Home / Romance / My First Love / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of My First Love: Chapter 1 - Chapter 10

84 Chapters

Chapter 1

Habang nakatingin si Allian kila Daylon at Kiari ay bigla siyang nakaramdaman ng kirot sa kaniyang puso. Ang kaniyang mga mata ay nagsisimula nang mamasa dahil sa kaniyang luha na hindi niya mapigilang ilabas. Sa dami nilang pinagsamahan ni Daylon, hindi siya makapaniwala na sobra siyang masasaktan sa nakikita niya ngayon. Hindi niya rin maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya nagiging ganito. Kung bakit naluluha na lang siya bigla at nanlulumo ang mga binti. Ito na ata ang palatandaan na kailangan niya nang itigil ang kahihibangan na ginagawa niya. Hindi naman masamang sumuko hindi ba? Wala namang sinabi na kailangan ipagpilitan ang gusto para makuha ang iyong inaasam. Sa kalagitnaan ng basketball court doon umamin ang lalaking si Daylon na pinakamamahal niya sa babaeng pinakamamahal nito. Siya dapat ang nasa hindi si Kiara. Siya dapat ang luluhudan ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang minamahal ni Daylon hindi si Kiara. Siya dapat ang nagpapasaya kay Daylon hindi a
last updateLast Updated : 2022-12-22
Read more

Chapter 2

Pagkatapos kong maghugas, ay lumabas na ako sa kusina."Ate! Tara maglaro tayo! Namiss ka naming kalaro e," masayang mga saad ng mga bata. Gustong-gusto kasi nila ako kalaro. Hinawakan nila ang mga braso ko at hinila papunta sa kanila. Naglalaro kasi sila ng taya-tayaan. Kung sino ang mahawakan ng taya, ay siya ang taya tapos siya naman ang maghahabol. Ang paborito nilang laro, ay ang tagu-aguan. Lalo na kapag gabi dahil hindi nila basta-basta mahanap ang mga nagtatago kaya lugi ang taya.habang naglalaro kami, ay biglang may tumawag sa akin."May bisita po kayo nasa visitor's room po sila ngayon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi sa akin ng babae. Sila? So ibig sabihin ba nito madami ang bumisita sa akin ngayon? Sino naman? Nakita ko ang aking Tiya kasama ang kaniyang anak na babae nakaupo sa dulo ng visitor's room. Nang makita nila ako ay ngumisi ang aking Tiya at nagsign na lumapit ako sa kaniya.Ilang taon na rin silang hindi bumibisita sa akin at sa tuwing bumibisita sila, ay
last updateLast Updated : 2022-12-22
Read more

Chapter 3

Third Person’s POV “Demitri!” tawag ni Mialyn sa kaniyang anak na bunso. “Ano ba ‘yun, Mom? Nakailang tawag ka na po sa akin. Pwede mo naman pong tawagin si Kuya hindi lang po puro ako.” “Huwag ka na ngang magreklamo. Samahan mo kaming manood ng balita rito.” “Para saan?” Inis na umupo si Demirtri sa pang-isahang sofa at nakasimangot na tinignan ang kanilang TV. “Ano naman ang gagawin ko sa balita na ‘yan, Mom? Imbis na nag-aaral ako e,” dagdag pa nito. “Ano naman ngayon? E ‘d dito mo gawin ‘yang pag-aaral na sinasabi mo. Pwede mo naman ‘yun gawin dito.” “Ano ba naman ‘yan.” “Gusto ka lang makita ng Nanay mo, Demitri. Kaya gawin mo na lang ang gusto niya. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka rito. Huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka naman ng maayos dahil hindi naman kami maingay manood ng Nanay mo.” Napabuntong hininga na lang si Demitri dahil sa sinabi ng kaniyang Ama. Inis siyang pumunta sa kwarto niya, pero bago siya bumalik sa sala ay pinasok niya muna ang kwarto ng kaniyang
last updateLast Updated : 2022-12-22
Read more

