"How's school, baby?" tanong ko habang pinapanood si Anya na kumain ng kaniyang ice cream sa shotgun seat. Kakasundo ko lang sa kaniya sa school niya and again, she seems down pagkalabas niya palang ng room. Kaya naman dumaan muna kami ng ice cream store para bilhan siya bago umuwi. "Good, Mommy," sagot niya. I tilted my head."Hmm, how much good? Walang kwento ang baby?" Saglit ko siyang sinulyapan bago muling ibinalik sa daan ang tingin.That was strange. Usually, kapag tatanungin ko siya kumusta ang araw niya sa school ay kaagad siyang magda-daldal, talking about how she played with her classmates, lead a prayer, and how she got so many stars. But today, I noticed she doesn't have any stars. Well, that's fine though. Umuwi man siyang walang stars, para sa akin ay napaka-galing pa rin niya. But still... it was strange. I know how smart Anya is na ultimo, kahit wala pa sa tamang edad ay ginusto niya agad pumasok sa eskwelahan. And I also know how active and competitive she is in
"She was diagnosed of anxiety and panic disorder. Matagal na. Pero hindi kailanman ito nangyari kay Nurse Aya na rito mismo sa Hospital siya inatake. Ang pagkakaalam ko ay gumaling na rin siya rito."Unti-unti kong idinilat ang aking mata nang makarinig ng mga boses sa paligid. Sa pagmulat ko ay pamilyar na puting kisame ang bumungad sa akin. "Huwag ka nang mag-alala, Dr. De Zarijas. Magiging maayos din si Nurse Aya sa oras na gumising siya." Dining ko pang sambit ulit ni Nurse Wilma nang hindi sumagot ang kaniyang kausap. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago ako nagpasyang bumangon. Hindi ko pa man sila nililingon ay alam kong kaagad kong nakuha ang atensyon ng dalawa. "Aya," seryosong tawag sa'kin ni Roscoe pagkalapit. Akmang hahawakan niya ako upang alalayan bumangon ngunit suminghap ako at umiwas. Napansin niya iyon na kinatigil niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Si Nurse Wilma ang nagtanong habang may pagtataka rin sa nakitang pag-iwas ko sa lalaki.
Nanginginig ang mga kamay at panay ang kagat ko sa aking labi habang tinitingnan ang dalawang linya sa aking pregnancy test. Isang buwan na akong nagtataka sa panay kong pagsusuka at sa menstrual ko na regular naman ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi pa ako dinadatnan. Ito na ang sagot... “I... I’m... p-pregnant...” natatakot kong sambit. Tuluyan na akong napaupo sa sahig ng banyo habang nanginginig pa rin na hawak ang pregnancy test sa aking kamay. Hindi... I cannot be pregnant! Hindi ako pwedeng mabuntis lalo na’t sigurado ako na ang batang ito...“Aya, are you done?” Tatlong katok mula sa labas ng pintuan ang namayani at lalo lamang ako nahirapan huminga nang marinig ang malalim na boses ng lalaking naghihintay sa akin sa labas. Sigurado ako... Sigurado ako na ang batang ito ang bunga namin ng lalaking nasa labas... ng aking ka-fuck buddy, in short... my fubu.Nahihirapan man ay pinilit kong tumayo at ikalma ang sarili. Mabilis kong hinanap ang trashcan sa loob ng banyo
