3rd Person’s Point Of View*Nasa sasakyan ngayon si Maribelle at Gerald at napakagat ngayon sa kuko si Maribelle habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita niya talaga sa picture na nakayakap pa si Gerald sa katawan ng ibang babae habang naghahalikan ito.Napapansin naman ni Gerald ang reaksyon ni Mirabelle. Inaamin naman ni Gerald na naakit siya nung babaeng employee sa ibang department at sa katotohanan nun ay hindi lang iyon ang unang beses na naakit siya sa ibang babae. Dahil patago din siyang nambabae. Hindi niya mapigilan ang bagay na iyon at ganun na siya dati bago niya nakilala si Liliana at naalala pa niya ang unang pagkikita nila ni Liliana.Flashback…Tapos na silang nagpa-practice ng basketball ay naglalakad na sila palabas sa gym habang dala ang mga bags nila kasama ni Gerald ang mga kasamahan niya sa Varsity. Dahil sila ang pabato sa University nila bilang Varsity at maraming humahanga sa kanila at alam ni Gerald ang lahat ng babae ang nagkakagusto sa kanya hanggan
3rd Person's Point Of View*Nakarating na sila Mirabelle sa boarding house niya at sinundan naman siya ni Gerald sa loob at pagkasira niya ng pintuan at isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Gerald at walang emosyon na mukha ni Mirabelle ang nakikita niya."Ano ba ang sabi ko sayo?" walang emosyong ani niya kay Gerald. Nakikita ni Gerald na nagiging baliw na ito sa kanya noon pa man. At ngayon ginagamit na din siya nito.Dahan dahan naman niyang tiningnan si Mirabelle."Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na nalasing lang ako kaya nangyari yun?""Damn!"Kinuha niya ang vase sa gilid at binasag niya iyon na kinagulat ni Gerald. "Lasing? Seryoso?! Alam ko na kahit lasing ka ay alam mo ang ginagawa mo, Gerald! Alam ko na dati pa lang ay babaero ka na at akala ko nagbago ka na.""Nagbago?"Natatawang ani ni Gerald sa kanya."Baka nakakalimutan mo na babaero pa din ako dahil may girlfriend ako sa mata ng lahat ng mga tao pero ang hindi nila alam na may relasyon din tayo. Wag mon
Liliana's Point Of View*Dream..."Dad, Mom, babalik naman kayo diba?" umiiyak na ani ko habang nakahawak ako sa kamay nila.Umiiyak naman si Mom habang nakatingin sa akin at dahan dahan namang lumuhod si Dad para magkapantay kaming dalawa."Princess, gagawin namin ito para sa kaligtasan mo. Babalik din kami at bibisitahin ka namin."Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko ang pag-iyak ko habang hawak hawak ni Dad ang kamay ko."M-Matatagalan po ba."Natigilan naman silang dalawa sa sinabi ko at mas lalong naiyak ang Mom ko at di niya napigilang yakapin ako ng mahigpit."Princess, I'm so sorry!"Nagsunod sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kanila. "Please, aalagaan ka ng Grandpa at Grandma mo kaya magpakabait ka ha."Napatingin naman ako kina Grandpa at Grandma sa likod ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila pero kagaya ng dapat ginagawa ng mga bata ay dapat sumusunod ako sa utos ng magulang ko."O-Okay po... Last question po. Kaya po ba ninyo ako iiwan dahil
