Nang pumunta sina Alexis at Lenie sa kotse ay pinagpatuloy na nila ang kanilang pag-uusap. Medyo kumalma si Lenie nang mapagalitan siya ng kanyang ina pero masama pa rin ang tingin niya kay Alexis.“Lenie, I’m very sorry. Aminado ako, mali ako sa nagawa ko sa iyo. Sa inyo ni Javi. Give me one more chance, aayusin ko ang gusot na ‘to. Kung kinakailangan na kausapin ko ulit si Alice, gagawin ko. Patawarin mo lang ako,” sabi ni Alexis.“No, hindi na kita bibigyan ng second chance. Leave me alone. Ako na ang bahalang kumausap kay Alice. Babae sa babae. Baka sakali, maawa pa siya sa akin. Tutal, wala naman talaga akong alam sa plano mong pag-ooffer sa kanya ng 1 billion pesos,” sagot ni Lenie pagkatapos ay umalis na ng kotse ni Alexis.Hinabol pa siya ni Alexis para ibigay sa kanya ang pagkain na inuwi niya galing sa King Olaf Steakhouse and Cafe. Ayaw tanggapin iyon ni Lenie pero mapilit si Alexis.“Lenie, para kay Javi na lang. Tanggapin mo na itong pagkain. Sige na, sigurado naman akong
Pumasok na si Lenie noon sa RCG. Nagtaka si Zyra dahil napansin niyang hindi pa nakakapag-ayos si Lenie ng kanyang sarili. Kinamusta niya ang kaibigan dahil sa itsura nito at marami na ring usap-usapan sa opisina tungkol sa paghihiwalay nila ni Alexis.“O, Lenie. Ayos ka lang ba? Aba, mukhang nakalimutan mong magbihis. Bakit hindi ka pa nakapang-office attire? Isa pa, late na late ka, ah. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Alexis. Miss ka na yata,” sabi ni Zyra na may halong biro.“Ah, tinanghali na kasi ako nang gising kanina. Tapos, itong si Alice ay hinatid daw si Javi sa school, kaya chineck ko pa kung totoo. Baka mamaya kasi ay tinangay na pala niya ‘yong bata eh,” sagot ni Lenie.“Ano? Si Alice ang naghatid sa kanya sa school? Naku, buti na lang talaga at chineck mo. Kahit naman kasi sino ay iyon ang iisipin. pero , teka. Bakit ka nga ba na-late nagising? Hindi ka naman ganoon ah,” sagot ni Zyra.“A-Ah, may pinanuod kasi akong palabas. E, ang ganda. Iyon, na-late ako nang gising. Nak
Agad na hinanap ni Lenie ang video na sinasabi ni Zyra pagkabalik nila sa opisina. Inis na inis siya dahil kalat na nga ang video at wala man lang sinasabi tungkol dito si Alexis. Para bang wala na itong pakialam sa kanya. Kaya, agad siyang pumunta sa opisina ni Alexis para kausapin ito. Buti na lang at wala naman siyang mahalagang meeting kaya nakapasok agad si Lenie. Gulat na gulat pa nga noon si Alexis. “O, Lenie. Bakit ka nandito? May problema na naman ba?” kalmado pang tanong ni Alexis, parang hindi sila nag-away ni Lenie. “Hindi mo ba nakita ‘to sa social media? Pinagpepyestahan na tayo online! Wala ka man lang bang gagawin? Alexis, pangalan mo ang nakasalalay dito. Ayos lang sa akin dahil wala naman akong iniingitan na pangalan, pero ikaw?” sabi ni Lenie pagkatapos ay pinakita nito ang video kay Alexis. “Alam mo, kahit ano namang gawin mo ay kakalat na iyan. Ilang pages na rin kasi sa social media ang nag-upload at post. Pero, hayaan mo. Pinapahanap ko na kung sino ang sourc
Nagulat naman si Alexis dahil sa sinabi ni Pearl. Todo isip siya kung ano ang motibo ni Alice para gawin iyon sa kanila ni Lenie. Oo, pwede niya ‘yong gamitin para masira si Lenie dahil gusto niyang makuha ang anak na si Javi pero para masira rin siya? Bakit naman siya idadamay ni Alice sa gulo bago pa man niya ito offer-an ng 1 billion pesos?“May sinabi ba si Alice sa iyo na dahilan kung bakit niya iyon ginawa sa amin?” tanong ni Alexis, naguguluhan pa rin.“Wala po siyang sinabi sa akin, Sir. Basta, pinagawa lang po niya iyon at ginawa ko naman. Sorry po!” sabi ni Pearl, takot na takot pa rin para sa kanyang kaligtasan.“Sige, makakaalis ka na. Itatago ka namin para hindi ka na makita ngayon ni Alice. Ilalagay kita sa lugar kung saan alam kong ligtas ka,” sabi ni Alexis.“Po? Ibigsabihin po ba noon ay hindi ko na po makikita ang pamilya ko? Sir, huwag naman pong ganoon! Sinagot ko naman lahat ng kailangan ninyong malaman. Hayaan niyo na po ako sa pamilya ko!” hiling ni Pearl, naii
Dumating na ang araw kung saan magkikita na sina Alexis at Alice. Dinala ng mga tauhan ni Alexis si Alice sa resthouse nito sa Batangas. Inaaway pa nga niya ang mga ito dahil natatakot siya.“Bitawan niyo nga ako! Sumama na nga ako sa inyo eh. Nasaan ba ang boss niyo? Ang tagal naman! Gusto ko na siyang makausap para masabi ko na ang totoo!” sigaw ni Alice.“Relax ka lang, Miss. Mamaya ay darating na rin iyon. Maghintay ka lang. Masyado ka namang atat eh. Hindi ka naman namin sasaktan!” sabi noong lalaking sobrang laki ng biceps pero hindi naman gwapo.“Tse! Alam niyo, kung hindi naman ako sisiputin ng boss niyo? Ibalik niyo na lang ako sa bahay ko. Nagsasayang lang ako ng oras dito!” sigaw pa rin ni Alice.Ilang minuto pa ay may isang magandang sasakyan ang pumarada sa resthouse kaya napatigil si Alice. Niluwa nito ang bagong gupit na si Alexis. Naka-buzz cut ito. Napaawang na lang ang bibig ni Alice dahil aminado siyang ang gwapo ni Alexis sa kanyang gupit.“O, iyan na pala ang hin
Nagyayang uminom sa isang bar ang kaibigan ni Alexis dahil na-promote ito sa trabaho. Habang si Alexis naman ay stressed na sa kanyang girlfriend kaya pumayag siyang sumama sa inuman nila kahit na hindi naman niya ka-close ang ibang bisita roon. “Lance, pare! Congratulations! Sabi ko naman sa iyo, makukuha mo ang promotion na iyan. Magaling ka kaya! Kapag naging CEO na ako sa RCG, kukunin kita at bibigyan ng magandang position doon!” sabi ni Alexis. “Aba, oo naman pare! Malay mo, doon pa ako makakuha ng asawa!” sagot ni Lance pagkatapos ay tumawa. “Loko ka talaga! Anyways, congratulations ulit. Sige, doon muna ako sa isang table. Kausapin mo na ‘yong iba mo pang bisita,” sagot ni Alexis pagkatapos ay umupo na roon sa couch na walang nakaupo. Patingin-tingin siya sa paligid noon at masasabi niyang marami ang nag-iinom na babae. Magaganda ang suot nito, panay nakakaakit pero pinigilan na niya ang kanyang sarili dahil ayaw na niya ng isa pang stress sa buhay. Nakakailang inom na siya
Nanlaki ang mga mata ni Alexis nang ma-realize na si Alice pala ang babaeng iyon. Naaalala na niya lahat. Samahan pa ng DNA result na dala ni Alice sa kanyang bag.“Ngayong naikwento ko na lahat at naipakita ko na rin sa iyo ang DNA result ninyo ni Javi, kilala mo na ba ako? Malinaw na ba sa iyo kung bakit malaki ang galit ko sa inyo ng girlfriend mo?” tanong ni Alice, hindi na siya takot dahil naisiwalat na niyang lahat.“Oo, alala ko na. Pero, hinanap kita noon! Kaso, hindi naman kita makita. Ni pangalan mo ay hindi ko alam. Hindi ka na rin bumalik noon sa condo kaya inisip ko, baka wala lang sa iyo ang lahat ng iyon,” paliwanag ni Alexis.“Syempre, takot na takot ako noon kaya hindi na ko nagpakita. Kung alam mo lang kung gaano ko pinahalagahan ang gabing iyon,” sagot naman ni Alice.“T-Tapos, nagulat na lang ako, pagpasok ko sa RCG ay ikaw ang newly appointed CEO. Dinadaan-daanan mo lang ako noon. Sa bagay, marami rin kasing iba pang empleyado. Paano mo ko makikilala?” dagdag pa n
Pagkatapos ng isang linggo, habang nasa opisina sina Lenie at Alexis ay in-escort ni Celeste papasok si Amando, ang kanang kamay ni Alexis. Nagmamadali ito at parang may importanteng sasabihin sa kanyang boss.“Dito po tayo, Sir Amando. Sir Alexis, kailangan niya raw po kayong makausap,” sabi ni Celeste.“Salamat po, Ma’am,” sagot naman ni Amando.O, Amando. Bakit ka nandito? May problema ba?” tanong ni Alexis, alam niya kasing hindi naman siya pupuntahan ni Amando kung walang problema.“Si Pearl po kasi, Sir. Tumakas po siya sa amin pero nakita na lang po namin ang katawan niya malapit sa gubat. Sinubukan po namin siyang dalhin sa ospital pero hindi na po umabot eh. Hula po namin ay may kinalaman ang sulat na ito sa pagkamatay niya,” sabi ni Amando pagkatapos ay may binigay siyang sulat sa kanyang amo.Binasa iyon ni Alexis. Gusto mang maki-usisa ni Lenie pero hindi niya iyon magawa dahil ang nasa isip niya ay personal na problema iyon ni Alexis. Ayaw niyang makisawsaw. Isa pa, hind
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les
Biglang naalala ni Alice na tumawag si Lenie sa kanya noong nakaraang araw. Doon niya nakumpirma na totoo ang sinabi ng babaeng kaaway niya.“Ah, alam ko na. Magkasabwat kayo, ano? Ano ba ang mapapala niyo ni Lenie kapag kinidnap niyo ang anak ko?!” sigaw ni Alice, pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.“Kasabwat? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Lester.“Noong isang araw, tumawag sa akin si Lenie. Sinabi niya na kikidnapin mo si Javi!” naiiyak na sabi ni Alice.Tanging tawa lang ang narinig niya mula sa kabilang linya. ‘Yong tawa na iyon ay parang naiinis na hindi mo maintindihan.“Ano? Totoo naman ‘di ba? Kasabwat mo siya!”“Ako lang ang nagplano noon, Alice. Pero tama ka, sinabi ko sa kanya na kikidnapin ko ang anak mo. Sana pala ay naniwala ka na lang sa kanya, ‘no?” sabi ni Lester pagkatapos ay tumawa ulit.“Sige, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo at ‘yon ang ibibigay ko sa iyo! Para matapos na ‘to!” “Paano kung sabihin ko na sarili mo ang gusto ko? Mapagbibig