[Jane POV.]
Nandito ako sa harapan ng kompanyang pamilyar saakin pero hindi ko natatandaan.Dito raw kasi ako mag tatrabaho sabi ng sa agency na tumawag saakin kanina.Hmm, Hindi naman masama, Secretary? Ok na din. Atleast natanggap ako ng walang tulong nila dad.Pumasok nako at baka late nako.Para makapag simula narin ma orient.Pagkapasok ko nag tanong ako sa guard kung saan pupunta yung mag o'orient.Nang maituro nya ay pumunta nako.Pagkapasok ko dun.Aba marami pala kami talaga!Ok lang marami talaga sa panahon ngayon naghahanap ng trabaho para mabuhay at mabuhay nila ang kanilang mga pamilya.Kailangan na lang magpakitang gilas para matanggap agad ako.Nang matapos na ang orient pinauwi na kami at sasusunod na araw na kami mag magsimula.Binigyan lang kami ng kaunting instruction then tapos na!Nang papalabas na kami sa may exit parang may naaninag akong pigura!Pero hindi ako sure?Kung tao nga yun. Baka namalikmata lang ako.Kaya tinuloy ko nalang ang paglalakad at umuwi na para maka paghanda sa susunod na araw para sa napakaspecial na trabaho ko bilang secretarya ng CEO! Sana mabuti ito.Sana pogi. Huwag lang gurang! haha. Joke. Kahit anong klasing boss pa siya basta mabuti siya ay masaya nako sa trabaho ko.Habang nag mamaneho ng sasakyan ko ay bigla nalang siya pumasok sa isip ko.Hays! Pero kamusta na kaya siya?Sana magkita pa kami.Nang mapaliwanag ko sa kanya ang totoo. Na minahal ko talaga sya na hindi ko talaga sya gusto saktan at iwan.God ano ba to tong iniisip ko!Dapat huwag muna siya! Trabaho muna ang isipin ko saka na siya!___________________Nagising ako sa tunog ng orasan ko!Pagkamulat ko ay umaga na pala. Napatingin ako sa orasan at alas otso na ng umaga!Agad rin ako tumingin sa kalendaryo.OH MY GOD!!!Ito pala yung unang araw ko sa trabaho ko!Alas nuebe pa naman ang umpisa ko doon sa trabaho at 8:16am na!Kaya dali-dali ako bumangon at dumiretso sa banyo para maligo at mag ayos.After ilang minuto tapos nako mag ayos sa sarili ko.Tinignan ko ang oras at 8:45am na.Ganon lang ba kadali ang oras?Iba talaga pag nag tatrabaho ka!Ang bilis ng oras kapag papasok, pero kapag uwian ang tagal ng oras!Time is gold talaga kapag papasok.Wala akong magagawa dahil ginusto ko'to eh.Pagkababa ko galing kwarto naabutan ko pa si dad na nagkakape at nagbabasa ng newspaper.Tumingin ako sa paligid doon ko napansin wala pa din si kuya?Busy talaga sa kompanya?Ah oo nga pala may Bussiness trip pala yun sa Davao."Good Morning, Dad." bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya at umupo narin ako para makakain."Oh! Good Morning rin Anak." Bati nya rin saakin at sabay inom ng kape."At ngayon kapa lang ba papasok?Aba anak, mukhang hindi ka talaga tatagal d'yan sa trabaho mo. Feeling boss ka eh. haha daig mo pa ako Anak." Tumatawang bangit ni Dad. Aba si dad kung makapang asar."Si Dad talaga.." nagtatampong sabi ko sabay pout."Haha. ok ok hindi na! Saka hindi ba sabi mo nga yung orient n'yo deretso na kayo work pag tapos nun? Oh bakit sa napapansin ko mukhang ngayon kapa lang papasok?" Mausisang tanong ni Dad."Eh kasi Dad! Yung iba kasi napagtrabaho na doon. ang iba or kami ay ngayon palang.And guess what Dad? Secretarya ako ng CEO, Dad! i can't believe it.Sa dinami-dami namin doon ako napili maging secretarya, Dad." Sabi ko sa kanya habang kumakain."Oh? Sino naman ang hindi ka pipiliin? Nasa doon na natin ang magagaling. At dalawa kayo ng kuya mo nakakuha non. Pero ang isa d'yan ang pagiging secretarya ang gusto." Drama ni Dad sabay inom ng kape na may pabuntong hininga pa."Dad naman gusto ko lang naman kasi may mapaglibangan. Alam mo naman yun diba, Dad?" Malumanay na sabi ko sa kanya at tinapos na ang kinakain ko."So sa ginawa mong yan? Nagawa mo na ba ang gusto mo kung ano man yun, anak?" Seryosong tanong pa ni Dad.Hindi ko nagawa kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam gagawin ko."Hindi