[Jane's POV.]
Nandito parin ako sa lumang park malapit sa bahay namin.Nakaupo ako sa duyan ng humangin ng malakas. Napatingala ako sa langit na ang ganda tignan dahil sa mga bituin. Napapikit ako ng maalala ang una naming pagkikita.Flashback~Third year high school ako ngayon at kakagaling ko lang sa school. Pauwi na ako ng may nakita akong park na malapit sa bahay namin kay dumaan ako para makapag relax.Pag pasok ko sa park ay umupo agad ako sa isang duyan.Habang nag duduyan ako nang biglang lumakas ang hangin at napuwing ako! Kinuha ko sa bag ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tinignan ang mata ko tapos kinusot-kusot ko ito gamit ng kamay na dahilan para maluha ako at mamula ang mga mata ko.Tapos biglang may nagsalita sa likod ko "uy batang nasa duyan. Bakit ka umiiyak?" natigilan ako sa tanong nya. Bata daw eh. Napatingin ako sa paligid kung ako ba kausap nya dahil wala naman ibang bata dito sa malapit saamin nasa malayo. Doon ko lang napagtanto na ako yung bata na tinatanong nya. Hii nako bata no!Kaya bigla ako napalingon sa kanya ng nakasimangot. Natigilan ako ng makita ito. Lalake pala ito at medyo matanda lang saakin.Medyo may pagka nerdy lang siya. May salamin kasi siya sa mata na malaki eh."Pwede ba? Ako ba kausap mo na bata? Hindi na po ako bata at hindi rin po ako umiiyak!" Masungit na sagot ko dito ng maalala ang tanong nya saakin kanina."Saka magkaiba ang umiiyak sa napuwing kuya. Kaya umalis ka nga dito. Doon ka sa malayo." Masungit na dagdag ko pa sa kanya at inirapan siya.Kinusot-kusot ko ulit ang aking mga mata at mas lalo itong humapdi."A-aray. Ang sakit na!" Sambit ko saakin sarili ng tinigilan ko na ang aking mata. Mas lalo tuloy ako naluha."Napuwing ka? Huwag mong kusutin ng kusutin kasi lalong lalala yan at mamumula mga mata mo. Kapag namaga yan siguradong hindi ka na makakita nyan,!" Banta nya pa sasa kabilang duyan."Ano ang gagawin ko? Masakit na at lumuluha na ang mga mata ko oh?" sabay pakita ko sa kanyang aking mga matang napuwing.Lumapit naman siya sakin at hinawakan mukha ko. Nanigas ako sa bigla nyang ginawa! Kasi ang lapit-lapit ng mukha namin dalawa!Ang gwapo pala nya sa malapitan? pPanira lang talaga ang kanyang salamin sa mata!Maya-maya pa ay may kinuha sya sa bulsa nya. Pagtingin mo ay panyo?Ano gagawin nya sa panyo? Pupunasan ang luha ko?"Ganito lang yan. Mas effective!" Sabi nya sabay pinunasan nya mga luha ko ng panyo nya at nilagay ang dulo ng panyo sa ilalim ng mata ko."Ihipan ko ha? Huwag kang pipikit!Para matanggal ko ang dumi na pumasok sa mga mata mo." Sabi nito ulit at inihipan nya ng ilang ulit ang aking mga mata!Pagtapos nya hipan ang aking mata ay naging ok na ang pakiramdam ng aking mga mata. Nawala na yung sakit kapag pipikit ako. Wow! Talagang effective nga!"Ok na ba?" tanong nya pagkatapos nyang lumayo saakin."Oo! Effective nga po kuya! Ok na po yung mga mata ko! Maraming salamat po." Masayang sambit ko sa kanya"Walang ano man bata" nakangiting sagot niyo at umupo ulit sa duyan na katabi ko. Gusto ko sana sumimangot ng sabihin nya ulit ang bata kaso tinulungan nya ako kaya pag pasensyahan ko muna."Ako nga po pala si Mary Jane Ocampo, at ikaw?" tanong ko nalang sa kanya ng maayos sabay abot ng aking kamay sa harap nya.Natigilan siya pero maya pa ay inabot na rin nya ang kamay ko at nakipagkamay muna siya bago nya sabihin ang pangalan nya."At ako naman si Jayson Carl Garcia." Nakangiting pakilala ne'to