“Oh my gosh! Our baby princess is here!”Natutuwa ko namang pinanood na tumakbo palapit si Anya sa mga kapwa ko nurse at iilang mga doctor na naroon sa aming area. Walang pasok ngayon si Anya at saktong nasa vacation si tita-ninang Eli niya kaya naman sinama ko na lang muna siya sa hospital. “Hello po, nurses and doctors!” tuwang-tuwa namang bati ni Anya na tumatalon-talon pa habang pinalilibutan siya ng mga kaibigan ko. “Sinama ko muna rito at walang magbabantay sa kaniya sa bahay,” ani ko habang nilalapag ang gamit ko at baon na gamit ni Anya sa aking table. “Naku, mabuti naman! At stress na stress na kami dito sa ward! Now that Anya is here, may magbibigay aliw na naman sa atin!” ani Manny, one of the nurses.“Hay naku, paglalaruan niyo na naman ang anak ko...” ani ko habang nakaupo na at pinapanood sila. “Do you want lollipop, Anya?” tanong naman ni Doc Russell, isang pediatrician kaya naman laging may baong lollipop.“Yes! I want wolipop!” bibong sagot ni Anya. “Then your wo
Mabilis kong binuksan ang gripo at kaagad na naghilamos ng mukha pagkarating ng banyo. Paulit-ulit kong binasa ang mukha habang nanlalamig ang buong katawan ko. Sigurado akong hindi ako namamalikmata kanina. Kahit na limang taon na ang nakalipas ay hindi ako pwedeng magkamali! That’s him! That’s Roscoe De Zarijas! My fuck buddy five years ago and the father of Anya! “Nurse Aya? Ayos ka lang po ba?” Natigil ako sa paghihilamos nang marinig ang boses ni Nurse Precy. Sinundan niya pala ako rito pagkatapos ko tumakbo palabas ng room two. Sinara ko ang gripo at buntong-hiningang kumapit sa sink. Nang buksan ang mata ay tumambad sa akin ang namumutla kong mukha maging ang labi kong nagdudugo na dahil sa sugat. “I-I’m okay, Nurse Precy...” sagot ko habang hinahabol pa rin ang paghinga. “I told you. He’s back.” Hindi pa man nakaka-recover ay nanlilisik kong tiningnan sa salamin si Rue na nasa pintuan ng banyo at bagong dating lang ngunit nasisiguro kong kanina pa talaga siya nariyan at
“What?! Roscoe is in your hospital?!” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Eli nang sumigaw siya matapos ko ikwento sa kaniya ang nangyari kahapon sa Hospital. Alas sais na ng umaga at oo, inabot na kami ng umaga kakainom at ka-kausap tungkol sa lalaki. Kakauwi niya lang kasi kaninang alas tres ng umaga galing Laguna at imbis na magpahinga ay nag-aya pang mag-inom ang gaga. Dahil hindi rin naman ako papasok sa Hospital ngayong araw ay pumayag na lang din ako. “Huwag kang maingay at baka magising si Anya!” suway ko sa kaniya. “Oh, shit. S-Sorry!” pasigaw niyang bulong. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakasandal sa sofa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa’kin ang mga nangyari kahapon. Kung tutuusin ay parang napakabilis ng mga pangyayari... Pero limang taon na ang lumipas simula ng huli ko siyang nakita. Mabilis pa rin ba iyon? Eh, sa limang taon na lumipas napakarami nang nagbago lalo na sa pisikal niya! He’s already 29 and I’m 27 when we first met in the bar an
Mabilis na umakyat ang galit sa dugo ko.“What the hell? Sinusundan mo ba ako?!” Hindi ko napigilan ang sarili at naisigaw ko iyon.Nagsalubong ang kilay niya.“I don’t know what you’re talking about,” malamig niyang sambit at nakuha pa akong igilid para hindi humarang sa counter!Lalo pa akong nagpuyos sa galit!“I don’t know I don’t know ka pa diyan! Nahuli kita kahapon na sinundan mo pa kami sa labas ng Hospital! Kaya umamin ka na! Sinundan mo kami hanggang dito ‘no?!” sigaw ko.Umaga palang at mabuti na lamang ay kaming dalawa pa lamang ang customer dito kaya naman siguro malaya akong nagsisisigaw ngayon.He shut his eyes na tila ba naririndi sa akin.“Oh please... Aya. I did not,” sambit niya at minasahe ang bridge ng nose niya. Kapag ganiyan, alam kong naiinis na siya.“Then why are you here?! Hindi ka naman nakatira dito, ah?!” “Then I’m sorry to disappoint you but I live here, Aya. And please... Can you please stop shouting?” he asked softly.Natigilan ako.Ano raw? Dito? Dit
Kagat ko ang aking kuko habang patuloy ang pagtaas-baba ng aking paa habang hinihintay ang text ni Eli. Sabi niya ay siya na ang magch-check ng records ng owner sa apartment building ni Roscoe kung nagsasabi ba talaga ng totoo ang lalaki. Gustuhin ko man na ako mismo ang mag check ngunit nahihiya na akong mag leave at ipasa ulit kay Manny ang mga gawain ko. "Nurse Aya, may problema ba?" Napatingin ako kay Nurse Wilma, ang aming head nurse na kakarating lang ngayon. Kaagad akong ngumiti at umiling. "Wala po," sagot ko at ibinalik na ulit ang tingin sa phone. "Hindi ka na ba ina-acid?" tanong pa nito. "Uhm... Hindi na po. Thank you po sa pag-aalala," sagot ko, nasa phone pa rin ang tingin. "Mabuti naman. Pero mas mabuting ipa-check mo na rin 'yan kay Dr. De Zarijas mamaya." At sa isang iglap ay nabitawan ko ang cellphone ko at mabilis na bumaling sa kaniya. Nagulat din siya sa naging reaksyon ko kaya naman kaagad ako nagpeke ng tawa at napakamot sa aking ulo. "D-Dr. De Zarijas
"She was diagnosed of anxiety and panic disorder. Matagal na. Pero hindi kailanman ito nangyari kay Nurse Aya na rito mismo sa Hospital siya inatake. Ang pagkakaalam ko ay gumaling na rin siya rito."Unti-unti kong idinilat ang aking mata nang makarinig ng mga boses sa paligid. Sa pagmulat ko ay pamilyar na puting kisame ang bumungad sa akin. "Huwag ka nang mag-alala, Dr. De Zarijas. Magiging maayos din si Nurse Aya sa oras na gumising siya." Dining ko pang sambit ulit ni Nurse Wilma nang hindi sumagot ang kaniyang kausap. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago ako nagpasyang bumangon. Hindi ko pa man sila nililingon ay alam kong kaagad kong nakuha ang atensyon ng dalawa. "Aya," seryosong tawag sa'kin ni Roscoe pagkalapit. Akmang hahawakan niya ako upang alalayan bumangon ngunit suminghap ako at umiwas. Napansin niya iyon na kinatigil niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Si Nurse Wilma ang nagtanong habang may pagtataka rin sa nakitang pag-iwas ko sa lalaki.
"How's school, baby?" tanong ko habang pinapanood si Anya na kumain ng kaniyang ice cream sa shotgun seat. Kakasundo ko lang sa kaniya sa school niya and again, she seems down pagkalabas niya palang ng room. Kaya naman dumaan muna kami ng ice cream store para bilhan siya bago umuwi. "Good, Mommy," sagot niya. I tilted my head."Hmm, how much good? Walang kwento ang baby?" Saglit ko siyang sinulyapan bago muling ibinalik sa daan ang tingin.That was strange. Usually, kapag tatanungin ko siya kumusta ang araw niya sa school ay kaagad siyang magda-daldal, talking about how she played with her classmates, lead a prayer, and how she got so many stars. But today, I noticed she doesn't have any stars. Well, that's fine though. Umuwi man siyang walang stars, para sa akin ay napaka-galing pa rin niya. But still... it was strange. I know how smart Anya is na ultimo, kahit wala pa sa tamang edad ay ginusto niya agad pumasok sa eskwelahan. And I also know how active and competitive she is in
