Share

Chapter 73

Allianna’s POV

“Carol,” tawag ko kaya lumapit siya sa akin.

“Yes, Miss.” Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa kaniya.

“Kailangan ko ng tulong mo.”

“Ano pong tulong? Nagugutom po ba kayo?”

“Hindi ako nagugutom, pero kailangan ko ng tulong mo para bantayan ang pintuan ng office ni Aunt Grace mamayang gabi.” Kumunot ang noo ni Carol sa akin at biglang kinabahan. “Alam kong mahirap ang pinapagawa ko sa’yo, pero kailangan mo akong tulungan. Para sa inyo rin itong ginagawa ko.”

“Ano po ba ang gagawin niyo Miss?”

“Kailangan kong makapasok sa office ni Aunt Grace mamayang gabi kapag tulog na siya. Kukuhain ko ang mga impormasyon ng family attorney namin. Kaya please, Carol. Tulungan mo ako, kapag nakuha ko ang impormasyon na iyon, ay mas mapapabilis ang plano ko.”

“Pero, Miss, delekado po ang gusto niyong mangyare. Saka palagi pong lock ang office niya. Hindi po natin ito basta-basta mabubuksan.”

“Kaya nga gagawin natin ito kapag tulog na siya. Saka hindi naman ikaw kukuha ng susi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status