JUSTINE FALCON"Anong balita mga Pare? Wala pa rin ba?" tanong ko kina Casper at Marco. Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto kasama ang dalawa kong kaibigan.Halos araw-araw ito ang ginagawa ko. Halos hindi ako lumalabas ng kwarto. Kahit sa pagkain ay hinahatiran ako ng mga katulong.. Araw-araw akong galit sa mundo. Kahit ang mga katulong ay napagdedeskitahan ko rin. Katulad kanina, dinalhan ako ng pagkain ng isang maid. Nang tikman ko ito ay hindi ko nagustuhan ang lasa. Galit na inihagis ko ang mga ito sa basurahan. Galit kong binulyawan ang katulong at pinalabas sa aking silid. Takot na takot naman itong umalis. "Pasensya na Justine, wala pa rin eh. Ilang private investigator na ang aming kinausap, wala pa rin silang maibigay na malinaw na detalye kung nasaan si Alena ngayon." sagot ni Marco"Bullshit!!!! Mga bobo ba yang mga kinuha niyo? Napakasimpleng bagay ang pinapahanap sa kanila hindi pa rin nila mahanap!!!" galit ng sagot ko. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo dahi
THIRD PARTY POVNagtatakbo papunta sa harap ng flat screen monitor si Valerie.... sumisigaw ito."Tama na!!! Ano ba i off niyo iyan... Ano ba ang ginagawa niyooooo!" sigaw nito. Halos lumabas ang litid nito sa kakasigaw. Nagkalat na rin ang make-up nito sa mukha dahil sa kanyang pag-iyak.Hindi nito alam ang gagawin kong paano tatakpan ang monitor para lang matigil na sa paglabas ang kanyang malaswang videoYes, napakalaswang video. Kasama niya sa kama ang kasamahan niyang model. Kitang-kita kong gaano sila ka-wild sa isat isa.. Nang lumingon ito sa mga bisita ay napansin niya ang nang-uuyam na tingin nito sa kanya. Napailing-iling naman ang iba at punong puno ng panlalait ang mga tingin. Nagulat siya ng may biglang sumampal sa kanya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang kaniyang Daddy Ramon. "Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito Valerie!" Galit na wika ng kanyang ama. "Dad, I am sorry. I am sorry..." tanging wika ko dito. Hawak nito ang nasaktang pisngi dahil sa laka
ALENASakay kami ngayun ni Nanay Clara sa isa sa mga mamahaling sasakyan ni Kuya Damon. Komportable kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa labas ng bintana.Mabilis ang aming byahe pabalik sa lugar kung saan isinumpa ko na kahit kailan ay hindi ko na babalikan pa... Ang Santa Elena.. Hindi ko alam na magbabago pala ang isip ko. Sa susunod na linggo aalis na ako. Pupunta na ng Switzerland at doon na tuluyang maninirahan. Panahon na lang ang makapagsabi kung kailan ako babalik ng Pilipinas. Pero sa ngayun kailangan ko munang bisitahin ang aking mga kaibigan. Gusto ko silang makita bago aalis ng bansa. Nagpaalam ako kina Kuya Damon at Kuya William kung pwedeng makipagkita sa mga kaibigan ko. .nagpapasalamat ako dahil agad naman silang pumayag. Si Ate Anastasia naman ay hindi ko matawagan. Masyado siguro itong abala. "Anak, hindi ka pa ba napapagod sa byahe? Gusto mo bang magpahinga muna tayo" nag-aalang wika ni Nanay sa akin."Nay, ayos lang po ako. Komportable itong mg
ALENAPakiramdam ko pinagpawisan pati kamay at kili-kili ko ng makita kong dumirecho ng counter sila Justine. Hindi ko alam ang aking gagawin.Lalo akong kinabahan ng luminga-linga sa paligid si Marco. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nito ng mapansin niya ako. Puno ng pagtatakang napatitig ito sa akin.Kapagkuwan ay nakita kong kinalabit at bumulong kay Justine. Agad akong nag-iwas ng tingin at dumako ang titig ko sa aking mga bodyguards na noon ay matamang nagmamatyag sa paligid."Alena?" bahagya pa akong napakislot ng marinig ang boses ni Justine na tinatawag ako. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim bago ko ibinaling ang tingin dito. Nakita ko ang pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Agad kong hinagilap ang aking bag at inilagay sa aking harapan. Ayaw kong mapansin nito ang aking tiyan. Ayaw kong malaman nito na nagdadalantao ako.Saglit lang akong tumingin dito at iniwas ulit ang aking mga mata sa kanya. Ayaw ko siyang pansinin. Gusto
ALENAFive Years Later"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Alena? Uuwi kayo ng Pilipinas? Kung ako kasi ang masusunod mas mabuti na dito na lang muna kayo mag stay ni Sean Jacob sa Switzerland. Mas panatag ang kalooban namin ni Anastasia at Kuya Damon dito sa Switzerland." wika ni Kuya William. Sa nakalipas na limang taon, nagdesisyon sila Ate at kuya na dalhin ako dito sa Switzerland kasama si Nanay Clara. Gusto kasi nilang kalimutan ko na ang mga mapapait na alaala na nangyari sa akin sa Pilipinas. Isang nakaraan na nagbunga ng isang anghel. Ang aking anak na si Sean Jacob. Alam ko sa aking sarili na kaya ko ng harapin ang buhay sa Pilipinas. Tama na ang limang taon na umalis ng bansa kung saan ako lumaki at nagkaisip. Sa nakalipas ng limang taon, pagkatapos kong isilang ang aking anak ay hinasa ako nila Kuya's at Ate sa lahat ng bagay. Lalong lalo na sa mga bagay na dapat ay kaya kong ipagtangol ang aking sarili. Tinuruan nila akong maging matapang at malakas. Paulit-ulit nilang s
JUSTINEAbala ako sa loob ng aking opisina ng biglang pumasok sina Marco at Casper. Sa nakalipas na limang taon hindi sila umalis sa aking tabi lalo na noong mga panahong lugmok at nagsisisi ako sa mga kasalanan na nagawa ko kay Alena. Yes, sobrang laki ng aking pagsisisi sa nagawa kong kasalanan. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana ako nagtake-advantage dito. Masyado pa itong bata para maranasan ang panloloko na ginawa ko dito.Hindi ko alam kung nasaan na ito ngayon. Tuluyan itong naglaho at walang sino man ang nakakaalam kung nasaan na si Alena. Ang huling pagkikita namin ay sa coffee shop ng Santa Elena. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na makaharap si William Alvarez pero wala akong nakuha na kahit anong impormasyon dito. Nasapak pa nga ako nito eh. Halata ang galit nito sa akin. Hindi ko ito masisi. Alam ko kung gaano ito ka-protective sa mga kapatid. Kinausap ko din si Anastasia Alvarez pero sinampal lang din ako nito. Nakatikim din ako ng masasakit na salita
JUSTINE"Talaga? Sige Pare, pupunta ako sa fashion show na iyan. Excited na akong makita siya." sagot ko kay Casper habang hindi mapakali. Palakad-lakad ako sa buong kwarto na parang nababaliw. Gusto ko ng hilahin ang araw upang dumating na ang araw ng fashion shaw. Sa wakas, may pag-asa na ulit ako upang makaharap ulit si Alena." Ok Pare. Magpapakuha kaagad ako ng VIP tickets. Baka kasi mag sold - out na eh." sagot ni Casper sa kabilang linya."Sige Pare.. Salamat.." sagot ko dito.Pagkatapos makausap ang kaibigan ay nagpasya akong pumunta ng balcony. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa lamesita at kumuha ng isang stick para sindihan. Agad akong napapikit ng humagod ang usok ng sigarilyo sa aking lalamunan. Humithit at bumuga ako ng makailang ulit habang nakatingin sa malayo. Mapakla akong napangiti. Patuloy pa rin akong sinusundan ng bangungot ng nakaraan. Kahit gaano pa ako ka-successful ngayun wala pa ring halaga ang lahat. Kulang pa rin. Kulang pa rin ang lahat-lah