"Oh, wala ka atang pasok ngayon?" Bungad ni Eli sa akin nang maabutan niya akong naghahanda ng breakfast. I gave her a small smile before placing the plates on the table. "Day off ko ngayon. Ipapasyal ko si Anya at napapansin ko lately parang malungkot yung bata, eh," ani ko. Totoo iyon dahil lately napapansin ko na nabawasan ang pagiging jolly ni Anya. Ngumingiti at tumatawa pa rin naman siya sa tuwing ihahatid ko siya sa school niya hanggang sa makauwi ako sa bahay ngunit may mga oras na bigla nalang siyang tatahimik, natutulala, at nagiging pilit ang ngiti sa tuwing tinatanong ko kung ano ang problema. Inisip ko... dahil ba sa sobrang busy ko sa trabaho? Nawawalan na ba ako ng time sa anak ko? Nagkakaroon na ba siya ng tampo sa akin? Jusko, four years old palang si Anya. Sa murang edad ay ayokong pati ang kawalan ng presensya ng ina ay maramdaman niya. "Pansin ko nga rin. Buti naman at naisipan mong mag day off," ani Eli bago naupo na sa mesa. "Oo naman. Medyo pagod na rin sa
"Medyo mahapdi po ito, ha? Kailangan ito para mapigilan ang infection," malumanay kong ani habang ginagamot ang sugat ng pasyente. Bagong umaga na naman sa Hospital. Pagkatapos ihatid si Anya sa school niya ay sabay pa kaming dumating ni Roscoe sa Hospital. Nagkatinginan lang kami bago ako naunang pumasok at gano'n ulit... May awkwardness na naman sa pagitan namin. I sighed. Hindi naman ata mawawala?"Hindi naman mahapdi, neng," nakangiting ani ni Lola sa akin bago marahang hinaplos ang aking kamay. "May asawa ka na ba?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nurse Precy sa gilid ko, hawak niya ang mga ointment na nilalagay ko sa sugat ni Lola. Napangiti na lamang ako. "Wala po. May irereto po ba kayo sa akin?" pakikisabay ko. Hindi na kasi bago sa'kin 'to at may nakailang beses na rin sa'kin nagtanong ng ganito, matanda man o ka-edad ko."Ay, sayang naman! Sa ganda mong iyan, neng? Paanong wala?" tanong pa nito. Kinuha ko ang gauze kay Nurse Precy at maingat na ibinalot ito sa sugat
"Ang intense makatingin!"Muntik na ako mapatalon sa aking upuan nang biglang sumigaw si Manny pagkapasok ng ward namin. Paniguradong tapos na rin ang shift niya dahil nililigpit niya na ang mga gamit niya. "Bet mo ba 'yan si Dr. De Zarijas? Kanina pa masama ang tingin mo sa kanila nung bagong nurse, ah?" Nakangisi na si Manny nang lingunin ko ulit siya. Nanlaki ang mata ko. I scoffed. "Ha! A-Ako? May gusto sa doctor na 'yan? Baka ikaw? Atsaka may anak na ako! Wala akong panahon para magkagusto pa sa kahit sino at mas gugustuhin ko nalang–""Ay, ang daming sinabi? Tunog defensive 'yarn?" Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Manny habang ang mga mata ay nanunuksong nakatingin na sa akin. What the... Mas lalo ko lang ata siyang napasaya dahil sa naging reaksyon ko. Tunog defensive ba talaga ako? Hindi naman, ah! I'm just telling the truth! O... truth nga ba? "Ikaw, ha... Nakakahalata na ako!" Nanlalaki ang mata niya habang nakaturong lumapit sa mesa ko habang sukbit na ang mga gamit niy
"Is Mommy's okay?" I blinked and looked at my daughter who was sitting in the passenger seat. It's now seven in the morning at ihahatid ko siya ngayon sa kaniyang day care school. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa ako tahimik at hindi man lang kinakausap ang anak.I quickly smiled and softly caress her hair. "Yes, baby. Why would you ask that? Does mommy look not okay?" I asked softly. "Yeah... You didn't pway with Anya this mworning. Anya is worried... and sad..." Anya said, her eyes filling with tears.A pang of guilt tugged at my heart as I watched her eyes. Sakto ay nakarating na kami sa kaniyang daycare school kaya naman ini-park ko agad ang kotse. I quickly wiped her tears and gently squeezed her hand."Oh, no my precious baby... there's no need to worry. Mommy's just a little tired, hm? I'm sorry, my love..."She pouted and sniffles. "Really?" she still seemed concerned. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood siyang punasan ng maliit niyang kamay ang sarili