Chapter 4

“Attorney, bakit kailangan mo pa kaming papuntahin sa inyo kung pwede mo naman sabihin sa amin kung nasaan si Allianna?” seryosong saad ni Benjamin Quinter nang makaupo silang dalawa ng kaniyang asawa sa harap ng attorney.“Sa totoo lang, Mr. and Mrs. Quinter. Iyon po dapat ang gagawin ko, pero hindi ko po maintindihan kung bakit po nandoon si Allianna.”“Nasaan ba siya?” kinakabahang tanong ni Mialyn. Kinakabahan siya na parang anak niya ay nawawala at gusto niya na itong makita.“Napagdesisyonan po ng korte na idala sa bahay ampunan si Ms. Allianna.” Kumunot ang noo ng mag-asawa.“Anong ibig mong sabihin, Attorney? Hindi ba merong kapatid ang nanay ni Allianna? Paano siya napunta sa bahay ampunan? Hindi pwede ‘yun saka meron din siyang mga Ninong at Ninang.”“Iyan po ang ating problema, Mrs. Quinter. Wala pong may gustong kumuha kay Allianna dahil na rin sa teenager na ang bata kaya hindi niya na raw po kailangan ng magulang na magpapalaki sa kaniya. Saka walang kung sino man ang na
last updateLast Updated : 2023-01-04
Read more

Chapter 5

“Miss Allianna Gregorio, do you want Mr. and Mrs. Quinter to be your guardian?” tanong sa akin ng judge kaya mas lalo akong sumaya.“Opo,” nakangiti kong sagot.Sa wakas, natapos na rin ang mahirap kong buhay. Simula ngayon magbabago na ulit ang aking buhay at mas lalo akong magiging masaya kapag nakilala ko na ang mga anak ng mga kaibigan ng magulang ko.Sana hindi sila katulad ng mga nasa kulungan na masasama ang ugali. Sana katulad sila ng mga batang nasa bahay ampunan. ‘Yung tipong kahit meron silang mga problema, ay palagi pa rin silang masaya.Siguro naman mababait at masiyahin din ang mga anak nila dahil gano’n din ang kanilang magulang.“Mr. And Mrs. Quinter, tinatanggap niyo rin bang maging guardian si Miss Allianna Gregorio?”“Yes, your honor.”Nang sabihin ng judge na kaibigan na ng magulang ako titira ay bigla akong niyakap ng mag-asawa.“Sa wakas, isang taon din tayo naghintay para makuha ko, at ngayon mapupunta ka na sa amin,” umiiyak na saad ni Mrs. Quinter habang nakay
last updateLast Updated : 2023-01-05
Read more

Chapter 6

"Goodmorning, Allian," bati ni Mrs. Quinter nang makapunta ako sa dining area ng kanilang bahay."Goodmorning po, Mrs. Quinter," bati ko naman pabalik. Nilapitan ko siya at hinawakan ang isang plato na punong-puno ng pancake. "Tulungan ko na po kayo. Ayaw ko pong nakikita kayong napapagod," saad ko ulit at kinuha na ang plato sabay inilagay sa lamesa."Ano ka ba, Allian. Hindi ba sabi ko sa'yo tawagin mo na lang akong Tita?" Nginitian ko na lang si Tita at kinamot ang ulo ko.Nakakahiya kasi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito dahil hindi ko naman sila masyadong close at ngayon ko lang sila nakilala."Umupo ka na lang diyan, Allian. Ako na ang bahala sa inumin mo dahil meron ka pang pasok ngayon." Napatingin ako kay Tita sa gulat."Pasok po?""Oo, napagdesisyonan ko na ienroll ka sa school ni Daylon dahil magkasing idad naman kayong dalawa hindi ba?" Tutungo na sana ako nang biglang magsalita ang bunso nilang anak na si Demetri."Bakit mo pa ieenroll 'yan, Mom? Eh baka nga hin
last updateLast Updated : 2023-01-06
Read more

Chapter 7

“Nakalimutan kong bilihan ka ng bisekleta, Allianna. Pero huwag kang mag-alala, sigurado akong bukas na bukas ay mag magagamit ka na rin. Sa ngayon kay Daylon ka muna aangkas.” Napanganga ako dahil hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Tita. Tinignan ni Tita si Daylon. “Narinig mo naman kung ano ang sinabi ko hindi ba?” Walang nagawa si Daylon kung hindi ang tumungo.Nang makapasok si Tita sa bahay, ay napatingin ako kay Daylon na seryosong nakatingin sa akin habang nakasakay na sa bike.“Sasakay ka ba o makikipagtitiggan ka lang sa akin?” Nabuhayan ako bigla at umangkas na sa likod ng bike ni Daylon.Grade 11 si Daylon habang ako ay grade 10 dahil nagstop ako ng isang taon sa pag-aaral. Nahihiya na nga ako pumasok dahil grade 11 na rin dapat ako ngayon. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako natigil ng isang taon.Mga ilang minuto, biglang tumigil sa bike.“Baba.” Dahil kakaiba ang boses ni Daylon, ay sinunod ko agad ang kaniyang utos. Nang makababa ako nakatingin na p
last updateLast Updated : 2023-01-07
Read more

