Makalipas ang ilang araw ay libing na ni Hasmin. Sobrang busy ni Lenie noon at marami na rin ang dumalaw sa bahay nila bago pumunta sa libing.Maaga ring pumunta si Zyra at Lance para tulungan siya. Agad na niyakap ni Zyra ang kaibigan kaya hindi naiwasan ni Lenie ang hindi mapaiyak.“Ready ka na ba? Marami na rin ang tao sa labas. Isang oras na lang ay pupunta na rito si Father Anselmo,” sabi ni Zyra.“Kahit sino naman ay hindi ready sa ganito, ‘di ba? Zyra, sobrang hirap. Hindi ko alam kung paano magsisimula pero dapat ay kayanin ko ito,” sagot ni Lenie, nakayakap pa rin siya kay Zyra noon.“Ganyan siguro talaga sa umpisa. Isa pa, kahit ano naman yatang gawin natin ay hindi na mawawala ang sakit kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay hindi ba? Para tayong nakalutang sa alaala nila,” sagot ni Zyra kaya humagulhol na si Lenie.Ilang minuto pa ay pumasok na rin sa kwarto si Lance dahil may naghahanap daw kay Lenie.“Lenie, may naghahanap sa iyo. Parang nagmamadali nga ring umalis. Isang
Sa kabilang banda ay nakatira na nga si Alice sa condo kasama si yaya Sol at Javi. Mahigit isang linggo na sila roon at hindi pa rin siya natutunton ni Lester.“Yaya Sol, napakain mo na ba ng umagahan si Javi? Umiyak na naman ba siya kanina?” tanong ni Alice habang siya ay nagme-make up.“Opo napakain ko na siya kanina. Umiyak po pero tumahan naman agad,” sagot naman ni Yaya Sol.Tumango-tango noon si Alice at pinagpatuloy na ang kanyang pagme-make up. Hanggang sa makalipas lang ang ilang minuto ay may nag-door bell ng ilang beses sa pinto ng kanyang condo. Hindi pa ito nasiyahan dahil kinalampag pa nito ang pinto.“Yaya Sol, sino ba iyon? Wala naman akong maalala na nag-order ako ng pagkain sa baba o kung ano man. Ikaw ba, may in-order ka?” naiirita na noon si Alice dahil sa ingay na ginagawa noong kumakatok.“Aba, Ma’am. Wala rin naman po akong in-order. Hindi ko naman alam kung paano um-order eh. Baka may inaasahan po kayong bisita?’ sagot naman ni Yaya Sol kaya napaisip si Alice.
Makalipas ang ilang araw ay pumunta si Lenie sa RCG para kunin ang ilang gamit niya roon at ang huling sweldo niya. Ayaw man niyang makita ang kanyang ex-boyfriend ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang kunin iyon, pandagdag din sa pang araw-araw na buhay niya.Noong una ay ayaw niyang magpahatid kay Lance pero dahil pinilit siya nito ay wala na siyang nagawa. Sumang-ayon na lang din siya para matapos na ang lahat at maka-move on na siya sa buhay.“Hindi na kita sasamahan, ha? Alam mo naman ang pwedeng mangyari kapag sumama pa ako sa iyo,” sabi ni Lance.“Oo, okay lang. Ako na lang ang bahalang humarap sa kanya. Mamaya, suntukin ka na naman niya kahit wala ka namang ginagawa,” sagot ni Lenie pagkatapos ay bumaba na sa kotse ni Lance.Bago pumasok sa RCG building ay inayos muna niya ang kanyang sarili pagkatapos ay humingang malalim. Ngumiti siya nang bahagya.‘Ito na ang huling araw na tatapak ka rito, Lenie. Pagkatapos nito, mamumuhay ka na nang masaya at hindi puro sakit.’Nang p
THREE MONTHS AGO. . . Sa mansyon na nga nanirahan sina Alice at si Javi. Noong una pa nga ay ayaw ni Beverly na roon patirahin ang dalawa dahil hindi naman siya sigurado kung apo niya talaga ang bata. Masayang dumating si Alice sa mansyon ng mga Ramirez kasama si Javi at Yaya Sol. Ang takot at luha na naramdaman ay biglang nawala dahil sa wakas ay nakuha na rin niya ang dati pang kagustuhan. ‘Salamat na rin Lester at tinanggal mo sa akin ang lahat. Kung hindi mo ginawa iyon ay baka hindi kami patirahin ni Alexis sa mansyon na ito.’ Sa bungad pa lang ng mansyon ay naghihintay na si Beverly kay Alexis habang umiinom ng kanyang tsaa. Nakakunot ang noo nito nang maaninag kung sino man ang mga kasama ng anak niya. Nagtaka rin ito dahil sa dami ng maleta na dala nila. “Anak, sino naman ‘yang mga kasama mo? Hindi naman natin kailangan ng bagong kasambahay, ah? Isa pa, alam mo naman na bawal dalhin ng mga kasambahay natin ang mga anak nila, hindi ba?” sabi agad ni Beverly nang tumigil sa
