Kaagad na lumuhod si Sophia pagkalapit sa taong biktima ng krimen, lalaki pala ito.
Hindi niya gaanong makita ang buong mukha nito bagamat natatamaan na ito ng ilaw ng kanilang sasakyan sapagkat halos mapuno ng dugo ang mukha nito. At kita niya na mayroon itong sugat sa itaas na kanang bahagi ng noo nito. Mukhang malalim ang sugat doon kaya naman maraming dugo ang lumabas mula rito.Nanginginig man ang buong katawan ng dalaga ngunit kailangan niyang maging matapang, sa itsura ng dugo na nasa mukha nito ay bago pa lang ito at hindi pa nagtatagal ang pangyayari. Kaagad niyang hinagilap ang kamay nito at pinulsuhan, ngunit hindi niya agad maramdaman ang pagpintig ng pulso nito sapagkat nanginginig ang kaniyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na paghinga tsaka niya ito dahan-dahang ibinuga."Relaks, Sophia. Kailangan mong kumalma, kailangan ka ng taong ito," usal nito sa sarili.Nakatulong naman sa kaniya ang kaniyang ginawa sapagkat onti-onting nawala ang panginginig ng kaniyang katawan.Kinuha niyang muli ang kamay nito at muling dinama ang pulso nito. Ilang segundo rin bago niya tuluyang maramdaman na may pulso pa ito, bagamat mahina lang. Pero nakatanaw siya ng pag-asa, maaari pa nilang mailigtas ang taong ito. Dahil doon ang luha ng kaligayahan ay tumulo sa kaniyang pisngi. "Salamat po," usal nito at tumingala sabay pikit ng mariin sa kaniyang mata."Naku po! Diyos ko! S-sino ba yang tao na yan? Anong nangyari sa kaniya at duguan?" wika ni Aling Tisay na bakas na rin sa tinig nito ang matinding nerbiyos na nararamdaman."Napakatindi naman ng sinapit ng lalaking 'yan. Ano kaya ang atraso niya para gawin sa kaniya 'yan?" ani Mang Nato na kasunod na rin ni Aling Tisay. " Oh, baka naman biktima ng hold-up? Mukha kasing mayaman at edukado ang taong 'yan," dugtong pa nito.Tama ang kaniyang itay. Nang pagmasdan niya ang kabuuang itsura ng lalaki, nakasuot ito ng puting polo na long sleeve at slack na kulay abo. Sa klase ng tela ng damit nito ay hindi ito mabibili sa palengke lang, de klase ito at branded. Napagmasdan din niya ang kutis nito, nakatupi kasi hanggang braso ang long sleeve nito kaya kita ang maputi at makinis nitong balat. "Marahil nga ay biktima ng hold-up ang lalaking ito," aniya sa kaniyang isipan."Itay, inay, may pulso pa po siya! Bilisan po natin, dalhin po natin siya sa ospital! Maililigtas po natin siya kung madadala natin siya kaagad sa ospital!" putol ni Sophia sa mga sinasabi ng kaniyang mga magulang."Oh, siya sige pagtulungan natin siyang maisakay sa sasakyan," wika ni Mang Nato na pumwesto na at hinawakan na ang magkabilang kamay ang lalaki.Si Aling Tisay naman at Sophia ay tig-isa nilang hinawakan ang mga paa nito."Dahan-dahan po inay, itay, dahil hindi po natin alam kung may bali rin ba siya sa kaniyang mga buto, baka lalong makasama po sa kaniyang kalagayan,"Maingat ang ginawa nilang pagsasakay sa lalaki sa loob ng kanilang sasakyan. Bagamat nahihirapan sila dahil may kataasan ito na tantiya ni Sophia ay nasa anim na talampakan ito at higit pa, bukod pa sa may kabigatan ito. Pero sinikap nila at ginawa ang buong pag-iingat na maipasok ito sa loob ng sasakyan.Usal ni Sophia ang panalangin na sana mailigtas nila at makaligtas ang lalaking ito sa tiyak na kamatayan. Lalo alam niya na agaw buhay na ito dahil kita niya ang maraming dugong nawala na dito.. Pero nananalig siya na kakayanin ng lalaking ito na makaligtas dahil may pulso pa ito at dahil don may pag-asa pa." Lumaban ka po," usal ni Sophia habang hinahaplos ang buhok ng lalaki, nakaunan ang ulo nito sa kaniyang kandungan.