Pauwi na si Lance ngayong hapon mula sa biyahe niya sa Cebu. Hindi nga niya nasamahan si Freeshia sa interview nito sa isang TV station dahil hindi niya pwedeng ipagpaliban ang ocular inspection sa site.Nalaman din niya ang tungkol sa pagpapalit ng questions kay Freeshia at labis niya itong ikinabahala. Talagang desido ang kung sino mang tao na saktan si Freeshia.Napanuod ni Lance ang interview and he couldn’t help but to be proud of Freeshia dahil naitawid nito ang interview sa kabila ng lahat.Maraming nagbigay ng magandang komento sa kanya at sa pagiging malakas niya despite being broken.Marami ang pumuri kay Freeshia dahil sa kabila ng pinagdaanan nito, naging matatag siya at nabuong muli ang sarili niya. Idagdag pang naging sikat na modelo ito sa New York.Ang alam ni Freeshia , bukas pa siya uuwi kaya naman excited siya na surpresahin ito.Dumaan muna siya sa isang flower shop para bumili ng bulaklak and of course, hindi niya nakalimutan ang paborito ni Freeshia na ripe mango
Ngayon ang schedue ni Freeshia para sa shoot ng LDV residences. Hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya dahil na rin sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya.Maganda ang takbo ng career niya at sobra ang saya niya dahil na rin sa maayos na takbo ng relasyon nila ni Lance ngayon. At ipinapakita talaga nito sa kanya ang pagmamahal at pag-aalaga na hinahanap niya noon.Even Troy is happy dahil nakikita niya na masaya ang kaibigan niya. At alam ni Freeshia na yun lang ang gusto nito para sa kanya. At masaya din siya for him dahil nakikita niya na going strong sila ni Herea.“So anong plano mo pagkatapos nito?” tanong ni Troy habang nagpapahinga sila dito sa studio since inaayos pa ang susunod na setNakabantay naman sa paligid ang security ni Freeshia lalo na si Angel na siyang naging personal assistant niya.“Gusto ni Lance na magpakasal na kami after ng projects ko sa corporation.” sagot naman ni Freeshia sa kaibigan Lumapit naman si Angel at inabot kay Freeshia ang wate
Nasa penthouse na sila Lance at Troy and Freeshia is already sleeping matapos nila itong maiuwi.Habang palabas sila ng studio ay nagsimula na naman ang tantrums ni Freeshia nang makita ang mga tao sa paligid.Pinagtatawanan daw kasi siya ng mga ito ayon kay Freeshia at sinenyasan na lang ni Lance ang mga tauhan niya na huwag na itong pansinin.“Bro, hindi na maganda itong nangyayari kay Freeshia!” nag-aalalang sabi ni Lance kay Troy at ganun din naman ang nararamdaman niyaKanina, habang nakikita niya si Freeshia ay naaawa siya dito lalo pa at para na itong may diprensya sa isip dahil sa paghehele niya sa baby na nakikita niya.“Alam ko Lance! Bakit ba nangyayari ito kay Freeshia? Hindi naman siya ganito dati? Isa pa, wala naman siyang problema! In fact, ang saya-saya niya kanina dahi pinaguusapan namin ang tungkol sa kasal niyo.” “Kailangan na ba natin siyang patignan sa doktor?” tanong pa ni Troy kay Lance kaya nasapo nito ang batok niya habang nakatingin siya sa sahig“Hindi ko