Dad. Hanggang ngayon nandito padin s'ya sa puso ko." napipiyok na sagot ko sa kanya."Ok. Tama na yan! Pero tandaan mo anak, ginawa mo lang yun kasi yun ang dapat! Kasi yun ang gusto nya at huling hiling nya. promise me? Huwag mo na sisihin sarili mo. Huwag mo yan kalimutan, Anak." Sagot nya saakin sabay tayo para yakapin ako. Tumango ako sa kanya at gumanti ng yakap."Oh tama na ang drama. Baka malate kana sa trabaho mo. Hala bilisan mo na." Biglang sabi nya sabay tapik saakin likod."May pasok kapa remember? what time na ba?" Sabay tingin sa relo nya."Oh it's already 8:55am na anak at 9am pasok mo. Lagot ka n'yan anak, HAHA" Tumatawang banggit nya habang pabalik sa upuan nya.Oh nakalimutan ko may trabaho pa pala ako dahil sa pag uusap namin ni Dad."My god Dad! Ikaw kasi eh. Nag drama kapa yan tuloy." Natatawang sagot ko sa kanya sabay kuha ng bag ko. Pero ang totoo kinakabahan nako."Sige Dad, Alis na po ako. Bye."bsabay halik uli sa pisngi nya."Sige ingat, Anak." Pahabol na sabi nito ng palabas nako ng bahay kumaway nalang ako patalikod.__________________Nandito nako sa kompanyang pagtatrabahoan ko.Pagkapark ko ng sasakyan ay bumaba agad ako kasi late na akong 20 minutes dahil na traffic ng kunti."Uy girl bakit ngayon ka lang?" salubong saakin nung kasama ko pagkapasok ko ng building. Lyca ata name hindi ko matandaan."Eh paano kasi ang traffic. Alam mo na,hehe." Pagsisinungaling ko. Malaman ng mga to na may kaya kami at my sariling kompanya.Sigurad0ng magtatanong lang sila.Mabuti nalang talaga David ang dinala kong apelyedo ni mama. hehe"Ah kaya pala. Sabagay traffic naman talaga. Hindi na yan mawawala sa pilipinas." Sagot pa nya saakin.Hindi nalang ako nag salita.Pumunta na'ko ng elevetor at pinindot ang 20th floor.Grabe sa pinakamataas talaga ang office ng boss? Yung ibang empleyado nasa 5th floor o saan man. Sabagay kay Dad nga at Kuya nasa 35 Floor ang office.Namg makarating ako sa floor ko.May sumalubong saakin babae mga nasa 40's siguro."Good Morning. Siguro ay ikaw na si Mary Jane David? The new hired secretary for Mr. Garcia the CEO of the company?" Medyo mataray na tanong nya."Opo. Ako nga po. Miss?" Sagot ko at tinanong ko narin name nya."Mrs.Perez. Halika at sumunod ka saakin." Sagot pa neto at tumalikod na.May tinuro siya sakin "Yan ang office ng Ceo si Mr.Garcia's." Sabi pa nito saki. Tumango naman ako at nilagay yung mga gamit ko sa table ko. bali nasa harapan ko lang ang office ng boss namin."Excuse me? Mrs. Perez? Nasaan po si Mr. Garcia?" Tanong ko.Kasi nakalagay kasi sa door ng office nya na close talaga.Glass door kasi kaya kita ko dito mula sa labas na walang tao doon."Oh, nakalimutan ko. May Bussiness trip si Mr. Garcia sa davao." ah kaya pala. same kaya sila ni kuya?"At pasalamat ka na wala siya ngayon dahil unang araw mo pa lang ay late ka na." Dagdag pa neto na sabi."At pumunta ka sa lamesa ko at kunin ang mga documents doon saka basahin mo lahat. Trabaho mo yon at hindi akin." Sabi nito ulit saka nag smile. Oo nga nman akin yun trabaho. kaya sumunod nako at kinuha yun.Nang matapos ko na yun mabasa lahat ay inayos ko na ulit sa dati.Tinignan ko ang oras at lunch time na pala kaya pala nagugutom ako.Bumaba ako ng canteen para kumain after ko kumain ay bumalik agad ako sa opisina, hmm, walang magawa ah.Kaya napapaisip ako na kung anong magandang gawin na may pumasok sa isip ko.Mag dodoodle nalang ako. tulad ng ginagawa ko dati nung kami pa lagi ko siya dinodrawing.Habang nag dodoodle ako hindi ko namalayan na hapon na pala at medyo madilim dilim na.Kaya tumingin ako sa orasan.It's already 5:58pm na at ang duty ko hanggang 6pm lang.So inayos ko na ang mga gamit at bag ko. Tapos pumunta ako sa table ni Mrs. Perez para mag paalam.Naabutan ko siya busy sa ginagawa nya sa computer nya."Mrs. Perez? Pwede na po ba ako mauna sainyo? 