Makalipas ang ilang araw ay sinabi na nga ni Vanessa na ayaw ni Alice na sa RCG sila mag-uusap. Sakto namang nasa opisina ni Alexis si Lenie kaya narinig niya ang lahat. Gulat na gulat siya pero wala na siyang magawa dahil tuloy na tuloy na ang pag-uusap nina Alexis at Alice.“May I come in, Sir?” sabi ni Vanessa.“Sure. What is it, Vanessa? Na-contact mo na ba siya?” tanong ni Alexis.“Yes po, Sir. Kaso, ayaw niya po na dito kayo sa RCG mag-usap,” sagot naman ni Vanessa.“Bakit daw? Kung ayaw niya rito, book a restaurant na malapit dito sa RCG. Thank you,” sagot ni Alexis.“Wala naman po siyang sinabi, but, I already did, Sir. Nag-book na po ako ng dinner for two para sa inyo po ni Miss Alice Salvacion sa King Olaf Steakhouse and Cafe,” sagot ni Vanessa habang nakangiti.“Make it dinner for three.,” utos ni Alexis.“Ha? Bakit po, Sir? Ang utos niyo po kasi sa akin ay kayo lang po ni Miss Salvacion, hindi ba?” pagtataka ni Vanessa, akala niya ay mali siya nang rinig sa utos noon ni A
Umuwi si Alice na stressed dahil sa pagkikita nilang tatlo. Hindi niya lubos maisip na babayaran siya ni Alexis para lang layuan niya ang kanyang anak. Buti na lang at wala si Lester sa bahay nila. Pwede siyang magwala at walang makakarinig. “Alam ko, ikaw ang nagpagawa noon kay Alexis. Todo deny ka pa kanina na wala kang alam. May dahilan na ko para kunin sa iyo si Javi. Maghintay ka lang! Gaganti ako, Lenie!” Inis na inis siya kay Lenie dahil siya lang naman ang nakikita ni Alice na dahilan para gawin iyon ni Alexis. Para mawala ang init ng ulo niya ay naligo na lang siya. Nagulat na lang si Alice nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, umuwi na pala si Lester. “Teka, naliligo lang ako, love!” sigaw niya, rinig niyang nasa may kama si Lester. Bigla namang pumasok sa loob ng CR si Lester. Wala nang pakialam kung hubo’t hubad si Alice. “Love, you're so sexy. Can I touch you?” sabi ni Lester, nakatingin ito sa mga bundok ni Alice. Dahil inis pa rin si Alice sa nangya
Nang pumunta sina Alexis at Lenie sa kotse ay pinagpatuloy na nila ang kanilang pag-uusap. Medyo kumalma si Lenie nang mapagalitan siya ng kanyang ina pero masama pa rin ang tingin niya kay Alexis.“Lenie, I’m very sorry. Aminado ako, mali ako sa nagawa ko sa iyo. Sa inyo ni Javi. Give me one more chance, aayusin ko ang gusot na ‘to. Kung kinakailangan na kausapin ko ulit si Alice, gagawin ko. Patawarin mo lang ako,” sabi ni Alexis.“No, hindi na kita bibigyan ng second chance. Leave me alone. Ako na ang bahalang kumausap kay Alice. Babae sa babae. Baka sakali, maawa pa siya sa akin. Tutal, wala naman talaga akong alam sa plano mong pag-ooffer sa kanya ng 1 billion pesos,” sagot ni Lenie pagkatapos ay umalis na ng kotse ni Alexis.Hinabol pa siya ni Alexis para ibigay sa kanya ang pagkain na inuwi niya galing sa King Olaf Steakhouse and Cafe. Ayaw tanggapin iyon ni Lenie pero mapilit si Alexis.“Lenie, para kay Javi na lang. Tanggapin mo na itong pagkain. Sige na, sigurado naman akong
Pumasok na si Lenie noon sa RCG. Nagtaka si Zyra dahil napansin niyang hindi pa nakakapag-ayos si Lenie ng kanyang sarili. Kinamusta niya ang kaibigan dahil sa itsura nito at marami na ring usap-usapan sa opisina tungkol sa paghihiwalay nila ni Alexis.“O, Lenie. Ayos ka lang ba? Aba, mukhang nakalimutan mong magbihis. Bakit hindi ka pa nakapang-office attire? Isa pa, late na late ka, ah. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Alexis. Miss ka na yata,” sabi ni Zyra na may halong biro.“Ah, tinanghali na kasi ako nang gising kanina. Tapos, itong si Alice ay hinatid daw si Javi sa school, kaya chineck ko pa kung totoo. Baka mamaya kasi ay tinangay na pala niya ‘yong bata eh,” sagot ni Lenie.“Ano? Si Alice ang naghatid sa kanya sa school? Naku, buti na lang talaga at chineck mo. Kahit naman kasi sino ay iyon ang iisipin. pero , teka. Bakit ka nga ba na-late nagising? Hindi ka naman ganoon ah,” sagot ni Zyra.“A-Ah, may pinanuod kasi akong palabas. E, ang ganda. Iyon, na-late ako nang gising. Nak
