ALENA
EARLIERNagising ako ng may pumasok sa aking kwarto. Nakaidlip pala ako sa sobrang sakit ng katawan at sama ng pakiramdam. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napansin ko na si Joan pala ang dumating.May pag-aalala ang hitsura nito habang nakatingin sa akin. Agad itong lumapit sa higaan at marahan akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa ay bumuntung-hininga ito."Best, totoo ba ang kumakalat na tsismis"!? . Direchong Tanong nito sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.Agad naman akong nag iwas ng tingin dito."A-anong ibig mong sabihin Best?" nagtataka kong tanong dito. Marahan akong bumangon at umopo sa gilid ng aking kinahihigaan."Best, kalat na kalat sa buong hasyenda ang nangyari sa inyo ni Senyorito kagabi." deritsahang wika ni Joan."Dumaan sila Senyorito sa koprahan... Kasama ang kanyang mga barkada. Narinig halos lahat ng nandoon ang kwentuhan nila..... Ang tungkol sa nangyari sa inyo..." pagpapatuloy ni Joan.Natahimik ako sa sinabi nito. Naguguluhan ako. Bakit kailangan ipagkalat ni Senyorito ang nangyari sa amin. Bahagya kong naikuyom ang aking mga kamay." Best, alam mo bang narinig namin na pinagpupustahan ka lang nila? " mahinang wika ni Joan.Parang bomba na sumabog ito sa aking pandinig. Hindi ako makapaniwala. Gulat akong napatingin kay Joan."A-anong sabi mo Best? Pinagpustahan? Anong ibig mong sabihin?" naiiyak kong tanong."Best nandon ako nung nagkwentuhan sila. Dinig na dinig ko ang lahat". Malungkot na sagot ni Joan."Hi-hindi! Hindi totoo yan Joan. Nagsisinungaling ka.. Hindi magagawa sa aking ni Senyorito iyun. ". Umiiyak ko na wika dito."Totoo ang sinabi ko Best. Pustahan lang ang lahat. Nanalo si Senyorito sa time frame na ibinigay ng mga barkada niya sa kanya." naiiyak na wika ni Joan. Naawa kasi ito sa kanyang kaibigan.Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang frustration na nararamdaman. Parang biglang nawala ang pananakit ng buo kong katawan dahil sa narinig.Paanong ginawa sa akin ito ni Senyorito. Kung ganoon pinaglaruan niya lang ako? Akala ko pa naman may gusto siya sa akin kaya siya nakipagsex. Kaya niya ako ikinama. Yun pala laro lang lahat. Ganoon na lang ba yun? Pagkatapos niyang yurakan ang pagkababae ko.. Ganoon na lang? Ganoon na lang ba kababa ang tingin niya sa akin. Porket mahirap lang kami.Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak.Ilang sandali pa ay niyakap ako ni Joan. Umiiyak na din ito dahil sa awa sa akin.Sana hindi na lang ako pumayag. Sana pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko sana ito dadanansin ngayon.Malakas akong napaghaguhol habang yakap ni Joan. Walang pagsidlan ang sobrang sama ng loob na aking naramdaman ngayon. Ang sakit-sakit. Paano na ako ngayon, kami ni Nanay.Wala na akong mukha na ihaharap pa sa mga tao dito sa hasyenda. Tiyak na ako ang pinag-uusapan ng mga ito ngayon." Joan, sabihin mo sa akin na hindi totoo yan. Na nagbibiro ka lang." wika ko dito sa kabila ng pag iyak. Umaasa pa rin ako na nagbibiro lang si Joan.Umiling lang sa akin si Joan habang bakas sa mukha nito ang lungkot."Joan, nagbibiro ka lang diba? Hindi magagawa sa akin ni Senyorito ito." Joan Please sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang." umiiyak na pakiusap ko dito. Umaasa ako na hindi totoo ang kanyang mga sinabi." Magkekwento naman ako sa iyo eh.. Wag mo lang akong biruin ng ganito.. Please, Joan please.. Maawa ka.. Sabihin mo nagbibiro ka lang". Pagmamakaawa ko dito."Best totoo ang sinabi ko sa iyo. Dinig na dinig namin lahat ng nasa koprahan.". Umiiyak na wika ni Joan.Umiling ako at lalong napaiyak. Hindi ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin. Nag uumpisa pa lang akong magkagusto sa isang lalaki winasak agad nito ang puso ko.Ilang sandali pa ay nag-aalalang mukha ni Aling Clara ang pumasok sa kwarto. Agad itong lumapit kay Alena."Nay..... Sorryyy...." agad na wika ni Alena sa kanyang ina-inahan. Alam niyang ito ang labis na masasaktan kapag malaman nito ang totoo. Yumakap ako dito at umiyak ng umiyak."Anak.. Bakit mo ginawa ito? Bakit ka nagpadalos-dalos. Bakit ka nagtiwala agad? " malumanay na tanong ni Nanay Clara.Sa tono ng boses at tanong nito alam niyang nakarating na kay Nanay Clara ang balita. Mabilis talaga kumalat ang tsismis dito sa hasyenda.Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Nanay. Alam kong isa akong malaking kahihiyan. Tanging pag-iyak na lang ang aking nagawa. Hindi ko alam kung paano malulusutan ang mga nangyari na. Napakasakit tangapin na niluko ka ng isang tao. Isang tao na akala ko ay may nararadaman din. Isang tao na akala ko ay kaya akong ipagtanggol. Masyadong bata pa nga ako para magtiwal. Ang tanga ko!!!"Anak, tahan na. Wala na tayong magagawa pa. Hayaan mo kakausapin ko sila. Kakausapin ko si Senyorito." wika ni Nanay. Bakas sa boses nito ang lungkot at pag aalala. Nakita ko din ang bahagyang pagtulo ng luha nito na agad naman nitong pinunasan.******Buong araw akong nagmukmok sa kwarto pagkaalis ni Joan. Wala akong lakas ng loob na lumabas. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi ko na ininda oa ang sakit ng aking katawan. Tanging sakit ng kalooban ang nangingibabaw ng mga sandaling ito.Hindi din ako kumakain. Ilang beses akong dinalhan ng pagkain ni Nanay pero wala akong gana. Parang hindi ko malunok ang pagkain sa sobrang sama ng loob ko.Mag aalas-singko ng hapon ay muling pumasok si Nanay sa kwarto. Nag aalala itong tumingin sa akin. Alam kong mugto ang aking mga mata sa walang tigil na pag iyak. Sa maghapong pag-iyak."Anak, pinapatawag tayo nila Senyora at Senyor." wika ni Nanay Marta.Agad akong nakaramdam ng takot sa sinabi ni Nanay. Bahagyang nanginig ang buo kong katawan. Alam kong alam na din ng mga amo namin ang nangyari."Nay, natatakot po ako". Pabulong na wika ko kay Nanay. Pakiramdam ko mawalan ako ng lakas dahil sa maghapon na pag-iyak."Huwag kang mag-alala Anak. Nandito lang ako.. Hindi kita pababayaan". Wika ni Nanay.Bahagya akong tumango. Dahan-dahan akong tumayo sa aking higaan at inayos ang aking sarili para maghanda upang makausap ang mga amo.Ilang sandali pa ay dahan dahan na kaming naglakad palabas ng aming quarters. Nakasalubong pa namin ang ibang katulong na masama ang tingin sa amin. Hindi din nakaligtas sa aking pandinig ang panlilibak ng mga ito."Hayst akala mo kung sino, malandi naman pala". Parinig pa na sambit na wika ng isang kasama namin na katulong dito sa mansion. Si Rosa ito. Kahit noon pa man ay mainit na ang dugo nito sa akin. Kaya hindi na ako nagtaka pa kung sasabihin niya ito ngayon. Bahagya pang nagtawanan ang mga ito.Tiningnan naman ito ng masama ni Nanay. Pero tumitig din ito sa amin ng nakakainsulto. Ngumisi pa si Rosa ng nakakainsulto.Marahan kong hinawakan ang kamay ni Nanay bilang hudyat na huwag ng pumatol. Marahang tumango si Nanay at patuloy na kaming naglakad papuntang library. Doon daw kasi kami kakausapin ng aming mga amo.Pagpasok namin sa library ay nadatnan namin si Senyora Amelia, Senyor Alfredo at Senyorito Justine. Agad akong napayuko ng titigan ako ng masama ni Donya Amelia.Nang sulyapan ko si Justine ay nakatitig lang ito sa akin. Blanko ang expression nito.Nakinig ako sa pag uusap ni Nanay at Donya Amelia. Bigla akong nakaramdam ng panliliit dahil sa insulto na binitiwan ng Donya sa amin.Hindi na lang ako umimik. Wala eh kailangan kong tanggapin ang lahat ng pang - iinsuulto nila huwag na lang lumaki pa ang issue.Pero nagulat ako ng marinig ko na ikakasal na pala si Senyorito Justine sa kanyang kasintahan. Gusto kong sumbatan si Senyorito pero pinigilan ko ang aking sarili. Wala akong karapatan na masaktan dahil sa umpisa pa lang hindi malinaw kong anong meron sa