Makalipas ang ilang linggo ay biglang pinatawag ni Alexis si Lenie. Nagulat man siya pero excited siyang pumasok sa opisina ni Alexis dahil noon lang siya ulit pinansin nito.“Tawag ka raw ni Sir Alexis, Lenie,” sabi ni Celeste.“Ah, sige. May tatapusin lang ako pagkatapos ay susunod na rin ako,” sagot naman ni Lenie.Pagpasok ni Lenie ay pinaupo agad siya ni Alexis. Sumunod naman siya agad dahil seryoso ang mukha ni Alexis nang sabihin niya iyon.Ayaw na niyang magtanong kung bakit siya pinatawag dahil natatakot siyang baka galit pa si Alexis sa kanya.“I called you here to give you this,” sabi ni Alexis pagkatapos ay may binigay na papel kay Lenie.Kinakabahan si Lenie nang buksan niya iyon. Nagulat na lang siya nang makita ang isang DNA test result nila ni Javi.“Pina-DNA mo kami? Bakit? Paano?” tanong ni Lenie. Hindi niya alam kung matutuwa o magagalit siya kay Alexis noong mga oras na iyon.“That's not important. What I wanted to know now is the truth. Kung hindi mo anak si Javi,
Pauwi na si Lenie noon nang makita niya ang kanyang phone. Gulat na gulat siya dahil panay missed call ang kanyang ina.Pagpasok niya sa bahay nila ay nagulat na lang siya dahil nakita niyang nakikipag-away ang kanyang nanay sa isang babae. Napaawang na lang ang kanyang bibig nang makita kung sino ‘yon, si Alice. “Ano ba? Sinabi ko na ngang bawal mong makita si Javi! Hintayin natin si Lenie para magdesisyon kung paano natin aayusin ‘to!” galit na sabi ni Hasmin kay Alice.“Bakit naman magpapaalam pa ako sa babaeng ‘yon? E, ako naman ang tunay na ina ng bata! Dalian niyo na, ibalik niyo na sa akin ang anak ko!” sigaw naman ni Alice kay Hasmin.Pagkatapos sabihin ‘yon ni Alice ay nakita ni Hasmin si Lenie. Iyak siya nang iyak at humihingi ng tulong. Agad namang tinulungan ni Lenie ang kanyang ina. Hinarap niya si Alice kahit masama ang loob niya rito.“Alice, huminahon ka. Pwede naman nating idaan ‘to sa maayos na usapan. Huwag ganito. Nagpapahinga na ‘yong bata ngayon. Ayaw mo naman s
Hapon na noon, sinubukan ni Lenie na kumatok sa opisina ni Alexis pero nang sumilip siya ay may meeting ito kaya hindi na niya tinuloy pa ang pagkatok.Hinintay na lang niyang matapos ang office hours bago tuluyang makausap si Alexis. Hindi pa rin niya kasi alam kung may relasyon pa ba sila o wala na kaya ingat na ingat siya sa pakikipag-usap dito.“O, Ms. Santos, why are you still here? If I remember it correctly, wala naman na kong in-assign sayo na task nitong hapon. So, hindi ka na dapat ma-late nang uwi,” sabi ni Alexis, sila na lang kasing dalawa ni Lenie ang naiwan sa RCG.“Ah, hinintay ko kasi na matapos ka sa trabaho. M-May sasabihin sana ako sa iyo. Kung okay lang?” nahihiya pang tanong ni Lenie.“Sure, wait. Pumasok muna tayo sa office ko. Doon tayo mag-usap,” sagot ni Alexis, pagkatapos noon ay sumunod naman si Lenie sa kanya.Pagpasok nila sa opisina ni Alexis ay binuksan agad niya ang ilaw at pinaupo niya sa sofa si Lenie. Huminga muna siyang malalim bago tuluyang magsa
