[Jayson's POV.]
Ilang linggo na ng nalaman ko na andito siya sa pilipinas.Kaya nung naka schedule ako ng bussiness trip ay umalis kaagad ako.Para makapaglayo muna at maka pag isip isip na din kung sakaling magkita man kame ulit.At ngayun yung ika-apat naming araw dito sa Davao.Yes Davao! Malayo sa Manila at sa kanya.Nang matapos ang meeting namin dumiretso na ako agad sa aking kwarto ng hotel na pansamantala kong tinutuluyan para makapagpahinga. Sa baba lang naman kame ng hotel rin ne'to nag usap ng aking mga ka bussiness partners.Maya maya pa ay habang nakahiga ako sa kama tumunog ang aking cellphone ng tignan ko ito ay tumatawag si Mrs. Perez saakin kaya agad ko itong sinagot at baka may problema sa kompanya."Good Morning Mrs. Perez. Bakit ka napatawag may problema ba d'yan?" bungad ko kaagad sa kanya.Tumatawag lang kasi yan pag may problema sa kompanya."Good Morning rin po Mr. Garcia. Wala pong problema dito. Gusto ko lang po sabihin saiyo na yung bagong mo pong sekretarya ay nandito na po. At ok po siya saakin Mr. Garcia, mabait na bata kasi bata naman talaga. kahit medyo tinarayan ko kanina kasi nalate siya. Pero magaling po siya at na memorize nya agad lahat ng iniwan mong documents." Mahabang paliwanag ne'to saakin.Hmmm. Mabuti naman kung ganon.May maasahan agad akong sekretarya."Ah ganon po ba? Mabuti kung ganon Mrs. Perez at paki sabihan nalang siya sa lahat at bukas dapat maaga na siya kasi baka hindi na ako makapasok ngayon at gabi nako makakauwi.Pero susubukan kong dadaan d'yan mamaya sa office kung kakayanin ng schedule ko. Ok? Bye."Paliwanag ko sa kanya."Ok po Mr. Garcia." Sagot ne'to sakay ko pinatay ang tawag.At sana hindi yun katulad ng ibang sekretarya ko dati. Ayoko nung lalandiin ako at tatanga.Nagpahinga lang akong kaunti at hindi ko napansin na nakaidlip nako.Naagising ako dahil tumunog yung alarm ng phone ko pag tingin ko ng oras ay hapon na.Hindi ko napansin. Napasarap ata tulog ko. Ewan ko ba lagi ako puyat kapag gabi hindi ako makatulog ng maayos. Or hindi kaya kakaisip sa kanya kaya napupuyat ako?Tumayo nako at pumikit muna sandali para alisin muna siya sa isip ko.At dali akong nag ayos para bumyahe diretso sa airport. Private plane gamit ko gift saakin dati ni Dad.__________________Ilang sandali ay nandito nako sa manila.Tinignan ko ang oras at 5:30 na ng hapon. Mabilis lang ang byahe isang oras.Lumabas na ako at daling sumakay sa kotse ko deretso sa kompanya ko.After 30 minuter nandito nako at diri-diretsong pasok sa building.Nag hihintay ako bumukas ang elevetor ng may lumabas sa isa pang elevetor nung katabi ne'tong pinag aantayan ko.Isang pamilyar na pigura na babae na mabilis mag lakad palabas ng building ko.Pero hindi ako sigurado kong kilala ko ba ito.Kaya tinanong ko yung kasama kong guard na nagdadala ng mga gamit ko."Sino s'ya?" Tanong ko sabay turo ko dun sa babae papalayo. Gusto ko lang makasiguro."Ah Sir siya po yung bago mong sekretarya sabi kanina ni Maam Perez." Sagot nito saakin.Ah hindi nga siya yun.Pero bakit parang bigla akong nalungkot na hindi siya? Saka Sekretarya? Siya na mas mayaman nga yun saakin.Siguro maging kulay pink muna ang uwak pag nag hirap sila at nag apply dito saakin bilang sekretarya ko.Ano ba itong iniisip ko?At bakit sya iniisip ko?Trabaho pinunta ko dito!Sumakay nako ng elevator paakyat sa office ko.Nang sa taas na ako. Sinalubong ako agad ni Mrs. Perez."Good Evening Sir. Hindi nyo po nasabi na makakadaan talaga kayo ngayon." Salubong ne'to saakin at sumabay saakin papunta sa aking office."Maaga pa naman at wala akong gagawin sa bahay Mrs. Perez kaya mas mabuti ng may gagawin