[Jane's POV]
KinabukasanKakagising ko lang kanina ay ginawa ko na agad ang mga dapat pag aralan sa kompanya ni Dad dahil isa akong mabuting anak sa mata nila.Andito lang ako ngayon sa bahay at nasa kwarto lang habang may ginagawa ako sa laptop ng biglang may kumatok sa pintuan.Nang hindi ako sumagot ay bigla naman itong kumatok ulit at nagsalita"Anak, Busy kaba?" ah si Dad lang pala."Pasok po, Dad. Bukas po ang pinto."sabi ko habang hindi tumitingin sa tatay ko habang pumapasok."Anak, mukhang busy ka talaga at hindi mo ako magawang tignan?" Medyong nagtatampong sabi niya.Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ko naman siya at saka tumayo."Si Daddy talaga. Alam mo naman pinag aaralan ko yung ibang bussiness mo, diba?" Sagot habang papalapit sa kanya."Saka Dad, Bakit po pala kayo nandito?" kasi hindi naman yan pupunta dito sa kwarto ko pag walang sasabihin eh."Anak, kasi may sasabihin ako sayo. Ano kasi. Alam mo yun? Ganito kasi. Basta ganito anak, Alam mo naman na ano eh---.." Napatigil siya ng bigla ko tinaas ang isang kamay ko sa harap n'ya.Naguguluhan kasi ako sa kanya!Wala naman siya sinasabi kundi puro Ano? Ganito? Alam ko? Ang ano? Hindi ko maintindihan si Dad."Dad, stop! Deretsohin nyo na po? Alam nyo naman hindi ako magagalit kung ano man ipapagawa mo or ano diba? So, Ano po iyon Dad?" Seryosong pahayag ko sa kanya.Tinignan muna ako ni Dad bago nagsalita."Anak ganito kasi, Diba matagal kanang graduate. At ayaw mo naman mag trabaho ngayon saakin? Hanggang kailan ka ganyan? Ayaw mo ba talaga sa pinag aralan mo? Ang gusto ko lang naman na kayong dalawa ng kuya mo ang mag manage balang araw ng kompanya na'tin." Malumanay na sambit ni Dad saakin.Napatigil naman ako at napatitig sa kanya. Tama siya. Matagal na akong graduate at isang taon na. Pero hindi ko parin kaya mag trabaho sa kompanya namin. Hindi ko alam kung bakit?Habang tinitignan ako ni Dad ay parang sinasabi n'ya sa paraan ng pagtitig n'ya saakin na kinuha ko lang ang kursong gusto n'ya para saakin pero hindi ko naman talaga gusto!"Dad, ayoko kasi mag trabaho sa sarili na'tin kompanya kung alam ko naman na atin yun. Ayoko na bigyan ako ng special treatment ng mga tao doon. Dahil halos lahat ng tao doon kilala ako at si Kuya. Lalo na si Kuya bibigyan talaga ako nun ng napaka special treatment kasi kilala mo naman iyon diba?." Pagdadahilan ko sa kanya. Pero totoo yung dahilan ko. Ayoko sa kompanya namin kung bibigyan rin lang naman ako ng special treatment."Iyon lang ba? Sasabihin ko sa kanila na huwag kang bigyan ng special treatment, Anak." Sagot naman ni Dad. Kaya napapikit nalang ako at nag iisip kung ano pa idadahilan ko sa kanya."Dad, gusto ko sinisikap ko ang bawat trabaho ko. Tulad ng mag uumpisa ako sa mababang posisyon. Nang may purpose naman ang pinag aralan ko. Dad, kung didiretso naman ako agad sa matataas na posisyon d'yan sa kompanya mo ay AYOKO." Sagot ko sa kanya at tumalikod para ayusin yung mga gamit ko sa lamesa kanina na kumalat."Anak naman. Ayosin mo naman ang buhay mo. Kailangan mo tumayo sa sarili mong mga paa. Paano kung mawala ako? Hindi habang buhay kasama mo ang Kuya mo! Anong mangyayari sayo kung wala ka naman ginagawa d'yan. Sige na anak, Hindi naman to para saakin. Para ito sa sarili mo. Please! Sige para na rin sa Mommy mo.?" Mahabang sambit saakin ni Dad ng ikatigil ko. Hindi doon sa mawala siya kundi para kay Mommy? Gagawin ko ba para kay Mommy? Bigla ako napatingin kay Dad