Nakita siya ni Hasmin kaya lumapit agad ito sa kanya. Halatang kabado ang kanyang ina dahil ang higpit nang hawak nito kay Lenie. Hindi pa siya napapansin ni Alice dahil busy ito sa pakikipaglaro sa anak.“Kanina pa po ba siya nandito? Ano po ang sabi niya sa inyo?” tanong ni Lenie.“Bibisitahin niya lang daw si Javi pero sabi niya sa akin kanina ay kakausapin ka raw niya. Importante raw. Baka kukunin na niya sa atin si Javi, anak,” sagot naman ni Hasmin, takot ang boses nito.“Po? Sige nay, pakipasok muna si Javi sa loob ng kwarto niya. Kakausapin ko po muna si Alice,” sagot ni Lenie, iyon naman ang ginawa ng kanyang ina pero imbes maging okay ay nagalit pa si Alice.“O, bakit niyo naman po papapasukin na sa loob ang anak ko? Kita niyong naglalaro pa kami, eh. Malabo na ba ang mata ninyo?” mataray na sabi ni Alice.“Sabi kasi ni Lenie sa akin, dalhin ko na raw sa loob si Javi dahil kailangan ninyong mag-usap ‘di ba? Akin na ‘yong apo ko, kung gusto mo ay mamaya na lang kayo maglaro,”
Dahil wala pa namang masyadong tao sa RCG ay kwinento agad ni Lenie kay Zyra ang pag-aaway nila ni Alice. Awang-awa si Zyra sa kaibigan dahil naiipit ito sa sitwasyon na hindi naman nito gusto.“Ano? Tutulungan mo ang babaeng iyon? Pagkatapos mo siyang tulungan na alagaan si Javi, hihingi naman siya ng tulong na mapalapit doon sa bata?!” “Oo. Siya ‘yong nanay eh. Hindi ko naman pwedeng hindi gawin iyon. Baka ipapulis niya pa ako at sabihin na kidnap ang nangyari 5 years ago,” sagot naman ni Lenie.“Siraulo pala ‘yang babae na iyan. Siya nga itong dapat kasuhan dahil bigla na lang niyang iniwan ‘yong bata sa bahay niya noon. Paano kung hindi ka dumating? E di patay na ‘yong bata,” sagot naman ni Zyra, halatang gigil na gigil siya.“Ewan ko na, ang importante lang sa akin ngayon ay kasama ko pa rin si Javi. Kung kukunin niya man ‘yong bata, ihahanda ko na lang ang sarili ko,” sagot ni Lenie.Dahil dumarating na ‘yong mga katrabaho nila ay tumigil na sila sa pag-uusap. Hirap na hirap tu
Kinabukasan, dahil day-off si Lenie ay tanghali siyang nagising. Nagising siya dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Pupungas-pungas pa siya noon pero nanlaki ang mga mata niya nang makita na nasa bahay na naman nila si Alice.“I said, I don't want to go with you!” sigaw ni Javi.“Anak, we will play there! Maraming toys doon! You want toys right?” sabi ni Alice.“I wanna go with Mama! Not with you!” sigaw ulit ni Javi.Napatingin na lang tuloy si Alice kay Lenie noon dahil ayaw sumama ng anak niya sa kanya. ‘Yong tingin na iyon ay kaawa-awa.“Baby, that's bad. ‘Di ba, I told you to be good when talking to people?” sabi ni Lenie.“Mama, I told her that I don't want to go!” sagot ni Javi.“Go where?” tanong ni Lenie pagkatapos ay humarap naman siya kay Alice para tanungin ito kung ano ba ‘yong sinasabi ng bata.“Saan ba ‘yong sinasabi ni Javi? Saka, bakit hindi ko alam na aalis pala kayo? Hindi ka man lang nagsabi kahapon,” tanong niya kay Alice.“ Sa mall sana. Bakit? Kailangan ba
