Home / Romance / My Idol Is My Prince Charming / Chapter 7: Determinasyon

Share

Chapter 7: Determinasyon

Author: Marcez Javier
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Good morning."

Nagpaangat sa ulo ni Sophia ang tinig na iyon ni Jamir. Abala siya sa paghihiwa ng kamatis na sawsawan ng kanilang ulam na tinapang bangus, d***g na pusit, itlog na maalat at pritong talong. " Magandang umaga rin, Jamir," ganting bati niya rito. Hindi pa rin siya sanay sa malakas na presensiya nito. Naroon pa rin lagi ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing makikita ito at magsasalubong ang kanilang mga mata. "Ang guwapo," sigaw ng isipan niya.

"Napasarap ang tulog ko, tinanghali ako ng gising. Pasensiya na," nakangiti nitong wika.

"Okay lang. Mabuti nga para makapagpahinga ka ng mabuti. Tsaka hindi naman ikaw ang magluluto ng almusal natin kaya walang problema kahit tanghaliin ka ng gising," biro niya rito.

"Napakabango naman ng mga iyan," tukoy nito sa mga nakahain sa mesa.

"Oo naman at napakasarap pa ng mga 'yan. Kaya maupo ka na para matikman mo. Duda kasi ako na nagkita na kayo ng mga 'yan,"

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin, alam kong hindi ganiyan ang inuulam mo kasi pangmahirap lang 'yan, ikaw rich man. Ang mga inuulam mo, steak, caviar, bluefin tuna, " tumatawa niyang biro.

"Kung maka-rich man ka naman at hindi nag-uulam ng mga gan'yan. Alam ko ang mga ulam na yan. Nag-uulam ako niyan,"

"Talaga lang ha? Sabihin mo nga isa-isa kung ano ang mga 'iyan?" hamon niya rito.

"Iyon lang pala. Mapapahiya ka sa'kin Sophia. Alam ko ang lahat ng 'yan. May pisil ka sa ilong kapag nasabi ko kung ano ang mga 'yan," wika nito na buo ang kompiyansa sa sarili.

"Okay. Pero tinitiyak ko sa'yo na hindi mo alam ang mga iyan," kompiyansa rin niyang sagot.

"Ito ay fried smoked milkfish, fried dried squid, salted egg at fried eggplant. Tama ako 'di ba?" wika nito na mababakas na sa labi ang ngiting tagumpay.

Hindi akalain ni Sophia na alam nga ni Jamir ang mga ulam na 'yon. Inakala niyang sa pagiging bilyonaryo nito ay hindi nito alam at hindi ito nag-uulam ng mga 'yon.

" Mali ka!" kunwa'y malakas niyang wika.

"Huh?" pagtataka ang lumarawan sa guwapong mukha ni Jamir.

"Ang mga iyan ay tinapang bangus, pritong d***g na pusit, itlog na maalat at pritong talong," tumatawa niyang wika. Bagamat malinaw pa sa tanghaling tapat na my pisil na siya sa ilong.

"Puro ka na naman biro na bata ka. Panalo ako. Ilapit mo ang ilong mo," malapad ang ngiting wika nito.

"M-Masakit pa dahil sa pagkakapisil mo kagabi. Palampasin mo na na muna ako ngayon," pagsusumamo niyang wika na hinaplos-haplos pa kunwa ang ilong atsaka iminwestra ang peace sign at nginitian niya ito ng matamis.

Nakuha naman si Jamir sa pagsusumamo niya. "Kung hindi lang masarap itong mga inihanda mong almusal, hindi kita palalampasin at may pisil ka talaga sa ilong," tumatawa nitong wika.

"Kaya mo bang tawirin ang makitid at mahabang hanging bridge na 'yan Jamir?" tanong ni Sophia pagkahinto nila sa bukana ng hanging bridge na mayroong layong isandaang metro. Ilog ang nasa ibaba nito na ang lalim mula sa kinalalagyan nila ay nasa dalawampu't limang talampakan.

