Apat na buwan na ang tiyan ni Freeshia at sa awa naman ng Diyos, idagdag pa ang todong pag-aalaga sa kanya ni Lance ay naging maayos naman ang unang trimester ng pagbubuntis niya.“The baby is healthy, Freeshia! So you don’t have to worry! Pwede ka ng tumayo at maglakad lakad but of course, kailangan pa ring mag-ingat, okay.” saad ng doktor ni Freeshia noong araw ng check-up niya“Opo doc! Tatandaan ko po yan!” masayang sagot ni Freeshia dito“That’s good! Eto ang bagong reseta mo since may dinagdag akong bagong gamot!” anang doktora saka nito inabot sa kanya ang isang papel“Ah doc, may I ask po, pwede na po akong bumyahe?” tanong no Freeshia sa doctor“Why sweetheart? You want to visit your parents?” tanong naman ni Lance“I was just thinking kung pwedeng umuwi na tayo sa Manila.” pahayag ni Freeshia kag Lance“Well, pwede naman since malakas na ang kapit ng baby!” sagot naman ng doctor“Let’s talk about it later! Anyways, doc, maraming salamat!” baling ni Lance at nakipagkamay siya
Mabilis na lumipas ang mga buwan at ngayon ang ika-walong buwan ng pagbubuntis ni Freeshia. Wala namang maging problema sa pagbubuntis niya at lubos na ipinagpapasalamat ni Lance at Freeshia ang bagay na iyon.Mula ng umalis sila sa resthouse sa Antipolo ay sa townhouse ni Freeshia sila tumuloy. Pinasimulan na ni Lance ang mansion nila ni Freeshia and hopefully, after their wedding ay makalipat na sila dito.Nasa sala si Freeshia at nagbabasa siya ng libro nang dumating si Herea.“Her!” masayang salubong niya sa kaibiganNakita niya na may dala itong box ng paborito niyang doughnut.“How are you?!” anito matapos niyang yakapin ang kaibigan“I am fine! Heto, kinakabahan!” pagtatapat niya sa kaibigan“Ano ka ba! Kaya mo yan! Ikaw pa ba?” pagpapalakas ng loob ni Herea sa kanya“Oo naman, Her! Hindi ko lang maalis sa isip ko ang matakot lalo at first time ko ito!” sagot niya sa kaibigan“You will be fine! Nandito lang kami!” sabi pa ni Herea“Nasaan nga pala si Troy? Bakit hindi mo si
Tahimik lang si Freeshia habang kumakain sila ng hapunan ni Lance. Nakaalis na si Mariel at kahit magkaharal sila sa dining table ay hindi sila nag-uusap na para bang pinapakiramdaman nila ang bawat isa.Nang matapos na sila ay pumasok na si Freeshia sa kwarto nila at kasunod naman niya agad si Lance.“Are you upset?” tanong ni Lance kay Freeshia na nakaupo muna sa gilid ng kamaHuminga ng malalim si Freeshia habang hinihimas ang tiyan niya.“Lance, alam ko naman na hindi mo pa kayang patawarin ang Mommy mo! Kaya lang sana huwag mo naman siyang itaboy na parang ibang tao siya!” pagsisimula ni Freeshia dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa kanina ni Lance sa Mommy niya“At ano naman ang gusto mong gawin ko, Freeshia? Do you want me to hug her and pretend that nothing happened?” bakas pa rin ang inis sa mukha ni Lance at naiintindihan naman iyon ni Freeshia“Lance, hindi sa ganun! I just hope na bigyan mo ng chance ang Mommy mo! She misses you at mukhang nagsisisi naman na siya!” paliw