Pagkatapos mamili ay kumain sila sa isang mamahalin na restaurant. Alam ni Lenie na kahit ilang sweldo niya pa sa RCG ay hindi niya kakayanin na ilibre roon si Javi.“Dito talaga tayo kakain? Ang mahal dito, ah. Baka hindi ko malunok ang order ko rito,” sabi ni Lenie.Bigla namang natuwa si Alice dahil sa wakas ay may kaya na rin siyang ipagmalaki kay Lenie. Hindi man niya alam ang nga ayaw at gusto noong bata ay kaya naman niyang ilibre ito kahit saan.“Hayaan mo na ‘ko. Minsan lang naman eh. Bumabawi lang ako sa anak ko,” sabi naman ni Alice.Tumango-tango na lang si Lenie noon. Habang tinitingnan niya ang restaurant ay bigla namang tumunog ang kanyang phone. Tumatawag si Alexis.“Hindi mo ba sasagutin iyan? Baka importante,” sabi ni Alice, napansin niya kasing hindi sinasagot ni Lenie ang kanyang cellphone.“Sige. Wait lang. Punta lang ako sa labas, ha?” sagot naman ni Lenie pagkatapos ay lumabas na siya ng restaurant at sinagot ‘yong tawag ni Alexis.Pagsagot niya ng tawag ay pan
Makalipas ang ilang araw ay sinabi na nga ni Vanessa na ayaw ni Alice na sa RCG sila mag-uusap. Sakto namang nasa opisina ni Alexis si Lenie kaya narinig niya ang lahat. Gulat na gulat siya pero wala na siyang magawa dahil tuloy na tuloy na ang pag-uusap nina Alexis at Alice.“May I come in, Sir?” sabi ni Vanessa.“Sure. What is it, Vanessa? Na-contact mo na ba siya?” tanong ni Alexis.“Yes po, Sir. Kaso, ayaw niya po na dito kayo sa RCG mag-usap,” sagot naman ni Vanessa.“Bakit daw? Kung ayaw niya rito, book a restaurant na malapit dito sa RCG. Thank you,” sagot ni Alexis.“Wala naman po siyang sinabi, but, I already did, Sir. Nag-book na po ako ng dinner for two para sa inyo po ni Miss Alice Salvacion sa King Olaf Steakhouse and Cafe,” sagot ni Vanessa habang nakangiti.“Make it dinner for three.,” utos ni Alexis.“Ha? Bakit po, Sir? Ang utos niyo po kasi sa akin ay kayo lang po ni Miss Salvacion, hindi ba?” pagtataka ni Vanessa, akala niya ay mali siya nang rinig sa utos noon ni A
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les
Biglang naalala ni Alice na tumawag si Lenie sa kanya noong nakaraang araw. Doon niya nakumpirma na totoo ang sinabi ng babaeng kaaway niya.“Ah, alam ko na. Magkasabwat kayo, ano? Ano ba ang mapapala niyo ni Lenie kapag kinidnap niyo ang anak ko?!” sigaw ni Alice, pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.“Kasabwat? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ni Lester.“Noong isang araw, tumawag sa akin si Lenie. Sinabi niya na kikidnapin mo si Javi!” naiiyak na sabi ni Alice.Tanging tawa lang ang narinig niya mula sa kabilang linya. ‘Yong tawa na iyon ay parang naiinis na hindi mo maintindihan.“Ano? Totoo naman ‘di ba? Kasabwat mo siya!”“Ako lang ang nagplano noon, Alice. Pero tama ka, sinabi ko sa kanya na kikidnapin ko ang anak mo. Sana pala ay naniwala ka na lang sa kanya, ‘no?” sabi ni Lester pagkatapos ay tumawa ulit.“Sige, sabihin mo sa akin kung anong gusto mo at ‘yon ang ibibigay ko sa iyo! Para matapos na ‘to!” “Paano kung sabihin ko na sarili mo ang gusto ko? Mapagbibig