Nilingon ni Kute ang nasusunog na bahay bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon. Kanina, pinahirapan niya muna si Ralph ng todo para maipaghiganti ang mga babaeng sinaktan nito ng dahil sa kanyang buktot na pagmamahal para kay Carlitos.Halos hindi na makilala ni Kute si Ralph matapos niyang parusahan ito at habang buhay pa ito at humihinga, sinimulan na niyang sabuyan ng gasolina ang bahay. Panay ang ungol ni Ralph dahil alam na niya ang gagawin ni Kute pero dahil nakatali siya at hinang-hina, wala na siyang magawa kung hindi hintayin ang kamatayan niya.Mabilis na pinaandar ni Kute ang motorsiklong dala niya at bago siya umalis ay nakausap na niya si Jazz na nasa mansion na. Okay pa daw ang lahat at hanggang ngayon natutulog pa rin daw si Carlitos.Sa resort ni Troy siya nagpunta dahil tinawagan niya na ito kanina pa. Miss na miss na niya si Troy at konting panahon na lang, makakasama na niya ito. Konting tiis na lang, magagawa na nila ang plano para mailigpit si Carlitos dela
Kagabi pa tawag ng tawag si Troy kay Kute pero nakapatay ang telepono nito. He was worried lalo na nung mabasa niya ang mensahe nito kagabi na para bang nagpapaalam.Halos ibalibag niya ang kanyang telepono out of frustration idagdag pa ang pag-aalala niya.‘Kute don’t do this to me’ bulong niya habang sapo ang ulo niyaAt wala siyang magagawa ngayon kung hindi ang magdasal na sana, makabalik sa kanya ang babaeng mahal niya.Kung kay Herea nakaya niya, baka ngayon, tuluyan na siyang bumigay kung mawawala din ito sa kanya.Nakarinig siya ng katok mula sa labas kaya napilitan siyang tumayo lalo at malakas ang paraan ng pagkatok ng kung sinong taong nasa likod ng pinto.“Pare…” hinihingal na sabi ni Jorge habang papasok ito sa pinto nung tuluyan niya itong buksan“Napano ka?!” tanong ni Troy sa kaibigan niyaTinabihan niya ito sa couch matapos niya itong abutan ng tubig. Para kasing tumakbo ito ng kay layo-layo.“Alam mo na ba ang balita?” tanong ni Jorge sa kanya matapos niyang uminom n
“Congrats Pare!” Niyakap ni Troy ang kaibigan niya matapos ang seremonyas ng kasal nila ni Mae na ginanap sa isang simbahan na malapit sa resort. Masaya naman din siyang niyakap ni Jorge dahil malaking tulong sa kanya si Troy noong inaasikaso nila ni Mae ang kanilang kasal.“Salamat Pare! Sana sa susunod, ikaw naman ang ikasal!” sabi pa niya kaya tinapik na lang ni Troy ang balikat niya“Ikaw talaga! Okay na akong ganito! Huwag mo na akong intindihin!” sagot naman niya sa kanyang kaibiganTatlong taon na rin ang nakakaraan at hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ni Troy na okay na talaga siya matapos ang pagkawala ni Kute sa buhay niya.Siguro kasi, may isang parte ng puso niya na umaasa na sana, isang araw, babalik pa rin sa kanya ang dalaga. Na tutuparin nito ang kanyang pangako pero kapag iniisip niya kung gaano na katagal siyang naghihintay, unti-unti ng nawawala ang pag-asang pinanghahawakan niya.“Pare, tatlong taon na din naman! Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan mo