na titig rin saakin. Alam na alam n'ya na bibigay ako kapag napasok si Mommy sa usapan. Kaya napabuntong hininga nalang ako at nag isip."Dad. Sige pumapayag nako magtrabaho." Sumusukong sagot ko sa kanya."Talaga Anak? Salama--" bigla napatigil si Dad ng magsalita ako ulit."Pero sa ibang kompanya ako mag a'apply ng trabaho at mag tatrabaho Dad. Mag sisimula ako sa mababang trabaho o posisyon." Sabi ko ulit sa kanya ng ika-gulat n'ya ng tuluyan."Pero Anak mas madali ang trabaho saatin. Hindi kana mahihirapan pa. Hindi mo kailangan mag umpisa sa mababa kung nasa taas kana, Anak." Biglang sagot ni Dad ng makabawi sa gulat."Hindi Dad! Payag ka ba sa ibang kompanya muna ako mag trabaho bago ako magrabaho sa kompanya na'tin o Hindi nalang ako mag trabaho?" Sagot ko bigla sa kanya. Sana pumayag kana Dad."Ano? Nababaliw kana ba Mary Jane Ocampo? Hindi ka mag tatrabaho sa ibang kompanya kung hindi rin lang ang kompanya na'tin pag sisilbihan mo. ok!" yay, hindi pwede to. Nagalit tuloy si Dad."Pero Dad. Kailangan ko po ito. Para malaman ko kung paano ma'experience ang nagsusumikap sa trabaho Dad, Please? Lahat ng umaangat sa buhay ay dumadaan sa dugo't pawis na trabaho Dad. Promise kapag hindi ko na po kaya ay babalik ako at sa kampanya na'tin ako mag tratrabaho Dad. Pangako po yan Dad."Sagot at paliwanag ko sa kanya. Sana pumayag na siya.Napatigil naman si Dad at parang nag iisip na'rin sa sinabi ko sa kanya."Ok sige. Pero pinapangako mo na kapag hindi mo kinaya ang trabaho mo ay titigilan mo na ang kahibangan mo na yan? At sa kompanya na na'tin ka mag trabaho. Nagkaintindihan tayo?!" Sagot bigla ni Dad. Kaya bigla akong napangiti sa kanya at napayakap."Yes Dad. Pangako po! hehe"Yes! Ito na nga siguro ang hinihintay ko sa buhay na isang pagsubok na kailangan ko lagpasan.Nang lumabas na si Dad ay dali-dali akong nag linis at nag bihis kasi ngayon pa lang ay mag uumpisa nako mag aapply. hehe excited yarn?Tinignan ko ang oras ay 10:15am pa lang. At ang aga pa ata?Lumabas na'ko sa kwarto, at bumaba nang nakita ko si dad sa dining area."Hey Dad aalis na po ako. Mag a'apply na po ako ngayon para agad agad rin ako matanggap haha." Masayang bati ko sa kanya habang kumakain siya."Ikaw talagang bata ka. Siguraduhin mo lang na maayos ang a'applyan mo ha? Saka hindi kana ba kakain muna?" Si dad talaga kahit kailan gusto ako patabain."Dad, maaga ako kumain kanina. Mamaya na ako kakain ng lunch. Paano Dad alis na'ko. Goodluck mo nalang ako. Hehehe" Paalam ko sa kanya habang palabas ng bahay.Nang makalabas na'ko. Nag drive agad ako sa kotse ko papunta sa mga kampanyang mga kasyosyo din ni Dad. Pero hindi ko gagamitin ang apilyedo ko. Kay Mommy ang gagamitin ko. Kaya ako ngayon si Ms. Mary Jane David. Ang nasa resume ko ay ganon din. 24 years old at single?Single?Parang ang sakit pag single ako. Ewan ko ba! Parang may namimiss akong isang tao na kahit kailan hindi nawala sa puso ko at mahal na mahal ko.Hay! Kamusta kaya sya? Sana sa pag dating ng tamang panahon ay maipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang nagawa ko at bakit ko siya iniwan.Sorry talaga mahal ko. Kahit kailan hindi ka naman nawala sa puso ko. Dahil hanggang ngayon mahal na mahal parin kita.Sa kakaisip ko sa kanya hindi ko namalayan nandito na pala ako sa a'aplayan kung agency.Jusko. Sana matanggap ako!Pumasok ako sa agency at nagtanong kung saan pwedeng mag pasa ng resume sa mga nag a'apply ng trabaho."Kuya manong guard. Saan