FRUSTRATION AT GIGIL ang ibinuhos ni Anna sa kanyang pagsusulat sa nakalipas na isang buwan at kalahati. Sa labis na inis ay nabalot ng pananakit ang kanyang buong nobela. Tinorture niya ang kanyang pangunahing tauhan hangga’t sa maging ang mambabasa noon ay masaktan din. Hindi ganoon ang literal na paraan ng kanyang pagsusulat ngunit sa pagkakataong ito wala siyang magawa kung ‘di ilabas lahat ng sama ng loob at bigat sa kanyang dibdib. Hindi naman na bago para sa isang manunulat ang ganitong paraan ng pagsusulat kung saan ginagamit ang kanilang personal na karanasan para isulat ang kanilang mga akda at ganoon din si Anna. “Ladies and gentlemen, Delta Airlines welcomes you to Pasay, Metro Manila. The local time is 10:00 am. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate,” anunsyo ng flight attendant. Napatingin si Anna sa labas ng bintana ng eroplano at nakita niya na a
“SUCCESS para sa bagong libro ni Anna!” sigaw ni Krystal habang nakataas ang baso niyang may laman ng alak. “Success!” Sabay-sabay na sigaw ng mga katrabaho nila at kumalatong ang mga baso dahil sa pagbabanggaan ng mga nito. Napangiti naman si Anna sa kanyang nakita. “Thank you. Salamat sa support na ibinibigay niyo sa akin sobrang nakakataba ng puso,” pasasalamat ng dalaga. Inakbayan naman siya ni Krystal na may malawak na ngiti. “Aba! Syempre susuportahan ka namin! Ikaw kaya ang magdadala ng Nobel Prize Award para sa DRB!” At sabay-sabay na sumang-ayon ang lahat na naroon dahilan para makaramdam si Anna nang labis na hiya. “Krystal, ano bang sinasabi mo? Nakakahiya sa makaririnig,” nahihiyang awat ni Anna kay Krystal. “Anong nakakahiya sa sinasabi ko? Naiuwi mo nga ang Katie Fforde Debut Romantic Novel Award galing U.K, Nobel Prize Award pa kaya?” saad ni Krystal na buong-buo ang kumpyansa. “Krystal ang tagal na noon.” “Matagal man pero nagawa mong makuha iyon kaya hindi mala
Sinuri ng dalaga ang mukha ng binata dahilan para makaramdam ng tensyon si Bien at makalipas ang ilang saglit ay saka nagsalita si Anna. “Ang lamig-lamig pero pinagpapawisan ka. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?” tanong ng dalaga na hindi mapanatag nang sandaling iyon. Kinuha ni Bien ang dalawang kamay ni Anna at ikinulong iyon sa kanyang mga palad saka binigyan nang matamis na ngiti ang dalaga. “I’m really fine, Anna,” mahinahong saad ni Bien at hinawakan ang pisngi ng dalaga at hinaplos iyon gamit ang kanyang hinlalaki. “Are you really sure?” paninigurong tanong ni Anna na hindi nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Inilapit ni Bien ang mukha nito sa dalaga na halos isang pulgada na lamang ang layo at mahahalikan niya na ang kanyang kasintahan. “You don’t have to be extremely worried about me because I am fine,” nakangiting tugon ni Bien sa kanyang kasintahan. “Let’s go to our room where you can rest. You’d had a long day, and it’s not good for a lady like you to be stre
ILANG ARAW na napapansin ni Anna na kakaiba ang mga ikinikilos ni Bien maging ang pakikitungo nito sa kanya ay tila ba hindi na tulad ng dati. Kasalukuyang nagbabasa si Anna ng libro sa study room ni Bien kung saan naroon din ang binata at abala sa pagsusulat nito. Pinagmasdan niya ang kanyang kasintahan at sinuri ito kung may pagbabago ba sa physical nito dahilan para maapektuhan ang emosyonal na pakikitungo nito sa kanya simula ng siya’y dumating. “Guni-guni ko lang ba ang lahat?” tanong ni Anna sa kanyang isipan habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang kasintahan. “Hindi kaya nagsasawa na siya sa akin?” Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga katanungang iyon. “Hindi kaya?” mahina niyang usal. Biglang napailing si Anna nang matauhan sa kanyang naisip. “Impossible! Hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ‘yon,” mahina at mariing saad ni Anna sa kanyang sarili na napailing muli para ituwid ang kanyang isipan. “Hindi magagawa ni Bien ang bagay na ‘yon, hindi.” Bagamat nas