"Oo naman. Wala akong fear of heights. Halika na, tawirin na natin," anito na nauna nang naglakad.

"Sandali Jamir. Ikaw walang fear of heights, pero ako mayroon," wika ni Sophia na nagsisimula nang mangatog ang tuhod at nagpapawis na rin ang mga palad.

Kaagad na napahinto si Jamir at pumihit pabalik kay Sophia dahil sa narinig. Pag-aalala ang mababakas dito ng makita nitong balisa na at halata na ang kaba sa dalaga. "May acrophobia ka pala pero bakit niyaya mo pa akong magpunta rito?" wika nito pagkalapit. Kinapa nito sa bulsa ng suot na kupasing maong na pantalon ang panyo nito, pagkatapos ay pinahid nito ang pawis sa buong mukha ng dalaga.

"Gusto ko kasi na makita mo ang magandang lugar dito sa amin. Hindi mo aakalain na mayroong ganoong tanawin dito kapag nakita mo 'yon,"

"Paano ko naman makikita 'yon kung mag-isa lang ako. Hindi ko naman kabisado ang lugar na ito. Atsaka kahit ituro mo, hindi ako pupunta roon. Hindi ko hinahangad na makita 'yon kung maiiwan ka naman dito. Kaya halika na, umuwi na tayo sa bahay," anito na hinawakan na siya sa braso upang iigiya na pauwi.

"Sandali Jamir," naudlot sa paghakbang ang binata at nilingon siya nito. Gusto ko talagang makita mo 'yon,"

"Hindi rin matigas ang ulo mo na bata ka," wika nito na ihinilamos sa mukha ang palad nito.

"May paraan naman para makaya kong tawirin 'yan,"

"Paano?"

"Pipikit lang ako tapos dahan-dahan lang din sa paglalakad para hindi ako mauga at maliyo habang binabagtas 'yan,"

"Sigurado ka ba?" nag-aalala parin nitong wika.

"Oo. Ganoon lagi ang ginagawa ko kapag nagpupunta rito. Kaya lang inaalalayan ako ni Inay o ni Itay,"

Sige, ikaw ang bahala. Pero kung hindi mo na kaya, magsabi ka lang at babalik tayo,"

"Yes, sir!" sagot niya at pilit na tumawa upang maikalma ang sarili.

Pisil naman sa ilong ang iginanti nito sa kaniya. "Nagawa mo pa ang magbiro, nangangatog. ka na nga riyan," wika nito.

Nagpasimula silang humakbang, nauuna si Jamir sa paglalakad habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa isang braso ni Sophia.

"Inhale, exhale, Sophia,"

"O-Okay, Jamir," aniya at sinunod ang sinabi nito. Lumaghap siya ng hangin at marahan itong ibinuga. Dahan-dahan lang," paalala niya.

Naging maayos naman ang mga naunang metro ng kanilang paglalakad. Kalmado siya. May nararamdaman lang siyang kaonting pagkaasiwa dahil sa kamay ni Jamir na nakahawak sa kaniyang braso. Ngunit sinaway niya ang sarili sa nararamdamang iyon

Nasa bandang kalagitnaan na sila nang biglang mapaatras sa kaniya si Jamir. Kung hindi lang siya naging maagap at naging matatag ang pagkakatayo niya, marahil ay nabuwal na silang dalawa. Ngunit nagikha iyon nang paggalaw ng tulay.

"W-Whooah! Ano 'yon?" ani Jamir.

Napamulat naman siya bigla ng mga mata dahil sa kuryosidad. "Ano 'yong nakita mo?" Tanong niya. Ngunit bigla siyang naliyo nang bumungad sa kaniyang paningin ang tanawin mula sa kanilang kinatatayuan. Ang ilog sa ibaba at kung gaano kataas ang kanilang kinaroroonan. Bigla siyang nakaramdam ng panginginig at panlalamig ng katawan. Nangangatog na ang kaniyang mga tuhod at kinakapos na rin siya ng paghinga. "J-Jamir," mahina niyang wika na halos wala na ring lumabas na boses sa kaniyang lalamunan.

