ALENA
Hinihingal ako habang nakaupo sa isang bahagi ng bangketa dito sa Metro Manila. Napakagulo ng paligid. Abala lahat ng tao na akala mo ay laging may hinahabol. Mausok ang paligid. Tagaktak na din ang pawis sa buo kong katawan. Sobrang init ng panahon. Nakatanaw ako kay Nanay Marta na noon ay mabilis na naglakad papunta sa isang tindahan para bumili ng tubig.Bahagya kong nilingon ang dala namin na kariton na noon ay puno ng mga kalakal. Papunta na sana kami sa suki naming junk shop ng makaramdam ako ng pananakit ng aking balakang. Pakiramdam ko naninigas ang aking tiyan. Kaya nakiusap ako kay Nanay na kung pwede ay magpahinga muna kami. Akala ni Nanay nauuhaw lang ako kaya nagpaalam ito na bibilhan ako ng malamig na tubig.Dito kami napadpad sa Manila ng pinalayas kami sa hasyenda Falcon. Nakarating naman kami ng maayos dito at nakakuha ng mauupahan na maliit na kwarto. Akala ko magiging maayos ang buhay namin. Pero nagkamali ako. Lalo kaming naging misereble. Lalo kaming naging kaawa-awa.Natanggap na din sana ako sa trabaho bilang isang tindera sa isang palengke. Kaya lang pinaalis agad ako ng may-ari ng malaman nito na nagdadalang-tao ako. Ayaw daw nito magkaroon ng trabahador ba buntis. Hassle daw kasi pagdating sa trabaho.Natanggal ako sa trabaho at hindi na makahanap pang muli. Mahirap kasi dahil minor de edad pa ako tapos buntis pa. Wala talagang tatangap sa akin.Tama naman ang may-ari ng tindahan na pinapasukan ko. Nagiging maselan ang mga unang tatlong buwan ng pagbubuntis ko. Halos hindi ako makabangon sa higaan dahil pakiramdam ko umiikot ang buo kung paligid. Lagi din akong nagsusuka. Hangang sa nangayayat ako dahil nagiging mapili ako sa pagkain. Nahihiya na nga ako kay Nanay dahil halos wala na nga kaming makain, nagiging pihikan pa ako. Kaya naman kahit may gusto akong kainin or kahit may pinaglilihian akong pagkain sinasarili ko na lang. Ayaw ko ng lalo pang mahirapan pa si Nanay dahil sa mga cravings ko. Lilipas din ang lahat. Dinadaan ko na lang sa pagtulog minsan ang lahat. Iniiwasan ko din na makita ni Nanay na umiiyak ako. Awang-awa ako sa sitwasyon namin.Oo, nabuntis ako ni Senyorito. Hindi ko akalain na sa isang beses na may nangyari sa amin, mabubuntis niya ako ng ganoon kabilis. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana maging ganito ang kapalaran namin ni Nanay. Masyado akong nagpadala sa kapusukan. Ngayung nagdadalang-tao ako hindi ko hahayaan na maranasan ng anak ko ang kamalasan na nangyari sa akin ngayun. Babangon ulit ako pagkatapos kong manganak. Kung kinakailangan na pasukin ko lahat ng trabaho na pwede kong mapasukan gagawin ko. Bibigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking anak. Isinusumpa ko, hinding hindi na ulit ako magtitiwala pa sa mga lalaki.. Tama na ang isang pagkakamali. Nagiging malaking lesson na sa akin ang lahat.Si Nanay naman ay pa extra-extra lang din ang trabaho noon. Kapag may nagpapalabada na kapit-bahay tsaka pa lang din ito nakakapagtrabaho. Pero hindi pa rin sapat ang kita sa paglalabada. Ang dami kasing bayarin. Upa sa bahay, kuryente, tubig, pagkain at kung anu-ano pa..Hanggang sa maubusan kami ng pera ni Nanay at dumating pa sa punto na wala na kaming pambayad sa inuupahan naming kwarto. Kung baga ubos talaga lahat ng ipon namin. Lalong gumuho ang aming mundo ng malaman namin na buntis ako.Agad kaming pinalayas ng may-ari ng hindi ng kami makabayad sa upa ng bahay. . Kaya naman heto kami ngayon, walang sariling tahanan, kung saan abutan mg gabi sa pangangalakal doon kami matutulog kasama ang aming kariton. Nasanay na din ako