Maagang nagising si Lance kinabukasan o mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog agad sa labis na pag-aalala para kay Freeshia.Hindi din niya maintindihan kung ano ang nangyayari dito at kung bakit pabago-bago ang ugali nito.Nagkakape na siya since magluluto siya ng almusal para kay Freeshia at nandoon ang panalangin niya na sana maging maayos na siya ngayong umaga.He was scrolling his socials at naagaw ang pansin niya sa isang post na sangkot si Freeshia.IS MALAYA ESPRIT’ GOING NUTS???Kalakip ng post ang isang amateur video na kuha noong magsimula ang tantrums ni Freeshia.At kahit maaga pa, tinawagan niya ang contact niya para utusang tanggalin ang kumakalat na post online.Mabuti na lang ay sumagot ito at sinabing gagawan niya ng paraan ang problema.“Do everything para matanggal yan! Ayokong mas madepress si Freeshia!” utos ni Lance dito“I’ll do my best sir lalo pa at marami ng nag-share ng video! Mahirap na din i-trace ang account ng nagpost.” paliwanag ng kausap ni Lanc
Matagumpay na nakaalis ng penthouse si Lance at si Hera gamit ang chopper at naihatid sila nito sa helipad ng ospital kung saan naman nakaabang si Troy at ang dalawang nurse.Pagbaba ni Freeshia sa chopper ay isinakay siya sa wheelchair at agad na dinala sa isang suite na hospital.Pinagbihis muna si Freeshia ng hospital gown at saka siya pinahiga ng nurse para malagyan ng swero.“Skin test ko lang po si ma’am para malaman if may allergy siya sa gamot na isasaksak sa kanya mamaya.” sabi ng nurse as she started the procedureNakabantay naman si Lance sa bawat gawin ng nurse kay Freeshia dahil ayaw na niyang maulit na malusutan sila ni Celestine.Nagtataka din si Lance kung saan nakakuha ng suporta si Celestine kaya nagagawa nitong mag-finance ng tao para makagawa ng hindi maganda sa kanila ni Freeshia.Iniwan muna sila ng nurse at hindi naman nagtagal ay pumasok ang kaibigan ni Troy na doctor.He checked Freeshia’s arms at sinuri iyon.“Kamusta ang pakiramdam mo ngayong umaga, Ms. Alt
Nakauwi din noong hapon na iyon si Freeshia matapos na siyang mag-negative sa drugs sa mga blood test na ginawa ulit sa kanya.At gaya ng nauna, sa chopper ulit sila sumakay para makabalik sila sa penthouse. Nasa loob na ng penthouse ang mga pulis at nakapag set- up na din sila ng mga hidden cameras doon.“Huwag kayong mag-alala, basta sundin lang natin ang plano, malalaman na natin kung sino ang salarin sa pando-droga sayo.” sabi naman ng pulis na kausap nila“Okay naman ba kayo sa loob ng kwarto?” tanong ni Lance since limang pulis ang makakasama nila“Walang problema, Mr. Villavicencio, trained po kami kaya kahit nakatayo pwede kaming matulog.” sabi ng head ng operations na inassign sa kanila“Eh kaso sir, pasensya na kayo, napakialaman na ho namin ang kusina ninyo. Hindi ho kasi kami pwedeng lumabas para bumili ng pagkain.” sabi pa nito pero tinapik lang ito ni Lance sa balikat“Walang probema yan officer! Ako na ang magluluto ng dinner natin!” sabi pa ni Lance dito at nagpasal
“Nagsalita na ba?” tanong ni Troy the moment he arrived at the police station kung saan dinala si Angel matapos itong mahuli sa penthouse ni LanceNilapitan ni Troy ang kaibigan niya na nakabantay sa kwarto kung saan maririnig ang interrogation sa nahuli nilang si Angel.“As of now hindi pa!” frustrated na sagot ni Lance kay Troy dahil kanina pa niya gustong pasukin si Angel para siya na mismo ang magpaamin dito kung sino ang nag-uutos sa kanya na guluhin si FreeshiaGusto niyang makumpirma kung si Celestine ba ito o hindi.“Paano ba nakapasok sa security team mo yan? Nakausap mo na ba yung may-ari ng security agency?” tanong muli ni Troy kay Lance na napak na yata ang mga mata kay Angel“Tinawagan ko na kanina at sinabi ni Mr. Bersamin na pupunta siya mismo dito para makita ang babaing yan.” sagot naman ni LanceAs if on cue, dumating naman ang hinihintay ni Lance na si Mr. Bersamin. Nakipagkamay ito kay Lance at saka niya sinilip ang sinasabing empleyado niya na gumawa ng kasalanan
