Rhian's Point of View"Wake Up, mommy. It's Sunday, shouldn't we go to church?" Pilit akong ginigising ni Zane."Mhmm.." Nagmulat ako ng mga mata at ang maamong mukha ni Zane ang bumungad sa akin. "Good morning, my baby boy."Sumimangot naman ang mukha niya nang tinawag ko itong baby boy. Napangiti na lamang ako sa aking anak. Hindi maikakailang nagmana ito sa kanyang ama."I'm not a baby anymore." Saad ni Zane habang nakahalukipkip. "Bumangon ka na, mommy. Nakahanda na ang pagkain.""Yes, boss." Nakangiti kong saad. "Susunod na ako, maliligo lang si mommy.""Okay, mommy. But make it faster. Lalamig na ang pagkain." Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na ito sa aking kwarto.Kinuha ko ang aking cellphone. Kailangan kong matawagan si Logan. Ito na ang araw na magkikita silang mag-ama ngunit hindi ko pa nababanggit iyon sa aking anak.Habang sinusubukan kong tawagan ang numero nito ay hindi ko maiwasan na kabahan. "Logan?" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko."Rhian? Mhm.. na miss k
Third Person's Point of View"Kumusta ang mag-ina ko, Asher?" Tanong ni Logan sa kanyang kausap sa kabilang linya. Ngayong araw dapat sila magkikita ngunit nagkaroon siya ng malaking problema. Sakay siya ngayon ng kanyang private jet kung saan pabalik na siya ng Pilipinas."Ayos naman sila, boss. Halatang dismayado ang iyong mag-ina. Matagal ho silang naghintay sa inyo." Ani Asher sa kanyang amo. Ilang oras niyang sinundan ang mag-ina hanggang makarating ito ng safe sa kanilang tinitirhan. "Narinig ko ho na ayaw na kayo makita ng inyong anak."Napatiim-baga naman si Logan sa sinabi ni Asher. Hindi niya masisisi ang kanyang mag-ina kung galit ito sa kanya ngayon. Ngunit may mga bagay pa siyang dapat ayusin. Hindi pwedeng malaman ng kanyang mga kalaban na may anak na siya dahil tiyak na idadamay ito. Hindi pa niya kilala kung sino ang gustong sumira sa kanya kaya kahit gustuhin man niyang isama pabalik ng Pilipinas ang kanyang mag-ina ay hindi pa maaari."Bantayan mo silang mabuti. Sun
Rhian's Point of ViewTila hindi ako makatulog ng gabing iyon. Parang may kakaibang pakiramdam ako na hindi ko maintindihan. Bigla na lamang pumasok sa aking isip si Logan. Hindi ko mapigilan ang mag-alala para dito. Tumayo muna ako at iniwan ko si Zane na mahimbing na natutulog. Kumuha lamang ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay bigla akong nauuhaw. Maya-maya pa'y narinig ko ang aking anak na umiiyak. Mabilis akong bumalik sa kanyang kwarto."Daddyy... Huwag mo kaming iwan, daddy!" Umiiyak na saad ni Zane habang itoy tulog. Nanaginip ang kanyang anak. Napapanaginipan nito ang kanyang daddy. Marahan kong ginising ang aking anak. "Are you okay, anak?" Nag-aalala kong tanong dito. "Mommy.." humihikbi itong yumakap sa akin. "Napanaginipan ko si daddy, may masamang nangyari sa kanya. Iiwan na niya tayo mommy!" Niyakap ko nang mahigpit ang aking anak. "Shssh.. Panaginip lamang iyon, anak. Hmm? Huwag kang mag-alala, siguradong ligtas ang daddy mo kung nasaan man siya ngayon.""Mommy, i
"Are you ready, Zane?" Tanong ko sa aking anak. Nakahanda na lahat ng aming mga gamit. Ngayon ang araw nang pag-uwi namin sa Pilipinas. "Yes, mommy." Tugon naman ni Zane. Hindi na ito makapahintay na makauwi ng Pilipinas. "Makikita ba natin sa Pilipinas si daddy?"Tumango lamang ako sa aking anak. Kahit uuwi na kami ng Pilipinas ay hindi pa rin ako sigurado kung makikita namin doon si Logan. Subalit ayaw kong mawalan ng pag-asa."Of course, honey. Siguradong matutuwa ang daddy mo na makita ka." Nakangiti kong saad dito.Hindi na mawala ang saya sa mukha ng aking anak, hindi ko maiwasan na kabahan. Paano kung mabigo kaming mahanap ang kanyang ama?"Let's go, mommy. I can't wait to see my daddy." Yaya sa akin ni Zane.Habang nasa eroplano kami ay tahimik lamang ang aking anak. First time niyang makasakay ng eroplano, mabuti na lamang at hindi ito nanibago sa pagbyahe.Naghihintay na sa amin sa airport si Blake. Dahil nasa Pilipinas na ito ay siya na lamang ang magsusundo sa amin.Bala