sa ganitong sitwasyon. Wala eh, wala akong karapatan magreklamo. Mabuti na din siguro ang ganito, at least wala kaming inaalalang bills. Makakaraos din siguro kami. Hihintayin ko na lang na makapanganak ako tsaka ulit maghahanap ng trabaho.Bahagya kong kinapa ang may kalakihang umbok ng aking tiyan. Kung titingnan ang laki nito hindi mo aakalain na nasa anim na buwan pa lang ito ngayon. Sobrang bigat na din. Para akong nakalunok ng pakwan. Hindi bagay sa katawan ko ang laki ng tiyan ko. Alam kong malnourished na ako dahil kulang sa sustansiya lahat ng kinakain namin. Hindi din ako nakakainom ng vitamins at gatas para sa buntis. Dalangin ko lang na sana ay lumabas na malusog ang aking anak. Sana ligtas ito sa loob ng aking sinapupunan.Nag-aalala ako kasi never ko pang napatingnan ang aking pagbubuntis sa isang doctor.. Mabigat na din ito lalo na at sobrang payat ko.Magkano lang naman kasi ang aming kinikita ni Nanay sa pangangalakal. Isa pa nag iipon kami para sa aking panganganak. Buti na lang nandyan si Nanay Clara, hindi ako iniiwan nito. Alam kong hirap na hirap na din ito. Matanda na si Nanay pero pinipilit pa rin nitong maging malakas para sa akin. Dinadamayan ako nito sa lahat oras. Lagi nitong pinapaalala sa akin na hindi pa katapusan ng mundo. Na may pag-asa pa para makaahon sa hirap.Kung tutuusin, pwede ako nitong iiwan. Hindi naman niya ako anak. Hindi kami magkadugo. Ako pa nga ang dahilan kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon. Maayos sana ang buhay nito kung hindi ako lumandi. Alam kong nabigo ito. Hindi ito ang pinapangarap niya para sa akin. Alam ko kung gaano ito ka proud lalo na kung may pumupuri sa akin noon. Napalaki daw kasi ako ni Nanay na isang magandang dalaga, isang magandang ehemplo sa kabataan dahil hindi ako nagpapaligaw... . Nakikita din nila na mas priority ko ang pag-aaral ko noon at lagi akong nangunguna sa klase. . Kaya alam kong maraming nagtataas ng kilay ng malaman ng mga ito ang iskadalo na kinasadlakan ko kasama ni Senyorito Justine.Naputol ang pagbabalik-tanaw ko ng naramdaman ko na sumipa ang aking anak sa loob ng aking sinapupunan. Masakit kasi ito. Napangiwi pa ako habang tinitiis ang sakit."Oh anak heto uminom ka muna ng tubig at kainin mo itong biscuit." wika ni Nanay sa akinHindi ko namalayan na nakabalik na pala ito dala ang isang maliit na bote ng tubig at dalawang piraso ng biscuit. Tagaktak ng pawis ang noo nito. Kita sa mga mata ang matinding pagod."Salamat po Nanay. Sa inyo na lang po yang isa. Ok na po ako dito sa isang biscuit." wika ko dito.Naawa ako kay Nanay. Katulad ko napakadungis din nitong tingnan. Lalong umitim dahil sa maghapong pagbababad sa araw sa paghahanap ng kalakal."Sa iyo na yan anak. Busog pa naman ako." nakangiti na wika ni nanay."Sige po. Pero kapag magutom kayo mamaya kainin nyo na lang. Isa lang naman po ang kaya kung kainin eh." pagdadahilan ko dito. Sa totoo lang gutom na din ako. Pero kailangan ko din kasi bigyan si Nanay. Pareho kaming gutom kaya dapat lang magshare kami sa lahat ng grasya na dumating sa amin."Ngumiti na lang si Nanay. Kung may magagawa lang sana ako para makaahon kami. Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang paghihirap nito.Kung tinanggap ko na lang sana ang Pera na binigay ni Senyorito, hindi sana kami maghihirap ng ganito. Hindi sana namin danasin ang ganitong buhay. Hayst minsan ang sobrang pride hindi din maganda. Sabagay, hindi ko kasi akalain naabubuntis ako. Kaya ang lakas ng loob kung tanggihan ang binigay nitong pera."Hoy mga pulubi!!! Lumayas nga kayo dito sa harap ng restaurant ko. Panira kayo ng view. Imbes na maraming customer ang kakain sa amin umaayaw na lang dahil abot hanggang loob ng resto ang mabaho niyong amoy!!! Nagulat ako sa Sigaw ng may-ari ng restaurant. Kami ang tinutukoy nito"Pasensya na po kayo Madam. Nagpapahinga lang po kami saglit. Sumakit kasi ang balakang ng anak ko." hinging paumanhin ni Nanay dito."Wala akong pakialam, basta lumayas kayo ngayon din dito." galit na sigaw nito"Mam sandali lang naman po.. Huwag naman po kayong magalit sa amin". Nagpapakumbaba na wika ni Nanay."Anak, kaya mo na bang maglakad? Halika na alis na tayo dito." wika ni Nanay at inalalayan akong tumayo."Opo Nay kaya ko na po." wika ko dito kahit na alam ko sa aking sarili na sumasakit pa ang aking balakang."Hmmmppp, kay bata-bata pa buntis kaagad. Kay agang lumandi." pasaring sa amin ng babaeng nagpapaalis sa amin."Madam, huwag naman po kayong magsalita ng ganyan. Huwag niyo naman husgahan ang anak ko dahil wala kayong alam." naiinis na wika ni Nanay Marta.Naluha naman ako sa pagtatanggol ni Nanay sa akin. Ilang beses na ako nakakarinig ng masakit na salita mula sa ibang tao pero nandyan siya palagi para ipagtanggol ako. Hindi ito nagsasawang ipadaramdam sa akin na ayos lang ang lahat. Na wala akong dapat ipag-alala dahil ipagtatanggol ako nito sa lahat ng oras." Hay naku ewan ko sa inyo. Lumayas na nga kayo. Wala akong panahon makipagchikahan sa inyo! Layas! Tsupi!! Sigaw ulit nito.Agad naman kaming pinagtitinginan ng mga dumaan na tao. Yung iba ay parang natatawa pa sa nakitang eksena at ang iba naman ay mukhang naaawa sa amin. May lumapit pa sa amin upang bigyan kami ng barya. Agad naman na tinangap ni Nanay at buong pusong nagpasalamat. Bawat barya kasi na binibigay ng may mabubuting loob ay malaking tulong sa amin.Inakay na lang ako ni Nanay papunta sa Kariton. Tiningnan nito ang laman ng aming kariton at bumaling sa akin."Alena, anak sumakay ka na lang muna dito sa kariton, ako na lang ang magtutulak. Didirecho na tayo sa junk shop ni Mang Karyo upang maibinta ang mga ito para makapagpahinga ka na ng maayos." Naku Nay ayos lang po ako. Maglalakad na lang ako Nanay. " nahihiya kong sagot dito. Masyado ng mabigat ang kariton kung sasakay pa ako."Sigurado ka ba anak? Sige magdahan-dahan na lang tayo. Huwag kang mahiya na magsabi kapag may kakaiba kang nararamdaman ha?" nag-aalalang wika ni Nanay.Tumango na lang ako at dahan-dahan ng naglakad. Gayon din naman si Nanay. Agad nitong itinulak ang aming kariton na puno ng kalakal." Nanay hindi muna kita matulungan sa pagtutulak ngayon ha? Pasensya na po. " maya-maya pa ay wika ko kay Nanay. Sapo ko ang aking tiyan habang marahan na naglalakad."Walang problema anak, kaya ko naman ito. Sisiw lang kay Nanay ito". Nakangiting biro sa akin ni Nanay kahit kitang kita naman na nahihirapan na din ito. Lord kung may magagawa lang sana ako. Hanggang kailan kami magtitiis sa ganitong sitwasyon.Sobra na akong nahihirapan sa ganitong klase ng buhay. Dumagdag pa itong pinagbubuntis ko. Hanggang kailan kami maninirahan sa gilid ng kalsada ni Nanay.Hanggang kailan kami mabubuhay sa basura. Bahagyang tumulo ang aking luha sa isiping iyon. Tiyak na magiging kawawa ang sitwasyon ng aking anak kapag lumaki ito na walang masasabing tahanan. Natatakot ako sa mga possibleng mangyari.Sana maghimala ang langit. Sana makaahon kami ni Nanay sa kinasadlakan namin na kahirapan.Napahinto ulit ako sa paglalakad ng maramdaman na biglang sumakit ang aking tiyan. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking tiyan. Titiisin ko sana para hindi mag-alala si Nanay pero hindi ko na kaya. Parang mauubusan ako ng hininga."Na-Nanay ang sakit!" umiiyak na wika ko kay nanay. Nakangiwi ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit."Diyos ko Anak, bakit? Hindi ka pa naman manganganak ah! Anim na buwan pa lang yang nasa tiyan mo." natatarantang wika ni Nanay."hi-hindi ko alam Nay, basta ang sakit po, hindi ko na kaya!!!!" pagmamakaawa ko kay Nanay"Te-teka lang anak, saglit lang tatawag ako ng masasakyan.. Dadalhin kita sa hospital." tarantang wika ni Nanay."Nay, hindi ko na kaya!" hilam sa luha ang aking mga mata na sabi ko kay NanayIlang sandali pa ay may huminto na tricycle sa aming harapan. Agad naman bumaba ng driver na halos kaedaran lang ni Nanay upang tingnan ang aking sitwasyon. Napansin siguro nito na umiiyak ako habang namimilipit sa sakit.Naku ano ang nangyari kay Ineng? Sumakay na kayo dito sa aking tricycle, ihahatid ko kayo sa hospital." boluntaryo na wika ng tricycle driver. "Naku salamat sa iyo Manong. Kailangan madala itong anak ko sa hospital dahil sumasakit ang tiyan. Buti na lang at hinintuan mo kami." wika ni Nanay habang inaalalayan akong isakay sa loob ng tricycle. Napansin ko nman na may kinuha si Nanay sa loob ng kariton. ang maliit na bag nito na hindi hinihiwalay kahit saan kami magpunta. Mabilis na pumasok sa loob ng tricycle para alalayan ako. Hinaplos-haplos pa nito ang aking tiyan sa pagbabakasakali na maibsan ang sakit na aking nararamdaman."Huwag kayong mag alala Mrs. Babalikan ko yung kariton niyo pagkatapos ko kayong maihatid sa hospital." boluntaryong wika ng driver sa amin. Agad nitong pinaandar ang tricycle. "Naku salamat Manong. Napakabait niyo po. Alam niyo ba na sa dinami-dami ng dumaan na sasakyan sa lugar na iyon kayo lang ang kusang huminto." wika ni Nanay. "Maliit na bagay Mrs. Si
ALENA"Diyos ko Alena, salamat at gising ka na." Agad na narinig kong wika ni Nanay Clara. Bakas sa boses nito ang tuwa."Nanay, nasaan po ako." nanghihina kong tanong dito."Nandito ka sa hospital anak. Nawalan ka ng malay kanina. Salamat sa diyos at maayos ka na." sagot ni Nanay"Nay, kumusta po ang baby ko?" tanong ko kay Nanay at biglang kinapa ang aking tiyan. Bigla akong nag alala sa kalagayan ng aking anak dahil dinugo pala ako bago ako nawalan ng malay."Huwag kang mag-alala anak. Ligtas ang bata sa iyong sinapupunan." wika ni Nanay sa akin na agad naman na nagpawala ng aking alalahanin."Salamat naman po kung ganoon". Sagot ko dito at agad na iginala ang aking paningin sa paligid. Nagtaka ako dahil nandito ako sa malaking kwarto at halatang mamahalin ito."Nay, baka wala tayong pambayad dito sa hospital. Mahal po yata dito." nag aalala kong wika kay Nanay."Huwag kang mag-alala anak mayroong tao na tumulong sa atin." sagot ni Nanay."Kahit na po Nay. Nakakahiya po. Labas na p
ALENAMabilis na lumipas ang mga araw. Nandito ako ngayon sa isang bahay na pag-aari ng Kuya William sa isang sikat at exclusive na subdivision dito sa Makati. Wala pa rin si Kuya Damon. May mga importante daw itong inaasikaso at kahit gustuhin na umuwi nito para makita ako ay hindi nito magawa. May mga bagay daw kasi itong dapat gawin na hindi dapat ipagpaliban. Minsan ko na din itong nakausap sa telepono at masaya ako dahil naririnig ko sa boses nito ang sobrang kaligahan dahil sa wakas natagpuan na nila ako. Kapansin-pansin din ang maraming security guard na laging nag-iikot sa paligid ng bahay ni Kuya William. Hindi bababa sa sampung katao ang mga ito. Matitikas ang mga pangangatawan at kung kumilos ay akala mo laging sasabak sa gyera. Purong mga mayayaman at kilalang tao ang nakatira sa lugar na ito. Malalaki ang mga bahay at talaga namang nag-uumapaw ang karangyaan na makikita kahit sa labas pa lang ng bahay. Hindi naman pahuhuli ang bahay ni Kuya William. Hindi ito nalalay
