“Adrian?” Mahinang sambit ni Sabrina nang makilala ang pumasok. Napakunot ang noo niya sa iisiping sinundan sila ng binata pero saglit lang at napailing siya dahil imposibleng susundan sila ng binata. “Ma’am, heto na po ang items at resibo niyo po.” Kinuha ni Sabrina ang biniling mga sombrero at inaya si Alex na umalis na. Si Adrian nasa tabi pa rin ng pintuan at busy sa kanyang phone nang may pumasok na babae. Kahit may edad na ito na sa tingin niya ay nga nasa sisienta na, metikulosa pa rin itong manamit at halatang maykaya sa buhay. “Ano ba, Adrian? Diyan ka na lang ba lagi sa phone mo? Aba’y kakahiwalay niyo lang ah tapos panay na naman text ng Anne na ‘yan sa ‘yo? Kaya ayaw ko sa babaeng ‘yon eh parang linta na laging nakadikit sa ‘yo.”Nagkatinginan sina Alex at Sabrina na may kasamang pagtaas ng kanilang mga kilay ng marinig ang mga sinabi ng babaeng sa hinuha nila ay ina ni Adrian. “Ma?!”“What? Ipagtatanggol mo na naman ang babaeng ‘yan?”“Can we talk about it in private?
Samantala, pauwi na sina Adrian at ang ina nitong si Amor, inis na inis si Amor habang ang anak ay nagmamaneho dahil panay ang tunog ng mobile phone ng binata. “Ano ba Adrian, hindi ba mabubuhay ang babaeng ‘yan kung wala ka?” Singhal ng ina kay Adrian.“Ma–“Huwag mong matanggol-tanggol sa akin ang babaeng ‘yon dahil marinig ko lang sa bibig mo ang pangalan niya, nasisira na kaagad ang araw ko,” patuloy na pagtalak ni Amor. “Mas mabuti pa si Seth sa pagpili ng babae pero ikaw, ano ba ang nakita mo sa babaeng ‘yon ha?” “Stop comparing me with Seth, Mom. We have different standards.”“Standards? How cheap!”Muling tumunog ang phone ni Adrian kaya napika lalo si Amor at nagdesisyong pababain ang anak sa sasakyan.“Stop the car, Adrian. I will drive. Take a cab back home at bahala ka kung saan ka pupunta but don’t dare take that woman in front of me, brat” pagtutungayaw pa ni Amor sa anak.Itinabi ni Adrian ang sasakyan at bumaba para iwanan ang ina ayon sa kagustuhan nito. Gabi na kay
“Kung intensyon mong galitin ang girlfriend mo, please huwag mo akong idamay,” pakiusap ni Sabrina kay Adrian. “Wala akong intensyon na ganyan,Sabrina. Gusto lang kitang makasama, masama ba?” ganting wika ni Adrian. “Pinababa ako ni Mama sa sasakyan, mainit ang ulo kaya nagbakasakali akong nandito ka at hindi naman ako nabigo.” “I’m sorry pero hindi kita maihahatid sa inyo. I’m out of way na kung ihahatid pa kita. Mag-taxi ka na lang,” saad muli ni Sabrina. Pero mukhang desidido si Adrian na sumunod sa kanya. Ipinagpilitan nitong sumama sa kanya. Napahilamos na lamang si Sabrina sa mukha dahil sa kakulitan ng binata. KIlala niya ito noon pa kaya lagi siyang umiiyak noong mga bata pa sila dahil sa kakulitan nito. “You can drive all you want, but I’ll stay with you.” Pagpupumlit nito. “Fine! You have to look for a hotel when we arrive there,” saad ni Sabrina pagkatapos kunin ang mga kailangan at nauna ng lumabas. Agad nitong tinawagan ang mga magulang nang maisaayos ang mga gamit s