ako ngayon." Sagot ko sa kanya pagkapasok ko ng office ko at umupo."Ganon po ba? Pero wala na po yung sekretarya nyo sir. Nag paalam na po kasi out na rin po nya." Alanganin na sabi ne'to saakin. Siguro dahil walang tutulong saakin dito at siya kailangan nya narin umuwi dahil may pamilya rin siya."Ok lang Mrs. Perez. Bukas ko nalang siya mauutusan. Kunin mo nalang yung lahat ng documents na pinabasa mo sa kanya kanina at pwede na rin po kayong makauwi." Sagot ko dito sabay tayo at ngumiti."Sige po Mr. Garcia kukunin ko lang po." Nakangiting sagot nito at lumabas na rin sa aking opisina para kunin ang aking kailangan basahin.Si Mrs. Perez pala ay isa kong Personal Assistant para iwas na din sa mga babae nagkakagusto saakin at issue."Sir ito na po lahat ng documents na nasa table ng bago mo pong sekretarya." Sabi niya sabay lapag ne'to sa harap kong lamesa. Napabuntong hininga nalang ako sa aking nakita dahil medyo marami rin pala."Sige na Mrs. Perez pwede na po kayong umuwi baka nag hihintay na po sa inyo ang iyong pamilya." Sabi ko rito sabay tango. Senyales na pumapayag talaga ako na umalis na siya.Nakikita ko kasing nag aalangan siyang iwanan ako dito ngayon."Sige po sir. Maraming salamat po." Sagot nito at yumuko ng kunti bago lumabas ng aking opisina.Pagkabigay saakin ni Mrs. Perez ng documents na kailangan ko ay binasa ko ito isa-isa ulit at maya maya pa ay may na pansin akong isang papel na nakaipit sa isa kong documents ko.At halatang hindi naman to kasama sa mga documents na binabasa ko.Nung tinititigan ko mabuti isang doodle lang pala! Gawa ata ito ng sekretarya ko.At biglang pumasok sa isip ko si Jane.Mahilig din pala yun mag doodle yung isang yun.Pero kasi pareho silang sulat kamay.Kaya naisip ko siya agad. Ano ba itong sinusulat nya dito? Tinignan ko mabuti at binasa."Patawarin mo ako kung iniwanan kita mahal ko. Mahal na mahal kita ng sobra! Miss na miss na kita." Nang nabasa ko ang sulat nya ay bigla akong natigilan.At bakit sa pagkabasa ko non ay parang ang bigat sa pakiramdam, na tagos sa puso ko.Baka pagod lang to! Jet lag kung baga dahil galing pa ako ng byahe galing Davao.Kaya ang ginawa ko sa sulat nya ay tinago ko sa drawer ng table ko.At pinagpatuloy ang aking ginagawa.Mga ilang oras ang nakalipas ay tapos basahin yung iba.Tinignan ko ang oras ay alas otso na pala ng gabi. Kaya tumayo nako at lumabas sa aking opisina.Pagkababa ko sinabihan ko nalang ang ibang guard na mag bantay mabuti. At pumunta sa kotse ko.Habang nag mamaneho ako ay napaisip ako na hindi rin naman ako makakatulog agad pagkauwi ko. Kaya nakapagdesisyon akong mag bar nalang muna at uminom ng konti para pag uwi ko mamaya ay deretso nako makatulog.___________________Nandito nako sa bar. Nag order lang ako ng pinakahard na alak. Nilagok ko agad yun hanggang sa malasing ako pero kaya ko pa naman siguro mag drive pauwi ne'to mamaya.Nang medyo may tama na ako ay nagbayad nako at lumabas ng hahawak nako sa sasakyan ko parang nahilo ako at matutumba kaya lang nung akala ko babagsak nako may umakay sakin isang babae.Pamilyar sya! Pero hindi ko mamukhaan. Pero yung amoy nya ay nagbibigay ng init saaking katawan lalo na at magkadikit kame."Saan ka umuuwi at hahatid na kita.". tanong nya saakin na parang kilala nya ako."Kaya k-ko pa n-naman. S-salamat nalang"tanong ko."Hindi pwede! Kaya huwag kang malikot dyan." Sagot nya habang pinapasok ako sa loob ng kotse na hindi saakin. So kotse nya ito. Hindi ko namalayan yun.Nag drive lang siya. Hindi ko alam saan nya ako dadalhin basta alam ko lang nahihilo nako at papikit na mga mata ko."Nandito na tayo sa condo mo. Saan