Home / Romance / My Favorite Mistake / Chapter 43 - Ang Pagbabalik sa Pilipinas

Share

Chapter 43 - Ang Pagbabalik sa Pilipinas

Author: Maryahuwana
last update Huling Na-update: 2023-10-14 11:06:01

"Are you ready, Zane?" Tanong ko sa aking anak.

Nakahanda na lahat ng aming mga gamit. Ngayon ang araw nang pag-uwi namin sa Pilipinas.

"Yes, mommy." Tugon naman ni Zane. Hindi na ito makapahintay na makauwi ng Pilipinas. "Makikita ba natin sa Pilipinas si daddy?"

Tumango lamang ako sa aking anak. Kahit uuwi na kami ng Pilipinas ay hindi pa rin ako sigurado kung makikita namin doon si Logan. Subalit ayaw kong mawalan ng pag-asa.

"Of course, honey. Siguradong matutuwa ang daddy mo na makita ka." Nakangiti kong saad dito.

Hindi na mawala ang saya sa mukha ng aking anak, hindi ko maiwasan na kabahan. Paano kung mabigo kaming mahanap ang kanyang ama?

"Let's go, mommy. I can't wait to see my daddy." Yaya sa akin ni Zane.

Habang nasa eroplano kami ay tahimik lamang ang aking anak. First time niyang makasakay ng eroplano, mabuti na lamang at hindi ito nanibago sa pagbyahe.

Naghihintay na sa amin sa airport si Blake. Dahil nasa Pilipinas na ito ay siya na lamang ang magsusundo sa amin.

Bala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ma Frances Perolino
update po pls?
goodnovel comment avatar
Sally Acosta Dial
update please..
goodnovel comment avatar
Mary Mia Bucana Barua
Tagal nman nang karugtong
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Favorite Mistake   Chapter 44 - Pinagbiyak na Bunga

    Rhian's POV"Iha, ito nga pala si Rose. Siya ang magbabantay sa anak mo." Nakangiting saad ni Aling Mila. "Magandang umaga po, ma'am." Masayang bati naman ni Rose.Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ko sa dalaga. Pasimple ko itong pinagmasdan. Simple lamang itong manamit at walang kaayos-ayos ang mukha ngunit lumilitaw pa din ang natural na ganda ng dalaga."Salamat at pumayag ka, Rose. Huwag kang mag-alala, mabait ang aking anak.""Ako ho dapat ang magpasalamat, ma'am, dahil malaking tulong po sa amin ang trabahong ito. Huwag din kayong mag-alala at aalagaan ko hong mabuti ang anak ninyo." Masayang pahayag naman ni Rose. Masaya namin pinagmasdan si Zane na masayang nakikipaglaro kay 'tay Abi. Agad naman nagkasundo si Zane at 'tay Abi. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni 'tay Abi nang malaman niyang may apo na siya.Maya-maya pa'y lumapit na sila sa amin. "Sabi ni lolo, ipapasiyal niya ako bukas sa bukid at mamimingwit kami ng isda sa dagat." Masayang saad ni Zane."Sig

    Huling Na-update : 2023-10-16
  • My Favorite Mistake   Chapter 45 - Ang paghahanap kay Logan

    Rhian's Point of View"Sino siya bro? Sh*t! bakit kamukha siya ni Logan!" Hindi mapigilan na sambit ni Elijah. "Kanino siyang anak?"Samantalang si Rhiegn naman ay nakatulala lamang habang pinagmamasdan ang aking anak."Anak siya ni Rhian." Seryosong saad ni Cedrick sa kanyang mga pinsan. Napako naman sa akin ang kanilang mga tingin. Bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit kamukha ito ni Logan."Ate, ang gwapo talaga ng mga Montereal. Sino ba ang ama diyan ni Zane?" Bulong sa akin ni Rose."Tumahimik ka nga diyan, baka marinig ka nila." Saway ko naman dito. "Kunin mo muna si Zane. Kakausapin ko lang sila.""Naku! kahit sino diyan ang ama wala naman tapon at kabigin sa kanila." Kinikilig na sambit ni Rose. Sinamaan ko naman ito nang tingin. Nakangusong kinuha nito ang aking anak. "Zane, halika ka, mag laro muna tayo."Agad naman sumama ang aking anak kay Rose. Pagkaalis ng mga ito, saka ko naman binalingan ang magpipinsan."Hoy! Para kayon