amin. Kung baga wala kaming labelSex lang ang namamagitan sa amin. Katawan lang ang habol ni Senyorito sa akin.Pero hindi na ako makapagpigil pa ng biglang ibato sa amin ng Donya ang sobre na may lamang pera sabay sabi na lumayas na kami. Pakiramdam ko bigla akong nanliit. Yun lang ba ang kapalit ng aking dangal. Isang pang-iinsulto at pagbato ng pera sa aming mukha."Pasensya ka na Senyora, pero hindi namin kailangan ang pera mo...kung iinsultuhin niyo lang din naman kami ng ganito, mas mabuti pa nga na aalis na kami dito." wika ni Nanay na bakas sa boses ang pait na nararamdaman."Huhhhh!!! Sige lumaaayas kayo dito ngayon din...kung ayaw niyo ng Pera eh di huwag...o baka naman nakukulangan ka. Magkano ba Clara????? ." ganting wika ng Donya na halos lumabas na ang litid nito sa sobrang galit."Hindi namin kailangan ang pera mo Senyora. Kaya namin magtrabaho para mabuhay". Ganting wika ni Nanay.Tumawa lang nang nakakainsulto ang Donya.Hinawakan ako ni nanay at hinila upang umalis na ng library. Pero bago pa kami nakalabas narinig pa namin ang sinabi ng Senyora."Mga ambisyosa. Mga hampas-lupa, mga bastos!!! Ayaw na ayaw ko ng makita pa ang mga pagmumukha niyo!!!!Bulyaw nito sa amin. Agad kong naikuyom ang aking mga kamay sa sobrang panggigil. Gusto ko itong sagutin pero alam kong hindi kami mananalo sa mga ito.Natatakot ako na baka saktan nila kami. Wala kaming kalaban-laban ni Nanay kung mangyari yun. Balwarti nila ito. Lahat ng gusto nila ay magagawa nila sa amin.Naglalakad kami ni Nanay pabalik ng aming quarters para magligpit ng aming mga gamit ng biglang may humawak sa aking balikatNang lingunin ko ito ay nakita ko si Senyorito. Sumunod pala ito sa amin."Pwede ba tayong mag-usap!?". Tanong nito sa akin sabay tingin kay Nanay para humingi ng permiso."Para ano pa Senyorito. Sinira mo na ang buhay ni Alena." bakas ang galit sa boses ni Nanay."Please, kahit sandali lang. May gusto lang akong sabihin. Alena, please pwede ba. Sandali lang ito." Pakiusaap nito sa akin.Bahagya naman akong tumango. Nilingon ko si Nanay para magpaalam dito na kakausapin ko si Senyorito. Kahit ngayon lang. Sa huling pagkakataon." Susunod agad ako sa quarters Nay. Sandali lang ito". Paalam ko kay Nanay.Tiningnan ako ni Nanay at tumango. Agad itong tumalikod para pumunta na ng aming kwarto at nang makapag-umpisa ng magligpit.Hinila ako ni Senyorito at dinala sa tagong lugar ng mansion."Im Sorry Alena, hindi ko akalain na mangyayari ito." Sorry sa lahat. Hayaan mo babawi ako". Wika nito sa akin."Sorry??? Yun lang ba ang masasabi niyo pagkatapos ng lahat ng ito. Alam niyo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin? Pinagpustahan niyo lang pala ako...." umiiyak kong wika dito."Anong kasalanan ko? Bakit ako pa Senyorito?" tanong ko dito.Agad itong nag iwas ng tingin sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.Maya-maya pa ay may kinuha ito sa bulsa. Inabot nito ang isa kong kamay at ipinatong ang puting sobre.Naguguluhan akong binuksan ito. Tseke ang laman nito at nakasulat ang halaga na nakapaloob dito."Isang Milyon? Bayad ba ito sa nangyari sa atin? Ito ba yong kabayaran sa pakikipagtalik ko sa iyo?" galit na wika ko dito."N-no.. No Alena.. Gusto ko lang makatulongKailangan niyo yan sa inyong pag-alis. Para makapag-umpisa ulit." kumbinsi nito sa akin.Bahagya akong umiling. Matalim ko itong tinitigan. Maya-maya pa ay buong gigil kong pinunit ang tseke habang nakatitig ng matalim sa mga mata ni Senyorito.Pagkatapos kung punitin ang tseke ay buong lakas ko itong ibinato sa kanya. Nakita ko na nagulat si Senyorito sa aking ginawa. Napatiim bagang pa ito."Hindi ko kailangan ang pera niyo. Kaya naming matrabaho para mabuhay." galit na wika ko dito sabay talikod."Sana masaya ka sa ginawa mo sa akin. Sinira mo ang buhay ko Senyorito. Sana maging masaya ka!!!" wika ko ulit sabay alis. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at mabilis akong bumalik sa kwarto namin ni Nanay.Naabutan ko si Nanay na naghihintay na sa akin. Tapos na itong mag-impake. Sabagay tanging damit lang naman ang meron kami. Wala ng iba. Kakarampot at lumang damit.Isang maliit na bagback at isang maliit na traveling bag lang ang aming dinala. Tanging ilang pares lang na damit. Dali-dali kaming lumabas ng mansion at naglakad papuntang gate."Clara, Alena.. Sandali lang". Narinig ko na may tumawag sa amin. Lumingon kami ni Nanay at nakita ko na si Aling Sonya, ang mayordoma ang tumawag sa amin.Nang makalapit sa amin ay agad nitong inabot ang kamay ni Nanay."Heto, tanggapin mo ito. Maliit lang na halaga pero sana makatulong." Wika ni Aling Sonya."Naku Sonya, huwag na at nakakahiya sa iyo, meron pa naman kami ditong Pera. Sasapat na siguro ito sa aming pupuntahan. " nakangiti na tanggi ni Nanay."Huwag ka ng mahiya Clara. Galing ito sa sweldo ko. Magtatampo ako sa inyo kapag hindi mo ito tanggapin." pamimilit ni Aling Sonya."Ah... Ehh.. Sige.. Salamat Sonya, malaking tulong ito sa amin." nakangiti na sagot ni Nanay.Binalingan naman ako ni Aling Sonya at ngumiti sa akinNagulat ako sa ugali nito ngayon dahil kilala ito sa pagiging masungit."Pasensiya ka na Alena ha? Mag iingat na lang kayo sa inyong pupuntahan. Magpakatatag ka. Sana magkita pa tayo ulit." nakangiti na wika nito sa akin. Agad naman akong yumakap dito."Salamat po". Wika ko kay Aling Sonya ng kumalas ako sa pagyakap dito. "Pakisabi nalang po kina Joan na umalis na kami. Susulat nalang po ako sa kanila."Dagdag ko dito.Marahan naman itong tumango. Humakbang na kami ni Nanay palabas ng Gate.Pinilit ko ang sarili ko na huwag ng lumingon pa. Lilisanin ko ang lugar na ito at hindi na babalik pa kahit kailan. Ang lugar kung saan ang akala ko ay isang Paraiso. Akala ko ay ganoon lang kadali magmahal. Ganoon lang kadali magtiwala. Nagkamali ako. Sa murang isip at puso ko ay nakaramdam ako ng matinding poot. Ng himagsik ng kalooban. Hinding hindi na ako tatapak sa lugar na ito kahit kailan. Pipilitin kong kalimutan ang lahat. Ang lahat-lahat.ALENAHinihingal ako habang nakaupo sa isang bahagi ng bangketa dito sa Metro Manila. Napakagulo ng paligid. Abala lahat ng tao na akala mo ay laging may hinahabol. Mausok ang paligid. Tagaktak na din ang pawis sa buo kong katawan. Sobrang init ng panahon. Nakatanaw ako kay Nanay Marta na noon ay mabilis na naglakad papunta sa isang tindahan para bumili ng tubig. Bahagya kong nilingon ang dala namin na kariton na noon ay puno ng mga kalakal. Papunta na sana kami sa suki naming junk shop ng makaramdam ako ng pananakit ng aking balakang. Pakiramdam ko naninigas ang aking tiyan. Kaya nakiusap ako kay Nanay na kung pwede ay magpahinga muna kami. Akala ni Nanay nauuhaw lang ako kaya nagpaalam ito na bibilhan ako ng malamig na tubig. Dito kami napadpad sa Manila ng pinalayas kami sa hasyenda Falcon. Nakarating naman kami ng maayos dito at nakakuha ng mauupahan na maliit na kwarto. Akala ko magiging maayos ang buhay namin. Pero nagkamali ako. Lalo kaming naging misereble. Lalo kaming nagin
Naku ano ang nangyari kay Ineng? Sumakay na kayo dito sa aking tricycle, ihahatid ko kayo sa hospital." boluntaryo na wika ng tricycle driver. "Naku salamat sa iyo Manong. Kailangan madala itong anak ko sa hospital dahil sumasakit ang tiyan. Buti na lang at hinintuan mo kami." wika ni Nanay habang inaalalayan akong isakay sa loob ng tricycle. Napansin ko nman na may kinuha si Nanay sa loob ng kariton. ang maliit na bag nito na hindi hinihiwalay kahit saan kami magpunta. Mabilis na pumasok sa loob ng tricycle para alalayan ako. Hinaplos-haplos pa nito ang aking tiyan sa pagbabakasakali na maibsan ang sakit na aking nararamdaman."Huwag kayong mag alala Mrs. Babalikan ko yung kariton niyo pagkatapos ko kayong maihatid sa hospital." boluntaryong wika ng driver sa amin. Agad nitong pinaandar ang tricycle. "Naku salamat Manong. Napakabait niyo po. Alam niyo ba na sa dinami-dami ng dumaan na sasakyan sa lugar na iyon kayo lang ang kusang huminto." wika ni Nanay. "Maliit na bagay Mrs. Si