Napatulala na lamang ako habang hinahanda ng waitress ang order ni Roscoe. Samo't-saring mga pagkain ang inilagay sa aming mesa na tila ba isang piyesta ang magaganap. Natigilan naman ako at napatingin sa orchestra ng restaurant nang marinig ang pamilyar na slow love song."Do you remember that song?" he suddenly asked. Abala na siya sa paghihiwa ng kaniyang steak nang lingunin ko siya. I bit my cheeks inside my mouth. Of course, I remember this song. This was the song when one night you suddenly asked me to dance at 3 a.m. inside your hotel room, just after we fucked–Napaubo ako. "N-No. I don't remember," malamig kong sambit at sinimulan nang galawin ang pagkain ko.Don't tell me he still remember that?"Here." Hindi pa ako nakakahiwa ay kinuha niya na ang plato ko at ipinalit ang plato niya kung saan nakahiwa na ang steak. Kinuha niya rin ang mga hipon at sinimulang himayin iyon.Tahimik ko siyang pinanood na ilagay sa plato ko ang mga iyon. Nilagyan niya rin ako ng kanin at ini
Napahawak ako sa aking ulo sa sobrang sakit nito. Pagkagising kaninang umaga ay kahit may hangover ay pinilit kong pumasok ngayon sa trabaho. Si Eli na rin muna ang naghatid kay Anya sa daycare kaya naman sobrang aga ko ngayon sa Hospital. "Mabuti na rin 'to at makakapagpahinga pa ako..." bulong ko habang sinisilip ang labas ng ward na kakaunti palang ang tao. Wala pa rin ang mga kasamahan ko kaya naman umupo muna ako sa swivel chair ko at sinandal ang katawan. Tinakpan ko ng panyo ang aking mukha at nagpasya ng umidlip. Naparami ata ang inom ko ng beer kagabi at hindi ko man lang naalala kung paano ako nakauwi sa apartment namin. Hindi rin naman sumagot si Eli nang tanungin ko siya kanina kaya kinibit balikat ko na lamang. Ang mahalaga ay nakauwi ako ng ligtas kahit lasing! "Huh?" Nangunot ang noo ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng swivel chair ko. Nang alisin ko ang panyo sa mukha ay gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Roscoe na nakaupo na sa harapan ko.
"Isang oras mo nang tinititigan 'yang kape galing kay ex fubu mo, ah," nanunuksong ani Eli. Napaayos naman ako ng upo at mabilis na tinapon na sa trashcan ang cup ng coffee na may sulat ni Roscoe. Napakamot ako sa batok at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Huwag mo akong simulan, Eli," I warned. Tumayo siya sa pagkakahiga sa sofa at nilapitan ako sa countertop. Napasigaw naman ako nang biglang hilain nito ang buhok ko sabay upo sa harapan ko. "Ikaw ang huwag akong simulan dahil nakikita ko na naman 'yang ngiti mo from five years ago!""H-Hindi naman ako nakangiti, ah!" pagdepensa ko at nilapitan na lamang si Anya na nanonood sa sofa. "Hay naku, Aya. Ayan ka na naman, ha. Kakabalik lang ng lalaki, nababaliw ka na naman, " ratsada pa niya. "Hindi ako nababaliw, Eli. Hindi ba pwedeng nagtataka lang kung bakit may pa-kape?" rebat ko at kinarga na si Anya dahil pabagsak-bagsak na ang ulo niya."Mas nagtataka ako kung bakit ang nakasulat doon ay 'Stop staring at me' ibig sabihin naka tit