ALENAGalit na dinuro ni Donya Amelia si Ate Anastasia . "Who are you para saktan si Valerie? Galit na wika ng Senyora kay Ate. Nanlilisik ang mga mata nito." And who are you para makialam?" ganting tanong ni Ate Anastasia. Nakataas ang kilay nito. Palaban at talaga namang lumabas ang pagiging maldita ni Ate Anastasia. " Ana, magiging mother in law na ng bruhang iyan. " sagot ni Nanay Clara sabay turo kay Valerie na noon ay umiiyak na."Ohhhhh???? In laws pala. Ang malas naman ng anak mo kung ganoon." ang nang- uuyam na sagot ni Ate Anastasia. Nginisihan pa nito si Valerie na noon ay hindi makatingin ng diretso kay Ate. Agad naman namutla si Valerie sa sinabi ni Ate. Parang may malaki itong sekreto na tanging si Ate lang ang nakakaalam. Napangisi naman sila Ate Jane at Ate Marga. Gumuhit ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi ng mga ito. Hindi naman mapakali si Valerie. Para itong natataranta na ewan. "Abat--- bastos ka ah!!!! Galit na wika ni Senyora Amelia. Nanlilisik ang mga ma
ALENAPasimple kung pinunasan ang luha sa aking mga mata. Nakatitig ako sa aking cellphone habang tinitingnan ang larawan nila Senyorito Justine at Valerie. Ikakasal na pala ang mga ito sa susunod na araw. Kaya pala magkasama sila ng Donya ar Valerie sa pamamasyal. Talaga ngang boto ang buong Falcon kay Valerie. Sabagay, ang mayayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap. Hindi pwedeng magsama ang langit at lupa ika nga. Nakakalungkot lang. Siguro kung hindi ako nakidnap at dito lumaki sa piling ng tunay kong pamilya, hindi ko siguro dadanasin ang matinding pang-aalipusta. Ang matinding rejection. Mamahalin kaya ako ng isang Justine Falcon kung alam nitong galing ako sa mayaman na pamilya? Pero hindi, hindi sukatan ang istado ng buhay. Kung iyun ang kanyang sukatan sa pag-ibig mas mabuti pang huwag na lang. Para sa akin hindi iyun ang tunay at wagas na pagmamamhal. Kung talagang mahal niya ako kaya niya akong paglaban sa lahat at sa pamilya nito. Hindi niya ako sasak
JUSTINE FALCON"Anong balita mga Pare? Wala pa rin ba?" tanong ko kina Casper at Marco. Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto kasama ang dalawa kong kaibigan.Halos araw-araw ito ang ginagawa ko. Halos hindi ako lumalabas ng kwarto. Kahit sa pagkain ay hinahatiran ako ng mga katulong.. Araw-araw akong galit sa mundo. Kahit ang mga katulong ay napagdedeskitahan ko rin. Katulad kanina, dinalhan ako ng pagkain ng isang maid. Nang tikman ko ito ay hindi ko nagustuhan ang lasa. Galit na inihagis ko ang mga ito sa basurahan. Galit kong binulyawan ang katulong at pinalabas sa aking silid. Takot na takot naman itong umalis. "Pasensya na Justine, wala pa rin eh. Ilang private investigator na ang aming kinausap, wala pa rin silang maibigay na malinaw na detalye kung nasaan si Alena ngayon." sagot ni Marco"Bullshit!!!! Mga bobo ba yang mga kinuha niyo? Napakasimpleng bagay ang pinapahanap sa kanila hindi pa rin nila mahanap!!!" galit ng sagot ko. Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo dahi
THIRD PARTY POVNagtatakbo papunta sa harap ng flat screen monitor si Valerie.... sumisigaw ito."Tama na!!! Ano ba i off niyo iyan... Ano ba ang ginagawa niyooooo!" sigaw nito. Halos lumabas ang litid nito sa kakasigaw. Nagkalat na rin ang make-up nito sa mukha dahil sa kanyang pag-iyak.Hindi nito alam ang gagawin kong paano tatakpan ang monitor para lang matigil na sa paglabas ang kanyang malaswang videoYes, napakalaswang video. Kasama niya sa kama ang kasamahan niyang model. Kitang-kita kong gaano sila ka-wild sa isat isa.. Nang lumingon ito sa mga bisita ay napansin niya ang nang-uuyam na tingin nito sa kanya. Napailing-iling naman ang iba at punong puno ng panlalait ang mga tingin. Nagulat siya ng may biglang sumampal sa kanya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang kaniyang Daddy Ramon. "Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito Valerie!" Galit na wika ng kanyang ama. "Dad, I am sorry. I am sorry..." tanging wika ko dito. Hawak nito ang nasaktang pisngi dahil sa laka
ALENASakay kami ngayun ni Nanay Clara sa isa sa mga mamahaling sasakyan ni Kuya Damon. Komportable kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa labas ng bintana.Mabilis ang aming byahe pabalik sa lugar kung saan isinumpa ko na kahit kailan ay hindi ko na babalikan pa... Ang Santa Elena.. Hindi ko alam na magbabago pala ang isip ko. Sa susunod na linggo aalis na ako. Pupunta na ng Switzerland at doon na tuluyang maninirahan. Panahon na lang ang makapagsabi kung kailan ako babalik ng Pilipinas. Pero sa ngayun kailangan ko munang bisitahin ang aking mga kaibigan. Gusto ko silang makita bago aalis ng bansa. Nagpaalam ako kina Kuya Damon at Kuya William kung pwedeng makipagkita sa mga kaibigan ko. .nagpapasalamat ako dahil agad naman silang pumayag. Si Ate Anastasia naman ay hindi ko matawagan. Masyado siguro itong abala. "Anak, hindi ka pa ba napapagod sa byahe? Gusto mo bang magpahinga muna tayo" nag-aalang wika ni Nanay sa akin."Nay, ayos lang po ako. Komportable itong mg
ALENA POVTahimik akong nakamasid sa dalawang batang naglalaro sa buhanginan. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang binubuo ang isang kastilyong buhangin. Nandito kami ngayun sa isang tagong Isla sa Visayas. Pinili namin magbakasyon dito para makaiwas sa ingay at polusyon ng Manila. Isa pa gusto namin magkaroon ng quality time para sa isat isa. Nagiging masaya ang buhay namin simula ng muli kong patawarin si Justine. Tama nga sila, hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ng kalooban kapag hindi mo papakawalan ang galit na nasa puso mo.Halos limang taon na kaming nagpapabalik-balik dito. Masaya, tahimik at sariwa ang hangin. Solong-solo ng pamilya namin ang buong lugar na ito. Matamis akong napangiti ng kumaway sa akin ang anak kong si Rhian. Yes....eight years old na siya ngayun. Kay bilis lumipas ng panahon. Ang bilis lumaki ng mga bata. Ilang taon pa ang bibilangin at may mga dalaga at binata na kami.Sinulyapan ko ang batang lalaki na masayang tumatawa
ALENAAgad kong inasikaso si Baby Rhian pagkagising ko. Kailangan kong makabalik ng hospital bago gumabi. Papalitan ko sa pagbabantay kay Justine sila Donya Amelia dahil uuwi daw muna sila ng bahay. Isa pa muling nagising si Justine kanina at hinanap daw ako."Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng makakasama sa hospital? Pwede kang magsama ng kahit isa sa mga kasambahay dito para naman may mautos-utusan ka doon." suhestiyon ni Nanay Clara pagkatapos kong sabihin dito na ako ang magbabantay kay Justine ngayung gabi. Bukas din daw gagawin ang surgery nito kaya kailangan ng support ng pamilya para hindi panghinaan ng loob ng pasyente."Kaya ko na ang sarili ko Nay. Pasensya na po kung kayo ulit ang magbabantay kay Rhian ngayung gabi. Babawi po ako sa inyo sa mga susunod na araw kapag maayos na ang lahat." sagot ko kay Nanay Clara."Nakuwww, huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya akong alagaan ang anak mo Alena." sagot naman ni Nanay Clara. Nakangiti naman akong nagpasala
