Nanginginig ang kamay ni Freeshia habang hawak niya ang kanyang cellphone. Mataman niyang tiningnan ang mga larawang ipinadala ng private detective that she hired para sundan ang asawa niyang si Lance Villavicencio.Halos madurog sa kamay niya ang telepono dahil sa galit na pumuno sa dibdib niya. So all along tama ang hinala niya na may babae si Lance at kung hindi siya dinadaya ng paningin niya, kilala niya ang babaeng ito.She is Celestine Rivera, ang highschool sweetheart ni Lance. Pinigilan niyang maiyak lalo pa at kakagaling lang niya sa doctor. Ayaw niyang makaramdam ng stress lalo pa at kakatapos lang ng fertility shot na ginagawa na niya halos buwan buwan.Apat na taon na silang kasal ni Lance at bagama’t alam niya na hindi ito kagustuhan ng asawa ay wala itong nagawa nang itakda ang kasal nila.Matagal na siyang may gusto kay Lance kaya naman napakasaya niya nang itakda ng pamilya nila ang kasal. Nandoon ang pag-asa niya na matututunan din siyang mahalin nito.Magkaibigan a
Alas-otso na nang dumating si Lance sa townhouse na binili niya para sa asawang si Freeshia. Ilang buwan na din siyang hindi umuuwi dito buhat nang bumalik sa bansa si Celestine.She was his first love. Highschool sweethearts sila pero umalis ang pamilya nito at nag-migrate sa Canada. Nawalan sila ng communication hanggang sa naganap nga ang kasal nila ni Freesia Natalia Altamonte, ang anak ng kaibigan ng parents niya.He was mad! Galit siya sa kagustuhan ng magulang niya pero wala siyang magawa kung hindi ang sumunod. Pero ang naging pagsasama nila ay naging base sa kagustuhan niya. Hindi sila nagsama sa isang bubong. Nasa townhouse si Freeshia at siya naman ay nasa penthouse.Umuuwi siya kapag gusto niya. O mas tamang sabihing, kapag kailangan lang niyang gamitin ang asawa. Nakikita naman niyang gusto ni Freeshia na maging normal ang pagsasama nila pero hindi niya kayang ibigay iyon. Sa mata ng ibang tao, binata pa rin siya. At hindi naman iyon tinutulan ni Freeshia.Sa palagay
Masakit ang ulo ni Freeshia paggising niya kinabukasan. Napapikit siya habang minamasahe ang ulo niya na makirot dahil sa sobrang pag-inom niya kagabi.She stood up at agad na nagpunta sa banyo para maligo. Marami siyang kailangang gawin ngayon. Aasikasuhin pa niya ang pag-alis niya sa townhouse na ito since kahapon pa siya nag-impake.After taking a bath ay agad tinawagan ni Freeshia si Herea.“Really??” hindi makapaniwalang tanong ni Herea sa kanya nang sabihin nito ang nangyari kagabi“Yes! Aalis na ako dito Her. Hindi ko na kayang magtagal dito.”“That’s great news! May bahay ka namang naipundar mula sa kita ng business natin. It’s about time na gamitin mo yun!” sabi pa ni Herea and she’s right“Naipaalam mo na ba ito sa parents mo at sa mga kapatid mo?” Binuhay ni Freeshia ang loudspeaker ng phone dahil isa-isa niyang chineck ang mga drawers ng kwarto. Gusto niyang makasiguro na wala siyang maiiwan dito.Pumasok na din ang kasambahay niya na si Ate Maring at Ate Ellen para ibaba
“Sir, a certain Attorney Madrid wants to see you!” Yan ang sinabi ng sekretarya ni Lance sa kanya kaya napaisip ito kung sino ang Attorney Madrid na ito. Wala naman siyang kakilala na may ganitong pangalan at mabuti na lang may oras pa siya bago ang susunod na appointment niya kaya naman pinapasok niya ito sa opisina niya.“Good morning, Mr. Villavicencio, Attorney Leonard Madrid po, legal counsel ni Mrs. Freeshia Natalia Villavicencio.”Nakaramdam ng kaba si Lance ng marinig niya ang pangalan ng asawa. Although he already knows kung para saan ang pagpunta nito ay pinili niyang magpatay malisya.“Have a seat? Coffee?” alok niya pa dito pero tumanggi naman ang abogado“No thanks! Nagpunta lang ako dito para iabot sa iyo ang kopya ng divorce papers. My client wants it to be signed as soon as possible.” pahayag ng abogado kaya napataas ang kilay ni LanceKagabi, akala ni Lance simpleng tantrums lang ito dahil sa nalaman ni Freeshia tungkol sa kanila nila Celestine. Hindi niya akalain na
“Hindi ako pupunta doon, Lance! Are you even thinking!” tanggi ni Freeshia the moment she heard Lance’s words“You are still my wife! Alam mo na hahanapin ka ng parents ko kapag nagpunta ako doon na hindi kita kasama!” giit ni Lance kaya inikutan naman siya ng mata ng asawa“Maghihiwalay na tayo! Ano pang silbi na dalhin mo ako doon at iharap sa pamilya mo na parang walang nangyayari!” Hindi makapaniwala ang babae sa kagustuhan ng asawa niya. Mabait ang mga magulang ni Lance sa kanya. Kahit noon ay tanggap na tanggap siya ng mga ito! Oh! Nakalimutan nga pala niya na ang mga magulang nga pala ni Lance ang may gusto na magkatuluyan sila kaya naman nakipagkasundo sila sa parents niya para maikasal sila.“Maghihiwalay pa lang, Freeshia! At kung gusto mong pirmahan ko ang lecheng divorce paper na yan, susundin mo ako!” Obviously, ginagamit ni Lance ang pagpirma niya sa divorce paper na bala para mapasunod ang asawa niya.Napapikit si Freeshia saka niya matapang na tiningnan si Lance.“O
Tahimik lang si Freeshia habang bumibiyahe sila pauwi sa farm ng magulang ni Lance sa probinsya. Maaga silang umalis sa siyudad para na din makaiwas sa traffic.Gusto ng asawa niya na sunduin siya sa bahay niya pero tumanggi si Freeshia dahil hanggat maari ayaw niyang malaman ni Lance ang tungkol sa property niyang ito.Nagpahatid na lang siya kay Herea na kulang na lang ay tustahin si Lance sa paraan ng pagtingin niya.“Nagugutom ka ba?” tanong ni Lance sa asawa niya na hindi man lang kumikibo buhat pa kanina“Hindi!” sabi nito at saka niya isinuot ang earpods niyaMukhang nagpapatugtog ito ng sounds through her phone at nanatiling tahimik which made Lance sigh.Talagang abot langit na ang galit ng asawa sa kanya.After hours of travel ay narating din nila ang farm ng mga Villavicencio. Nakatingin si Freeshia sa labas habang nadadaanan nila ang mga puno ng mangga na hitik na sa bunga at ready na for harvest.Naalala ni Lance dati na paborito ni Freeshia ang mga mangga dito sa farm ni
Simpleng dinner with the family lang ang inihanda ni mommy Mariel para i-celebrate ang wedding anniversary nila ng kanyang kabiyak.Nandito ang panganay na anak niyang si Lance kasama ang asawa nitong si Freeshia. His other son, Lander ay dumating kaninang tanghali lang dahil may inasikaso pa daw ito sa opisina.Si Lander ang katuwang ng Kuya niya sa pagpapatakbo ng negosyo and she was always proud of them dahil napalago nila lalo ang negosyong ipinundar ng kabiyak niya.“Let’s eat!” masayang aya niya sa mga anak niya matapos silang batiin ng mga itoNaramdaman niya ang tension sa pagitan ng asawa niya at ng panganay na anak niyang si Lance kaya hindi niya mapigilang mag-alala. She thought na baka may problema lang ang dalawa sa negosyo pero habang tumatagal ay iba ang kutob niya.“Mom hindi ba kayo magbabakasyon ni Daddy abroad?” tanong ni Lander sa mommy niya“Hindi na muna iho! Alam mo namang hindi pa fully recovered ang Daddy mo.” sagot ni mommy Mariel sa bunsong anak niya“I was