Lakad ng lakad si Freeshia sa sala ng penthouse habang hawak ang telepono niya. Hindi siya mapakali dahil kanina pa siya naghihintay ng update mula kay Lance pero wala siyang natatanggap mula dito.Gustong-gusto na niyang malaman ang katotohanan at kung si Celestine nga ang utak sa lahat ng ito, hinding- hindi niya ito mapapatawad.Oo nga at may kasalanan si Lance sa nangyari pero maging siya ay may pagkakamali din. Ginamit nito ang nararamdaman ni Lance para magkaroon ng makakapitan.Naaawa siya sa nangyari kay Celestine dahil sa ginawa sa kanya ng kinakasama niya pati na rin sa sinapit ng anak niya ngunit hindi naman dahilan iyon para gumawa ka ng mali sa iyong kapwa.At malinaw na ginagawa iyon ni Celestine sa kanila. Gumaganti siya para sa mga nangyari sa kanya pero hindi ba at sariling desiyon naman niya ang nagdala sa kanya sa ganun sitwasyon?Naputol ang pagmumuni muni ni Freeshia nang marinig niyang tumunog ang safety lock ng pinto. Alam niyang si Lance na ang dumating dahil s
“Ano bang problema niyang si Ralph? Bakit ba galit na galit siya sa akin?!” tanong ni Kute nung mailapag na siya ni Carlitos sa kama matapos siyang buhatin nito at ilayo sa galit na galit na si Ralph“Carlitos, babalik na lang ako sa bar kesa naman ganito! Wala akong ginagawa sa kanya pero sobra na ang ginagawa niya! Nagkakapisikalan na!” dagdag pa ni Kute habang umiiyak siyaNilapitan naman siya ni Carlitos na galing sa labas. May dala itong basang bimpo at icepack na rin para sa mukha ni Kute.“Mas gugustuhin mo pa ba doon, Pen?” tanong naman sa kanya ni Carlitos na hindi naman sangayon sa gusto niya“Kesa naman ganito! Doon walang mananakit sa akin!” sinapo ni Kute at mukhan niya sabay hagulgol para maging mas kapani-paniwala ang drama niyaPero sa totoo lang, masakit ang mga tinanggap niyang sampal mula kay Ralph at panigurado, magkakapasa ang mukha niya pero okay lang yun. Parte yan ng trabaho!Kung hindi lang, sisigurihin niyang hindi na sisikatan ng araw ang lalaking iyon.“Kin
Pagkatapos ng mainit na tagpo ni Kute ay Troy ay nagpasya ang una na magpamasahe muna sa Spa ng resort na ito.Pakiramdam kasi niya, binugbog yata ang katawan niya dahil na rin sa tindi ng intensity ng pagtatalik nilang dalawa.They made love thrice dahil tila hindi kayang patirin ng isang beses ang pagkauhaw nila sa isa’t-isa.And for Troy, this woman is really made for her! And he can’t wait for the time na makakasama na niya si Kute ng panghabang buhay.Marami na siyang plano sa isip niya and he feels so excited just by thinking that Kute will be his wife.“Saan ka galing?” tanong ni Jorge kay Troy nung pumasok ito sa opisina niya“Nakatulog ako, pare! Masakit kasi ang ulo ko!” pagdadahilan niya at hinilot pa niya ang sentido niya para magmukhang kapani-paniwala sa mata ni Jorge“Inuman mo na ng gamot yan, mahirap magkasakit! May blessing pa tayong paghahandaan!” paalala ni Jorge sa kanya Nagpa-schedule kasi siya ng blessing ng resort sa Sabado at sa makalawa na iyon. Binanggit n
