Hapon na noon, sinubukan ni Lenie na kumatok sa opisina ni Alexis pero nang sumilip siya ay may meeting ito kaya hindi na niya tinuloy pa ang pagkatok.Hinintay na lang niyang matapos ang office hours bago tuluyang makausap si Alexis. Hindi pa rin niya kasi alam kung may relasyon pa ba sila o wala na kaya ingat na ingat siya sa pakikipag-usap dito.“O, Ms. Santos, why are you still here? If I remember it correctly, wala naman na kong in-assign sayo na task nitong hapon. So, hindi ka na dapat ma-late nang uwi,” sabi ni Alexis, sila na lang kasing dalawa ni Lenie ang naiwan sa RCG.“Ah, hinintay ko kasi na matapos ka sa trabaho. M-May sasabihin sana ako sa iyo. Kung okay lang?” nahihiya pang tanong ni Lenie.“Sure, wait. Pumasok muna tayo sa office ko. Doon tayo mag-usap,” sagot ni Alexis, pagkatapos noon ay sumunod naman si Lenie sa kanya.Pagpasok nila sa opisina ni Alexis ay binuksan agad niya ang ilaw at pinaupo niya sa sofa si Lenie. Huminga muna siyang malalim bago tuluyang magsa
Nakita siya ni Hasmin kaya lumapit agad ito sa kanya. Halatang kabado ang kanyang ina dahil ang higpit nang hawak nito kay Lenie. Hindi pa siya napapansin ni Alice dahil busy ito sa pakikipaglaro sa anak.“Kanina pa po ba siya nandito? Ano po ang sabi niya sa inyo?” tanong ni Lenie.“Bibisitahin niya lang daw si Javi pero sabi niya sa akin kanina ay kakausapin ka raw niya. Importante raw. Baka kukunin na niya sa atin si Javi, anak,” sagot naman ni Hasmin, takot ang boses nito.“Po? Sige nay, pakipasok muna si Javi sa loob ng kwarto niya. Kakausapin ko po muna si Alice,” sagot ni Lenie, iyon naman ang ginawa ng kanyang ina pero imbes maging okay ay nagalit pa si Alice.“O, bakit niyo naman po papapasukin na sa loob ang anak ko? Kita niyong naglalaro pa kami, eh. Malabo na ba ang mata ninyo?” mataray na sabi ni Alice.“Sabi kasi ni Lenie sa akin, dalhin ko na raw sa loob si Javi dahil kailangan ninyong mag-usap ‘di ba? Akin na ‘yong apo ko, kung gusto mo ay mamaya na lang kayo maglaro,”
Dahil wala pa namang masyadong tao sa RCG ay kwinento agad ni Lenie kay Zyra ang pag-aaway nila ni Alice. Awang-awa si Zyra sa kaibigan dahil naiipit ito sa sitwasyon na hindi naman nito gusto.“Ano? Tutulungan mo ang babaeng iyon? Pagkatapos mo siyang tulungan na alagaan si Javi, hihingi naman siya ng tulong na mapalapit doon sa bata?!” “Oo. Siya ‘yong nanay eh. Hindi ko naman pwedeng hindi gawin iyon. Baka ipapulis niya pa ako at sabihin na kidnap ang nangyari 5 years ago,” sagot naman ni Lenie.“Siraulo pala ‘yang babae na iyan. Siya nga itong dapat kasuhan dahil bigla na lang niyang iniwan ‘yong bata sa bahay niya noon. Paano kung hindi ka dumating? E di patay na ‘yong bata,” sagot naman ni Zyra, halatang gigil na gigil siya.“Ewan ko na, ang importante lang sa akin ngayon ay kasama ko pa rin si Javi. Kung kukunin niya man ‘yong bata, ihahanda ko na lang ang sarili ko,” sagot ni Lenie.Dahil dumarating na ‘yong mga katrabaho nila ay tumigil na sila sa pag-uusap. Hirap na hirap tu
Kinabukasan, dahil day-off si Lenie ay tanghali siyang nagising. Nagising siya dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Pupungas-pungas pa siya noon pero nanlaki ang mga mata niya nang makita na nasa bahay na naman nila si Alice.“I said, I don't want to go with you!” sigaw ni Javi.“Anak, we will play there! Maraming toys doon! You want toys right?” sabi ni Alice.“I wanna go with Mama! Not with you!” sigaw ulit ni Javi.Napatingin na lang tuloy si Alice kay Lenie noon dahil ayaw sumama ng anak niya sa kanya. ‘Yong tingin na iyon ay kaawa-awa.“Baby, that's bad. ‘Di ba, I told you to be good when talking to people?” sabi ni Lenie.“Mama, I told her that I don't want to go!” sagot ni Javi.“Go where?” tanong ni Lenie pagkatapos ay humarap naman siya kay Alice para tanungin ito kung ano ba ‘yong sinasabi ng bata.“Saan ba ‘yong sinasabi ni Javi? Saka, bakit hindi ko alam na aalis pala kayo? Hindi ka man lang nagsabi kahapon,” tanong niya kay Alice.“ Sa mall sana. Bakit? Kailangan ba