Paglingon ni Jamir sa kaniya, kita niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Oh, Sophia, sorry. May malaki kasing ibon na biglang dumaan sa harap ko kaya ako napaatras," paliwanag nito.

Hindi na niya nagawang magsalita pa. Tanging pagtulo ng masaganang luha ang naging sagot niya rito sapagkat nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.

"Sorry, Sophia," sabay kabig at niyakap siya nito ng mahigpit. "Pumikit ka. Relax, please. Gawin mo muli ang inhale, exhale," wika nito na hinahagod-hagod ng palad ang likod niya.

Sinunod ni Sophia si Jamir. Bagamat nahihirapan siyang gawin dahil sa panginginig ng kaniyang katawan. Humugot siya ng malalim na paghinga at dahan-dahan niya uli itong ibinuga. Sinabi niya sa kan'yang sarili na kailangan niyang kumalma upang hindi siya matalo ng takot at kaba. Gusto niyang makita ni Jamir ang magandang lugar na sinasabi niya rito. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. Pilit na kinontrol at ikinalma ang kinakapos niyang paghinga. Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa unti-unti ay naramdaman niya ang pagbabalik ng normal niyang paghinga.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Ang malapad na dib-dib ni Jamir ang bumungad sa kaniya. Hanggang balikat lang siya nito kaya kailangan pa niya itong tingalain upang makita ang mukha nito.

"Okay ka na ba? Kalmado na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kaniya na kita pa rin sa mukha nito ang pag-aalala.

Nginitian niya ito ng matamis. "Maayos na ang pakiramdam ko,Jamir. Salamat,"

Sa narinig kinabig muli ni Jamir si Sophia at niyakap ng mahigpit. "Mabuti naman, pinag-aalala mo akong bata ka," anito sabay gulo sa buhok niya.

"H-Hmm, ang higpit ng yakap mo, hindi ako makahinga," tila kinakapos ng hangin na wika niya.

"Pasensya na. Sobra lang akong natuwa na maayos ka na. Nakaya mong kontrolin ang lahat. Nalagpasan mo ang takot mo. Matapang ka talagang bata," buong paghanga nitong wika.

"Kinaya ko kasi gusto ko talagang makita mo ang sinasabi ko sa iyong lugar,"

"Sigurado ka ba? Tutuloy pa tayo? Alam mo ngayon ko napatunayan 'yong sinabi ni Inay Tisay na kapag may ginusto ka na kahit ano, gagawin mo at walang makahahadlang," nakangiti nitong sabi.

"Kaya tayo na, kasi hindi mo ako mapipilit na umuwi," nginitian niya ito ng nakakaloko. Sabay muwestra ng kamay ng peace sign.

"W-Whooah! iIto ba iyon? ani Jamir na kitang-kita ang paghanga sa mukha dahil sa kagandahan ng paligid. Nakatunghay ito sa waterfalls na may dalawampung metro ang taas. Napakaputi ng tubig na nanggagaling sa itaas. At ang malalas na lagaslas nito na tila may sariling ritmo ay napakasarap pakinggan. Pagkababa naman ng tubig nito ay alanganing kulay berde at asul na ang kulay nito. "Breathtaking," dagdag pa nito.

Napapalibutan ang kalahati ng paligid ng waterfalls ng nagtataasan at mayayabang na punong kahoy. Hindi gaanong mainit doon kahit na alas onse na ng umaga. Pinagsamang lamig ng panahon at lamig ng tubig ang mararamdaman sa lugar na ito. Kapag naririto ka, tila niyayakap ka ng kalikasan.

"Sabi ko sa iyo eh, maganda ang lugar na ito. Malamang na isa ito sa lugar na hindi mo makakalimutan!" buong pagmamalaking wika ni Sophia.