po pwede mag pasa ng resume sa nag hahanap po ng trabaho?" Magalang na tanong ko sa kanya."Doon po Miss. Kumatok lang kayo doon at may lalabas na babae doon." Tinuro naman guard na natanungan ko yung pinto kaya pumunta ako agad doon ako kumatok.Ilang sandali pa ay lumabas nga ang isang babae. Sabay abot ko sa kanya ng resume ko."Mag a'apply po ba kayo? Dito nalang po yan ma'am. Kami nalang po bahala. Maupo nalang po muna kayo kasi may iniinterview pa sa loob. Tatawagin nalang po kayo pagkatapos ng nung nauna sa inyo." Magalang na sabi nito saakin habang pinapaupo ako sa loob ng opisina."Sige, salamat po." Magalang rin na sagot ko. Hindi rin nag tagal tinawag nako.Pagkapasok na pagkapasok ko.Ay interview na kaagad! katakot ah, ang itsura lang, hehe"Ok, Name? Age? Status? Graduate?" Mabilis na tanong nito. Kaya hindi ko tuloy alam kung ano uunahin sagutin."Hello po. Ako nga po pala si Mary Jane Oca---David, 24 years old at Single po." Malumanay na sagot ko sa kanya. Baka hindi ako matanggap kapag binilisan ko rin salita ko."Ok! Ok lang ba sayo ang sekretarya? Yun lang ang bakanteng trabaho ngayon dito sa list namin." Tanong nito saakin habang nakatingin parin siya sa resume ko."Ok lang po. Kahit anung trabaho po. Papasukin ko po. Basta trabahong marangal po." sana tanggap na'ko."Mabuti kung gano'n. Tatawagan ka nalang namin kapag pasok ka sa kampanyang pagtatrabahoan mo. Ipapasa pa namin ang resume mo dun, ok?." Sagot nito saakin. Hays hindi pa pala tapos?"Ok po, salamat." Dapat mabait para katanggap tanggap talaga ako, hehe"At my interview pa dun" biglang dagdag nito habang saakin na nakatingin.Ano? Walang kataposang interview 'to?"Kasi e'orient kapa nila. Cleared na ba sayo?" Ah naintindihan nya pala ako sa reaksyon kong yun? Ok orient lang naman pala. yakang yaka yan!"Ok po. Maraming salamat po, Bye." Paalam ko at lumabas na'ko ng opisina. Excited nako! Magiging normal na'ko sa lahat ng katrabaho ko kapag makapasa ako. HeheDumiritso na'ko sa mall para makapag shopping na din nang mga pang secretarya na gamit.__________________At the mallAndito ako ngayon sa my Boutique.Nag susukat ng mga skirt ng my mapansin akong pamilyar na pigura. At kilalang kilala ko yun. walang iba kundi ang nag iisang taong minahal ko at sinaktan ko sa huli. Bakit siya nandito sa Boutique ng mga babae?Kaya nung lilingon na s'ya sa pwesto ko ay nag tago ako at umalis kahit hindi pako nakakabili ng mga gagamitin ko ay dumiretso na'ko uwi.Kahit hindi pa'ko nakapag shopping ng gagamitin ko ay parang hindi ko na'rin kinaya nung makita siyang may ibang kasamang babae.Habang nag mamaneho pauwi ay naisip kong dapat ako yun eh! Ako dapat kasama n'ya na pinagdadala ng mga pinag shopping ko? Kasama nag tatawanan! Pero anong magagawa ko? Hindi ko na maibabalik ang dati. At siguro hanggang du'n nalang talaga kami at ako ang tumapos n'un!Pero bakit nasasaktan parin ako kung ako naman tumapos sa relasyon namin? Bakit? Bakit ako nasasaktan kapag may kasama siya'ng iba ngayon? Ano naman ngayon? Tapos na kame diba? Ito naman talaga ginawa ko para mapalayo siya saakin. Pero kasi hanggang ngayon s'ya parin. Mahal ko talaga sya at hindi na mag babago yun! Habang-buhay ko nalang siya mamahalin sa malayo.