Freeshia is so happy dahil sa hindi inaashang bisita niya noong hapon na iyon.“Her!” masayang sabi ni Freeshia at sa sobrang saya niya ay napatayo siya agad “Oh dahan-dahan lang!” natatawang sabi ni Herea at agad niyang sinalubong ang kaibigan“Baka nakakalimutan mo ha, buntis ka! Akala ko tatambling ka na!” biro ni Herea“Oh my God, Troy!” napatili si Freeshia nung makita niya si Troy“Hello Pumpkin! Na-miss mo ba ako!” nakangiting sabi nito saka niya niyakap si Freeshia“I missed the both of you! Grabe ang tagal niyong bumalik! Akala ko manganganak na ako’t lahat, wala pa rin kayo!” sabi ni Freeshia saka sila naupo sa couch“Hay naku, sisihin mo yang si Troy! Kung hindi ba naman kasi naaksidente edi sana, hindi ako umalis dito!” paninisi ni Herea sa nobyo “Babe naman, kasalanan ko ba yun? Mahal mo lang talaga ako kaya hindi mo ako matiis!” pang-aasar ni Troy kay Herea kaya inikutan siya nito ng mata“Ikaw naman kasi Troy, ano bang naisipan mo at nagdrive ka ng lasing!” sermon pa
Hindi pumayag si Lance na magmaneho si Damon dahil medyo naparami ang ininom nito.Masaya kasi ang naging kwentuhan nila lalo pa at pare-parehong maganda ang takbo ng lovelife nila.“Pasensya na sa abala, Randy!” sabi ni Mint dahil siya ang inutusan ni Lance na ipagmaneho sila ni Damon pabalik sa bahay nito“Naku Ma’am wala pong problema yan! Trabaho po namin ito!” masayang sagot naman ni RandyNakasunod naman sa kanila si Dindo dala ang kotse ni Lance para may masakyan sila pabalik ng townhouse.Pagdating nila sa bahay ni Damon ay nagpasalamat si Mint sa kanila. Nagpasalamat din naman si Damon bago sila pumasok sa loob ng bahay.Aasikasuhin muna ni Mint si Damon bago siya umuwi sa kanila.Inalalayan ni Mint si Damon na umakyat sa kwarto nito. Ilang beses na din naman siyang nakapunta dito kaya kabisado na niya ang lugar.Pero hanggang sa baba lang naman siya. Hindi pa siya nakakaakyat sa kwarto ni Damon and this will be the first time.“Mahiga ka na!” utos niya kay Damon nang maiupo
Nakaramdam si Freeshia ng pananakit ng tiyan ng nung gabing iyon. Nakahiga na sila ni Lance at kaninang hapon palang ay nakaramdam na si Freeshia ng paninigas ng tiyan. She called her doctor at sinabi nito that she is already in labor. At pinagbilin nito na if the pain intensifies, magpadala na ito sa ospital.“Baby..” ani Freeshia at tinapik nito si Lance Agad namang nagising si Lance dahil naka-alerto na ang utak niya na anytime ay dadalhin niya sa ospital si Freeshia.Biglang bumalikwas ng bangon si Lance as he heard Freeshia’s voice. “Sweetheart…” pupungas- pungas na sabi ni Lance“Masakit na yung tiyan ko! Pumunta na tayo sa ospital!” nakangiwing sabi ni FreeshiaNapatalon na si Lance sa kama at agad niyang hinagilap ang telepono niya. Nakaalerto na din kasi sila Randy since last week dahil kabuwanan na nga ni Freeshia.“Randy, ihanda niyo na ang mga gamit at ang kotse. Dadalhin na natin ang Ma’am niyo sa ospital!” utos niya sa mga itoBinalingan ni Lance si Freeshia na nakau
Tinawagan ni Lance ang kapatid niyang si Lander para asikasuhin ang labi ng kanyang anak. Hinihintay na lang niyang magising si Freeshia at hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat.Tulog pa rin si Freeshia pagpasok nila ni Troy sa kwarto at nakabantay naman dito si Herea.“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni Lance and Herea immediately shook her headAs if on cue ay nagising naman si Freeshia nang maupo si Lance sa tabi niya.“Baby…” naghihinang tawag ni Freeshia kay Lance“Hey sweetheart!” sagot naman ni Lance habang pinipigil ang luha niya“Nakita mo na ba ang baby natin? Narinig ko kanina, sabi ni doc, lalaki siya.” Hindi nakapagsalita si Lance kaya naman nagtaka si Freeshia.“Lance..hindi mo pa nakikita ang anak natin?” ulit ni Freeshia at naramdaman niya ang paghawak ni Lance sa kamay niya“Sweetheart…” tila may bikig sa lalamunan si Lance at hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagtatapat “Lance…bakit!? May problema ba? Nasaan ang anak natin?” t
