Share

My Ex-husband's Regrets
My Ex-husband's Regrets
Author: LoquaciousEnigma

KABANATA 1

NAKAYAKAP ang parehong braso ni Hyacinth paikot sa kanyang dibdib sa pintuan ng kusina habang pinapanood ang anak na si Sean na may dalang isang papel na kung saan mayroong iginuhit doon na isang pamilya na nagpipicnic. Tahimik niyang pinagmamasdan ang anak papalapit sa kanyang asawa na si Vash, na ama ni Sean, na mailahad ang iginuhit sa kanya.

Hinihintay niya ang magiging reaksyon ng asawa kung matutuwa ba ito o hindi. Sana naman ay tanggapin niya. Sana naman ay matuwa siya. Ikakalukso ng puso niya kapag nangyari 'yon. Hindi lamang siya, kundi ang anak niya rin.

"Daddy, I made this for you." Marahan na iniaabot ng bata ang papel sa harapan ni Vash. "I hope you like it po."

Umangat ito ng tingin sa papel at gumuhit ng isa ang mga kilay ni Vander dahilan upang mapatayo si Hyacinth ng tuwid.

"What the...Get out! I don't need that!" Hinawi ng ama nito ang papel na hawak at lumipad ito sa ilalim ng mesa.

Naalerto si Hyacinth at kumaripas ng takbo nang itulak ni Vash ang bata papalayo sa kanya. Ang limang taong gulang na si Sean ay napaatras. Kaagad naman niyang sinalo ang anak bago pa ito bumagsak sa sahig.

Mayroong bahid na inis ang histura ni Hyacinth bago niya harapin ang asawa. Nakalukot ang kanyang noo at hindi ito makapaniwala.

"Vash, what the hell are you doing? Bakit mo itinulak ang anak mo? He just wants to give you his drawing and wants to impress you!"

Pagharap ni Hyacinth sa anak ay naging malambot siya, nakaramdam ng awa, at parang hinipo ang puso nang makita niya na inaabot ng bata ang iginuhit para sa kanyang ama sa ilalim ng mesa.

He drew that beautiful and creative a family drawing with his coloring materials for his father, mayroon pa itong kaunting message upang mabasa ito ng ama na naglalaman na isang pagsusumao na sana ay matanggap na niya sila ng ina niya para mabuo na sila bilang isang pamilya.

"Shut up!" The feet of the chair made a rusty sound when he stood up.

He looked at her full of annoyance. Marahas siya nitong hinablot sa braso kaya't pwersahan siyang napatayo at napabitaw sa anak.

Hindi siya dumaing ngunit naipakita sa mukha niya na nasaktan siya sa paraan na pagkakahawak nito sa braso niya na para bang inilagay nito lahat ang buong lakas sa kanyang braso.

Hinila pa siya ni Vash papalapit habang hawak ang magkabilang braso nito. Ilang dangkal na lang ang pagitan ay maglalapat na ang mga labi nito.

"That kid will never be my son! Only my Gaeun Yul! Siya lang ang anak ko at hindi 'yang batang pagkakamali na 'yan!" Dinuro ni Vash si Sean na nakasalampak pa rin sa sahig habang mahinang humihikbi.

Pakiramdam ng bata ay nasayang ang kanyang effort dahil hindi man lang tinanggap ng ama ang kanyang munting obra. Sa limang taong gulang ay kaya na niyang gumuhit ng napakagandang larawan.

Hindi pumayag si Hyacinth sa kanyang narinig kaya't pinilit niya na makawala ang kanyang mga braso sa kamay ni Vash. Masakit at kapos hininga niya itong sinagot, "Hindi pagkakamali si Sean!" Parang napunit ang puso nito dahil nasaktan siya para sa kanyang anak. "Anak natin siya at parehas tayong nasarapan sa kama, Vash. We were in love with each other nang gawin natin siya! Kaya paano ko naman gogoyohin ang ulo mo na hindi mo siya anak? May dahilan ba kung ipagpipilitan ko siya sa 'yo kung hindi mo siya anak?"

Mabilis ang kamay niyang hinawi ang luha na nakakalat sa kanyang pisngi. Patuloy niyang ipagtatanggol ang anak dahil alam naman niya na anak ito ni Vash.

Paano naman siya mabubuntis sa iba kung ang asawa lang niya ang hinahayaan niyang humawak sa kanyang katawan? Walang ibang rason na magloko siya dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa at handa siyang magpaka-martir.

Takot ang namutawi sa katawan nito nang hablutin siya ni Vash sa panga. He looked at her full of disbelief and doubt. She glanced the pain through his eyes and she hates it, she hates seeing her husband hurting like that.

"Hindi ako ang ama niyan, Hyacinth." His lower lip trembled, moving his eye balls to wash off his emotion.

Nangingintab ang mata niya. Alam ni Hyacinth na naluluha si Vash.

"Ikaw ang ama. Ama ka ni Sean," pagdidiin pa ni Hyacinth.