unit mo at susi? Hahatid kita dun. akin na?" Sabi ne'to saakin na parang nag mamadali na takot mahuli. Kahit naguguluhan ay kinapa ko naman yung keycard ko sa unit ko at binigay sa kanya.Inaalalayan nya ako papasok sa lobby ng tinawag nya ang isang guard para siguro tulungan siya akayin ako."Saan kwarto mo?" tanong nya habang inaalalayan nila ako ng guard."N-nadun oh." Sabay turo ko sa kanya."B-bakit may g-gagawin ka s-sakin no?" Nakangising sabi ko sa kanya."Huwag k-kng mag alala miss o-ok lang." Natatawang sabi ko pa."Ang kapal mo ah! Tadyakan kita d'yan eh. Hindi lang kita m*****" hindi ko na narinig ang huling sinabi nya kasi binubuksan nya na ang pintuan ng unit ko."A-ano yun?" Tanong ko pa sa kanya habang pinapasok ako ng guard sa loob ng unit ko."Miss mukhang lasing na lasing itong boyfriend mo ah." Umiiling na sabi ng guard habang pinapaupo ako sa sofa."Hayaan mo siya. At hindi ko siya b-boyfriend. Sige po salamat kuya guard." Sagot nito sa guard na tumulong saamin habang hinahatid nya ito palabas ng unit ko."U-uy ano nga yun s-sabi mo kanina?" Tanong ko ulit sa kanya habang pabalik siya saakin harapan."W-wala." Inaalalayan nya ulit ako patayo at pinasok sa kwarto ko at inihiga nya ko sa kama saka pinalitan ng sandong damit. Hindi ko parin maaninag ng maayos ang mukha nya.At sa ginagawa nya saakin ngayon ay bigla naman ako nag iinit.Pagkatapos nya akong bihisan aybigla ko siyang hinila at hinalikan. Hinawakan ko ang ulo nya para diinan ang halik namin. Naramdaman ko nag pumiglas siya kay mas ginalingan ko ang halik ko sa kanya at napahiga siya saaking tabi.God! Ang sarap ng humalik siya pabalik saakin. Parang pamilyar saking pakiramdam.[To be continued..]_____________________[Jane's POV]Nang makauwi ako ay hindi rin naman ako makatulog.Kaya lumabas nalang ako ulit at pumunta sa bar para makainom ng kunti at makatulog agad.Hindi naman ako maglalasing talaga. Gusto ko lang makainom ng kunti.Tamang alak lang ng makatulog agad!Pagdating ko doon dumiretso ako agad sa bar counter para mag order.Nag makapag order nako may napansin akong lalaking papasok at diretso sa bar counter at umorder talaga ang pinakahard na alak?Lumaki ang aking mga mata ng makilala ko siya. Mabuti nalang at medyo madilim sa bandang pwesto ko. Kaya malaya ko siya tinititigan.Hindi parin nag babago, siya pa rin ang mahal ko. Medyo nag matured nga lang at nagkalaman laman ang katawan nya.Pag umiinom siya ay nakakaakit tignan. Kaya nung napansin kung aalis na siya sinundan ko na ito kasi nakita kong masuray-suray ito sa pag lalakad na akala moy matutumba.Deretso siya sa parking lot at mag dadrive pa talaga siya sa lagay na yan ha? Hirap na nga siya mag lakad kasi may tama na siya t
[Jane's POV.]Nandito parin ako sa lumang park malapit sa bahay namin.Nakaupo ako sa duyan ng humangin ng malakas. Napatingala ako sa langit na ang ganda tignan dahil sa mga bituin. Napapikit ako ng maalala ang una naming pagkikita.Flashback~Third year high school ako ngayon at kakagaling ko lang sa school. Pauwi na ako ng may nakita akong park na malapit sa bahay namin kay dumaan ako para makapag relax.Pag pasok ko sa park ay umupo agad ako sa isang duyan. Habang nag duduyan ako nang biglang lumakas ang hangin at napuwing ako! Kinuha ko sa bag ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tinignan ang mata ko tapos kinusot-kusot ko ito gamit ng kamay na dahilan para maluha ako at mamula ang mga mata ko. Tapos biglang may nagsalita sa likod ko "uy batang nasa duyan. Bakit ka umiiyak?" natigilan ako sa tanong nya. Bata daw eh. Napatingin ako sa paligid kung ako ba kausap nya dahil wala naman ibang bata dito sa malapit saamin nasa malayo. Doon ko lang napagtanto na ako yung bata n
[Jane's POV.]Isang linggo na ang nakalipas ng makita ko siya bar.Ewan ko ba kung ano problema nya at nagpakalasing siya.Siguro dahil nag away sila ng nago n'yang gf. Nag salita pa nga na mahal pa rin nya ito. Napa irap nalang ako sa naisip ko. At nung isang araw rin ay nag paalam na ako kay dad na lilipat ako ng bahay. Nung una ay ayaw nya madame pa siya sinasabi na wala ako kasama sa condo ko. Hindi rin naman nag tagal ay pinayagan na rin nya ako.Kumuha lang ako ng condo unit na medyo malapit lang din sa work ko.Sinamahan pa nga ako ni dad para makasiguro siya na safe ang condo na binili nya para saakin. Kasi si kuya wala nag asikaso ng kompanya ni dad.Tinulugan rin nila ako na maghakot ng gamit ko. Dinala ko lang ay yung mga gamit ko na kailangan sa pang araw-araw sa trabaho.At isang linggo na din wala ang boss ko. Nung mag iisang linggo nako dito sa trabaho ko, sinabi sakin ni Mrs. Perez na kaya wala pala si boss ng isang linggo ay nagkasakit ito. Siguro dahil nasobrahan s
[Jane's POV.]Nandito ako ngayon sa office at sobrang daming ginagawa at yung boss ko ay nakarating na nga lahat-lahat dito sa bansa galing bussiness trip nya sa Macau hindi na naman pumasok para mabawas-bawasan nya naman itong mga dokyumento na kailangan n'yang permahan.Nako alam ko na! Tinatamad lang yun pumasok ngayon dahil alam nya may masipag sya'ng sekretaryang handa sumalo ng mga trabaho nya dito. Saka kahit anino nun ay hindi ko pa nakikita! Takot ba sakin yun? Napatawa ako sa naisip ko. Ang assuming ko naman kung ganon na hindi n'ya rin naman ako nakikita pa? Mag hapon tutok sa trabaho kaya nung off duty ko na ay umuwi na agad ako. Nag paalam lang ako kay Mrs. Perez at pinayagan naman nya ako. Nang makauwi ako ay wala naman akong gagawin dito sa condo unit ko.Kaya inayos ko nalang mga gamit ko, kumain at nag babad sa bathtub.Pagkabihis ko ay humiga agad ako sa kama para matulog na sana nang biglang may tumatawag saaking telepono. Tinignan ko ang oras ay 7pm na pala.D
[Jayson POV.]Nag da-drive ako papuntang trabaho dahil isang linggo na akong hindi nakakapasok sa opisina ko baka marami na akong trabaho naiwan.Habang nagmamaneho ako ay naalala ko naman ang nangyari kagabi. Dahil hindi pa natatapos ang party ay bigla nalang nawala yung babaeng kasayaw ko.Hinanap ko naman siya pagkatapos n'ya akong takbuhan dahil may nag nagtutulak sakin na sundan s'ya.Pero kasamaang-palad hindi ko na siya nakita. Nag tanong ako sa guard sa labas pero ang sabi wala silang nakita. Habang nagsasayaw kasi kami nag o-open ako sa kanya ng hinanakit ko, parang ang gaan kasi sa loob ko na nasasabi ko sa kanya parang siya talaga kausap ko. Hay ewan ko ba!Pero nalungkot ako ng umalis siyang hindi ko nalalaman ang pangalan nya at hindi man lang nag sabi na uuwi na siya. Pero sino ba ako para magpaalam pa siya? Pakiramdam ko kasi naulit ulit yung nangyari saakin ganong pakiramdam. Hindi ko mapaliwanag!Pero yun nga hindi ko na s'ya nakita!Napansin ko kasi nung nag o-open
[Jane POV.]Naalimpungatan ako dahil sa tumatama sa mukha kong mainit. Pagmulat ko ay sinag pala ng araw.Bigla ako napabangon. Umaga na agad? Ang bilis ng oras! Sabagay nakatulog pala ako kakaisip kong anong mukha ihaharap ko sa kanya mamaya. Sa boss ko! At nandito pala ako sa bahay talaga namin. Dito na ako dumiretso umuwi at hindi sa condo ko."Ang tanga mo Jane! Garcia nga ang pangalan ng kompanya diba? edi apilyedo nya yun! bakit hindi mo alam huh?!" Pangaral ko saaking sarili sabay sabunot ko sa sarili kong buhok.My God! Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot! Ang tanga ko talaga! Napatingin ko sa orasan ko ay bigla akong napatayo mula sa higaan ko dahil malalate na ako sa trabaho!Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at magbihis.Ilang minuto lang ay tapos nako bumaba narin ako agad ng hindi pa ako nag susuklay. Bahala na sa kotse nalang ako mag susuklay.Pagkababa ko nakasalubong ko si dad sa sala galing siyang dining table."Morning a