6pm na po kasi off duty ko na po." Magalang na paalam ko sa kanya."Ok sige. Umuna kana at meron pa akong tatapusin." Plain na sagot nya saakin ng hindi ako tinitignan.Tumango naman ako kahit hindi nya naman nakikita kasi nakayuko siya."Wait Ms. David!" Tawag nito ulit saakin ng patalikod nako. Kaya bigla ako napaharap."Dumating na si Mr. Garcia galing Davao kanina at maaga papasok yun bukas. Kaya dapat agahan mo rin bukas at huwag kanang magpalate." Paalala pa neto saakin ng tinitignan ako ng deretso sa mata. Tumango ako at magalang na umalis.Nang nasa loob nako ng elevator ay bigla nalang akong napasabi ng."Kung dumating na si Sir? Edi and'yan na rin si kuya? Ang gulo pa naman nun at kulit." Salita ko sa sarili, siguradong kasing pagtatawanan ako nun na sekretarya ako ng ibang tao. At sasabihin nun keso sa kanya nalang sana ako nag trabaho or sa kompanya namin. Duh? as if naman. paalila ako sa kanya. Huwag nalang no!_________________Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni Dad sa sala."Kamusta ang unang araw sa trabaho, Anak?" Tanong nito sabay yakap saakin."Ok naman po, Dad. Sa unang araw ko wala po yung Boss ko. Nasa bussiness trip. Kaya ang ginawa ko lang po ay binasa yung mga documents at kung ano ano doon. Para pag aralan narin." Sagot ko sa kanya sabay upo sa sofa.Nakita ko sa kuya pababa ng hagdan kaya bigla akong napapikit kasi alam ko na pipikonin naman nya ako."Oh nakauwi na pala ang best sekretarya na tin ,Dad? hahaha" natatawang sabi nito sabay upo sa harapan kong sofa."Pwede ba kuya. Kahit ngayong araw lang patahimikin moko. Saka marangal na trabaho ang sekretarya na yan. Kaya tigilan moko." Sagot ko at umakyat na ng kwarto ko.Narinig ko pa sila na Dad na nag usap at pinagsabihan siya ni Dad na "Ikaw kasi alam mo pagod sa trabaho yun.""Paraho kaming dalawa Dad pareho kaming pagod sa trabaho. Ang magkaiba lang buong kompanya ang hawak ko. Sa kanya papel lang." Sagot ni kuya kay Dad. At hindi ko na sila narinig pa.Pagkapasok ko ng kwarto ay napangiti ako ng mapait sa mga narinig ko mula sa bibig ni kuya.Nahiga ako sa kama at natulog na walang bihis. Bahala na bukas.[To be continued..]__________________[Jayson's POV.]Ilang linggo na ng nalaman ko na andito siya sa pilipinas.Kaya nung naka schedule ako ng bussiness trip ay umalis kaagad ako.Para makapaglayo muna at maka pag isip isip na din kung sakaling magkita man kame ulit.At ngayun yung ika-apat naming araw dito sa Davao.Yes Davao! Malayo sa Manila at sa kanya.Nang matapos ang meeting namin dumiretso na ako agad sa aking kwarto ng hotel na pansamantala kong tinutuluyan para makapagpahinga. Sa baba lang naman kame ng hotel rin ne'to nag usap ng aking mga ka bussiness partners.Maya maya pa ay habang nakahiga ako sa kama tumunog ang aking cellphone ng tignan ko ito ay tumatawag si Mrs. Perez saakin kaya agad ko itong sinagot at baka may problema sa kompanya."Good Morning Mrs. Perez. Bakit ka napatawag may problema ba d'yan?" bungad ko kaagad sa kanya.Tumatawag lang kasi yan pag may problema sa kompanya."Good Morning rin po Mr. Garcia. Wala pong problema dito. Gusto ko lang po sabihin saiyo na yung bagong mo pong sekretarya
[Jane's POV]Nang makauwi ako ay hindi rin naman ako makatulog.Kaya lumabas nalang ako ulit at pumunta sa bar para makainom ng kunti at makatulog agad.Hindi naman ako maglalasing talaga. Gusto ko lang makainom ng kunti.Tamang alak lang ng makatulog agad!Pagdating ko doon dumiretso ako agad sa bar counter para mag order.Nag makapag order nako may napansin akong lalaking papasok at diretso sa bar counter at umorder talaga ang pinakahard na alak?Lumaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. Mabuti nalang at medyo madilim sa bandang pwesto ko. Kaya malaya ko siya tinititigan.Hindi parin nag babago, siya pa rin ang mahal ko. Medyo nag matured nga lang at nagkalaman laman ang katawan nya.Pag umiinom siya ay nakakaakit tignan. Kaya nung napansin kung aalis na siya sinundan ko na ito kasi nakita kong masuray-suray ito sa pag lalakad na akala moy matutumba.Deretso siya sa parking lot at mag dadrive pa talaga siya sa lagay na yan ha? Hirap na nga siya mag lakad kasi may tama na siya t