ALENA"Diyos ko Alena, salamat at gising ka na." Agad na narinig kong wika ni Nanay Clara. Bakas sa boses nito ang tuwa."Nanay, nasaan po ako." nanghihina kong tanong dito."Nandito ka sa hospital anak. Nawalan ka ng malay kanina. Salamat sa diyos at maayos ka na." sagot ni Nanay"Nay, kumusta po ang baby ko?" tanong ko kay Nanay at biglang kinapa ang aking tiyan. Bigla akong nag alala sa kalagayan ng aking anak dahil dinugo pala ako bago ako nawalan ng malay."Huwag kang mag-alala anak. Ligtas ang bata sa iyong sinapupunan." wika ni Nanay sa akin na agad naman na nagpawala ng aking alalahanin."Salamat naman po kung ganoon". Sagot ko dito at agad na iginala ang aking paningin sa paligid. Nagtaka ako dahil nandito ako sa malaking kwarto at halatang mamahalin ito."Nay, baka wala tayong pambayad dito sa hospital. Mahal po yata dito." nag aalala kong wika kay Nanay."Huwag kang mag-alala anak mayroong tao na tumulong sa atin." sagot ni Nanay."Kahit na po Nay. Nakakahiya po. Labas na p
ALENAMabilis na lumipas ang mga araw. Nandito ako ngayon sa isang bahay na pag-aari ng Kuya William sa isang sikat at exclusive na subdivision dito sa Makati. Wala pa rin si Kuya Damon. May mga importante daw itong inaasikaso at kahit gustuhin na umuwi nito para makita ako ay hindi nito magawa. May mga bagay daw kasi itong dapat gawin na hindi dapat ipagpaliban. Minsan ko na din itong nakausap sa telepono at masaya ako dahil naririnig ko sa boses nito ang sobrang kaligahan dahil sa wakas natagpuan na nila ako. Kapansin-pansin din ang maraming security guard na laging nag-iikot sa paligid ng bahay ni Kuya William. Hindi bababa sa sampung katao ang mga ito. Matitikas ang mga pangangatawan at kung kumilos ay akala mo laging sasabak sa gyera. Purong mga mayayaman at kilalang tao ang nakatira sa lugar na ito. Malalaki ang mga bahay at talaga namang nag-uumapaw ang karangyaan na makikita kahit sa labas pa lang ng bahay. Hindi naman pahuhuli ang bahay ni Kuya William. Hindi ito nalalay
ALENAGalit na dinuro ni Donya Amelia si Ate Anastasia . "Who are you para saktan si Valerie? Galit na wika ng Senyora kay Ate. Nanlilisik ang mga mata nito." And who are you para makialam?" ganting tanong ni Ate Anastasia. Nakataas ang kilay nito. Palaban at talaga namang lumabas ang pagiging maldita ni Ate Anastasia. " Ana, magiging mother in law na ng bruhang iyan. " sagot ni Nanay Clara sabay turo kay Valerie na noon ay umiiyak na."Ohhhhh???? In laws pala. Ang malas naman ng anak mo kung ganoon." ang nang- uuyam na sagot ni Ate Anastasia. Nginisihan pa nito si Valerie na noon ay hindi makatingin ng diretso kay Ate. Agad naman namutla si Valerie sa sinabi ni Ate. Parang may malaki itong sekreto na tanging si Ate lang ang nakakaalam. Napangisi naman sila Ate Jane at Ate Marga. Gumuhit ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi ng mga ito. Hindi naman mapakali si Valerie. Para itong natataranta na ewan. "Abat--- bastos ka ah!!!! Galit na wika ni Senyora Amelia. Nanlilisik ang mga ma
ALENAPasimple kung pinunasan ang luha sa aking mga mata. Nakatitig ako sa aking cellphone habang tinitingnan ang larawan nila Senyorito Justine at Valerie. Ikakasal na pala ang mga ito sa susunod na araw. Kaya pala magkasama sila ng Donya ar Valerie sa pamamasyal. Talaga ngang boto ang buong Falcon kay Valerie. Sabagay, ang mayayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap. Hindi pwedeng magsama ang langit at lupa ika nga. Nakakalungkot lang. Siguro kung hindi ako nakidnap at dito lumaki sa piling ng tunay kong pamilya, hindi ko siguro dadanasin ang matinding pang-aalipusta. Ang matinding rejection. Mamahalin kaya ako ng isang Justine Falcon kung alam nitong galing ako sa mayaman na pamilya? Pero hindi, hindi sukatan ang istado ng buhay. Kung iyun ang kanyang sukatan sa pag-ibig mas mabuti pang huwag na lang. Para sa akin hindi iyun ang tunay at wagas na pagmamamhal. Kung talagang mahal niya ako kaya niya akong paglaban sa lahat at sa pamilya nito. Hindi niya ako sasak
