Share

Chapter 9

Author: carmiane
last update Huling Na-update: 2023-01-09 23:30:37

“Kumusta naman ang mga klase mo, Allianna?” nakangiting tanong sa akin ni Tita nang makaupo ako sa dining area.

Kami ngayon ay naghahapunan na. Kaya nagtatanong na si Tita tungkol sa mga araw naming lahat sa paaralan. Mas lalo ko tuloy namiss ang mga magulang ko. Ganito rin kasi sila tuwing naghahapunan na kami. Palagi nila akong tinatanong kung kumusta ang araw ko sa paaralan.

Pakiramdam ko tuloy magulang ko na rin sila Tita. Pakiramdam ko nasa bahay na namin ako. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting lungkot dahil namimiss ko ang mga magulang ko lalong-lalo na ang mga masasayang nakaraan namin.

“Ayus naman po, Tita, Ang problema nga lang, wala po akong naintindihan sa lesson namin ngayon.”

“Huwag kang mag-alala. Maiintindihan mo rin ‘yun dahil nag-uumpisa ka pa lang. Hindi mo kailangan mastress. Saka madami ka pang oras para pag-aralan ang mga ‘yan.”

“Kaya hindi mo maintindihan ang mga tinuturo sa’yo dahil hindi mo pinapakinggan ng maayos. Wala ka kasing utak.” Napatingin kaming lahat ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My First Love   Chapter 10

    Nang makalabas ako sa opisina ni principal, ay hindi ko na nakita si Daylon sa labas. Saan kaya ‘yun nagpunta?Ngayon ko lang naisip na nakakahiyang magpaturo kay Daylon dahil hindi naman kami masyadong close. Saka baka mainis lang ‘yun sa akin dahil bobo ako. Hindi ako madaling matuto. Pakikinig na nga lang sa guro namin ngayon hindi ko maintindihan e. Turo pa kaya ni Daylon?Mag-aral na lang kaya ako mag-isa? Nakakahiya naman kung iistorbohin ko si Daylon. Siguro akong nag-aaral palagi ‘yun dahil siya ang pinakamatalino sa paaralan na ‘to, pero sino naman ang magtuturo sa akin kung hindi ako magpapaturo kay Daylon?Habang naglalakad ako. Meron akong narinig na babae at lalaki na nag-uusap sa loob ng storage room. Nakabukas kasi ang pintuan kaya narinig ko.“Seryoso ka ba? Hindi mo kailangan gawin sa akin ‘to,” umiiyak na saad ng babae. Hindi ko kilala ko kung sino ang lalaki dahil hindi ko nakikita ang mukha nito, pati na rin ‘yung babae.“Kaya kong gawin ‘yun.” Napakunot ang noo ko

    Huling Na-update : 2023-01-12
  • My First Love   Chapter 11

    “Sinabi na ba sa’yo ni Principal tungkol sa pagkakaron ng pangalawang pagkakataon.” Napatingin ako kay Tita at tinigil ang paghuhugas.“About nga po pala roon, Tita. Marami pong salamat dahil pinakiusapan niyo po siya tungkol po sa sitwasyon ko.”“Iha, deserve mo ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Wala ka namang kasalanan dahil pinagbintangan ka lang. Saka ilang sabi ko na sa’yo na hindi mo kailangan magpasalamat.” “Kahit gano’n po, Tita. Kailangan ko pa rin po magpasalamat.”“Meron ka na bang naisip na strand?”“Wala pa nga po e. Hindi po kasi ‘yan ang iniisip ko. Saka hindi ko pa po alam kung ano po ang pangarap kong trabaho. Kaya hindi pa po ako nakakapagdesisyon.”“Gano’n ba? Hindi mo naman din kailangan magmadali dahil madami ka pa namang araw para makapagdecide. Ipagpray natin ‘yan para ang makuha mong strand ay tama at makatulong sa’yo.”“Salamat po, Tita. Ang dami niyo na pong nagawang maganda sa akin.” Nginitian ako ni Tita at hinawakan ang aking buhok. “Nga pala, pu