"Ibang lalaki ang ama niya. I clearly remember how you end up with another man's bed. Ako ang nakauna sa 'yo pero may pumangalawa sa akin and that's the father of your child! Best friend mo pa, Hyacinth. And then you want me to trust you with that Caleb guy?" His eyes were flaming in anger as if he was ready to throw her away. "Huwag mo 'yang pinagpipilitan sa akin at baka pati ang anak mong 'yan ay mapagbuhatan ko ng kamay!" He exclaimed. "Matagal na akong nagtitiis sa kanya, and I can't just hurt him like I want to do kasi bata lang siya!"

Pabagsak siyang binitawan ni Vash at dahil nanlalambot ang kanyang tuhod ay pareho na sila ngayon ng kanyang anak na nakaupo sa sahig at parehong umiiyak sa nangyayari.

Sumisikip ang dibdib niya at nais na niyang pahingain ang sarili niya. Ganito siya sa tuwing umiiyak at nasasaktan pati ang kanyang paghinga ay naaapektuhan.

"Both of you, distance yourselves from me! Nothing will change in our situation. Do not hope that we will get back to how things were, Hyacinth, because you have destroyed everything. Tiwala ko at pagmamahal ko, sinunog mo lang ng madalian para lang sa lalaking alam mong pinagseselosan ko."

Hindi na muli siya nakasagot at pinanood niya ang palayong asawa mula sa kanila. Naiinis siya sa kanyang sarili at sa kanyang asawa. Naiinis siya sa sarili dahil nangyayari ito sa kanila at nadadamay pa ang kanyang anak nang dahil sa kanya at naiinis ito sa asawa dahil hindi man lang niya ito binibigyan ng pagkakataon para makapag-paliwanag kung ano ang totoong nangyari sa likod ng maling balita na 'yon.

Kaagad na gumapang si Hyacinth papalapit ang anak niya upang yakapin siya ng mahigpit. Humagulgol ito sa kanyang dibdib habang hawak ang regalo para sa kanyang ama. Masakit ang loob niya sa ginawang paghawi nito sa effort ng anak.

"Tahan na, anak ko," may malambot na boses niyang pag-aalo sa anak habang hinahaplos ang ulo nito.

"Are you okay, mommy?" Alalang tanong ni Sean sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha gamit ng kanyang maliit, mainit at malambot na kamay.

Nang dahil sa mga kamay ng anak ay medyo napawi ang bigat niya sa dibdib.

"Yes, anak. How about you? May masakit ba sa 'yo?" She examined her son, looking for a bruise or something that made him in pain. Dumako muli ang kanyang mata sa mukha ng anak nang umiling ito na para bang naiintindihan niya ang titig ng ina.

"I'm fine, mommy. I'm so sorry po. Kung hindi ko po nilapitan si Daddy hindi ka niya po sasaktan," tumatangis nitong paninisi sa sarili.

Umiling si Hyacinth ng ilang beses. Walang karapatan ang anak na sisihin ang sarili nito. Nais lamang nito ang mabuhay ng normal na mayroong parehong magulang, lalo na isang ama na malaya nitong tinatawag na 'daddy'.

"No, anak. Wala kang kasalanan. Wala ka namang ginawang mali at huwag mong pakinggan ang daddy mo, huh? Hindi ka pagkakamali. We love each other nang mabuo ka, so hindi ka pagkakamali, okay? Matatanggap ka rin ni Daddy."

Ipinatong ng anak ang kanyang pisngi sa dibdib. Mahal nila ang isa't isa n'ong ibinigay niya ang katawan sa asawa at ipinangako ni Vash sa kanya na kung mabubuntis siya ay magiging mabuti siyang ama. He will spoil his son with everything he wants. Ngunit ang pangakong iyon ay para lang isang bulang nawala dahil lamang sa maling impormasyon na kanyang nalaman.

Determinado ang hitsura ni Hyacinth habang nakatingin sa kawalan. Sinasabi nito sa sarili na hindi siya susuko kay Vash dahil siya lang ang bukod tanging minahal niya at kinabaliwan na lalaki. Anak ni Vash si Sean at walang kahit sinong lalaki ang gumalaw sa kanya. Iyon ang ipaglalaban niya hanggang dulo dahil karapatan ni Sean si Vash. Karapatan nitong maramdaman na mayroon siyang ama. Gagawin niya ang lahat upang hindi na maging hangin pa ang kanyang anak kay Vash.

At hindi rin siya titigil hangga't hindi niya napapatunayan na isa siyang inosente at malinis na babae.

Sa edad na labing-walo, ikinasal siya kay Vash upang matulungan siya nito na makuha ang mana. Limang taong kontrata ang nakasulat sa kanilang marriage contract at pagkatapos ng limang taon na 'yon ay pupwede na silang mag-annul at maging malaya na muli sa isa't isa.

Ngunit sa loob ng isang taon nilang magkasama sa iisang bahay bilang mag-asawa ay natutunan nilang pahalagahan at mahalin ang isa't isa. Ibinigay niya rito ang kanyang sarili na buong puso at ilang beses pa kaya't nabuo ang kanilang anak na si Sean.

