Ngayon ang schedue ni Freeshia para sa shoot ng LDV residences. Hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya dahil na rin sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya.Maganda ang takbo ng career niya at sobra ang saya niya dahil na rin sa maayos na takbo ng relasyon nila ni Lance ngayon. At ipinapakita talaga nito sa kanya ang pagmamahal at pag-aalaga na hinahanap niya noon.Even Troy is happy dahil nakikita niya na masaya ang kaibigan niya. At alam ni Freeshia na yun lang ang gusto nito para sa kanya. At masaya din siya for him dahil nakikita niya na going strong sila ni Herea.“So anong plano mo pagkatapos nito?” tanong ni Troy habang nagpapahinga sila dito sa studio since inaayos pa ang susunod na setNakabantay naman sa paligid ang security ni Freeshia lalo na si Angel na siyang naging personal assistant niya.“Gusto ni Lance na magpakasal na kami after ng projects ko sa corporation.” sagot naman ni Freeshia sa kaibigan Lumapit naman si Angel at inabot kay Freeshia ang wate
Nasa penthouse na sila Lance at Troy and Freeshia is already sleeping matapos nila itong maiuwi.Habang palabas sila ng studio ay nagsimula na naman ang tantrums ni Freeshia nang makita ang mga tao sa paligid.Pinagtatawanan daw kasi siya ng mga ito ayon kay Freeshia at sinenyasan na lang ni Lance ang mga tauhan niya na huwag na itong pansinin.“Bro, hindi na maganda itong nangyayari kay Freeshia!” nag-aalalang sabi ni Lance kay Troy at ganun din naman ang nararamdaman niyaKanina, habang nakikita niya si Freeshia ay naaawa siya dito lalo pa at para na itong may diprensya sa isip dahil sa paghehele niya sa baby na nakikita niya.“Alam ko Lance! Bakit ba nangyayari ito kay Freeshia? Hindi naman siya ganito dati? Isa pa, wala naman siyang problema! In fact, ang saya-saya niya kanina dahi pinaguusapan namin ang tungkol sa kasal niyo.” “Kailangan na ba natin siyang patignan sa doktor?” tanong pa ni Troy kay Lance kaya nasapo nito ang batok niya habang nakatingin siya sa sahig“Hindi ko
Maagang nagising si Lance kinabukasan o mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog agad sa labis na pag-aalala para kay Freeshia.Hindi din niya maintindihan kung ano ang nangyayari dito at kung bakit pabago-bago ang ugali nito.Nagkakape na siya since magluluto siya ng almusal para kay Freeshia at nandoon ang panalangin niya na sana maging maayos na siya ngayong umaga.He was scrolling his socials at naagaw ang pansin niya sa isang post na sangkot si Freeshia.IS MALAYA ESPRIT’ GOING NUTS???Kalakip ng post ang isang amateur video na kuha noong magsimula ang tantrums ni Freeshia.At kahit maaga pa, tinawagan niya ang contact niya para utusang tanggalin ang kumakalat na post online.Mabuti na lang ay sumagot ito at sinabing gagawan niya ng paraan ang problema.“Do everything para matanggal yan! Ayokong mas madepress si Freeshia!” utos ni Lance dito“I’ll do my best sir lalo pa at marami ng nag-share ng video! Mahirap na din i-trace ang account ng nagpost.” paliwanag ng kausap ni Lanc
Matagumpay na nakaalis ng penthouse si Lance at si Hera gamit ang chopper at naihatid sila nito sa helipad ng ospital kung saan naman nakaabang si Troy at ang dalawang nurse.Pagbaba ni Freeshia sa chopper ay isinakay siya sa wheelchair at agad na dinala sa isang suite na hospital.Pinagbihis muna si Freeshia ng hospital gown at saka siya pinahiga ng nurse para malagyan ng swero.“Skin test ko lang po si ma’am para malaman if may allergy siya sa gamot na isasaksak sa kanya mamaya.” sabi ng nurse as she started the procedureNakabantay naman si Lance sa bawat gawin ng nurse kay Freeshia dahil ayaw na niyang maulit na malusutan sila ni Celestine.Nagtataka din si Lance kung saan nakakuha ng suporta si Celestine kaya nagagawa nitong mag-finance ng tao para makagawa ng hindi maganda sa kanila ni Freeshia.Iniwan muna sila ng nurse at hindi naman nagtagal ay pumasok ang kaibigan ni Troy na doctor.He checked Freeshia’s arms at sinuri iyon.“Kamusta ang pakiramdam mo ngayong umaga, Ms. Alt
Nakauwi din noong hapon na iyon si Freeshia matapos na siyang mag-negative sa drugs sa mga blood test na ginawa ulit sa kanya.At gaya ng nauna, sa chopper ulit sila sumakay para makabalik sila sa penthouse. Nasa loob na ng penthouse ang mga pulis at nakapag set- up na din sila ng mga hidden cameras doon.“Huwag kayong mag-alala, basta sundin lang natin ang plano, malalaman na natin kung sino ang salarin sa pando-droga sayo.” sabi naman ng pulis na kausap nila“Okay naman ba kayo sa loob ng kwarto?” tanong ni Lance since limang pulis ang makakasama nila“Walang problema, Mr. Villavicencio, trained po kami kaya kahit nakatayo pwede kaming matulog.” sabi ng head ng operations na inassign sa kanila“Eh kaso sir, pasensya na kayo, napakialaman na ho namin ang kusina ninyo. Hindi ho kasi kami pwedeng lumabas para bumili ng pagkain.” sabi pa nito pero tinapik lang ito ni Lance sa balikat“Walang probema yan officer! Ako na ang magluluto ng dinner natin!” sabi pa ni Lance dito at nagpasal
“Nagsalita na ba?” tanong ni Troy the moment he arrived at the police station kung saan dinala si Angel matapos itong mahuli sa penthouse ni LanceNilapitan ni Troy ang kaibigan niya na nakabantay sa kwarto kung saan maririnig ang interrogation sa nahuli nilang si Angel.“As of now hindi pa!” frustrated na sagot ni Lance kay Troy dahil kanina pa niya gustong pasukin si Angel para siya na mismo ang magpaamin dito kung sino ang nag-uutos sa kanya na guluhin si FreeshiaGusto niyang makumpirma kung si Celestine ba ito o hindi.“Paano ba nakapasok sa security team mo yan? Nakausap mo na ba yung may-ari ng security agency?” tanong muli ni Troy kay Lance na napak na yata ang mga mata kay Angel“Tinawagan ko na kanina at sinabi ni Mr. Bersamin na pupunta siya mismo dito para makita ang babaing yan.” sagot naman ni LanceAs if on cue, dumating naman ang hinihintay ni Lance na si Mr. Bersamin. Nakipagkamay ito kay Lance at saka niya sinilip ang sinasabing empleyado niya na gumawa ng kasalanan
Lakad ng lakad si Freeshia sa sala ng penthouse habang hawak ang telepono niya. Hindi siya mapakali dahil kanina pa siya naghihintay ng update mula kay Lance pero wala siyang natatanggap mula dito.Gustong-gusto na niyang malaman ang katotohanan at kung si Celestine nga ang utak sa lahat ng ito, hinding- hindi niya ito mapapatawad.Oo nga at may kasalanan si Lance sa nangyari pero maging siya ay may pagkakamali din. Ginamit nito ang nararamdaman ni Lance para magkaroon ng makakapitan.Naaawa siya sa nangyari kay Celestine dahil sa ginawa sa kanya ng kinakasama niya pati na rin sa sinapit ng anak niya ngunit hindi naman dahilan iyon para gumawa ka ng mali sa iyong kapwa.At malinaw na ginagawa iyon ni Celestine sa kanila. Gumaganti siya para sa mga nangyari sa kanya pero hindi ba at sariling desiyon naman niya ang nagdala sa kanya sa ganun sitwasyon?Naputol ang pagmumuni muni ni Freeshia nang marinig niyang tumunog ang safety lock ng pinto. Alam niyang si Lance na ang dumating dahil s
Galit na galit si Celestine nang lumabas ang mukha niya sa mga dyaryo, online news at pati na din sa ilang TV networks bilang WANTED sa mga kasong isinampa sa kanya ni Lance.“Kasalanan mo ito eh! Kung inasikaso mo agad si Abby, eh di sana hindi siya nakapagsalita sa mga pesteng pulis na yan!” paninisi ni Celestine sa kapatid niya na ngayon ay kausap niya sa telepono“We tried our best ate!”“Oo nga! Kaso huli na! Kumanta na yung tuta mo! So paano ako ha? Paano ako?!” galit na sumbat ni Celestine dito“Hindi naman kita pababayaan, ate. Sa ngayon, magpalamig ka muna! Mabuti na lang umalis ka na sa townhouse mo!”Nang pumutok ang balita tungkol sa kanya ay nagmadaling umalis si Celestine sa townhouse na bigay sa kanya ni Bernard.Mabuti na lang at naiwithdraw na niya lahat ng pera niya sa bangko bago lumabas ang balita dahil kung hindi, natitiyak niyang hindi na niya makukuha pa iyon.Malaki ang ipinatong ni Lance sa ulo niya kaya nasisiguro niya na marami ang magkakainteres dito. Sa i
Nang matapos ang paglilipat ng property at management sa pangalan ni Troy ay napagpasyahan nito na magkaroon ng party para sa mga tauhan ng resort.Pasasalamat ito para sa pagtitiwala ni Mr.Mallari sa kanya at para na din makilala siya ng ibang mga empleyado.Malaki ang resort kaya madami din ang mga tauhan na umaasa dito at gusto ni Troy na makilala siya ng mga ito bilang bagong boss nila.Si Jorge ang magsisilbing kanang kamay niya at masaya naman ito dahil nabigyan din ito ni Troy ng trabaho.He occupied the biggest villa in the resort at dito na siya lumipat. Sinamahan din siya ni Jorge na bumili ng bagong sasakyan na magagamit niya habang nandito siya sa Cebu.He was thinking of inviting his friends over at alam niya na magugustuhan dito ng mga kaibigan niya. Minsan, sumasagi sa isip niya si Kute at hindi niya talaga mapigilang magdamdam dito. Dapat hindi siya makaramdam ng ganito dahil lalaki siya at walang mawawala sa kanya pero iba talaga ang galit na bumabangon sa puso niy
Nagising si Troy at sinulyapan niya ang babaeng yakap-yakap niya sa mga oras na ito. Tinitigan si Kute at hind niya mapigilang hindi haplusin ang magandang mukha nito. Napahinga siya ng malalim lalo pa at naguguluhan talaga siya sa nangyari. Ano ba ang intensyon ni Kute at ginusto niya na may mangyari sa kanilang dalawa.Naalala niya ng naganap kanina at nagalit talaga siya sa sarili niya dahil sa walang ingat na pag-angkin nia kay Kute. Hindi naman kasi niya akalain na wala pa itong karanasan given the situation that she initiated everything.Gusto niyang ihinto ang kung anumang mangyayari sa kanila dahil nag-aalala siya kay Kute pero pinigilan siya nito at sinabihan na okay lang siya.“Are you sure?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Troy and she nodded Kinabig ni Kute ang batok niya and they ended up kissing each other. And that ignited the flame inside him. Inangkin niya si Kute ng buong pag-iingat and they made love all night at hindi nga niya matandaan kung ilang beses nilang na