[Jane's POV.]Nandito parin ako sa lumang park malapit sa bahay namin.Nakaupo ako sa duyan ng humangin ng malakas. Napatingala ako sa langit na ang ganda tignan dahil sa mga bituin. Napapikit ako ng maalala ang una naming pagkikita.Flashback~Third year high school ako ngayon at kakagaling ko lang sa school. Pauwi na ako ng may nakita akong park na malapit sa bahay namin kay dumaan ako para makapag relax.Pag pasok ko sa park ay umupo agad ako sa isang duyan. Habang nag duduyan ako nang biglang lumakas ang hangin at napuwing ako! Kinuha ko sa bag ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tinignan ang mata ko tapos kinusot-kusot ko ito gamit ng kamay na dahilan para maluha ako at mamula ang mga mata ko. Tapos biglang may nagsalita sa likod ko "uy batang nasa duyan. Bakit ka umiiyak?" natigilan ako sa tanong nya. Bata daw eh. Napatingin ako sa paligid kung ako ba kausap nya dahil wala naman ibang bata dito sa malapit saamin nasa malayo. Doon ko lang napagtanto na ako yung bata n
[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas ng makita ko siya bar.Ewan ko ba kung ano problema nya at nagpakalasing siya.Siguro dahil nag away sila ng nago n'yang gf. Nag salita pa nga na mahal pa rin nya ito. Napa irap nalang ako sa naisip ko. At nung isang araw rin ay nag paalam na ako kay dad na lilipat ako ng bahay. Nung una ay ayaw nya madame pa siya sinasabi na wala ako kasama sa condo ko. Hindi rin naman nag tagal ay pinayagan na rin nya ako.Kumuha lang ako ng condo unit na medyo malapit lang din sa work ko.Sinamahan pa nga ako ni dad para makasiguro siya na safe ang condo na binili nya para saakin. Kasi si kuya wala nag asikaso ng kompanya ni dad.Tinulugan rin nila ako na maghakot ng gamit ko. Dinala ko lang ay yung mga gamit ko na kailangan sa pang araw-araw sa trabaho.At isang linggo na din wala ang boss ko. Nung mag iisang linggo nako dito sa trabaho ko, sinabi sakin ni Mrs. Perez na kaya wala pala si boss ng isang linggo ay nagkasakit ito. Siguro dahil nasobrahan s
[Jane's POV.]Nandito ako ngayon sa office at sobrang daming ginagawa at yung boss ko ay nakarating na nga lahat-lahat dito sa bansa galing bussiness trip nya sa Macau hindi na naman pumasok para mabawas-bawasan nya naman itong mga dokyumento na kailangan n'yang permahan.Nako alam ko na! Tinatamad lang yun pumasok ngayon dahil alam nya may masipag sya'ng sekretaryang handa sumalo ng mga trabaho nya dito. Saka kahit anino nun ay hindi ko pa nakikita! Takot ba sakin yun? Napatawa ako sa naisip ko. Ang assuming ko naman kung ganon na hindi n'ya rin naman ako nakikita pa? Mag hapon tutok sa trabaho kaya nung off duty ko na ay umuwi na agad ako. Nag paalam lang ako kay Mrs. Perez at pinayagan naman nya ako. Nang makauwi ako ay wala naman akong gagawin dito sa condo unit ko.Kaya inayos ko nalang mga gamit ko, kumain at nag babad sa bathtub.Pagkabihis ko ay humiga agad ako sa kama para matulog na sana nang biglang may tumatawag saaking telepono. Tinignan ko ang oras ay 7pm na pala.D
[Jayson POV.]Nag da-drive ako papuntang trabaho dahil isang linggo na akong hindi nakakapasok sa opisina ko baka marami na akong trabaho naiwan.Habang nagmamaneho ako ay naalala ko naman ang nangyari kagabi. Dahil hindi pa natatapos ang party ay bigla nalang nawala yung babaeng kasayaw ko.Hinanap ko naman siya pagkatapos n'ya akong takbuhan dahil may nag nagtutulak sakin na sundan s'ya.Pero kasamaang-palad hindi ko na siya nakita. Nag tanong ako sa guard sa labas pero ang sabi wala silang nakita. Habang nagsasayaw kasi kami nag o-open ako sa kanya ng hinanakit ko, parang ang gaan kasi sa loob ko na nasasabi ko sa kanya parang siya talaga kausap ko. Hay ewan ko ba!Pero nalungkot ako ng umalis siyang hindi ko nalalaman ang pangalan nya at hindi man lang nag sabi na uuwi na siya. Pero sino ba ako para magpaalam pa siya? Pakiramdam ko kasi naulit ulit yung nangyari saakin ganong pakiramdam. Hindi ko mapaliwanag!Pero yun nga hindi ko na s'ya nakita!Napansin ko kasi nung nag o-open