Dumiretso si Freeshia sa office ni Herea the moment she arrived in Manila. Nagpababa na lang siya kay Lance sa building kung saan nandoon ang opisina ng Aesthetika.He asked kung ano ang gagawin niya doon pero nagkibit-balikat lang siya at hindi na sinagot ang asawa.Hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang galit sa puso niya para kay Lance at nadagdagan pa iyon nang tumawag si Celestine dito at tinatanong kung nasaan siya.Ang kapal lang din talaga ng mukha ni Lance para sagutin ang tawag na iyon sa harap niya mismo.Hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon while Lance is on the phone. Kailangan niyang gawin iyon. Ang maging matigas at ipakita sa asawa niyang magaling na hindi na siya naaapektuhan.Damn him! Gigil na bulong niya sa sarili niya.“Kamusta ang reunion?” nakangising tanong ni Herea sa kanya the moment she entered her officeShe rolled her eyes at her kaya natawa naman ito.“Sinabi niyo na ba sa parents ni Lance?” tanong ni Herea matapos siyang pagtawanan a
“Ano na namang kalokohan ‘to Marga?” galit na galit si Lance at halos mapatiran na siya ng litid dahil sa sobrang inis Prenteng nakaupo si Marga sa couch habang masama ang tingin na ipinukol nito kay Freeshia.“Hindi ito kalokohan! You know for a fact na ipinagkasundo tayo ng parents natin kaya ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko!” matapang na sagot ni Marga na dumekwatro pa “Hindi ko alam kung anong kasunduan yan, Marga! At wala din akong pakialam dyan kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, umalis ka na!” “Kung may dapat umalis , yang kabit mo at hindi ako! Kung hindi siya aalis pwes, magsama-sama tayo dito!” matapang na sagot ni Marga at natawa naman ng pagak si Freeshia habang naka-krus ang kamay niya sa kanyang dibdib“Ako pa talaga ang kabit?’ hindi alam ni Freeshia kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ito at bilib din siya sa kapal ng mukha nitoPalibhasa hinahayaan ng mommy ni Lance kaya ganito umasta.“Alam mong ikakasal na kami ni Lance pero nilandi mo pa
Nang makumpirma ng mga pulis ang identity ng mga nakuhang bangkay sa sumabog na sasakyan ay agad tinawagan ng hepe si Lance para ibigay ang balita dito.“I already sent a copy of the DNA test result in your e-mail Mr. Villavicencio.” sabi ng hepe nang matawagan niya ito sa telepono“Sigurado ba ito hepe?” tanong ni Lance sa hepe at agad naman itong sumagot“Dalawang testing center ang pinagdalhan sa mga samples and they both have the same results. Makikita naman ninyo yan sa email ninyo.”Lance nodded saka niya tinignan ang e-mail na pinadala sa kanya ng hepe. Nakasulat doon ang kumpirmasyon na si Celestine Rivera ang isa sa mga bangkay na nakuha sa sumabog na kotse.Ang isa ay for matching pa at agad na daw itong ina-identify dahil walang nakuhang kahit anong identification mula dito.“I want to know kung sino ang babaeng yan, chief! I wanted to ensure our safety dahil baka mamaya may iba pang kasabwat ang mga yan!” sabi pa ni Lance“Of course, Mr. Villavicencio! Gagawin namin ang la