JUSTINE FALCON"Anong balita mga Pare? Wala pa rin ba?" tanong ko kina Casper at Marco. Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto kasama ang dalawa kong kaibigan.Halos araw-araw ito ang ginagawa ko. Halos hindi ako lumalabas ng kwarto. Kahit sa pagkain ay hinahatiran ako ng mga katulong.. Araw-araw akong galit sa mundo. Kahit ang mga katulong ay napagdedeskitahan ko rin. Katulad kanina, dinalhan ako ng pagkain ng isang maid. Nang tikman ko ito ay hindi ko nagustuhan ang lasa. Galit na inihagis ko ang mga ito sa basurahan. Galit kong binulyawan ang katulong at pinalabas sa aking silid. Takot na takot naman itong umalis. "Pasensya na Justine, wala pa rin eh. Ilang private investigator na ang aming kinausap, wala pa rin silang maibigay na malinaw na detalye kung nasaan si Alena ngayon." sagot ni Marco"Bullshit!!!! Mga bobo ba yang mga kinuha niyo? Napakasimpleng bagay ang pinapahanap sa kanila hindi pa rin nila mahanap!!!" galit ng sagot ko. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo dahi
THIRD PARTY POVNagtatakbo papunta sa harap ng flat screen monitor si Valerie.... sumisigaw ito."Tama na!!! Ano ba i off niyo iyan... Ano ba ang ginagawa niyooooo!" sigaw nito. Halos lumabas ang litid nito sa kakasigaw. Nagkalat na rin ang make-up nito sa mukha dahil sa kanyang pag-iyak.Hindi nito alam ang gagawin kong paano tatakpan ang monitor para lang matigil na sa paglabas ang kanyang malaswang videoYes, napakalaswang video. Kasama niya sa kama ang kasamahan niyang model. Kitang-kita kong gaano sila ka-wild sa isat isa.. Nang lumingon ito sa mga bisita ay napansin niya ang nang-uuyam na tingin nito sa kanya. Napailing-iling naman ang iba at punong puno ng panlalait ang mga tingin. Nagulat siya ng may biglang sumampal sa kanya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang kaniyang Daddy Ramon. "Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito Valerie!" Galit na wika ng kanyang ama. "Dad, I am sorry. I am sorry..." tanging wika ko dito. Hawak nito ang nasaktang pisngi dahil sa laka
ALENA POVTahimik akong nakamasid sa dalawang batang naglalaro sa buhanginan. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang binubuo ang isang kastilyong buhangin. Nandito kami ngayun sa isang tagong Isla sa Visayas. Pinili namin magbakasyon dito para makaiwas sa ingay at polusyon ng Manila. Isa pa gusto namin magkaroon ng quality time para sa isat isa. Nagiging masaya ang buhay namin simula ng muli kong patawarin si Justine. Tama nga sila, hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban kapag hindi mo papakawalan ang galit na nasa puso mo.Halos limang taon na kaming nagpapabalik-balik dito. Masaya, tahimik at sariwa ang hangin. Solong-solo ng pamilya namin ang buong lugar na ito. Matamis akong napangiti ng kumaway sa akin ang anak kong si Rhian. Yes....eight years old na siya ngayun. Kay bilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata. Ilang taon pa ang bibilangin at may mga dalaga at binata na kami.Sinulyapan ko ang batang lalaki na masayang tumatawa
ALENAAgad kong inasikaso si Baby Rhian pagkagising ko. Kailangan kong makabalik ng hospital bago gumabi. Papalitan ko sa pagbabantay kay Justine sila Donya Amelia dahil uuwi daw muna sila ng bahay. Isa pa muling nagising si Justine kanina at hinanap daw ako."Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng makakasama sa hospital? Pwede kang magsama ng kahit isa sa mga kasambahay dito para naman may mautos-utusan ka doon." suhestiyon ni Nanay Clara pagkatapos kong sabihin dito na ako ang magbabantay kay Justine ngayung gabi. Bukas din daw gagawin ang surgery nito kaya kailangan ng support ng pamilya para hindi panghinaan ng loob ng pasyente."Kaya ko na ang sarili ko Nay. Pasensya na po kung kayo ulit ang magbabantay kay Rhian ngayung gabi. Babawi po ako sa inyo sa mga susunod na araw kapag maayos na ang lahat." sagot ko kay Nanay Clara."Nakuwww, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya akong alagaan ang anak mo Alena." sagot naman ni Nanay Clara. Nakangiti naman akong nagpasala
ALENAKasabay ng pagkabog ng dibdib ko ang pag-uunahan sa pagtulo ng luha sa aking mga mata. Parang bigla akong nawalan lakas at biglang nanghina ang tuhod ko."Alena, diba kausap mo pa lang siya kanina? Tumawag si Marco kay Casper ngayun lang at ayun dito pagkatapos niyong mag-usap ni Justine nagyaya daw itong pumunta ng bar. Uminom daw ng uminom ng alak habang umiiyak at hangang sa malasing. Pagkatapos nagyaya na daw itong umuwi at tinanong ni Marco kung kaya pa niyang magdrive dahil ihahahatid nya na lang daw sa bahay nito. Kaya lang nag-insist si Justine na hindi pa daw siya lasing. Kaya pa daw niya ang sarili niya kaya naman walang ng magawa si Marco kundi hayaan ang kanyang kaibigan. Sinundan niya daw ito hanggang sa makalabas sila ng highway. Noong una maayos pa naman daw ang pagdadrive ni Justine pero nagulat siya ng bigla itong kumabig at ibinangga ang sasakyan sa kasalubong na truck." pagsasalaysay ni Ate Anastasia. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa matinding takot na
ALENAHindi naman ako ganoon kasama para hindi makaramdam ng awa sa sitwasyon ngayun ni Valerie. Kitang kita naman sa hitsura nito na nahihirapan ito ngayun. Pero hindi ko alam kung gaano ito kasensero sa paghingi ng tawad. Malaki ang kasalanan nito sa akin at hindi ganoon kadali ang lahat para kalimutan ko na lang basta basta. . Ngunit hindi din naman ako ganoon kasama para hindi ito tulungan sa kanyang problema kung totoong nagsasabi ito ng katotohanan. .Muli kong binalikan si Nanay Clara. Ilang minuto pa kaming nanatili sa garden hangang sa nagpasya akong pumasok na muna sa loob ng bahay para makapagpahinga. Kakausapin ko muna mamaya si Kuya Damon. Hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan si Valerie. Kung totoo mang maysakit ang anak nito, sino ba naman ako para pagkaitan ito ng tulong."Balita ko pinuntahan ka dito kanina ni Valerie?" agad na tanong sa akin ni Kuya Damon habang kumakain kami ng hapunan. Katabi nito si Erin. Agad naman akong tumango"Nanghihingi siya ng tulong Kuya
JUSTINEHIndi maalis-alis ang tingin ko sa harap ng telibisyon habang pinapanood ang interview kay Alena kanina ng mga reporters sa mall kung saan ito nakikitang namamasyal. Nagkakagulo ang mga fans nito at halatang sabik silang lahat na makita ang kanilang iniidulo. Nandito ako ngayun sa condo kung saan nakatira sila Alena noon. Nandito lahat ng alaala namin kaya mas gusto ko dito manatili kaysa sa bahay ko sa Alabang. Malaki ang ipinagbago ng babaeng mahal ko. Ibang iba na ito ngayun. Medyo tumaba na ng kaunti pero hindi pa rin maitatago ang natural nitong kagandahan. Napaka-simple nitong tingnan sa kanyang suot na simpleng pants at tshirt. Napaka-fresh nitong tingnan. Halatang wala na itong problema pang iniisip. Hindi katulad noon na kapag ngumingiti ay hindi nakakaabot sa kanyang mga mata.Natuwa ako sa statement na ibinigay nito. Kung ganoon hindi na ito mag-aartista. Halatang sa ibang bansa ito dinala ng mga kapatid dahil na din sa mga lumalabas na salita nito sa bibig. Balik