Naging matatag ang relasyon ni Mint at ni Damon sa paglipas ng mga buwan at magkaganun man, hindi naman nagbago ang pagiging propesyonal nila pagdating sa trabaho.She still works as Damon’s assistant and by each day nakikita ni Mint kung paano siya mahalin at alagaan ni Damon.Naging close na din si Damon sa mga magulang ni Minr dahil present ito sa lahat ng family occasions ng mga Alegre.Palagi nga silang binibiro ng mga ito kung kailan ang kasal pero hindi pa nila napag usapan iyon lalo pa at madaming trabaho at naging busy sila sa trabaho.Noong ikaapat na buwan nila ay inaya ni Damon si Mint na mag dinner at doon ay muli siyang nag propose dito.Para kasi kay Damon, hindi maayos ang pagpo propose niya noon sa dalaga at gusto niya itong gawin ng maayos.Nagpagawa siya ng engagement ring na may malaking dyamante sa gitna na napapalibutan pa ng maliliit na kauri nito.Mint is so happy dahil hindi niya ito inaasahan and she said ‘YES’ for the second time.“Hindi ka na ba bababa?” t
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Damon dahil ngayon, magiging isa na sila ni Mint Shantal Alvarez. He us about to marry his first love! Ang tanging babae na nagpatiklop sa kanya at nagpabago sa kanya.At gaya ng gusto nilang mangyari ni Mint, magka pareha si Lance at Freeshia bilang isa sa mga abay sa kasal nila.Sinimulan na ang entourage at hindi mapigilan ni Damon ang kaba nang isara ng mga organizers ang pinto ng simbahan.Sobrang miss na miss na niya si Mint dahil tatlong araw niya itong hindi nakita since sumunod sila sa kagustuhan ng nanay ni Mint.Bawal silang magkita ng tatlong araw bago ang kasal at kahit hindi siya naniniwala sa pamahiin, sumunod na siya lalo pa at tinakot siya ni Niña.“Sige ka Damon! Ikaw din, baka hindi matuloy ang kasal kapag hindi ka sumunod sa pamahiin!” sabi sa kanya ni NiñaNatawa pa siya noong una pero nung makita niya na seryoso ang mukha nito, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.In his mind, mabuti na ang sigurado kesa maiwan siya sa ta
Simpleng dinner with the family and friends ang inihanda ni Freeshia at Lance sa townhouse para gunitain ang unang death anniversary ni Baby Gab.Dumating ang mga Villavicencio at Altamonte pati na din ang mga kaibigan nila na si Damon at Mint pati na si Herea at Troy.Masaya ang mga kaibigan nila dahil nakabalik na si Lance at napag-usapan nila over dinner na itutuloy na nila ang naudlot na kasal nila.“Naku sana naman, matuloy na yan!” sabi Freddie sa kanila“Matutuloy na po, Daddy! Hindi na po ako papayag na hindi!” sagot naman ni Lance sa Daddy ni Freeshia“That’s great news!” masayang sabi ni Mariel sa kanila“Finally!” masayang sabi ni Damon and Mint agreed“Pero mauuna muna kami ng honey ko! And hopefully, susunod na si Troy at Herea!” dagdag pa ni Damon Napangiti lang si Troy at si Herea forced a smile na halata naman ni Freeshia.Hindi pa lang kasi niya nakakausap si Herea para malaman kung may problema ba sila ni Troy.Masaya ang lahat and Freeshia couldn’t help but to be