Gigil na binato ni Sabrina ang hawak na sabon kay Adrian para paalisin ito pero mabilis itong sinalo ng binata at walang pag-alinlangang humakbang papalapit kay Sabrina. Natarantang nagbankaw si Sabrina at akmang kunun ang tuwalya pero mabilis siyang pinigilan ni Adrian hawak ang kanyang kamay. “Ayaw mo ba akong makasamang maligo?” anas ni Adrian na halos pulgada na lamang ang layo ng mukha sa dalaga. Hinahagod ng mga tingin nito ang kahubdan ng dalaga. Ramdam naman ni Sabrina ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Hindi pa man magkadikit ang kanilang katawan ay nagsisilakbo na ang init ng pagnanasa ng binata sa kanya. Ang mga tingin nito na pakiramdam ni Sabrina ay nakakapaso kaya iniiwas niya ang mukha palayo sa binata. Hindi niya kakayanin ang bawat titig nitong nagpapalambot sa natitira pa niyang katinuan para pigilan ang sariling bumigay sa binata. “I haven’t tried doing it in the bathroom, maybe this is the right time, Sabrina. What do you think?” wika ni Adrian at hini
Pakiramdam ni Sabrina ay namula ang kanyang mukha dahil sa sinabi ni Adrian. Napahigpit ang kanyang hawak sa suot na roba na akala moý huhubaran siya ni Adrian sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” usisa ni Adrian.“Tungkol sa atin. Tigilan na natin ‘to. Wala tayong relasyon. Isa pa may girlfriend ka na at ayaw kung makasira ng relasyon ng iba. Maaring mali ang lumapit ako sa ‘yo pero iba na ngayon,” tugon ni Sabrina. Saglit na tinitigan lamang siya ni Adrian at parang tinatantiya kung tama ba ang narinig mula sa kanya. “Isipin na lang natin na walang nangyari.”Marahas na itinaas ni Adrian ang isang kamay at pasabunot nitong hinaplos ang sariling buhok at parang kidlat sa bilis na lumapit sa pader at sinuntok iyon. Napaigtad si Sabrina dahil sa pagkabigla at parang nanigas nang lingunin siya ng binata. Parang sibat sa talim ang pagkaktitig nito sa kanya at kitang-kita niya mula sa nakabukas niyang polo ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, senyales
“Kung saan ka masaya, anak. Susuportahan ka namin. Hindi ka naman namin minamadali dahil ang pag-aasawa ay isang panghabangbuhay na commitment kaya enjoy mo muna ang pagiging dalaga,” mahabang wika ni Aling Milagros kay Sabrina. “Huwag kang mag-alala ‘Nay, makakahanap din ako ng tamang tao para sa akin. Isa pa bata pa po ako,” tugon ni Sabrina na niyakap pa ang ina mula sa likuran. Alam miyang mahal na mahal siya ng mga magulang at kahit kailan wala ring naibigay na alalahanin sa kanya ang mga magulang maliban sa pagkakasakit ng kanyang ama. Nauunawaan naman niya dahil sa uri ng lifestyle noon. . .noong may negosyo pa sila saka nagkakaedad na ang mga magulang kaya nagsilitawan na ang mga karamdaman sa katawan. Kaya mahal niya rin ang mga ito dahil naging responsableng mga magulang ito sa kanya. “Nay, hindi ako magtatagal at ako’y papasok pa ng trabaho,” pagpapaalam ni Sabrina habang tinutulungan ang ina na makatapos sa inihahanda. “Kumain ka muna, anak. Ipinaghanda ko kayo ng
Mabilis na dinaluhan ni Adrian si Anne nang dumugo ang kamay nito na tinamaan ng hiringgilyang hawak na para sana sa daga na subject niya sa kanyang eksperimento. Si Sabrina naman ay parang itinulos sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla sa nangyari. Ang ibang estudyante ay napatigil rin sa ginagawa pero tahimik lamang na nagmamasid. “Bakit nagulat ang daga?” usisa ni Adrian. “Nagulat kasi dahil sa flash ng camera,” tugon ni Anne. Nanlaki ang mata ni Sabrina dahil hindi totoong may flash ang camera na ginagamit niya. Siniguro niyang naka-OFF ito nang sinabihan siya ng pamunuan ng laboratoryo ng mga pamantayan sa loob nito. Kaya nga dahil bawal ang de-takong na sapatos sa loob ay pinili niyang magsuot ng binigay nilang slip-on rubber footwear dahil ayaw niyang magkaproblema sa trabaho.“Sino ba kasi ang nagpapasok ng outsider dito?” reklamo pa ni Anne. Sinamantala nito ang pananahimik ni Sabrina. Walang may naglakas-loob na sumagot dahil lahat sila walang alam kung bakit nandoon si Sab