Nang makarating si Kute sa resort ay pinaalis na niya si Jazz dahil magbabantay daw ito sa mansion ni Carlitos. Nag-message na siya kayTroy na darating siya at sinabihan naman siya ng binata na dumeretso sa Villa niya.Pumasok na siya sa resort at dahil kakilala na siya dito ay malaya siyang nakapunta sa Villa ni Troy. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na siya at naupo muna siya sa couch para mag-messag ky Troy na nandito na siya.‘I have a short meeting but I will be there in a few! I love you!’Napangiti si Kute sa message ni Troy at habang naghihintay ay nagbasa muna siya ng magasin na nakita niya sa centertable. After half an hour, dumating naman si Troy at agad siyang niyakap nito nung salubungin niya ito. “How are you?” tanong ni Kute nung makaupo na sila sa couch“I am okay! Terribly missing you and may konting tampo!” sagot naman ni Troy kaya napakunot ang noo niya“Bakit ka naman nagtatampo?” tanong niya kaya hinawakan ni Troy ang kamay niya and brought it to his lips“Bec
“Good morning!” masayang bungad ni Kute sa dining area nung umagang iyonNasa mesa na si Carlitos at si Ralph kaya naman as usual, umasim na naman ang mukha ng huli lalo ng dampian ng halik ni Kute ang pisngi ng nobyo niya.“Good morning, Pen!” sagot nito na very uneasy naman dahil nakayap mula sa likuran niya ang dalaga“Maupo ka na, have breakfast!” utos pa ni Carlitos sa kanya kaya naman bumitaw na siya sa pagyakap dito“Kamusta naman yung pagca-casino niyo?” tanong ni Kute nung makaupo na siyaNasa puno ng mesa si Carlitos at nasa gawing kanan si Ralph kaya sa kaliwa siya pumwesto. Nakaharap siya kay Ralph at bilang inis na inis ito sa kanya. lalo niya itong aasarin.“May lakad ka ba? Bakit maaga kang nakabihis?” tanong ni Kute kay Carlitos“Luluwas kami ng Manila, Pen! May aasikasuhin lang ako sa negosyo kasama si Mr. Cheng!” sagot ni Carlitos sa kanya“Sasama ako?” malambing niyang tanong at nakita pa niya ang makahulugang tinginan nito at ni Ralph“Maiwan ka na lang dito, Pen!
Nakayakap si Kute kay Troy matapos ang mainit na tagpo na naganap kanina lamang habang pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga. Para kay Kute, it was magical!They made love at hindi lamang katawan nila ang naging isa pero pati na rin ang kanilang mga puso.“Mahal na mahal kita!” bulong ni Troy kaya napatingin si Kute sa kanyaHinawi ng binata ang mga hibla ng buhok ni Kute saka niya hinaplos ang pisngi nito.“Troy….” saway ni Kute dito dahil nahihirapan siya kapag nakikita niyang ganito ang binata“Alam ko at nararamdaman ko na mahal mo din ako, Kute! Nakikiusap ako sa iyo, umalis ka na diyan! Let’s start a new life together!” sabi ni Troy pero umiling sa kanya si Kute“Hindi ko alam kung makakalis pa ako sa samahan, Troy! At hindi ko alam kung matatanggap mo pa ba ako kapag nalaman mo kung ano ang mga nagawa ko dati para sa samahan!” sagot ni Kute“Hindi ko na iniisip ang mga iyon dahil nakaraan na yun. Isa pa, you didn't have a choice back then but now, I am giving you a choic
Malaki at marangya ang bahay ni Mayor Robert Alcaraz, ang kasalukuyang punong bayan ng Mandaue at siyang may kaarawan ngayong araw na ito.Nakahawak si Kute sa braso ni Carlitos at nakasuot siya ng pulang evening gown na bumagay sa maputi niyang kutis. Nakalitaw ang likod niya kaya naman agaw-pansin siya ngayong gabing ito.Nasa likod naman nila si Ralph na syempre pa, nakasimangot na naman at tila pasan ang bigat ng buong mundo.“Happy birthday po, Mayor!” masayang bati ni Carlitos sa may kaarawan at inilahad nito ang kamay niya dito“Salamat Carlitos!” sagot naman niya at matapos nilang magkamay ay niyakap nila ang isa’t-sa“Gago! Mas matanda ka pa sa akin!” natatawang sabi ni Mayor habang tapik nito ang balikat ni CarlitosWell obviously magkakilala ang dalawang ito at mukhang malalim ang pinagsamahan nila.“Robert, this is Penelope, my girlfriend! Pen, this is Robert, but of course kailangang tawagin mo siyang Mayor!” sabi ni Carlitos habang nakipagkamay naman si Kute dito‘Happy