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Lance matapos niyang makatanggap ng ng balita sa pulis na in-charge sa paghahanap kay Celestine.Sa karatig na bayan nakita si Celestine dahil naipakalat na sa lahat ng himpilan ng pulisya sa bansa ang larawan nito.Ayon daw sa report, may nakita sa isang palengke sa Bulacan na kamukha ni Celestine. Nilapitan ito ng mga pulis para kausapin pero agad itong tumakbo kaya nagkagulo sa palengke.Nagkaroon ng habulan hanggang sa sumakay ang babae sa isang sasakyan na nakaparada sa di- kalayuan. Binuntutan ng mga pulis ang kotse hanggang sa masukol ang sasakyan sa ilang na bahagi ng lugar at dahil daw hindi siguro kabisado ng driver ang daan at sa pagpupumilit na din na makatakas, nalaglag sa bangin ang kotse at tuluyan itong sumabog.Walang nakaligtas at ang sabi ng chief of police, parating na sa Maynila ang na-retrieve na dalawang bangkay ng babae sa kotse.They also checked the vehicle at hinihintay na lang ang report ng Land Transportation Office pa
Isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa ring balita ang mga awtoridad kay Celestine Rivera. May Hold Departure Order na din na issued ng korte just in case maisipan nitong lumabas ng bansa.Hindi naman lumalabas ng penthouse si Freeshia ayon na din sa kagustuhan ni Lance just to ensure her safety.Ang mga naiwan namang trabaho ni Freeshia ay si Troy na ang umaasikaso at ayon dito ay malapit nang makumpleto ang mga kinakailangan na shoot. Sa bahay naman ng kapatid ni Celestine ay nag-uusap ang magkapatid at bakas na bakas sa aura ng huli ang pagkabanas!Mas pinahigpit daw ang security ni Freeshia kaya naman lalong aburido si Celestine dahil mahihirapan na silang makalapit sa babaeng iyon.“Kailangan na nating makabuo ng bagong plano!” Saad ni Celestine sa kapatid niya habang nandito sila sa loob ng silid niya“Ayan ka nanaman eh! Diba sinabi ko naman sayo, mahirap yung sugod tayo ng sugod!” inis na sagot naman ng kapatid niya Ang totoo niyan, may plano na siyang nabuo at hinihin
Galit na galit si Celestine nang lumabas ang mukha niya sa mga dyaryo, online news at pati na din sa ilang TV networks bilang WANTED sa mga kasong isinampa sa kanya ni Lance.“Kasalanan mo ito eh! Kung inasikaso mo agad si Abby, eh di sana hindi siya nakapagsalita sa mga pesteng pulis na yan!” paninisi ni Celestine sa kapatid niya na ngayon ay kausap niya sa telepono“We tried our best ate!”“Oo nga! Kaso huli na! Kumanta na yung tuta mo! So paano ako ha? Paano ako?!” galit na sumbat ni Celestine dito“Hindi naman kita pababayaan, ate. Sa ngayon, magpalamig ka muna! Mabuti na lang umalis ka na sa townhouse mo!”Nang pumutok ang balita tungkol sa kanya ay nagmadaling umalis si Celestine sa townhouse na bigay sa kanya ni Bernard.Mabuti na lang at naiwithdraw na niya lahat ng pera niya sa bangko bago lumabas ang balita dahil kung hindi, natitiyak niyang hindi na niya makukuha pa iyon.Malaki ang ipinatong ni Lance sa ulo niya kaya nasisiguro niya na marami ang magkakainteres dito. Sa i
Lakad ng lakad si Freeshia sa sala ng penthouse habang hawak ang telepono niya. Hindi siya mapakali dahil kanina pa siya naghihintay ng update mula kay Lance pero wala siyang natatanggap mula dito.Gustong-gusto na niyang malaman ang katotohanan at kung si Celestine nga ang utak sa lahat ng ito, hinding- hindi niya ito mapapatawad.Oo nga at may kasalanan si Lance sa nangyari pero maging siya ay may pagkakamali din. Ginamit nito ang nararamdaman ni Lance para magkaroon ng makakapitan.Naaawa siya sa nangyari kay Celestine dahil sa ginawa sa kanya ng kinakasama niya pati na rin sa sinapit ng anak niya ngunit hindi naman dahilan iyon para gumawa ka ng mali sa iyong kapwa.At malinaw na ginagawa iyon ni Celestine sa kanila. Gumaganti siya para sa mga nangyari sa kanya pero hindi ba at sariling desiyon naman niya ang nagdala sa kanya sa ganun sitwasyon?Naputol ang pagmumuni muni ni Freeshia nang marinig niyang tumunog ang safety lock ng pinto. Alam niyang si Lance na ang dumating dahil s