Walang makakatumbas pa sa saya niya noon nang malaman niyang buntis na siya. Alam niya na isa iyon sa mga pangarap ni Vash kaya't galak siya noon na ipaalam sa asawa.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasira lahat ng kanilang pagsasamahan at pagmamahalan nang mayroong nag-set up sa kanya kasama ang nakababatang kaibigan na ito na si Caleb.

Mayroong nag-aya sa kanya na mag-inuman sa isang sikat na bar na paboritong pinupuntahan ni Vash kasama ang mga barkada nito. Kasama niya si Megan, ang kanyang sampong taong best friend, at si Caleb. Magkakasama na silang tatlo mula high school. Naroroon din si Vash n'ong mga oras na 'yon ngunit naroroon siya sa VIP room.

Hindi alam ni Hyacinth na mayroong binabalak si Megan. Nilagyan niya ng pampatulog ang mga alak nilang dalawa ni Caleb at nawalan sila ng malay. Tumawag ng tulong si Megan sa kanyang kasabwat na si Harold at idinala ito sa motel na katabi lamang ng bar.

Nagkaroon ng mapanlarong plano si Megan at hinubaran si Caleb at Hyacinth bago niya ito kinuhanan ng mga litrato upang ipakita iyon kay Vash.

Nang mapagtagumpayan ni Megan iyon ay kaagad na niyang ipinakita kay Vash ang mga pictures. Ang litrato na magkasama sa iisang kama na kasama niya si Caleb at parehong walang saplot.

Natagpuan nila ang kanilang sarili sa iisang kwarto nang mag-umaga na at parehong nagulat sa nangyari. Alam naman nila sa sarili nila na walang nangyari sa kanilang dalawa at iisang lalaki lang ang tanging nakakahawak sa kanyang katawan.

Impokrita kasi ang kanyang dating matalik na kaibigan at basta-basta na lamang niya itong itinapon ang matagal nilang samahan dahil lang sa kalandian nito at para makuha ang asawa niya.

Nang malaman ni Vash ang tungkol sa set up na 'yon at tinadtad niya ng bugbog si Caleb na halos ma-coma na ito sa sobrang pambubugbog. Laking pasasalamat na lamang niya ay pinigilan siya ng kanyang mga barkada.

Nang dahil nagkaroon na sila ng problemang mag-asawa ay doon naman nanghimasok si Megan. Iyon pala ay intensyon niyang akitin at landiin si Vash na naging dahilan upang mabuo si Gaeun Yul.

Nanganak na si Hyacinth noon at mag-iisang taon na si Sean nang mabuntis si Megan.

Nang aminin ni Hyacinth noon na buntis siya kay Vash ay galit lamang ang nakuha niyang tugon sa asawa at sinasabi na hindi siya ang ama, kung hindi si Caleb. Mas pinaniwalaan ni Vash ang ipinakitang proweba ni Megan at nakatatak na sa kanyang isip na lalaki ni Hyacinth si Caleb.

Kung titigan ang anak, kamukhang-kamukha ni Vash ang bata. Kid version ni Vash si Sean at nagtataka pa rin si Hyacinth kung bakit hindi pa rin nakikita ni Vash iyon. Paano niya nasasabing hindi niya anak si Sean, e, ilong, mata at labi pa lang ay kuhang-kuha niya ang hugis tulad n'ong kay Vash?

O sadyang nagbubulag-bulagan lang ito dahil hindi matanggap na nagalaw siya ng ibang lalaki?

Vash is a savage beast when he is hit by jealousy. Halos gusto na niyang mambugbog at mambale ng buto kahit na titigan lamang ng mga kalalakihan si Hyacinth. She missed that moment, iyong magdadabog pa si Vash dahil sa selos. Ngayon ay wala na itong pakialam sa kanya.

Hyacinth has a perfect body shape and smooth skin kaya kahit nanay na siya ay para pa rin siyang eighteen years old.

The most funny thing and worst for Hyacinth is that Megan is living with them. Yes, iyong malanding kabit na asawa niya ay nakikisabit sa mansyon ni Vash kasama ang bunga nila. Iyon ang kinabibiyak ng puso niya lalo na sa tuwing nakikita niya kung gaano ka-sweet si Vash kay Megan at kay Gaeun.

Nanliliit siya sa sarili niya at awa naman para sa anak niya. Kung sino pa ang mga original ay sila pa 'yung nanghihingi ng atensyon kay Vash.

Pagdating kasi kay Megan at kay Gaeun ay nagiging 'mabuting' asawa at ama siya. Pagdating naman kina Hyacinth ay nagiging 'kaaway' nila siya at pinaparamdam ni Vash sa kanila na hindi sila mahalaga.

But one thing Hyacinth is grateful for; Vash never laid his aggressive hand to their son. Itinutulak, oo, pero hindi ganun kalakas. Pero sampalin o tadyakin ang bata ay hindi niya ginagawa. Iyon naman ang pinapanalangin palagi ni Hyacinth.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status