"Tama ka," nakangiti ng matamis na wika nito.

" Bawal ngumiti,"

"Huh? may ganoong patakaran na sinusunod sa lugar na ito? Parang ang weird yata," maang na tanong nito.

"Bawal ngumiti kasi kinikilig ako sa ngiti mo," mahina nitong usal sa sarili.

"Huh? Ano Sophia? Lakasan mo! Hindi ko marinig. Ang lakas ng lagaslas ng tubig,"

"Ang sabi ko, bawal ngumiti rito kasi may kuwento ang matatanda na mayroon daw nagbabantay na engkantada sa lugar na ito. Baka maakit sa killer smile mo at magustuhan ka, pagkatapos ay iuwi ka niya sa kaharian nila," aniya pagkatapos ay sinundan nang malakas na pagtawa.

"Puro ka biro, akala ko talaga totoong bawal ang ngumiti rito," tatawa-tawa rin nitong sabi.

"Ang sarap Jamir! Ang lamig. Ilubog mo na rin ang mga paa mo," aniya na ikinukuyakoy pa nito ang mga paa sa tubig. Naglilikha tuloy ang ginagawa niya ng pagtalsik ng tubig sa katawan at mukha niya. Napapipikit tuloy siya sa lamig ng tubig na tumatalsik sa kaniyang mukha.

Nakaupo siya at si Jamir sa mga malalaking batong nasa gilid ng tubig.

May pagtatakang nilingon niya si Jamir sapagkat wala man lang pagkilos o salita na narinig siya mula rito. Nasa kaliwang gilid niya ito na ang pagitan nila sa isa't-isa ay nasa tatlong metro. Seryoso itong nakatitig lang sa kaniya.

"May problema ba?" nagtataka niyang tanong dito.

Ngumiti muna sa kaniya si Jamir bago ito nagsalita. "Salamat, Sophia. Para lang maipakita mo sa akin ang lugar na ito, binalewala at pinaglabanan mo ang pagkakaroon mo ng fear of heights. Na-appreciate ko. At hanga ako sa iyo sapagkat napakatapang mo talagang bata," sinsero at buong paghanga nitong wika.

"Jamir, freeze! Ganiyan ka lang, huwag kang kikilos,"

"Huh? Bakit na naman?"

Inilapit nang bahagya ni Sophia ang mukha kay Jamir. Guwapo ka at kamukha mo si Go Yun na korean actor, pero hindi mo bagay ang maging korean drama actor," basag niya sa kaseryosuhan nito. Sabay tawa ng malakas.

Tiningnan naman siya nang nagbabantang tingin ni Jamir. At mabilis na tinawid nito ang pagitan nila at pinisil nito ang tungki ng ilong niya.

"A-Aray! Jamir!" nag-echo sa buong paligid ang boses ni Sophia.

"Pasaway ka kasi," anitong tinawanan siya ng malakas...

Related chapters

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 8: Pagkakalayo

    " Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia."

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 9: Siyudad

    Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata. "Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati. "Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito. "Ma

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 10: Mansiyon

    Hangang-hanga at nalulula si Sophia pagkabukas ng pinto ni Jamir nang bumungad sa kaniyang paningin ang maluwang na sala ng mansiyon ng mga ito. Napakaganda at napaka-elegante nito. Ang mga muwebles dito ay mga antigo at halatang mahal ang halaga. Napakataas ng kisame nito na may malaking aranya sa pinaka-sentro ng sala. Ang sementong dinding ay kombinasyon ng kulay biege, gatas at mocha. May malalaki itong bintanang salamin na kita ang maganda at malawak na tanawin sa labas ng mansiyon. May mataas itong pakurbang hagdan sa bandang kaliwa. At sa bukana ng hagdan ay may nakalagay na antigong kulay brown na piano. At ang mga mamahaling sofa na nasa gitna ng sala ay may kombinasyon din ng kulay biege at gatas. Maaliwalas at malinis tingnan ang kabuuan ng sala ng mansion. "Iho, Jamir! Dumating ka na!" Ang malakas at masayang boses na iyon na umalingawngaw sa buong sala ang nagpatigil sa pagsusuri ni Sophia sa kagandahan ng sala ng mansiyon. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses,

