Third Person’s POV“Are you alright, Miss Kiara?” tanong ni Daylon kay Kiara nang makita niya ang babaeng namumutla at napapapikit.Kakatapos lang ng meeting nila. Kaya nagkaroon ng oras si Daylon na kausapin si Kiara. Buong meeting din kasi nagpahinga ang babae. Kanina niya pa pinagsabihan ang babae na umuwi na, pero hindi niya ito ginagawa. Gusto ni Kiara na makinig sa meeting nila. Ang akala rin kasi ni Kiara na kakayanin niya ang lahat ng trabaho, pero hindi.Kaya nga hiyang-hiya siya kay Daylon dahil nagpatulong siya sa lalaki. Hindi rin naman niya inaasahan na magkakaroon siya ng lagnat.“Ok lang ako, Daylon. Hindi mo ako kailangan alalahanin. Kailangan ko lang ng kasama pauwi dahil hindi ko kaya ng mag-isa.” Tumingin si Daylon sa paligid para sana mag-utos na samahan si Kiara makauwi dahil naghihintay sa kaniya si Allianna sa labas ng gate at gabi na rin, pero wala siyang nakitang tao. Nakaalis na pala ang student council.“Pwede mo ba akong samahan, Daylon?” nanghihinang tanon
Allianna’s POVNagising ako na masakit ang ulo. Tinignan ko ang paligid at nasa isang unfamiliar na kwarto ako ngayon. Madilim ang kwarto, pero maayos ang kama na hinihigaan ko.Naalala ko, meroon pa lang kumuha sa akin na tatlong hindi ko kilalang lalaki dahil nakamask. Sigurado ako na si Aunt Grace ang may pakana ng pagdukot sa akin. Pero natatakot ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako at napakadilim ng kwarto.Ang liwanag lang na nakikita ko, ay ang glass na bintana na nasa pintuan.Pagkaupo ko, ay mas lalong sumakit ang ulo ko kaya napadaing ako. Hinayaan ko muna na nakaupo dahil baka kapag tumayo ako agad, ay maout of balance ako.“Uggh,” mas dumaing ako sa sakit nang maramdaman ko ang sakit ng dalawa kong braso. Nagulat ako nang makita ang braso ko na may mga malalaking pasa na nang galing siguro sa paghawak nila ng mahigpit sa akin nong kinuha nila ako.Nasaan ba ako ngayon? Nanghihina ang buong katawan ko.Pakiramdam ko ngayon, ay wala na akong kasama at mag-isa na lang. Sim
Third Person’s POV“Umupo ka muna rito sa tabi ko, Mialyn. Nahihilo ako sa pagbabalik-balik mo riyan,” sabi ni Benjamin sa kaniyang asawa na kanina pa naglalakad pabalik-balik sa kanilang sala. Hindi siya mapakali dahil hindi pa rin dumadating sa kanila si Allianna hanggang ngayon.“Paano ako kakalma, Benjamin! Hindi pa rin dumadating si Allianna hanggang ngayon. Hindi ko alam kung nasaan siya kung ok lang siya. Hindi ako mapakale. Paano kung may nangyare na pala sa kaniya sa labas?” Tumingin ng galit si Mialyn kay Daylon na nakaupo lang at nakatulala. “Saan mo ba kasi iniwan na naman si Allianna!? Alam mong delekado sa labas kapag gabi na pero hinayaan mo pa rin siyang maghintay doon!”“Hon, huwag mo nang sisihin si Daylon. Hindi rin niya ginusto na mawala si Allianna. Kaya kumalma ka na, nakausap ko na ang mga police at sila na raw ang bahala sa paghahanap sa kay Allianna. Baka nasa paligid lang siya at naligaw lang.”“Naligaw lang? Inabot na tayo ng umaga, Benjamin. Hindi pa tayo n
"Ang tagal mo bago dumating." Hindi pinansin ni Daylon si Miguel dahil dumeretsyo ito sa kanikang Coach na galit na nakatingin kay Daylon."Anong oras na Quinter! Bakit ngayon ka lang?" Tumayo sa harap ng Coach si Daylon."I'm sorry, Coach. Nagkaroon ng emergency sa bahay kaya hindi ako makaalis agad. Pinilit ko lang ang tatay ko na pumunta ngayon dahil kailangan ako ng teammates ko.""Sige, simulan niyo na ang pagtetraining. Wala dapat tayong sinasayang na oras. Gusto kong iuwi ang pangalan ng ating paaralan na champion sa basketball.""Yes, Coach." Ibinaba ni Daylon ang kaniyang mga gamit sa upuan nila at nagsampatos na."Anong klaseng emergency ba 'yan, Daylon?" Natatawang tanong ni Miguel. "Emergency ba talaga 'yan o gawa-gawa mo lang dahil tanghali ka nagising," dagdag pa ng lalaki."Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo, Miguel," seryosong sagot ni Miguel."Masyado ka atang seryoso ngayon, Daylon? Gan'yan ba kapag kulang sa tulog?" sabi naman ni William habang tumatawa. Kaya