ALENA"Ako na muna ang bahala kay Baby Rhian Alena. Sinabi kasi sa akin ng Ate Anastasia mo na aalis kayo ngayun dahil may mga bibilhin kayong mga bagay na gagamitin sa kasal ng Kuya Damon mo. At isa pa gusto daw niyang magshopping kayong dalawa. Huwag mong isipin ang bata. Ako ang bahala sa kanya." wika ni Nanay Clara sa akin habang kumakain kami ng agahan dito sa dining area."Sigurado po kayo Nay? Hangat maaari ayaw ko po kasi munang ipakita sa public si BAby Rhian kaya wala akong balak na isama siya sa Mall o sa kahit saang public na lugar dahil iniisip ko po ang kaligtasan niya." sagot ko dito. "Kaya ako na ang bahala sa kanya. Minsan lang naman kayong magka-bonding na magkapatid kaya sumama ka na sa kanya. Basta bilhan mo na lang ako ng kakanin bilang pasalubong. Iyun kasi ang na-miss ko dito sa Pilipinas." sagot naman ni Nanay Clara. "Sige po...kung mapilit kayo sino ba naman ako para magmatigas pa. Pagkakataon ko na itong makapagshopping Nay." natutuwa kong sagot dito. Na
JUSTINEHindi bat sinabi ko na tapusin niyo agad ang pinapagawa kong presentation sa iyo? Ano ang ipi-present natin kay Mr. Sandoval bukas ng umaga?' galit na sigaw ko sa aking empleyado dito sa opisina. Bukas pa naman ng umaga ang presentation na gagawin namin kay Mr. Sandoval pero dahil nagiging perfectionist na ako gusto kong ngayun pa lang tapos na ito para ma-review ko kung may dapat bang idadagdag o ibabawas."Pa-pasensya na po kayo Sir, matatapos na po ito agad before maglunch break. Medyo late na po kasi na- indorse sa akin ni Ms. De Guzman ang tungkol dito kaya late ko na din naumpisahan." pagdadahilan nito."I dont care Mr. Laurel. Basta ang gusto ko ibigay niyo agad sa akin ang finish product dahil rereviewhin ko pa iyan. Ayaw na ayaw ko ng palpak ng trabaho Mr. Laurel alam mo iyan!." galit kong sagot dito. Agad naman itong tumango at nagpaalam. Naiwan naman akong sumasakit ang aking ulo dahil sa matinding inis.Ito ang naging buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Ibinuhos
ALENASakay ng private jet bumiyahe kami pabalik ng Pilipinas. Kasama ko si Nanay Clara pati na din ang aking baby na si Rhian. Pagbaba ng private jet ay agad kaming sinalubong ng sasakyan ni Kuya Damon. Balik sa dating gawi ang buhay ko, may nakabuntot na naman na bodyguard sa amin habang bumibyahe kami papunta sa bahay ni Kuya Damon sa Makati. Doon ko napiling tumira hangat nasa Pilipinas pa kami. Wala naman akong balak magtagal dahil mas gusto kong manatili na lang ng Germany hangang sa lumaki si Rhian. Feeling ko mas safe ang anak ko kapag doon kami maninirahan. Pagod na ako sa buhay dito sa Pilipinas at ayaw ko na ng intriga. Sa nakalipas ng tatlong taon na pananatili ko sa Germany nagkaroon ako ng peace of mind at muling nanumbalik ang pagiging possitive ko sa buhay.Pagdating sa Bahay ay agad na sumalubong sa akin ang munting salu-salo na inihanda ng mga kapatid ko. Agad akong niyakap ni Ate Anastasia at Erin. Buntis na si Erin kaya minamadali na nilang dalawa ni Kuya Damon ang
ALENASobrang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala ako dito sa Germany. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng katahimikan sa lugar na ito. Sabagay wala naman akong ibang ginawa dito kundi ang mag movie marathon at mag shopping. Iniiwasan ko na din sumagap ng kahit anong balita mula sa Pilipinas. Araw araw din akong tinatawagan ng mga kapatid ko para kumustahin kaya kahit papaano ay hindi ko sila masyadong na-mimiss. "Alena, nakaready na ang pagkain sa lamesa. Bumaba ka na para malagyan ng laman iyang sikmura mo. Anong oras ka ba natulog kagabing bata ka? Bakit hangang ngayun nakahiga ka pa diyan sa kama mo?" tanong ni Nanay Clara sa akin. Kanina pa ako kinakatok nito pero hindi ko pinapansin hangang sa pinasok niya na ako dito sa kwarto at nadatnan niya akong nakahilata pa sa kama. Hinawi nito ang kurtina kaya naman biglang nagliwanag ang buo kong kwarto. Agad akong nag-inat at bumangon."Sobrang ganda kasi ng pinapanood ko kagabi Nay. Hindi ko namalayan ang oras." sagot ko dito at t