Chapter: Chapter 11: Jamir's sister"Kumusta iha, nakapagpahinga ka rin ba ng maayos?" Bungad ng mommy ni Jamir na nakangiti sa kaniya. Nakaupo na ito sa pinaka-sentro ng mesang parisukat. "Opo, Tita. Napasarap nga po ang tulog ko, kung hindi pa po ako pinuntahan ni Jamir para gisingin baka mamaya pa po ako magising. Pasensya na po napaghintay ko po kayo dito sa hapag," paumanhing wika niya. Ipinaghila siya ni Jamir ng upuan para makaupo siya. At pagkatapos ay ito naman ang naupo. Nakapwesto ito sa kaliwa ni Sophia, ang mommy naman nito ay sa gawing kaliwa rin nito. "Naku! Mommy, nang makita ko po si Sophia kanina, sa sarap ng tulog niyan, may laway pa yan na nakatulo sa gilid ng bibig," nakatawang wika nito na sinulyapan siya. Pinamulahan ng mukha si Sophia na sinalubong ng tingin si Jamir. Nagtatanong ang mga mata kung totoo ba ang sinabi nito. "Binibiro mo lang ako diba?" nahihiya niyang tanong sabay sulyap sa mommy ni Jamir. Tumawa ng malakas si Jamir dahil sa naging reaksyon niya. "Totoo at hindi ako nagb
Huling Na-update: 2024-07-30
Chapter: Chapter 10: Mansiyon Hangang-hanga at nalulula si Sophia pagkabukas ng pinto ni Jamir nang bumungad sa kaniyang paningin ang maluwang na sala ng mansiyon ng mga ito. Napakaganda at napaka-elegante nito. Ang mga muwebles dito ay mga antigo at halatang mahal ang halaga. Napakataas ng kisame nito na may malaking aranya sa pinaka-sentro ng sala. Ang sementong dinding ay kombinasyon ng kulay biege, gatas at mocha. May malalaki itong bintanang salamin na kita ang maganda at malawak na tanawin sa labas ng mansiyon. May mataas itong pakurbang hagdan sa bandang kaliwa. At sa bukana ng hagdan ay may nakalagay na antigong kulay brown na piano. At ang mga mamahaling sofa na nasa gitna ng sala ay may kombinasyon din ng kulay biege at gatas. Maaliwalas at malinis tingnan ang kabuuan ng sala ng mansion. "Iho, Jamir! Dumating ka na!" Ang malakas at masayang boses na iyon na umalingawngaw sa buong sala ang nagpatigil sa pagsusuri ni Sophia sa kagandahan ng sala ng mansiyon. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses,
Huling Na-update: 2024-06-06
Chapter: Chapter 9: SiyudadMarahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata. "Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati. "Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito. "Ma
Huling Na-update: 2023-11-29
Chapter: Chapter 8: Pagkakalayo " Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia."
Huling Na-update: 2023-11-21
Chapter: Chapter 7: Determinasyon"Good morning."Nagpaangat sa ulo ni Sophia ang tinig na iyon ni Jamir. Abala siya sa paghihiwa ng kamatis na sawsawan ng kanilang ulam na tinapang bangus, daing na pusit, itlog na maalat at pritong talong. " Magandang umaga rin, Jamir," ganting bati niya rito. Hindi pa rin siya sanay sa malakas na presensiya nito. Naroon pa rin lagi ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing makikita ito at magsasalubong ang kanilang mga mata. "Ang guwapo," sigaw ng isipan niya."Napasarap ang tulog ko, tinanghali ako ng gising. Pasensiya na," nakangiti nitong wika."Okay lang. Mabuti nga para makapagpahinga ka ng mabuti. Tsaka hindi naman ikaw ang magluluto ng almusal natin kaya walang problema kahit tanghaliin ka ng gising," biro niya rito. "Napakabango naman ng mga iyan," tukoy nito sa mga nakahain sa mesa."Oo naman at napakasarap pa ng mga 'yan. Kaya maupo ka na para matikman mo. Duda kasi ako na nagkita na kayo ng mga 'yan,""Huh?""Ang ibig kong sabihin, alam kong hindi ganiyan ang
Huling Na-update: 2023-11-13
Chapter: Chapter 6: KabutihanPagdating ni Sophia sa kanilang hardin kung saan naroon si Jamir ayon na rin sa kaniyang inay na dito raw ito nagtungo pagkatapos nilang kumain ng hapunan.Naudlot ang muli niyang paghakbang nang makita niyang tila ay napakalalim ng iniisip nito na nakatingin sa malawak nilang bakuran. Nakaupo si Jamir sa isa upuang nakapaikot sa mesang tablang parisukat na nasa gitna ng kanilang hardin. Mayroong iba't-ibang nakatanim na halamang namumulaklak dito, tulad ng orchids, rosal, bonsai na kalachuchi at bougainvillea. Sa araw napakaganda nito tingnan sapagkat kita ang iba't-ibang kulay ng mga bulaklak dito. Ngunit sa gabi ang amoy ng mga bulaklak ang pumupuno sa buong paligid kaya masarap ang magpalipas ng oras at magmuni-muni rito. Pipihit na sana si Sophia pabalik sa loob ng kanilang bahay upang huwag ng maabala pa si Jamir sa tila ay malalim nitong pag-iisip, nang bigla itong magsalita. "Halika rito Sophia, samahan mo muna ako. Maaga pa naman upang matulog,""Hmm, okay. Parang ang lalim
Huling Na-update: 2023-11-10