Allianna's POV"Pwede bang patanggal muna ng posas sa kamay ko? Bago ako pumunta sa kwarto ko?" seryosong tanong ko kay Aunt Grace."Ano pa ang hinihintay niyo?" Inis na sabi ni Aunt sa dalawang lalaki. "Tanggalin niyo kung ano man ang tawag sa nasa kamay niya. Sino ba kasi ang nagsabi na lagyan niyo niyan? Hindi naman baboy ang pamangkin ko!"Ang sarap siguro pakinggan kung totoo ang sinasabi ni Aunt Grace? Pamangkin niya? Totoo namang pamangkin niya ako, pero simula noong pinatay niya ang magulang ko, sigurado ako na hindi niya na ako tinuring na pamangkin dahil itinapon niya ako sa bahay ampunan. Pero alam ko na ang purpose kung bakit ako nilagay sa bahay ampunan, dahil doon ko makikilala ang isag pamilya nanagpahalaga sa akin. Sila ang nagparamdam ulit sa akin ng pagmamahal ng isang magulang. Kaya swerte ako dahil nakilala ko sila."Simula ngayon, ituring niyo na rin siyang Miss sa bahay na ito. Walang sinuman ang mananakit at magtuturing baboy sa kaniya rito. Naiintindihan niyo b
Habang naliligo ako, parang may narinig akong nabasag sa labas. Kaya minadali ko ang pagliligo. Nang matapos kong maligo, ay nagbihis na ako.Habang palapit ako sa pintuan, ay doon ko narinig ang boses ni Xyllene.“Ano ka ba? Isa ka lang kasambahay kaya wala kang karapatan para pigilan ako sa gusto kong gawin!” Kumunot ang noo ko at binuksan ang pintuan. Doon ko nakita si Xyllene na hawak ang picture frame na may picture ng pamilya ko at si Carol naman ay nakaupo sa sahig.“Ano ang nangyayare rito, Carol?” Dahan-dahan tumayo si Carol at yumuko. Tumingin ako ng walang ipinapakitang emosyon kay Xyllene. Kaya ngumisi ito na parang baliw.“Nakatira ka na rito, Cousin. At mukhang magkakasundo na tayo ngayon.” Tinignan ko lang siya at hindi sinagot. “Come on, kailangan natin maging close dahil magpinsan tayo. Ayaw kong magkaroon ng kaaway dito sa bahay. Baka magalit sa akin si Mommy kapag nalaman niya na inaaway kita.”“Give me my family’s picture.” Tumawa si Xyllene at inabot sa akin ang p
Allianna’s POV“Carol,” tawag ko kaya lumapit siya sa akin.“Yes, Miss.” Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa kaniya.“Kailangan ko ng tulong mo.”“Ano pong tulong? Nagugutom po ba kayo?”“Hindi ako nagugutom, pero kailangan ko ng tulong mo para bantayan ang pintuan ng office ni Aunt Grace mamayang gabi.” Kumunot ang noo ni Carol sa akin at biglang kinabahan. “Alam kong mahirap ang pinapagawa ko sa’yo, pero kailangan mo akong tulungan. Para sa inyo rin itong ginagawa ko.”“Ano po ba ang gagawin niyo Miss?”“Kailangan kong makapasok sa office ni Aunt Grace mamayang gabi kapag tulog na siya. Kukuhain ko ang mga impormasyon ng family attorney namin. Kaya please, Carol. Tulungan mo ako, kapag nakuha ko ang impormasyon na iyon, ay mas mapapabilis ang plano ko.”“Pero, Miss, delekado po ang gusto niyong mangyare. Saka palagi pong lock ang office niya. Hindi po natin ito basta-basta mabubuksan.”“Kaya nga gagawin natin ito kapag tulog na siya. Saka hindi naman ikaw kukuha ng susi.
“Handa ka na ba, Carol?” seryosong tanong ni Allianna.“Miss, sigurado po ba kayo rito? Pwede pa po tayong magbackout ngayon dahil may oras pa naman po tayo. Ayaw ko pa pong mamatay ng maaga dahil kailangan po ng pera ng pamilya ko,” kinakabahan na sabi ni Carol.“Hindi na tayo pwedeng magbackout, Carol. Naplanohan na natin ito, kaya hindi tayo pwedeng tumigil. Kailangan ko nang kumilos. Hintayin mo ako rito. Kapag kumatok ako sa pintuan, ang ibig sabihin, ay nakuha ko na ang susi. Kaya lumabas ka na dahil pupunta na tayo sa opisin.” Dahan-dahang tumungo si Carol kay Allianna. Kaya lumabas na si Allianna sa kwarto.Ipinakita ni Carol kung saang daan ang papunta sa kwarto at opisina ni Grace. Kaya alam na niya kung saan siya pupunta. Madilim ang paligid dahil madaling araw na at lahat na ng tao, ay tulog na. Silang dalawa na lang ni Carol ang gising.Huminga ng malalim si Allianna at dahan-dahan naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Grace. Wala siyang nakikitang tao na naglalakad sa