My Fubu is the Father of My Child
Aya Elora Lopez is a brave mother who will do anything for the sake of her daughter, but before that, she was a girl who was always in bars and active in casual sex. Back then, she met Roscoe De Zarijas and became her fuck buddy. Endless night while dancing in the fire of temptation, one night Aya found out that she's pregnant. Fully aware that the man would not accept their future child, she decided to leave the man and raise their child alone.
Five years passed, and Roscoe returned to the country. In their reunion, is Aya ready to reveal her secret to Roscoe? Or will fear prevail, leading her to bury the secret that once brought them together?
Read
Chapter: Kabanata 17Wala sa sarili kong sinara ang pintuan nang makauwi na ako sa apartment. Kaagad namang napatingin sa akin si Eli na kanina lang ay nanonood ng tv. "Oh, akala ko madaling araw pa uwi mo? Pinatulog ko na si Anya," ani niya. Hindi ako sumagot at dali-daling kumuha ng malamig na tubig sa ref. Ilang minuto palang ang lumipas nang matapos ang naging pag-uusap namin ni Roscoe. Nais pa niya sana akong ihatid dito mismo ngunit tumanggi ako."Bakit parang nakakita ka na naman ng multo?" nagtatakang tanong ni Eli, papalapit sa akin. Mabilis akong nagsalin sa baso at tuloy-tuloy itong nilagok. Nang matapos ay hinarap ko si Eli na nakapamewang na sa harapan ko ngayon. "Nahimatay ako kanina." Wala sa sarili kong pagsisimula. Nanlaki naman ang mata ni Eli. "What?!" gulat na gulat niyang tanong. Hinawakan niya ang pareho kong balikat at kaagad inikot-ikot. "Bakit?! Anong nangyari?! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Nabagok ba ulo mo–" "But Roscoe came and saved me," pagpapatuloy ko. Natig
Last Updated: 2025-03-25
Chapter: Kabanata 16"I'm sorry... I'm sorry..." Unti-unti kong dinilat ang inaantok ko pang mata nang magising sa paulit-ulit na bulong at sa marahan na paghimas sa ulo ko. "You're awake..." Tumikhim si Roscoe at kaagad na umayos sa kaniyang upuan. Nang tingnan ko siya ay mahigpit na ang kaniyang hawak sa steering wheel habang diretso ang tingin sa labas. Nang tingnan ko ang labas ay natanto kong nasa parking lot na rin pala kami ng apartment building. Natuluyan ang pagpapanggap kong tulog kanina. "K-Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang pasimpleng tiningnan ang itsura sa side mirror. Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi ko. "Hindi naman..." marahan nitong sagot habang diretso pa rin ang tingin sa labas. Tila malalim ang iniisip. Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Nang buksan ko ang phone ko ay laking gulat ko nang makita ang oras. Anong hindi naman eh halos magt-tatlong oras na simula nung nakaalis kami ng Hospital?! "I... didn't wake you up," ani niya nang mapansin
Last Updated: 2025-02-03
Chapter: Kabanata 15 "She was diagnosed of anxiety and panic disorder. Matagal na. Pero hindi kailanman ito nangyari kay Nurse Aya na rito mismo sa Hospital siya inatake. Ang pagkakaalam ko ay gumaling na rin siya rito."Unti-unti kong idinilat ang aking mata nang makarinig ng mga boses sa paligid. Sa pagmulat ko ay pamilyar na puting kisame ang bumungad sa akin. "Huwag ka nang mag-alala, Dr. De Zarijas. Magiging maayos din si Nurse Aya sa oras na gumising siya." Dining ko pang sambit ulit ni Nurse Wilma nang hindi sumagot ang kaniyang kausap. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago ako nagpasyang bumangon. Hindi ko pa man sila nililingon ay alam kong kaagad kong nakuha ang atensyon ng dalawa. "Aya," seryosong tawag sa'kin ni Roscoe pagkalapit. Akmang hahawakan niya ako upang alalayan bumangon ngunit suminghap ako at umiwas. Napansin niya iyon na kinatigil niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Si Nurse Wilma ang nagtanong habang may pagtataka rin sa nakitang pag-iwas ko sa lalaki.