Sa kabilang banda ay nanirahan na si Lenie sa condominium ni Lance. Noong una ay hindi siya pumapayag sa offer nito pero pumayag na rin nang maramdaman ang lungkot sa kanyang tinitirhan na bahay.Si Lenie na rin ang naging secretary ng tatay ni Lance na si Mr. Alfredo Martinez nang tuluyan na siyang umalis sa Ramirez Group of Companies.Kung minsan ay sa mansion ng mga Martinez na rin siya kumakain dahil anak ang turin sa kanya ng mag-asawa. Lubos iyong pinagpapasalamat ni Lenie dahil kahit paano ay may pamilya ulit siya.Nasa hapagkainan sila nang kausapin ni Mr. Alfredo ang kanyang anak dahil kinukulit na niya itong magkaroon na ng asawa.“Aba, Lance. Kailan ka ba magkakaroon ng asawa? Natanda ka na anak, ah. Wala ka pa rin bang balak na lumagay na sa tahimik?” nang marinig iyon ni Lance ay halos mapaso na ang kanyang dila dahil umiinom siya ng tsaa noon.“Dad, I think, it's not the right time to discuss things like that. Nandito si Lenie, o. Nakakahiya sa kanya,” sagot ni Lance pa
Nasa isang kilalang hotel and restaurant sina Alice at Alexis noon kasama si Beverly. Trineat niya ang tatlo roon para makasama ang kanyang apo. “Yaya Sol, ilayo mo nga muna si Javi rito. May kailangan lang akong sabihin sa mga anak ko,” sabi ni Beverly. “Masusunod po, Ma’am. Javi, doon muna tayo maglalaro ha? Tara,” yaya ni Sol sa bata. “Ingat, apo. Baka mapaano ka sa daan kapag tumakbo ka, ah,” paalala ni Beverly sa apo. “No, Lola. Don't worry, I’ll be careful,” sagot ni Javi pagkatapos ay nginitian ang kanyang Lola Beverly. “Huwag po kayong mag-alala, Ma’am. Ako na po ang bahala kay Javi,” paninigurado ni Yaya Sol kay Beverly. Nang makalayo na ang dalawa ay hinarap na ni Beverly sina Alice at Alexis. “Alexis, bakit hindi mo pa pakasalan si Alice? After all, she is the mother of your child,” deretsahang sabi ni Beverly, gulat na gulat noon si Alexis samantalang si Alice ay tuwang-tuwa sa narinig. “Mommy, ‘yon na nga eh. She is only the mother of my child. I respect her but I
Lagi nang nagkikita sina Alexis at Lenie roon sa condo pero labis pa rin silang nag-iiwasan. Kung minsan ay sinusubukan naman ni Alexis na makipag-usap sa dating nobya pero hindi talaga siya binibigyan ng pagkakataon nito.Parehas silang papasok sa elevator noon kaya nag-offer ito ng tulong kay Lenie. “Ako na ang bahala sa mga dala mo, mukhang nahihirapan ka, e. Akin na iyan,” pilit na kinukuha ni Alexis ang bag at ilang papeles na hawak ni Lenie.“Mr. Ramirez, I don't need your help. Kaya ko na ito. Isa pa, alam ko na ang strategy na ginagawa mo kaya hindi na gagana sa akin iyan,” deretsahang sagot naman ni Lenie.Nang makapasok na sila sa loob ng elevator ay ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa. Amoy na amoy ni Lenie ang pabango ng dating nobyo. Aminado naman siya sa kanyang sarili na miss na niya ang pabangong iyon.“This is not a strategy, Miss Santos. I just want to help you. I'm being a gentleman h
Papasok na noon si Alexis sa RCG nang makasabay niya sa paglabas ng kwarto si Lenie. Naka office skirt ito kaya alam niyang papasok na rin ang dating nobya sa trabaho.Si Alexis naman ay naka business casual naman si Alexis dahil may maaga itong meeting mamaya sa RCG. Nang magtama ang kanilang mga mata ay umiwas agad si Lenie nang tingin sa kanya. Dahil lagi nang nakikita ni Alexis na magkasama sina Lance at Lenie ay hindi na niya naiwasang hindi magtanong kung ano ba ang estado ng dalawa.“Lenie, wait. May itatanong lang sana ako,” pagpigil ni Alexis sa dating nobya.“Ano naman iyon? Mr. Ramirez, I don’t have much time. Kailangan ko nnag pumasok sa trabaho,” inis na sagot ni Lenie.“K-Kayo na ba ni Lance?” nauutal na tanong ni Alexis, ni hindi niya matingnan sa mata si Lenie.“Paano kung oo? May magagawa ka ba?” matapang namang sagot ni Lenie.“W-Wala, pero kayo na nga? Hindi mo man lang sinunod ang three-month rule? Ganoon lang ba kabilis para sa iyo-” hindi na natapos ni Alexis ku
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les
Biglang naalala ni Alice na tumawag si Lenie sa kanya noong nakaraang araw. Doon niya nakumpirma na totoo ang sinabi ng babaeng kaaway niya.“Ah, alam ko na. Magkasabwat kayo, ano? Ano ba ang mapapala niyo ni Lenie kapag kinidnap niyo ang anak ko?!” sigaw ni Alice, pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.“Kasabwat? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Lester.“Noong isang araw, tumawag sa akin si Lenie. Sinabi niya na kikidnapin mo si Javi!” naiiyak na sabi ni Alice.Tanging tawa lang ang narinig niya mula sa kabilang linya. ‘Yong tawa na iyon ay parang naiinis na hindi mo maintindihan.“Ano? Totoo naman ‘di ba? Kasabwat mo siya!”“Ako lang ang nagplano noon, Alice. Pero tama ka, sinabi ko sa kanya na kikidnapin ko ang anak mo. Sana pala ay naniwala ka na lang sa kanya, ‘no?” sabi ni Lester pagkatapos ay tumawa ulit.“Sige, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo at ‘yon ang ibibigay ko sa iyo! Para matapos na ‘to!” “Paano kung sabihin ko na sarili mo ang gusto ko? Mapagbibig