    Huling Na-update : 2023-01-14
  • My First Love   Chapter 12

    Dahil sa pinuyat ako ni Daylon kagabi. Ito ako ngayon naglalakad sa hallway ng paaralan namin na parang zombie. Hindi naman siguro mapapansin ng mga kaklase ko kung bakit ako ganito hindi ba?Nang makapasok ako sa classroom namin ay binati lang nila ako ng goodmorning. Siyempre babatiin ko rin sila. Simula noong nalaman nilang pinatawag ako ni Daylon sa principal ay naging close na sila sa akin dahil bihira lang daw magtawag ng estudyante si Daylon. Ang akala ko nga magagalit sila sa akin, buti na lang hindi.Hindi ba gano’n ang mga palabas? Kapag merong kinakausap ang bidang lalaki magagalit ang mga babae sa kaniya? Kaya nga nagulat ako noong naging mabait sila sa akin.Unti-unti ko silang nakikilala at ang babait pa nila. First time kong maging kaclose ang lahat ng mga kaklase ko. Iniimbita pa nga nila ako na sumama sa kanila sa sabado dahil maggagala raw sila. Ang sabi ko sa kanila susubukan ko dahil nakakahiya naman kila Tita at saka wala akong pera para panggala.Saka kailangan

    Huling Na-update : 2023-01-15
  • My First Love   Chapter 13

    Paano ba ako magpapaalam kay Tita? Baka hindi niya ako payagan dahil imbis na nag-aaral ako. Ang ginagawa ko ngayon ay nagpapakasaya. Huwag ka na kaya ako magpaalam? Hindi na lang ako sasama dahil ayaw kong bigyan ng problema sila Tita.Nang makatayo ako sa aking kama ay biglang may kumatok sa aking pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil nakatayo sa harap ko si Daylon. Seryoso rin ang mukha nito at ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang pantalon.“May kailangan ka po ba?” Hindi ko kasi alam kung bakit siya bumalik. Kakaalis niya lang kasi kanina dahil tapos na niya ako turuan. Oo, hindi pa ako nagpapaalam kay Tita. Matutulog na lamang ako, pero hindi pa ako nakakapagpaalam. Bukas na lang ako magpapaalam para payagan ako. Saka hindi ko alam kung sasama si Daylon sa gala ng mga kaklase niya. Kung hindi siya sasama, hindi na rin ako sasama. Kapag naman sasama siya, sasama ako.“Hindi kita matuturuan bukas.” Kumunot ang noo ko, pero nawala rin ‘yun nang mai

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • My First Love   Chapter 14

    “Huwag kang mag-expect na hahawakan ko ang kamay ko para lang hindi ka mawala,” agad na saad ni Daylon nang makalabas kami ng bahay.“Wala naman akong sinasabi na hawakan mo ang kamay ko. Si Tita lang naman ang nagsabi no’n hindi ako. Sineryoso mo talaga ang sinabi niya.” Masamang tingin lang ang sagot ni Daylon sa akin. Masanay na dapat ako sa mga gan’yan niya dahil palagi siyang gano’n kapag kausap ako.Ang boring tuloy ng paglalakad namin papunta sa sakayan ng jeep. Siya ang nauuna maglakad habang ako ay nasa likod wala pang gana maglakad dahil ang init-init. Nagdala na lang sana ako ng payong. Kaso wala pala akong payong.“Bilisan mo maglakad dahil baka wala tayong maabutang jeep sa sakayan.” Inirapan ko na lang siya at sinipa ang maliit na bato na nakaharang sa dadaanan ko. “Aray! Put*!” daing ni Daylon kaya napatigil ako sa paglalakad.Nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin.“Sorry.”“Ano ba ang ginagawa mo? Hindi ba sinabi ko sa’yo na bilisan mo ang paglalakad, pero ang g

    Huling Na-update : 2023-01-18
  • My First Love   Chapter 15

    “Nakakatakot kang kumanta,” reklamo ni Romeo kay Hezekiah. Kumanta kasi sila kanina sa videoke. E biglang sinabi ni Hezekiah na kakanta siya, hindi naman nila alam na mapangit pala ang boses ni Hezekiah.Ewan ko ba sa mga ‘yan. Wala naman problema sa isang tao kung mapangit ang kaniyang boses o kaya wala sa tono. Sadyang naglolokohan lang ang dalawang ‘to. Ang sarap daw kasi asarin ni Hezekiah.“Hindi mo ba alam kung gaano kataas ang kantang ‘yun? Kung ikaw kaya ang kumanta ron. Doon mo malalaman kung gaano kahirap ‘yun kantahan.” Parang isip bata si Romeo na naglakad papunta kila Neri. Habang si Hezekiah naman ay tumabi sa akin.“Bakit pala badtrip si Daylon kanina?” “Ano?”“Seryoso ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko?”“Hindi.”“Ano kako ang nangyare. Bakit badtrip si Daylon kanina no’ng dumating kayo.”“Kanina pa tayo magkasama ahh? Bakit ngayon mo lang ‘yan tinanong?”“Wala lang, wala kasi akong matopic ngayon kaya ‘yan na lang ang topic natin.”“Hindi ko alam kung bakit siya b