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 11: Jamir's sister

    "Kumusta iha, nakapagpahinga ka rin ba ng maayos?" Bungad ng mommy ni Jamir na nakangiti sa kaniya. Nakaupo na ito sa pinaka-sentro ng mesang parisukat. "Opo, Tita. Napasarap nga po ang tulog ko, kung hindi pa po ako pinuntahan ni Jamir para gisingin baka mamaya pa po ako magising. Pasensya na po napaghintay ko po kayo dito sa hapag," paumanhing wika niya. Ipinaghila siya ni Jamir ng upuan para makaupo siya. At pagkatapos ay ito naman ang naupo. Nakapwesto ito sa kaliwa ni Sophia, ang mommy naman nito ay sa gawing kaliwa rin nito. "Naku! Mommy, nang makita ko po si Sophia kanina, sa sarap ng tulog niyan, may laway pa yan na nakatulo sa gilid ng bibig," nakatawang wika nito na sinulyapan siya. Pinamulahan ng mukha si Sophia na sinalubong ng tingin si Jamir. Nagtatanong ang mga mata kung totoo ba ang sinabi nito. "Binibiro mo lang ako diba?" nahihiya niyang tanong sabay sulyap sa mommy ni Jamir. Tumawa ng malakas si Jamir dahil sa naging reaksyon niya. "Totoo at hindi ako nagb

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 1: Unforgettable Morning

    Pilit na inaaninag ni Sophia ang screen ng kaniyang cellphone upang i-off ang pag-a-alarm nito. Alas kuwatro na ng umaga, bagamat mahapdi pa ang kaniyang mga mata at ibig pa sanang matulog ngunit kailangan na niyang bumangon.Ganito nagsisimula ang bawat umaga niya, ang gumising ng maaga. Nagtitinda kasi sila ng sari-saring prutas sa bayan. May maliit silang puwesto doon na inuupahan nila.Pansamantala siyang tumigil sa pag-aaral upang makapag-ipon muna ng gagastusin niya para sa kaniyang tuition fee at sa iba pang kakailanganin niya sa kan'yang pag-aaral.Kaya naman narito siya at kailangang gumising ng maaga upang matulungan ang kaniyang inay at itay sa pagtitinda.Kaagad siyang tumayo at iniligpit na ang kan'yang hinigaan. Hihikab-hikab pa siya sa sobrang antok, ngunit bago pa siya makarating sa pintuan ng kaniyang kuwarto upang lumabas, napaskil sa kan'yang labi ang ngiti ng makita ang poster ng kaniyang iniidolong korean aktor na nakadikit sa pintuan ng kaniyang kuwarto. "Good m

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 2: Katapangan

    Kaagad na lumuhod si Sophia pagkalapit sa taong biktima ng krimen, lalaki pala ito. Hindi niya gaanong makita ang buong mukha nito bagamat natatamaan na ito ng ilaw ng kanilang sasakyan sapagkat halos mapuno ng dugo ang mukha nito. At kita niya na mayroon itong sugat sa itaas na kanang bahagi ng noo nito. Mukhang malalim ang sugat doon kaya naman maraming dugo ang lumabas mula rito.Nanginginig man ang buong katawan ng dalaga ngunit kailangan niyang maging matapang, sa itsura ng dugo na nasa mukha nito ay bago pa lang ito at hindi pa nagtatagal ang pangyayari. Kaagad niyang hinagilap ang kamay nito at pinulsuhan, ngunit hindi niya agad maramdaman ang pagpintig ng pulso nito sapagkat nanginginig ang kaniyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na paghinga tsaka niya ito dahan-dahang ibinuga."Relaks, Sophia. Kailangan mong kumalma, kailangan ka ng taong ito," usal nito sa sarili. Nakatulong naman sa kaniya ang kaniyang ginawa sapagkat onti-onting nawala ang panginginig ng kaniyang kat