Agad na hinanap ni Lenie ang video na sinasabi ni Zyra pagkabalik nila sa opisina. Inis na inis siya dahil kalat na nga ang video at wala man lang sinasabi tungkol dito si Alexis. Para bang wala na itong pakialam sa kanya. Kaya, agad siyang pumunta sa opisina ni Alexis para kausapin ito. Buti na lang at wala naman siyang mahalagang meeting kaya nakapasok agad si Lenie. Gulat na gulat pa nga noon si Alexis. “O, Lenie. Bakit ka nandito? May problema na naman ba?” kalmado pang tanong ni Alexis, parang hindi sila nag-away ni Lenie. “Hindi mo ba nakita ‘to sa social media? Pinagpepyestahan na tayo online! Wala ka man lang bang gagawin? Alexis, pangalan mo ang nakasalalay dito. Ayos lang sa akin dahil wala naman akong iniingitan na pangalan, pero ikaw?” sabi ni Lenie pagkatapos ay pinakita nito ang video kay Alexis. “Alam mo, kahit ano namang gawin mo ay kakalat na iyan. Ilang pages na rin kasi sa social media ang nag-upload at post. Pero, hayaan mo. Pinapahanap ko na kung sino ang sourc
Nagulat naman si Alexis dahil sa sinabi ni Pearl. Todo isip siya kung ano ang motibo ni Alice para gawin iyon sa kanila ni Lenie. Oo, pwede niya ‘yong gamitin para masira si Lenie dahil gusto niyang makuha ang anak na si Javi pero para masira rin siya? Bakit naman siya idadamay ni Alice sa gulo bago pa man niya ito offer-an ng 1 billion pesos?“May sinabi ba si Alice sa iyo na dahilan kung bakit niya iyon ginawa sa amin?” tanong ni Alexis, naguguluhan pa rin.“Wala po siyang sinabi sa akin, Sir. Basta, pinagawa lang po niya iyon at ginawa ko naman. Sorry po!” sabi ni Pearl, takot na takot pa rin para sa kanyang kaligtasan.“Sige, makakaalis ka na. Itatago ka namin para hindi ka na makita ngayon ni Alice. Ilalagay kita sa lugar kung saan alam kong ligtas ka,” sabi ni Alexis.“Po? Ibigsabihin po ba noon ay hindi ko na po makikita ang pamilya ko? Sir, huwag naman pong ganoon! Sinagot ko naman lahat ng kailangan ninyong malaman. Hayaan niyo na po ako sa pamilya ko!” hiling ni Pearl, naii
Dumating na ang araw kung saan magkikita na sina Alexis at Alice. Dinala ng mga tauhan ni Alexis si Alice sa resthouse nito sa Batangas. Inaaway pa nga niya ang mga ito dahil natatakot siya.“Bitawan niyo nga ako! Sumama na nga ako sa inyo eh. Nasaan ba ang boss niyo? Ang tagal naman! Gusto ko na siyang makausap para masabi ko na ang totoo!” sigaw ni Alice.“Relax ka lang, Miss. Mamaya ay darating na rin iyon. Maghintay ka lang. Masyado ka namang atat eh. Hindi ka naman namin sasaktan!” sabi noong lalaking sobrang laki ng biceps pero hindi naman gwapo.“Tse! Alam niyo, kung hindi naman ako sisiputin ng boss niyo? Ibalik niyo na lang ako sa bahay ko. Nagsasayang lang ako ng oras dito!” sigaw pa rin ni Alice.Ilang minuto pa ay may isang magandang sasakyan ang pumarada sa resthouse kaya napatigil si Alice. Niluwa nito ang bagong gupit na si Alexis. Naka-buzz cut ito. Napaawang na lang ang bibig ni Alice dahil aminado siyang ang gwapo ni Alexis sa kanyang gupit.“O, iyan na pala ang hin
Nagyayang uminom sa isang bar ang kaibigan ni Alexis dahil na-promote ito sa trabaho. Habang si Alexis naman ay stressed na sa kanyang girlfriend kaya pumayag siyang sumama sa inuman nila kahit na hindi naman niya ka-close ang ibang bisita roon. “Lance, pare! Congratulations! Sabi ko naman sa iyo, makukuha mo ang promotion na iyan. Magaling ka kaya! Kapag naging CEO na ako sa RCG, kukunin kita at bibigyan ng magandang position doon!” sabi ni Alexis. “Aba, oo naman pare! Malay mo, doon pa ako makakuha ng asawa!” sagot ni Lance pagkatapos ay tumawa. “Loko ka talaga! Anyways, congratulations ulit. Sige, doon muna ako sa isang table. Kausapin mo na ‘yong iba mo pang bisita,” sagot ni Alexis pagkatapos ay umupo na roon sa couch na walang nakaupo. Patingin-tingin siya sa paligid noon at masasabi niyang marami ang nag-iinom na babae. Magaganda ang suot nito, panay nakakaakit pero pinigilan na niya ang kanyang sarili dahil ayaw na niya ng isa pang stress sa buhay. Nakakailang inom na siya
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa