Isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa ring balita ang mga awtoridad kay Celestine Rivera. May Hold Departure Order na din na issued ng korte just in case maisipan nitong lumabas ng bansa.Hindi naman lumalabas ng penthouse si Freeshia ayon na din sa kagustuhan ni Lance just to ensure her safety.Ang mga naiwan namang trabaho ni Freeshia ay si Troy na ang umaasikaso at ayon dito ay malapit nang makumpleto ang mga kinakailangan na shoot. Sa bahay naman ng kapatid ni Celestine ay nag-uusap ang magkapatid at bakas na bakas sa aura ng huli ang pagkabanas!Mas pinahigpit daw ang security ni Freeshia kaya naman lalong aburido si Celestine dahil mahihirapan na silang makalapit sa babaeng iyon.“Kailangan na nating makabuo ng bagong plano!” Saad ni Celestine sa kapatid niya habang nandito sila sa loob ng silid niya“Ayan ka nanaman eh! Diba sinabi ko naman sayo, mahirap yung sugod tayo ng sugod!” inis na sagot naman ng kapatid niya Ang totoo niyan, may plano na siyang nabuo at hinihin
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Lance matapos niyang makatanggap ng ng balita sa pulis na in-charge sa paghahanap kay Celestine.Sa karatig na bayan nakita si Celestine dahil naipakalat na sa lahat ng himpilan ng pulisya sa bansa ang larawan nito.Ayon daw sa report, may nakita sa isang palengke sa Bulacan na kamukha ni Celestine. Nilapitan ito ng mga pulis para kausapin pero agad itong tumakbo kaya nagkagulo sa palengke.Nagkaroon ng habulan hanggang sa sumakay ang babae sa isang sasakyan na nakaparada sa di- kalayuan. Binuntutan ng mga pulis ang kotse hanggang sa masukol ang sasakyan sa ilang na bahagi ng lugar at dahil daw hindi siguro kabisado ng driver ang daan at sa pagpupumilit na din na makatakas, nalaglag sa bangin ang kotse at tuluyan itong sumabog.Walang nakaligtas at ang sabi ng chief of police, parating na sa Maynila ang na-retrieve na dalawang bangkay ng babae sa kotse.They also checked the vehicle at hinihintay na lang ang report ng Land Transportation Office pa
Nang makumpirma ng mga pulis ang identity ng mga nakuhang bangkay sa sumabog na sasakyan ay agad tinawagan ng hepe si Lance para ibigay ang balita dito.“I already sent a copy of the DNA test result in your e-mail Mr. Villavicencio.” sabi ng hepe nang matawagan niya ito sa telepono“Sigurado ba ito hepe?” tanong ni Lance sa hepe at agad naman itong sumagot“Dalawang testing center ang pinagdalhan sa mga samples and they both have the same results. Makikita naman ninyo yan sa email ninyo.”Lance nodded saka niya tinignan ang e-mail na pinadala sa kanya ng hepe. Nakasulat doon ang kumpirmasyon na si Celestine Rivera ang isa sa mga bangkay na nakuha sa sumabog na kotse.Ang isa ay for matching pa at agad na daw itong ina-identify dahil walang nakuhang kahit anong identification mula dito.“I want to know kung sino ang babaeng yan, chief! I wanted to ensure our safety dahil baka mamaya may iba pang kasabwat ang mga yan!” sabi pa ni Lance“Of course, Mr. Villavicencio! Gagawin namin ang la
“Ano na namang kalokohan ‘to Marga?” galit na galit si Lance at halos mapatiran na siya ng litid dahil sa sobrang inis Prenteng nakaupo si Marga sa couch habang masama ang tingin na ipinukol nito kay Freeshia.“Hindi ito kalokohan! You know for a fact na ipinagkasundo tayo ng parents natin kaya ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko!” matapang na sagot ni Marga na dumekwatro pa “Hindi ko alam kung anong kasunduan yan, Marga! At wala din akong pakialam dyan kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, umalis ka na!” “Kung may dapat umalis , yang kabit mo at hindi ako! Kung hindi siya aalis pwes, magsama-sama tayo dito!” matapang na sagot ni Marga at natawa naman ng pagak si Freeshia habang naka-krus ang kamay niya sa kanyang dibdib“Ako pa talaga ang kabit?’ hindi alam ni Freeshia kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ito at bilib din siya sa kapal ng mukha nitoPalibhasa hinahayaan ng mommy ni Lance kaya ganito umasta.“Alam mong ikakasal na kami ni Lance pero nilandi mo pa
Nasa isang bar si Lance, Damon at Troy ng gabing iyon at kahit nasa townhouse na sila nakatira ni Freeshia, ay mahigpit pa rin ang security nila lalo at wala pang resulta ang DNA matching sa babaeng nakita na kasama ni Celestine.“Siraulo yang si Marga! Aba balak pang makipag bahay-bahayan sa inyo!” hindi malaman ni Lance kung natatawa ba si Troy o naiinis sa sitwasyong kinasangkutan nila kahapon“Grabe nga bro! I’m sure utos yan ni mommy!” sabi naman ni Lance sa mga kaibigan niya“Sa palagay mo?” medyo hindi siguradong tanong ni Troy dahil pwedeng oo pwede ring hindi“Ke utos ni tita o hindi, ang mahalaga, hindi tama! Ipagsiksikan mo ba naman ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman gusto!” “Bakit ba baliw na baliw sayo yun ha? Akala ko pa naman matatahimik na kayo ni Freeshia nang mawala si Celestine, hindi pa rin pala!” inis na saad ni Troy“Malay ko! Tatlong beses ko lang yata dinate yun but I never promised anything!” pagtatanggol naman ni Lance sa sarili niya“Bakit ba kasi
Nakarating na si Freeshia, Lance at Troy sa New York ngayong araw na ito. Dalawang linggo din silang nanatili sa townhouse ni Freeshia at hindi naman sila nasundan doon ni Marga.Kaya naman minabuti na nilang doon na manatili kesa bumalik sa penthouse ni Lance. Although nakatanggap naman ng balita si Lance na umalis na din si Marga doon, ay mas pinili ni Freeshia na dito manatili sa kanyang townhouse.Mahigpit pa rin ang security nila kahit pa sabihing mahigpit din ang mismong security sa gate. Bago ang flight nila ay nakatanggap ng balita si Lance sa chief of police tungkol sa babaeng kasama ni Celestine sa kotseng sumabog.“Siya si Blessida Santillan, kapatid siya sa ama ni Celestine Rivera. Ibig sabihin, anak sa pagkakasala ni Mr. Rivera. Namatay ang nanay nito pagkapanganak kaya naman kinuha ni Mr. Rivera ang bata at ipinaampon ito sa pinsan niya dahil hindi sila magkaroon ng anak.”“Sa probinsya siya lumaki pero ayon sa records, nakarehistro siya sa Tondo at natira doon ng sampu
“Hey! Be sure to come home right away!” bilin ni Lance kay Troy nang ihatid siya ng huli sa airport para sa fight nila pabalik ni PilipinasMarami pa kasing aaskasuhin si Troy dito kaya hindi muna siya makakasabay sa dalawang ito pag-uwi.“I will bro! Of course I won’t miss your wedding!” pangako naman ni Troy sa kanila“Thank you Troy! At huwag kang magtagal dito baka mainip si Herea!” biro naman sa kanya ni Freeshia“Hoy, bantayan mo yung kaibigan mo ha! Baka mamaya, makipag-date sa iba yun!” sabi naman ni Troy kaya natawa pa si Freeshia“Ano ka ba, hindi ganun si Herea!”“Basta nga!” pinandilatan pa ni Troy si Freeshia ng mata kaya sumagot na lang siya para matapos na“Oo na!” ani Freeshia kahit pa alam naman niya na kahit hindi niya bantayan si Herea ay hindi ito gagawa ng hindi magandaNiyakap nila muli ang isa’t isa bago tuluyang pumasok sa loob si Lance at si Freeshia. Mamimiss ni Freeshia ang kaibigang ito since matagal niya din itong nakasama pero alam niyang pansamantala la
Nagkaroon ng enagagement party sina Lance at Freeshia sa mansion ng mga Altamonte at kahit ayaw ni Freeshia ng ganitong mga party ay wala siyang nagawa sa kagustuhan ng magulang niya na sinegundahan naman ni Lance.Maraming imbitado at lahat ay kabilang sa alta sosyedad na kinabibilangan nila. “Congratulations!” masayang sabi ni Hera kay Freeshia pagdating niya sa party“Salamat Her!” bulong naman ni Freeshia ditoBinati din Herea si Lance sabay biro dito kaya napakamot pa ito ng ulo.“Umayos ka na ha!” “Oo naman, Herea! I learned my lesson well!” sabi niya sa kaibigan ng fiance’ niyaPara kay Lance, maswerte si Freeshia dahil nakatagpo siya ng kaibigang gaya ni Herea. Hindi siya nito iniwan through thick ang thin.Sayang lang at wala pa si Troy dahil nasa New York pa ito.“Congrats my man!” masayang sabi naman ni Damon kay Lance “Thanks bro!” nagyakapan sila at binati din nito si Freeshia at si HereaMasaya ang lahat ng nandito and they are looking forward for the couple’s wedding
BOOK 3HEREA’S REDEMPTIONNapahinga ng malalim si Herea nung tuluyan ng tumuntong ang paa niya sa labas ng correctional kung saan siya nakulong.Sa loob ng limang taon, nanatiling tahimik ang buhay niya habang pinagdurusahan ang sintensya niya. At dahil sa ipinakita niyang pagbabago sa loob ay nabigyan siya ng parole ng Pangulo ng bansa kaya naman bumaba ang sintensya niya at ngayon nga ay tuluyan siyang nakalaya.Naputol ang pagmumuni-muni niya nung may kotseng huminto sa harap niya. Nahawakan pa niya ng mahigpit ang bag niya habang pilit sinisilip ang taong nasa loobb ng sasakyan.Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo. His hair neatly brushed up at nakasuot din ito ng shades. “Herea Sevilla?” tanong nito kay Herea kaya naman nagtaka pa siya kung sino ito“Ako nga! Sino ka?” balik tanong niya din dito“Adam Policarpio! Anak ako ng abogado mo and he instructed me to pick you up dahil may meeting pa siya.” sagot naman nito pero nagdalawang-isip pa siya“Oo
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Troy dahil matapos ang ilang buwang paghihintay, ikakasal na sila ni Isa, ang babaeng nagpabago sa buhay niya.Sa resort siya natulog noong gabing nagdaan at dito na din siya manggagaling papunta sa simbahan for their wedding.Nakahanda na din ang resort dahil pinili ni Isa na dito na lang gawin ang reception lalo at malalapit na kaibigan lang nila ang imbitado sa kasal.Nagpadala si Isa ng invitation sa kanyang mga pamilya last month pero nabalitaan na lang niya na umalis daw ang mga ito, one week before the wedding.At masakit iyon para sa kanya dahil ibig sabihin, hindi pa rin siya napapatawa ng mga ito.Nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ni Troy at maganda naman ang naging ayos nito lalo at katuwang ni Isa si Freeshia.Naging close ni Isa si Freeshia at si Mint dahil talaga namang mababait sila pati na din ang mga asawa nito.And of course, kasama sa wedding entourage ang mga ito.“Tara na bro! Nakakahiya namang mauna pa si Isa sa s
Kinabukasan after their lunch ay dumating naman ang yaya na nirequest ni Troy sa isang kilalang agency dito sa Cebu. Mukha naman itong mabait at magiliw din sa bata kaya naman nakasundo agad ito ni Basty. Taga-Cebu din siya at bente-tres anyos na din ito.“Dati ka na bang nag-alaga ng bata?” tanong ni Isa kay Lily habang hinihintay nito si Troy“Opo Ma’am! Dalawang taon din po akong naging Yaya kaso po umalis na sila dito.” kwento naman ni Lily“Hindi naman mahirap alagaan si Basty, Lily! Yun nga lang, medyo malikot na siya ngayon! Gusto niya lakad ng lakad!” masayang sabi ni Isa habang nakatingin kay Basty na naglalaro sa carpeted na sahig“Talagang ganun po basta ganyang edad, Ma’am! Pero mukha naman nga pong mabait si Basty at mukhang magkakasundo po kami!” pahayag naman ni LilyNakita niya na palabas na si Troy sa kwarto kaya naman tumayo na asiya at nagpaalam sa kanyang anak.“Basty, mommy and Daddy is going out okay! You behave while you are with Yaya!” sabi niya sa kanyang ana
“So paano ba yan, Cassie? Maiiwan ka na ba talaga dito?” tanong ni Marge dito nung makarating sila sa resort para ihatid si BastyAlam na nila na nakakaalala na ang kanilang kaibigan at dahil nadakip na si Mayor Arthur ay tila alam na nila ang susunod na mangyayari.“Nag-usap na kami ni Troy, Marge! Gusto ko namang mabuo ang pamilya ko at maranasan ni Basty na magkaroon ng ama!” pahayag ni Isa“Well, kung yan ang gusto mo, igagalang namin yan. Just always take care of yourself okay! At kung may kailangan kayo, huwag kang magalinlangang tumawag sa amin!” sagot naman ni Greg na noon ay kausap naman si Troy“Thank you for everything! Sa pagliligtas ninyo sa amin and of course sa pagbabantay kay Isa!” ani Troy sa mga kasamahan ni Isa“Oo naman! Parte ng grupo si Cassie kaya kailangan naming gawin yun! Nakakalungkot nga lang kasi mawawalan na kami ng magaling at matinik na tauhan.” ani Greg sa kanya“Noon ko pa naman gusto na magbagong buhay na, Greg! At si Carlitos nga ang huling misyon k
Kinalagan agad ng mga pulis na dumating si Troy at yung iba naman ay hinuli at pinosasan si Mayor Arthur pati na ang ibang tauhan na nadis-armahan ni Amethyst mula sa taas.Hindi na sila nakita ni Isa kaya alam niya na nakalayo na ang mga ito bago pa man dumating ang mga pulis.“Pakawalan niyo ako! AKo ang Mayor ng bayan na ito! Bakit ninyo ako hinuhuli?” pagmamatigas pa ni Mayor Arthur pero hindi naman nagpatinag ang mga pulis na dumadakip sa kanyaBinasahan siya ng kanyang mga karapatan bago siya tuluyang ilabas sa kwartong iyon pero panay pa rin ang pagsigaw niya.“Hindi ninyo ako maikukulong! Ako ang Mayor ng bayan na ito!” “Mayor, malakas ang ebidensiya namin sa iyo for kidnapping and attempted murder! Kung inosente ka talaga, patunayan mo yan sa korte!” sabi ng isang pulis kaya naman lalong nagwala si MayorSunod namang pumasok ang mga rescue team at agad nilang inalalayan si Troy para i-check ang mga natamong sugat nito at ganun din kay Isa. Isinakay sila sa ambulansya at a
Hinalikan ni Isa si Basty ng matagal at mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Hindi niya tiyak ang mangyayari pero nandoon ang pag-asa na maliligtas niya si Troy.Nangyari na nga ang kinatatakutan nila at hindi nila akalain ang mabilis na pagkilos ni Mayor Arthur para makuha siya.At iyon ay gamitin nga si Troy para lumitaw si Isa.“Anong plano?” tanong ni Amethyst kay Greg na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga sandata“Maiiwan kayo dito ni Marge. Kami na ni Jazz ang kikilos!” sabi ni Greg pero hindi pumayag si Amethyst“Sasama ako! Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang kikilos! Tandaan ninyo, may amnesia si Cassie at baka pati ang pakikipaglaban ay nakalimutan na niya!” ani Amethyst Nagkatinginan naman ang dalawang lalake at mukhang naisip nila na may punto si Amethyst.Kakailanganin nila ng pwersa lalo at marami tiyak tauhan si Mayor.“Sinend na ni Mayor ang location!” sabi ni Isa kaya agad namang tinignan ni Greg ang locationMamayang gabi, alas diyes, kailangang magpunta ni