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 3: Pagkamangha

    "Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Aling Tisay kay Sophia ng makaalis na ang nurse na may dala sa dugong nakuha sa kan'ya."Medyo nakakaramdam po ako ng onting pagkahilo at panlalata. Pero huwag po kayong mag-alala Inay at normal lang naman po itong nararamdaman ko sa tulad kong nakuhanan ng dugo, tulad ng paliwanag ng Duktor,""Oh, siya sige anak, kainin mo itong ipinabili ko sa Itay mong nilagang itlog ng pugo at inihaw na atay ng baboy, makakatulong ito para sa pagbuti ng pakiramdam mo at para mapalitan ang nawala sa iyong dugo," wika nito at kinuha ang kulay brown na paper bag na nakapatong sa mesang puti na nasa kanang gilid ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan." Salamat po, Inay," wika nito at dahan-dahang bumangon at naupo."Maya-maya lang narito na ang Itay mo, tiningnan lang niya iyong mga naiwang prutas sa loob ng puwesto natin at baka may nasira o nabulok na roon. Bukas na lang siya magtitinda, ipahahatid na kita sa bahay mamaya para makapagpahinga ka. Ako na

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 4: Tunay na nangyari

    "Ako nga pala si Jamir, Jamir Estabillo," wika nito na inilahad ang kanang kamay kay Sophia.Atubili man at nahihiya, pero sa kagandahang asal ay inabot ng dalaga ang kamay ni Jamir. Ngunit bigla rin niyang binawi ito sapagkat may kakaibang sensayon ang dumaloy sa kaniyang kalamnan nang magdikit ang kanilang mga palad.Pagtataka ang bumadha sa mukha ni Jamir sa ikinilos niya. "Pasensya na Jamir galing nga pala ako sa labas, hindi pa ako nakapag-alchohol, baka mapasahan pa kita ng virus. Hindi pa naman tayo ligtas sa covid," pagdadahilan niya na alanganing nakangiti. Kung nakumbinsi niya si Jamir sa kaniyang dahilan ay hindi niya tiyak. Nagulat siya sa naramdaman niya kanina. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Napapanood niya sa mga drama at nababasa niya sa online stories ang ganong pangyayari ngunit hindi niya akalain na ganoon pala yon, misteryosong damdamin na mararamdaman lang ng isang tao para sa sinasabing soulmate niya.Pero sinawata agad ng dalaga ang nasa isip."Huwa

Latest chapter

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 11: Jamir's sister

    "Kumusta iha, nakapagpahinga ka rin ba ng maayos?" Bungad ng mommy ni Jamir na nakangiti sa kaniya. Nakaupo na ito sa pinaka-sentro ng mesang parisukat. "Opo, Tita. Napasarap nga po ang tulog ko, kung hindi pa po ako pinuntahan ni Jamir para gisingin baka mamaya pa po ako magising. Pasensya na po napaghintay ko po kayo dito sa hapag," paumanhing wika niya. Ipinaghila siya ni Jamir ng upuan para makaupo siya. At pagkatapos ay ito naman ang naupo. Nakapwesto ito sa kaliwa ni Sophia, ang mommy naman nito ay sa gawing kaliwa rin nito. "Naku! Mommy, nang makita ko po si Sophia kanina, sa sarap ng tulog niyan, may laway pa yan na nakatulo sa gilid ng bibig," nakatawang wika nito na sinulyapan siya. Pinamulahan ng mukha si Sophia na sinalubong ng tingin si Jamir. Nagtatanong ang mga mata kung totoo ba ang sinabi nito. "Binibiro mo lang ako diba?" nahihiya niyang tanong sabay sulyap sa mommy ni Jamir. Tumawa ng malakas si Jamir dahil sa naging reaksyon niya. "Totoo at hindi ako nagb