ALENAFASHION SHOW DAYIsa ako sa mga model ni Ate. Abala ang lahat pagpapalit ng damit. Mini-make-upan na ako ng make-up artist ng bigla akong lapitan ni Ate Anastasia."You look gorgeous bunso.. Sabi ko na nga ba eh bagay na bagay sa iyo ang dress na iyan." humahangang wika ni Ate sabay hagod ng tingin nito sa akin"Thank you Ate... Magaling ka din kasing designer kaya ganoon." ngiti kong sagot dito."Kahit gaano pa kaganda ng isang damit kung hindi kayang dalhin ng nagsusuot magmumukha pa rin itong basahan." naka-ismid na wika ni Ate. Natawa naman ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga napakapranka nitong kapatid ko.First time ko itong gagawin kaya hind mawala-wala ang kaba ko. Ako ang last na rarampa sa entablado kaya naman parang gusto ng umurong. Naka-oo na kasi kay Ate kaya nahihiya na din akong umayaw. Baka mamaga madis-appoint sa akin ito."Sige na bunso magready ka na, ikaw na ang suaunod. "excited na wika ni Ate. Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago dahan-dahan na n
ALENA POVTahimik akong nakamasid sa dalawang batang naglalaro sa buhanginan. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang binubuo ang isang kastilyong buhangin. Nandito kami ngayun sa isang tagong Isla sa Visayas. Pinili namin magbakasyon dito para makaiwas sa ingay at polusyon ng Manila. Isa pa gusto namin magkaroon ng quality time para sa isat isa. Nagiging masaya ang buhay namin simula ng muli kong patawarin si Justine. Tama nga sila, hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban kapag hindi mo papakawalan ang galit na nasa puso mo.Halos limang taon na kaming nagpapabalik-balik dito. Masaya, tahimik at sariwa ang hangin. Solong-solo ng pamilya namin ang buong lugar na ito. Matamis akong napangiti ng kumaway sa akin ang anak kong si Rhian. Yes....eight years old na siya ngayun. Kay bilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata. Ilang taon pa ang bibilangin at may mga dalaga at binata na kami.Sinulyapan ko ang batang lalaki na masayang tumatawa
ALENAAgad kong inasikaso si Baby Rhian pagkagising ko. Kailangan kong makabalik ng hospital bago gumabi. Papalitan ko sa pagbabantay kay Justine sila Donya Amelia dahil uuwi daw muna sila ng bahay. Isa pa muling nagising si Justine kanina at hinanap daw ako."Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng makakasama sa hospital? Pwede kang magsama ng kahit isa sa mga kasambahay dito para naman may mautos-utusan ka doon." suhestiyon ni Nanay Clara pagkatapos kong sabihin dito na ako ang magbabantay kay Justine ngayung gabi. Bukas din daw gagawin ang surgery nito kaya kailangan ng support ng pamilya para hindi panghinaan ng loob ng pasyente."Kaya ko na ang sarili ko Nay. Pasensya na po kung kayo ulit ang magbabantay kay Rhian ngayung gabi. Babawi po ako sa inyo sa mga susunod na araw kapag maayos na ang lahat." sagot ko kay Nanay Clara."Nakuwww, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya akong alagaan ang anak mo Alena." sagot naman ni Nanay Clara. Nakangiti naman akong nagpasala
ALENAKasabay ng pagkabog ng dibdib ko ang pag-uunahan sa pagtulo ng luha sa aking mga mata. Parang bigla akong nawalan lakas at biglang nanghina ang tuhod ko."Alena, diba kausap mo pa lang siya kanina? Tumawag si Marco kay Casper ngayun lang at ayun dito pagkatapos niyong mag-usap ni Justine nagyaya daw itong pumunta ng bar. Uminom daw ng uminom ng alak habang umiiyak at hangang sa malasing. Pagkatapos nagyaya na daw itong umuwi at tinanong ni Marco kung kaya pa niyang magdrive dahil ihahahatid nya na lang daw sa bahay nito. Kaya lang nag-insist si Justine na hindi pa daw siya lasing. Kaya pa daw niya ang sarili niya kaya naman walang ng magawa si Marco kundi hayaan ang kanyang kaibigan. Sinundan niya daw ito hanggang sa makalabas sila ng highway. Noong una maayos pa naman daw ang pagdadrive ni Justine pero nagulat siya ng bigla itong kumabig at ibinangga ang sasakyan sa kasalubong na truck." pagsasalaysay ni Ate Anastasia. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa matinding takot na
ALENAHindi naman ako ganoon kasama para hindi makaramdam ng awa sa sitwasyon ngayun ni Valerie. Kitang kita naman sa hitsura nito na nahihirapan ito ngayun. Pero hindi ko alam kung gaano ito kasensero sa paghingi ng tawad. Malaki ang kasalanan nito sa akin at hindi ganoon kadali ang lahat para kalimutan ko na lang basta basta. . Ngunit hindi din naman ako ganoon kasama para hindi ito tulungan sa kanyang problema kung totoong nagsasabi ito ng katotohanan. .Muli kong binalikan si Nanay Clara. Ilang minuto pa kaming nanatili sa garden hangang sa nagpasya akong pumasok na muna sa loob ng bahay para makapagpahinga. Kakausapin ko muna mamaya si Kuya Damon. Hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan si Valerie. Kung totoo mang maysakit ang anak nito, sino ba naman ako para pagkaitan ito ng tulong."Balita ko pinuntahan ka dito kanina ni Valerie?" agad na tanong sa akin ni Kuya Damon habang kumakain kami ng hapunan. Katabi nito si Erin. Agad naman akong tumango"Nanghihingi siya ng tulong Kuya
JUSTINEHIndi maalis-alis ang tingin ko sa harap ng telibisyon habang pinapanood ang interview kay Alena kanina ng mga reporters sa mall kung saan ito nakikitang namamasyal. Nagkakagulo ang mga fans nito at halatang sabik silang lahat na makita ang kanilang iniidulo. Nandito ako ngayun sa condo kung saan nakatira sila Alena noon. Nandito lahat ng alaala namin kaya mas gusto ko dito manatili kaysa sa bahay ko sa Alabang. Malaki ang ipinagbago ng babaeng mahal ko. Ibang iba na ito ngayun. Medyo tumaba na ng kaunti pero hindi pa rin maitatago ang natural nitong kagandahan. Napaka-simple nitong tingnan sa kanyang suot na simpleng pants at tshirt. Napaka-fresh nitong tingnan. Halatang wala na itong problema pang iniisip. Hindi katulad noon na kapag ngumingiti ay hindi nakakaabot sa kanyang mga mata.Natuwa ako sa statement na ibinigay nito. Kung ganoon hindi na ito mag-aartista. Halatang sa ibang bansa ito dinala ng mga kapatid dahil na din sa mga lumalabas na salita nito sa bibig. Balik
ALENA"Ako na muna ang bahala kay Baby Rhian Alena. Sinabi kasi sa akin ng Ate Anastasia mo na aalis kayo ngayun dahil may mga bibilhin kayong mga bagay na gagamitin sa kasal ng Kuya Damon mo. At isa pa gusto daw niyang magshopping kayong dalawa. Huwag mong isipin ang bata. Ako ang bahala sa kanya." wika ni Nanay Clara sa akin habang kumakain kami ng agahan dito sa dining area."Sigurado po kayo Nay? Hangat maaari ayaw ko po kasi munang ipakita sa public si BAby Rhian kaya wala akong balak na isama siya sa Mall o sa kahit saang public na lugar dahil iniisip ko po ang kaligtasan niya." sagot ko dito. "Kaya ako na ang bahala sa kanya. Minsan lang naman kayong magka-bonding na magkapatid kaya sumama ka na sa kanya. Basta bilhan mo na lang ako ng kakanin bilang pasalubong. Iyun kasi ang na-miss ko dito sa Pilipinas." sagot naman ni Nanay Clara. "Sige po...kung mapilit kayo sino ba naman ako para magmatigas pa. Pagkakataon ko na itong makapagshopping Nay." natutuwa kong sagot dito. Na