Dahil bagong kasal si Jorge ay umalis ang mga ito ng bansa ni Mae para sa kanilang honeymoon.Sa Netherlands sila magtutungo at regalo sa kanila iyon ni Aliyah at ng Daddy niya.Naging mabuti din sa kanila ang Daddy nito palibhasa ay madalas silang imbitahan ni Aliyah sa mga okasyon sa kanilang tahanan.Her Mom is also great at welcome na welcome din sila dito dahil may taga-tikim daw siya sa mga bagong recipes niya.Paluwas siya ng Manila ngayon dahil may kailangan siyang asikasuhin at isasabay na din niya ang pagdalaw sa mga kaibigan niya.Nakarating naman na sa resort niya si Freeshia at si Lance last year for the summer at tuwang-tuwa nga dito ang anak nila na si Gabriel at si Lavander. Kasama nila si Damon at Mint pati na ang kambal na anak nilang si Ashley at si Anton.May ibinilin lang siya sa manager ng resort na si Zaldy bago siya nagpahatid sa airport for his flight.After two hours ay nakarating na siya sa Manila at buhat doon at nag-taxi na siya papunta sa unit niya. Na
“Ate!” masayang salubong ni Aliyah sa bagong dating na babaeSi Troy naman ay nabato na sa kinatatayuan niya mula sa pagkakatitig sa kapatid ni Aliyah.“Kute…” mahinang bulong niya at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ng malakasNapakurap lang siya nung kumapit sa braso niya si Aliyah at hilahin para ipakilala sa taong sinundo nila.“By the way, ate, this is Troy Celestino, special friend ko. Troy, siya si Ate Isadora, yung kapatid ko! And of course. ang cute na pamangkin ko, si Basty!”Ngumiti si Isadora sa kanya saka niya inabot ang kanyang kamay. “Nice meeting you, Troy! Call me Isa!”Pilit pinaglabanan ni Troy ang kagustuhan niyang yakapin ang babaeng nasa harap niya ngayon.At isa lang ang naglalarong tanong sa isipan niya, yun ay bakit hindi siya kilala ni Kute, rather than Isadora.“Wait, have we met before? You look familiar?” tanong pa ni Isadora sa kanya kaya si Aliyah naman ang nagsalita“Well, baka kilala niya yung boyfriend mo ate! Pasensya ka na Troy, hindi
Nakabalik na si Troy sa Cebu mula sa lakad niya sa Maynila at kulang na lang talaga hilahin niya ang oras para mas mapadali ang pagtigil niya dito. Gustong -gusto na niyang makauwi sa Cebu dahil balak niyang dalawin si Isa sa bahay nila. NAndoon ang pananabik niyang makitang muli ang babae pati na ang anak niya.Yes! He definitely believes na anak niya si Basty.Hindi lang niya natitigan ng mabuti ang bata pero nakasisiguro naman siya na kahit papano may features siya na nakuha ng bata.At dahil wala pa si Jorge ay sinarili niya muna ang excitement na nararamdaman niya. Wala namang nakakaalam dito ng tungkol sa kanila ni Kute, maliban kay Jorge. Hindi lang niya alam kung nabanggit na ba ito ni Jorge kay Mae bilang mag-asawa naman na silang dalawa.Siguro kailangan lang niyang sanayin na ang sarili niya tawagin siyang Isa pero kapag kumportable na ito sa kanya, unti-unti ipapaalala niya dito si Kute. Sumakay na siya ng kotse niya at bago siya makarating sa bahay nila Aliyah ay duma
Nasa kwarto na si Isa at hanggang nagayon, hindi siya makapaniwala sa nangyari kanina. Totoo ba na siya ang pakay ni Troy Celestino kanina at hindi ang kapatid niya? Napailing siya dahil ayaw niya ng problema lalo at kakabalik lang niya.Pero bakit ganun? Bakit parang pamilyar talaga sa kanya si Troy? Posible kayang kakilala siya nito noon? Pero imposible naman siguro yun dahil kung totoong kakilala siya ni Troy, sana sinabi na nito kanina, hindi ba!Napailing na lang siya! Basta ang alam lang niya, hindi niya pwedeng ientertain si Troy dahil masasaktan ang kapatid niya.Napalingon si Isa sa pinto at nakita niyang papasok si Aliyah bitbit ang bulaklak na dala ni Troy. She was all smiles kaya nginitian din ni Isa ang kapatid niya.“Grabe, ate! Ito na yun! Finally, narealize na ni Troy na ako ang babaeng para sa kanya!” Aliyah said with those dreamy eyes “Well that’s good!” maikling sagot niya sa kapatid niya“Ate, anong good! Hindi lang ito good! Alam mo bang never akong binigyan n
Gabi ng party and everyone is excited para sa okasyong inilaan ng mga Arguelles para kay Isadora. And Isa felt happy dahil sa pagbibigay sa kanya ng importansya ng pamilya ng kanyang Mommy.Punong abala si Aliyah at halos lahat ng mga malalaking tao dito sa Cebu ay dadalo para sa welcome party niya.Maganda ang ayos ng hardin at nakahanda na din ang Catering service na pinili ng Mommy niya para sa gabing ito.“Ready ka na ba, anak?” tanong ng Mommy niya habang papasok ito sa kanya kwarto“Opo!” sagot niya habang nakatingin siya sa kanyang sarili sa salaminLumapit naman ang Mommy niya at niyakap siya mula sa likod habng nakatingin din sa salamin.“Ang ganda-ganda ng anak ko!” nakangiting sabi ng Mommy niya sa kanya“Thank you, Mommy!” masayang sagot naman nito“Kulang na kulang pa yan sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo anak! Kung sana, naiba ang sitwasyon, hindi sana tayo nagkahiwalay!” sabi pa nito sa kanya“Mommy, tapos na po yun! Ang mahalaga po, nahanap ninyo ako!” tumango ang Momm
BOOK 3HEREA’S REDEMPTIONNapahinga ng malalim si Herea nung tuluyan ng tumuntong ang paa niya sa labas ng correctional kung saan siya nakulong.Sa loob ng limang taon, nanatiling tahimik ang buhay niya habang pinagdurusahan ang sintensya niya. At dahil sa ipinakita niyang pagbabago sa loob ay nabigyan siya ng parole ng Pangulo ng bansa kaya naman bumaba ang sintensya niya at ngayon nga ay tuluyan siyang nakalaya.Naputol ang pagmumuni-muni niya nung may kotseng huminto sa harap niya. Nahawakan pa niya ng mahigpit ang bag niya habang pilit sinisilip ang taong nasa loobb ng sasakyan.Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo. His hair neatly brushed up at nakasuot din ito ng shades. “Herea Sevilla?” tanong nito kay Herea kaya naman nagtaka pa siya kung sino ito“Ako nga! Sino ka?” balik tanong niya din dito“Adam Policarpio! Anak ako ng abogado mo and he instructed me to pick you up dahil may meeting pa siya.” sagot naman nito pero nagdalawang-isip pa siya“Oo
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Troy dahil matapos ang ilang buwang paghihintay, ikakasal na sila ni Isa, ang babaeng nagpabago sa buhay niya.Sa resort siya natulog noong gabing nagdaan at dito na din siya manggagaling papunta sa simbahan for their wedding.Nakahanda na din ang resort dahil pinili ni Isa na dito na lang gawin ang reception lalo at malalapit na kaibigan lang nila ang imbitado sa kasal.Nagpadala si Isa ng invitation sa kanyang mga pamilya last month pero nabalitaan na lang niya na umalis daw ang mga ito, one week before the wedding.At masakit iyon para sa kanya dahil ibig sabihin, hindi pa rin siya napapatawa ng mga ito.Nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ni Troy at maganda naman ang naging ayos nito lalo at katuwang ni Isa si Freeshia.Naging close ni Isa si Freeshia at si Mint dahil talaga namang mababait sila pati na din ang mga asawa nito.And of course, kasama sa wedding entourage ang mga ito.“Tara na bro! Nakakahiya namang mauna pa si Isa sa s
Kinabukasan after their lunch ay dumating naman ang yaya na nirequest ni Troy sa isang kilalang agency dito sa Cebu. Mukha naman itong mabait at magiliw din sa bata kaya naman nakasundo agad ito ni Basty. Taga-Cebu din siya at bente-tres anyos na din ito.“Dati ka na bang nag-alaga ng bata?” tanong ni Isa kay Lily habang hinihintay nito si Troy“Opo Ma’am! Dalawang taon din po akong naging Yaya kaso po umalis na sila dito.” kwento naman ni Lily“Hindi naman mahirap alagaan si Basty, Lily! Yun nga lang, medyo malikot na siya ngayon! Gusto niya lakad ng lakad!” masayang sabi ni Isa habang nakatingin kay Basty na naglalaro sa carpeted na sahig“Talagang ganun po basta ganyang edad, Ma’am! Pero mukha naman nga pong mabait si Basty at mukhang magkakasundo po kami!” pahayag naman ni LilyNakita niya na palabas na si Troy sa kwarto kaya naman tumayo na asiya at nagpaalam sa kanyang anak.“Basty, mommy and Daddy is going out okay! You behave while you are with Yaya!” sabi niya sa kanyang ana
“So paano ba yan, Cassie? Maiiwan ka na ba talaga dito?” tanong ni Marge dito nung makarating sila sa resort para ihatid si BastyAlam na nila na nakakaalala na ang kanilang kaibigan at dahil nadakip na si Mayor Arthur ay tila alam na nila ang susunod na mangyayari.“Nag-usap na kami ni Troy, Marge! Gusto ko namang mabuo ang pamilya ko at maranasan ni Basty na magkaroon ng ama!” pahayag ni Isa“Well, kung yan ang gusto mo, igagalang namin yan. Just always take care of yourself okay! At kung may kailangan kayo, huwag kang magalinlangang tumawag sa amin!” sagot naman ni Greg na noon ay kausap naman si Troy“Thank you for everything! Sa pagliligtas ninyo sa amin and of course sa pagbabantay kay Isa!” ani Troy sa mga kasamahan ni Isa“Oo naman! Parte ng grupo si Cassie kaya kailangan naming gawin yun! Nakakalungkot nga lang kasi mawawalan na kami ng magaling at matinik na tauhan.” ani Greg sa kanya“Noon ko pa naman gusto na magbagong buhay na, Greg! At si Carlitos nga ang huling misyon k
Kinalagan agad ng mga pulis na dumating si Troy at yung iba naman ay hinuli at pinosasan si Mayor Arthur pati na ang ibang tauhan na nadis-armahan ni Amethyst mula sa taas.Hindi na sila nakita ni Isa kaya alam niya na nakalayo na ang mga ito bago pa man dumating ang mga pulis.“Pakawalan niyo ako! AKo ang Mayor ng bayan na ito! Bakit ninyo ako hinuhuli?” pagmamatigas pa ni Mayor Arthur pero hindi naman nagpatinag ang mga pulis na dumadakip sa kanyaBinasahan siya ng kanyang mga karapatan bago siya tuluyang ilabas sa kwartong iyon pero panay pa rin ang pagsigaw niya.“Hindi ninyo ako maikukulong! Ako ang Mayor ng bayan na ito!” “Mayor, malakas ang ebidensiya namin sa iyo for kidnapping and attempted murder! Kung inosente ka talaga, patunayan mo yan sa korte!” sabi ng isang pulis kaya naman lalong nagwala si MayorSunod namang pumasok ang mga rescue team at agad nilang inalalayan si Troy para i-check ang mga natamong sugat nito at ganun din kay Isa. Isinakay sila sa ambulansya at a
Hinalikan ni Isa si Basty ng matagal at mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Hindi niya tiyak ang mangyayari pero nandoon ang pag-asa na maliligtas niya si Troy.Nangyari na nga ang kinatatakutan nila at hindi nila akalain ang mabilis na pagkilos ni Mayor Arthur para makuha siya.At iyon ay gamitin nga si Troy para lumitaw si Isa.“Anong plano?” tanong ni Amethyst kay Greg na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga sandata“Maiiwan kayo dito ni Marge. Kami na ni Jazz ang kikilos!” sabi ni Greg pero hindi pumayag si Amethyst“Sasama ako! Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang kikilos! Tandaan ninyo, may amnesia si Cassie at baka pati ang pakikipaglaban ay nakalimutan na niya!” ani Amethyst Nagkatinginan naman ang dalawang lalake at mukhang naisip nila na may punto si Amethyst.Kakailanganin nila ng pwersa lalo at marami tiyak tauhan si Mayor.“Sinend na ni Mayor ang location!” sabi ni Isa kaya agad namang tinignan ni Greg ang locationMamayang gabi, alas diyes, kailangang magpunta ni