    Huling Na-update : 2023-10-17
  • My Favorite Mistake   Chapter 46 - Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon

    Third Person's Point of ViewMula sa pinagtataguan ni Logan ay kitang kita niya ang kanyang mag-ina. Walang kamalay-malay ang mga ito na pinagmamasdan lamang sila ng lalaki mula sa malayo.Nakaramdam si Logan ng inggit sa kanyang mga pinsan dahil mas mauna pa nilang nayakap ang kanyang anak. Matamang pinagmamasdan niya ang kanyang anak. Hindi makakailang siya ang ama ng bata dahil kamukhang-kamukha niya ito. Nang paalis na ang kanyang mag-ina ay nakaramdam si Logan ng lungkot at pananabik na muli silang nakita.Bigla naman siyang kinabahan nang lumingon sa kanyang gawi ang dalaga bago tuluyan itong sumakay sa kanyang sasakyan.'Nakita kaya niya ako?' Tanong ni Logan sa kanyang isip. Ngunit saglit lamang napasulyap sa kanya si Rhian at hindi siya sigurado kung nakita ba siya nito.Nang makaalis na ang sasakyan ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. "Bro! Wala na sila, pwede ka nang lumabas diyan." Saad ni Rheign kay Logan. Dahan-dahan naman na lumabas si Logan gamit ang kan

    Huling Na-update : 2023-10-18
  • My Favorite Mistake   Chapter 47 - Anong ginagawa niya dito?

    Rhian's Point of ViewNarito ako ngayon sa harapan ng resthouse ni Logan kung saan niya ako dinala noon.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa. Umaasa akong naririto ang lalaki. Malaki ang hinala kong tinatago lamang siya ng kanyang mga pinsan.Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, napansin kong maraming mga taong nakabantay doon. Mas lalo akong nagduda na naririto lamang ang lalaki.Maya-maya pa'y lumapit na sa akin ang guard. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako naroroon.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako tuluyang bumaba ng aking sasakyan."Miss, anong ginagawa mo rito? Bawal hong tumambay diyan.""Hindi ho ako magtatagal, manong. Nagpunta ho lamang ako dito dahil gusto ko sanang malaman kung nandiyan si.. L-Logan Montereal."Sinuri naman akong mabuti ng guwardiya pagkatapos ay umiling-iling ito sa akin."Pasensiya na ho, wala dito ang hinahanap mo. Makakaalis ka na, miss.""Si manang Dulce na lamang ho, manong. Pakisabi gusto

    Huling Na-update : 2023-10-20
  • My Favorite Mistake   Chapter 48 - Hindi ko kailangan nang tulong mo

    Rhian's Point of View"Manang, anong ginagawa niya dito? Paalisin mo iyan." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabing iyon ni Logan. Parang gusto ko na lamang matunaw dahil sa malamig na pagtrato sa akin ng binata.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at bahagyang tumingala upang hindi tuluyang bumagsak ang aking mga luha."Pero iho, gusto ka niyang maka-usap." Tugon ni Manang Dulce. Nag-alalang napalingon sa akin ang matanda nang hindi nagbago ang madilim na awra ng lalaki. Alam nitong nasaktan ako sa malamig na pakikitungo ng kanyang alaga."Wala akong panahon humarap sa bisita, manang. Maaari na kayong lumabas ng aking kwarto. Gusto ko hong magpahinga."Malungkot na tumango si manang Dulce sa lalaki. "Halika na, iha. Bumalik ka na lamang sa ibang araw."Tila napako naman ako sa aking kinatatayuan, nanatiling lamang akong nakatayo roon. "Ano pang ginagawa mo diyan, umalis ka na." Malamig ang boses na saad ni Logan.Parang may tumutusok na libo-libong karayom sa aking

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • My Favorite Mistake   Chapter 49 - Pagod na ako

