!" "Dianna." "Mr. U