__________________Pag dating ko sa bahay ay nando'n sila Dad at Kuya sa Living room."Oh Anak/Sis." talagang sabay pa sila na batiin ako ah."Hello Dad. Kuya." Bati ko pabalik sabay halik sa kanilang pisngi."Kamusta Anak? Nakahanap kana ba ng Trabaho?" Tanong ni Dad ng maupo ako sa tabi n'ya."Yes Dad. Tatawagan nalang po raw ko nila eh. Kapagod nga." Na'ko Jane.Interview lang? Pagod na agad? Naman Jane! Baka yung nakita mo lang kanina ang nakakapagod? Kasi tumakbo ka ba naman ng naka takong? Hays."Ano yun dad?" Seryosong tanong ni Kuya"A-ah? Ah ito kasing kapatid mo nag hanap ng trabaho sa ibang kompanya." Baliwalang sagot ni Dad. At bumalik sa panonood ng TV."Ano? Jane, ano to? Nababaliw kana ba talaga? Meron tayong sariling kompanya! Bakit kapa nag apply sa iba Jane? Napakaisip bata mo! Ayusin mo naman desisyon mo sa buhay, at maging responsable ka naman!" Gigil na sambit saakin ni Kuya.Kaya inis ko siyang hinarap at sinagot"Wala kang pakialam du'n kuya! Gusto ko'to! Pag hindi ko naman kinaya babalik naman ako at sa kompanya natin mag trabaho. Pinangako ko na yan kay Dad! Please naman kuya? Intindihin mo naman ako? Kung ano yung gusto ko! Kahit ngayon lang talaga kuya please?" Inis na sambit ko sa kanya saka tumayo at umalis sa harap nilang dalawa at umakyat na'ko ng kwarto ko. Siguro dahil sa sobrang pagod at inis at nakatulog ako bigla nag hindi pa nakapagbihis._________________KinabukasanNaalimpungatan ako dahil sa tumutunog yung cellphone ko.San ba yung cellphone na yun ng mapatay ko yung tumatawag!"ARGHHH,!! sh*t" napabangon ako bigla ng ayaw parin magtigil yung tumatawag saakin. naman kasi ang ingay,, ano na palang oras?Tinignan ko ang oras 8:23am,, arghh ang aga aga napatawag naman to oh!Nang makita ko na ang cellphone ko nakita kong "unregistered number?" Yung tumatawag kaya sinagot ko nalang."Hello? This is Mary Jane Ocampo. Sino po sila? " hmmp, ang aga aga eh,(Ah sorry ma'am wrong number po ata. Mary Jane David kasi nandito ang # nakalagay sa file nya, pasensya po)"H-hindi ok lang po. ako nga yun, bakit po pala?"(Ito po yung agency na inaplayan nyo po. pwede na po kayo pumunta sa work nyo para sa orient nyo kailangan 10am nando'n kana kasi hindi lang ikaw nandon, ok?)Ah yun lang pala. e'di tanggap ako?"ye--,"Nabitin ang sasabihin ko na may sasabihin pa pala sya.(By the way kailangan naka proper attire ka kasi didiretso kana sa trabaho mo pagkatapos ng orient nyo, clear na Ms. David?)"Yes po. Thank you po! Bye po." Mabilis kong sagot dahil excited nako(Wait,! Bakit ka nag mamadali? Alam mo ba kung saan yun?) oh shot, tanga lang Jane, Excited masyado kasi ayan tuloy pahiya ka! Kainis!"Sa Garcia Corporation Company ka mag tratrabaho, Dito sa address na to *toot toot* ,ok na ba? sige na, Bye Ms. David.) ah ok, parang pamilyar ah, di bali na nga."Oh sige po, Salamat po ulit. bye po."Sagot ko at pinatayan naman nya agad ako ng tawag.Nag madali na'rin akong mag ayos sa aking sarili para maka abot ako dun eksaktong 10am talaga.Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. pagkababa ko naman ay nando'n na si dad sa dining kumakape. Wala si kuya? Hmmm."Morning Dad. Aalis po ako ha? pPinapapunta na po kasi ako sa pinag applyan ko. Meron daw po kaming orientation."sabay halik sapisngi n'ya."Saka bakit wala si kuya?" Tanong ko habang umuupo at nag lalagay ng pagkain sa aking plato."Wala talaga kasi may business trip Europe." Sagot ni Dad habang nag babasa ng dyaryo. Hmm kaya pala."Saka mag iingat ka anak ha? Pag hindi mo yan kinaya yang trabaho mo na yan ay umalis kana agad at umuwi dito anak. Nagkakaintindihan naman tayo Mary Jane, diba?" Hay nako. Ayan naman siya seryoso na naman."Oo nga po Dad. Saka nangako ako sa'yo diba? Tsaka pagbubutihin ko po du'n Dad. hehe Para hindi kahiya-hiya ang maganda n'yong anak. Haha" natatawang sagot ko sakanya habang inuubos yung pagkain ko sa plato."Mabuti kung ganon!." Sagot nito ay nagbasa ulit ng dyaryo at hindi man lang pinansin ang sinabi kong maganda ako?Nang matapos na'ko ay nag paalam na'ko kay Dad."Sige Dad, mauuna na'ko? Wish me luck Dad ng matanggap ako. haha" sabay halik ulit sa pisngi niya at umalis.