JUSTINEHindi bat sinabi ko na tapusin niyo agad ang pinapagawa kong presentation sa iyo? Ano ang ipi-present natin kay Mr. Sandoval bukas ng umaga?' galit na sigaw ko sa aking empleyado dito sa opisina. Bukas pa naman ng umaga ang presentation na gagawin namin kay Mr. Sandoval pero dahil nagiging perfectionist na ako gusto kong ngayun pa lang tapos na ito para ma-review ko kung may dapat bang idadagdag o ibabawas."Pa-pasensya na po kayo Sir, matatapos na po ito agad before maglunch break. Medyo late na po kasi na- indorse sa akin ni Ms. De Guzman ang tungkol dito kaya late ko na din naumpisahan." pagdadahilan nito."I dont care Mr. Laurel. Basta ang gusto ko ibigay niyo agad sa akin ang finish product dahil rereviewhin ko pa iyan. Ayaw na ayaw ko ng palpak ng trabaho Mr. Laurel alam mo iyan!." galit kong sagot dito. Agad naman itong tumango at nagpaalam. Naiwan naman akong sumasakit ang aking ulo dahil sa matinding inis.Ito ang naging buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Ibinuhos
ALENASakay ng private jet bumiyahe kami pabalik ng Pilipinas. Kasama ko si Nanay Clara pati na din ang aking baby na si Rhian. Pagbaba ng private jet ay agad kaming sinalubong ng sasakyan ni Kuya Damon. Balik sa dating gawi ang buhay ko, may nakabuntot na naman na bodyguard sa amin habang bumibyahe kami papunta sa bahay ni Kuya Damon sa Makati. Doon ko napiling tumira hangat nasa Pilipinas pa kami. Wala naman akong balak magtagal dahil mas gusto kong manatili na lang ng Germany hangang sa lumaki si Rhian. Feeling ko mas safe ang anak ko kapag doon kami maninirahan. Pagod na ako sa buhay dito sa Pilipinas at ayaw ko na ng intriga. Sa nakalipas ng tatlong taon na pananatili ko sa Germany nagkaroon ako ng peace of mind at muling nanumbalik ang pagiging possitive ko sa buhay.Pagdating sa Bahay ay agad na sumalubong sa akin ang munting salu-salo na inihanda ng mga kapatid ko. Agad akong niyakap ni Ate Anastasia at Erin. Buntis na si Erin kaya minamadali na nilang dalawa ni Kuya Damon ang
ALENASobrang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala ako dito sa Germany. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng katahimikan sa lugar na ito. Sabagay wala naman akong ibang ginawa dito kundi ang mag movie marathon at mag shopping. Iniiwasan ko na din sumagap ng kahit anong balita mula sa Pilipinas. Araw araw din akong tinatawagan ng mga kapatid ko para kumustahin kaya kahit papaano ay hindi ko sila masyadong na-mimiss. "Alena, nakaready na ang pagkain sa lamesa. Bumaba ka na para malagyan ng laman iyang sikmura mo. Anong oras ka ba natulog kagabing bata ka? Bakit hangang ngayun nakahiga ka pa diyan sa kama mo?" tanong ni Nanay Clara sa akin. Kanina pa ako kinakatok nito pero hindi ko pinapansin hangang sa pinasok niya na ako dito sa kwarto at nadatnan niya akong nakahilata pa sa kama. Hinawi nito ang kurtina kaya naman biglang nagliwanag ang buo kong kwarto. Agad akong nag-inat at bumangon."Sobrang ganda kasi ng pinapanood ko kagabi Nay. Hindi ko namalayan ang oras." sagot ko dito at t