Pagbukas ni Troy ng pinto ay nagulat siya nang makitang nasa labas ng unit niya si Kute.Nakasuot ito ng fitted jeans at fitted shirt kaya naman litaw ang magandang hubog ng katawan nito. Naka-shades ito at baseball cap habanag nakalugay ang mahaba at itim na buhok nito.Agad siyang pumasok sa loob at dumeretso siya sa sala where she removed her dark glasses and cap. Napansin ni Troy na balisa ito at tila may iniisip kaya naman agad niya itong nilapitan.“Hey! Anong nangyari? May problema ba?” tanong ni Troy sa kaibigan niyaNaupo siya sa tabi nito at narinig pa niya ang malalim na buntong hininga ni Kute.“Kute, tinatanong kita?" ulit niya kaya napatingin sa kanya ang babaeAnd without a warning inilapat ni Kute ang labi niya kay Troy!He was shocked! Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. He tried to control himself kaya naman pinatigil niya si Kuta at bahagyang inilayo sa kanya.“Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Troy kahit pa nag-iinit na ang tenga niya sa ginawa ni KuteHe is
Agad na binuksan ni Troy ang pinto ng kanyang unit at hindi siya nakapagsalita nang makita niya si Kute na nakatayo sa labas. She was in her usual baggy jeans, loose shirt, and sneakers. May suot din itong sumbrero na inalis naman niya the moment na nakapasok siya sa loob.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Troy matapos niyang isara ang pinto“Ikaw, anong ginagawa mo? Why are you following me?” balik tanong ni Kute kaya lalo siyang nagulatNgayon, nagsasalita na siya ng English at sa paraan ng pagdeliver niya sa mga salita, halata naman na bihasa siya dito. So tama talaga ang hinala niya na si Kute nga ang nakita niya.“Hindi ko maintindihan, Kute, ikaw yung babaeng nakita ko kanina, tama ba ako?” paniniguro ni Troy kaya humalukipkip naman si Kute using her authoritative voice“I don’t want you to be involved, Troy. Ayokong may makaalam ng koneksyon ko sa iyo at sa pamilya ni Jorge kaya kapag nagkita tayo ulit. Hindi mo ako kilala, understand?” “Who are you?” tanong ni Troy dahil
Pagdating ni Troy sa Maynila ay dumeretso siya sa unit niya para magpahinga. Sinabihan niya ang kanyang abugado na magkita sila bukas para ayusin ang mga dapat ayusin para sa pagbili niya ng property sa Cebu. Nagkasundo sila na magkikita sila bukas ng umaga sa isang restaurant para na din makuha ng abogado ang mga kopya ng papeles ng resort. Kailangan kasi niyang icheck kung malinis ang property at kung wala itong mga back taxes. Pero sa nakikita naman ni Troy kay Mr. Mallari, alam niya na wala silang magiging problema. But of course, iba pa rin yung sigurado.Tumingin siya sa kanyang relo and it is already five in the afternoon kaya naman nag decide siyang kumain sa labas. Hindi na niya pinaalam sa mga kaibigan niya dahil kukulitin lang siya ng mga ito magpakita sa kanila lalo na si Freeshia.May katabing hotel ang condominium kaya naman doon na niya napagpasyahang kumain. Ayaw na niyang lumayo dahil rush hour na din kaya alam niyang aabutan lang siya ng traffic.Pagdating niya sa ho
Pagkatapos magbihis ni Troy ay umalis na sila agad ni Jorge sa apartment para puntahan ang propertyna gusto niyang makita. Hindi naman sumama si Kute dahil ang sabi niya ay may lakad din siya ngayong araw na ito.Tinanong pa nga ni Jorge kung saan ito pupunta pero hindi naman niya ito sinabi. Pinagbilinan pa nga ito ni Jorge na mag-ingat pero hindi na siya sumagot at nauna pang umalis sa kanila. Maganda naman ang resort na pinuntahan nila at nakita din ni Troy ang potential ng lugar na ito dahil maraming guests ang nandito ngayon. Nakia din niya ang brochurre ng hotel at masasabi niya na hindi din ito papahuli sa mga gimmick at offers nila para sa mga guests.Nakausap nila ang manager ng resort at sinabihan nila ito na gusto sanang makausap ni Troy ang may-ari dahil interesado siya sa pag-acquire ng resort.Dinala sila ng manager sa opisina ng may-ari na si Mr. Paul Mallari, and they waited outside his office. The manager offered them coffee at hindi naman sila tumanggi. After waitin