[Jane POV.]Naalimpungatan ako dahil sa tumatama sa mukha kong mainit. Pagmulat ko ay sinag pala ng araw.Bigla ako napabangon. Umaga na agad? Ang bilis ng oras! Sabagay nakatulog pala ako kakaisip kong anong mukha ihaharap ko sa kanya mamaya. Sa boss ko! At nandito pala ako sa bahay talaga namin. Dito na ako dumiretso umuwi at hindi sa condo ko."Ang tanga mo Jane! Garcia nga ang pangalan ng kompanya diba? edi apilyedo nya yun! bakit hindi mo alam huh?!" Pangaral ko saaking sarili sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.My God! Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot! Ang tanga ko talaga! Napatingin ko sa orasan ko ay bigla akong napatayo mula sa higaan ko dahil malalate na ako sa trabaho!Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at magbihis.Ilang minuto lang ay tapos nako bumaba narin ako agad ng hindi pa ako nag susuklay. Bahala na sa kotse nalang ako mag susuklay.Pagkababa ko nakasalubong ko si dad sa sala galing siyang dining table."Morning a
[Jane's POV]Subsob ako ngayon sa trabaho. Nakayuko lang ako hanggang naglunch dahil ayokong magawi yung tingin ko sa pintuan ng opisina ng boss ko!Dahil kapag naalala ko yung kaninang umaga sa loob ng elevator kung paano n'ya ako kausapin ay nasasaktan ako. Lalo na yung napaiyak ako pero hindi ko naman sinasadyang iparinig sa kanya dahil kahit ako mismo nabigla rin sa sarili.Hindi ako makapag concentrate s trabaho dahil naiisip ko yung nangyari sa loob ng elevator.Nagulat lang ako dahil bigla nalang siya nag salita na parang naiinis sabay sabunot sa sarili niyang buhokAkala ko tuloy masakit ang ulo nya kaya nilapitan ko siya para natungin kong ok lang ba siya pero nabigla ako sa sinabi nya nung napahawak ako sa balikat nya. "Huwag.mo.kong.hawakan." madiing salita n'ya saka umayos ng tayo at deretso tingin sa harap ng pinto ng elevator.Ako naman ay bigla ako napaatras sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang balikat. "A-ah ok." Sagot ko nalang saka tumalikod na'ko sa kanya.Nasakta
(A/N: Last Chapter na po ito ng MEBIMB BOOK 1..)__________________________[Jane's POV.]After sa nangyari doon sa condo ni Jayson ay hindi ko na yun pinaalam pa kay Mike. Kinabukasan ay aalis na kame at ito na nga kami ngayon sa loob ng airport. Hinihintay nalang tawagin ang aming boarding flight para makaalis na!Sa tuwing pumapasok sa sakin isipan ang imahe na hinahalikan siya parang sasabog talaga ako sa inis doon sa babae na yun! Hindi ko matanggap na ang lalaking mahal ko ay hinahalikan ng iba!Gusto ko pigilan na itong kahibangan ko na ito dahil may mapapangasawa na ako at handang panagutan ako! Pero hinding-hindi ko magawa dahil siya lang. Siya lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko. Napabalik tanaw ako ng tapikin ako ni Mike sa braso at sinabing tinatawag na raw ang flight namin. Kaya tumayo naman ako at nag lakad. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa entrance ng airport at napahigit ng malalim na hininga. "Sana sa pagbalik ko ay mapatawad mo ako sa muli kong pag ali
[Jayson's POV.]Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba? Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael. Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati. Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabun
[Mike's POV.]Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi. Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko. Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis. Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya. Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga b