Natanaw ni Sabrina si Adrian sa isang mesa kaharap ang babaeng lagi niyang kasama kaya alam niya kung bakit iba ang reaksyon ni Alex. Kung hindi dahil sa kanya baka matagal ng pinatulan ito ni Alex kaya lang pinipigilan niya ito dahil para sa kanya kasalanan naman niya kung bakit hindi siya nirerespeto ni Adrian.Agad na nakanap ng bakanteng mesa ang dalawa pa gkatapos ng ilang saglit na paghahanap. Hindi kalakihan ang ospital kaya katamtaman lang din ang laki ng kanilang canteen.“Dito ka lang, Sab. ako na ang oorder para sa ating dalawa,” sabi ni Alex nang maupo na si Sabrina sa isang upuan. Agad din itong umalis para umorder dahil humahaba ang pila. Nagkataong pananghalian na kaya marami ang tao doon. Mga taong may iba’t ibang transaksyon sa ospital.Habang naghihintay kay Alex, hindi maiwasan ni Sabrina na sulyapan ang bahagi kung saan nakaupo sina Adrian at ang babaeng nagngangalang Anne. Nakayuko ang binata; abala sa pagbabalat at paghimay ng hipon para sa kasama nitong babae.
Hindi naman grabe ang pasong natamo ni Adrian, sa dibdib lamang nito ang medyo malaki ang napinsala at nagkaroon agad ng mga paltos.“Bakit kasi iniharang mo ang katawan mo kanina, ayan sa iyo tuloy naibuhos ni Veronica ang mainit na tubig sa halip na sa akin,” wika ni Sabrina nang nasa ospital na sila at hinihintay ang doktor na maglalapat ng gamot kay Adrian. Pinatanggal na rin ng nurse ang pang-itaas nito para hindi dumikit sa mga paltos at magiging dahilan ng pagputok ng mga iyon.Sumandal muna si Adrian para maunat ang balat sa kanyang dibdib pababa konti sa kanyang tiyan at maiwasan ang pagputok ng mga paltos bago nito sinagot si Sabrina.“May nakalimutan akong sabihin sa ‘yo kanina kaya ako bumalik. Isa pa nakita ko na kanina pa na may nakakubli sa kurtina pero binalewala ko lang,” sabi nito sa dalaga.“Ano pala ang sasabihin mo sana?” tumayo si Sabrina para lagyan ng isa pang unan ang sinasandalan ni Adrian. “Nakalimutan ko na.”Hindi na muling nakapagtanong pa si Sabrina dah
“Buntis ka ba?” Inulit ni Adrian ang pagtatanong dahil akaal niya hindi siya narinig ni Sabrina pero sadyang nagulat lamang siya ng mabungaran ang binata at sa klase ng tanong nito.Ipinilig ni Sabrina nang bahagya ang ulo bago nagpakawala ng isang malapad na ngiti. “Bakit? Excited ka bang magiging daddy?” balik tanong niya sa binata.“Sabrina, I’m serious!” mahina ngunit may diing sabi ni Adrian. Iniiwasan niyang may makarinig sa usapan nilang dalawa.Sa halip na sagutin ay nagpatiunang naglakad si Sabrina kaya sinundan ito ni Adrian. Nais lamang niyang asarin si Adrian at naasar naman ang huli kaya hinawakan nito sa braso ang dalaga at isinandal sa pader. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan sila ng mga dumadaan ang importante malaman niya ang dahilan kung bakit bumisita si Sabrina sa ob-gynecologist nito.“Kapag nabuntis ba ako, pananagutan mo? Ikaw lang naman ang ama kung mabubuntis ako kasi ikaw lang naman ang lalaking naging kasiping ko wala ng iba.” diretso ang tinging tan