Hindi nakapagsalita si Troy nang dahil sa huling sinabi ni Kute at literal na napanganga siya sa tindi ng gulat na inabot niya sa babaeng ito.“Hoy Kute, ano ba yang sinasabi mo? Mahiya ka nga!” saway ni Jorge sa kaibigan niyaNaiinis na siya sa mga pinaggagawa ni Kute kay Troy dahil napapahiya na din siya bilsng siya ang nagpakilala dito sa bagong kaibiga niya.Napangisi naman si Kute sa nakikita niyang reaksyon ni Troy. Siyempre hind naman siya seryoso doon dahil sino ba naman ang may matinong isip na magpapakasal sa isang babae ng dahil sa hinalikan niya ito.Nilapitan niya si Troy na hanggang ngayon ay nakatulala sa kawalan at tinapik pa niya ang baba nito pataas.“Huminga ka na! Baka pasukan ng langaw yang bibig mo!” sabi pa niya dito at saka siya muling ngumisi“Biro lang yun! Diyan na nga kayo, ang boring ninyong kausap!” sabi pa ni Kute saka niya iniwan ang dalawang lalake na hindi nakapagsalita sa kalokohan niya‘Damn that girl ’ bulong ni Troy sa isipan niya“Sige na Troy, p
Napansin ni Troy na tahimik ang babaeng kasama niya ngayon sa mesa at pirming nakayuko. Ganito ba talaga sila? Napalingon siya kay Jorge at nakikita niya na masya namang nag-uusap ang dalawa.Tumingin siyang muli sa babaeng katabi niya at saka niya ito kinausap.“Hindi ka ba kumportable sa trabaho mo dito?” tanong ni Troy sa kanya kaya napagawi ang tingin nito sa kanya“Hindi naman…” mahinang sagot ni Allona “Look, huwag kang matakot sa akin! Hindi naman ako masamang tao! Ang totoo niyan, kaya lang ako nagpunta dito dahil gusto ko ng ibang makakausap. Bago lang kasi ako dito sa Mandaue.” kwento pa ni Troy sa babae“Ganun ba? First time mo bang magpunta dito?” tanong naman ni Allona sa kanya“Oo. Actually, I was looking for a bar. Hindi ko naman alam na may ganitong service pala dito.” saad ni Troy sa babae“Matagal ka na ba dito?” tanong pa niya sa babae“Isang buwan pa lang, Sir!” anito saka siya nagsalin ng alak sa baso“Bago palang pala! Wala ka bang mahanap na ibang trabaho kesa
Sa isang barangay na malapit din kina Jorge nagpunta ang magkaibigan para puntahan ang babaeng nililigawan daw nito. “Magandang gabi po!” bati ni Jorge mula sa labas at may dala itong bulaklak para ibigay sa babaeng nililigawan niyaMula sa bintana ng bahay na dalawang palapag ay sumilip ang isag matandang babae na halos ka-edad ni Nay Ely.“Oh ikaw pala yan, Jorge! At may kasama ka pa! Pasok kayo!” sabi ng matandang babae sa kanila“Salamat po!” sagot ni Jorge bago mawala sa paningin nila ang matanda“Tara na!” aya ni Jorge sa kanya at tinahak na nila ang pinto “Magandang gabi, Mae!” bati ni Jorge sa babaeng nagbukas ng pinto“Magandang gabi, Jorge! Pasok kayo!” sabi ng babae na napatingin pa sa gawi ni TroyPumasok na silang dalawa at bago sila naupo ay inabot ni Jorge kay Mae ang dala niyang bulaklak.“Salamat Jorge. Pero diba sinabi ko naman sa iyo na huwag ka nang magdadala ng kung ano-ano kapag dumadalaw ka dito!” sagot naman ni Mae kay Jorge matapos abutin ang bulaklak Hind