Naimbitahan si Freeshia for an interview ngayon sa isang sikat na TV network dahil isa siya sa mga sikat na Interior designer at dating Fashion model ng bansa.Hindi naman binigo ni Freeshia ang management at agad siyang pumayag sa interview dahil gusto niyang mabigyan ng inspirasyon ang mga manonood sa mga pinagdaanan niya sa buhay.“How are you coping up, Ms. Altamonte? I mean, hindi biro ang pinagdaanan ninyo at hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang tungkol sa baby ninyo ni Mr.Villavicencio.” the host asked matapos nilang pag-usapan ang mga tanong nito tungkol sa trabaho“Masakit pa rin naman hanggang ngayon, Faye! Pero unti-unti, kinakaya ko dahil alam ko na yun ang gusto ng anak ko. Baby Gab wants me to remember him, but not in a painful way, but instead, a happy memory na hindi ko makakalimutan.” paliwanag ni Freeshia“So you mean naka- move on ka na?” tanong ulit ng host na si Faye“Hindi pa Faye! I mean, hindi naman madaling mag move-on sa isang masakit na pangyayari. M
“Hindi pa ba nagpaparamdam si Lance?” tanong ni Troy kay Freeshia habang pinapanuod nila ang pagsasayaw ni Damon at ni MintInvited sila sa anniversary ng kumpanya ni Damon at ang yopic nga nila ngayon ay si Lance.Npadako ang ang tingin ni Freeshia kay Troy saka siya malungkot na umiling.“Hindi ko alam kung babalik pa siya.” “Of course he will! Mahal ka niya at hindi ka matitiis ni Lance!” sabi pa ni Troy pero hindi sapat para mawala ang agam-agam sa loob niyaSomehow, she is scared na baka masanay si Lance na hindi na siya kasama.Paano kung may matagpuan siyang iba habang malayo sa kanya?Nawala na si Baby Gab pati ba naman si Lance mawawala na din?At wala naman siyang sinisisi kung hindi ang sarili niya dahil makasarili siya. At pinagsisihan na niya yun!“Nasaan nga pala si Herea? Bakit hindi siya nakapunta?” naalala ni Freeshia na tanungin si TroyShe heard Troy’s deep sigh kaya napakunot ang noo niya.“May problema ba kayo?”“Hindi ko na din maintindihan si Herea, Freeshia.
“So, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko? And what is your name again? Mint?” baling muli ni Mrs. Santiago sa kanya “Mother!” saway ni Damon sa Mommy niya lalo at nakikita niya na nagiging uneasy na ang nobya niya“Hay naku, Damon! Kahit kailan talaga, kontrabida ka!” inirapan ni Mrs. Santiago si Damon “Relax, kuya! Alam mo naman si Mommy, feeling niya artista pa rin siya!” natatawang sabi ni Hailey saka ito napatingin kay Mint“Sorry about that, Mint! Naikwento ba sayo ni Kuya na dating artista ang Mommy namin?” sabi pa ni Hailey pero si Mint, paiyak na at napansin iyon ni Mrs. Santiago“Oh iha, sorry! Did I scare you? Pasensya ka na!” nilapitan nito si Mint at niyakap“Mother, bakit naman ganyan! Muntik na akong layasan ng girlfriend ko!” himutok ni Damon pero inirapan lang siya ng Mommy niya“Heh! Tigilan mo ako, Damon! Let’s go Mint, marami tayong pag-uusapan!” sabi ni Mrs. Santiago sabay hila kay Mint at naglakad papunta sa mesaNapailing na lang si Mr. Santiago sa ginawa ng ma
Anniversary ngayon ng kumpanya ni Damon kabado bente si Mint dahil ngayon, makikilala na niya ang magulang ng nobyo niya.Uuwi ito mula sa states para dumalo sa anniversary party ng kumpanya at ito ang unang beses na ipapakilala siya ni Damon sa kanila.“Ready ka na?” Napalingon siya kay Damon nga ngayon ay nakabihis na and she can’y help but to admire his looks.Magaling talaga siyang magdala ng damit.“Yes! Okay na ako!”Tumingin pa ulit si Mint ng isang beses sa salamin at kuntento naman siya sa nakikita niya.Nakasuot ng pulang evening gown si Mint na pinagawa pa ni Damon sa isang sikat na designer sa ibang bansa. Ayaw sana ni Mint na bumili pa si Damon ng napakamahal na damit pero wala din siyang nagawa dahil ito ang nasunod.And then she realized na hindi nga naman pwedeng magsuot lang siya ng mumurahing damit lalo at si Damon ang kasama niya.He is a well-known businessman at kilalang social influencer kaya naman minsan, nanliliit si Mint sa sarili niya. But then Damon will s