Pagkatapos mamili ay kumain sila sa isang mamahalin na restaurant. Alam ni Lenie na kahit ilang sweldo niya pa sa RCG ay hindi niya kakayanin na ilibre roon si Javi. “Dito talaga tayo kakain? Ang mahal dito, ah. Baka hindi ko malunok ang order ko rito,” sabi ni Lenie. Bigla namang natuwa si Alice dahil sa wakas ay may kaya na rin siyang ipagmalaki kay Lenie. Hindi man niya alam ang nga ayaw at gusto noong bata ay kaya naman niyang ilibre ito kahit saan. “Hayaan mo na ‘ko. Minsan lang naman eh. Bumabawi lang ako sa anak ko,” sabi naman ni Alice. Tumango-tango na lang si Lenie noon. Habang tinitingnan niya ang restaurant ay bigla namang tumunog ang kanyang phone. Tumatawag si Alexis. “Hindi mo ba sasagutin iyan? Baka importante,” sabi ni Alice, napansin niya kasing hindi sinasagot ni Lenie ang kanyang cellphone. “Sige. Wait lang. Punta lang ako sa labas, ha?” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay lumabas na siya ng restaurant at sinagot ‘yong tawag ni Alexis. Pagsagot niya ng
Makalipas ang ilang araw ay sinabi na nga ni Vanessa na ayaw ni Alice na sa RCG sila mag-uusap. Sakto namang nasa opisina ni Alexis si Lenie kaya narinig niya ang lahat. Gulat na gulat siya pero wala na siyang magawa dahil tuloy na tuloy na ang pag-uusap nina Alexis at Alice.“May I come in, Sir?” sabi ni Vanessa.“Sure. What is it, Vanessa? Na-contact mo na ba siya?” tanong ni Alexis.“Yes po, Sir. Kaso, ayaw niya po na dito kayo sa RCG mag-usap,” sagot naman ni Vanessa.“Bakit daw? Kung ayaw niya rito, book a restaurant na malapit dito sa RCG. Thank you,” sagot ni Alexis.“Wala naman po siyang sinabi, but, I already did, Sir. Nag-book na po ako ng dinner for two para sa inyo po ni Miss Alice Salvacion sa King Olaf Steakhouse and Cafe,” sagot ni Vanessa habang nakangiti.“Make it dinner for three.,” utos ni Alexis.“Ha? Bakit po, Sir? Ang utos niyo po kasi sa akin ay kayo lang po ni Miss Salvacion, hindi ba?” pagtataka ni Vanessa, akala niya ay mali siya nang rinig sa utos noon ni A
Umuwi si Alice na stressed dahil sa pagkikita nilang tatlo. Hindi niya lubos maisip na babayaran siya ni Alexis para lang layuan niya ang kanyang anak. Buti na lang at wala si Lester sa bahay nila. Pwede siyang magwala at walang makakarinig. “Alam ko, ikaw ang nagpagawa noon kay Alexis. Todo deny ka pa kanina na wala kang alam. May dahilan na ko para kunin sa iyo si Javi. Maghintay ka lang! Gaganti ako, Lenie!” Inis na inis siya kay Lenie dahil siya lang naman ang nakikita ni Alice na dahilan para gawin iyon ni Alexis. Para mawala ang init ng ulo niya ay naligo na lang siya. Nagulat na lang si Alice nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, umuwi na pala si Lester. “Teka, naliligo lang ako, love!” sigaw niya, rinig niyang nasa may kama si Lester. Bigla namang pumasok sa loob ng CR si Lester. Wala nang pakialam kung hubo’t hubad si Alice. “Love, you're so sexy. Can I touch you?” sabi ni Lester, nakatingin ito sa mga bundok ni Alice. Dahil inis pa rin si Alice sa nangya
Nang pumunta sina Alexis at Lenie sa kotse ay pinagpatuloy na nila ang kanilang pag-uusap. Medyo kumalma si Lenie nang mapagalitan siya ng kanyang ina pero masama pa rin ang tingin niya kay Alexis.“Lenie, I’m very sorry. Aminado ako, mali ako sa nagawa ko sa iyo. Sa inyo ni Javi. Give me one more chance, aayusin ko ang gusot na ‘to. Kung kinakailangan na kausapin ko ulit si Alice, gagawin ko. Patawarin mo lang ako,” sabi ni Alexis.“No, hindi na kita bibigyan ng second chance. Leave me alone. Ako na ang bahalang kumausap kay Alice. Babae sa babae. Baka sakali, maawa pa siya sa akin. Tutal, wala naman talaga akong alam sa plano mong pag-ooffer sa kanya ng 1 billion pesos,” sagot ni Lenie pagkatapos ay umalis na ng kotse ni Alexis.Hinabol pa siya ni Alexis para ibigay sa kanya ang pagkain na inuwi niya galing sa King Olaf Steakhouse and Cafe. Ayaw tanggapin iyon ni Lenie pero mapilit si Alexis.“Lenie, para kay Javi na lang. Tanggapin mo na itong pagkain. Sige na, sigurado naman akong
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa