Share

Chapter 2: Missing

last update Huling Na-update: 2024-11-13 13:35:31

Kinabukasan ay pagod na binuksan ni Phoebe ang kaniyang mga mata. Wala sa sarili siyang napangiti habang kinakapa ang kama ngunit napawi ang ngiting iyon nang maramdaman na wala na siyang katabi.

She's already wearing a night robe.

Inayos niya iyon at saka bumaba sa kama.

She's still sore down there but she has to find her husband. Baka nauna nang gumising at nagtungo sa kusina.

She went out of their room. Bumaba siya sa unang palapag at tumuloy sa kusina, ngunit walang tao.

“Pierce?” She called.

Inilibot niya ang tingin sa sala, walang tao.

“Pierce, where are you?” Medyo malakas niyang tawag.

Madali siyang umakyat sa ikalawang palapag at bumalik sa kuwarto. Baka nasa banyo si Pierce.

Pabigla niyang binuksan ang banyo, medyo kinakabahan na siya. Walang tao.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at lumabas muli, may dalawa pang kuwarto sa ikalawang palapag, binuksan niya iyon isa-isa sa pag-aakalang mahahanap niya si Pierce ngunit walang tao sa buong bahay.

Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto para kunin ang kaniyang cellphone. Walang text galing kay Pierce, ang mga mensahe na naroon ay galing pa sa mga kaibigan, kakilala, at sa kaniyang pamilya.

She dialed Pierce’s number, ngunit hindi iyon macontact.

She gritted her teeth. May kakaibang emosyon sa kaniyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.

Naalala niyang nagising siya nang madaling araw pero wala na sa kaniyang tabi si Pierce.

She dialed his number again.

“Sorry, the number that you have dialed is out of coverage area.” The operator said.

Paulit-ulit niyang tinawagan ang number ni Pierce pero hindi niya ito macontact.

Nanghihinang naupo siya sa kama.

Hindi aalis si Pierce nang ganito kaaga. Saan naman magpupunta ang kaniyang asawa?

Aligaga siyang tumayo at binuksan ang kabinet ngunit naroon pa naman ang mga damit ni Pierce.

Huwag kang praning, Phoebe! Saway niya sa sarili.

Bakit ba iniisip niyang umalis si Pierce at iniwan siya ng tuluyan?

She dialed Penelope’s number. Ngunit hindi ito sumagot.

It’s just six in the morning.

Sigurado siyang hindi pa ito nagigising.

Who would she call then?

Naupo siya muli sa kama, medyo natulala pa.

Halos kalahating oras na ang kaniyang paghihintay pero wala pa rin si Pierce.

Then her phone rings.

Halos napatalon pa siya sa gulat nang mag-ring iyon.

“Phoebe?” Napapaos na tanong ni Penelope.

Mukhang kagigising lang.

“Napatawag ka?”

She paused. 

She doesn't know what to say.

Kumalabog ang kaniyang dibdib at parang nagbabara ang kaniyang lalamunan.

Imposible naman ang iniisip niya, hindi ba?

But something's really whispering on her ears! Nasaan ba si Pierce?

Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Napahikbi siya.

Stop crying will you? Hindi dapat siya umiiyak dahil imposibleng iwan siya ni Pierce!

Babalik din iyon.

Baka may binili lang.

Baka may pinuntahan lang.

“Phoebe? Umiiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Penelope.

“I… I c-can’t find my husband.” Nanginginig niyang saad.

“Huh?”

Halata ang pagkalito sa boses ni Penelope.

“Bakit? Nasaan ba si Pierce?”

Narinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya, boses iyon ni Kevin.

“Where are you?” Tanong ni Penelope.

“S-sa bahay. Kanina ko pa siya hinahanap, wala siya. I c-can’t contact him either.”

Bumuhos ang kaniyang luha.

Hindi niya alam kung bakit takot na takot siya kahit wala naman dapat na ikatakot.

Marami pang tanong si Penelope ngunit ilan lamang ang nasagot niya.

“Stop crying, okay? Pupunta kami ni Mommy diyan!”

Penelope hung up.

She tried to dial her husband's number again, but to no avail.

Umiiyak siya habang pilit na tinatawagan ang numero nitong out of coverage area.

Wala ang cellphone ni Pierce, sigurado siyang dala ng lalaki ang cellphone nito.

An hour later when she heard the doorbell.

Wala pa silang kasambahay, bagong-bago ang bahay at napag-usapan nila ni Pierce noon na pagkatapos na ng honeymoon sila kukuha ng mga katulong.

Bumaba siya ng kuwarto at nagmamadaling naglakad patungo sa gate.

The gate is actually automatic. Ang mga naka-register na face ID lang ang pinapapasok. Awtomatiko rin itong nagsasara kapag paalis na ang sasakyan ni Pierce.

Sasakyan ni Pierce.

Nilingon niya ang garahe, kumunot ang kaniyang noo nang makita na naroon ang dalawang sasakyan. Ang kaniya at ang kay Pierce.

What the h**k?

Imposibleng umalis si Pierce nang hindi dinadala ang sasakyan nito.

Binuksan niya ang gate at nakita ang SUV. Pumasok ang sasakyan at nag-park agad hindi pa man nakakarating sa garage.

“Phoebe.” Bumaba si Penelope mula sa passenger seat at sumunod si Kevin na galing sa driver’s seat. Binuksan ng lalaki ang backseat at lumabas naman ang kaniyang Mommy.

“Ano itong itinawag mo na hindi mo mahanap si Pierce?” Kumunot ang noo ng kaniyang Mommy.

“His car is here.” Itinuro ni Phoebe ang garahe.

Bumaling ang kaniyang pamilya sa kaniyang itinuturo at nagkunot-noo.

“I already searched the whole house but I couldn't find him. H-hindi ko rin siya macontact. It’s unusual for him to go out without the car and his phone’s dead.”

“Baka nag-jogging?” Wala sa sariling nasabi ni Penelope.

Umiling siya.

“We have a gym, Pen.” She said matter of fact.

May sarili silang treadmill at hindi naman siguro si Pierce lalabas para magjogging ng ilang oras?

“Do you have a CCTV here?” Tanong ng kaniyang Mommy.

She shook her head.

Next week pa ipapadeliver ang surveillance camera na ilalagay sa bahay.

“Nag-away ba kayo, Phoebe?” Seryosong tanong ng kaniyang ina.

“Hindi!” Sagot niya.

Umiling siya.

“We’re fine, Mom. Maayos kami kagabi.” Sagot niya.

She remembers that they are very intimate with each other last night. She’s even sore down there. Patunay na ilang beses na may nangyari sa kanila ni Pierce.

“Pumasok muna tayo, Phoebe. Baka umalis lang saglit si Pierce.” Si Penelope.

Umiling siya.

Kumbinsido na siya ngayon na may nangyayaring hindi tama. Ang mga gamit ni Pierce ay nasa bahay at iniwan din nito ang sasakyan.

Hindi aalis si Pierce ng ganoon kaaga at ilang oras nang hindi bumabalik. Ni-wala man lang itong text sa kaniya!

“Are we not going to call the police?” Taranta niyang tanong.

Umiling si Kevin.

“We couldn't report that you’re husband's missing not unless 24 hours na siyang hindi nahahanap.”

“That’s b*llsh*t!”

“Phoebe, huminahon ka.” Hinawakan ni Penelope ang kaniyang braso.

Umiling siya. Kanina pa siya kinakabahan at natataranta. Iba ang pakiramdam niya.

“I can’t find my husband, Pen? Paano ako kakalma?”

Niyakap siya ng kaniyang Mommy. Umiling siya.

Ayaw niyang kinakaawaan siya, pero nanghihina ang kaniyang katawan. Ramdam niyang may kakaiba at hindi niya matukoy kung ano iyon!

Hindi siya iiwan ni Pierce. Kakakasal palang nila!

Mahal na mahal siya nito.

Imposible.

Maliban nalang kung may nangyaring masama.

Humagulhol siya habang inaalalayan siya pabalik ng bahay ng kaniyang Mommy at ni Penelope.

Sa sala ay napaupo siya, tinakpan niya ang kaniyang mukha at mas lalong naiyak.

Umalis si Kevin para halughugin ang buong bahay, pero nagawa na niya iyon. Hindi niya mahanap si Pierce, at hindi rin nahanap ni Kevin ang lalaki.

“May tatawagan lang ako, baka makatulong sa atin.” Turan ni Kevin at saka naglakad papunta sa kusina.

Dinalhan naman si Phoebe ng tubig ng kaniyang kapatid at pinatahan.

Ngunit hindi niya magawang kumalma.

Ilang oras ang lumipas, ang kakilala ni Kevin na dating investigator ay pumunta sa bahay.

Malapit nang magtanghali pero wala pa rin si Pierce. Hindi pa rin macontact ang numero nito.

“Kagabi ay narito pa si Mr. Amansa?” Tanong ng lalaki.

Ang kaniyang Mommy ang tumugon.

“They were together last night, yesterday’s their wedding. Pero ngayong umaga nang magising ang anak ko’y wala na si Pierce. Hindi rin naman siya macontact, hindi pa rin bumabalik.”

Tumango ang lalaki. 

“I contacted a friend, sinubukan nilang tingnan ang CCTV footage nang malapit na surveillance system, pero nagkaroon ng glitch ang lahat ng surveillance camera nang madaling araw. Kakaiba iyon.”

Napaawang ang bibig ni Phoebe.

“Nang madaling araw?”

Tumango ang lalaki.

“Between three to three-thirty in the morning nangyari ang glitch. It seems like that the whole surveillance system in the vicinity was hacked and jammed by someone. There’s no footage at all.”

“We must report this to the police!” Desididong saad ni Phoebe nang mapagtagpi-tagpi ang lahat.

Nang mga oras na iyon ay naalimpungatan siya, nagising siyang wala si Pierce sa kaniyang tabi.

Baka nang mga oras na iyon nawala si Pierce.

“Hindi tatanggapin ng mga pulis ang reklamo, hangga’t hindi pa—”

“Really? Do I really have to wait for 24 hours!” Galit niyang saad.

Tumayo siya. She's really frustrated.

Paano kung may nangyaring masama sa kaniyang asawa?

Paano kung pinasok pala sila kagabi?

Namutla ang kaniyang mukha.

Paano kung hindi naman talaga umalis si Pierce? Paano kung… sapilitan siyang dinala?

What was it? Nakidnap ba ang kaniyang asawa?

She’s frustrated. Gumabi na ay hindi pa rin umuuwi si Pierce. Walang tumatawag at hindi rin sila makapagreport sa police station.

D**n it!

Nanatili si Penelope sa bahay ganoon din si Kevin at ang lalaking nag-iimbestiga.

The man is an ex-military official. Naging detective pero nagretire rin agad ng maaga.

“Phoebe.” Lumapit si Penelope at naupo sa kaniyang tabi, kanina pa siya tulala at hindi makausap.

“Kumain ka muna. I ordered food for us. H-hindi ako marunong magluto kaya nagpaorder nalang ako. Kumain ka muna.”

Umiling siya. She skipped breakfast, lunch, and now dinner. Hindi siya makaramdam ng gutom.

Parang namamanhid ang buo niyang katawan.

Naiinis siyang bukas pa sila pupunta ng police station para magbigay ng report.

She combed her hair frustratedly.

“D*mn it!”

Hinawakan ni Penelope ang kaniyang braso.

“Baka magkasakit ka niyan kung hindi ka kumain kahit kaunti lang.”

“I’m fine, Pen.” Aniya sa walang-buhay na tono.

Nang makitang hindi siya mapipilit ay umalis din ito.

Naiwan siya sa sala nang mag-isa habang nakatulala.

Sa bahay na natulog si Kevin at si Penelope.

She was in the living room, hindi siya umalis sa sala. Baka sakaling umuwi si Pierce.

Madaling araw nang mapagod siya ng husto sa paghihintay.

Ilang oras lang ang tulog niya at agad niyang tiningnan kung may mensahe o tawag galing kay Pierce. Pero bigo pa rin siya.

She went to their room and take a quick shower. Nagbihis siya't lumabas ng kuwarto, saktong lumabas din si Penelope at nakita siya.

“Natulog ka ba, Phoebe?” Nag-aalala nitong tanong.

Nagbaba siya ng tingin sa malaki nitong tiyan.

She’s nine months pregnant.

Kabuwanan na ni Penelope. Nakalimutan niya pang buntis ang kaniyang kapatid at ngayon ay napapagod pa dahil sa pag-alaala sa kaniya.

“Pupunta ako ng police station, Pen. Huwag ka nang sumama. Kaya ko naman.”

“Si Kevin.” Agap nito.

“Take him with you. Sasamahan ka niya.”

Tiningnan niya ito.

Kevin’s her ex-boyfriend.

Kahit na alam niyang mas maayos na ngayon ang relasyon nila ni Penelope ay hindi pa rin siya komportable kay Kevin.

Hinawakan nito ang kaniyang kamay.

“Sige na, Phoebe.” Saad nito.

Nag-iwas siya ng tingin. Gusto niya sanang siya nalang mag-isa pero naglakad na ito pabalik sa guestroom at ginising ang asawa.

Bumaba siya sa living room at naghintay ng ilang minuto. Bumaba si Kevin na medyo magulo pa ang basang buhok.

Sinuklay nito iyon gamit ang mga daliri at saka naglakad patungo sa kaniya.

“I took a quick shower. I’m sorry.” He said.

Tumango lang siya. Ang damit nito’y bago na, naalala niyang umuwi nang hapon si Kevin para magdala ng ilang gamit kasama na ang mga damit.

Lumabas sila at tumungo sa garahe. Ang SUV ang sinakyan nila.

Papunta sa police station ay kinakabahan na naman siya.

Kahapon pa siya hindi kumakain at wala na siyang lakas.

Tahimik sila sa byahe, at ilang minuto lang ay nakarating agad sa police station.

Sobrang aga pa na medyo nagulat ang mga naroong pulis na makita siya.

It’s not even six in the morning but she’s already here.

“We’re filing for a missing person case.” She said.

Kaugnay na kabanata

  • My Husband Is The Hot CEO   Chapter 3: Piercing Eyes

    The case took them years.Dalawang taon ang lumipas at wala pa rin lead sa nangyaring pagkawala ni Pierce.The first month was hard for Phoebe. Halos gabi-gabi siyang umiiyak at namumugto ang kaniyang mga mata kinabukasan.She even hired private investigators to solve her husband’s missing case but they couldn't find them. Not even a single clue!Habang tumatagal ay mas lalong namamanhid ang sistema ni Phoebe.Mas lalo siyang nagduda nang maging ang pamilya ni Pierce ay hindi na niya macontact.Pierce’s Dad is in Paris. Iyon ang huli niyang nakuhang impormasyon.May sakit ito at umalis ng Pilipinas para maipagamot sa ibang bansa. Pagkatapos maoperahan ay pumunta sa Paris.She couldn't get a hold of it.Ilang buwan lang simula nang mawala si Pierce ay nagsialisan din ang pamilya nito. Ang tanging namamahala sa kompanya nila ay si Train Castellani.That man is from Italy. She already met that man, once or twice, pero pabalik-balik ito sa Italy kaya minsan niya lang makita.For months, P

    Huling Na-update : 2024-11-13
  • My Husband Is The Hot CEO   Chapter 1: Wedding Night

    Pierce showered her with soft kisses in her back. Hindi niya pa tuluyang naaalis ang wedding gown na suot.“I h-have to take a shower first.” She chuckled softly.Ngunit niyakap ni Pierce ang kaniyang bewang at tila ayaw siyang pakawalan. Ngumiti siya habang hinahalikan nito ang kaniyang batok.“Pierce.” She called softly.Tumigil ito sa paghalik ngunit patuloy siyang niyakap.“I love you, Phoebe.” Buong puso nitong sabi.Parang kiniliti ang kaniyang puso dahil sa sinabi nito.Sinubukan niyang lingunin ang lalaki at ngumiti ng matamis.“I love you more, Pierce.” She answered lovingly.They’ve been married twice. Ang una ay sa Palawan, civil wedding lang iyon at tanging sila at ang kilalang judge ang nakaalam tungkol sa kanilang pagpapakasal.Today’s wedding is very different. Magarbo masyado ang hinandang kasal, maraming bisita at halos hindi pa tapos ang party, pero umalis na sila ni Pierce.Sigurado siyang nagpaiwan ang kaniyang Mommy at si Love sa party para e-entertain ang mga nat

    Huling Na-update : 2024-11-13

Pinakabagong kabanata

  • My Husband Is The Hot CEO   Chapter 3: Piercing Eyes

    The case took them years.Dalawang taon ang lumipas at wala pa rin lead sa nangyaring pagkawala ni Pierce.The first month was hard for Phoebe. Halos gabi-gabi siyang umiiyak at namumugto ang kaniyang mga mata kinabukasan.She even hired private investigators to solve her husband’s missing case but they couldn't find them. Not even a single clue!Habang tumatagal ay mas lalong namamanhid ang sistema ni Phoebe.Mas lalo siyang nagduda nang maging ang pamilya ni Pierce ay hindi na niya macontact.Pierce’s Dad is in Paris. Iyon ang huli niyang nakuhang impormasyon.May sakit ito at umalis ng Pilipinas para maipagamot sa ibang bansa. Pagkatapos maoperahan ay pumunta sa Paris.She couldn't get a hold of it.Ilang buwan lang simula nang mawala si Pierce ay nagsialisan din ang pamilya nito. Ang tanging namamahala sa kompanya nila ay si Train Castellani.That man is from Italy. She already met that man, once or twice, pero pabalik-balik ito sa Italy kaya minsan niya lang makita.For months, P

  • My Husband Is The Hot CEO   Chapter 2: Missing

    Kinabukasan ay pagod na binuksan ni Phoebe ang kaniyang mga mata. Wala sa sarili siyang napangiti habang kinakapa ang kama ngunit napawi ang ngiting iyon nang maramdaman na wala na siyang katabi.She's already wearing a night robe.Inayos niya iyon at saka bumaba sa kama.She's still sore down there but she has to find her husband. Baka nauna nang gumising at nagtungo sa kusina.She went out of their room. Bumaba siya sa unang palapag at tumuloy sa kusina, ngunit walang tao.“Pierce?” She called.Inilibot niya ang tingin sa sala, walang tao.“Pierce, where are you?” Medyo malakas niyang tawag.Madali siyang umakyat sa ikalawang palapag at bumalik sa kuwarto. Baka nasa banyo si Pierce.Pabigla niyang binuksan ang banyo, medyo kinakabahan na siya. Walang tao.Nagsalubong ang kaniyang kilay at lumabas muli, may dalawa pang kuwarto sa ikalawang palapag, binuksan niya iyon isa-isa sa pag-aakalang mahahanap niya si Pierce ngunit walang tao sa buong bahay.Dali-dali siyang bumalik sa kuwarto

  • My Husband Is The Hot CEO   Chapter 1: Wedding Night

    Pierce showered her with soft kisses in her back. Hindi niya pa tuluyang naaalis ang wedding gown na suot.“I h-have to take a shower first.” She chuckled softly.Ngunit niyakap ni Pierce ang kaniyang bewang at tila ayaw siyang pakawalan. Ngumiti siya habang hinahalikan nito ang kaniyang batok.“Pierce.” She called softly.Tumigil ito sa paghalik ngunit patuloy siyang niyakap.“I love you, Phoebe.” Buong puso nitong sabi.Parang kiniliti ang kaniyang puso dahil sa sinabi nito.Sinubukan niyang lingunin ang lalaki at ngumiti ng matamis.“I love you more, Pierce.” She answered lovingly.They’ve been married twice. Ang una ay sa Palawan, civil wedding lang iyon at tanging sila at ang kilalang judge ang nakaalam tungkol sa kanilang pagpapakasal.Today’s wedding is very different. Magarbo masyado ang hinandang kasal, maraming bisita at halos hindi pa tapos ang party, pero umalis na sila ni Pierce.Sigurado siyang nagpaiwan ang kaniyang Mommy at si Love sa party para e-entertain ang mga nat

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status