[To be continued..]________________[Jane POV.]Nandito ako sa harapan ng kompanyang pamilyar saakin pero hindi ko natatandaan. Dito raw kasi ako mag tatrabaho sabi ng sa agency na tumawag saakin kanina.Hmm, Hindi naman masama, Secretary? Ok na din. Atleast natanggap ako ng walang tulong nila dad.Pumasok nako at baka late nako.Para makapag simula narin ma orient.Pagkapasok ko nag tanong ako sa guard kung saan pupunta yung mag o'orient. Nang maituro nya ay pumunta nako.Pagkapasok ko dun.Aba marami pala kami talaga!Ok lang marami talaga sa panahon ngayon naghahanap ng trabaho para mabuhay at mabuhay nila ang kanilang mga pamilya.Kailangan na lang magpakitang gilas para matanggap agad ako.Nang matapos na ang orient pinauwi na kami at sasusunod na araw na kami mag magsimula.Binigyan lang kami ng kaunting instruction then tapos na!Nang papalabas na kami sa may exit parang may naaninag akong pigura!Pero hindi ako sure?Kung tao nga yun. Baka namalikmata lang ako.Kaya tinuloy ko nalang ang paglalakad at umuwi na
[Jayson's POV.]Ilang linggo na ng nalaman ko na andito siya sa pilipinas.Kaya nung naka schedule ako ng bussiness trip ay umalis kaagad ako.Para makapaglayo muna at maka pag isip isip na din kung sakaling magkita man kame ulit.At ngayun yung ika-apat naming araw dito sa Davao.Yes Davao! Malayo sa Manila at sa kanya.Nang matapos ang meeting namin dumiretso na ako agad sa aking kwarto ng hotel na pansamantala kong tinutuluyan para makapagpahinga. Sa baba lang naman kame ng hotel rin ne'to nag usap ng aking mga ka bussiness partners.Maya maya pa ay habang nakahiga ako sa kama tumunog ang aking cellphone ng tignan ko ito ay tumatawag si Mrs. Perez saakin kaya agad ko itong sinagot at baka may problema sa kompanya."Good Morning Mrs. Perez. Bakit ka napatawag may problema ba d'yan?" bungad ko kaagad sa kanya.Tumatawag lang kasi yan pag may problema sa kompanya."Good Morning rin po Mr. Garcia. Wala pong problema dito. Gusto ko lang po sabihin saiyo na yung bagong mo pong sekretarya
[Jane's POV]Nang makauwi ako ay hindi rin naman ako makatulog.Kaya lumabas nalang ako ulit at pumunta sa bar para makainom ng kunti at makatulog agad.Hindi naman ako maglalasing talaga. Gusto ko lang makainom ng kunti.Tamang alak lang ng makatulog agad!Pagdating ko doon dumiretso ako agad sa bar counter para mag order.Nag makapag order nako may napansin akong lalaking papasok at diretso sa bar counter at umorder talaga ang pinakahard na alak?Lumaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. Mabuti nalang at medyo madilim sa bandang pwesto ko. Kaya malaya ko siya tinititigan.Hindi parin nag babago, siya pa rin ang mahal ko. Medyo nag matured nga lang at nagkalaman laman ang katawan nya.Pag umiinom siya ay nakakaakit tignan. Kaya nung napansin kung aalis na siya sinundan ko na ito kasi nakita kong masuray-suray ito sa pag lalakad na akala moy matutumba.Deretso siya sa parking lot at mag dadrive pa talaga siya sa lagay na yan ha? Hirap na nga siya mag lakad kasi may tama na siya t