[Jane's POV]Subsob ako ngayon sa trabaho. Nakayuko lang ako hanggang naglunch dahil ayokong magawi yung tingin ko sa pintuan ng opisina ng boss ko!Dahil kapag naalala ko yung kaninang umaga sa loob ng elevator kung paano n'ya ako kausapin ay nasasaktan ako. Lalo na yung napaiyak ako pero hindi ko naman sinasadyang iparinig sa kanya dahil kahit ako mismo nabigla rin sa sarili.Hindi ako makapag concentrate s trabaho dahil naiisip ko yung nangyari sa loob ng elevator.Nagulat lang ako dahil bigla nalang siya nag salita na parang naiinis sabay sabunot sa sarili niyang buhokAkala ko tuloy masakit ang ulo nya kaya nilapitan ko siya para natungin kong ok lang ba siya pero nabigla ako sa sinabi nya nung napahawak ako sa balikat nya. "Huwag.mo.kong.hawakan." madiing salita n'ya saka umayos ng tayo at deretso tingin sa harap ng pinto ng elevator.Ako naman ay bigla ako napaatras sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang balikat. "A-ah ok." Sagot ko nalang saka tumalikod na'ko sa kanya.Nasakta
[Jane's POV]Mag iisang buwan na akong nag tatrabaho sa kompanya n'ya pero napapansin kong pinapahirapan nya ko. Eh kasi naman yung pinapagawa nya sakin ay ang layo sa trabaho ko bilang isang sekretarya nya. Paano kasi pinapalinis nya ako kanina ng mini library nya sa loob ng opisina nya kasi raw napapansin n'yang maalikabok na raw ito at wala raw siya'ng oras para linisin ito kaya ako nalang. Tsk. Kung alam nya lang na alam ko na pinapahirapan nya lang ako.Paano magkakaalikabok dito sa loob ng opisina nya kung bago pa siya dumating dito sa kompanya nya ay nauuna ako sa kanya at nakikita kong nililinis ito araw araw ng mga taga linis nya. Para wala na siya masabi ay sinunod ko nalang ang utos n'ya kasi wala naman na akong gagawin na. Ang nakakainis lang ay yung pinalinis nya saakin yung banyo nya dito sa loob ng opisina nya. Nung una ay tumanggi ako kasi malinis naman pero nung no choice na ako kasi mapilit siya ay nilinis ko narin kahit wala naman ililinis doon. Nang matapos a
(A/N: Last Chapter na po ito ng MEBIMB BOOK 1..)__________________________[Jane's POV.]After sa nangyari doon sa condo ni Jayson ay hindi ko na yun pinaalam pa kay Mike. Kinabukasan ay aalis na kame at ito na nga kami ngayon sa loob ng airport. Hinihintay nalang tawagin ang aming boarding flight para makaalis na!Sa tuwing pumapasok sa sakin isipan ang imahe na hinahalikan siya parang sasabog talaga ako sa inis doon sa babae na yun! Hindi ko matanggap na ang lalaking mahal ko ay hinahalikan ng iba!Gusto ko pigilan na itong kahibangan ko na ito dahil may mapapangasawa na ako at handang panagutan ako! Pero hinding-hindi ko magawa dahil siya lang. Siya lang talaga ang kayang mahalin ng puso ko. Napabalik tanaw ako ng tapikin ako ni Mike sa braso at sinabing tinatawag na raw ang flight namin. Kaya tumayo naman ako at nag lakad. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa entrance ng airport at napahigit ng malalim na hininga. "Sana sa pagbalik ko ay mapatawad mo ako sa muli kong pag ali