saakin. Kaya ngumiti narin ako sa kanya.End of flashback~Napaiyak naman ako ng maalala ko ang una naming pagkikita.Simula nun ay palagi na kaming nagkikita sa lugar nato at hindi rin nag tagal ay naging close na rin kami.Nang matagal na kame magkaibigan ay nag bago s'ya bigla. Hindi na sya nung nerdy na una kong nakilala.At hindi rin nag tagal ay umamin sya na may gusto siya saakin at niligawan nya ko nung mag Fourth year high school ako at siya naman ay second year collage.Nang humangin ulit ng malakas aytumayo nako at pumunta sa may puno malapit sa duyan para tignan kung andun pa rin ba?Nang andun na nga ko sa harap ng puno ay parang naiiyak na naman ako ng makita ko na nandun parin talaga.Ito yung inukit naming dalawa na "MJ <3 JC" na maging official na kami.Three months nya kung niligawan at tama na yun upang ipadama nya sakin na seryoso sya at hindi nya ako sasaktan!Naging kami hanggang dumating yung time na 8th monthsary namin.Graduation ko pagkaumaga. Nag date kami dito sa lugar na ito.At kailangan ko rin putulin kung ano mang meron kami noon.Oo! Tama kayo sa nabasa nyo!Dito sa lugar na'to ko s'ya nakilala, naging magkaibigan, niligawan, sinagot, iniwan at sinaktan!Masakit man gawin pero ginawa ko pa rin!Dahil kailangan! Dahil may masasaktan ako raw ako! At mas lalo na may magagalit sakin kapag masasaktan ko ang masasaktan,!Kahit ayokong gawin ay ginawa ko pa din! Dahil kinakailangan talaga!Pag hindi ko talaga ginawa ang pag iwan sa kanya ay may mawawalang tao sa aming pamilya!Kaya kahit ayoko ay ginawa ko!Mahal ko sila pareho pero mas pinili ko ang aking kapatid na si ate Mariel.Naalala ko naman kong paano s'ya paano mag makaawa sakin na huwag ko syang iwan. At mahal na mahal nya ako.Pero hindi ko parin s'ya binalikan!Dahil baka kapag binalikan ko siya ay hindi ko na sya kayang iwanan!Flashback~Nandito kami ngayon sa park at may kailangan akong gawin.Maya pa ay bigla kong sinabing"Mag hiwalay na tayo.." walang gana mong sambit sa harap nya. Kaya biglang nawala ang masayang ngiti sa labi nya."Ano?! P-pero bakit? Anong meron? May problema ba?" Naguguluhan na sambit nya."Walang problema! Basta yun ang gusto ko! Ang mag hiwalay na tayo!"Medyong naiinis na sambit ko. Kasi ayoko ng patagalin to."H-huh? B-bakit?! Huwag mo naman gawin to saakin, Hon! Alam mong Mahal na mahal kita!" Gulong gulo parin na sambit nya."Pwes, kung ganon nga na Mahal mo ako, Bitawan mo na ako! Maghiwalay na tayo!" Pagalit na sagot ko sa kanya. Dahil ayoko umiyak kailangan ko maging matapang at mag galit galitan."B-bakit nga?! Bakit mo ito ginagawa?Wala naman tayong problema, diba?"Naguguluhan parin na tanong nya saakin. Kaya napapikit ako dahil naiiyak narin ako kasi naiiyak na siya sa harap ko!"Oo! Wala tayong problemang dalawa.. Pero kailangan ko ng pahinga sa relasyong 'to! Kaya hayaan mo na ako, Please?!" nagagalit na sagot ko sa kanya."H-hindi ko kaya! H-hindi ko magagawa! Please! Mahal na mahal kita." Napaluhod na sambit nya habang umiiyak"Pero ako? I don't love you anymore...MAGHIWALAY NA TAYO! At wag na wag mo na akong susundan pa!GOODBYE JAYSON!" Pasigaw na sambit na sagot ko dahil hindi ko na talaga kaya ang makita ang mukha nyang ganito. Kaya tumalikod na ako."H-hon, P-please? Huwag mo naman 'to gawin saakin, PLEASE! HON.!!!"Nagmamakaawang paring sabit nya habang tumatalikod na ako at nag umpisa nang mag lakad palayo."Patawad.. Pero kailangan ko gawin 'to.. Pupunta na kaming ibang bansa at doon na kame maninirahan at hindi na kame babalik pa dito.. Goodbye Jayson!" Sagot ko nalang sakanya habang nag lalakad palayo na umiiyak na rin.Nang medyo nasa malayo na ako ay tumakbo nako papalayo habang sya ay sumisigaw parin ng pangangalan ko!Naaawa ako sa kanya sa ginawa ko ng walang dahilan! Lumingon ulit ako at nakita kung nakaluhod parin siya Kaya mabilis akong tumalikod ulit baka kasi maawa ako sa kanya at tumakbo pabalik sa kanya at bawiin ang mga sinabi ko at sabihing joke lang ang lahat at hindi ko siya kayang iwan at mahal na mahal ko talaga siya.End of flashback~Kapag naalala ko ang nangyari ay sobrang sakit parin para sakin.Kahit 6 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang nangyari samin.Kapag naalala ko kasi sobrang sakit pa rin para saakin ang ginawa ko sa kanya na basta nalang ako nakipaghiwalay at iniwan siya ng walang sapat na dahilan!Pero kinakailangan kung gawin yun! Para kay ate at kay mama!Nung nandun na kami sa ibang bansa ay nagpagamot na rin si ate.May sakit kasi si ate sa puso at kailangan nya maoperahan pero 50/50 lang ang maging tagumpay ng operasyon sa kanya.At may gusto rin sya kay Jayson!School mate kasi sila at kilala rin siya ni Jayson.At ang hiling nya, iwanan ko si Jayson para msy dahilan pa siya mabuhay at magpaopera upang pwede na sila.Kahit ayoko ay hiniling rin ni mama na gawin ko ang gusto ni ate para mabuhay pa si ate! Kahit ayoko at labag sa loob ko ay pumayag na ako dahil ayoko rin mapahamak si ate.At dahil mahal ko si ate at si mama ayginawa ko ang gusto nila! Iniwan ko nga ang lalaking pinakamamahal ko bago kami pumunta sa ibang bansa.Pero sa kasamaang palad ay hindi naging tagumpay ang operasyon ni ate! Nalungkot ang lahat nang ibalita saamin yun ng doctor at na coma sya ng ilang buwan at nang hindi na kinaya ng katawan nga ay bumigay rin ito.Dahil sa pagkawala ni ate ay hindi rin yun kinaya ni mama. Inatake siya sa puso at dead on arrival sa hospital dahil inaraw-araw nya ang pag iyak sa pagkawala ng ate ko.Pero bago siya nawala ay inaraw-araw nya rin pinaalala saakin na huwag ko kakalimutan ang huling hiling saakin ng ate ko. Huwag ko na raw ito bawiin.Kaya nung mawala si ate at mama ay ginawa ko talaga ang mga gusto nila! Lahat lahat! Yung mga dati na hindi ko ginagawa ay ginagawa ko na para lang sa kanila!Umabot yun ng anim na taon.Pero isa nalang talaga ang hindi ko pa nagagawa.Ang hiling ni ate! Kailanman ay hindi ko kayang gawin at yun yung kalimutan sya!Dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya at mas lalo ko s'yang minamahal sa araw araw na lumilipas.Nang mahimasmasan nako ay bumalik nako ng kotse at pumasok upang umuwi na.Lumingon at pinagmasdan ko muli ang ugar na napaka espesyal samin dati o baka para saakin ako nalang tumatawag sa lugar na ito na espesyalDito ko siya iniwan at sinaktan sy talagang hindi na yun babalik to dito at maging espesyal pa itong lugar na ito sa kanya kahit kailan!Bago pako maiyak ulit at pinaandar ko na ang sasakyan ko at dumeretso ng tingin."Siguro hanggang doon nalang talaga siguro tayo Jayson kasi tadhana na ang nagpahiwalay saatin at ang dalawang tao na impotante sa buhay ko pero kahit na ganon ay habang-buhay narin siguro kita mamahalin kaya paalam sa lugar nato." Deretsong sambit ko at nag drive at umalis upang umuwi na merong ngiting mapait saaking mukha.Nang makauwi ako ay deretsong higa agad ako saaking kama. Tumulala muna ako sa kisama bago pako makatulog ay napasambit pa akong"Sana pag nagkita tayo ulit ay mapatawad mo ako Jayson. Dahil kahit ang tagal natin magkahiwalay ay mahal parin kita. Pero kakalimutan ko na simula ngayon na mahal parin kita dahil yun ang hiling nila na hindi ko pa nagagawa. At hindi ko alam kung magagawa ko ba!" Sambit ko habang kinakain na ako ng antok ko.[To be continued..]___________________[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas ng makita ko siya bar.Ewan ko ba kung ano problema nya at nagpakalasing siya.Siguro dahil nag away sila ng nago n'yang gf. Nag salita pa nga na mahal pa rin nya ito. Napa irap nalang ako sa naisip ko. At nung isang araw rin ay nag paalam na ako kay dad na lilipat ako ng bahay. Nung una ay ayaw nya madame pa siya sinasabi na wala ako kasama sa condo ko. Hindi rin naman nag tagal ay pinayagan na rin nya ako.Kumuha lang ako ng condo unit na medyo malapit lang din sa work ko.Sinamahan pa nga ako ni dad para makasiguro siya na safe ang condo na binili nya para saakin. Kasi si kuya wala nag asikaso ng kompanya ni dad.Tinulugan rin nila ako na maghakot ng gamit ko. Dinala ko lang ay yung mga gamit ko na kailangan sa pang araw-araw sa trabaho.At isang linggo na din wala ang boss ko. Nung mag iisang linggo nako dito sa trabaho ko, sinabi sakin ni Mrs. Perez na kaya wala pala si boss ng isang linggo ay nagkasakit ito. Siguro dahil nasobrahan s
[Jane's POV.]Nandito ako ngayon sa office at sobrang daming ginagawa at yung boss ko ay nakarating na nga lahat-lahat dito sa bansa galing bussiness trip nya sa Macau hindi na naman pumasok para mabawas-bawasan nya naman itong mga dokyumento na kailangan n'yang permahan.Nako alam ko na! Tinatamad lang yun pumasok ngayon dahil alam nya may masipag sya'ng sekretaryang handa sumalo ng mga trabaho nya dito. Saka kahit anino nun ay hindi ko pa nakikita! Takot ba sakin yun? Napatawa ako sa naisip ko. Ang assuming ko naman kung ganon na hindi n'ya rin naman ako nakikita pa? Mag hapon tutok sa trabaho kaya nung off duty ko na ay umuwi na agad ako. Nag paalam lang ako kay Mrs. Perez at pinayagan naman nya ako. Nang makauwi ako ay wala naman akong gagawin dito sa condo unit ko.Kaya inayos ko nalang mga gamit ko, kumain at nag babad sa bathtub.Pagkabihis ko ay humiga agad ako sa kama para matulog na sana nang biglang may tumatawag saaking telepono. Tinignan ko ang oras ay 7pm na pala.D
[Jayson POV.]Nag da-drive ako papuntang trabaho dahil isang linggo na akong hindi nakakapasok sa opisina ko baka marami na akong trabaho naiwan.Habang nagmamaneho ako ay naalala ko naman ang nangyari kagabi. Dahil hindi pa natatapos ang party ay bigla nalang nawala yung babaeng kasayaw ko.Hinanap ko naman siya pagkatapos n'ya akong takbuhan dahil may nag nagtutulak sakin na sundan s'ya.Pero kasamaang-palad hindi ko na siya nakita. Nag tanong ako sa guard sa labas pero ang sabi wala silang nakita. Habang nagsasayaw kasi kami nag o-open ako sa kanya ng hinanakit ko, parang ang gaan kasi sa loob ko na nasasabi ko sa kanya parang siya talaga kausap ko. Hay ewan ko ba!Pero nalungkot ako ng umalis siyang hindi ko nalalaman ang pangalan nya at hindi man lang nag sabi na uuwi na siya. Pero sino ba ako para magpaalam pa siya? Pakiramdam ko kasi naulit ulit yung nangyari saakin ganong pakiramdam. Hindi ko mapaliwanag!Pero yun nga hindi ko na s'ya nakita!Napansin ko kasi nung nag o-open