[Jane's POV.]Nandito parin ako sa lumang park malapit sa bahay namin.Nakaupo ako sa duyan ng humangin ng malakas. Napatingala ako sa langit na ang ganda tignan dahil sa mga bituin. Napapikit ako ng maalala ang una naming pagkikita.Flashback~Third year high school ako ngayon at kakagaling ko lang sa school. Pauwi na ako ng may nakita akong park na malapit sa bahay namin kay dumaan ako para makapag relax.Pag pasok ko sa park ay umupo agad ako sa isang duyan. Habang nag duduyan ako nang biglang lumakas ang hangin at napuwing ako! Kinuha ko sa bag ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tinignan ang mata ko tapos kinusot-kusot ko ito gamit ng kamay na dahilan para maluha ako at mamula ang mga mata ko. Tapos biglang may nagsalita sa likod ko "uy batang nasa duyan. Bakit ka umiiyak?" natigilan ako sa tanong nya. Bata daw eh. Napatingin ako sa paligid kung ako ba kausap nya dahil wala naman ibang bata dito sa malapit saamin nasa malayo. Doon ko lang napagtanto na ako yung bata n
[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas ng makita ko siya bar.Ewan ko ba kung ano problema nya at nagpakalasing siya.Siguro dahil nag away sila ng nago n'yang gf. Nag salita pa nga na mahal pa rin nya ito. Napa irap nalang ako sa naisip ko. At nung isang araw rin ay nag paalam na ako kay dad na lilipat ako ng bahay. Nung una ay ayaw nya madame pa siya sinasabi na wala ako kasama sa condo ko. Hindi rin naman nag tagal ay pinayagan na rin nya ako.Kumuha lang ako ng condo unit na medyo malapit lang din sa work ko.Sinamahan pa nga ako ni dad para makasiguro siya na safe ang condo na binili nya para saakin. Kasi si kuya wala nag asikaso ng kompanya ni dad.Tinulugan rin nila ako na maghakot ng gamit ko. Dinala ko lang ay yung mga gamit ko na kailangan sa pang araw-araw sa trabaho.At isang linggo na din wala ang boss ko. Nung mag iisang linggo nako dito sa trabaho ko, sinabi sakin ni Mrs. Perez na kaya wala pala si boss ng isang linggo ay nagkasakit ito. Siguro dahil nasobrahan s
[Jane's POV.]Nandito ako ngayon sa office at sobrang daming ginagawa at yung boss ko ay nakarating na nga lahat-lahat dito sa bansa galing bussiness trip nya sa Macau hindi na naman pumasok para mabawas-bawasan nya naman itong mga dokyumento na kailangan n'yang permahan.Nako alam ko na! Tinatamad lang yun pumasok ngayon dahil alam nya may masipag sya'ng sekretaryang handa sumalo ng mga trabaho nya dito. Saka kahit anino nun ay hindi ko pa nakikita! Takot ba sakin yun? Napatawa ako sa naisip ko. Ang assuming ko naman kung ganon na hindi n'ya rin naman ako nakikita pa? Mag hapon tutok sa trabaho kaya nung off duty ko na ay umuwi na agad ako. Nag paalam lang ako kay Mrs. Perez at pinayagan naman nya ako. Nang makauwi ako ay wala naman akong gagawin dito sa condo unit ko.Kaya inayos ko nalang mga gamit ko, kumain at nag babad sa bathtub.Pagkabihis ko ay humiga agad ako sa kama para matulog na sana nang biglang may tumatawag saaking telepono. Tinignan ko ang oras ay 7pm na pala.D
[Jayson POV.]Nag da-drive ako papuntang trabaho dahil isang linggo na akong hindi nakakapasok sa opisina ko baka marami na akong trabaho naiwan.Habang nagmamaneho ako ay naalala ko naman ang nangyari kagabi. Dahil hindi pa natatapos ang party ay bigla nalang nawala yung babaeng kasayaw ko.Hinanap ko naman siya pagkatapos n'ya akong takbuhan dahil may nag nagtutulak sakin na sundan s'ya.Pero kasamaang-palad hindi ko na siya nakita. Nag tanong ako sa guard sa labas pero ang sabi wala silang nakita. Habang nagsasayaw kasi kami nag o-open ako sa kanya ng hinanakit ko, parang ang gaan kasi sa loob ko na nasasabi ko sa kanya parang siya talaga kausap ko. Hay ewan ko ba!Pero nalungkot ako ng umalis siyang hindi ko nalalaman ang pangalan nya at hindi man lang nag sabi na uuwi na siya. Pero sino ba ako para magpaalam pa siya? Pakiramdam ko kasi naulit ulit yung nangyari saakin ganong pakiramdam. Hindi ko mapaliwanag!Pero yun nga hindi ko na s'ya nakita!Napansin ko kasi nung nag o-open
[Jane POV.]Naalimpungatan ako dahil sa tumatama sa mukha kong mainit. Pagmulat ko ay sinag pala ng araw.Bigla ako napabangon. Umaga na agad? Ang bilis ng oras! Sabagay nakatulog pala ako kakaisip kong anong mukha ihaharap ko sa kanya mamaya. Sa boss ko! At nandito pala ako sa bahay talaga namin. Dito na ako dumiretso umuwi at hindi sa condo ko."Ang tanga mo Jane! Garcia nga ang pangalan ng kompanya diba? edi apilyedo nya yun! bakit hindi mo alam huh?!" Pangaral ko saaking sarili sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.My God! Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot! Ang tanga ko talaga! Napatingin ko sa orasan ko ay bigla akong napatayo mula sa higaan ko dahil malalate na ako sa trabaho!Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at magbihis.Ilang minuto lang ay tapos nako bumaba narin ako agad ng hindi pa ako nag susuklay. Bahala na sa kotse nalang ako mag susuklay.Pagkababa ko nakasalubong ko si dad sa sala galing siyang dining table."Morning a
(A/N: Last Chapter na po ito ng MEBIMB BOOK 1..)__________________________[Jane's POV.]After sa nangyari doon sa condo ni Jayson ay hindi ko na yun pinaalam pa kay Mike. Kinabukasan ay aalis na kame at ito na nga kami ngayon sa loob ng airport. Hinihintay nalang tawagin ang aming boarding flight para makaalis na!Sa tuwing pumapasok sa sakin isipan ang imahe na hinahalikan siya parang sasabog talaga ako sa inis doon sa babae na yun! Hindi ko matanggap na ang lalaking mahal ko ay hinahalikan ng iba!Gusto ko pigilan na itong kahibangan ko na ito dahil may mapapangasawa na ako at handang panagutan ako! Pero hinding-hindi ko magawa dahil siya lang. Siya lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko. Napabalik tanaw ako ng tapikin ako ni Mike sa braso at sinabing tinatawag na raw ang flight namin. Kaya tumayo naman ako at nag lakad. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa entrance ng airport at napahigit ng malalim na hininga. "Sana sa pagbalik ko ay mapatawad mo ako sa muli kong pag ali
[Jayson's POV.]Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba? Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael. Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati. Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabun
[Mike's POV.]Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi. Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko. Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis. Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya. Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga b
[Jane's POV.]Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas. Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko. Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin. Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabun
[Mr.Ocampo POV.]Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin."Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang."Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.." Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya. "Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya."Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot
[Mike's POV.]Nang hindi parin sumasagot si Jane saamin ay bigla kami nakarinig ni manang nabasag sa loob ng kwarto ne'to. "Jane? Anong nangyayari dyan? Jane!" Malakas na katok ko sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. "Manang kunin nyo ang duplicate na susi ng kwarto ni Jane! Bilis!" Utos ko kay manang na taranta na umalis naman. Kinakatok ko parin ito pero wala parin sumasagot. Saka dumating si manang dala ang susi ng kwarto nya agad ko naman ito binuksan at nagulat ako ng makita na nakahiga si Jane sa sahig."Jane!" Sigaw ko na agad ito pinuntahan. Kasunod ko si manang. "D'yos ko! Ma'am Jane!" Impit na sigaw ni manang na makitang duguan ang noo ni Jane. "Ako na bahala manang. Dadalhin ko siya sa hospital. Pakisabi nalang sa Daddy nya ang nangyari." Sabi ko dito saka agad ko naman binuhat si Jane palabas ng bahay nila. Sinakay ko kaagad s'ya sa kotse ko at dinala sa malapit na hospital!Nang makarating ako sa hospital ay natatarantang binuhat ko ulit siya at patakbong pum
[Mike's POV.]Habang tinatawag ko siya ay hindi nya na kame nilingon dahil nag mamadali ito na parang totoo talagang nasusuka siya at hindi ito nag bibiro lang.Nakatingin lang kaming tatlo kay Jane papalayo ay hindi ko maiwasan mangamba. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag aalalang sinundan ko ito ng tingin at alam ko sa public toilet ng mall lang ito pupunta. Nilingon ko naman silang dalawa at nakita ko sa mukha ni Jayson ang pag aalala rin kay Jane kaya tumikim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa ganon talaga yun. Paiba-iba ng mood.." Naiilang na sambit ko "Paiba-iba ng mood? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman nya. Paano ko nga ba ipapaliwanag?"Minsan kasi mainit ang ulo. Minsan naman hindi. Nagagalit nalang yun basta kahit saakin nagagalit na wala naman ako ginagawa haha.. Minsan pa ayaw nya ako makita. Tatawagan lang ako nun kapag may gusto siyang ipapabili na pagkain.." Natatawang kwento ko sa kanila. Si Jayson naman ay n
[Jayson's POV.]Isang buwan na ang huling pagkikita namin. At isang buwan narin ang nakalipas na pagkatapos ng lahat ay iniwanan nya nalang ako mag isa sa condo ko. Isang buwan na akong iniiwasan ni Jane. Pati ang tawag at text ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.Alam ko naman kasi na nababasa nya ang text ko dahil kapag tumatawag ako kay nagriring nalang ang phone nya kaya ibig sabihin nun ay hindi pa ako nakablock sa kanya. Ganon naba kawalang halaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa? Wala pa nga sana akong balak na tigilan siya nung gabing yun para hindi n'ya ako iwanan at makalimutan kung hindi lang siya nagsabi na pagod na siya.Minuto minuto ko lagi sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya ay nakuntento akong nakasama ko siyang sa gabi na yun. Lalo nang ibigay nya saakin ang iniingatan nya bilang babae. Ako na ata ang pinakamasayang lalake nung gabing yun dahil pinagkatiwalaan nya ako. Pero yung tuwa ko ay agad naman
[Jane's POV.]Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya. Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko. Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na m