[Jayson's POV.]Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila?Masaya na ba silang dalawa?Ang huling kita namin ay yung sa mall ay nasabihan pa akong mabaho. Tapos nabanggit pa ni Jessica na parang buntis ito sa kinikilos nya. Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Baka nga nabuntis ko siya. Pero isang gabi lang may nangyari saamin. Makakabuo ba kapag isang gabe lang? Sabagay hindi lang naman kasi isang beses namin ginawa yun. Baka nga at nabuntis ko ito? Pero sasabihin naman nya diba? Kaso kinabukasan naman nun ay nabalitaan kong na ospital pala ito. Sinabi saakin ni Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael. Gusto ko siyang puntahan para kamustahin kaso ano sasabihin ko sa pamilya nya? Napadaan lang ako at mangangamusta? Hindi naman ata nila alam na may relasyon kame dati. Dalawamg linggo pagkatapos nun ay may sinabi naman saakin si Nicole na sinabi rin sa kanya ni Michael na buntis raw ang kapatid ne'to na si Jane.Bigla akong nabuhayan dahil sa nalaman ko. Alam kong ako ang nakabun
[Mike's POV.]Nang matapos ako sa trabaho ay umuwi agad ako. Ganito naman ang routine namin araw-araw. Papasok ako ng trabaho tapos siya nasa bahay nag hihintay sa'akin.Kung titignan ay parang mag asawa na talaga kame na uuwi ako galing trabaho habang hinihintay ako ng asawa ko sa bahay. Pero alam ko naman ang totoo na hindi ganon yun.Habang nagmamaneho ako ay dumaan ako sa grocery para bumili ng pinapabili ni Jane bago umuwi. Ganito lagi ginagawa ko kapag uuwi ako galing trabaho. Tatawagan ko siya kapag may gusto siyang kainin para mabili ko ito pagkauwi ko. Nung una ay ang weird nang mga pinapabili nya. Pero nasanay rin ako at nabasa ko sa internet nna ganon talaga kapag naglilihi ay isang buntis. Dahil malapit lang naman ang kompanya namin dito sa condo ko ay mabilis naman ako nakauwi agad bitbit ang mga pinapapabili nya. Pagkabukas ko ng pinto ay parang wala namang tao? Ang tamihik ng buong bahay. Agad akong pumunta sa kusina pero wala rin tao doon. Nilapag ko muna ang mga b
[Jane's POV.]Nang makalabas ako ng hospital ay dito na ako dineretso uwi ni Mike sa condo nya. Dalawang araw lang tinagal ko sa hospital ay pinayagan naman agad akong lumabas. Simula nung sinabi nya kay Dad na siya aako ng reponsibilidad sa pagbubuntis ko ay pinagduldulan na ako ni Dad sa kanya at dito sa condo ni Mike muna tumira para umiwas sa issue kapag lumaki ang tiyan ko. Wala na rin akong nagawa kundi pumayag nalang! Hindi naman kami nagkakahiyaan pa ni Mike dahil sanay naman kame sa isa't-isa pero minsan parang ang cold nya makipagusap saakin.Hindi ko naman siya masisisi dahil ang taong mahal nya ay may mahal ng iba at nagpabuntis pa! Hindi rin matutuloy ang kasal dahil buntis nga ako. Pero mag fiancé parin kame sa mata ng mga tao at pamilya namin. Kaya siguro sinusubukan nya parin maging kaswal saakin tulad ng tinatanong nya ako kung anong gusto kung kainin at gawin. Kaya ang ending ako yung naiilang saamin dalawa!Kung tratuhin nya ako parang wala lang sa kanya na nabun
[Mr.Ocampo POV.]Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin."Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang."Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.." Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya. "Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya."Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot
[Mike's POV.]Nang hindi parin sumasagot si Jane saamin ay bigla kami nakarinig ni manang nabasag sa loob ng kwarto ne'to. "Jane? Anong nangyayari dyan? Jane!" Malakas na katok ko sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. "Manang kunin nyo ang duplicate na susi ng kwarto ni Jane! Bilis!" Utos ko kay manang na taranta na umalis naman. Kinakatok ko parin ito pero wala parin sumasagot. Saka dumating si manang dala ang susi ng kwarto nya agad ko naman ito binuksan at nagulat ako ng makita na nakahiga si Jane sa sahig."Jane!" Sigaw ko na agad ito pinuntahan. Kasunod ko si manang. "D'yos ko! Ma'am Jane!" Impit na sigaw ni manang na makitang duguan ang noo ni Jane. "Ako na bahala manang. Dadalhin ko siya sa hospital. Pakisabi nalang sa Daddy nya ang nangyari." Sabi ko dito saka agad ko naman binuhat si Jane palabas ng bahay nila. Sinakay ko kaagad s'ya sa kotse ko at dinala sa malapit na hospital!Nang makarating ako sa hospital ay natatarantang binuhat ko ulit siya at patakbong pum
[Mike's POV.]Habang tinatawag ko siya ay hindi nya na kame nilingon dahil nag mamadali ito na parang totoo talagang nasusuka siya at hindi ito nag bibiro lang.Nakatingin lang kaming tatlo kay Jane papalayo ay hindi ko maiwasan mangamba. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag aalalang sinundan ko ito ng tingin at alam ko sa public toilet ng mall lang ito pupunta. Nilingon ko naman silang dalawa at nakita ko sa mukha ni Jayson ang pag aalala rin kay Jane kaya tumikim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. "Pasensya na sa inyong dalawa ganon talaga yun. Paiba-iba ng mood.." Naiilang na sambit ko "Paiba-iba ng mood? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman nya. Paano ko nga ba ipapaliwanag?"Minsan kasi mainit ang ulo. Minsan naman hindi. Nagagalit nalang yun basta kahit saakin nagagalit na wala naman ako ginagawa haha.. Minsan pa ayaw nya ako makita. Tatawagan lang ako nun kapag may gusto siyang ipapabili na pagkain.." Natatawang kwento ko sa kanila. Si Jayson naman ay n
[Jayson's POV.]Isang buwan na ang huling pagkikita namin. At isang buwan narin ang nakalipas na pagkatapos ng lahat ay iniwanan nya nalang ako mag isa sa condo ko. Isang buwan na akong iniiwasan ni Jane. Pati ang tawag at text ko sa kanya ay hindi nya pinapansin.Alam ko naman kasi na nababasa nya ang text ko dahil kapag tumatawag ako kay nagriring nalang ang phone nya kaya ibig sabihin nun ay hindi pa ako nakablock sa kanya. Ganon naba kawalang halaga sa kanya ang nangyari sa aming dalawa? Wala pa nga sana akong balak na tigilan siya nung gabing yun para hindi n'ya ako iwanan at makalimutan kung hindi lang siya nagsabi na pagod na siya.Minuto minuto ko lagi sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya ay nakuntento akong nakasama ko siyang sa gabi na yun. Lalo nang ibigay nya saakin ang iniingatan nya bilang babae. Ako na ata ang pinakamasayang lalake nung gabing yun dahil pinagkatiwalaan nya ako. Pero yung tuwa ko ay agad naman
[Jane's POV.]Mag tatatlong linggo na ang huli naming pagkikita at mag tatatlong linggo narin ako umalis sa condo nya pagkatapos ang nangyari saamin. Umalis ako habang tulog ito.Hindi lang isang beses namin ginawa yun kundi sinulit namin ang gabing yun at pault-ulit nya rin sinasabi na Mahal nya ako. Pero kahit sagot ay wala siyang natanggap mula saakin. Nang makasiguro akong tulog sya sa ay umalis na rin ako sa condo nya. Hindi ako nagsisisi na sakanya ko binigay ang pagkababae ko. Dahil yun nalang ang maging ala-ala ko sa kanya kapag pinakasal na ako sa iba. Atleast nabigay ko ang aking sarili sa taong mahal ko. Kahit panay text at tawag nya sa akin ay hindi ko ito pinapansin kahit sabihin nya na makipagkita lang ako sa kanya ay hindi ko ginawa. Gusto ko ng putulin kung anong meron sa amin dahil yun ang nararapat. Gusto ko man siya puntahan at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya ay hindi ko magawa dahil ayoko magalit si dad baka umatake naman ang sakit nya. Ayoko na m