Liliana’s Point Of View*Naglalakad kami ngayon papunta sa isang maliit na bahay dito pa din sa forest. Nakahawak si Asher sa kamay ko habang naglalakad kami ngayon. Pupuntahan kasi namin ang libangan ko dito at papalaruin ko din siya.“Saan tayo pupunta ngayon, Wife?” mahinang ani niya sa akin at ngumiti ako.“Sa isang lugar na paborito ko. Dinala mo ko sa libangan mo na lugar which is firing range at ngayon ako na naman ang magdadala sayo sa paboritong lugar ko.”“Hmm… interesting.”“Simula bata pa si Liliana ay tinuruan ko na siya ng bagay na ito hanggang sa lumaki siya.” Napatingin naman si Asher sa akin.“Mukhang nagiging excited ako sa libangan ninyong dalawa ng Grandpa mo, Wife.”“I’m sure magugustuhan mo din ang pupuntahan natin.”Dahan dahan naman siyang tumango dahil sa bagay na yun.Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa lugar na paborito ko which is forest firing range din at may mga targets sa paligid at binuksan naman ni Grandpa ang bintana ng
Liliana's Point Of View*"H-Hubby, hindi mo naman ipipilit ang sarili mo sa akin diba?" Yun na lang ang sinabi ko dahil yakap yakap niya pa din ako at habang kumakain siya ng banana cue ay hinahalikan niya ako. Ang unfair naman diba!"What? Wife, what are you talking about?"Kunot noong ani niya sa akin.Bigla na namang lumakas ang ingay ng kidlat na kinagulat ko ulit at naramdaman ko na niyakap niya ako. Nakaupo naman kasi ako sa binti niya at tinakpan niya ang tenga ko habang nakasandal ako sa katawan niya."You scared of thunder?""Hindi ako takot noh."Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako takot sa kidlat pero bakit naging ganito ako ngayon para akong fragile na babae? "Don't worry, nandidito lang ako."Hinalikan niya ang noo ko na dahan dahan kong kinatingin sa kanya."Hubby, pasok na lang tayo sa loob. May isang kwarto naman sa loob mukhang matagal pang matatapos ang ulan.""Ganun ba? Okay."Napakapit ako sa kanya dahil binuhat niya ako ngayon."Kaya ko namang maglakad noh
Liliana’s Point Of View* Nagising ako at napatingin ako sa paligid at nasa maliit na bahay pa pala kami dahil umulan kanina at napatingin ako sa labas ng bintana at tumila na nga ang ulan at nung tiningnan ko ang phone ko ay tatlong oras kaming natutulog. Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing pa ding natutulog at nakita ko na yakap yakap pa din niya ako nang matigilan ako baka di na niya magalaw ang kamay niya dahil sa ginawa ko yung unan. Pero ayokong eestorbohin ang tulog niya dahil minsan lang siyang makakatulog ng mahimbing. Dahan dahan naman akong umupo at napatingin ulit ako sa kanya na peaceful pa ding natutulog at mabuti di siya nagising. “Ay tulog!” Nagulat ako nung naramdaman kong niyakap niya ang bewang ko kahit nakaupo ako. “Hubby, nakakagulat ka naman eh.” “…” “Gising ka na?” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Tulog pa ako. Bakit ka umupo? Higa ka ulit.” Napatawa naman ako sa sinabi niya. Tulog pa daw kuno. Hinila niya ako pero hindi ako humiga at lum
Liliana’s Point Of View* Nakabalik na kami sa bahay nila Grandpa at sumalubong agad sa amin ang caretaker namin na si Mang Bert."Mang Bert, nasaan po sila Grandpa at Grandma?"“Milady, pina-alam pala sa akin ng Grandpa at Grandma mo na aalis sila papunta sa kabilang city dahil may pupuntahan daw sila. Tinawagan ka nila kanina pero hindi ka naman daw nila sinagot.”Doon ko narealize na hindi ko dala ang phone ko.“Naiwan ko sa kwarto ko ang phone ko. Babasahin ko na lang doon. Salamat sa pagpapaalala, Mang Bert.”“Walang ano man po.”Nang naalala ko ang mga Aso ko.“By the way kumusta na po ang mga aso ko? Hindi na po ba sila nahihirapan?"“Okay na po sila at wag po kayong mag-aalala, Milady. Agad ko na po silang pinatingin sa Vet po."“Mabuti naman. Kung may kailangan pa po sila ay sabihin niyo lang po sa akin po kasi kailangan na din naming bumalik sa Condo. Lalakad na kami maya maya.”“Ako na po ang bahala dito, Milady. Update ko po kayo parati."“Okay, thank you ulit, Mang Bert.”
Liliana’s Point Of View*“Babe!”Agad niyang iniwan si Maribelle doon at hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako at hindi nawala sa paningin ko ang masamang tingin ni Maribelle sa akin at napaiwas siya ng tingin nung nakita ko na nakatingin ako sa kanya.“Babe, ang hirap ng pinagdaanan ko.”Napatingin ako sa kanya. Kailangan more affectionate ako sa kanya para mas lalong mapapaniwala ko sila sa bagay na yun.“Ano bang nangyari sayo, Babe? Ayos ka lang ba? Nakikipag rambulan ka ba?”“Hindi, nagising ako na nasa isang malayong lugar ako at wala ng gasulina ang sasakyan ko at di ako makakauwi at timing pa na lowbat pa ang phone ko nun.”Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya.“Huh? Paano nangyari ang bagay na yun? Saan ka ba galing bakit ka napunta doon? Hindi ka naman yung tipong tao na pagmamalasing ay nawawala sa sarili.”“Ang huling alaala ko ay nasa labas ako ng bahay ninyo sa may kakahuyan at pagkatapos nun ay wala na akong maalala.”“Huh? Kaya pala nagchat ka sa akin na
Liliana’s Point of View*Nagstretching na ako nung natapos ko ng macheck ang lahat ng mga pinasa sa akin at pinasa ko na agad kay Bart ang final output nang biglang tumunog ang email ko at nagmessage pala sa akin si Bart.‘Take care at magpakarami kayo, Bakla!’Yun ang sabi nang nasa email at natawa na lang ako sa chinat niya sa akin. “Baliw talaga tung barbie na toh.”Biglang may kumatok at napatingin ako kay Asher na may dala pala siyang pagkain na pang meryenda ko.Napangiti ako nung inilagay niya sa lamesa.“This is for you, wife.”“Thank you.”Tumabi naman siya sa akin na kinatingin ko sa kanya at doon ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.“Bakit?”“I love watching you.”“Pfft, pinagsasabi mo diyan.”“Naka-points kasi ako kaya good mood ako ngayon.”“Bakit ngayon lang ba? Parati ka ngang nakangiti pagmakikita mo ang mukha ko.”Napangiti naman siya. Ayan na nga yung sinasabi ko eh na kinapikit ko dahil nakakasilaw ang ngiti niya.Pero nagulat ako nung nagtama ang mga labi
Liliana’s Point of View*“H-Huh?”Biglang isang iglap ay naramdaman ko na niyakap niya ang katawan ko at dahan dahan na inilapit sa kanya at di ko na lang pinansin ang nilalang na tumitigas sa baba.“Hubby, I’m still tired from what happened between us last night. I'm still sore."“Don’t worry because I’ll take action this time, and you just stay put, okay?”Hala di talaga siya mapipigilan! Agad kong pinigilan ang mukha niya na hahalikan sana sa labi ko.“Ha! Teka lang!”Natigilan naman siya at tiningnan ako sa mga mata ko.“Hmm? What is it? Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Kulang pa ba ang performance ko? Sabihin mo sa akin at mag-aaral pa ako.”“Eh? Waaaa hindi ganun yun. Yung nangyari kasi kagabi ay tama lang yun sa beer na ininom mo. Wala ng iba sa bagay na yun. Nalasing din ako... Alam mo naman na malalasing ako agad agad di katulad ng sayo na matagal malasing."Nakikita ko na parang nanlumo naman siya dahil sa sinabi ko.“Did I force myself to you, wife? I’m sorry, I won’t d
3rd Person’s Point of View*Nasa isang magandang bahay ay nakaupo ngayon ang batang Asher habang nagbabasa kasama ang mga magulang nila dahil may binisita sila na kakilala ng mga magulang nila.Walang emosyon si Asher habang maayos pa ding nakaupo at umiinom ng tea.“Hindi namin alam na ganito pala ka-gwapo ng anak ninyo, Tiffanie, Ashton.”Napangiti naman ang mga magulang ni Asher sa mga magulang ni Liliana dahil sa sinabi nito.“Sigurado na magkakasundo sila ng older son namin na si Lorenzo dahil same naman sila ng edad.”Napatingin naman sila sa anak nila na nakatingin sa kanila at binaba ni Ashton ang tea cup niya. Sa batang edad niya ay matured na siyang gumalaw dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.“I also want to meet him in person, Mr. and Mrs. Everheart.”Napangiti naman sila sa sinabi nito at nagsign naman sila sa katulong na ipatawad si Lorenzo.“Pababain muna namin si Enzo, okay? Sigurado na magkakasundo kayo dahil kagaya mo ay gusto din niyang magbasa ng mga
3rd Person's Point of View*Dumating sa airport ang dalawang lalaki na nasa 50's na at kasama nito ang nakakatandang anak nito at tinanggal nito ang sunglasses habang nakatingin sa paligid. Kasama din nila ang mga bodyguards nila na pu-protekta sa kanila sa mga kalaban."I didn't know that the Philippines could be this hot," ani ni Mateo at napatingin naman siya sa anak niya na si Theo na tinanggal din niya ang sunglasses niya.Iniisip niya na makita niya ulit ang babaeng nakasama niya noon na hindi alam ng Dad niya ay sobrang excited na siya sa bagay na yun. Hindi lang nito sinabi dahil accident lang ang pagkikita nila noon."I don't care. As long as I get to see my future fiancée, I don't care about the heat right now. I need to beat that guy and win her over.""That's my son. Are you really sure you haven't seen their daughter yet?"Agad namang napailing-iling si Theo sa tanong ng Dad niya."Okay, let's go to the hotel first to rest, and tomorrow we'll visit Alessandro's grandchild
3rd Person’s Point Of View*Bago niya tinawagan si Liliana sa scene na ito ay busy siya sa pagtatrabaho.Nagtatrabaho ngayon si Asher nang biglang may tumawag sa kanya ngayon at di pa niya iyon pinansin dahil baka iyong nang-iinis lang na investors ang tumatawag pero dahil sa curiosity dahil baka asawa niya ang tumawag kaya tiningnan niya iyon at napakunot ang noo niya dahil unregistered number sa sariling phone niya mismo na tanging ang asawa lang niya ang nakaka-access. Dalawa kasi ang phone niya sa trabaho at para lamang sa asawa niya ang isa.Pero may tumatawag sa exclusive number niya. Sinagot naman niya iyon.“Young man, bakit ang tagal mong makasagot?” Natigilan siya nang marinig niya agad ang boses ng Grandpa ni Liliana.“Sire, paano niyo po nalaman ang number ko?”“Binigay ni Liliana sa akin. May sasabihin ako sayo and please protect Liliana.”Natigilan naman si Asher dahil sa sinabi ng Grandpa nito.“Who’s that bastard try to hurt my Wife?”“Just protect her. Hindi pa nami
Liliana’s Point of View*Lumabas na ako ng department at dumiretso na ako sa elevator at agad pinindot ang down button. Ang plano ko na sa text ko na lang sasabihin ang bagay na yun.Lumabas na ako sa kompanya at agad na akong nagpara ng taxi papunta sa boarding house ni Gerald. Pumasok na ako sa taxi at agad kong sinabi kung nasaan ang bahay ni Gerald at pinatakbo na ang sasakyan.Agad kong tinext ang Asawa ko na aalis muna ako para di siya mag-aalala kung saan ako pumunta pero di ko muna sinabi kung nasaan ako pupunta. Oh diba? Sinabi na aalis ako pero di ko sinabi kung nasaan.Nang napansin ko na tumatawag si Grandpa na kinakunot ng noo ko. Kaya sinagot ko iyon. Di ko talaga alam kung saan sila nagpupunta. Pinabayaan ko na lang dahil baka nagdedate lang silang dalawa ni Grandma at alam niyo na namamasyal sila na hindi man nila nagawa noon pa man dahil sa kabusy nila.“Grandpa, napatawag ka? Kumusta ang Honeymoon ninyo ni Grandma?”“What? Apo, hindi kami nagha-honeymoon.”Mahina na