Hindi na mapakali si Troy sa hindi pagsagot ni Isa ng telepon niya kaya naman agad siyang umalis sa resort para puntahan ito sa mansion ng mga Arguelles. Pagdating niya doon ay pinapasok naman siya agad ng kasambahay at itinuro siya nito sa garden kung saan nandoon si Aliyah.‘“Ali!” tawag niya dito at mula kanyang cellphone ay napaangat ang tingin nito sa kanya“Troy! This is a surprise! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ali pero wala siya sa mood makipag bolahan dito“Nasaan si Isa?” tanong niya pero nagkibit balikat lang ito“Hindi ko alam!” maikling sagot niya kaya naman agad niyang nilapitan ang kaibigan“Aliyah, please! Nakikiusap ako sayo! Ang sabi ng kasambahay ninyo pinaalis mo daw sila ni Basty! Hindi ka ba naaawa sa pamangkin mo? Wala silang pupuntahan!” galit na sabi ni Troy pero ni hindi nagbago ang matigas na ekspresyon ng mukha nito“Bakit ako maaawa sa kanya! Yan ang napapala ng traydor!” sagot sa kanya ni Aliyah“Hindi siya traydor, Aliyah, alam mo yan! Bago pa
Nakatingin lang si Isa sa apat na taong nasa harap niya ngayon. In the back of her mind, pamilyar sila pero hindi niya mahanap kung sino ang mga ito sa buhay niya.Dinala siya ng mga ito sa isang bahay na nasa dulo ng na yata ng Cebu pero nakakapagtaka na hindi na siya nakakaramdam ng takot habang kasama niya ang mga taong ito.“Wala pa rin siyang maalala kaya siguro, mas mabuti kung magpapakilala kayo!” sabi ni Berta sa mga kasama nila sa sala“First of all, hindi Berta ang pangalan ko! Ako si Amethyst at ako ang naatasan ng pinuno para bantayan ka!” pahayag nito sabay ngiti kay Isa“Ako si Greg! Ako ang kasama mo sa huling misyon mo at sa palagay ko, nabanggit na sayo ni Troy Celestino ang tungkol sa grupo.” pakilala naman ng lalaki na yumakap sa kanya kanina bago siya sumakay sa sasakyan“Welcome back, Cassie! Natakasan mo ang kamatayan! Sana lang magbalik na ang alaala mo para naman magtrabaho na tayo ulit! Ako si Jazz, remember?” anito kaya binatukan naman ito ng nagpakilalang
Walang tigil ang pagpatak ng luha ni Isa habng iniimpake niya ang kanyang mga gamit. Masama ang kanyang loob dahil sa pagpapalayas sa kanya ni Isa na hindi naman tinutulan ng kanyang ina.May pride siyang tao at hindi na niya kayang magtagal dito lalo pa at alam naman niya na ayaw na sa kanya ng kanyang pamilya.Hindi niya alam kung saan siya pupunta. At dahil wala naman siyang maalala, hindi niya alam kung may kamag-anak ba sila dito.Napatingin siya kay Basty at natutulog pa naman ito kaya minabuti na niyang bilisan ang pag-iimpake. She wants to get out of here as soon as possible!Nang maiayos na niya ang lahat ay siya namang pasok ng yaya ni Basty. Nakabihis ito at dala din nito ang gamit niya.“Berta?” nagtatakang tanong niya dito“Ma’am, sasama po ako sa inyo kung aalis kayo dito!” saad niya kaya napailing naman si Isa dahil agad niyang naisip na baka pinaalis din ito ng Mommy niya“Berta, pinaalis ka din ba nila?” galit na tanong niya pero umiling naman ito“Hindi po Ma’am! Nag