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 10: Mansiyon

    Hangang-hanga at nalulula si Sophia pagkabukas ng pinto ni Jamir nang bumungad sa kaniyang paningin ang maluwang na sala ng mansiyon ng mga ito. Napakaganda at napaka-elegante nito. Ang mga muwebles dito ay mga antigo at halatang mahal ang halaga. Napakataas ng kisame nito na may malaking aranya sa pinaka-sentro ng sala. Ang sementong dinding ay kombinasyon ng kulay biege, gatas at mocha. May malalaki itong bintanang salamin na kita ang maganda at malawak na tanawin sa labas ng mansiyon. May mataas itong pakurbang hagdan sa bandang kaliwa. At sa bukana ng hagdan ay may nakalagay na antigong kulay brown na piano. At ang mga mamahaling sofa na nasa gitna ng sala ay may kombinasyon din ng kulay biege at gatas. Maaliwalas at malinis tingnan ang kabuuan ng sala ng mansion. "Iho, Jamir! Dumating ka na!" Ang malakas at masayang boses na iyon na umalingawngaw sa buong sala ang nagpatigil sa pagsusuri ni Sophia sa kagandahan ng sala ng mansiyon. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses,

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 9: Siyudad

    Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata. "Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati. "Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito. "Ma

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 8: Pagkakalayo

    " Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia."

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 7: Determinasyon

    "Good morning."Nagpaangat sa ulo ni Sophia ang tinig na iyon ni Jamir. Abala siya sa paghihiwa ng kamatis na sawsawan ng kanilang ulam na tinapang bangus, daing na pusit, itlog na maalat at pritong talong. " Magandang umaga rin, Jamir," ganting bati niya rito. Hindi pa rin siya sanay sa malakas na presensiya nito. Naroon pa rin lagi ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing makikita ito at magsasalubong ang kanilang mga mata. "Ang guwapo," sigaw ng isipan niya."Napasarap ang tulog ko, tinanghali ako ng gising. Pasensiya na," nakangiti nitong wika."Okay lang. Mabuti nga para makapagpahinga ka ng mabuti. Tsaka hindi naman ikaw ang magluluto ng almusal natin kaya walang problema kahit tanghaliin ka ng gising," biro niya rito. "Napakabango naman ng mga iyan," tukoy nito sa mga nakahain sa mesa."Oo naman at napakasarap pa ng mga 'yan. Kaya maupo ka na para matikman mo. Duda kasi ako na nagkita na kayo ng mga 'yan,""Huh?""Ang ibig kong sabihin, alam kong hindi ganiyan ang

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 6: Kabutihan

    Pagdating ni Sophia sa kanilang hardin kung saan naroon si Jamir ayon na rin sa kaniyang inay na dito raw ito nagtungo pagkatapos nilang kumain ng hapunan.Naudlot ang muli niyang paghakbang nang makita niyang tila ay napakalalim ng iniisip nito na nakatingin sa malawak nilang bakuran. Nakaupo si Jamir sa isa upuang nakapaikot sa mesang tablang parisukat na nasa gitna ng kanilang hardin. Mayroong iba't-ibang nakatanim na halamang namumulaklak dito, tulad ng orchids, rosal, bonsai na kalachuchi at bougainvillea. Sa araw napakaganda nito tingnan sapagkat kita ang iba't-ibang kulay ng mga bulaklak dito. Ngunit sa gabi ang amoy ng mga bulaklak ang pumupuno sa buong paligid kaya masarap ang magpalipas ng oras at magmuni-muni rito. Pipihit na sana si Sophia pabalik sa loob ng kanilang bahay upang huwag ng maabala pa si Jamir sa tila ay malalim nitong pag-iisip, nang bigla itong magsalita. "Halika rito Sophia, samahan mo muna ako. Maaga pa naman upang matulog,""Hmm, okay. Parang ang lalim