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, pero wala na sa kaniya ang takot na hawakan ito kahit napapaliguan na ito ng dugo. Ang pumupuno sa kaniyang puso at isipan ay ang paghahangad at pag-asang makaligtas ito.Pagdating nila ng ospital masuwerte silang walang ibang emergency doon na inaasikaso ang mga duktor na naka-duty ng mga oras na 'yon. Mabilis na naisakay sa stretcher na de gulong ang lalaki at naipasok agad sa operating room.Nakaupo si Sophia at ang kaniyang inay at itay sa stainless na upuan sa labas ng operating room. Usal pa rin niya ang taimtim na panalangin para sa kaligtasan ng lalaking iyon.Ang kaniyang itay at inay naman ay hindi pa rin makapaniwala sa pangyayari. Ngayon lang kasi ang unang beses na may nangyaring gano'n sa lugar na 'yon na kanilang dinaraanan.Mga kalahating oras pa ang ipinaghintay nila nang bumukas ang pintuan ng operating room, lumabas doon ang isang lalaking nakasuot ng kulay berdeng mahabang damit at nakasuot ng asul na surgical mask. Marahil ito ang duktor na nag-aasikaso sa lalaki."Kaano-ano po kayo ng lalaking 'yon?" Kayo po ba ang kamag-anak niya?" magalang na tanong ng duktor.Sa tantiya ni Sophia ay nasa kalagitnaan ng singkuwenta ang edad nito."N-naku hindi po Dok, kami lang po ang nakakita sa kaniya sa gilid ng kalsada na dinaraanan namin," sagot ni Mang Nato."Kung ganoon po marahil ay biktima ang lalaking 'yon ng krimen, o hold-up. Wala rin kasi kaming nakitang gamit sa kaniya tulad ng pitaka ng palitan po ito ng damit. Yamang kayo po ang nakakita sa kaniya, kayo nalang po ang hihingan namin ng tulong para sa mga kakailanganin namin para sa pasyente. Yan po e, kung papayag po kayo na makipagtulungan sa amin, alang-alang po sa ikaliligtas ng lalaking 'yon," mahinahong sabi ng duktor"Ay opo, Dok. Wala pong problema, makikipagtulungan po kami sa inyo. Kung ano po ang kakailanganing bilhin at gawin para sa pasyente ay kami na po ang bahala. Lulubusin na po namin ang pagtulong sa kaniya," ani Mang Nato."Salamat po sa inyo. Mas'werte ang lalaking 'yon at natagpuan niyo siya agad at kayo po ang nakatagpo sa kaniya,""Walang anuman po Dok, kami na po muna ang tatayong pamilya niya. Para po kasing dayo lang at hindi tagarito ang lalaking iyon," wika naman ni Aling Tisay."Sige po, Misis. Ang una pong kailangang gawin para sa pasyente ay dapat masalinan siya agad ng dugo dahil marami pong nawalang dugo sa kaniya. Kaya lang po wala pong stock na dugo ang ospital para sa type ng dugo na kailangan ng pasyente. Kailangan niyo pong magpunta pa sa kalapit nating mas malaking ospital para doon makabili ng dugong isasalin, kaya lang malayo pa ang kasunod na ospital dito. Baka hindi na kayanin nang kalagayan ng pasyente ang maghintay pa ng matagal. Pero kung meron po kayong kakilala na maaaring mag-donate agad ng type A.b na dugo, 'yon po ang pinakamabilis na paraan upang mailigtas natin ang buhay ng pasyente." anito"Ako po!" buo ang loob at walang pag-aalinlangang sagot ni Sophia.Sabay-sabay namang napalingon sa kaniya ang tatlo."Okay, sige iha, mabuti kung ganoon at wala na palang problema. Tingin ko naman nasa tamang edad ka na at maaari ka ng mag-donate ng dugo. Pero kailangan ka pa rin naming tanungin sa mga ilang bagay at i-test din ang dugo mo kung nararapat ka ngang makuhanan ng dugo at puwede bang makapag-donate,""Sige po Dok,""Sumunod ka sa akin, iha. Maiwan ko na po kayo,," tinanguan nito ang mag-asawa at pagdaka'y tumalikod na at tinahak nito ang daan pabalik sa operating room."A-anak, sigurado ka ba sa pasiya mo?" may pag-aalalang tanong ni Aling Tisay."Opo inay, buo na po ang pasiya ko.Mahalaga po ang bawat sandali, agaw buhay po ang lalaking'yon, oras ang gugugulin para magpunta pa sa susunod na ospital dito.At kung maghahanap pa po ng maaaring mag-donate, eh malabo pong makahanap agad dahil bihira po ang ganoong tipo ng dugo.Ang sabi rin naman po ni dok, ite-test pa po ako kung pupwede ba akong makuhanan ng dugo. At kung sakali po ay iyong takot lang naman sa karayom ang makakalaban ko. Pero may mas nakakatakot pa po ba sa mawalan ng buhay?" anito sa ina."Siya nga naman Tisay, tama ang anak mo. Wala kang dapat ipag-alala. Ang isipin mo na lang, buhay ang maisasalba ng anak mo kapalit ng dugo niya," paliwanag ni Mang Nato sa asawa."Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Aling Tisay kay Sophia ng makaalis na ang nurse na may dala sa dugong nakuha sa kan'ya."Medyo nakakaramdam po ako ng onting pagkahilo at panlalata. Pero huwag po kayong mag-alala Inay at normal lang naman po itong nararamdaman ko sa tulad kong nakuhanan ng dugo, tulad ng paliwanag ng Duktor,""Oh, siya sige anak, kainin mo itong ipinabili ko sa Itay mong nilagang itlog ng pugo at inihaw na atay ng baboy, makakatulong ito para sa pagbuti ng pakiramdam mo at para mapalitan ang nawala sa iyong dugo," wika nito at kinuha ang kulay brown na paper bag na nakapatong sa mesang puti na nasa kanang gilid ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan." Salamat po, Inay," wika nito at dahan-dahang bumangon at naupo."Maya-maya lang narito na ang Itay mo, tiningnan lang niya iyong mga naiwang prutas sa loob ng puwesto natin at baka may nasira o nabulok na roon. Bukas na lang siya magtitinda, ipahahatid na kita sa bahay mamaya para makapagpahinga ka. Ako na
"Ako nga pala si Jamir, Jamir Estabillo," wika nito na inilahad ang kanang kamay kay Sophia.Atubili man at nahihiya, pero sa kagandahang asal ay inabot ng dalaga ang kamay ni Jamir. Ngunit bigla rin niyang binawi ito sapagkat may kakaibang sensayon ang dumaloy sa kaniyang kalamnan nang magdikit ang kanilang mga palad.Pagtataka ang bumadha sa mukha ni Jamir sa ikinilos niya. "Pasensya na Jamir galing nga pala ako sa labas, hindi pa ako nakapag-alchohol, baka mapasahan pa kita ng virus. Hindi pa naman tayo ligtas sa covid," pagdadahilan niya na alanganing nakangiti. Kung nakumbinsi niya si Jamir sa kaniyang dahilan ay hindi niya tiyak. Nagulat siya sa naramdaman niya kanina. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Napapanood niya sa mga drama at nababasa niya sa online stories ang ganong pangyayari ngunit hindi niya akalain na ganoon pala yon, misteryosong damdamin na mararamdaman lang ng isang tao para sa sinasabing soulmate niya.Pero sinawata agad ng dalaga ang nasa isip."Huwa
"Naririto na tayo Jamir," wika ni Mang Na'to pagkahinto ng sasakyan nilang minamaneho nito. Kita ni Sophia na parang nabigla pa sa paglingon si Jamir sa kaniyang tatay na katabi nito na nakaupo sa unahang upuan. Marahil nalibang ito sa pagmamasid sa kanilang dinaraanan pauwi sa kanila. Maganda kasi ang kanilang lugar lalo kung ang makakakita ay tulad ng binata na sa siyudad naninirahan. Nakakawala ng pagod at nakakapagbigay ng kapanatagan sa puso, kapag ang makikita ay malawak at maberdeng kapaligiran dahil sa malawak na palayan at punong nakahanay sa gilid ng daan.Iba't-ibang klase ng puno tulad ng aratilis, akasya at puno ng mangga ang makikita papasok sa kanilang lugar."Pagpasensiyahan mo na ang lugar at bahay namin, maliit lang ito iho," malumanay na wika ni Mang Nato bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan at nauna na ng bumaba. Sumunod na ring bumaba si Jamir. Kasunod si Sophia at Aling Tisay."Okay lang po, Mang Nato. Maganda po ang lugar niyo, maliit man po ang bahay
Pagdating ni Sophia sa kanilang hardin kung saan naroon si Jamir ayon na rin sa kaniyang inay na dito raw ito nagtungo pagkatapos nilang kumain ng hapunan.Naudlot ang muli niyang paghakbang nang makita niyang tila ay napakalalim ng iniisip nito na nakatingin sa malawak nilang bakuran. Nakaupo si Jamir sa isa upuang nakapaikot sa mesang tablang parisukat na nasa gitna ng kanilang hardin. Mayroong iba't-ibang nakatanim na halamang namumulaklak dito, tulad ng orchids, rosal, bonsai na kalachuchi at bougainvillea. Sa araw napakaganda nito tingnan sapagkat kita ang iba't-ibang kulay ng mga bulaklak dito. Ngunit sa gabi ang amoy ng mga bulaklak ang pumupuno sa buong paligid kaya masarap ang magpalipas ng oras at magmuni-muni rito. Pipihit na sana si Sophia pabalik sa loob ng kanilang bahay upang huwag ng maabala pa si Jamir sa tila ay malalim nitong pag-iisip, nang bigla itong magsalita. "Halika rito Sophia, samahan mo muna ako. Maaga pa naman upang matulog,""Hmm, okay. Parang ang lalim
"Good morning."Nagpaangat sa ulo ni Sophia ang tinig na iyon ni Jamir. Abala siya sa paghihiwa ng kamatis na sawsawan ng kanilang ulam na tinapang bangus, daing na pusit, itlog na maalat at pritong talong. " Magandang umaga rin, Jamir," ganting bati niya rito. Hindi pa rin siya sanay sa malakas na presensiya nito. Naroon pa rin lagi ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing makikita ito at magsasalubong ang kanilang mga mata. "Ang guwapo," sigaw ng isipan niya."Napasarap ang tulog ko, tinanghali ako ng gising. Pasensiya na," nakangiti nitong wika."Okay lang. Mabuti nga para makapagpahinga ka ng mabuti. Tsaka hindi naman ikaw ang magluluto ng almusal natin kaya walang problema kahit tanghaliin ka ng gising," biro niya rito. "Napakabango naman ng mga iyan," tukoy nito sa mga nakahain sa mesa."Oo naman at napakasarap pa ng mga 'yan. Kaya maupo ka na para matikman mo. Duda kasi ako na nagkita na kayo ng mga 'yan,""Huh?""Ang ibig kong sabihin, alam kong hindi ganiyan ang
" Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia."
Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata. "Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati. "Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito. "Ma
Hangang-hanga at nalulula si Sophia pagkabukas ng pinto ni Jamir nang bumungad sa kaniyang paningin ang maluwang na sala ng mansiyon ng mga ito. Napakaganda at napaka-elegante nito. Ang mga muwebles dito ay mga antigo at halatang mahal ang halaga. Napakataas ng kisame nito na may malaking aranya sa pinaka-sentro ng sala. Ang sementong dinding ay kombinasyon ng kulay biege, gatas at mocha. May malalaki itong bintanang salamin na kita ang maganda at malawak na tanawin sa labas ng mansiyon. May mataas itong pakurbang hagdan sa bandang kaliwa. At sa bukana ng hagdan ay may nakalagay na antigong kulay brown na piano. At ang mga mamahaling sofa na nasa gitna ng sala ay may kombinasyon din ng kulay biege at gatas. Maaliwalas at malinis tingnan ang kabuuan ng sala ng mansion. "Iho, Jamir! Dumating ka na!" Ang malakas at masayang boses na iyon na umalingawngaw sa buong sala ang nagpatigil sa pagsusuri ni Sophia sa kagandahan ng sala ng mansiyon. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses,
"Kumusta iha, nakapagpahinga ka rin ba ng maayos?" Bungad ng mommy ni Jamir na nakangiti sa kaniya. Nakaupo na ito sa pinaka-sentro ng mesang parisukat. "Opo, Tita. Napasarap nga po ang tulog ko, kung hindi pa po ako pinuntahan ni Jamir para gisingin baka mamaya pa po ako magising. Pasensya na po napaghintay ko po kayo dito sa hapag," paumanhing wika niya. Ipinaghila siya ni Jamir ng upuan para makaupo siya. At pagkatapos ay ito naman ang naupo. Nakapwesto ito sa kaliwa ni Sophia, ang mommy naman nito ay sa gawing kaliwa rin nito. "Naku! Mommy, nang makita ko po si Sophia kanina, sa sarap ng tulog niyan, may laway pa yan na nakatulo sa gilid ng bibig," nakatawang wika nito na sinulyapan siya. Pinamulahan ng mukha si Sophia na sinalubong ng tingin si Jamir. Nagtatanong ang mga mata kung totoo ba ang sinabi nito. "Binibiro mo lang ako diba?" nahihiya niyang tanong sabay sulyap sa mommy ni Jamir. Tumawa ng malakas si Jamir dahil sa naging reaksyon niya. "Totoo at hindi ako nagb
Hangang-hanga at nalulula si Sophia pagkabukas ng pinto ni Jamir nang bumungad sa kaniyang paningin ang maluwang na sala ng mansiyon ng mga ito. Napakaganda at napaka-elegante nito. Ang mga muwebles dito ay mga antigo at halatang mahal ang halaga. Napakataas ng kisame nito na may malaking aranya sa pinaka-sentro ng sala. Ang sementong dinding ay kombinasyon ng kulay biege, gatas at mocha. May malalaki itong bintanang salamin na kita ang maganda at malawak na tanawin sa labas ng mansiyon. May mataas itong pakurbang hagdan sa bandang kaliwa. At sa bukana ng hagdan ay may nakalagay na antigong kulay brown na piano. At ang mga mamahaling sofa na nasa gitna ng sala ay may kombinasyon din ng kulay biege at gatas. Maaliwalas at malinis tingnan ang kabuuan ng sala ng mansion. "Iho, Jamir! Dumating ka na!" Ang malakas at masayang boses na iyon na umalingawngaw sa buong sala ang nagpatigil sa pagsusuri ni Sophia sa kagandahan ng sala ng mansiyon. Napatingin ito sa pinanggalingan ng boses,
Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa nakatulog nang si Sophia. Hindi niya akalain na hihilahin siya ng antok sa sobrang haba ng oras ng biyahe nila. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon kaya lalo siyang hinila ng pagka-antok. Tumuwid siya ng upo sapagkat nakasandal na pala siya sa balikat ni Jamir. "Pasensya na nakatulog pala ako," aniya na kinusot-kusot pa ang kaniyang mata. "Malapit na tayo," mahinang wika ng nakangiting si Jamir.Tumingin sa labas ng bintana si Sophia. Nasa siyudad na nga sila. Nalula siya sa nakikita at nadadaanang malalaki at naggagandahang building. Sa probinsya nila pinaka-mataas na ang dalawang palapag na nakatayo roon. Pero itong mga nakikita niya ngayong mga building tingin niya ay nasa mga limampung palapag ang taas ng mga ito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito sa personal. Sa telebisyon at mga magazine lang niya kasi nakikita ang mga ito dati. "Ang ganda! Napakataas ng mga building. Ang unlad talaga ng Maynila," manghang wika nito. "Ma
" Aba! eh tama na 'yan. Maghiwalay na kayong mag-ina, tanghali na," biro ni Mang Nato sa kaniyang mag-ina.Mahigpit kasing magkayakap si Sophia at Aling Tisay. Ngayon ang araw ng pag-alis at pagbabalik ni Jamir sa Maynila, kasama si Sophia. Doon ito pag-aaralin ni Jamir, at doon na rin siya patitirahin sa mansiyon ng mga ito. Tumanggi noong una ang mag-asawa na sa Maynila magpatuloy ng pag-aral si Sophia. Doon na lamang daw sa probinsiya nila sapagkat meron rin naman daw magandang kolehiyo sa kanilang bayan, Ayaw din kasi ng mga ito na malayo sa kanila ang nag-iisang anak.Ngunit ipinaliwanag sa kanila ni Jamir na mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Maynila. Sa unibersidad kung saan nito pag-aaralin si Sophia. Ipinaunawa nito na mas maganda ang darating na oportunidad dito kung doon ito makapagtatapos ng kurso nito. Matagal bago nito nakumbinsi ang mag-asawa, ngunit sa huli pumayag din ang mga ito sapagkat sa ikabubuti ito nang kinabukasan ng nag-iisa nilang anak na si Sophia."
"Good morning."Nagpaangat sa ulo ni Sophia ang tinig na iyon ni Jamir. Abala siya sa paghihiwa ng kamatis na sawsawan ng kanilang ulam na tinapang bangus, daing na pusit, itlog na maalat at pritong talong. " Magandang umaga rin, Jamir," ganting bati niya rito. Hindi pa rin siya sanay sa malakas na presensiya nito. Naroon pa rin lagi ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing makikita ito at magsasalubong ang kanilang mga mata. "Ang guwapo," sigaw ng isipan niya."Napasarap ang tulog ko, tinanghali ako ng gising. Pasensiya na," nakangiti nitong wika."Okay lang. Mabuti nga para makapagpahinga ka ng mabuti. Tsaka hindi naman ikaw ang magluluto ng almusal natin kaya walang problema kahit tanghaliin ka ng gising," biro niya rito. "Napakabango naman ng mga iyan," tukoy nito sa mga nakahain sa mesa."Oo naman at napakasarap pa ng mga 'yan. Kaya maupo ka na para matikman mo. Duda kasi ako na nagkita na kayo ng mga 'yan,""Huh?""Ang ibig kong sabihin, alam kong hindi ganiyan ang
Pagdating ni Sophia sa kanilang hardin kung saan naroon si Jamir ayon na rin sa kaniyang inay na dito raw ito nagtungo pagkatapos nilang kumain ng hapunan.Naudlot ang muli niyang paghakbang nang makita niyang tila ay napakalalim ng iniisip nito na nakatingin sa malawak nilang bakuran. Nakaupo si Jamir sa isa upuang nakapaikot sa mesang tablang parisukat na nasa gitna ng kanilang hardin. Mayroong iba't-ibang nakatanim na halamang namumulaklak dito, tulad ng orchids, rosal, bonsai na kalachuchi at bougainvillea. Sa araw napakaganda nito tingnan sapagkat kita ang iba't-ibang kulay ng mga bulaklak dito. Ngunit sa gabi ang amoy ng mga bulaklak ang pumupuno sa buong paligid kaya masarap ang magpalipas ng oras at magmuni-muni rito. Pipihit na sana si Sophia pabalik sa loob ng kanilang bahay upang huwag ng maabala pa si Jamir sa tila ay malalim nitong pag-iisip, nang bigla itong magsalita. "Halika rito Sophia, samahan mo muna ako. Maaga pa naman upang matulog,""Hmm, okay. Parang ang lalim