“You are not listening!” sabi ni Herea kay Freeshia nang matapos ang meeting nila sa isang kliyenteIlang araw ng napapansin ni Herea ang pagiging absent-minded ng kaibigan kaya naman minabuti niya na itong kausapin.“May problema ka ba? Napapansin ko lately, wala ka sa sarili mo?” tanong ni Herea sa kaibigan ng silang dalawa na lang ang nasa loob ng meeting roomHindi naman akalain no Freeshia na mapapansin iyon ni Herea. Talagang matalas ang pakiramdam ng isang ito. She sighed saka siya malungkot na tumingin sa kaibigan niya.“Lance left!” aniya kaya napakunot ng noo si Herea“Work related?” tanong niya pero umiling lang si Freeshia“Bakasyon?” tanong niya ulit “I just wish ganun na nga!” sagot ni Freeshia “Eh ano nga?! Hindi ako manghuhula, Freeshia, utang na loob!” At dahil nakikita niya na naiinis na si Herea sa pagpapatumpik tumpik niya, napilitan na siyang ikwento dito ang nangyari.“Kailan pa yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Herea sa kaibigan niyaWala din kasing naik
Para makalimutan ang sakit sa pagkawala ng anak niya, minabuti ni Freeshia na bumalik sa trabaho noong maka makarecover na siya.Mas gusto niyang ituon ang atensyon sa pagttrabaho kaysa manatili sa bahay at lunurin ang sarili niya sa sakit at pighati.Bumalik siya sa Aesthetika para libangin ang sarili niya at para gawin ang first love niya, ang pagdidisenyo.Pinayagan naman siya ni Lance dahil ayaw din niyang makaramdam ng depression si Freeshia lalo kung nasa bahay lamang ito.Noong una naman ay okay lang kay Lance ang lahat kaya lang habang lumilipas ang mga buwan ay pakiramdam niya, nawawalan na ng panahon sa kanya si Freeshia.He tried to understand pero habang tumatagal ay hindi na niya nagugustuhan ang nararamdaman niya.Para bang hindi na siya kasali sa mundo ni Freeshia.Sa umaga madalang na silang magkasabay sa almusal. It’s either maagang umaalis si Freeshia dahil may early meeting ito o kaya naman aalis na siya pero tulog pa si Freeshia dahil puyat siya sa gabi sa paggawa
Sinimulan ni Damon ang paglilinis ng kwarto niya dahil yun ang gusto ni Mint!Hindi niya mapigilang mapamura dahil hindi niya ito ginawa sa tanang buhay niya! Pero dahil si Mint ang may gusto, wala siyang choice kundi ang sumunod. Baka nga totohanin nito ang pag-iwan sa kanya kapag hindi niya ginawa ang utos nito.“Sa guestroom lang ako Hon! Gisingin mo na lang ako kung tapos ka na at huwag na huwag kang mandaraya ha!” bilin ni Mint and he felt how his buddy flinch nang makita niya kung paano naglakad palayo si Mint sa kwarto niyaPara kasi siyang inaakit nito habang naglalakad siya. Kumuha pa ito ng T-shirt niya mula sa closet bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.Kaya naman minadali na ni Damon ang paglilinis sa kwarto niya. Tinanggal niya ang lahat ng binasag niya sa kwarto. Nag-vaccum pa siya ng carpet para siguruhing walang dumi o bubog na maiiwan doon. He also changed the beddings at talaga namang pawisan siya when he finally finished cleaning up.Inabot siya ng tatlong oras and