    Rhian's Point of View"You may now kiss the bride." Saad ng pari matapos ang mahabang seremonya.Malapad akong napangiti nang maghalikan na ang bagong kasal, pagkatapos ay narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga taong naroroon."Congratulations sa inyong dalawa." Nakangiti kong saad nang lapitan ko ang bagong kasal. Masaya ako para kay Blake ngunit hindi ko maiwasan na malungkot dahil alam kong mawawalan na ito nang oras sa amin, lalo na sa aking anak. Subalit naiintindihan ko naman ang lalaki dahil wala naman siyang responsibilidad sa amin ng aking anak, nasanay lamang kaming nandiyan siya palagi sa aming tabi."Thank you, Rhian. Siguradong ikaw na ang susunod na ikakasal." Nakangiting tugon naman ni Atasha. "Huwag mong madaliin ang pag-aasawa, Rhian. Magpokus ka muna sa iyong anak." Sabat naman ni Blake. Hindi naman sa pinipigilan ng lalaki na mag-asawa siya, dahil alam nito ang mga naging paghihirap ng dalaga noong nagbubuntis pa lamang ito. "Siguraduhin mong mahal ka talaga

    Huling Na-update : 2023-10-23
  • My Favorite Mistake   Chapter 50 - Malulunod Na Siya

    Rhian's Point of ViewNakangiti kong pinagmamasdan si Zane habang masaya itong naglalaro sa buhanginan kasama ang tito Cedrick niya. Nandito kami ngayon sa Resort. Sina Cedrick at Alisha pa lamang ang naririto ngayon, ang ibang mga pinsan nito ay parating pa lamang.Tatlong buwan na ang nakaraan simula noong huli kaming magkita ni Logan. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko na siya muling pinuntahan pa. Hindi na rin muling nagtagpo ang aming landas ni Vera. Balita ko'y hinahanap pa rin nito si Logan.Hindi na rin hinahanap o nagtatanong si Zane tungkol sa kanyang daddy. Mabuti na lamang nandiyan ang kanyang mga tito upang kahit paano ay malibang ang bata.Sa tuwing pinag-uusapan nila Cedrick at Alisha si Logan ay kusa akong lumalayo sa kanila. Sa ngayon ayaw ko munang makarinig ng tungkol sa kanya.Lumapit sa akin ang aking anak, kasunod na rin nito si Cedrick."Mommy, look what I found." Masayang ipinakita sa akin ni Zane ang hawak-hawak nitong malaking starfish.Napangiti

    Huling Na-update : 2023-10-24
  • My Favorite Mistake   Chapter 51 - Sa Akin Ka Lang

    Rhian's Point of ViewNaramdaman kong may malakas na brasong humapit sa aking baywang at hinila ako pataas.Ang nag-aalalang mukha ng binata ang aking nasilayan ng sandaling maimulat ko ang aking mga mata.'Logan.' Sigaw ng aking utak. Hindi ko inaasahan na siya ang sasagip sa akin.May mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Kailangan ko pa bang mapahamak para lang lumapit at magpakita ito?Maraming tubig na ang nainom ko at sobrang nanghihina na ang aking katawan kaya tuluyan na akong nawalan nang malay.Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako nang marinig ko ang boses ng aking anak. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng aking lakas."Tito Drew, bakit hindi pa po nagigising si mommy?"'Tito Drew? Bakit nandito si Drew? Nasaan ako? Si Drew ba ang nagligtas sa akin?' Nalilito kong tanong sa aking isipan.Ngunit hindi ako maaring magkamali, si Logan ang huli kong nakita. Si Logan ang sumagip

    Huling Na-update : 2023-10-25

Pinakabagong kabanata

  • My Favorite Mistake   Chapter 78- Epilogue (Part Two)

    Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an

  • My Favorite Mistake   Chapter 77 - Epilogue (Part One)

    Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya

  • My Favorite Mistake   Chapter 76 - Finale (The Wedding)

    Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko

  • My Favorite Mistake   Chapter 75 - Pagpapatawad

    Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama

  • My Favorite Mistake   Chapter 74 - Sa Ospital

    Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba

  • My Favorite Mistake   Chapter 73 - Wakas ng kasamaan ni Vera

    Third Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha

  • My Favorite Mistake   Chapter 72 - Ang pagligtas sa mag-ina

    Rhian's Point of ViewPagkatapos kong makausap si Logan ay mabilis na inagaw sa akin ni Vera ang telepono."Kung gusto mo pang makita ang mag-ina mo, gagawin mo ang gusto ko." Nakangising usal ni Vera."Hindi mo na ako kailangan pang pilitin, Vera. Pakakasalan kita at ibibigay ko sa'yo lahat ng mga ari-arian ko. Pakawalan mo lamang ang mag-ina ko. Ako ang may kasalanan sa iyo, Vera." Paos na usal ni Logan sa kabilang linya.Parang dinudurog naman ang aking puso sa sinabing iyon ni Logan. Gusto kong tumutol sa pagpapakasal nito kay Vera ngunit wala akong magagawa dahil bihag ako ng babae."So, kailan mo ako pakakasalan, Logan? Baka mainip ako at pasabugin ko na lamang itong mag-ina mo." Naiinip na tanong ni Vera. Hindi na siya makapagpahintay na pakasalan siya ng lalaki."Bukas na bukas rin ay pakakasalan kita, Vera. Ngunit kailangan ko munang makasiguradong nasa maayos na kalagayan ang aking mag-ina." Ani Logan."Huwag kang mag-alala, babe. Magpapadala ako ng kanilang larawan. At paka

  • My Favorite Mistake   Chapter 71 - Ang paghaharap ni Rhian at Vera

    Rhian's Point of ViewIlang oras na kaming naghihintay ni Rose ngunit hindi pa rin dumarating si Zane. Hindi ko na maiwasan mag-alala para sa aking anak.Nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba iyon kay Logan ngunit ayaw kong mag-alala pa ito habang nasa byahe."Huwag kang mag-alala, ate. Hinahanap na ng matauhan ni sir, si Zane." Pagpapakalma naman ni Rose.Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili habang naghihintay sa update nila Brooks. Ilang saglit pa ang dumaan nang may natanggap akong mensahe sa hindi ko kilalang numero.Nanginginig kong binasa iyon, pagkatapos ay namumutla kong nabitawan ang aking cellphone. Muntik na rin akong matumba, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Rose."Anong nangyari sa iyo, ate? Bakit namumutla ho kayo?" Nag-aalalang tanong ni Rose.Marahan niya akong inalalayan na maka-upo. "Si Zane. May dumukot sa kanya, Rose." Nanginginig na saad ko habang nakatitig sa kawalan."Susmaryosep! S-sino naman ang dudukot sa kanya at anong dahilan niya?"

  • My Favorite Mistake   Chapter 70 - Masamang balak

    Third Person's Point of View"Whaat? Si Logan ang bagong may-ari ng ating mansyon?" Gulat na tanong ni Vera sa kanyang ina. "Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa pinagkaka-utangan ni daddy mapupunta iyon?""Kay Logan Montereal may malaking pagkaka-utang ang daddy mo, Vera. Inamin sa akin ni Alberto. Kaya nga nagawang pagtangkaan ng daddy mo ang buhay ni Logan dahil wala na siyang pambayad dito." Nanlulumong saad ni Divina. Maging ang kanilang kompanya ay pagmamay-ari na rin ng lalaki."Kailangan natin gumawa ng paraan para mabawi natin ang mansyon at kompanya kay Logan, anak. Hindi ko kayang maghirap tayo." Umiiyak na usal ni Divina. Nawala na ang lahat sa kanila."Ngunit paano, mommy? Ginawa ko nang lahat para bumalik sa akin si Logan ngunit hindi nagtagumpay. Iniiwasan na din niya ako. Isang paraan na lamang ang naiisip ko."Nag-aalala naman na tumingin si Divina sa kanyang anak. Tila may hindi magandang tumakbo sa utak nito. Pero kung ano man ang plano nito ay kailangan niya itong s

DMCA.com Protection Status