[Jane POV.]Naalimpungatan ako dahil sa tumatama sa mukha kong mainit. Pagmulat ko ay sinag pala ng araw.Bigla ako napabangon. Umaga na agad? Ang bilis ng oras! Sabagay nakatulog pala ako kakaisip kong anong mukha ihaharap ko sa kanya mamaya. Sa boss ko! At nandito pala ako sa bahay talaga namin. Dito na ako dumiretso umuwi at hindi sa condo ko."Ang tanga mo Jane! Garcia nga ang pangalan ng kompanya diba? edi apilyedo nya yun! bakit hindi mo alam huh?!" Pangaral ko saaking sarili sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.My God! Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot! Ang tanga ko talaga! Napatingin ko sa orasan ko ay bigla akong napatayo mula sa higaan ko dahil malalate na ako sa trabaho!Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at magbihis.Ilang minuto lang ay tapos nako bumaba narin ako agad ng hindi pa ako nag susuklay. Bahala na sa kotse nalang ako mag susuklay.Pagkababa ko nakasalubong ko si dad sa sala galing siyang dining table."Morning a
[Jane's POV]Subsob ako ngayon sa trabaho. Nakayuko lang ako hanggang naglunch dahil ayokong magawi yung tingin ko sa pintuan ng opisina ng boss ko!Dahil kapag naalala ko yung kaninang umaga sa loob ng elevator kung paano n'ya ako kausapin ay nasasaktan ako. Lalo na yung napaiyak ako pero hindi ko naman sinasadyang iparinig sa kanya dahil kahit ako mismo nabigla rin sa sarili.Hindi ako makapag concentrate s trabaho dahil naiisip ko yung nangyari sa loob ng elevator.Nagulat lang ako dahil bigla nalang siya nag salita na parang naiinis sabay sabunot sa sarili niyang buhokAkala ko tuloy masakit ang ulo nya kaya nilapitan ko siya para natungin kong ok lang ba siya pero nabigla ako sa sinabi nya nung napahawak ako sa balikat nya. "Huwag.mo.kong.hawakan." madiing salita n'ya saka umayos ng tayo at deretso tingin sa harap ng pinto ng elevator.Ako naman ay bigla ako napaatras sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang balikat. "A-ah ok." Sagot ko nalang saka tumalikod na'ko sa kanya.Nasakta
[Jane's POV]Mag iisang buwan na akong nag tatrabaho sa kompanya n'ya pero napapansin kong pinapahirapan nya ko. Eh kasi naman yung pinapagawa nya sakin ay ang layo sa trabaho ko bilang isang sekretarya nya. Paano kasi pinapalinis nya ako kanina ng mini library nya sa loob ng opisina nya kasi raw napapansin n'yang maalikabok na raw ito at wala raw siya'ng oras para linisin ito kaya ako nalang. Tsk. Kung alam nya lang na alam ko na pinapahirapan nya lang ako.Paano magkakaalikabok dito sa loob ng opisina nya kung bago pa siya dumating dito sa kompanya nya ay nauuna ako sa kanya at nakikita kong nililinis ito araw araw ng mga taga linis nya. Para wala na siya masabi ay sinunod ko nalang ang utos n'ya kasi wala naman na akong gagawin na. Ang nakakainis lang ay yung pinalinis nya saakin yung banyo nya dito sa loob ng opisina nya. Nung una ay tumanggi ako kasi malinis naman pero nung no choice na ako kasi mapilit siya ay nilinis ko narin kahit wala naman ililinis doon. Nang matapos a
[Jane's POV.]Nandito ako ngayon sa condo ng boss ko habang ginagamot nya ang sugat sa noo ko ay hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya kung bakit nga ba may sugat ang noo ko? Kahit ako ay hindi ko rin alam basta habang papunta ako dito ay may nangyari habang papunta ako dito."Pasensya na boss sa abala. Ok naman na po ako. Uuwi nalang po ako para mag pahinga" sagot ko saka tumayo para makaalis na kaso pinigilan nya ako sa braso kaya ayun napaupo ulit ako."Ang tanong ko ang sagutin mo. Ano nangyari sa noo mo?" Seryosong tanong nya at hindi ko magawang tumitig sa mga mata nya kasi nalulunod ako sa kaseryosohan neto."Ok sige. Ganito kasi nangyari." Tumigil muna ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi? Kasi hindi naman na importante para sa kanya eh."Ok?" Sabi pa neto at medyo tumaas na isang kilay neto. Napabuntong hininga nalang ako dahil no choice naman na ako."Kasi habang nagdadrive ako papunta dito sa condo mo ay nahihilo na ako sa sobrang gutom ko. Dahil anong
[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyaring halikan namin sa elevetor. Nung hinalikan nya ako ay feeling ko kaming dalawa lang talaga sa mundo. Parang bumalik kami sa dati na kame pa. Doon lang ako tinubuan ng hiya sa rooftop pagkatapos naming magkahalikan.Kasi naman parang natutunaw ako sa mga titig nya saakin. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip nya sa mga oras na yun.Kaya nag desisyon akong umalis nalang at umuwi dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa sobrang hiya nararamdaman ko sa mga oras na yun. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa naisip ko. Nandito ako ngayon sa trabaho at ewan ko ba dahil simula nangyari sa rooftop ay ang cold nya na sa lahat?O saakin lang siya cold?Tulad ngayon! Hindi na siya namamansin. Hindi na ako masyado inuutusan mag isang linggo na! Hello? Sekretarya nya ako pero hindi nya ako inuutusan masyado! Wala siyang pinapagawa na mahirap! Nasa harapan lang naman ng office nya yung table ko! Pero bakit? B
(A/N: Last Chapter na po ito ng MEBIMB BOOK 1..)__________________________[Jane's POV.]After sa nangyari doon sa condo ni Jayson ay hindi ko na yun pinaalam pa kay Mike. Kinabukasan ay aalis na kame at ito na nga kami ngayon sa loob ng airport. Hinihintay nalang tawagin ang aming boarding flight para makaalis na!Sa tuwing pumapasok sa sakin isipan ang imahe na hinahalikan siya parang sasabog talaga ako sa inis doon sa babae na yun! Hindi ko matanggap na ang lalaking mahal ko ay hinahalikan ng iba!Gusto ko pigilan na itong kahibangan ko na ito dahil may mapapangasawa na ako at handang panagutan ako! Pero hinding-hindi ko magawa dahil siya lang. Siya lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko. Napabalik tanaw ako ng tapikin ako ni Mike sa braso at sinabing tinatawag na raw ang flight namin. Kaya tumayo naman ako at nag lakad. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa entrance ng airport at napahigit ng malalim na hininga. "Sana sa pagbalik ko ay mapatawad mo ako sa muli kong pag ali
[Jayson's POV.]Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba? Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael. Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati. Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabun
[Mike's POV.]Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi. Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko. Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis. Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya. Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga b
[Jane's POV.]Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas. Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko. Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin. Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabun
[Mr.Ocampo POV.]Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin."Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang."Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.." Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya. "Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya."Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot
[Mike's POV.]Nang hindi parin sumasagot si Jane saamin ay bigla kami nakarinig ni manang nabasag sa loob ng kwarto ne'to. "Jane? Anong nangyayari dyan? Jane!" Malakas na katok ko sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. "Manang kunin nyo ang duplicate na susi ng kwarto ni Jane! Bilis!" Utos ko kay manang na taranta na umalis naman. Kinakatok ko parin ito pero wala parin sumasagot. Saka dumating si manang dala ang susi ng kwarto nya agad ko naman ito binuksan at nagulat ako ng makita na nakahiga si Jane sa sahig."Jane!" Sigaw ko na agad ito pinuntahan. Kasunod ko si manang. "D'yos ko! Ma'am Jane!" Impit na sigaw ni manang na makitang duguan ang noo ni Jane. "Ako na bahala manang. Dadalhin ko siya sa hospital. Pakisabi nalang sa Daddy nya ang nangyari." Sabi ko dito saka agad ko naman binuhat si Jane palabas ng bahay nila. Sinakay ko kaagad s'ya sa kotse ko at dinala sa malapit na hospital!Nang makarating ako sa hospital ay natatarantang binuhat ko ulit siya at patakbong pum
[Mike's POV.]Habang tinatawag ko siya ay hindi nya na kame nilingon dahil nag mamadali ito na parang totoo talagang nasusuka siya at hindi ito nag bibiro lang.Nakatingin lang kaming tatlo kay Jane papalayo ay hindi ko maiwasan mangamba. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag aalalang sinundan ko ito ng tingin at alam ko sa public toilet ng mall lang ito pupunta. Nilingon ko naman silang dalawa at nakita ko sa mukha ni Jayson ang pag aalala rin kay Jane kaya tumikim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa ganon talaga yun. Paiba-iba ng mood.." Naiilang na sambit ko "Paiba-iba ng mood? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman nya. Paano ko nga ba ipapaliwanag?"Minsan kasi mainit ang ulo. Minsan naman hindi. Nagagalit nalang yun basta kahit saakin nagagalit na wala naman ako ginagawa haha.. Minsan pa ayaw nya ako makita. Tatawagan lang ako nun kapag may gusto siyang ipapabili na pagkain.." Natatawang kwento ko sa kanila. Si Jayson naman ay n
[Jayson's POV.]Isang buwan na ang huling pagkikita namin. At isang buwan narin ang nakalipas na pagkatapos ng lahat ay iniwanan nya nalang ako mag isa sa condo ko. Isang buwan na akong iniiwasan ni Jane. Pati ang tawag at text ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.Alam ko naman kasi na nababasa nya ang text ko dahil kapag tumatawag ako kay nagriring nalang ang phone nya kaya ibig sabihin nun ay hindi pa ako nakablock sa kanya. Ganon naba kawalang halaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa? Wala pa nga sana akong balak na tigilan siya nung gabing yun para hindi n'ya ako iwanan at makalimutan kung hindi lang siya nagsabi na pagod na siya.Minuto minuto ko lagi sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya ay nakuntento akong nakasama ko siyang sa gabi na yun. Lalo nang ibigay nya saakin ang iniingatan nya bilang babae. Ako na ata ang pinakamasayang lalake nung gabing yun dahil pinagkatiwalaan nya ako. Pero yung tuwa ko ay agad naman
[Jane's POV.]Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya. Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko. Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na m