Umalis na si Veronica, ang ina ni Seth pagkatapos itong ipagtabuyan ni Adrian. Naiwan sa opisina ng binata sina Anne at Sabrina. Nasa gilid naman ang huli para gamutin ang kamay na napaso ng pagkaing dala sana para kay Adrian. Balewala sa kanya ang nangyari sa kamay at braso, ang ikinaiinis niya ay parang wala man lang pag-aalala mula kay Adrian at mas dinaluhan pa nito si Anne at inaalo pagkatapos sabihin dito na may relasyon sila ni Adrian. “Ito ang petroleum jelly, ipahid mo diyan para hindi magkaroon ng blisters or konti lang,” wika ni Adrian habang inaabot ang pansamantalang gamot kay Sabrina.“Salamat.”“Kuya, we’re going for lunch later, right?” tanong ni Anne na ayaw patalo sa atensyon ni Adrian.Napaismid naman si Sabrina na bahagyang sinulyapan ang dalawa. Nakakapit si Anne sa braso ni Adrian na akala moý takot maiwan.“Oo naman. Where do you want to eat?” tugon at balik-tanong ni adrian na tila nakalimutang nakapangako na ito kay Sabrina na sabay silang kumain sa labas.“A
Natapos ang bakasyon at muli na namang nagbukas ang St. Martin Institute para sa susunod na pasukan. Maaga palang ay nasa opisina na si Adrian para asikasuhin ang lahat ng kakailanganin para sa susunod na semestre ng kanilang departamento. Kagaya rin ng iba na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang opisina. Si Sabrina naman ay pumunta rin ng institusyon para sa commitment niya rito kaakibat ng obligasyon niya noong anibersaryo nila. Napagkasunduan rin nila ni Alex na magkita sa opisina ng huli dahil may katagalan din na hindi sila nagkita. “So may plano ka na kung saan tayo kakain mamaya?” tanong ni Alex kay Sabrina pagkaupong-pagkaupo nito sa silyang katapat ng kanyang mesa. “Excited? Ang aga pa no. almusal muna ang pag-usapan natin,” masayang tugon ng dalaga. “Speaking of almusal, ano iyang bitbit mo? Para sa akin ba ‘yan?” “Bakit kakain ka ba ng luto ko?” nangingiti niyang tanong din kay Alex. alam ni Sabrina na wala itong tiwala sa kanya kapag pagluluto ang usapan
“Saan ba dito ang pinakamalapit na police station?” “Bakit anong gagawin mo don?” napabangon si Adrian dahil sa naging interesado siya sa tanong ni Sabrina. May duda na siya kung bakit nagtatanong ito ng police station pero kailangan niyang makasiguro. “Kakasuhan mo si Seth?” “Oo. Bakit? Ayaw mo?” balik tanong ni Sabrina sa kanya. “Hindi mo siyang pwedeng i-demanda, Sabrina,” wika ni Adrian na gustong pigilan ang dalaga sa pinaplano nito. “At bakit naman hindi? Dahil ba mayaman siya? Makapangyarihan sila dahil may perang kagaya mo?” Natameme bigla si Adrian dahil sa mga sinabi ni Sabrina pero at some point, tama naman ang dalaga. Sa panahon ngayon, pera na ang batas. Naging bulag ang batas dahil sa pera. “Pero wala pa rin akong pakialam. Whether kakasuhan niya ako o hindi, ako ang magdedemanda sa kanya,” hirit pa ni Sabrina. Hindi itinuro ni Adrian ang direksyon papunta sa pinakamalapit na police sttaion kaya kusa niya itong hinanap gamit ang kanyang mobile phone. “Got it!”” wi
Hindi nagustuhan ni Adrian ang mga sinabi ni Sabrina kaya tumigil ito sa ginagawa sa likuran ng dalaga. Lumipat ito ng pwesto kung saan nakaharap si Sabrina at hinarap niya nag dalaga. Tinitigan niya ito diretso sa mga mata para siguraduhin kung seryoso ito sa mga sinasabi nito. “You don't believe me? Wala ng free sa panahon ngayon Adrian, even sex. You have to pay,”dagdag pa ng dalaga. “Fuckbuddies are called when a man and a woman willingly agree to have sex. I am not willing now.” Ilang minuto munang tinitigan siya ni Adrian bago ito nagsalita. “Are you sure that you don’t want me to be your fuck buddy anymore?” mapaglarong ngiti ang nakapagkit sa kanyang mga labi. “Ÿes!” mabilis pa sa alas-kwatrong tugon ni Sabrina. Wala pa ring katinag-tinag ito sa pagkakatagilid kaharap si Adrian. “Be my girlfriend then.” Napakurap-kurap ang mga mata ni Sabrina dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata. Si Adrian naman ay tila gustong bawiin ang sinabi. Bumalatay sa mukha