Hindi na mapakali si Troy sa hindi pagsagot ni Isa ng telepon niya kaya naman agad siyang umalis sa resort para puntahan ito sa mansion ng mga Arguelles. Pagdating niya doon ay pinapasok naman siya agad ng kasambahay at itinuro siya nito sa garden kung saan nandoon si Aliyah.‘“Ali!” tawag niya dito at mula kanyang cellphone ay napaangat ang tingin nito sa kanya“Troy! This is a surprise! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ali pero wala siya sa mood makipag bolahan dito“Nasaan si Isa?” tanong niya pero nagkibit balikat lang ito“Hindi ko alam!” maikling sagot niya kaya naman agad niyang nilapitan ang kaibigan“Aliyah, please! Nakikiusap ako sayo! Ang sabi ng kasambahay ninyo pinaalis mo daw sila ni Basty! Hindi ka ba naaawa sa pamangkin mo? Wala silang pupuntahan!” galit na sabi ni Troy pero ni hindi nagbago ang matigas na ekspresyon ng mukha nito“Bakit ako maaawa sa kanya! Yan ang napapala ng traydor!” sagot sa kanya ni Aliyah“Hindi siya traydor, Aliyah, alam mo yan! Bago pa
Nakatingin lang si Isa sa apat na taong nasa harap niya ngayon. In the back of her mind, pamilyar sila pero hindi niya mahanap kung sino ang mga ito sa buhay niya.Dinala siya ng mga ito sa isang bahay na nasa dulo ng na yata ng Cebu pero nakakapagtaka na hindi na siya nakakaramdam ng takot habang kasama niya ang mga taong ito.“Wala pa rin siyang maalala kaya siguro, mas mabuti kung magpapakilala kayo!” sabi ni Berta sa mga kasama nila sa sala“First of all, hindi Berta ang pangalan ko! Ako si Amethyst at ako ang naatasan ng pinuno para bantayan ka!” pahayag nito sabay ngiti kay Isa“Ako si Greg! Ako ang kasama mo sa huling misyon mo at sa palagay ko, nabanggit na sayo ni Troy Celestino ang tungkol sa grupo.” pakilala naman ng lalaki na yumakap sa kanya kanina bago siya sumakay sa sasakyan“Welcome back, Cassie! Natakasan mo ang kamatayan! Sana lang magbalik na ang alaala mo para naman magtrabaho na tayo ulit! Ako si Jazz, remember?” anito kaya binatukan naman ito ng nagpakilalang
Walang tigil ang pagpatak ng luha ni Isa habng iniimpake niya ang kanyang mga gamit. Masama ang kanyang loob dahil sa pagpapalayas sa kanya ni Isa na hindi naman tinutulan ng kanyang ina.May pride siyang tao at hindi na niya kayang magtagal dito lalo pa at alam naman niya na ayaw na sa kanya ng kanyang pamilya.Hindi niya alam kung saan siya pupunta. At dahil wala naman siyang maalala, hindi niya alam kung may kamag-anak ba sila dito.Napatingin siya kay Basty at natutulog pa naman ito kaya minabuti na niyang bilisan ang pag-iimpake. She wants to get out of here as soon as possible!Nang maiayos na niya ang lahat ay siya namang pasok ng yaya ni Basty. Nakabihis ito at dala din nito ang gamit niya.“Berta?” nagtatakang tanong niya dito“Ma’am, sasama po ako sa inyo kung aalis kayo dito!” saad niya kaya napailing naman si Isa dahil agad niyang naisip na baka pinaalis din ito ng Mommy niya“Berta, pinaalis ka din ba nila?” galit na tanong niya pero umiling naman ito“Hindi po Ma’am! Nag