    Huling Na-update : 2023-01-19
  • My First Love   Chapter 16

    “Hindi pa ba tapos? Kanina pa ako nagsusukat ng mga damit na ibinibigay mo sa akin e,” inis na saad ko nang makalabas ako ng fitting room. Buti pa siya nakaupo lang sa harap ng pintuan ng fitting room at tinitignan kung bagay ba sa akin ang mga pinapasuot niya“Huwag ka na magreklamo. Kung gusto mo talagang matapos na tayo rito, ay bibilisan mo na lang diyan. Para makakain na tayo.”“Anong bilisan? Kahit anong bilis ko magbihis. Palagi mo namang dinadagdagan.” Tinignan niya ako ng masama kaya napahawak ako sa damit ko.“Ang dami mong reklamo. Buti nga ikaw ang sinama ko rito.”“Utang na loob ko pa pala ang mga ginagawa ko ngayon?”“Gawin ko na lang ang pinapagawa ko sa’yo. Ako naman ang magbabayad ng pagkain mo mamaya.” Lumaki ang aking mga mata at nilapitan siya para makasigurado ako na totoo ang sinabi nya.“Totoo ‘yan? Baka hindi ‘yan totoo ahh.”“Mukha ba akong nagbibiro? Tignan mo ako sa mata ko para malaman mo kung nagbibiro ako o hindi.” Hindi ako nagdalawang isip na tignan ang

    Huling Na-update : 2023-01-20
  • My First Love   Chapter 17

    Sinundan ko na lang siya. Sana naman mura lang ang mapasukan naming kainan dito. Ayaw kong mapunta sa mamahaling kainan. Baka maubos agad ang pera ko. Pamasahe pa lang naman ang nagagastos ko e at sana ‘yun lang ang gagastosin ko hanggang mamaya.“Nasaan tayo?” saad ko nang makapasok kami sa loob ng restaurant. Sa ayos at pamamalakal pa lang ng restaurant na ‘to. Alam ko na agad na mahal ang mga pagkain dito.“Stupid, hindi mo ba binasa kanina ang pangalan ng restaurant na ‘to, bago ka pumasok?” Tumahimik na lang ako dahil baka masabihan na naman ako ng stupid. Hidni ko naman alam na required pala ‘yung basahin muna ang pangalan ng papasukan bago pumasok.“Ilan po kayo, Sir?” saad ng isang babae kay Daylon.“Ilan ang nakikita mong kasama ko?” seryosong sagot naman niya.“Isa po.”“So, ilan kami?”“Dalawa po.” Agad na umalis ang babae dahil sa kahihiyan. Hindi naman kasi porket kung ilan ang nakikita mo na kasama ng isang tao ay ‘yun na ‘yun. Malay mo meron pa silang kasama, pero may p

    Huling Na-update : 2023-01-21

Pinakabagong kabanata

  • My First Love   Chapter 82

    Allianna’s POV“Mauna na kayo sa bahay dahil muna ako ngayon. Gusto kong icelebrate ang pagkapanalo ko ngayon,” seryosong sabi kokay Lio at kay Bianca.“Miss, paano po itong mga documents na kailangan niyong pirmahan? Kailangan niyo na po itong mapirmahan.”“Bukas na ‘yan, Bianca. Gusto ko munang maging masaya ngayon. Kaya hayaan mo muna ako.” Nang makalabas ako ng kotse, ay agad akong naglakad papunta sa entrance ng bar, pero bago pa ako makapasok, ay meroon nang pumigil sa akin na dalawang guard.“May I’D po ba kayong dala, Miss?” Kumunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.“Bakit mo kailangan?”“Gusto ko lang pong malaman kung ilang taon na kayo, Miss.”“Wala akong dalang I’D kaya papasukin mo na lang ako.”“Hindi pwede, Miss.”“Fuck! Papasukin mo ako, gusto ko lang magsaya ngayon. Kaya hayaan mo na ako maging masaya. I’m an adult now!” Dahil sa mga sinabi ko, ay agad na nila akong pinapasok. Kaya masaya akong pumunta agad sa dance floor. Habang sumasayaw ako, ay kumuha ako ng isang