Nanatili siyang tahimik habang namimili nang makakain ang mag-asawa samantalang siya ay pinagmamasdan lamang ang mga ito. Naagaw naman ang kanyang pansin sa batang babae na kanina pa nakatingin sa kanya na siya niya ring tinitignan. “Ang cute naman ng batang ‘to,” wika niya sa kanyang isipan. Naalis ang mga tingin ni Anna sa bata nang magsalita ang kanyang ina. “It’s been a long time, Anna. How are you doing?” tanong nito na tila ba walang naging masamang nangyari sa kanilang dalawa. “I’m fine, Mom,” mahinahong sagot ni Anna na pilit tinatago ang tuwa na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon dahil matapos ang lahat ay nagawa siyang kumustahin ng kanyang ina na para bang may pakialam na ito sa kanya. “So, anong trabaho mo ngayon?” diretsahang tanong ng kanyang ina kay Anna. Hindi umimik si Anna at binasa ang kilos ng kanyang ina na ibang-iba kumpara noong huli silang nagkita. “Siguro okay lang na sabihin ko sa kanila? Okay lang ‘di ba?” Napayuko si Anna at lihim na napangiti
LUMIPAS ang mga araw at mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Bien kay Anna. Pilit mang unawain ni Anna ang sitwasyon ng kasintahan ay may kakaiba pa rin siyang nararamdaman na hindi niya dapat maramdaman. Matagal na ang pinagsamahan nila ng binata at ayaw niya iyon masira dahil lang sa hindi niya maipaliwanag nararamdaman at maling hinala. Alam niya rin sa kanyang sarili na imposible at hindi magagawang saktan siya nito dahil alam nito ang sakit at hirap na pinagdaanan ng dalaga at higit sa lahat ay mahal siya ni Bien. “Trust him, Anna. Trust him!” mariing saad ni Anna sa kanyang sarili habang nasa sala siya dahil pinalabas siya ni Bien ng study room dahil sa gusto nito mapag-isa. “Hindi siya galit sa ‘yo, okay? Gusto niya lang makapag-focus kaya ka niya pinalabas ng study room ‘yon lang ‘yon at wala ng iba. Huwag kang praning, okay?” pangungumbinsi niyang kausap sa kanyang sarili. Mangilang hinga-buga ang ginawa ni Anna para ikalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya mapig
LUMIPAS ang mga oras ng pakikipag-usap niya sa binata at nakailang baso na rin si Anna ng alak dahilan para tamaan na siya ng kanyang kalasingan. “I believe I’ve had my fill. I think I should leave,” wika niya sa binata. “I think so,” wika ng binata. Inabot ni Anna ang bayad sa alak na kanyang ininom. “Here’s my payment,” wika ni Anna na bakas sa kanyang boses na tinamaan na nga ito ng kalasingan. “No, it’s my treat,” nakangiting saad ng binata kay Anna dahilan para mapakunot ng noo ito. “Huh? Why would you even treat me?” nagtatakang tanong ni Anna. “Let’s say I had fun talking to you,” nakangiting wika ng binata. “But—” “No more buts, Mi’lady. It’s better for you to go home because it’s getting late. I don’t want to get in trouble if something bad happens to you,” pasaring na saad ng binata. “What did you say?” tanong ni Anna na hindi nagawang marinig ng klarado ang sinabi ng binata dahil sa malakas na musika. Pumunta ang binata sa tabi ni Anna at saka inalalayan ito. “Let
HINDI MAIKUMPAS ni Anna ang kanyang sarili nang sandaling iyon—tanging paninikip ng kanyang dibdib at panginginig ng kanyang mga kalamnan at tuhod ang kanyang nararamdaman. Parang dinudurog ang kanyang puso habang pinapanuod ang kahayupang ginagawa ng kanyang kasintahan habang siya’y nakatalikod. “Why did you this, Bien?” nanghihinang tanong ni Anna na biglang nawalan ng balanse at mapasandal sa pintuan dahilan para makagawa ito ng ingay. Kapwa natarantang napatingin si Bien at ang babaeng k********t nito sa direksyon ni Anna. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita niya ang mukha ng babaeng sarap na sarap sa kababuyang ginagawa nito ng kanyang kasintahan. “Hayacinth?” hindi makapaniwalang usal ni Anna. Paanong— Hindi mawari ni Anna kung pinaglalaruan ba siya ng kanyang mga mata dulot ng alak na kanyang ininom o totoo talagang si Hayacinth ang babaeng pinaparausan ni Bien. Sa kinadami-rami hindi niya inaasahang si Hayacinth ang babaeng makakahati niya sa lalaking mahal niya nan
“HOW’S Jax doing? Hope that the talk goes smoothly between him and his dad,” hiling ni Anna na may halong pag-aalala.“Anna…”Naibaling ni Anna ang kanyang pansin sa kanyang ama na tumawag sa kanya dahilan para kaagad siyang lumapit.“Tatay…” mahina niyang sambit sa kanyang ama saka ito niyakap.Matapos ang ilang saglit na yakapan ay pinakawalan niya ito at dahan-dahang sinuring mabuti ang kabuuhan ng ama na nakaupo sa wheel chair. Ilang buwan din na rin ang lumipas nang unang magkita silang muli at masasabi niyang mas bumabagsak ang katawan ng kanyang ama.“Sweetie…” mahinang sambit ng kanyang ama nang abutin ang kanyang pisngi at marahan nitong hinaplos dahilan para makakawala si Anna sa malalim nitong iniisip. “I know what you are thinking.”Hindi nakaimik si Anna dahilan para mapayuko ito ngunit kaagad na pinigilan ito ng ama at ikinulong ang mukha nito sa dalawa nitong mga kamay.“I know you want me and your mom to get along, but you know that it will never happen. Your mom is no