Chapter 8

Nang makapasok ako sa classroom namin ay lahat ng estudyante ay napatingin sa akin dahil sila ay nagkaklase.Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sa akin. E ‘d sana hindi na lang muna ako pumasok sa unang klase.Late na nga ako tapos ganito pa ang mangyayare sa akin. Hindi naman siguro ako papagalitan ng guro rito hindi ba? Hindi naman siya magagalit sa akin dahil late ako.Nang tumingin ako sa guro naming nakatingin sa akin habang nakatayo at may hawak na libro, ay bigla akong napayuko dahil sa hiya. Iba kasi ang tingin niya sa akin at sabayan pa ng mga estudyanteng nakatingin din.“Muntikan ko nang makalimutan na meron pala tayong bagong kaklase. Miss, lumapit ka sa akin at ipakilala mo ang ‘yong sarili sa kanila.” Napatingin ako sa guro at nagulat ako nang nakangiti ito sa akin.Hindi siya galit sa akin? Hindi niya ako papagalitan? Bakit?“Ano pa ang hinihintay mo, Miss? Tumatakbo ang oras kaya magpakilala ka na rito.” Dahil baka magalit pa sa akin ang guro na babae ay tumabi
last updateLast Updated : 2023-01-08
Read more

Chapter 9

“Kumusta naman ang mga klase mo, Allianna?” nakangiting tanong sa akin ni Tita nang makaupo ako sa dining area.Kami ngayon ay naghahapunan na. Kaya nagtatanong na si Tita tungkol sa mga araw naming lahat sa paaralan. Mas lalo ko tuloy namiss ang mga magulang ko. Ganito rin kasi sila tuwing naghahapunan na kami. Palagi nila akong tinatanong kung kumusta ang araw ko sa paaralan.Pakiramdam ko tuloy magulang ko na rin sila Tita. Pakiramdam ko nasa bahay na namin ako. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting lungkot dahil namimiss ko ang mga magulang ko lalong-lalo na ang mga masasayang nakaraan namin.“Ayus naman po, Tita, Ang problema nga lang, wala po akong naintindihan sa lesson namin ngayon.”“Huwag kang mag-alala. Maiintindihan mo rin ‘yun dahil nag-uumpisa ka pa lang. Hindi mo kailangan mastress. Saka madami ka pang oras para pag-aralan ang mga ‘yan.”“Kaya hindi mo maintindihan ang mga tinuturo sa’yo dahil hindi mo pinapakinggan ng maayos. Wala ka kasing utak.” Napatingin kaming lahat ka
last updateLast Updated : 2023-01-09
Read more

Chapter 10

Nang makalabas ako sa opisina ni principal, ay hindi ko na nakita si Daylon sa labas. Saan kaya ‘yun nagpunta?Ngayon ko lang naisip na nakakahiyang magpaturo kay Daylon dahil hindi naman kami masyadong close. Saka baka mainis lang ‘yun sa akin dahil bobo ako. Hindi ako madaling matuto. Pakikinig na nga lang sa guro namin ngayon hindi ko maintindihan e. Turo pa kaya ni Daylon?Mag-aral na lang kaya ako mag-isa? Nakakahiya naman kung iistorbohin ko si Daylon. Siguro akong nag-aaral palagi ‘yun dahil siya ang pinakamatalino sa paaralan na ‘to, pero sino naman ang magtuturo sa akin kung hindi ako magpapaturo kay Daylon?Habang naglalakad ako. Meron akong narinig na babae at lalaki na nag-uusap sa loob ng storage room. Nakabukas kasi ang pintuan kaya narinig ko.“Seryoso ka ba? Hindi mo kailangan gawin sa akin ‘to,” umiiyak na saad ng babae. Hindi ko kilala ko kung sino ang lalaki dahil hindi ko nakikita ang mukha nito, pati na rin ‘yung babae.“Kaya kong gawin ‘yun.” Napakunot ang noo ko
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status