Rhian's POV"Iha, ito nga pala si Rose. Siya ang magbabantay sa anak mo." Nakangiting saad ni Aling Mila. "Magandang umaga po, ma'am." Masayang bati naman ni Rose.Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ko sa dalaga. Pasimple ko itong pinagmasdan. Simple lamang itong manamit at walang kaayos-ayos ang mukha ngunit lumilitaw pa din ang natural na ganda ng dalaga."Salamat at pumayag ka, Rose. Huwag kang mag-alala, mabait ang aking anak.""Ako ho dapat ang magpasalamat, ma'am, dahil malaking tulong po sa amin ang trabahong ito. Huwag din kayong mag-alala at aalagaan ko hong mabuti ang anak ninyo." Masayang pahayag naman ni Rose. Masaya namin pinagmasdan si Zane na masayang nakikipaglaro kay 'tay Abi. Agad naman nagkasundo si Zane at 'tay Abi. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni 'tay Abi nang malaman niyang may apo na siya.Maya-maya pa'y lumapit na sila sa amin. "Sabi ni lolo, ipapasiyal niya ako bukas sa bukid at mamimingwit kami ng isda sa dagat." Masayang saad ni Zane."Sig
Rhian's Point of View"Sino siya bro? Sh*t! bakit kamukha siya ni Logan!" Hindi mapigilan na sambit ni Elijah. "Kanino siyang anak?"Samantalang si Rhiegn naman ay nakatulala lamang habang pinagmamasdan ang aking anak."Anak siya ni Rhian." Seryosong saad ni Cedrick sa kanyang mga pinsan. Napako naman sa akin ang kanilang mga tingin. Bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit kamukha ito ni Logan."Ate, ang gwapo talaga ng mga Montereal. Sino ba ang ama diyan ni Zane?" Bulong sa akin ni Rose."Tumahimik ka nga diyan, baka marinig ka nila." Saway ko naman dito. "Kunin mo muna si Zane. Kakausapin ko lang sila.""Naku! kahit sino diyan ang ama wala naman tapon at kabigin sa kanila." Kinikilig na sambit ni Rose. Sinamaan ko naman ito nang tingin. Nakangusong kinuha nito ang aking anak. "Zane, halika ka, mag laro muna tayo."Agad naman sumama ang aking anak kay Rose. Pagkaalis ng mga ito, saka ko naman binalingan ang magpipinsan."Hoy! Para kayon
Third Person's Point of ViewMula sa pinagtataguan ni Logan ay kitang kita niya ang kanyang mag-ina. Walang kamalay-malay ang mga ito na pinagmamasdan lamang sila ng lalaki mula sa malayo.Nakaramdam si Logan ng inggit sa kanyang mga pinsan dahil mas mauna pa nilang nayakap ang kanyang anak. Matamang pinagmamasdan niya ang kanyang anak. Hindi makakailang siya ang ama ng bata dahil kamukhang-kamukha niya ito. Nang paalis na ang kanyang mag-ina ay nakaramdam si Logan ng lungkot at pananabik na muli silang nakita.Bigla naman siyang kinabahan nang lumingon sa kanyang gawi ang dalaga bago tuluyan itong sumakay sa kanyang sasakyan.'Nakita kaya niya ako?' Tanong ni Logan sa kanyang isip. Ngunit saglit lamang napasulyap sa kanya si Rhian at hindi siya sigurado kung nakita ba siya nito.Nang makaalis na ang sasakyan ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. "Bro! Wala na sila, pwede ka nang lumabas diyan." Saad ni Rheign kay Logan. Dahan-dahan naman na lumabas si Logan gamit ang kan
Rhian's Point of ViewNarito ako ngayon sa harapan ng resthouse ni Logan kung saan niya ako dinala noon.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa. Umaasa akong naririto ang lalaki. Malaki ang hinala kong tinatago lamang siya ng kanyang mga pinsan.Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, napansin kong maraming mga taong nakabantay doon. Mas lalo akong nagduda na naririto lamang ang lalaki.Maya-maya pa'y lumapit na sa akin ang guard. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako naroroon.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako tuluyang bumaba ng aking sasakyan."Miss, anong ginagawa mo rito? Bawal hong tumambay diyan.""Hindi ho ako magtatagal, manong. Nagpunta ho lamang ako dito dahil gusto ko sanang malaman kung nandiyan si.. L-Logan Montereal."Sinuri naman akong mabuti ng guwardiya pagkatapos ay umiling-iling ito sa akin."Pasensiya na ho, wala dito ang hinahanap mo. Makakaalis ka na, miss.""Si manang Dulce na lamang ho, manong. Pakisabi gusto