  • My First Love   Chapter 81

    Third Person's POV"Congratulations, Miss Gregorio. Ikaw na ngayon ang may-ari ng lahat ng kayamanan ng Gregorio." Pilit na ngumiti si Allianna kay Attorney Heiz nang matapos niyang pirmahan ang documents na pinapirma ni Heiz kay Allianna.Nakuha man ni Allianna ang hustisya na matagal niya nang gustong makuha, pero may isa namang tao ang nawala sa buhay niya. Kaya lungkot at saya ang nararamdaman ni Allianna ngayon."I am Bianca Green, ako ang secretary ng daddy mo noon." Nginitian siya ni Alliann at nakipagkamayan. "Ako lang ang nandito, dahil may mga documents na kailangan mong pirmahan.""Pwedeng mamaya na lang 'yan? Meroon pa akong kailangan puntahan.""Sige po.""Lio," tawag ni Allianna sa kaniyang driver. Kaya pumunta agad si Lio sa harap ni Allianna. "Ihanda mo ang sasakyan dah pupunta tayo sa Catholic School.""Yes, Miss." Nang makaalis si Lio, ay nagpaalam na rin si Attorney Heiz kay Allianna na aalis na ito dahil manganganak na raw ang kaniyang asawa. Kaya si Biance na lang

  • My First Love   Chapter 80

    After 10months*Allianna's POV"Miss, ako na po ang hahawak ng maleta niyo." Napatingin ako sa isang lalaki na lumapit sa akin. Isa siguro sita sa nagtatrabaho rito sa airport dahil nakauniform siya."I don't need your help. I can handle my things." Tutungo na sana ang lalaki nang biglang lumapit sa akin si Aunt Grace."Let him help you, dear. Pagod tayo sa flight. Kaya gusto ko nang magpahinga... I can't wait to go home." Napangisi ako sa sinabi ni Aunt Grace, kaya ibinigay ko na lang ang dalawang maleta ko sa lalaki.Sa sampong buwan namin sa France, ay wala akong ginagawa kung hindi ang tumunganga lang sa hotel room. Minsan naman, at sinasama ako ni Aunt sa business meeting nila, pero hindi ako nakikinig. Wala rin anmang kwenta ang pinag-uusapan nila. Puro kwento lang ng buhay, 'yung ibang lalaki naman ay grabe makatingin sa akin.Hindi ko inaasahan na magtatagal kami sa France at ngayon na nakabalik na ako. Ito na siguro ang masayang mangyayare sa buhay ko.Matagal man akong nawal

  • My First Love   Chapter 79

    Third Person's POVPinindot ni Attorney Heiz ang doorbell sa bahay ng Quinter family. Kaya naghintay siya ng magbubukas ng gate.Nang makita niya ang isang lalaking binata na papunta sa kaniya, ay inayos niya ang kaniyang tayo."Sino po kayo?" tanong ni Daylon."I am Attorney Heiz. Gusto ko lang makausap ang magulang mo, pwede ko ba silang makausap?""Sorry, but I don't know you.""Of course, you don't know me, pero importante kasi ang sasabihin ko sa magulang mo. Kaya gusto ko sana silang makausap. Kahit dito na lang kami mag-usap.""Wait, I'll call them." Pinanood ni Attorney Heiz ang lalaki na pumasok sa bahay at mga ilang segundo, ay lumabas na ang mag-asawa na si Mialyn at Benjamin."Gusto mo po kaming makausap? Pwede ko bang malaman kung ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Benjamin."Tungkol po kay Allianna Gregorio." Napatulala si Mialyn kay Attorney Heiz at hindi alam kung ano ang sasabihin."Pag-usapan natin sa loob ng bahay.," sagot naman ni Benjamin. Alam niyang hindi pa

  • My First Love   Chapter 78

    Nagising ako na masakit pa rin ang ulo. Dumadalas na ang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Umiinom naman ako palagi ng tubig, pero kaunti lang ang kinakain ko. Baka pagkain lang ang kailangan?Bumuntong hininga ako at tumayo para buksan ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang siguro na kumatok si Carol na tawagin ako para mag-almusal, pero hindi kumatok si Carol.Kaya lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dining area, pero hindi ko nakita sila Aunt Grace."You," tinuro ko ang isang kasambahay na palaging kasama ni Aunt Grace. Kakadaan niya lang sa dining area. Kaya nakita ko siya. "Nakita mo ba si Aunt Grace?""Maaga po siyang umalis, Miss.""Bakit?""Aasikasuhin niya raw po ang passport and ticket niyo papuntang France at deretsyo po siya sa kompanya.""Nakita mo si Carol?""Opo, nasa likod po siya ng mansion, naglalaba po.""Ok." Pagkatapos kong sabihin 'yun, ay pumunta agad ako sa likod ng mansion at doon ko nakita si Carol na nagsasampay