[Jane's POV.]Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas. Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko. Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin. Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabun
[Mr.Ocampo POV.]Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin."Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang."Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.." Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya. "Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya."Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot
[Mike's POV.]Nang hindi parin sumasagot si Jane saamin ay bigla kami nakarinig ni manang nabasag sa loob ng kwarto ne'to. "Jane? Anong nangyayari dyan? Jane!" Malakas na katok ko sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. "Manang kunin nyo ang duplicate na susi ng kwarto ni Jane! Bilis!" Utos ko kay manang na taranta na umalis naman. Kinakatok ko parin ito pero wala parin sumasagot. Saka dumating si manang dala ang susi ng kwarto nya agad ko naman ito binuksan at nagulat ako ng makita na nakahiga si Jane sa sahig."Jane!" Sigaw ko na agad ito pinuntahan. Kasunod ko si manang. "D'yos ko! Ma'am Jane!" Impit na sigaw ni manang na makitang duguan ang noo ni Jane. "Ako na bahala manang. Dadalhin ko siya sa hospital. Pakisabi nalang sa Daddy nya ang nangyari." Sabi ko dito saka agad ko naman binuhat si Jane palabas ng bahay nila. Sinakay ko kaagad s'ya sa kotse ko at dinala sa malapit na hospital!Nang makarating ako sa hospital ay natatarantang binuhat ko ulit siya at patakbong pum
[Mike's POV.]Habang tinatawag ko siya ay hindi nya na kame nilingon dahil nag mamadali ito na parang totoo talagang nasusuka siya at hindi ito nag bibiro lang.Nakatingin lang kaming tatlo kay Jane papalayo ay hindi ko maiwasan mangamba. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag aalalang sinundan ko ito ng tingin at alam ko sa public toilet ng mall lang ito pupunta. Nilingon ko naman silang dalawa at nakita ko sa mukha ni Jayson ang pag aalala rin kay Jane kaya tumikim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa ganon talaga yun. Paiba-iba ng mood.." Naiilang na sambit ko "Paiba-iba ng mood? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman nya. Paano ko nga ba ipapaliwanag?"Minsan kasi mainit ang ulo. Minsan naman hindi. Nagagalit nalang yun basta kahit saakin nagagalit na wala naman ako ginagawa haha.. Minsan pa ayaw nya ako makita. Tatawagan lang ako nun kapag may gusto siyang ipapabili na pagkain.." Natatawang kwento ko sa kanila. Si Jayson naman ay n
[Jayson's POV.]Isang buwan na ang huling pagkikita namin. At isang buwan narin ang nakalipas na pagkatapos ng lahat ay iniwanan nya nalang ako mag isa sa condo ko. Isang buwan na akong iniiwasan ni Jane. Pati ang tawag at text ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.Alam ko naman kasi na nababasa nya ang text ko dahil kapag tumatawag ako kay nagriring nalang ang phone nya kaya ibig sabihin nun ay hindi pa ako nakablock sa kanya. Ganon naba kawalang halaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa? Wala pa nga sana akong balak na tigilan siya nung gabing yun para hindi n'ya ako iwanan at makalimutan kung hindi lang siya nagsabi na pagod na siya.Minuto minuto ko lagi sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya ay nakuntento akong nakasama ko siyang sa gabi na yun. Lalo nang ibigay nya saakin ang iniingatan nya bilang babae. Ako na ata ang pinakamasayang lalake nung gabing yun dahil pinagkatiwalaan nya ako. Pero yung tuwa ko ay agad naman
[Jane's POV.]Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya. Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko. Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na m