LUMIPAS ang mga araw at unti-unti nang nagiging maayos ang lahat para kina Anna at Jax."I'm happy that you are here by my side, Anna," mahina ngunit sinserong saad ni Jax habang nakayakap kay Anna na bahagyang humigpit.Napangiti si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na may pag-asa pa silang dalawa ni Jax na magkaayos at makasama nang sandaling iyon dahil kung babalikan niya ang mga panahong para wala siyang halaga kay Jax ay napakalayo na nito sa kung paano siya tratuhin nito ngayon. Hindi niya maipagkakailang sa bawat aksyon na ginagawa at pinapakita nito ay labis ang tuwa at kilig na kanyang nararamadaman. Tila ba para siyang dalagang bago lamang sa isang relasyon, sobrang tamis at napakaalaga kasi ng binata sa kanya."You don't how happy I'm too," maikling tugon ni Anna na may ngiti sa kanyang labi.Hindi naman magawang hindi matuwa ni Jax sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga paharap sa kanya at saka ito niyakap nang mahigpit."I know I can't undo things that h
BIGLANG napangisi si Alexander habang nakaupo na nataong nakita ni Lax.“What are you planning, dad?” seryosong tanong ni Lax dahilan para maibaling ng matanda ang kanyang atensyon sa panganay na anak.“What are you saying, Lax?” pabalik na tanong nito na nagmamang-maangan sa tanong ng anak nito.Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Lax sa naging tugon ng kanyang ama. “Why are you doing this?”Hindi umimik ang matandang lalaki at nakipagtitigan lang kay Lax ngunit matapos ang ilang saglit ay napailing ito at tumawa nang mahina.Napahugot naman nang tahimik na paghinga si Lax na napapikit ng mata na agad namang idinilat at nakita ang ngiti sa mukha ng kanyang ama.“I don’t understand you, Dad. Why are you doing this? Why are you turning Jax into a monster? Why do you want him to hate you? Why are you subjecting him to so much trauma? Why are you doing this, Dad? I don’t really understand you at all.” Sunod-sunod na tanong ni Lax na labis na naguguluhan at hindi maunawaan kung ano ba
"WHERE is she?" bungad na tanong ni Jax nang sandaling makapasok siya ng kabahayan habol ang hininga at labis na nag-aalala"We don’t have any news as of now, but authorities are searching for the kidnappers location," sagot ni Lax."Fuck! I thought everything will be okay since Viv has been already put in her place," mariing saad ni Jax na napakuyom ng kanyang kamay. "But why this is happening? Who the hell doing this-"Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kapatid. Bahagya itong napakunot ng noo."Dad, what are you doing here?" mahinang usal ni Lax nang makita ang kanilang amaTila naman nanigas ang katawan ni Jax nang marinig ang inusal ng kapatid.Dad?Ngunit sa kabila ng kanvang pagkabigla ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang sarili. Gusto niyang makatiyak kung talagang naroon ang lalaking kanyang kinamumuhian. Sa bawat segundo ng kanyang pagkilos ay kasabay noon ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hind
MATAPOS sabihin iyon ni Anna ay tinalikuran niya si Bien ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may sinabing muli ang binata.“Why? Why don’t you give me another chance? Is it because of that monster?” malakas na sigaw nito. “What makes us different that you keep forgiving and giving him chances over and over again? Why? Is it because you love being tortured by—”Hindi nagawang matapos ni Bien ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi nito.“How dare you talk to him in that way?” galit na sigaw ni Anna. “How dare you judge him based on what you've heard when you don't know anything about him?”Napapalatak si Bien sa labis na pagkadismaya. “Why would knowing him change the fact that he hurt you? You're defending the wrong man, Anna!”“Enough, Bien! I've had enough of your bullshit! It's none of your business if I choose to stay and love the man you've been judging. I'm content with what I have right now, so stop trying to bargain with me because I wo