ALENAKasabay ng pagkabog ng dibdib ko ang pag-uunahan sa pagtulo ng luha sa aking mga mata. Parang bigla akong nawalan lakas at biglang nanghina ang tuhod ko."Alena, diba kausap mo pa lang siya kanina? Tumawag si Marco kay Casper ngayun lang at ayun dito pagkatapos niyong mag-usap ni Justine nagyaya daw itong pumunta ng bar. Uminom daw ng uminom ng alak habang umiiyak at hangang sa malasing. Pagkatapos nagyaya na daw itong umuwi at tinanong ni Marco kung kaya pa niyang magdrive dahil ihahahatid nya na lang daw sa bahay nito. Kaya lang nag-insist si Justine na hindi pa daw siya lasing. Kaya pa daw niya ang sarili niya kaya naman walang ng magawa si Marco kundi hayaan ang kanyang kaibigan. Sinundan niya daw ito hanggang sa makalabas sila ng highway. Noong una maayos pa naman daw ang pagdadrive ni Justine pero nagulat siya ng bigla itong kumabig at ibinangga ang sasakyan sa kasalubong na truck." pagsasalaysay ni Ate Anastasia. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa matinding takot na
ALENAHindi naman ako ganoon kasama para hindi makaramdam ng awa sa sitwasyon ngayun ni Valerie. Kitang kita naman sa hitsura nito na nahihirapan ito ngayun. Pero hindi ko alam kung gaano ito kasensero sa paghingi ng tawad. Malaki ang kasalanan nito sa akin at hindi ganoon kadali ang lahat para kalimutan ko na lang basta basta. . Ngunit hindi din naman ako ganoon kasama para hindi ito tulungan sa kanyang problema kung totoong nagsasabi ito ng katotohanan. .Muli kong binalikan si Nanay Clara. Ilang minuto pa kaming nanatili sa garden hangang sa nagpasya akong pumasok na muna sa loob ng bahay para makapagpahinga. Kakausapin ko muna mamaya si Kuya Damon. Hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan si Valerie. Kung totoo mang maysakit ang anak nito, sino ba naman ako para pagkaitan ito ng tulong."Balita ko pinuntahan ka dito kanina ni Valerie?" agad na tanong sa akin ni Kuya Damon habang kumakain kami ng hapunan. Katabi nito si Erin. Agad naman akong tumango"Nanghihingi siya ng tulong Kuya
JUSTINEHIndi maalis-alis ang tingin ko sa harap ng telibisyon habang pinapanood ang interview kay Alena kanina ng mga reporters sa mall kung saan ito nakikitang namamasyal. Nagkakagulo ang mga fans nito at halatang sabik silang lahat na makita ang kanilang iniidulo. Nandito ako ngayun sa condo kung saan nakatira sila Alena noon. Nandito lahat ng alaala namin kaya mas gusto ko dito manatili kaysa sa bahay ko sa Alabang. Malaki ang ipinagbago ng babaeng mahal ko. Ibang iba na ito ngayun. Medyo tumaba na ng kaunti pero hindi pa rin maitatago ang natural nitong kagandahan. Napaka-simple nitong tingnan sa kanyang suot na simpleng pants at tshirt. Napaka-fresh nitong tingnan. Halatang wala na itong problema pang iniisip. Hindi katulad noon na kapag ngumingiti ay hindi nakakaabot sa kanyang mga mata.Natuwa ako sa statement na ibinigay nito. Kung ganoon hindi na ito mag-aartista. Halatang sa ibang bansa ito dinala ng mga kapatid dahil na din sa mga lumalabas na salita nito sa bibig. Balik
ALENA"Ako na muna ang bahala kay Baby Rhian Alena. Sinabi kasi sa akin ng Ate Anastasia mo na aalis kayo ngayun dahil may mga bibilhin kayong mga bagay na gagamitin sa kasal ng Kuya Damon mo. At isa pa gusto daw niyang magshopping kayong dalawa. Huwag mong isipin ang bata. Ako ang bahala sa kanya." wika ni Nanay Clara sa akin habang kumakain kami ng agahan dito sa dining area."Sigurado po kayo Nay? Hangat maaari ayaw ko po kasi munang ipakita sa public si BAby Rhian kaya wala akong balak na isama siya sa Mall o sa kahit saang public na lugar dahil iniisip ko po ang kaligtasan niya." sagot ko dito. "Kaya ako na ang bahala sa kanya. Minsan lang naman kayong magka-bonding na magkapatid kaya sumama ka na sa kanya. Basta bilhan mo na lang ako ng kakanin bilang pasalubong. Iyun kasi ang na-miss ko dito sa Pilipinas." sagot naman ni Nanay Clara. "Sige po...kung mapilit kayo sino ba naman ako para magmatigas pa. Pagkakataon ko na itong makapagshopping Nay." natutuwa kong sagot dito. Na
JUSTINEHindi bat sinabi ko na tapusin niyo agad ang pinapagawa kong presentation sa iyo? Ano ang ipi-present natin kay Mr. Sandoval bukas ng umaga?' galit na sigaw ko sa aking empleyado dito sa opisina. Bukas pa naman ng umaga ang presentation na gagawin namin kay Mr. Sandoval pero dahil nagiging perfectionist na ako gusto kong ngayun pa lang tapos na ito para ma-review ko kung may dapat bang idadagdag o ibabawas."Pa-pasensya na po kayo Sir, matatapos na po ito agad before maglunch break. Medyo late na po kasi na- indorse sa akin ni Ms. De Guzman ang tungkol dito kaya late ko na din naumpisahan." pagdadahilan nito."I dont care Mr. Laurel. Basta ang gusto ko ibigay niyo agad sa akin ang finish product dahil rereviewhin ko pa iyan. Ayaw na ayaw ko ng palpak ng trabaho Mr. Laurel alam mo iyan!." galit kong sagot dito. Agad naman itong tumango at nagpaalam. Naiwan naman akong sumasakit ang aking ulo dahil sa matinding inis.Ito ang naging buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Ibinuhos
ALENASakay ng private jet bumiyahe kami pabalik ng Pilipinas. Kasama ko si Nanay Clara pati na din ang aking baby na si Rhian. Pagbaba ng private jet ay agad kaming sinalubong ng sasakyan ni Kuya Damon. Balik sa dating gawi ang buhay ko, may nakabuntot na naman na bodyguard sa amin habang bumibyahe kami papunta sa bahay ni Kuya Damon sa Makati. Doon ko napiling tumira hangat nasa Pilipinas pa kami. Wala naman akong balak magtagal dahil mas gusto kong manatili na lang ng Germany hangang sa lumaki si Rhian. Feeling ko mas safe ang anak ko kapag doon kami maninirahan. Pagod na ako sa buhay dito sa Pilipinas at ayaw ko na ng intriga. Sa nakalipas ng tatlong taon na pananatili ko sa Germany nagkaroon ako ng peace of mind at muling nanumbalik ang pagiging possitive ko sa buhay.Pagdating sa Bahay ay agad na sumalubong sa akin ang munting salu-salo na inihanda ng mga kapatid ko. Agad akong niyakap ni Ate Anastasia at Erin. Buntis na si Erin kaya minamadali na nilang dalawa ni Kuya Damon ang
ALENASobrang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala ako dito sa Germany. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng katahimikan sa lugar na ito. Sabagay wala naman akong ibang ginawa dito kundi ang mag movie marathon at mag shopping. Iniiwasan ko na din sumagap ng kahit anong balita mula sa Pilipinas. Araw araw din akong tinatawagan ng mga kapatid ko para kumustahin kaya kahit papaano ay hindi ko sila masyadong na-mimiss. "Alena, nakaready na ang pagkain sa lamesa. Bumaba ka na para malagyan ng laman iyang sikmura mo. Anong oras ka ba natulog kagabing bata ka? Bakit hangang ngayun nakahiga ka pa diyan sa kama mo?" tanong ni Nanay Clara sa akin. Kanina pa ako kinakatok nito pero hindi ko pinapansin hangang sa pinasok niya na ako dito sa kwarto at nadatnan niya akong nakahilata pa sa kama. Hinawi nito ang kurtina kaya naman biglang nagliwanag ang buo kong kwarto. Agad akong nag-inat at bumangon."Sobrang ganda kasi ng pinapanood ko kagabi Nay. Hindi ko namalayan ang oras." sagot ko dito at t