  • My Idol Is My Prince Charming   Chapter 5: Jamir meets her Idol

    "Naririto na tayo Jamir," wika ni Mang Na'to pagkahinto ng sasakyan nilang minamaneho nito. Kita ni Sophia na parang nabigla pa sa paglingon si Jamir sa kaniyang tatay na katabi nito na nakaupo sa unahang upuan. Marahil nalibang ito sa pagmamasid sa kanilang dinaraanan pauwi sa kanila. Maganda kasi ang kanilang lugar lalo kung ang makakakita ay tulad ng binata na sa siyudad naninirahan. Nakakawala ng pagod at nakakapagbigay ng kapanatagan sa puso, kapag ang makikita ay malawak at maberdeng kapaligiran dahil sa malawak na palayan at punong nakahanay sa gilid ng daan.Iba't-ibang klase ng puno tulad ng aratilis, akasya at puno ng mangga ang makikita papasok sa kanilang lugar."Pagpasensiyahan mo na ang lugar at bahay namin, maliit lang ito iho," malumanay na wika ni Mang Nato bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan at nauna na ng bumaba. Sumunod na ring bumaba si Jamir. Kasunod si Sophia at Aling Tisay."Okay lang po, Mang Nato. Maganda po ang lugar niyo, maliit man po ang bahay

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 4: Tunay na nangyari

    "Ako nga pala si Jamir, Jamir Estabillo," wika nito na inilahad ang kanang kamay kay Sophia.Atubili man at nahihiya, pero sa kagandahang asal ay inabot ng dalaga ang kamay ni Jamir. Ngunit bigla rin niyang binawi ito sapagkat may kakaibang sensayon ang dumaloy sa kaniyang kalamnan nang magdikit ang kanilang mga palad.Pagtataka ang bumadha sa mukha ni Jamir sa ikinilos niya. "Pasensya na Jamir galing nga pala ako sa labas, hindi pa ako nakapag-alchohol, baka mapasahan pa kita ng virus. Hindi pa naman tayo ligtas sa covid," pagdadahilan niya na alanganing nakangiti. Kung nakumbinsi niya si Jamir sa kaniyang dahilan ay hindi niya tiyak. Nagulat siya sa naramdaman niya kanina. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Napapanood niya sa mga drama at nababasa niya sa online stories ang ganong pangyayari ngunit hindi niya akalain na ganoon pala yon, misteryosong damdamin na mararamdaman lang ng isang tao para sa sinasabing soulmate niya.Pero sinawata agad ng dalaga ang nasa isip."Huwa

  • My Idol Is My Prince Charming   Kabanata 3: Pagkamangha

    "Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Aling Tisay kay Sophia ng makaalis na ang nurse na may dala sa dugong nakuha sa kan'ya."Medyo nakakaramdam po ako ng onting pagkahilo at panlalata. Pero huwag po kayong mag-alala Inay at normal lang naman po itong nararamdaman ko sa tulad kong nakuhanan ng dugo, tulad ng paliwanag ng Duktor,""Oh, siya sige anak, kainin mo itong ipinabili ko sa Itay mong nilagang itlog ng pugo at inihaw na atay ng baboy, makakatulong ito para sa pagbuti ng pakiramdam mo at para mapalitan ang nawala sa iyong dugo," wika nito at kinuha ang kulay brown na paper bag na nakapatong sa mesang puti na nasa kanang gilid ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan." Salamat po, Inay," wika nito at dahan-dahang bumangon at naupo."Maya-maya lang narito na ang Itay mo, tiningnan lang niya iyong mga naiwang prutas sa loob ng puwesto natin at baka may nasira o nabulok na roon. Bukas na lang siya magtitinda, ipahahatid na kita sa bahay mamaya para makapagpahinga ka. Ako na

DMCA.com Protection Status