Last Updated: 2024-11-15
Chapter: Kabanata 14"How's school, baby?" tanong ko habang pinapanood si Anya na kumain ng kaniyang ice cream sa shotgun seat. Kakasundo ko lang sa kaniya sa school niya and again, she seems down pagkalabas niya palang ng room. Kaya naman dumaan muna kami ng ice cream store para bilhan siya bago umuwi. "Good, Mommy," sagot niya. I tilted my head."Hmm, how much good? Walang kwento ang baby?" Saglit ko siyang sinulyapan bago muling ibinalik sa daan ang tingin.That was strange. Usually, kapag tatanungin ko siya kumusta ang araw niya sa school ay kaagad siyang magda-daldal, talking about how she played with her classmates, lead a prayer, and how she got so many stars. But today, I noticed she doesn't have any stars. Well, that's fine though. Umuwi man siyang walang stars, para sa akin ay napaka-galing pa rin niya. But still... it was strange. I know how smart Anya is na ultimo, kahit wala pa sa tamang edad ay ginusto niya agad pumasok sa eskwelahan. And I also know how active and competitive she is in
Last Updated: 2024-11-13
Chapter: Kabanata 13"Oh, wala ka atang pasok ngayon?" Bungad ni Eli sa akin nang maabutan niya akong naghahanda ng breakfast. I gave her a small smile before placing the plates on the table. "Day off ko ngayon. Ipapasyal ko si Anya at napapansin ko lately parang malungkot yung bata, eh," ani ko. Totoo iyon dahil lately napapansin ko na nabawasan ang pagiging jolly ni Anya. Ngumingiti at tumatawa pa rin naman siya sa tuwing ihahatid ko siya sa school niya hanggang sa makauwi ako sa bahay ngunit may mga oras na bigla nalang siyang tatahimik, natutulala, at nagiging pilit ang ngiti sa tuwing tinatanong ko kung ano ang problema. Inisip ko... dahil ba sa sobrang busy ko sa trabaho? Nawawalan na ba ako ng time sa anak ko? Nagkakaroon na ba siya ng tampo sa akin? Jusko, four years old palang si Anya. Sa murang edad ay ayokong pati ang kawalan ng presensya ng ina ay maramdaman niya. "Pansin ko nga rin. Buti naman at naisipan mong mag day off," ani Eli bago naupo na sa mesa. "Oo naman. Medyo pagod na rin sa
Last Updated: 2024-06-20
Chapter: Kabanata 12"Medyo mahapdi po ito, ha? Kailangan ito para mapigilan ang infection," malumanay kong ani habang ginagamot ang sugat ng pasyente. Bagong umaga na naman sa Hospital. Pagkatapos ihatid si Anya sa school niya ay sabay pa kaming dumating ni Roscoe sa Hospital. Nagkatinginan lang kami bago ako naunang pumasok at gano'n ulit... May awkwardness na naman sa pagitan namin. I sighed. Hindi naman ata mawawala?"Hindi naman mahapdi, neng," nakangiting ani ni Lola sa akin bago marahang hinaplos ang aking kamay. "May asawa ka na ba?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nurse Precy sa gilid ko, hawak niya ang mga ointment na nilalagay ko sa sugat ni Lola. Napangiti na lamang ako. "Wala po. May irereto po ba kayo sa akin?" pakikisabay ko. Hindi na kasi bago sa'kin 'to at may nakailang beses na rin sa'kin nagtanong ng ganito, matanda man o ka-edad ko."Ay, sayang naman! Sa ganda mong iyan, neng? Paanong wala?" tanong pa nito. Kinuha ko ang gauze kay Nurse Precy at maingat na ibinalot ito sa sugat
Last Updated: 2024-06-17