"Naririto na tayo Jamir," wika ni Mang Na'to pagkahinto ng sasakyan nilang minamaneho nito. Kita ni Sophia na parang nabigla pa sa paglingon si Jamir sa kaniyang tatay na katabi nito na nakaupo sa unahang upuan. Marahil nalibang ito sa pagmamasid sa kanilang dinaraanan pauwi sa kanila. Maganda kasi ang kanilang lugar lalo kung ang makakakita ay tulad ng binata na sa siyudad naninirahan. Nakakawala ng pagod at nakakapagbigay ng kapanatagan sa puso, kapag ang makikita ay malawak at maberdeng kapaligiran dahil sa malawak na palayan at punong nakahanay sa gilid ng daan.Iba't-ibang klase ng puno tulad ng aratilis, akasya at puno ng mangga ang makikita papasok sa kanilang lugar."Pagpasensiyahan mo na ang lugar at bahay namin, maliit lang ito iho," malumanay na wika ni Mang Nato bago nito binuksan ang pintuan ng sasakyan at nauna na ng bumaba. Sumunod na ring bumaba si Jamir. Kasunod si Sophia at Aling Tisay."Okay lang po, Mang Nato. Maganda po ang lugar niyo, maliit man po ang bahay
"Ako nga pala si Jamir, Jamir Estabillo," wika nito na inilahad ang kanang kamay kay Sophia.Atubili man at nahihiya, pero sa kagandahang asal ay inabot ng dalaga ang kamay ni Jamir. Ngunit bigla rin niyang binawi ito sapagkat may kakaibang sensayon ang dumaloy sa kaniyang kalamnan nang magdikit ang kanilang mga palad.Pagtataka ang bumadha sa mukha ni Jamir sa ikinilos niya. "Pasensya na Jamir galing nga pala ako sa labas, hindi pa ako nakapag-alchohol, baka mapasahan pa kita ng virus. Hindi pa naman tayo ligtas sa covid," pagdadahilan niya na alanganing nakangiti. Kung nakumbinsi niya si Jamir sa kaniyang dahilan ay hindi niya tiyak. Nagulat siya sa naramdaman niya kanina. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Napapanood niya sa mga drama at nababasa niya sa online stories ang ganong pangyayari ngunit hindi niya akalain na ganoon pala yon, misteryosong damdamin na mararamdaman lang ng isang tao para sa sinasabing soulmate niya.Pero sinawata agad ng dalaga ang nasa isip."Huwa
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Aling Tisay kay Sophia ng makaalis na ang nurse na may dala sa dugong nakuha sa kan'ya."Medyo nakakaramdam po ako ng onting pagkahilo at panlalata. Pero huwag po kayong mag-alala Inay at normal lang naman po itong nararamdaman ko sa tulad kong nakuhanan ng dugo, tulad ng paliwanag ng Duktor,""Oh, siya sige anak, kainin mo itong ipinabili ko sa Itay mong nilagang itlog ng pugo at inihaw na atay ng baboy, makakatulong ito para sa pagbuti ng pakiramdam mo at para mapalitan ang nawala sa iyong dugo," wika nito at kinuha ang kulay brown na paper bag na nakapatong sa mesang puti na nasa kanang gilid ng hospital bed na kaniyang kinahihigaan." Salamat po, Inay," wika nito at dahan-dahang bumangon at naupo."Maya-maya lang narito na ang Itay mo, tiningnan lang niya iyong mga naiwang prutas sa loob ng puwesto natin at baka may nasira o nabulok na roon. Bukas na lang siya magtitinda, ipahahatid na kita sa bahay mamaya para makapagpahinga ka. Ako na