Gusto sanang umiwas ni Kute dahil natanaw niya si Troy na may kasamang isang magandang babae pero dahil huli na at nakita na di siya nito ay wala na siyang magawa.Hindi niya mapigilang masaktan pero pilit niyang binalewala iyon dahil wala naman siyang karapatan lalo at tinalikuran niya na si Troy.She faked a smile at nakita niya ang inis sa mukha ni Troy nung magkasalubong na sila.“Hello Mr. Celestino!” bati niya dito kaya lalong umasim ang mukha nitoNakatingin naman sa kanya ang babae from head to foot kaya medyo intimidated siya.“Hello!” matabang na sabi ni Troy sa kanya and it killed her nung akbayan ni Troy ang babaeng kasama nitoPero dahil magaling siyang magtago ng emosyon ay nagmukhang balewala sa kanya ang gesture ng binata sa babae.“By the way, this is Phia, Phia this is Kute! Kaibigan siya ni Jorge!” pakilala ni Troy sa dalawang babae Parang piniga ang puso ni Kute sa paraan ng pagpapakilala ni Troy sa kanya. Kaibigan ni Jorge!Ni hindi man lang sinabi na kaibigan n
“Hanggang kailan mo ba balak itago yang babae na yan?” tanong ni Ralph kay Carlitos habang nasa library sila Napaangat naman ang tingin ni Carlitos dito saka siya napailing. “Why are you so caught up with Pen, Ralph? Nakita mo naman na sumunod siya sa pinagawa ko hindi ba?” sagot niya ditoBuhat kasi nung kunin niya si Penelope sa kanyang bar ay hindi na ito tumigil sa pagkontra sa kanya. At nung pasukin ng kung sinong tao ang bodega nila ay ito agad ang pinaghinalaan niya.Mabuti na lang nagawa nilang ilipat ang mga itinatago nila doon kaya naman nung magkaroon ng inspection ay wala ng inabutan doon ang mga pulis.“Takot na takot nga siya, nakita mo naman, hindi ba?” dagdag pa niya pero hindi talaga maalis sa isip ni Ralph ang pagdududa“Relax! Masyado kang nerbyoso! Hindi ang katulad niya ang magpapabagsak sa akin kung sakali! Isa lang siyang pok pok na kinuha ko sa putikan!” matapang na sabi ni Carlitos kaya hindi na nagsalita si RalphLumabas na siya at nakita naman niya na pa
Namangha si Kute nung makita niya ang mansion na pinagdalhan sa kanya ni Carlitos. Hindi naman nakapagtataka na makapagpatayo siya ng ganito lalo pa ay marami itong negosyo. Yun nga lang, may halong illegal ang mga ito at yun ang dahilan kung bakit malapit na ang araw ng pagbagsak nito.“Ihahatid na kita sa guest room!” sabi niya kay Kute kaya naman kulang na lang mapailing siya sa harap nito“Bakit hindi na lang sa kwarto mo ako matulog?” malambing na tanong niya dito at humilig pa siya sa dibdib nito“Pen, hindi pa naman tayo kasal! Saka na yun kapag isa ka ng dela Vega!” sagot sa kanya ni Carlitos pero sa loob-loob ni Kute, nagpapasalamat siya sa bagay na iyon“Okay ikaw ang bahala!” sabi na lang niya at saka niya hinalikan ang pisngi nito Dinala siya ni Carlitos sa guestroom na nasa ikalawang palapag at kunwari ay tinanong niya ito kung nasaan ang kwarto niya.“Nasa baba ang kwarto ko, Pen! Mas gusto ko doon dahil minsan sumasakit yung pilay ko!” paliwanag sa kanya ni CarlitosT