  • My First Love   Chapter 77

    Habang hinihintay ko si Carol na makabalik, ay hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Kulang lang ba ako sa kain? O ililigo ko na lang ito?Hindi naman mainit dahil nakaopen palagi ang aircon ang buong bahay. Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ang aking likod sa upuan.Sasama ba ako kay Aunt Grace papunta sa France? Wala akong choice kung hindi ang sumama dahil alam ko na kailangan niya akong tignan palagi. Hindi ako pwedeng mawala sa mga mata niya. Kaya kailangan niya akong isama. Siguro kaya niya naisip na isama ako dahil kapag umalis na siya, ay baka umalis ako? Pwede kong gawin 'yun, pero alam ko na malalaman 'yun ni Aunt Grace."Miss, nakuha ko na po 'yung book na pinapakuha niyo." Pumasok si Carol sa loob at ibinigay sa akin ang libro."Salamat, Carol. Balik ka na lang ulit dito, para kuhain ang cellphone." Pagkakuha ko ng libro, ay tumungo siya at lumabas.Tatawagan ko pa ba sila? Sabado naman ngayon kaya sure ako, ay walang pasok sila Daylon. Ang kailanga

  • My First Love   Chapter 76

    Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Kaya agad ko itong binuksan at pinapasok si Carol sa loob."Ano po pala ang kailangan niyo, Miss?""Meroon ka bang cellphone na may pangtawag?""Ay, sorry po, Miss. Wala po kasing load itong phone ko kaya hindi po kayo makakatawag.""Baka meroon kang kilala na pwede kong magamit na cellphone. Meroon kasi akong kailangan tawagan.""Pwede ko po bang tanungin muna ang mga kaibigan kong kasambahay, Miss? Baka po kasi meroon silang load. Ang iba po kasi sa amin, ay may bank account na pwede namang gamitin pangload.""Sige, basta huwag mong sasabihin na ako ang may kailangan ng cellphone, dahil tayo lang ang nakakaalam ng ginawa nating dalawa.""Yes, Miss." Pagkalabas ni Carol sa kwarto, ay agad akong kumuha ng papel at ballpen sa study table ko. Sabay kinuha ko rin ang brown na folder at tinignan ko roon ang phone number ni Atty. Heiz. Nang makita ko, ay agad kong isinulat sa papel at itinago agad 'yung folder sa taguan ko.Habang nakatingin ako sa papel,

  • My First Love   Chapter 75

    Nagising ako na nakakaramdam ng masakit na ulo. Siguro dahil ito sa kaninang madaling araw. Masyado akong napuyat sa kakaisip sa dalawang folder na nakuha ko.Nagmuni-muni muna ako bago ako tumayo para pumunta sa banyo. Umuhi ako at nagtoothbrush sabay hilamos.Pagkalabas ko ng banyo, ay sakto naman na may kumatok sa kwarto ko."Miss? Gising na po ba kayo?" narinig ko ang boses ni Carol kaya pinapasok ko siya sa loob, pero binuksan niya lang ang pintuan. "Miss, hinihintay na po kayo ng Aunt at pinsan niyo sa baba para magbreakfast.""Alam mo ba kung anong oras na, Carol?" tanong ko habang nakahawak sa ulo ko dahil kumikirot ito."Seven po ng umaga, Miss.""Salamat, pakisabi sa kanila bababa na ako." Tumungo si Carol kaya isinara na ang pintuan.Minsan lang magyaya si Aunt Grace ng breakfast. Kaya kailangan kong makisama sa kanila ngayon dahil meroon din akong mga bagay na kailangan na sana, ay ibigay niya sa akin.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at para akong pagod na pagod kahit

  • My First Love   Chapter 74

    “Handa ka na ba, Carol?” seryosong tanong ni Allianna.“Miss, sigurado po ba kayo rito? Pwede pa po tayong magbackout ngayon dahil may oras pa naman po tayo. Ayaw ko pa pong mamatay ng maaga dahil kailangan po ng pera ng pamilya ko,” kinakabahan na sabi ni Carol.“Hindi na tayo pwedeng magbackout, Carol. Naplanohan na natin ito, kaya hindi tayo pwedeng tumigil. Kailangan ko nang kumilos. Hintayin mo ako rito. Kapag kumatok ako sa pintuan, ang ibig sabihin, ay nakuha ko na ang susi. Kaya lumabas ka na dahil pupunta na tayo sa opisin.” Dahan-dahang tumungo si Carol kay Allianna. Kaya lumabas na si Allianna sa kwarto.Ipinakita ni Carol kung saang daan ang papunta sa kwarto at opisina ni Grace. Kaya alam na niya kung saan siya pupunta. Madilim ang paligid dahil madaling araw na at lahat na ng tao, ay tulog na. Silang dalawa na lang ni Carol ang gising.Huminga ng malalim si Allianna at dahan-dahan naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Grace. Wala siyang nakikitang tao na naglalakad sa

DMCA.com Protection Status