Liliana's Point of View* Nakatingin ako sa mga mata niya at ngayon di na ako magpapatalo sa pagtitig niya sa akin. "Anong gagawin mo, wife?" Siningkitan ko siya ng tingin. "Alam ko na hindi mo yun magagawa at may dahilan ka kung bakit mo sila sinisante." Nagkatitigan kaming dalawa nang napangiti siya habang nakatingin sa akin. "You really know me?" Napangiti naman ako at tinulak ko ang mukha niya para lumayo sa akin. "Hindi ako makakarating sa position ko kung di ako marunong umintindi at magdedesisyon ng tama sa isang bagay at bilang isang may-ari ng isang malaking kompanya ay di mo agad papaalisin ang mga taong malaki ang tulong sayo." Nakatingin lang sila sa akin habang nakikinig sa sinasabi ko. "Mukhang may nagawa silang pagkakamali na ayaw na ayaw mo." Dahan dahan naman siyang napatango habang nakatingin sa akin. "You're right, hindi nga kami nagkamali na ilagay ka sa posisyong iyon. Actually, ang lahat ng empleyadong nandodoon ay binabalak na nakawan ang k
Liliana's Point Of View*Hindi ko na iniisip ang bagoong sa sitwasyon namin ngayon. Itutulak ko sana si Asher pero mahigpit niya akong niyakap."What are you doing here?"Napalunok si Bert nang magsalita si Asher at namutla."P-Pasensya na po, Mr. Windermere."Napayuko naman siya at ramdam ko ang panginginig niya at napabuntong hininga ako at napatingin kay Asher. "Don't look at my friend."Napakunot naman ang noo ni Asher at tinakpan ko ang mga mata niya para di niya tingnan si Bert."Come here, Bert."Napatingin naman si Bert sa akin at nagtataka pa din sa nangyayari ngayon. "Di na siya nakatingin. Don't worry.""H-How..."Lumapit sa amin si Caleb."Milady, anong gagawin po natin sa kanya?" Nagulat naman silang napatingin kay Caleb na parang sinasabi niya na pabagsakin namin si Bert."I will tell him the truth. Pero hindi dito at doon tayo sa opisina ni Ash--- niya. Opisina niya."Tinuro ko si Asher baka malabi sa labi talaga ako dito pagsasabihin ko pangalan niya. Mahirap na!Na
3rd Person's Point Of View*Sa Italya... Nakarating ang Grandparents ni Liliana sa mansion nila at agad namang napayuko ang lahat habang naglalakad sila papasok."Master, Madame."Napatingin naman si Alessandro sa Butler nila na bumati sa kanila."I heard there's another problem here? What's going on?"Napayuko naman ito at nagdadalawang isip kung sasabihin ba nito ang problema o hindi na."Tell me.""I heard that the Jones Family found out that you have a granddaughter, and they plan to marry her to their grandson."Napakunot naman ang noo nilang dalawa ni Alessandro dahil sa sinabi nito."Alessandro, gagawin nila ang lahat magkaroon lang ng koneksyon sa atin."Dahan-dahan namang napatango si Alessandro sa sinabi ng asawa nito na si Francesca."Do they already know about this? I know they're also against this from happening.""They're on their way home next week, and for young master he's arriving now.""Hmm..."Biglang nakarinig sila ng sasakyan sa labas at napatingin naman sila doo