“Nagsalita na ba?” tanong ni Troy the moment he arrived at the police station kung saan dinala si Angel matapos itong mahuli sa penthouse ni LanceNilapitan ni Troy ang kaibigan niya na nakabantay sa kwarto kung saan maririnig ang interrogation sa nahuli nilang si Angel.“As of now hindi pa!” frustrated na sagot ni Lance kay Troy dahil kanina pa niya gustong pasukin si Angel para siya na mismo ang magpaamin dito kung sino ang nag-uutos sa kanya na guluhin si FreeshiaGusto niyang makumpirma kung si Celestine ba ito o hindi.“Paano ba nakapasok sa security team mo yan? Nakausap mo na ba yung may-ari ng security agency?” tanong muli ni Troy kay Lance na napak na yata ang mga mata kay Angel“Tinawagan ko na kanina at sinabi ni Mr. Bersamin na pupunta siya mismo dito para makita ang babaing yan.” sagot naman ni LanceAs if on cue, dumating naman ang hinihintay ni Lance na si Mr. Bersamin. Nakipagkamay ito kay Lance at saka niya sinilip ang sinasabing empleyado niya na gumawa ng kasalanan
Nakauwi din noong hapon na iyon si Freeshia matapos na siyang mag-negative sa drugs sa mga blood test na ginawa ulit sa kanya.At gaya ng nauna, sa chopper ulit sila sumakay para makabalik sila sa penthouse. Nasa loob na ng penthouse ang mga pulis at nakapag set- up na din sila ng mga hidden cameras doon.“Huwag kayong mag-alala, basta sundin lang natin ang plano, malalaman na natin kung sino ang salarin sa pando-droga sayo.” sabi naman ng pulis na kausap nila“Okay naman ba kayo sa loob ng kwarto?” tanong ni Lance since limang pulis ang makakasama nila“Walang problema, Mr. Villavicencio, trained po kami kaya kahit nakatayo pwede kaming matulog.” sabi ng head ng operations na inassign sa kanila“Eh kaso sir, pasensya na kayo, napakialaman na ho namin ang kusina ninyo. Hindi ho kasi kami pwedeng lumabas para bumili ng pagkain.” sabi pa nito pero tinapik lang ito ni Lance sa balikat“Walang probema yan officer! Ako na ang magluluto ng dinner natin!” sabi pa ni Lance dito at nagpasal
Matagumpay na nakaalis ng penthouse si Lance at si Hera gamit ang chopper at naihatid sila nito sa helipad ng ospital kung saan naman nakaabang si Troy at ang dalawang nurse.Pagbaba ni Freeshia sa chopper ay isinakay siya sa wheelchair at agad na dinala sa isang suite na hospital.Pinagbihis muna si Freeshia ng hospital gown at saka siya pinahiga ng nurse para malagyan ng swero.“Skin test ko lang po si ma’am para malaman if may allergy siya sa gamot na isasaksak sa kanya mamaya.” sabi ng nurse as she started the procedureNakabantay naman si Lance sa bawat gawin ng nurse kay Freeshia dahil ayaw na niyang maulit na malusutan sila ni Celestine.Nagtataka din si Lance kung saan nakakuha ng suporta si Celestine kaya nagagawa nitong mag-finance ng tao para makagawa ng hindi maganda sa kanila ni Freeshia.Iniwan muna sila ng nurse at hindi naman nagtagal ay pumasok ang kaibigan ni Troy na doctor.He checked Freeshia’s arms at sinuri iyon.“Kamusta ang pakiramdam mo ngayong umaga, Ms. Alt