Sabrina hated herself. Pakiramdam niya napakawala niyang kwentang babae. Nainsulto siya sa mga pinagsasabi ni Adrian sa kanya pero may punto naman ito dahil siya itong babae at siya rin itong unang lumapit kay Adrian. Ngayon naisip niya ang magiging reaksyon ng mga magulang oras na malaman ng mga ito ang ginawa niyang pang-aakit kay Adrian. Baka isumpa siya ng mga ito sa kahihiyang kanyang ginagawa. Sa ginawa ni Adrian na ipagsabi sa ibang tao ang tungkol sa kanila, hindi malayong makakarating ito sa kanyang mga magulang. “Sa palagay mo Adrian, anong gagawin ko sa sitwasyon ng pamilya ko?” ibinaling niya ang tingin muli sa binata na nakatayo, ilang hakbang mula sa kanya. “So kasalanan ko kung may pinagdadaanan ang pamilya mo? Alam mo Sabrina, para kang p****k na basta na lang isuko ang pagkababae sa isang lalaki na hindi mo naman ka-relasyon.” May diin ang bawat katagang winika ni Adrian na parang tumarak sa dibdib ni SAbrina. Nasaktan siya pero tama naman si Adrian. “Aarte-arte kan
Nagising na lamang si Sabrina sa hindi pamilyar na silid. Babangon na sana siya nang maalala ang ginawa ni Seth sa kanya. Nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ni Sabrina kasabay ng kanyang mahihinang paghikbi.nakayuko at nakalugay ang kanyang buhok sa harapan habang ibinubuhos ang mabigat na emosyong kinimkim simula pa ng nakaraang gabi nang ipinagkanulo siya ni Adrian sa kahihiyan. Ilang saglit pa ay bigla siyang napatigil nang isang kamay na may hawak na panyo ang hinawi ang kanyang buhok at iniabot sa kanya ang hawak na maliit na tela. “Punasan mo ang mga luha mo at ayusin ang sarili mo,” wika nito sa kanya. Nang makilala ang boses ay mabilis na hinawi ni Sabrina ang kamay nito at mabilis na pumanaog ng kama. “Bakit nandito ka? Anong kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ako, Adrian?” agad niya itong hinarap at tinanong. Prenteng nakaupo si Adrian sa silyang malapit lang sa kama at may binabasang libro. “Pamamahay ko ‘to.” kaswal na tugon nito sa dalaga. “Baki
“Sabrina? Anong ibig sabihin nito?” hinawakan ni Seth sa magkabilang balikat si Sabrina at niyuyogyog para bumalik ang huwesyo nito. Nakatulala ang dalaga nakahalukipkip sa gilid, sa loob ng booth. “I’m sorry, Seth. Akala ko kasi si Anne siya. Hindi naman kasi siya tumanggi at nagpakilala noong inangkin ko ang mga labi niya,” pahayag ni Adrian na parang kasalanan pa ni Sabrina ang nangyari. Naikuyom ni Seth ang mga kamay at mabilis na napalingon kay Sabrina. “ Totoo ba, Sabrina?” Hindi sumagot si Sabrina. Dahan-dahan siyang gumalaw habang hawak sa dibdib ang napunit na damit at lumakad palabas. Puno ng galit ang kanyang dibdib. Dinig na dinig niya ang mga sinabi ni Adrian pero hindi na niya ito itinanggi pa dahil wala namang maniniwala sa kanya dahil sa hitsura niya. “Disgusting!” “Ang landi!” “May jowa na nakipaglampungan pa sa iba.” “At sa kaibigan pa ng jowa niya.” “Pwe!” Iilan lamang sa mga narinig na pangungutya ni Sabrina mula sa mga bisitang nadadaanan niya papunta ng