UNTI-UNTI ng nagiging maayos ang lahat sa buhay nina Anna at Jax. Pumayag na rin si Jax na mag-undergo siya ng rehabilitation para sa kanyang PTSD, hindi man naging madali ang nagging proseso ngunit pilit na kinakaya ni Jax hindi lamang para sa kanyang sarili kung ‘di para na rin sa kanyang pamilya.“I'm pleased to see that you're making excellent progress in your rehabilitation, Mr. Tuazon,” wika ni Dr. Castro.Napayuko si Jax at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Well, thanks to the person who’s been always supportive, caring and continuing loving me without boundaries. She is the one pushed me to face my fears with courage and I’m so blessed that she’s the one by my side.”Hindi umimik si Dr. Castro at pinagmasdan lamang ang binata at hindi nito maitatanggi na malaki na rin ang pinagbago nito maging ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at natutuwa siya para dito.“That’s good to hear, Mr. Tuazon.” Ngunit gusto pa rin ng doctor kung hanggang saan limitasyon nito sa kasaluyang si
ILANG araw na binagabag ng kanyang isipan si Jax. Nag-isip siya nang nag-isip ng mga paraan kung paano niya itatama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa kay Anna. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang itama ang lahat.“If I could only...”Ngunit bago pa man ni Jax matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang kanyang iniisip at kaagad na ikinumpas ang kanyang sarili.“This isn’t the time for excuses. I need to genuinely make things right with Anna,” determinadong saad ni Jax sa kanyang sarili.Tumayo si Jax sa kanyang kinauupuan at mabilis na umuwi ng bahay para harapin ng buo si Anna. Bagamat puno man nang mga agam-agam ang kanyang isipan at takot ang kanyang puso sa maaaring maging tugon ni Anna sa kanyang pagharap ay pilit niyang nilabanan iyon lalo nang umalingawngaw muli ang mga katagang binitawan ni Tox sa kanya ng gabing iyon.“You’ll not be able to overcome that fear that keeps eating you if you will not make a way t
HUMINGA nang malalim si Anna nang matanaw ang isang pamilyar na imahe sa hindi kalayuan."Tatay..." mahina niyang sambit.Naramdaman ni Anna ang usang magaan na pagdampi ng kamay sa kanyang balikat dahilan para mapatingin siya kay Napoleon."How is he been doing?" tanong ni Anna na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha.Isang malalim na butong-hininga ang pinakawalan ni Napoleon bago sinagot ang tanong ni Anna."His health has taken a turn for worse," malungkot na saad ni Napoleon na mas lalong ikinapag-alala ni Anna.Ibinaling ng dalaga ang kanyang tingin sa kanyang ama na nakatanaw sa malayo."The medication is the only thing keeping him in a stable condition."Hindi alam ni Anna ang kanyang gagawin para matulungan niya ang kanyang ama. Alam niyang dahil sa ginawa ng kanyang ina kaya nagkaganoon ang kanyang ama. Gusto niya sisihin ang kanyang ina ngunit hindi rin nito mababago o magagamot ang kondisyon na meron ang kanyang ama."What am I going to do?" mahina niyang tanong sa kan
"THIS IS OUTRAGEOUS! Dad, you need to intervene! I refuse to spend another moment in this godforsaken place! I won't rot away here!" paghihisterikal na sigaw ni Vivienne habang kausap ang ama."Honey, calm down. You don't have to worry. I will do my best—""I don't want to hear promises, Dad! I want you to get me out of here right now!""I'm doing my best, honey, just be patient for-"Muling pinutol ni Vivienne ang pagsasalita ng kanyang ama at muling sinigawan ito."Crap the bullshit, Dad! If you don't want me to lose my mind, get the hell out of me here!" pagwawalang sigaw ni Vivienne na animo'y mawawalan na sa katinuan at labis na itong nilalamon ng pagkawalang-taros nang sandaling iyon. Huminga ito nang malalim para muling ikumpas ang sarili. "If you are really care for me, Dad, do everything you can to get the hell out of me here. Do everything...by any means."Kitang-kita ng ama ang pagkawalang-taros ng anak at labis na dinudurog ang kanyang puso sa kanyang nasasaksihan nang san